57. Divisoria!

“Anak, bumangon ka na dyan at aalis na tayo.”

“Sa’n tayo pupunta, ma?”

“Sa Divisoria at dun tayo maghahanap ng uniporme mo.”

Kakambal na ng ilang major events sa buhay natin ang pagpunta sa Divisoria.  Mapapasko man o umpisa ng pasukan,  o basta kapag may kailangan kang bilhin, Divisoria ang nasa itaas ng lineup ng mga options mong puntahan.  Pwera nalang kung tipong nag-c-cramming na ‘yung nanay mo, malamang eh sa mall ang bagsak niyo.  Pero kelan ba nangyari ‘yun sa mga nanay natin?  So 94.53% of the time eh biyaheng Recto na ang sasakyan naming jeep.  Bakit kaya parang ang layo ng ruta nito mula sa bahay namin?

Divisoria ang pambansang SM ng Pilipinas.  Kung ang SM ay makamasa, ang Divisoria naman ay makatindero at tindera.  Wala lang, sinegway ko lang.  Gusto ko lang i-emphasize na napakaraming tindero at tindera dito.  Talagang kahit sa kalsada may mga nagtitinda eh.  Ano nga kaya ang pumasok sa utak ng mga naisip magdala ng sasakyan dito?  Nakasinghot ba sila ng rugby na hinalo sa Sprite?

Lahat na yata ng kaya nating maisip na pwedeng ibenta eh nasa Divisoria na.  Pigurin, orasan, tela, krayola, pulseras—ilan lamang ‘to sa mga samu’t-saring panindang makikita saan mang lupalop ng Divisoria.  Actually, meron nang mga helera ng tindahan pagkababa pa lang namin ng jeep ni mama around 100 meters from Divisoria’s boundary.  Okay ding mag-isip eh.  Mga labing-anim na minuto kaming maglalakad ng nanay ko bago namin matunton ang puso ng Divisoria—ang Tutuban Mall.  Ito na siguro ang pinaka high-end na mall dito.  Kumbaga, ito na ang closest thing to a mall.  Masarap naman kung kakain ka sa Tropical Hut pero andami nga lang tao.  Kung hindi mo trip sa Tutuban Mall, maglalakad ka nanaman ng mahigit sa labinlimang minuto para makapunta sa Divisoria Mall.  Ito ang hari ng wholesale.  Feeling ng ibang tindera dito e tindera rin ang nanay ko eh.

“Magkano limang pares ng medyas?”

“Madam kunin niyo na ho itong tatlong dosena, kapag wholesale makakatipid ka ng tatlong piso.”

Madalas bilhin ng nanay ko ang white polo at brown pants.  Isama mo na ang black shoes, puting sando, at Good Morning Towel.  Mura kasi talaga kung bibili ka ng maramihan.  Habang naglalakad-lakad kami para mamili eh sikreto akong naninipat kung saan banda ‘yung bilihan ng water gun.  Ang pagkakaalala ko eh sa 168 Mall pa kami nakabili nun.  Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit nakahelera ‘yung mga water gun kasama ng mga gamit sa kusina at punda ng unan.

Tanong ko lang pala sa mga Intsik na nagtitinda rito, dagdag ba sa bayad ng renta ng pwesto niyo kung nakangiti kayo habang nagtitinda?

– Tenco

Sa mga mahinhin, “Divi”. Sa mga barker, “Sorya!”

Para sakin, ang Divisoria ay ang mas malagkit na pinsan ni Cubao. Kung masikip sa Cubao, eh puta mas masikip dito. Kung mainit sa Cubao, e syet na malagkit, mas mainit dito. At kung madaming snatcher sa Cubao, e tangina, pati brip at panty mo, itahi mo na sa pachungchang mo para di madenggoy sa Divisoria.

Kailangan mo ng isang baldeng Elmer’s Glue? Meron dito.

Kailangan mo ng kalderong sinlaki ng bath tub? Meron dito.

At kung kulang pa iyon at kailangan mo ng pitong libong placemats na may naka-burdang last supper, siguradong meron dito.

Dito ako unang nakakita ng mga tinderang nanghahaplos ng pera sa mga paninda nila. Para saan ba yun? Pampaswerte? Buena mano epek? Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero kung bibigyan mo ako ng 237% discount sa limang pirasong sianse, eh sige lang Ate. Ihaplos mo yung bente pesos ko kahit sa mukha kong oiling-oily na. No problem.

Luis Biton. Mike. Adidax. Lacosta. Channel. Calvin Climb. Andito na lahat sa Divisoria.

Tem-i: Miss, magkano tong pantalon?
Tindera: 800 ser.
Tem-I: Mahal naman. Wala na bang tawad yan?
Tindera: Wala na po ser. Sagad na po yan.
Tem-i: Aah… sige, salamat na lang. (Paalis na ako, lilipat sa katabing tindahan)
Tindera: O sige ser, 150 na lang!

Pumunta ka dito pag pasko at lahat ng klaseng Santa Klaus eh makikita mo dito – Santa Klaus na tumatawa na parang witch, Santa Klaus na medyo kayumanggi (Santa Kulas), at Santa Klaus na mas payat pa kay Pepe Smith.

Parte na ito ng kulturang Maynila. Kahit di ka masyadong mahilig bumili ng gamit o damit, eh try mo lang pumunta dito para maramdaman mo ang DIVISORIA atmosphere. Kung gusto mong maging unforgettable ang experience mo dito, siguraduhing magdala ng madaming cash at isuot mo lahat ng mamahalin mong alahas.

Aaah… Soryasoryasoryasoryah!!!

– Tem-i

56. Anchakit!

Naranasan niyo na bang bumahing (umaching!) habang umiihi?

Alas otso na nang umaga.  Lumusot na ang sinag ng araw sa maliit na bukana ng kurtina ng kwarto ko.  Nakaka-anim na pindot na ako sa snooze button ng alarm clock ko.  Matigas na ang titi ko dahil ganun talaga kaming mga lalaki – laging tumitigas ang titi sa umaga.  Anyway, naiihi na din ako dahil naipon na ang ihi ko sa pantog.  Buong gabi kong itinago sa loob ng katawan ko ‘tong ihi nato at kelangan ko nang ilabas.  Ang kaso, eh inaantok ako kaya pinipigil-pigil ko pa habang tumatawad nang 5 minutes.

Kapag successful ang pagpigil ko ng ihi, eh nauuwi na lang sa utot.  Kapag naiutot mo na, medyo humuhupa ang sakit ng pantog at makakatiis ka ulit nang mga 10 minutes para makatulog ulit nang mahimbing.

Okay so mabalik tayo sa umagang ‘yon.  Pagkatapos ng ilang snooze, ilang pigil-ihi-utot moments, eh talagang kelangan ko na bumangon.  Kaya bumangon ako.  Dumerecho ako sa banyo para iihi na sa wakas ang ihing naipon sa loob ng katawan ko.  Pag labas ng ihi, napakasarap ng pakiramdam.  Kinikilig pa ako sa sarap.

Teka.  Sa ilang taon na binuhay ko sa mundong ito, ay never ko pa ito natatanong at nalalaman.  Mga babae, kinikilig din ba kayo pag umiihi?

Okay, back to my wiwi.  Ayun.  E di nasa kalagitnaan na ako ng pagwiwi ko.  Sa hindi inaasahang pangyayari eh biglang may naramdaman akong kati sa likod ng ilong ko, malapit sa may lalamunan.  Basta sa may bandang likod na parte.  Tapos yung kati eh parang umaandar papunta sa harap.  Nagsimula nang tumirik yung mata ko dahil alam ko na ang mangyayari.  Pero napaisip ako.  Shet.  Kapag nangyari to, eh siguradong sasabog ang ihi ko sa buong inidoro at kelangan ko magpunas!  Ayoko!  Haseliscious!  Hi Tikboy.

Ayan na, parating na talaga ang bahing.  Naiinis na ako sa sarili ko dahil alam kong sasabog ang ihi ko sa buong inodoro, at kung malas malasin pa ako, eh baka tumloy pa sa salamin ang 18% ng patak ng ihi.  Pero…

Boom.

(Sa halos magkasabay na pangyayari…)

Pangyayari #1: ACHING!!!  Talsikan ang laway at sipon sa ere.  Parang spray-net na unti unting bumababa hanggang sa maramdaman mo sa kamay mo, and then sa legs, and then sa talampakan…

Pangyayari #2: Sa hindi inaasahang pangyayari, tumigil ang ihi ko.  Wow.  Ganun pala yun.  Hindi ko sinadya pero kusa na lang talagang tumigil ang wiwi ko.

Pangyayari #3:  Parang mababasag ang tadyang ko!!!  Tadyang, sa pagkakaalam ko ay buto-buto o “ribs”.

Ano ang leksyon dito?

Siguro laging mangyayari yun. Siguro talagang laging mananalo ang bahing laban sa ihi. Kahit mauna ang ihi mo, eh kapag dumating na ang bahing, eh walang magagawa ang ihi.

Ihi:  “Psssssssssssss…..”

Bahing: “Tabeh!  Eto na ako!”

Ihi: “Psss… Ay ser, sorry po.  Mauna na po kayo.  This way please…”

Bahing: “ACHING!”

Nagpupunas ng mga patak ng ihi sa rim ng toilet, tumutulo ang sipon at masakit ang ribs…

Eto ang buhay ko bago pa magsimula ang araw ko.

— Tem-i


“O kapag iihi ka, itaas mo ‘tong takip na ‘to ha, tapos i-shoot mo ‘yung wiwi mo.”

Paalala sakin ng nanay ko ‘yan parati.  OC kasi siya sa bahay e.  Konting dumi, lilinisin.  Konting matapon, punas.  Kaya pampatigil ng momentum sa pag-ihi ‘yung kelangang i-shoot ko ‘yung ihi ko.  Dagdag sa iisipin talaga.

Bakit kaya sa dinami-dami ng pwedeng mangyari habang umiihi ka e kelangan mong maaching?  Kawawa siguro yung mga 3 years old na bata kung mangyari sa kanila ‘to, dahil siguradong sabog ang ihi sa inidoro.  Kumbaga sa basketbol, imbes na dakdak ala-Jordan ang ihi sa inidoro, parang 3 points ni Don Polistico.  Ringless.

Malamang sinubukan niyo ring piliting nakabukas ang mga mata niyo habang umaaching.  Muntik nang magpalit ng pwesto ang retina at pilik-mata ko sa hindi maintindihang pangyayari e.  Kelangan nalang talagang pigilan ang pag-ihi.  ‘Yun na ang sagot.

Nagising ako nang madaling araw.  Kelangan ko nang mag-CR.  Pupungas-pungas pa ko habang umiiihi nang bigla nalang nagrebolusyon ang ilong ko nang walang pasubali.  Bago ko pa mapigilan ang ihi ko, isang mabilis na Zorro na ang tumira sa inidoro.

“Sino’ng umihi dito?!”

“Ay akala ko po nilinis ko.  Hindi pala.”

The following week:

“O anak dito ka na umihi sa arinola para hindi ka na lalabas ng kwarto.”

3:07 AM.  Naipon na talaga ang ihi ko sa pantog.  Kelangan ko nang pumunta sa may arinola.  Hindi naman talaga ako naaaching, pero subalit datapwat, bigla nalang nagngalit ang ilong ko at naramdaman ko nalang na kumulubot ang mukha ko at biglang..

“Aching!”

Na-hadouken ang wallpaper sa likod ng arinola at bumanda nang konte sa kahoy na sahig.

— Tenco

55. Praktis

Naranasan niyo ba ang sumali sa mga pakontest sa skul kapag kunwari, Linggo ng Wika o kaya hmmm teka ano ba…puta wala akong maisip na iba pang event sa skul!  Linggo ng P.E.?  May ganun ba?

Pero yun nga, naranasan niyo ba?  Teka, bat ko ba tinatanong sa inyo to?  E siyempre dapat naranasan niyo to diba?  Sorry na!!!  Please, sorry na…  Basilio?  Crispin?  Julio?  Julia?

Teka.  Time pers.  Gamot lang ako.

Game.

So diba, praktis muna.  Ayan na.  Madalas, class president na din ang nangunguna sa pagpractice ng performance.  Pero minsan, depende sa tema ng gagawin.  Kung sayaw, e di shempre, yung mga hip-hop na bigotilyo ang mangunguna sa choreography.  Hindi mawawala ang tic-tac na exhibition sa gitna ng sayaw.  Kelangan nila ilagay yun dahil dun sila magiging bida.

Kung interpretative dance naman, usually, mga bading or mga artistic na estudyante ang ginagawang in-charge diyan.  Alam na alam kasi nila kung kelan gagawin ang pinakasikat na interpretative move na “igalaw-ang-kanang-kamay-mula-kaliwa-hanggang-kanan-na-parang-may-hinihingi” move.  Or pwede din siyang tawaging “Palimos Move”, pero gagalaw from left to right.  Tangina hindi ko ma-describe nang tama.  Gets niyo ba?  Kung ma-describe niyo nang mas malinaw, pakilagay sa comments ha?

Usually, after school ang practice ng mga performances eh.

Kung mabait ang class adviser niyo, baka dalhan pa kayo ng meryenda habang nagpapractice.  Kung kurips naman ang titser niyo, baka bentahan pa kayo ng Ques-o sandwich at Zesto.  Hindi mo na nga napanood ang Kimba The White Lion sa hapon dahil sa punyetang praktis na yan, nakaltasan ka pa ng 6 pesos dahil sa meryenda!  At ang matindi diyan, kelangan mo pang magpaiwan sa serbis dahil late na matatapos ang praktis niyo!  Tangina naaalala ko pa lang, tumataas na ang alta-presyon ko!  At hindi lang yon!  Dahil naiwan na ako ng serbis, makakaltasan nanaman ako ng 12 pesos na pamasahe pauwi!  At may 1-2-3 na yun ha!  Talaga naman oo!  Patayin mo na lang kaya ako Ma’am??!!!

Bwiset ka, Linggo ng Wikaaaaahhhh!!!!!!!!

– Tem-i

P.S. Kunwari pa ako, eh pagdating naman ng performance, bigay todo din ako.  Talagang makikita mo yung bibig ko na tahimik na bumibilang para hindi ako mawala sa steps.


“1-2-3-4-5-6-7-8,

8-7-6-5-4-3-2-1.

1-2-3-4,

1-2-3-4,

Pak!  Pak!  4-3-2-1!”

Perfect!  Okay break muna.”

Mga 1:35 ng hapon ‘to.  1994.  Grade 4 kami nun at excused kami sa klase.  Ganyan kame sa loob ng halos tatlong linggo.  Pinapraktis kasi namin  ‘yung steps ng sayaw namin e.  E ‘yun nga, pagdating ng actual performance e hindi hindi rin ako nakasayaw kasi tinulungan namin ng kasama ko ‘yung student teacher sa pagtimpla ng gulaman para sa field day.  Nabanggit ko na yata ‘to sa ibang blogisode e..

Nakakamiss ang pag-p-prakits.  Masayang school activity kasi ‘to e.  Pwede kang i-excuse sa klase tapos gagamitin niyo ‘yung klasrum ng teacher na dance instructor din namin.  Siyempre ang swerte ng klase niya kasi ‘yung mga upuan itatabi tapos libre daldalan at kulitan.  Walang klase e!  Woohoo!

Ang isa pang hindi ko makakalimutang praktis ay ‘yung para sa calisthenics.  Grades 1, 2, and 3 ang magkalaban nun.  Grade 1 ako nun.  E natural grade 3 ang mananalo!  Parati namang ganun e!  Kung sino ang pinakamatanda sila nananalo!  Samantalang sa pagkakaalala ko e sabay-sabay naman ang bilang namin.  Kapag nag-p-praktis nga kami e may mga lider sa harap tapos tahimik na pagbilang lang ang ginagawa namin pero sabay-sabay naman.  Sa tingin ko natalo kami dahil sa props e.  Yantok kasi ang gamit namin nun.  Sabi ko sa teacher namin baka pwedeng foil ang gamiting pambalot sa yantok para mas pansin ‘pag sa malayo.  E crepe paper ang sabi ni ma’am e parang hindi maganda sa mata ‘yun e.  Opinyon ko lang naman.

Napansin niyo bang may mga studyanteng kahit anong concentrate sa pagbilang e hindi pa rin talaga nakakasunod sa steps?  At kung sino ang madalas na napapagalitan sa klase e sila ‘tong pinakamagaling tuwing may praktis?

Ang pag-p-praktis ay nagiging daan din para humirit ka ng kahit konting dagdag sa baon kay nanay at tatay.  Syempre mauuhaw ka nun, e ayaw mo namang parati ka nalang iinom sa gripo sa may lababo sa palaruan ‘di ba?  Tapos magugutom ka pa.  Kahit pang-dirty ice cream lang na matamis ang apa pwede na.

“Ma penge pong baon ulit.”

“Bakit, may praktis ulit kayo?”

“Wala na po.”

“Wala na pala e.”

“Baka po magkaroon e.”

“Magtigil ka.”

Kapag may praktis, medyo nagiging maluwag ang school rules.  Konti rin ang mga assignment.  Wala masyadong exam.  Hindi naman mas maaga ang uwian pero at least hindi naman pagod ang utak mo.  Nakakamiss talaga.  At least taun-taon may ganito.  Kapag sa hayskul, lalo na sa college, e hindi na uso ang mga festive activity tapos hindi na ganun kasaya ‘yung mga praktis praktis na ‘yan para sa kung ano man.  Iba talaga ang feeling kapag nasa elementarya ka, batang gusgusin na nag-e-enjoy sa pagtaas-baba ng yantok sa saliw ng musika habang tumatambol ang isang titser para sabay-sabay ang bilang.  Boom, boom, boom boom boom (4, 3, 2 and 1)!

– Tenco

54. Taong Gabi Ka Ba o Taong Umaga?

Taong gabi ka ba o taong umaga?

Walang duda – panggabi ako.

Wala kang maaasahan sakin before 10am.

Walang akong gana kumain kapag maaga pa (before 10am).  Kahit Blue Bay Tuna Timplado pa ang almusal ko (Lechon Paksiw Flavor), eh siguradong hindi ako aabot nang dalawang pinggan.  After 10am, ayan, makaka-tatlong pinggan pa ako kahit kalahating lata na lang ng tuna ang natitira.

Hirap din ako ngumiti bago mag alas-diyes nang umaga.  Kahit iharap mo sa Dolphy sakin eh hindi mo ako mapapatawa.  Kahit ipakita mo sakin yung eksenang may nakataling tinapa sa gitna ng lamesa nina Babalu at Panchito at inaamoy lang nila yung ulam sabay subo ng kanin, eh malamang sa alamang, hindi pa din ako tatawa.  Siguro, ngingisi nang konti pero hindi tatawa nang may tunog.

Ipakita mo ulit sakin yung saktong eksenang yun sa tanghali o sa gabi at siguradong bubuhos ang uhog ko sa kakatawa.  Kaya ang galing ng Sine Klasiks sa Channel 5 non kasi after lunch siya pinapalabas.  Lagi akong tawa nang tawa kina Dolphy, Babalu at Panchito.  Pati sa pelikulang Robin Good (starring Jimmy Santos) eh tawang tawa ako.

Ano na nga bang sine ni Jimmy yung security guard siya sa isang village tapos isang araw, antok na antok siya.  Eh kelangan niyang magbantay sa guard house.  Kaya ang ginawa niya eh, nilagyan niya ng pekeng dilat na mata yung eyelids nyang nakapikit para habang tulog siya eh mukha siyang nakadilat.  Bwahahaha!  Klasik Jimmy!

Teka, ano na nga bang pinag-uusapan natin?  Ayuuun – panggabi o pang umaga.  Yun nga, hindi ako pang umaga for sure.  Actually, never ata ako naging pang umaga nung prep to gr 3.  Kaya ok sakin yun.  Pero nung pagtungtong ko ng grade 4, e puta lahat kelangan nang gumising nang maaga.  Ayun.  Bwiset.  Sarap manapak ng sanggol.

Pag gabi naman eh ok na talaga ang buhay ko.  Anjan na ang kwentuhan sa lamesa habang kumakain,pag abang kay Manong Balot, kulitan at kung anu ano pang childhood afternoon-evening activities.

Mauutausan pa akong bumili ng yosi ng tatay ko tapos kung ano ang sukli eh pwede kong ipambili ng Choc-nut or pop-rice.  Naaalala niyo ba yung pop-rice?  Yung parang kanin na malutong na nakabilog na kulay dilaw?  Sarap yun.  Pag maliit ang sukli, eh CHoc-nut ang banat ko.  Pero pag medyo malaki, e pop-rice naman.  Tatlong bilog sa isang plastik yun e.  Mga P3.50 ata yun dati.

Minsan pa, makakasabay ko si Jograd sa tindahan kasi nautusan din siya ng tatay niyang bumili ng Gold Eagle beer.

Tem-i: “Iinom nanaman mag-isa yung tatay mo?”

Jograd: “Oo, Tem. FPJ sa GMA na e.”

Tem-i: “Naaamoy mo ba yun?”

Jograd (tingin agad sa ilalim ng tsinelas niya):  “Ay puta…”

– Tem-i

Pang-umaga at pang-hapon ako.  Maaga akong natutulog sa gabi.  Mga alas-9 pa lang tulog na ko e.   Late na sakin ‘yung mga alas-10.  Hindi naman ako masyadong mareklamo ‘pag ginigising ako nang maaga.  Once gisingin na ‘ko, mabagal talaga ang kilos ko pero tuluy-tuloy.  Uupo sa harap ng mesa.  Kakain.  Mag-t-tutbrash.  Maliligo.  Magbibihis.  Kukunin ang baon.  Papasok.

Parati akong pang-umaga sa skul.  Isang beses lang akong naging pang-hapon, nung grade 2.  Okay din kasi kahit paano e hindi ka gigising nang maaga.  Mapapanood mo pa ang Asia Business News sa Channel 2, at Face the Music at Name that Tune sa Channel 9.  At ‘pag alas-10 na, lipat agad ulit sa Channel 2 para sa cartoons na dinub nina Danny Mandia at Alex Agcaoili, ang pioneers ng industriya ng dubbing sa Pilipinas.  Ang pinaka tumatak sakin nun e ‘yung Julio at Julia, Kambal ng Tadhana at Peter Pan.  Ang sarap panoorin e.  Feel na feel mo ang pagkabata mo ‘pag pinapanood mo ang mga ‘yan ‘di ba?  Haaayyy sarap..

Habang nagsusuot na ‘ko ng sapatos bago pumasok sa skul e palabas na ang Teysi ng Tahanan.  Okay din ‘tong panoorin kasi sanay na sanay mag-host si Ms. Tessie Tomas e.  Swabeng swabe ’to sa panlasa ng sambahayang Pilipino.  ‘Di ko na masyadong naaabutan ang Eagle’s Nest segment dahil baka ma-late pa ko sa skul.

Syempre kapag pang-umaga ka e alas-12 ang uwian mo.  Pagkatapos mong kumain ng tanghalian e magpapahinga ka nang konte bago matulog habang patapos na ang bulagaan  portion.  Kapag Valiente na, kelangan e nakapikit na ang mga mata mo.  ‘Di mo na masusubaybayan masyado ang magaling na aktres na si Odette Khan na gumanap bilang nanay ni Teo Braganza, ang mapusok na kontrabida opposite Gardo, na ginampanan ni Michael de Mesa.  “Valiente…  Valiente…  Hinubog ka ng panahon.  Valiente, Valiente…”  Umabot pa ng ikalawang aklat.  Klasik ka talaga, Gardo Valiente.

Kapag alas-4 na e pwede nang maglaro sa labas.  Naka-school uniform pa ko pwera ang polo, lalabas na ko kasi jolen tournament na ng mga 4:00 – 4:45.  Meron akong kalarong nakakainis ka sang asintado sa jolen e.  Si Rap-Rap.  Simpleng payabang kapag nakakasapul e.  Parati pa nyang hawak ‘yung sando niyang may lamang mga napanalunang jolen.  Bihira lang sigurong matalo ‘yun.  Anyway, pagkatapos e basketball na ng mga alas-5 up to sawa.  Kung anong ikinagaling ni Rap-Rap sa jolen e siya naming ikinasugapa niya sa basketball.

“Hoy mamasa ka naman!”

“Tira nang tira e!”

“Tangina mo nakawin ko jolen mo dyan e!”

Sinipa ‘yung garapon niya ng mga jolen.  Iyak si Rap-Rap.

– Tenco

53. Bagong Gising Part II

Bakit ba kelangan pang bumwelo bago bumangon sa umaga?  Hindi ba pwedeng pagkagising ng diwa mo eh, didilat ka kaagad at tatawa na?  Teka, para naman atang baliw yun. 

Bigla ko lang tong naisip ngayon kasi antagal ko bumangon eh.

Naaalala niyo ba nung nasa skul pa tayo?  Pag kelangan gumising ng umaga – either pang umaga ka nung elementary or high school ka na.

Nung oras na yun, eh dun ko talaga naintindihan ang ibig sabihin ng “5 minutes”.  Hindi ako magaling sa math nun pero alam na alam ko kung gaano katagal ang 5 minuto.  Sa lahat ng oras, 5 minuto ang pinaka-tantsado ko.  Pagkagising sakin ng tita ko, yan kasi ang una kong sagot – “5 minutes pa please…”  Tapos balik sa baba si Tita.

After 5 minutes, si Manang Sheila naman ang gigising sakin.  “Huy, Tim-i!  Gising ka na daw sabi ni Ati!”

“5 minutes pa…”, sagot ko.  “Amoy tinapa ka, Manang Sheila…”

Balik sa tulug, este, tulog.

After 5 minutes, e lilindol na sa kwarto ko dahil pabalik nang aakyat si Tita.

“Tem-i Dimaputi!!!  GIGISING KA BA O KAKAININ MO ‘TONG TSINELAS KO???!!!”

After 5 seconds, nasa banyo na ako, nakapikit habang nagsasabon.

Hirap talaga ako bumangon, lalo na pag nakanood ako ng wrestling kagabi.

Pero pag field trip naman, alas-dos pa lang nang madaling araw e dilat na dilat ka na.

– Tem-i

Alas-siyete ang pasok ko sa iskul.  Pero 5 o’clock ako gumigising at 5:15 ako umaalis ng bahay.  Nasa iskul na ‘ko ng 5:30.  Hinahabol ko kasi yung most punctual award eh.  Tatlumpung minuto akong malungkot.  Hindi nakangiti.  Medyo nakasimangot.  Parang tulala.  Ganun talaga ‘pag bagong gising.  At huwag na huwag lang tatapat sa Lunes dahil pinakabadtrip na sandali ‘yan ng buhay ko.

Bakit ang bata e hindi mo makausap nang matino ‘pag bagong gising?  Nagiging masungit talaga e noh?  Walang sigla, wala pang ganang kumain.  Saka minsan e nasusuka pa ‘di ba?  Saka alam mo ‘yung pakiramdam na parang naiiyak ka pero hindi naman talaga?  Parang ganun.  Hindi ko rin maintindihan e.  What’s wrong with you early morning?!

Pare-parehas tayong mukhang badtrip ‘pag bagong gising.  Para tayong pinagsakluban ng langit at lupa habang dahan-dahang nginunguya ang semi-malamig nang pandesal sa mesa dahil sa tagal ng pagkakatengga.  Pero ‘pag weekend, masaya ang pagbangon sa umaga.  Sakto pa talagang maganda ang sikat ng araw at mainit na hotdog ang nakahain sa mesa.  Kikiligin ka pa habang nakikita mo ang usok na galing sa mainit na kanin at unti-unting nawawala sa ere.

May point si Tem-i e.  Hindi nga ba pwedeng nakangiti tayo agad paggising sa umaga?  Saka kapag nagkukuwentuhan sa gabi tapos nakatulog ka, hindi ba pwedeng paggising mo e dudugtungan mo agad ‘yung huling word sa huling sentence mo kagabi?

“Pagpasa kay Meneses…!”
(pagdilat ng mata kinabukasan…)
“Sabay dakdak panalo ang Sunkist!  Teka tulog ulit ako…”

– Tenco

52. Eto Nanaman Kami!

Hellerzzz!!!

Haaay puta medyo napanis ang laway ko a.  Antagal na namin hindi nagpopost!!  Siyetz!!!

Okey sige eto na.  Nakakamiss din eh.  Pasensiya na mga repapiks.  Medyo madami din naganap sa mga buhay namin kaya nawala kami sa sirkulasyon.  Sana kung nandiyan pa kayo ay muli nating mabuksan tong tambayan natin para makapagshare ulit tayo ng memories.

Hmmm…

Ah eto.  Dahil, kakatapos lang ng undas, eh gusto kong simulan ang aming pagbabalik sa topic na tungkol sa…

Pets.

Ang una kong pet nun ay siyempre aso.  Si Brownie ang pangalan dahil siya ay kulay brown.  Hindi ako ang nagpangalan sa kanya.  Nung namulat ako at nagka-utak ay Brownie na ang pangalan niya.   Tingin ko, lolo ko nagpangalan nun e.  Pano ko alam?  Hindi ko alam.  Ganun talaga.  Mahilig ako manghula nang walang dahilan.  Baket?  Hindi ko alam.

Si Brownie ay galisin.  Pogi sana pero galisin.  Pero naaalala ko, kahit galisin siya, madami siyang natitirang aso sa kanto namin.  Lagi tuloy siyang inaasinan ng mga kapitbahay ko.  Alam niyo ba yun?  Yung aasinan mo yung et-et ng aso habang matigas pa ‘to at namumula at nakasaksak sa hiyas ng babaeng aso?  Parang hindi kasi nila matanggal eh no?  Tapos yun, may nakaisip siguro na asin ang panlaban sa mahigpit na dog-gina (dog vagina).

Anyway, namatay din ang galisin kong aso na si Brownie at hindi ako naiyak.

Ang sunod kong naging pet ay isang hamster.  Ang hamster ay mukhang daga, na mas malaki, mabalahibo at hindi sing kadiri ng daga.

Pinangalanan ko siyang “Yabadoodles” dahil yun ang suggestion sakin ng kuya ko.  Nung tumanda ako, dun ko lang nalaman ang ibig sabihin ng yabadoodles or “yag-ba-doodles”.  Naloko ako nun a.

Naging close talaga kami ni Yabadoodles kasi talagang hindi siya family pet.  Akin lang siya.  Kung hindi ako nagkakamali, napanalunan ko ata siya sa tapat ng skul namin.  Chambahan ito kasi madalas ay sisiw ang premyo.  Naaalala  niyo ba yun?  Yung kukuha ka ng papel at tatayaan mo yung board tapos pag binasa mo yung papel, makikita mo kung tumama ka.  At kung tumama ka nga, eh ibibigay sayo ang makulay na sisiw.

Nung araw na yun, imbes na sisiw ay hamster ang ginawang premyo.  Nanalo ako kasi star ang tinayaan ko at star nga ang lumabas pagkabasa ko nung papel.

Kung mali man ang kwentong iyon, eh malamang binilhan ako ng hamster.  Pero mas maganda yung unang kwento diba?

Ang bahay ni Yabadoodles ay dating aquarium na ginawa kong bahay niya.  Nilagyan ko ng mga lupa at kahoy-kahoy para mukhang gubat kahit hindi ako sigurado kung sa gubat nga sila nakatira.

Bahay ni Yagbadoodles

Isang araw, pag-uwi ko galing skul, ay nakita ko ang aquarium ni Yabadoodles.  Wala siya dun pero ang pader ng aquarium ay may pahid ng dugo.  Ayun, dun ako naiyak.  Tinignan ko ang screen window namin at nakita kong bahagyang nakabukas ito.  Dun sa screen window ay laging nakasilip si Muning, ang pusa-kal(ye) ng kapitbahay namin.

I’ll miss you Yag-ba-doodles…

– Tem-i

Masarap talagang mag-alaga ng hayop e noh?  Parang laruang hindi naman talaga laruan.  Pwedeng kausapin pero hindi naman talaga nagsasalita.  Alanganing mga katangian e noh?  Ang saya-saya!  Aw aw aw!  Sis boom bah!

Mukhang hindi naman uso ang mga dog show nung araw.  Hindi ako fan ng dog show.  Hindi ako nahilig kailan man sa dog show.  Gusto ko kasi ‘yung klasik na pag-aalaga ng hayop sa bahay e.  Hindi ako hater ha.  Hindi ko lang talaga trip yung i-w-walk mo ‘yung aso mo tapos mag-p-pose-pose sa gitna.  Parang hindi kasi natural eh.  Parang it’s all for the show.

Anyway, ang tagal ko nang hindi nakakapag-alaga ulit ng hayop.  Naaalala ko noon, una kaming nagkaroon ng alagang tuta.  Siguro, mga 42.8% ng mga Pilipino ang nagkaroon ng tuta bilang unang alaga.  Sumunod ang pusa, na nasa mga 17.4%.  Sari-sari na ang mga natitirang 39.8%.

Ito ang ilan pa sa mga hindi ko malilimutang alagang hayop:

Salagubang.
Marami ‘to sa probinsya.  Sakto kasi maraming puno ng mangga eh.  Hindi ako manghuhuli n’yan hanggat hindi umuulan.  Sapagkat ang ating bansa ay madalas nasasakupan ng intertropical convergence zone, malaki ang tyansang uulan sa pagitan ng alas-dos at alas-kwatro ng hapon.  Pagkatapos, pwede nang puntahan ang puno para yugyugin.  Bonus na ‘pag may salagintong mahuhulog, pero usually eh malulusog na salagubang ang masasalo mo!  Bwahahaha!  At ano ang susunod na gagawin?  Tama mga bata!  Kumuha ng doublemint at pagdikitin ang likod ng dalawang salagubang!  Wala bang doublemint?  Halina at dumekwat ng sinulid sa sewing kit ni lola at itali sa salagubang!  Mag ala-Indiana Jones at umikot-ikot habang no choice ang salagubang kundi lumipad!

Gagamba.
Ano’ng paborito niyo?  Gagambang ekis ba?  Gagambang kuryente?  Gagambang melon?  Gagambang talon?  O ang parelaks-relaks lang na gagambang bahay?  Madalas akong makahanap ng gagamba noon sa ilalim ng dahon ng San Francisco.  Kadalasan e gagambang bahay ang nakukuha ko.  Astig ang mga kapitbahay ko noon kasi pagbukas ng kahon ng posporo nila e tatambad na ang maangas na gagambang ekis nila.  Pinipili rin talagang mabuti ‘yung ting-ting na magiging arena nila e.  Maliksi ang gagambang ekis pero maraming sapot ang nagagawa ng gagambang bahay.  Sikat din ang mga may gagambang kuryente dahil bihira lang ‘yun.  Nakakuha ako nun dati sa kable ng water pump namin sa likod ng bahay.  Uhm!

Tutubi.
Okay, ito ang pinakamabilis kong inalagaan dahil pagkahuli ko rito e pinakakawalan ko rin agad.  Gusto kong tawaging alaga ‘to para lang sikat ako para ‘pag nagtanong ang titser, iba ang isasagot ko.  “O, anong alagang hayop niyo sa bahay?”  “Ma’am tutubing kalabaw po!”  Boom!  Pinakamadaling mahuli ang tutubing karayon dahil mabagal ‘to at pinakamahirap naming hulihin ang tutubing kalabaw.  Malaki ‘tong tutubing ‘to eh, pero napakabilis ampotah!  Three feet pa lang ang layo mo sa kanya e lalayo na sa’yo at malayung malayo pa talaga ang lipad.  Inang ‘yan!

Marami pang mga hayop ang pwedeng alagaan.  Kabilang na rito ang isda, kalapati, loro, baboy, tuko, at gansa.  Bwisit na gansa ‘yan, lakas ng trip manghabol eh!

– Tenco

About Alasais

Name: Alasais (6pm)

Born: Philippines (Pilipeenz)

Tem-i, Tenco and Tikboy are old school “kalye boys”.  Most of their lives were spent lounging around the streets of Metro Manila during the 90’s.  Come to think of it, they actually still do the same things up to now.

Take a trip down memory lane and indulge yourselves in the stench and beauty of their lives.  If you’re in your 20’s or even 30’s, chances are, you’ve been a Tem-i, a Tikboy or a Tenco at some point.

Enjoy our blogs.  Enjoy 6pm.

Bow.