21. Banyo

“Play a whisper…on my pillow…leeb da winter…on da ground…”

Yan ang laging kinakanta ng katulong namin na si Gina habang pinapaliguan ako nung bata pa ako.  Klasik ang banyo ng isang batang kalye.  Ang mga pader ng banyo ang nagsisilbing saksi sa ating musmos na hubad na katawan at iba pang mga ritwal.

Hindi ka huhusgahan ng pader ng banyo.  Kahit napakabaho ng tae mo ay wala kang maririnig na panghuhusga.  Kahit anim pa ang daliri mo sa paa ay wala kang maririnig.  Ang mga pader ng banyo ang totoong “man’s best friend”.  Napaka-walang basehan ng sinasabi ko.

Walang batang kalye ang hindi nagkaroon ng banyong may lumot.  Siguradong may isang sulok sa mga tiles ng banyo na madaming lumot.  Tignan niyong mabuti yung gilid gilid ng tiles at makikita niyo ang kulay green na hindi mo alam kung saan gawa na talaga namang kadiri pero nasanay na tayo kaya hindi talaga siya kadiri.

Meron ding mga banyo na may malaking bato sa lagayan ng sabon.  Ito ang pang-hilod.  Kung walang “luffa”, bato ang gamitin.  Siguraduhing magaspang ang bato.  Tanggal na ang libag, tanggal pa ang balat.  Isang araw ay nakiligo ako sa bahay nina Tongkets at may nakita akong pangkaliskis ng isda sa lalagyan ng sabon.  Ang kinis ng balat ni Tongkets ngayon.

Pagkagising sa umaga, derecho sa banyo.  Sa mga lalake, siguradong matitigas ang mga manoy niyo sa umaga kaya galingan ang pag-ihi dahil talaga namang mahirap i-shoot ang ihi sa inodoro kapag naka-saludo si junior mighty meaty hotdog.  Huwag na huwag sasabihin kay Ate kapag nalagyan ng ihi ang sabon niya sa mukha.  Bad idea.

Unang buhos ng tabo.  Mahirap tumayo nang kalmado sa unang buhos.  Lagi akong napapatalon at kandirit na parang boksingero dahil sa lamig ng unang buhos.  Hindi ko din mapigilang kaskusin agad ang aking mukha sa unang buhos ng tubig.  Bat kaya ganun?

Baradong inodoro – impiyerno ng buhay ko.   Wala nang mas nakaka-panic pa sa ichura ng tubig na tumataas mula sa inodoro.  Kung nakakatakot na ‘yan ay 10x na mas nakakatakot kapag may kasama pa ang tubig na ‘to.  Oo.  Tama ang iniisip niyo.  Umaakyat din ang tae.  Nakamamatay lalo na kapag hindi sayo ang taeng umaangat.  Sa mga nagtataka, oo, kilala ko ang tae ko dahil kumain ako ng mais kagabi.  At hindi ko tae ‘tong umaangat ngayon dahil balat ng munggo ang nakadikit sa taeng ‘to.

Nakakadiri talaga ang tubig na umaangat sa baradong inodoro.  Pero teka… ba’t ako tuwang tuwa ‘pag nagsu-swimming sa baha?

“It must’ve been love!  But it’s ooooooover nahahaaaw…”

– Tem-i


Sarili mong mundo ang banyo.  Isa rin itong masayang palaruan.  Walang makakakita sa’yo kundi ang apat na sulok at ang mumunting ilaw sa itaas.  Pati pala ang inidoro.  For some reasons, medyo natatawa ako kapag nababanggit ang inidoro.  Inidoro.  Inidoro.  Hahahahaha!  Inidoro.

Hindi kumpleto ang banyo kung walang tabo at inidoro.  ‘Yang dalawang ‘yan ang madalas kong maisip kapag banyo ang pinag-uusapan.  Nawawala talaga ang poise kapag nauupo sa inidoro e noh?  Mag-isip ka ng artistang tumatae sa inidoro.  ‘Di ba napaka wa-poise?

Pa’no ba kayo tumae?  Para bang tumutulak ng mabigat na aparador ang ginagawa niyong tunog?  O ma-pride kayong hindi mag-iingay?  Ang sarap kayang sumigaw habang tumatae.  Try niyo kahit mamaya pagpasok niyo ng banyo.

Madalas akong naririnig ni manang kapag tumatae, kaya tuwing natatapos ako e automatic na ang, “o i-flash mo agad ‘yan,” samantalang ako naman e busy sa kakapanood ng naglalanguyang kulay brown sa ilalim ng puwet ko.  Ewan ko ba, pangit naman ang itsura at mabaho pa ang tae, pero parang mina-magnet ang mga mata ko kaya napapanood ko silang umiikot-ikot at nag-d-disintegrate.  Hihinga ba ako sa ilong o sa bunganga?

Ang tabo naman, ginawa kong inumin nung minsang na-constipate ako.  Akala ko kasi lalambot agad ang tae ko kaya tinabo ko ‘yung tubig sa balde at pinag-iinom ko ‘yung 1/4 na laman.  Iyak ako nang iyak nun at hindi ko na maalala kung pa’no ako nakalusot sa nakakatraumang gabing ‘yun.

Nakakakabang nakakatawa ang paliligo sa umaga.  Pagbuhos pa lang ng tubig e hindi pwedeng hindi ako sumigaw nang pakanta at mag-jog in place e.  Tapos automatic nang kukuskusin ng kamay ko ang dibdib ko.  Minsan e maiisipan kong maglaro at i-splash ang tubig sa tabo sa kisame hanggang sa mapundi nang tuluyan ang ilaw.  ‘Pag basa na ang kisame e tutulo ang tubig na para bang umaambon.  Realistic!🙂

For some reasons e tuwang-tuwa akong laruin ang tubig sa tabo.  Isasaboy ko sa ding-ding, sa pinto, o sa salamin.  O ‘di kaya sa tao sa tapat ng banyo.  Basta may mabasa lang e tuwang-tuwa na ko.  Gusto ko rin ‘yung thrill kapag nilulublob ko ‘yung mukha ko sa balde na para bang nalulunod ako.  Kapag feeling ko e mamamatay na ko sa pagkalunod e iaangat ko nang mabilis ang ulo ko at mauuntog ako sa gripo.  Tanga.

Swerteng hindi naman ako nabagsakan sa paa ng malaking batong panghilod.  Hassle naman ang paggamit nito dahil ambigat kaya ang hirap linisin ang buong katawan nang maayos.  Basta puting Safeguard ang gamit ko e sigurado akong 99.9% of germs ang natanggal sakin.

Hay, gusto kong singhutin ang amoy ng Johnson and Johnson’s Shampoo.

– Tenco


Tiknay: Tikboy!!! Tama na ang paliligo at baka sipunin ka na! Lumabas ka na diyan at magpunas!

Tikboy: Oo! (sumagot kunwari para lang tumigil ang bunganga ng nanay). Talon Hulk Hogan! Sumisid ka lang! Yah! Yah! Lunurin mo siya Undertaker!

Hindi lang paliguan ang banyo, isa rin itong mini-playground ng mga batang kalye. Kahit kailan hindi nangyari na mas matagal ang pagligo ko kaysa sa paglalaro ko sa banyo. Magsasabon ka lang ng isang minuto tapos maglalaro ng isang oras.

Dito mo lang kasi malalaro ang mga laruan mo na kunwaring lumalangoy. Sa labas kasi eh puro buhangin at lupa lang ang na-eexperience ng mga laruan mo. Isa na rin ‘tong paraan para malinis ang mga lauran mong nangingitim na sa dumi.

Lalong tumatagal ang pagligo ko kapag kasabay ko pa ang utol ko. Syempre may kalaro na ko! Isa sa mga laro namin ng utol ko eh ang patagalan sa pagpigil ng hininga. Sabay naming ilulubog ang ulo namin sa balde ng tubig at kung sino ang unang umangat, syempre siya ang talo. Ako naman ang palaging talo pero minsan eh nananalo rin ako.

Kuya: O Tikboy pagbilang ko ng tatlo lulubog na tayo ha.

Tikboy: Sige.

Kuya: Isa…dalawa….tatlo! Lubog!

Tikboy: Hehe sige lumubog ka lang. Ubusin mo lang muna hininga mo, unggoy! (Bibilang muna ko ng sampu bago ko lulubog)

Syempre hindi rin mawawala ang bugahan ng tubig sa mukha galing sa bibig. Tapos ka na maligo at ang bango-bango mo na eh bigla kang bubugahan ng tubig galing sa bibig ng utol mo. Pupunasan mo na lang ng tuwalya ang mukha mo at tatamarin nang maghilamos pang muli.

Pagkatapos maligo…Tuwalya!!! Yan ang palaging eksena pagtapos maligo. Out of 20 times na papasok ka sa banyo para maligo eh isang beses mo lang maaalala na magdala ng tuwalya bago ka maligo.

– Tikboy

42 comments

  1. DEADPOOL

    hehehe…nkaka’miss isipin ang banyo! hanggang ngayon kapiling natin…
    na’aalala ko dati, pag natatae nko nyan instant transformation gnagawa ko nyan kahit sa harapan pa ng mga tita ko at mga bisita nila, para akong si shaider na hinubaran sa harap ng madaming tao! sabay takbo sa kubeta… ayan kubeta talaga! sabay bulwak ng matitinding malagkit na peanut butter mula sa pwet ko! paglabas ko ng kubeta siguradong may kutos ako sa mga tita ko at walang gustong dumikit sakin kasi pawis na pawis ako nun na parang dumikit sa balat ko ung scent ng peanut butter sa pwet ko! hehehehe
    sa pagligo naman eh yan ang gustong gusto ko nung bata ako kasi ang nagpapaligo sakin eh si irene ung seksing friend ng tita ko na ngaun eh adik na, sya lagi naghihilod sakin at xempre pangalawang babae na nka himas kay el fuego! hehehe!
    sarap nun!
    nung grade six na ako ayaw ko na magpaligo nun! natuto na din ako maglaro ng apoy sa loob ng kubeta kahit may tubig… hoy tem-i alam ko gnawa mo din un! kala mo huh!
    di ka makakalusot…
    ano pa ba! ah natatandaan ko nung nahulog ung sabon sa inidoro tapos bumara, nayari ako sa tito ko nun, sya kasi dumukot nun, ng di nya makuha gnamitan nya ng kahoy na may basahan para masundot ang galing nun!
    hehehe!
    sarap isipin ng banyo! parang 3rd world natin lahat pwedeng gawin at sa banyo lang may privacy… pwede din pang quickie diba…
    sige na tama na kakaisip ng kung ano ano!
    nabibinge na ako sa pumupokpok sa bubong!
    kambyo muna!!!

  2. alasais

    Deadpool and El Fuego,

    Bwahahaha! Anong laro ng apoy? Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala akong alam diyan! I…did not kill…ANYBADEEEEH!!!!! (Nora Aunor, “Sarah Balabagan Story”)

    Eh di siyempre tayung tayo naman si Fuegz nung pinapaliguan ka ni Irene! Bastos kang supot na bata ka!

    Isa nanamang kahindik-hindik na komento galing kay Deadpool mga kaibigan…

    Mabuhay si El Fuego! Nabuhay!

    Tem-i of Alasais

  3. anakngpating

    hehe ako dati kapag ibang bahay namamahay ako sa banyo ng iba kasi iba pa rin kapag sa sariling bahay nyo ginagawa ang ritwal hehe..
    di talaga pwedeng mawala ang tabo..
    at ang dayaan sa pag lublob..
    kayo ha magagaling kayo sumisid hehe..

  4. alasais

    Wagnuuuutz!

    Si Tenco at Tikboy ang mga magagaling sumisid dahil anlalaki ng dila…este…baga ng mga yan! Madami din akong kilalang namamahay sa banyo kaya ang sarap nila panoorin kapag nasa bahay kami ng iba. Hindi mo maipinta ang mga mukha nila. Sarap!

    Tem-i of Alasais

  5. TunYing

    ang banyo ang lugar ng aking mga pangarap at pantasya… hephep.. wag madumi ang isip!!! hahahahaha…. Sa loob ako ng banyo nagiging si Shaider, Si Goku, o kahit na si Zorro!!! hehehehe… Minsan nga nagiging Bon JOvi pa ako o di kaya Janno Gibbs! hahahaha… Pwede ako magdrama, action, comedy, musical… Kahit sold out na concert pwede ko gawin dito…hehehehe…

  6. AndreidAe

    hayyy…whatta title tlga..naaliw n nman akuh..

    kala kuh akuh lng may ganitong mga kalokohan sa buhay..madami pala tayo..hahaha..aakalain nyu bang ginagawa kuh padin magconcert sa CR hanggang ngaun??

    and kuya Tenco..ngaun kuh lng nalamang pareho tau ng gawain sa CR..trip kuh din xeng basain lahat ng part ng CR namin kea galit na galit at umuusok palagi ang ilong ng mommy kuh sakin..kala kuh talaga akuh lng may gnung gawain..ntawa nman akuh nung binabasa kuh ung entry muh..kewl..

    nice one guys!!

  7. adonis

    tem-i di ba flor contemplacion yon kay sarah balabagan si vina morales ata gumanap don (hahahaha)

    tawa ako ng tawa habang binabasa ko ang blog nyo..naalala ko rin ang banyo dito ko nagagawa lahat ng imahinasyon ko.. pagnaliligo ako lahat ng laruan kong tau tauhan kasabay kong naliligo at nagswiswming sa malaking palanggana kung saan inaabot ko ng 1 oras sa paglalaro. dito ko rin unang pinaputok ang unang luha ng kaligayahan ng aking partner in crime hahaha mga ma L lang ang nakakaalam non kung cno yon hahaha at ang banyo ang naging piping saksi sa mga pagpapaligaya ko sa buhay non akoy nagbibinata na at di na mapigil ang panggigil…

  8. alasais

    Adonis!

    Bwahaha!! OO nga pala~ Flor contemplacion nga pala yun! “Sinong mapalad…sino ang kaawa-awa…kami bang halos ang buhay ay, inaalay sa bansaaaaaaaah! Bagong bayani, na ang sandata ay luha…”

    Piping saksi hahaha! Umiyak ang alagang sawa ni Adonis. Uy, pwedeng title yun ng bagong pelikula ni Gardo Versoza ah!

    Tem-i of Alasais

  9. DEADPOOL

    adonis,

    akala ko! ako lang marunong gumawa ng fantasya sa banyo!
    ibang klase ka din pala!
    buti na lang may kadamay ako! sa tatlong mokong kaya sino kaya aamin djan!
    ang di umamin djan supot pa din! wahehehehe!
    juk lang yan hah!
    di na mapigil ang panggigil hahahahaha! ibang klaseng taglines yan ah!
    hanep na hanep!
    pinaputok ang unang luha ng kaligayan! hehehehe!
    amoy clorox!
    wuaaaaaaaaahhhhhahahaha!

    DEADPOOL

  10. adonis

    DEADPOOL:
    oo nga 2 palang tayong umaamin na ang banyo ang naging pipi , bulag at bingi mula sa ating mga pantasya.. pipi dahil walang ibang nakakaalam ng mga ginagawa natin pag tayo ay nasa loob na, bulag dahil wala syang paki kung ano mang ang laruin or himas himasin natin sa loob at nagbingibingian sya sa bawat sigaw pagnaabot na natin ang sukdulan ng pagnanasa…

    marami na din tyanak ang banyo mo…

  11. grasi

    ahay banyo.

    pag malamig ang tubig nakakatamad pumasok sa iskul. pero di ako makalusot kay erpat. pag humirit ako na malamig, banat nya.. magpainit ka ng tubig. at ang malupit nyang payo: unang buhos lang yan malamig kaya isala mo ang buhos at ung pangalawa ay ok na.😛

    ebak naman.. ahehehe. anak ng tae naman. parang mga multo daw yan e. pag pinag uusapan lalong lumalabas. daming mga kwentong ebak na di ko alam kung bakit sa aming magpipinsan eh twing kumakain napapagsimulang pag usapan. ung mga umaapaw na inidoro, mga umebak sa iskul at ung mga nadaanan sumabog na ebak sa kalsada. gross. mapapasarap ka talaga ng kain. yum!

    “must…move…legs…

    …must….reach…toilet…”

  12. alasais

    Grasi!

    Hahaha! “…can’t…smile…must…release…turd…”

    Unang buhos lang yan – Hahahaha! Oo nga naman. Basta ma-survive mo ang unang buhos eh swak ka na sa banga. Dami ko natutunan sa comment mo ngayon, Grasi ah. Pag pinag-uusapan lalong lumalabas hahaha!

    Good stuff!

    Tem-i of Alasais

  13. alasais

    Deadpool!

    Hahaha! Antanda mo na talaga! Hindi na 90’s ‘yan eh! Hayaan mo, idol ko din naman si Raymond Lauchenco at Herbert eh! Let’s see…

    Tem-i of Alasais

  14. balotlot

    bsta skn ang banyo ang fav part ng bahay pra skn… marami aq nagagawa d2 bukod sa magbawas, maligo, mag toothbrush, maghilamos, eh madalas tlg eh tambay aq sa banyo nmen lalo na d2 yun banyo d2 sa uae eh sarap matulog inside…nag ssakot me ng sudoku, crossword, basa ng newspaper,
    telebabad me d2.. at higit sa lahat ahahaha..
    hi-tech banyo d2 may wifi hahaha so lge me online hahaha… todo surfing aq…

  15. adonis

    Ang galing naman ng place mo para magsurfing solong solo mo talaga pag inabot ka na ng panggigil andyan ka na mismo sa fav. place mo magpakawholesome pa daw…

  16. Snowden

    Kapag banyo ang sinabi isa lang ang naalala ko ang’ALBATROS AIRFRESHENER’
    Astig yung ibat ibang kulay na nakasabit(mas trip ko yung red)

    Sa sobrang tagal ko sa paglalaro sa tubig nangungulub0t na balat sa daliri ko.(sino naka try na nito)

    Badtrip sakin mga kasama ko sa bahay dahil inaabot ako ng 30 mins sa pagjejebs.kaya ang tawag nila sakin LUBID.haha

  17. alasais

    Snowden,

    Bwahahahaha! Lubid! Bwahahahaha! Ganun naman talaga pag matagal ka nang nasa tubig ata, kumukulubot ang daliri na parang lola. Buti na lang at nabanggit mo yang albatros na yan. “Look for the bird, Albatros. The Deodorizer that works overtime. Ting!”

    Tem-i of Alasais

  18. ipe

    tama nga kayo.. sa mata ng isang bata, ang banyo ay nagsisilbi din playground at doon ay maaaring ilabas ang iyong imahinasyon..

    naaalala ko na ang banyo namen dati sa marikina.. nangingitim na tiles, inidorong malapit ng matanggal sa pagkasemento sa sahig, dilaw na bumbilya, madaming timba dahil madalas mawalang ng tubig, mga lamok, kiti-kiti sa timba, ang luma at matibay na tabo na kahit ilang laglag na ay buo pa din..

    nagmistulang palaruan ang aming banyo para sa akin.. dito ako minsan naglalaro ng basketball.. dala ang maliit na bola at ang sapayan na halos nakadikit sa pader.. iniisip ko noon na kakampi ko si magsanoc at benjie paras.. ng sumikat na sila meneses, sila na ang kakampi ko kasama si bonel balingit.. dati rin ay pinangarap kong maging body builder dahil lagi akong sinasama ng tatay ko sa panonood ng kanyang mga laban.. kabisado ko noon ang 7 basic poses.. at lagi akong nagwawagi sa mga body building competition sa banyo.. minsan din ay sabay2 kami naliligo ng mga pinsan ko.. dinala namin ang aming laruan sa banyo dahil gusto namen sila mag-exkarsyon.. kapag kasabay ko naman ang utol ko, madalas nya akong hampasin ng tubig mula sa tabo.. ang pakiramdam ay tila latay sa likod..

    di ko din makakalimutan ang banyo ng ako’y musmos pa.. dito ako naligo kasama ang aking pinsan na si garet bago kami tuliin ni mang maning..

    ipe: ano ba gagawin natin? bakit andito kyo?
    garet: sabi nila tito manny, tutuliin na daw tyo..
    ipe: ah tlga?! sino mauuna sa atin? ako na lang?
    garet: hindi! ako na?!

    binuksan na namen ang pinto ng banyo at nasaksihan namen na nilagyan ni mang maning ng alcohol at sabay sinindihan ng lighter ang karet (parang letter J na pang-putol ng damo).. pumasok ulit si garet sa banyo..

    garet: sige ipe! ikaw na ang mauna!!!

    tama din si tem-i.. napaka-hirap umihi kapag umaga dahil ang ating mga sandata ay laging naka-saludo.. napapaurong ang aking pwet tuwing iihi sa umaga.. kpag tatae naman, nasanay na ako na tumae ng nakahubad dahil sa aming munting banyo na talaga naman papawisan ka.. pagkatapos tumae, hindi pa maghuhugas bagkus ay aawit muna ng ilang mga kanta..

    pagkatapos laging maligo ay ang katagang “Daddy, twalya!” dahil iisa lang ang aming twalya noon..

  19. alasais

    Ipe,

    Hahaha ang lufet ng komento mo pare! Ngayon ko nalang talaga nabasa ulit ‘yung “exkarsyon” e. Salita ba talaga ‘yan? Exkarsyon!

    – Tenco

  20. Chadings

    Ipe!

    Korek ka jan! Ako din ay nahihirapan umihi at nakahubad din ako pag tumatae para derecho na sa liguan hahaha!

    Good blog guys!

    Katropa ko yang si Ipe Alasais Boys! Talagang napakalaki ng ano niyan!

    Hahaha!

  21. alasais

    Chadings,

    Pucha isang barkada na kayong nakokomento rito a. Tawagin niyo na rin ang mga kapitbahay niyo para inuman na!

    – Tenco of Alasais

  22. alasais

    Proper,

    Kung kabarkada niyo ‘yan eh malamang alam ko na kung anong ginagawa niyan sa banyo…tsk tsk tsk…kaya nauubos ang lotion ni Ate eh!

    Tem-i of Alasais

  23. ipe

    di naman lotion ni ate ang ginagamit ni chad kung hindi ang dagta ni yaya!!! hahahaha!!! =D

    madalas ngang madulas ang mga kapatid nya sa banyo!

  24. alasais

    Totoy Go Large,

    Hahaha! Dagta ni Yaya! Pwedeng maging title ng sunod na pelikula ni Gardo Versoza yan at Leandro Baldemor. Si Beverly Salviejo ang Yaya.

    Tem-i of Alasais

  25. Shuniegirl

    “Ma..tapos na!..”

    Yan ang eksenang namimiss ko sa tuwing pinag-uusapan ang banyo. Tatawagin si nanay pagkatapos tumae. Yong inidoro nami dati naka elevate kaya tumatalon ako sa sahig kapag pinapababa na ako ni nanay. Yon pala hindi ko alam, yong taeng nasa inidoro ay may kasamang isang payat na bulate. wow ulam!🙂

  26. alasais

    Shuniegirl,

    Haha klasik ‘yung tumatalon sa inidoro a. Ang saya kapag alam mong nandyan lang si nanay ‘pag may kelangan ka. Actually kahit marunong ka nang naghugas mag-isa tatawagin mo pa rin ang nanay mo e di ba? Kapag may bulate naman, ipapakita mo pa sa kanya. “Ayan tamang-tama kanin nalang!”

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s