37. Rewinder

“Ayan na, simula na!  Shhhhhh!  Ayan na…o kalaban ‘yan…ay hindi…kakampi pala…Prooot!”

Puta ambaho nanaman.

Masarap manood ng sine.  Mapa-totoong sine (gawa tayo ng hiwalay na blog tungkol sa sinehan, ok?  Abangan!), VHS o betamax, eh laging enjoy kahit hindi maganda ang napiling sine.  Noong panahon natin ay wala pang mga VCD at DVD.  Sino ba nagpauso ng mga yan?  Dahil sa inyo eh nagsarado ang mga rentahan ng beta at VHS sa may amin!  Habang sinusulat ko ‘to ay tinititigan ko ang Betamax unit namin na nag-iipon na ng alikabok.  Haay memories.

Nauso nang husto ang pagrerenta ng bala ng betamax.  Magpapamember ka tapos ayan na.  Tuloy tuloy na ang pagrenta.  Lagi kong hindi isosoli on time dahil likas lang akong tanga at tamad.  Pero ni minsan ata ay hindi ako nagbayad ng overdue payment dahil yung manager eh inaanak ng uncle ko na asawa ng tita ko sa mother side na kapitbahay din ng lola ko sa tuhod na inaanak ng aso nina Maricel Laxa.

Sa rentahan ay may Drama Section, Action Section, Comedy Section, Romance Section at siyempre sa may likod ng parte ng bidyo city ay may Bomba Section kung saan naghihintay ang mga suki kong sina Amanda Page, Rita Avila, Alma Concepcion at siyempre pa, si Gina Pareno!  Lola Gets!

Pag uwi sa bahay ay nagmamadali na akong umakyat sa kwarto.  Pagpasok sa kwarto ng kuya ko ay BAM!  Lock agad ng kwarto.  Ay sandale.  Bukas ulit ng kwarto.  Punta sa banyo, kuha ng lotion para makinis ang balat at hindi nagda-dry.  O ha!  Dadalhin ko ang lotion sa kwarto ulit para dun magpakinis ng balat.  Ayan.  Lock na ulit.  And then, isasalang na ang bala.  Ayan, nakatitig na ako sa TV.  Siyempre pag maganda na ang eksena ay…

Tok! Tok! Tok!

Puta pindot agad ng “pause”

“Sandale!  Ayan na bubuksan na nga eh!”

Sira ang session.

Buti na lang may rewinder kami.

– Tem-i


Betamax, sa sobrang sikat nito dati eh dito kinuha ang tawag sa inihaw na dugo. Siyempre common sense kung bakit betamax ang tinawag. Ito ang naglibang at nagpasaya sa’tin sa kanya-kanyang bahay.

Isa ‘tong rectangle na may mahabang film sa loob. May sticker na papel sa isang gilid para dun ilagay ang title ng pelikula. Kung sa mga maaayos na rentahan ka umarkila eh naka-typewriter ang sulat ng title nito pero kung sa pipitsuging rentahan ka eh sinulat lang ng may-ari gamit ang ballpen ang title.

Nanghihiram kami palagi ng utol ko sa kabilang street ng mga betamax. May rentahan kasi doon eh. Bahay lang siya na nilagyan ng bookshelves ang isang kwarto para lagayan ng mga betamax at tadaaan!!! Isang video rental na siya. Ang nagbabantay eh si Mang Efren, ang lolo nilang naiinip sa bahay. Walang bayad ang membership dun. Basta humiram ka sa kanya eh automatic member ka na.

Tikboy: Mang Efren, eto na po yung hiniram naming betamax.

Mang Efren: O sige. Teka, oberdyu na ‘to ah!

Tikboy: Mang Efren, di ba overnight lang ‘to. Di ba hiniram ko ‘to nung Linggo ng gabi. Kaya nagsimula pa lang ang oras nito nung Lunes na ng umaga. Eh Martes ngayon di ba po. Kaya saktong overnight lang po.

Mang Efren: (Nagkakamot ng ulo) Sabagay, may punto ka. Sige, sige sakto lang.

Ganyan ka-bobo este kabait si Mang Efren. Kaya suki kami dun eh. Lahat ng WWF events eh sa kanila namin hiniram tulad ng Royal Rumble, Wrestlemania, Summerslam at kung ano pang event yan.

Siyempre dumating rin ang VHS, ang upgraded version ng betamax. Ang DVD ng VCD. Mas marami kang malalagay na pelikula. Tatlo ata kasya dito eh. Pero ang pinaka-magandang lamang ng VHS sa betamax eh ang rewinder! Ewan ko lang ha pero ang alam ko eh walang rewinder ang betamax. Sa mismong betamax player mo siya i-rerewind at ang bagal ng prosesong yun.

Ano nga pala ibig sabihin ng VHS?

– Tikboy


Video Home Service and ibig sabihin nun Tikboy.  Hindi ko alam kung bakit kelangang mag-evolve ng betamax into a VHS.  Pinalaking cassette tape ang betamax.  Pinalaking betamax ang VHS.  Bakit ba mas malaki?  Para mas maraming mailagay?

Isang araw, bumili si papa ng betamax player.  Tapos may binili rin siyang mga bala syempre.  Bill and Ted Excellent Adventures!  Looney Tunes!  Ilang ulit din naming pinanood ‘to pero hindi nakakasawa.  Parang may sinehan sa bahay!🙂 Nakakamiss talaga kapag may inuuwing betamax si papa tuwing weekend at manonood kami.  Usually, cartoons ang pinapanood namin.  Pero kapag kasama ko ang mga kaklase ko, pupunta kami sa bahay nila at maghahanap kung saan ba ang secret taguan ng bold movies.  Ayun, nasa drawer lang pala ng tatay ni Richard, nakalagay sa ilalim ng mga papeles!

“Ano bang palabas ‘yan?”

“Basta tol magugustuhan mo ‘to.”

“Patingin nga ng title.”

“’’Wag na basta panoorin mo nalang!”

“Waaaaaaahhhhh!!!!!”

Ayan, namulat na nang husto ang mga mata ko.  Ilang beses din naulit ‘yun hanggang sa wala na kaming nakitang betamax sa drawer.  Nakahalata na yata.

Sinubukan naming magrenta ng betamax sa bahay na malayo sa amin.  Oo mga katoto, kailangang malayo.  Hindi dapat taga-samin ang rentahan para hindi ako mabubuko sa tatay at nanay ko.  ‘Pagdaan namin sa bahay na may rehas at mga bookshelf (ayon kay Tikboy) na punung-puno ng mga betamax, wala nang patumpik-tumpik pa.  Itatanong namin kung meron ba silang bold at mag-aalangang sumagot si manong hanggang sa pumayag na rin.  Derecho ulit kami sa bahay ng kaklase ko sabay lock ng kwarto.  Blag!

Anyway, paglipas ng panahon e napalitan ng VHS ang betamax.  Oo nga Tikboy, sa VHS yata nagsimula ang paggamit ng rewinder.  Hindi yata kame bumili nito e.  Sa VHS na mismo kame nag-r-rewind.  Mas mabagal kumpara sa rewinder.  Bakit ba kasing kailangang i-rewind pa?

Parati kong sinasamahan ni papa sa pagrenta ng VHS.  Sa ACA Video kame pumupunta noon.  Too bad at wala nang betamax😦 Iba pa rin talaga kapag betamax at makalumang player..

Ilang ba ang branches ng RA Homevision?  Nag-iisa lang ba ‘to sa buong Pilipinas?

(Kinain ng VHS player ang bala):

“Tok tok tok!”

“Sandali pooooo!”

“Ang tagal naman, paki buksan nga ‘to.”

“Anjan na poooo!”

“O bakit wala ‘yung VHS player dito?!”

– Tenco

35 comments

  1. esminitboy

    base!

    betamax. dati nakikinood lang kami sa mga tyahin ko. kasi wala kaming betamax player. ayaw din bumili ng tatay ko kasi tag-hirap kami dati e. nung bumili naman kami ng player, tsaka naman nagsimula mauso ung vcd. ang ending, ayun nasa isang sulok na lang ang player namin.

    tanda ko pa, minsan pinupukpok pa sa kamay ng tatay ko ung betamax para daw maalog yung alikabok sa loob tska hinihipan yung film. para daw maganda yung quality nung palabas. nung natutunan ko magpukpok, ayun napalakas, nasira yung betamax tape.

  2. alasais

    Esminitboy,

    Timing na timing ang pagbili niyo ng betamax player a. ‘Di bale, i-preserve niyo lang ‘yan at subukan niyong gamitin one of these days. Enjoy ‘yun! Hirap na ngang maghanap niyan ngayon e.

    Welcome pare!

    – Tenco

  3. butakal

    wahahaha… yung betamax player nmin buo p as in ngpplay p pati yung rewinder. minsan pag tamang trip lng nunuod ako dun kc may mga nktabing lumang tape p s bahay ska yung mga home video ng pasko, birthday, binyag, kasal, recitals at kung ano ano p!

    ayus k din tem – i eh… may dry skin at lotin k pang nalalaman hehehehe :p

  4. Batang 90's

    Hahaha. Hanggang ngayon, di ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan ng rewinder ng Betamax at VHS. Sabi daw nila para daw hindi masira yung unit mo. Parang di naman.

  5. superlolongpinoy

    Haha…teka anu ba pinag-uusapan natin Betamax o Rewinder…hehe sabagay magkapatid sa Pinoy ang dalawa na iyan. Tingin ko lang isang business din ang pagbenta ng rewinder. Mukhang tama si Batang 90’s sa obserbasyon niya. Kaya lang mukhang praktikal na may rewinder lalo na kung marami kang papanoorin na Beta o VHS tapes, kasi puwede may nakalimot na mag-rewind, eh abala pa. And dun sa mga rentahan, ayun kailangan talaga. Nung ikasal nga ako wala pang video kasi sobrang mahal pa ang video sa Betamax, puro pictures lang. Pero nakabili din ako ng Betamax & VHS. Mas maganda na ang quality ng video ng VHS tapes & puwede ng mas mahaba ang nailalagay kaysa Beta. Hanggang ngayon ay may VHS player ako kasi nga para sa mga video nung araw(lalo na ang mga kasal ng utols ko na di pa na-transfer sa DVD).Siyempre buhay pa rin ang rewinder na korteng kotse(medyo hi-tech ng konti kasi may fast forward)…kaya forwarder & rewinder…hehe

  6. alasais

    Jem,

    Haha klasik nga ‘yang korteng kotseng rewinder noh? Kulay red pa nga ‘yung madalas kong nakikitang ganyan dati e. Basta itabi mo lang ang VHS tapes mo para feel na feel mo ang pagbalik-tanaw sa memories.🙂

    – Tenco

  7. gnew

    tracking… hahahaha kung ano anong paraan.. iipitan ng tutpik.. tinuping maliit na papel… tissue.. etc… para lang luminaw ang gasgas na gasgas na sa kakapagpasa pasa ng vhs hiraman ng bold hahahah tatanggalin pa ung sticker na label tapos papalitan ng mga disney movie classics tulad ng lion king para nde halata pag nakita ng iba… hahahaha dame ko sana comments maski sa mga naunang mga post nyo mga tsong pero nasabe na kase ng mga naunang nag post kaya nde ko na tinutuloy.. hehehehe

  8. TunYing

    rewinder yung kotse pula ng kaklase ko…

    kala ko laruan yun kaso nung buksan ko yung pinto bumukas yung bubong…

    astig!!! nilalagay ko si batman di kasya nakita ako sabi rewinder daw yun ng vhs…

    WOW!!! hahahahaha… wala kasi kami nun eh! Hhahahahaha!

  9. anakngpating

    naalala ko may VHS ang kapit bahay namen nun bago pa kami magkaron ng sarili ..una kong napanood titanic na movie i think nasa 1996 ata lumabas ang VHS kasi sikat ka pag meron ka nun at may sarili kang rewinder na kotse na kulay pula ehhe..

    sa vcd na ko nakapanood ng bold haha..toinx..

  10. alasais

    Lovely,

    I commend you for telling us na nakapanood ka ng bold.🙂 Mabalik tayo sa VHS. Titanic? Nice movie ah. Tandang-tanda ko ang kamay sa salamin.🙂

    – Tenco

  11. Batang 90's

    Una kong napanood na bold, Playboy Fast Women, sa VHS. Hiniram namin sa neighborhood rental’s. Yung kalaro ko yung humarap sa masungit na ale na bantay para mahiram namin.

    Mga 5 ata kami noon + 2 babae. Nagtitilian kami kasi first time nakakita ng mahiwagang pinya. :-X

  12. gnew

    bwaahaha mga bold pa noon pakapalan ng bulbul hahahaha wolverine! hahaha kahit na magazine pa yan… uso pang style ng buhok eh yung kulot na makintab… parang buhok ng sto. nino…

  13. gnew

    hahaha… oo may bigote pa nga… naalala ko pang vhs non na pasa pasa ung pikoy.. madame yun eh.. may pikoy goes to malaysia… may iba pa nde ko na maalala pano pinalitan nga yung label.. minsan thumbelina… minsan aladdin… hehehehe

    @tem-i – mukang tama ka dun ah… pinatili ung mga babae hahaha
    (palayaw mo ba yan talaga tem-i o hango yan sa skul bukol kamukha mo? lagi ko kase naalala pag nakikita ko mga post mo eh hehehehe peace!)

  14. alasais

    Weng!

    Hahaha! Tem-i of Iskul BUkol siyempre. Wala namang ibang pinanggalingan ang “Tem-i” diba? Isa sa mga malalaking impluwensya ko sa buhay ko yang mga malulupet na komedyanteng yan eh. Hehehe!

    Keep the comments coming bro.

    Tem-i of Alasais

  15. eboy

    waaahhh..wala kaming betamax. nakikinood lang ako sa kapit bahay nun pero may bayad na singkwenta..madalas pinapalabas cartoons para sa mga bata.madalas na palabas eh HOME ALONE(na ang bidang bata eh si KEVIN), ROBOCOP( idol ) hehe, at pag gabi na BOMBAHAN daw ang palabas bawal daw kmi kc bombahan(ano kaya bat bawal kami manood ng BOMBAHAN eh maganda nga yung giyera) eh curious kaming mga bata bat lahat nakasara ang bintana at pinto. sumilip kami sa may maliit na butas sa bintana at biglang Shheeeettt..ano un?bat ang palabas may nag wre-wrestling na babae at lalaki. royal rumble ata yun..lolz

  16. alasais

    Eboy,

    Hahaha! Robocop! Favorite ko din yan nun e! Pero walang tatalo sa giyera na palabas sa gabi. Putukan nang putkan. Nakaka-awa nga yung isang babaeng napanood o nun. Naputukan sa mukha. Pero teka..bakit parang hindi siya namatay? Parang gustong gusto pa niya o…nyaay.

    Bobocop starring Joey Marquez.

    Tem-i of Alasais

  17. AndreidAe

    aww… ganito na talaga usapan dito?? akala ko betamax at rewinder?.. weeh..
    alam kong too late na ang comment ko .. pero gusto kong magcomment para fun.. meron din kaming betamx noon, keia lng puro cartoons eh.. madaming popeye at tom and jerry.. classic na cartoons talaga..

  18. andreidae

    ahaha.. uu nman Tenco.. waw.. super na miss ko dito.. lalo na kayo.. Good news nga pla.. RN na ako!! yehey!!

  19. andreidae

    yup!.. Last November ako nag take.. and RN na ako.. Plans?.. ayusin ang License then do some trainings na kailangan for my profession then start ng volunteer work for exposure then Trabaho na..Real world.. ang hirap pala.. hindi pa nga ako ng sstart nahihirapan na ako kaagad.. hanggang 50 nlng tlga blogisode nyo?? miss ko na kayo sobra!!miss ko na ang mga cool blogisodes

  20. alasais

    Andreidae,

    Madali lang ‘yan. Akala mo lang mahirap. Kayang kaya mo ‘yan! Don’t worry, may mga kasunod na blogisodes pa😉

    Nagmamahal,
    Tenco

  21. andreidae

    wow.. okay po. I’ll be waiting for it!
    Thank’s po!!
    pantanggal ng stress ang mga blogisodes nyo eh..
    That’s why I went back here and read past blogs na hindi ko nabasa before..♥

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s