C. End of Weekend

“Ayan na..patapos nanaman ang weekend..puta.”  Mga isandaang beses umuulit-ulit sa utak ko ‘yan pag mga Linggo na. Minsan nga kahit Sabado e.  Yung tipong Sabado na nang gabi at patulog na ako.  Sinasabi ko sa sarili ko, “Ayan na..matatapos na ‘yung masayang kalahati ng weekend ko..tanginang yan..shet..ayan na..”  at talaga namang nakakabigat ng loob para sa isang batang katulad ko.  Biruin mo, parang kelan lang eh Friday pa lang nang hapon at kakababa mo pa lang sa school bus (na tinatawag naming “serbis”..at hindi talaga siya bus kundi isang ford fiera o kaya klasik na jeep) at talaga namang parang wala nang katapusan ang bakasyon mo dahil kakasimula pa lang ng weekend mo e.  Mapapanood mo pa ‘yung Ewoks at Teenage Mutant Ninja Turtles sa gabi (ang nickname nung palabas na ‘yon ay “Teenage”.  ‘Yun lang ang tawag namin nun kasi mahaba ‘yung title e) kaya parang antagal tagal ng weekend.

Ngunit sa isang iglap, boom!  Tapos agad ang weekend.  Nagsisimba na ako, “GMA Supershow” na tapos “Sa Linggo nAPO Sila” naman sa kabila (wala pang ASAP nun).  ‘Pag ‘yun ang mga palabas, alam mo nang eto na, Linggo na!

Tapos matutulog ka sa tanghali at pepekein mo pa ang pagtulog mo by scratching your eyes o kaya lalagyan ng tubig ‘yung mata habang kinakamot para mamula nang konti para mukhang natulog.  It never worked for me though.  My elders were too smart for that.  Or maybe it was just too dumb an idea to get away with in the first place.  Tapos sa hapon bago ko lumabas para maglaro ay naririnig mo na sa TV ang jingle na “Showbiz Linggo na, Showbiz Linggo na, ah-aahhh, chismisan at tawanan…”  Iba na ‘yung feeling habang naglalaro ka e.  Hindi na kasing saya nung laro mo nung Sabado.  Kaya iba talaga..Nakakalungkot..mabigat..

Pero ganun talaga.  Minsan nga kahit ngayon sa trabaho ay nararamdaman ko pa din ‘yang bigat ng pakiramdam ‘pag matatapos na ang weekend.  Pero we should move on with that..or not?

It’s just one of those feelings that make us what we are today.  It’s all good.

– Tem-i


Nung hindi pa ‘ko nag-aaral, iba talaga ang dating sakin ng Linggo ng umaga, parang parati kasing maganda ‘yung sikat ng araw eh.  Naappreciate ko pa ‘yun hanggang prep.

Pero nung nag-grade one na ‘ko, medyo sumasama na talaga loob ko ‘pag Linggo na.  ‘Pag Sabado medyo ok pa eh, kahit hanggang sa pagtulog.  Pero paggising ko ng mga alas-siyete kinalingguhan, kahit may nagwawalis pa sa may tapat namin, hindi nako mapapasaya nun.  Kahit ilang tilaok pa ng manok ang marinig ko talagang badtrip pa rin ako nun.

Buti nalang may Kwarta o Kahon pa sa Channel 9 (with the SM commercial, ‘yung may knight rider pinoy version na lalabas sa wide screen), dadaanin ko nalang sa panonood ng TV.  Sabi ng tita ko sumali raw sila, e hindi ko naman napanood ‘yung episode na sinasabi niya.  Palabas din ‘yung Bioman at Maskman nun kaya nakakalimutan ko ‘yung thought na Lunes na ulit kinabukasan.

Tanginang Lunes ‘yan o.  Gigisingin ka nang maaga tapos hindi ka naman paliliguan.  De-bimpo lang ako nun e.  Bimpo na binanlaw sa Safeguard (classic beige).  Tapos pupunasan pati buhok ko.  Tapos lalagyan ng pulbos na parang bagong ligo.  Syempre nakasimangot akong lalabas ng bahay.  “Luneeees nanamaaann.  Five days pa bago mag-Sabado ulit.”

Pinakamasayang araw ang Biyernes.  Biyernes ng hapon.  “Yes walang assignment!  Libre nanaman akong makipag-jolen kina Andeng bukas!”  Tapos pagbukas mo ng assignment notebook mo, tangina!  May assignment sa Science! (ayaw na ayaw ko talaga ‘yung pinagdadala kami ng iba’t-ibang klase ng dahon at bulaklak-San Francisco, Orchids, gumamela, ipil-ipil, aratiles, bayabas, sampagita, sunflower, makahiya, etc.)

Ganadong-ganado nakong magpuyat kinagabihan.  Manonood na ko ng Ewoks (E-E-E-E-E-Ewoks!).  Tapos Baywatch.  Tapos Murphy Brown.  Tapos McGyver sa channel 9.  Lisensyadong magpuyat kahit abutan pako ng ‘The World Tonight’ kase wala namang pasok kinabukasan e.

Sabado!  7 oklak pa lang ng umaga nagdo-drawing na ng paglalaruan ng tatsing si Toto.  Kahit hindi pa kumakain eh sasali na ‘ko para maka-bwenas.  Nakalagay na ‘yung mga holen ko sa sandong ibinulsa sa shorts.  Paglapag ng mga holen sa square, talagang may sisigaw ng, “kulang!”  May isang mabait pa talaga akong kalaro na parating hindi nababawi ‘yung holen niya e.

Tapos sa bandang hapon naman ‘yung bang-sak saka prikidam 1-2-3.  May something sa hapon na masarap laruin ‘yung mga ‘yun eh.  At first half ng kwentuhan sa Sabado ng gabi.  Sama-sama sa dyip.  Ang boss ang bangkero ng kwentuhan.  It never stops until tawagin siya ng nanay niya.  Kahit Linggo ng gabi may kwentuhan pa rin.  Sa dyip ni Mang Boy kami nagkukuwentuhan nun.  Kapag tinawag nanaman ang lider, tangina.  Ayan naaaahh.  Paglabas namin ng dyip puta alas-siyete na.  Hihintayin ko nalang ‘yung Million Dollar Movies pero hindi ko rin matatapos dahil patutulugin din ako ng nanay ko.  Paggising ko kinabukasan, lalabas ako ng bahay at kukuha ng dahon at bulaklak para sa assignment sa science na ‘yan.

– Tenco


Linggo ng hapon…’yung pagabi na.  ‘Yan ang End of Weekend…katapusan na rin ng masaya at magaan na pakiramdam nung bata ka.  Limang araw kang maghihintay para mag-weekend.  Pagdating ng Biyernes ng hapon o kaya ‘yung tipong bumabati na kayo ng mga kaklase mo ng, “Goodbye, teacher…Goodbye, classmates.  See you on Monday!”  Wow!  Ang sarap ng feeling.  Ang sarap sabihin ng, “See you on Monday!”  Dalawang araw talaga ang pagitan eh bago pumasok.  Iba sa sinasabi n’yong, “See you tomorrow” simula Lunes hanggang Huwebes.  Paglabas ko nyan ng skul nakangiti talaga ako at madaling mapatawa.

Pero pagdating ng Linggo…tsenen!  Ang bigat na ng pakiramdam ko at parang hindi ganun nasisiyahan kahit maglaro pa ko ng mga gusto kong laro.  Palaging sumasagi sa isip ko “eto na ilang oras na lang tutulog nako at pagkagising papasok na naman…”  Lalo na ‘pag tinatawag ka na at kakain na ng hapunan.  ‘Yung masaya kong mukha biglang magiging seryoso at mejo mabagal na ang paglalakad pag-uwi na parang pinapatagal pa ‘yung pag-uwi sa bahay.  Kahit konti ma-extend ang weekend ko.  Dahil pagtungtong ko sa bahay namin parang pumasok na rin ako sa skul.  Kasi tatanungin nako kung nagawa ko na assignments ko, makikita ko na naman ang mga gamit sa eskwelahan at gagawa ng assignment.  ‘Pag minamalas pa, papaliguin ka pa ulit at nakakainis ‘yun kasi nakakatamad maligo.  Ang mejo ok na lang na gawin siguro eh kumain ng hapunan at sana ay hotdog ang ulam.  Pero ‘pag malas talaga ko hindi pa hotdog ulam at tuloy tuloy lang ang kapangitan ng aking pakiramdam.  Kahit sa TV balita na lang ang palabas o kaya ‘yung talk show ni Sharon Cuneta na nanay ko lang ang natutuwa.

Lalo na ‘pag malapit na ang oras ng pagtulog.  Gusto ko na may papanoorin sa TV kahit hindi ko ganun kagusto para lang hindi pa ko matulog.  Kasi ‘pag natulog ka na, parang lalo mo lang pinabilis ang oras para pumasok ka na.  Kapag wala na talagang lusot at pinatulog ka na ng magulang mo, eto na ang kadiliman.  Pipikit ka na at wala ka nang magagawa para pigilan o patagalin man lang ang pagdating ng Lunes.  Kaya paghiga ko sa kama hindi pa agad ako natutulog eh.  Ayaw ko pa pumikit dahil pagpikit mo at pagdilat, ayan na Lunes na, pasukan na.  Mas haselicious pa sa pinakamatigas na taba ng barbecue!

– Tikboy

75 comments

  1. tetet

    haaaay….i get that kind of feeling to this day! teka, ibang era ata ako sa inyo ah…..hindi nyo kase binanggit ang saturday fun machine eh! anyhoo, in case you don’t know that thing- saturday fun machine ay para bagang marathon of cartoons na mag uumpisa sa umaga at matatapos ng lunchtime! o di ba ang saya! yun ang nagsilbing yaya ko nung araw! pinalaki ako at inalagaan ng tv at saturday fun machine! wawang bata…hahaha!!!

  2. alasais

    @tetet:

    wow! saturday fun machine! dali baka naaalala mo pa ‘yung mga cartoon at timeslots nila! ilista na!

    –tenco

  3. alien

    biglang nag-iiba nga yung atmosphere during sunday afternoon… i just don’tknow why… biglang bumibigat yung pakiramdam ko and i always feel bored kapag sunday… haaay (or is it just because i know that tomorrow, monday, is another start of a busy week…)
    oh well, keep it up guys… nice posts…

  4. alasais

    We share the same sentiments about Sundays, Alien. Ganun talaga…parang nakakalungkot ang sunset sa Sunday. Nagpapaalam na ang weekend…bwiset na pakiramdam…

    Tem-i of Alasais

  5. carelesshush

    true enough! talagang we are always looking forward to ‘weekends’..hay ngayon i can’t wait for friday to come kasi pahinga na and i don’t want saturday to end kasi sunday ang start ng work d2, huhuh..but then naisip ko if pinigilan ko ang panahon at hininto ko sa mga araw na gusto ko lang, pano kung pumatak ng sunday ang sahod namin, di hindi ako makakasahod nun? wahahahahaha

  6. alasais

    Janary,

    Oo kapitabahay kita dati…Isoli mo na daw kay Pareng Emong yung hiniram mong betamax.

    Tem-i of Alasais

  7. alasais

    Hahaha! Oo nga naman Kengkay…Ihanda na chichirya para masimulan na ang telenovela marathon!

    Tem-i of Alasais

  8. babyfatty

    grabe naranasan ko din ang sunday dilemma haha pag bata ka nga naman gusto mo lagi sabado na lang at huwag nang mag linggo.

  9. aKDa

    mga paborito kong araw nuong elem pa lang ako, sabado, kasi, pwedeng gumising kahit anong oras, at pwedeng matulog kahit anong oras. naaappreciate ko din ang linggo, tulad ni tengco. hanggang elem ko siya naaappreciate. yun kasi ang bonding day ng pamilya namin. dati.

    kaso, pagdating ng hayskul, ayoko na ng sunday. akala ko, super busy na ko nung hayskul, dahil sa projects, notes na dapat basahin, at homeworks na dapat tapusin.

    nung pagtuntong ko ng kolehiyo, wala na sa kalendaryo ko ang weekend. wala ng start, at wala ng end. tuloy tuloy ang trabaho. at pati ang peborit day ko na saturday, e hindi ko na din kakilala, dahil may pasok ako ng sabado. lintek.

  10. alasais

    akda,

    sinubukan mo na bang umabsent ng sabado? kahit isang beses lang. tapos bilhin mo ‘yung mga paborito mong chichirya. at manood ka ng cartoons.

    -tenco

  11. batopik

    haaaay! eto na.. patapos na ang weekend. ilang oras na lang… nararamdaman ko yung feeling ni sunset… nakakalungkot. ang bigat sa pakiramdam. nakakatamad. HAAAAAAY!

  12. Tsutsay

    sarap tala pag weekend…makikita ko kasi yung kapitbahay nameng crush ko tas yayayain nya kong maglaro ng family computer sa kanila tas minsan ako naman ang magyayaya samen maglaro…mario bros,combat.popeye etc…ehehe

  13. ji

    wahaha! naalala ko nung di pa ko pumapasok, favorite day ko Sunday :p ewan ko naman kung bakit haha! pero nung nag-aral na ko, Friday naman. Pag-uwi ko galing sa school, masaya na ko Friday e tas yung pasok pa namin nung elementary e half day lang so ayun! saya lang :p Ngayong highschool ewan ko kung anong favorite day ko🙂 aha! Basta ayoko ng Monday. Pagsapit ng Linggo ng gabi mag-aayos ka ng gamit mo at kung ano ano. Mahirap lang sa Lunes e first subject ko pa ang pahirap na Math at sinundan pa ng Science. + samahan pa ng teachers na nakakatakot🙂 haha san ka pa :p

  14. lepot

    paglapag ng mga holen sa square, talagang may sisigaw ng, “kulang!”

    haha! oo, nrnasan ko to! parang lging may nwawla pgkalagay p lng! da best mga story dito! hehe

  15. alasais

    Lepot,

    Salamas sa pagbabasa ng Alasais! Nawa’ypatuloy kang mag-enjoy sa pagbabasa! Ang pamato ko ay isang holeng “balikin”, o yung magaling bumalik pag nakatama ng isa pang holen.

    Ikaw ang da best!

    Tem-i of Alasais

  16. almariza

    hi.my friend forwarded me site.😀 nag enjoy naman akong basahin yung mga kwento nyo kahit second entry pa lang ako.
    anyway, i still get that feeling pag sunday kahit na college student na ko.especially ganitong nagdodorm ako.hay..

  17. alasais

    Almariza,

    We’re glad you enjoyed reading our blogs. Keep reading kasi non-stop ang kwentuhan dito sa Alasais. Wan tu sawa! Korek ka diyan. Hanggang ngayon, medyo iba pa din talaga kapag Sunday afternoon na. But that’s what makes it special too, right?

    Welcome to Alasais!

    Tem-i of Alasais

  18. alasais

    Almariza,

    Salamat sa pag-enjoy! Sana ay makapulot ka ng saya tuwing Biyernes sa mga bagong blogisode!

    Linggo bukas pero siguradong masaya ka pa rin dahil bakasyon pa rin! Wala ka pang pasok! Woohoo!

    – Tenco

  19. mikmarz

    sabado..mula alas-8 ng umaga hanggang ala-10 ng gabi,,hindi pinapatay ang tv. kasiyahan ko na ang munuod ng cartoons at kasama na ang mga drama sa TV, at dahil dun ,, nag over heat ang TV namen at hindi na muling umandar. sabi pa ng mama ko ” nanonood ka pa rin ng tv?? wala na kayong ginawa ng tatay mo kundi ubusin ang kuryente!!” lintek…nauubos ba ang kuryente?? anu sa palagay nyo??

  20. alasais

    Kirsten,

    Hahahaha! Actually oo, nauubos ang kuryente. Kapag brownout, nire-refill ng Meralco ang kuryente dun sa mga mukhang drum sa mga poste. Kapag puno na ay tadaan! May ilaw na ulit. Totoo yan. Iresearch mo pa.

    Tem-i of Alasais

  21. TunYing

    Linggo, end of weekend, ang araw na pinaka-ayoko, hindi dahil sa alam kong kinabuksan ay lunes na at papasok, kundi dahil pag linggo, pinatutugtog yung mga lumang kanta as in luma ha. Kahit gusto ko pa matulog eh magigising at magigising ka dahil malakas yung patugtog ng nanay ko ng kanyang radyo. Mga kanta ni frank sinatra, elvis presley, matt monroe, atbp ang kanyang pinakikinggan. Buti sana kung mga bon jovi at guns n roses eh, kaso lumang tugtugin talaga eh. Hindi ko rin alam kung bakit ang lungkot ng feeling pag linggo, kayo nadarama nyo ba yun?

  22. alasais

    Allan,

    Kapag mga hapon na ng Linggo ako nalulungkot. Pero kapag umaga hanggang tanghali e hindi kasi masarap ang ulam namin nun e.🙂

    Nung binasa ko ‘yung unang sentence mo akala ko pinakagusto mo ang Linggo. Haha hindi pala.

    – Tenco

  23. alasais

    Allan,

    Ganyan talaga ang Linggo – ang araw ng “Oldies But Goodies” sa mga radyo. At dahil malungkot na ang mga bata sa araw na ito, eh nagsasaya naman ang mga matatanda. Maririnig mo tuwing Linggo ang mga kantang “Green, Green Grass of Home” at “Top of the World”. Bihira mo maririnig sa Linggo ang “Welcome to the Jungle” ng GNR o kaya naman ang “Livin’ On a Prayer” ni Bon Jovi na siyang ginamit sa kanta ng patalastas ng Zest-o – “Whoa Oh! Way to go Zest-o!”

    Every Friday, new blogisodes!

    Tem-i of Alasais

  24. alasais

    Tunying,

    Oo naman. Blaze of Glory eh naggigitara pa si Bon Jovi nun sa may bundok na may malaking screen na parang billboard. Haay buhay..

    Tem-i of Alasais

  25. Snowden

    Kakatuwa naman.peb0rit ko ang friday at saturday.i hate sunday,paggising ko plang ambigat ng pakiramdam..dagdagan m0 pa ng misa sa telebesy0n,aruy ko pasakit..pinakahihintay ko talga ang mga weekend cartoons.may dragondball pa sa rpn 9 tuwing hap0n ng linggo yun lang ang pampalubag lo0b ko.hehe..minsan may hangover pa aq ng sabado,kaya linggo ng gabi hirap ako matul0g,ang ending late ako kinabukasan.linsyak yan.dpat baliktadin yan eh.5 days ang bakasyon 2 daYS ang pas0k.hehehe

  26. alasais

    Snowden,

    Ok ang mga words mo a! Klasik! Pasakit ba? Haha! At yung linchak! Linchak talaga ang Linggo pero makakalimutan mo ng 30 minutos dahil palabas ang Dragon Ball sa Ch. 9 tuwing 5:30 ng hapon. Cha-la! Head Cha-la!

    Tem-i of Alasais

  27. tin

    *my hausm8 told me about ds site at n22wa tlga aq s mga blogs nyo
    *nung elem aq s2dious n tlga aq,ewan q b kung bkit.ang KJ q 2loy.kya fri aftr clas,gngwa q n lhat ng ass at proj.kya super enjoy q tlga wikend.namulat kc aq s knsepto n d mgnda mgcram.favorite nmin ni kua ung maskman,bioman at time quest s chanel13.haha
    *hyskul lyf,mejo mdrama.bitter kc aq s skul n pnsukan q.we hev 2 stay in a dorm.kya sunday p lng,pgaaus ng damit ang gngwa q.:-(

  28. alasais

    Tin,

    Kumusta? Salamat sa pagdalaw! “Most diligent” ka dati no? Maganda nga ang Time Quest. Peyborit ko si Prinsesa Shiela.🙂

    “Lilipad, lilipad! Takoreeeehhh!”

    – Tenco

  29. alasais

    Tin,

    Haha! Timequest. Napakapasok na kartuns. Ako naman, kay Genie natatawa. Tawang tawa ako tuwing umaarte siyang bakla at duwag. Kelangan kang tumambay dito palagi. Hindi ka na namin pakakawalan. Mu-wa-ha-ha-ha-ha!

    Satana…este…Tem-i of Alasais

  30. tin

    *iadd q lng ung maskd rider blak,shaider,fiveman,jetman,power rangers n pnpanuod nmin ni kua.nga pla,nghhnp aq ng dvd ng bioman.Bka merun kau.d kc nmin ntpos un.bad3p ang IBC13.mppdalas tlga aq d2.super enjoy e.

  31. alasais

    Tin,

    O mga kalye boys! May nananawagan ng vhs ng bioman o! Idedemanda daw niya ang IBC13 kapag hindi niya napanood ang Season Finale ng Bioman! Pahiramin niyo na parang awa!

    Tuloy-tuloy lang ang pag-eenjoy, Tin. Sagot ka namen.

    Tem-i of Alasais

  32. TunYing

    Natapos nyo ba yung time quest? astig yung katapusan nun ah… C professor saka si da vinci iisa… hahaha… pati yung bioman kaso umalis si peebo (tama ba spell ko?) saka bakit kinalimutan nyo si… MACHINE MAN!!! Buknoy!!! The fighting ball!!!

  33. alasais

    Allan,

    Pheebo yata ang spelling nun. Swerte mo napanood mo katapusan ng Time Quest! Gigil na gigil akong makabalik sila sa kasalukuyang panahon e!

    – Tenco

  34. alasais

    Allan at Tenco,

    Mali kayo pareho! Goldust! Goldust ang pangalan niya! Anak siya ni Mask Rider Black! Per ginto ang kulay.

    Peabo Bryson: “A whole new world…A new fantastic point of view..No one to tell us no, or where to go..or say we’re only dreaming…”

    Tem-i of Alasais

  35. adonis

    bwaaahhaaa weekend ang pinakagusto ko sa lahat kasi bukod sa di ko makikita ang kinakabuwusitan kong titser di ako kailangang gumising ng maaga para abangang ang serbis ko papuntang school sa labas ng gate namin..friday nayt pwede ako magpuyat ewoks na nga yon lang pinapanood ko kasi di raw ako pwede sa baywatch, melrose place,beverly hills at kung ano ano pang may mga kissing scene or bed scene..week end pwedeng gumising ng 10am at pagkagising punta agad sa labas para makipaglaro sarap balikan ang buhay bata nakakamiss….

  36. alasais

    Adonis,

    Bwahahaha! Bawal ba ang Baywatch? Tangina kasi talaga namang tuturuan ka ng Baywatch na magkulong sa kwarto at bugbugin ang alagang python.

    Pasok ang hirit mo ah!

    Tem-i of Alasais

  37. alasais

    Adonis,

    Halos parehas tayo ng routine a, pwera sa panonood ng Baywatch. Hindi talaga ako papayag nang hindi ako makakapuslit para makita ko si Pamela Anderson.

    – Tenco

  38. balotlot

    wahahaha murphy brown…

    oo nga tpos c david hasselhoff at mga
    seksing chiks ng baywatch..

    soya… mabuhay kyo.

  39. alasais

    Balotlot,

    Tagsama si Hasselhoff sa mga bebot nung Baywatch times, sina Summer (Nicole Eggert) at Pamela Anderson…sarap malunod…

    Soya!

    I-tem of Alasais

  40. onomatopoeia013

    basta hindi kumpleto ang weekends ko pag hindi ko napanood ang UNCLE BOB LUCKY SEVEN CLUB (sa 7) at FOR KIDS ONLY (sa 2). yan ung 2 show na nagpapakita ng mga bago at astig na laruan. tulo laway ako pag nakita ko ung mga action figures ng x-men o ano kaya ung mga bagong tracks ng micro machines. hanggang ngayon hindi pa din ako nagkakaganun. pagkatapos nung uncle bob, ung cartoons na MASK. ung may mga kotseng walastik ang technology.

    eto ung mga naaalala kong cartoons/pambatang palabas pag nung bata pa ako. sana maalala nyo pa.

    -mr. bogus
    -mask
    -visionaries
    -centurions
    -inhumanoids
    -yaiba
    -dragon ball Z (walang kamatayan)
    -dai
    -trolls (sa channel 13)
    -teenage werewolf
    -ewoks
    -teenage mutant ninja turtles
    -bionic six (astig ang action figures. bakal talaga)
    -sky commanders
    -g-force (walang kwenta <—- hindi astig!)
    -turboteen (taong nagiging kotse pag nabasa ng tubig)
    -spiderman and friends
    -uncannny x-men (da best!!!)
    -superfriends
    -g.i. joe (classic)
    -mightor
    -popeye
    -mighty mouse
    -woodywood pecker
    -looney/tiny toons
    -rainbowbrite
    -garbage pail kids
    -voltes V
    -daimos
    -mazinger Z
    -ung cartoon show nila jordan, wayne gretzky, at bo jackson (limot ko na title)
    -biker mice from mars
    -ultraman (iba't ibang version)
    -magmaman (namatay ang bida)
    -shaider (walang tatalo)
    -bioman
    -maskman (laser squadron)
    -boyoyong (dapat pa bang isama to?)
    -mask rider black (robert akizuki)
    -challenge of the gobots
    -transformers (may da movie pa)
    -cedie, tom and huck, sarah, julio at julia
    -ghost fighter (isa pang walang kamatayan)
    -thundercats (hoooooooooooooooooo!!!!)
    -koseidon
    -machineman (with boknoy da fighting ball)
    -aquaman
    -wonderwoman
    -conan the barbarian
    -flying house
    -superbook
    -peter pan
    -smurf
    -carebears
    -ung wrestling na cartoons, ung kina hulk hogan
    -police academy
    -cops
    -he-man
    -she-ra
    -akazukin cha cha
    -legend of zelda
    -super mario brothers
    -captain N
    -rambo
    -voltron na leon
    -voltron na kotse
    -batibot
    -sonic
    -wizard of oz
    -time quest (takure)
    -blink
    -bill and ted adventures
    -archie and friends
    -mighty ducks
    -duck tales
    -rescue dangers
    -chipmunks
    -tom and jerry
    -goofy
    -ung 3 penguin na naka-harley
    -twinkle

    Yan na lang ang alam ko. di ko na matandaan ung iba.

  41. alasais

    Onomatopwepwe! Hirap sabihin ng pangalan mo!

    Onomatopiya,

    Isa lang ang masasabi ko sayo – WOW! Super sa klasik ‘tong mga cartoons na ‘to. Dapat ay makainuman kita at isa-isahin natin itong mga kartuns na ito. Ang Mario Bros. na totoong tao sa simula tapos magiging cartoons! hahaha! Diba? Inhumanoids, Inhumanoids, da people that lies weeethin! Tama ba lyrics ko? Hahaha!

    Anyway, this is a power list. Thank you for this.

    Tem-i of Alasais

  42. onomatopoeia013

    yun! inuman! pero hindi lang dapat ako makausap mo tungkol sa mga ganyang bagay. buong barkada ko. malupit din ang mga childhood memories nun.

  43. alasais

    Onomats,

    Walang problema! Hatakin mo na ang mga kabarkada mo at ibuhos na dito ang mga natatagong ka-oldskulan!

    Welcome to Alasais!

    Tem-i

  44. no benta

    pag friday na, the ghostbusters inaabangan ko sa gabi. pagdating ng umaga ng sabado, uncle bob’s lucky 7 club at cartoon marathon sa 9. pag sunday, iba ang feeling. GISING NA, RJ NA! Puro oldies sa radyo. sa tv naman ay puro chinese show. buti nalang meron ung intsik na cooking show. sarap! http://no-benta.blogspot.com

  45. alasais

    Jayson,

    Oo nga, puro Chinese shows ‘pag Sunday ng umaga. Nakakamiss. Pinapanood ko ‘yun kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi nila e. Ang sarap kasing panoorin, nakakarelax.

    – Tenco

  46. bakuko

    haaay.. linggo.. araw ng Pen-Pen De Sarapen sa Ch.9
    Pero napapasaya ako ng Linggo ng gabi.. 5:30 pa lang panonoorin mo na si Yan, sa Wok with Yan tas… Mask Rider Black na! “Rider Change!” tas susundan ni “Boknoy the Fighting Ball” ni Machine Man! (Mabuhay ka IBC-13!) after nun… lalabas ng bahay at makikipagkwentuhan ng walang humpay sa mag tropa na pareparehong nakapanood ng Mask Rider Black at Machine Man.. haayss..

  47. guru_disini_jakarta

    gosh di ako makarelate sa ibang palabas sa tv kasi black and white lang ang tv namin non sa dupax del norte nueva vizcaya at dalawang channel lang nakukuha tpos ung antena pinipihit pa ng papa ko.

    gang ngayon actually kahit working na tayo napapa siyet ang lahat kapag sunday na. hays.

  48. bakuko

    Tengco,

    Sa aking pagkaka-alala, natalo ni Robert si Shadow Moon gamit ang kung anong espada.^^ Tas rumesbak na lang si Shadow Moon nung naging RX na si Mask Rider Black.. Sana tama ang pagkakatanda ko.. hahaha..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s