Q. 3 Oklak Habit

Heto ang oras nung kabataan ko na hinding hindi ko siguro makakalimutan kahit kailan.  Araw-araw, sa ginawa ng Diyos (tungkol sayo ‘tong blog na ‘to Papa Jesus), pagsapit ng alas tres ay maririnig ko ‘tong palabas na ‘to sa telebisyon namin.  Sino ang nanonood?  Sino pa ba kundi si Manang Pasing!  Kakatapos lang ng Agila, Mara Clara at Flames at siguradong naiwan nanaman ang labahin sa likod ng bahay.  Bababa ako pagkagaling sa peke kong tulog (kamot mata, kunwari’y pupungas-pungas), tapos ayun, maririnig ko na ang sikat na sikat na “3 OKLAK HABIT”:

(Ma-dramang background music)

“You died, Jesus, but the source of life flowed out for souls,

And the ocean of mercy opened up for the whole world…

O fountain of life…”  Hindi ko na itutuloy ito dahil sa mga nakaranas nito ay sigurado akong kabisado n’yo pa din hanggang ngayon ang dasal na ‘to.

Tuwing naririnig ko ang dasal na yan madaming tumatakbo sa aking isipan.  Heto ang ilan sa kanila:

1. Magkano kaya ang sweldo ng boses na yan?

2. Per hour ba ang bayad niya?

3. Anong dasal ang mas malakas?  Yung 3 Oklak Prayer o yung “Words of Our Lord to Blessed Sister Faustina?

4. Kelangan ba itong dasalin ng lahat ng artista sa Channel 2?

5. Ilang tao na kaya ang dumalaw sa 19 Spencer St., Cubao, Quezon City?

Haay…Busy na ako sa trabaho ngayon at syempre hindi ko na alam kung pinapalabas pa ‘to tuwing alas tres sa channel 2.  Pero tuwing alas tres nang hapon, hindi ko pa din matanggal sa isip ko ang itsura ni Papa Jesus na parang nag-iipon ng lakas para mag-haduken.

Pagkatapos ninyong basahin ‘tong blog na ‘to ay sabay sabay nating isigaw ang…

Jesus, King of Mercy, We Trust in You!

-Tem-i

Magandang senyales ang alas-3 ng hapon dahil isang oras nalang at pwede na akong lumabas.  Papayagan na ko ng katulong naming mas strikta pa kesa kay mama.  Hirap talaga akong makatulog sa hapon e.  Araw-araw ko nalang naririnig ang aking paboritong linya…

Holy God, Holy Mighty One, Holy Immortal One, have mercy on us and the whole world (repeat 3 times).

Gaganahan na ulit akong magpanggap na tulog.

Si Papa Jesus may hawak na walis-‘yan ang akala ko nung bata ako.  Masipag pala Siya kasi naglilinis Siya ng bahay Nila.  Hindi ko talaga ma-gets kung ano talaga yung gumagalaw-galaw na hawak niya.

Sa channel 9 ko unang nakita ang 3 O’clock Prayer (let us pray), pagkatapos na pagkatapos ng Annaluna (played by Margarita Fuentes).  Sa saliw ng nostalgic na background music, nirerecite ng ng mahiwagang boses (hindi ba si Kuya Cesar ‘yun?) ang bawat linya ng dasal na ito.  Mas recent na nga ‘yung version na may padugtong kay Blessed Sister Faustina eh.

Do an act of mercy.  Save lives.  Save souls.  Help build the Divine Mercy Charity Hospital and Information Center (naitayo nga ba ‘to?).

When I was sick, did you comfort me?

Words of our Lord to Blessed Sister Faustina:

“Souls who spread the honor of My mercy

I shield through their entire lives as a tender mother her infant

And at the hour of death

I will not be a Judge for them

But the Merciful Savior.”

Buhay pa kaya ang headquarters nila sa 803 Aurora Boulevard, Cubao?  O sa 19 Spencer St., Cubao, Quezon City?  Eh ang telephone numbers 722-8324 o 721-4350?

Ang yabang ko pa dati, dinasal ko ‘to nung recess namin para ipagmalaking kabisado ko ang buong dasal, napagalitan tuloy ako ng titser.  Ten o’clock pa lang kasi nun.

-Tenco

Nanonood kami ng telebisyon sa hapon, komersyal tapos bigla na lang lalabas si Papa Jesus.  Aaminin ko nung bata ako hindi ko masyadong gusto ang 3 o’clock habit na ito.  Syempre ang mas naiisip ko nun eh naisitorbo ang panonood ko at ‘yung mga magagandang channel eh puro ito ang pinapakita.

Ang iniisip ko, “Ba’t kaya hindi pa bilisan ng nagsasalita ang pagbasa niya sa dasal?”  Ang bagal eh tapos inuulit pa.

Tapos naiisip ko rin na “Bakit 3 o’clock ng hapon yang dasal?  Bakit hindi na lang sa umagang umaga o gabi para hindi na ako nanonood ng telebisyon?”

Hindi ko makakalimutan ang piktyur ni Papa Jesus na parang may power na pula sa kabilang side at puti naman sa kabila.  Parang gumagalaw-galaw pa ‘yung power niya na ‘yun eh.  Tapos sa huli ipapakita ‘yung address ng headquarters ng samahan nila.

Ang pinakamasaya sa 3 o’clock habit eh pagkatapos niyan ilang minuto na lang meryenda na!  Bibili na ang nanay ko ng mga tinapay sa bakery at coke.  Syempre ang mga bibilhin niyang tinapay eh pandekoko (maraming may gusto nito pero ayoko neto eh), spanish bread( palaging binibiro ang pangalan ng ispanis bread, panis na raw), cheese bread(tinapay lang na may kapiranggot na keso sa loob, tinipid talaga eh) at ang panderegla (pinakapasok na tawag sa tinapay sa history ng Pinas, parang napkin daw na may regla sa gitna, kadiri pero maraming may paborito ‘yan kasama na ang kuya ko).

Pagkatapos magmeryenda, syempre it’s “playtime”!  Ilabas na ang mga laruan at maglaro sa kalye.

-Tikboy

67 comments

  1. Edik

    hahaha hindi lang ata ang channel 2 ang merong 3 oklak habit. meron din sa channel 9. ewan ko lang sa iba.

    oo nga ano? magkano kayang ang bayad ng voice over?

  2. alasais

    Oo nga Edik, sabi nga ni Tenco, meron din sa channel 9…Hindi ko lang alam kung per hour ang bayad sa voice over kasi hindi naman umaabot ng isang oras ang 3Oklak Habit.

    Tem-i

  3. alasais

    harutinmoako,

    nominated ka nang presidente ng aming fans club.

    salamat sa’yo. keep reading our blogs. new ones come out every friday.

    -tenco

  4. Eldrin

    wah! naabutan ko pa yung english version sa channel two.
    pero tagalog na ngayon.
    “puanaw ka Hesus, subalit ang bukal ng buhay ay dumaloy sa mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan…”
    ganun pa rin si Jesus, may hawak pa ring magic balls…
    nag-iba na sila ng office…umasenso na siguro… sa tagal ba naman nila sa 3oclock habit na yan eh…
    nakakayuwa rin yung dasal…kasi pagkatapos nun, ibig sabihin pera o bayong na ng wowowee..🙂

  5. JONAS

    yeah, alam na alam ko yang 3 o’clock habit since bat pa ko..pag nanunuood ako ng cartoons sa channel two…palagi kino-commercial yan!

  6. JONAS

    meryenda namin nun kung di pandesal, banana-q. bumubili mama ko nun..coke! nakatira kami nun sa bahay ng tita ko…taga bicol kasi kami. pag bakasyon andun kami sa kanila..hay! dami sad memories din nun mga panahon na yun!

  7. cubi

    bilang isang native ng cubao, OO, buhay pa ang hq nila sa spencer st. pero iba na ang telephone number.
    saulo ko ang 3 oclock prayer kasi required kami magdasal nung grade 5 bago mag-recess (at hindi ako katoliko).
    at tagalog na cya ngaun, sayang ano?

  8. alasais

    cubi,

    hahaha, ‘yun talaga ang dilemma ‘pag hindi katoliko e noh? hindi ka rin ba pwedeng mag-stay sa klasrum habang umaattend ng mass ang mga kaklase mo?

    -tenco

  9. alasais

    Jonas! Gusto ko sa pandesal e yung malutong pa talaga…isasawsaw ko sa gatas kondesnsada…at siyempre ang Coke litro e ipapalista ulit sa tindahan.

    Tem-i of Alasais

  10. Janis

    Dear Tem-i, Tenco at Tikboy,

    Lumukso ang aking puso nang malaman kong may iba pang nakaaappreciate ng 3 oklak prayer bukod sa amin ng roommate ko. At aba, nagagalak ang puso ko na malamang buhay pa ang HQ nila sa Spencer St.

    Do an act of mercy! Save lives, save souls.

    Ipagpatuloy ang mabuting gawain! Yehey sa blog nyo!🙂

  11. alasais

    Janis,

    Hindi ka nag-iisa sa iyong pag-appreciate ng 3oklak prayer. Patuloy kaming maghahanap ng mga kasapi patungong Spencer St. upang halikan ang sahig ng isang nostalgic na institusyon.

    Pero baka wag na lang din.

    Keep enjoying our blogisodes! New ones come out every Friday!

    Tem-i of Alasais

  12. alasais

    janis,

    “Do an act of mercy!” –> talagang may exclamation point e! Sabay-sabay: “We trust in you!”

    -tenco

  13. Delyong

    Naku sa bahay namin pag a-las 3 na eh tahimik ang lahat. Ang bawat isa eh nkapikit ang mga mata o kung di man eh nkatingin sa telebisyong “black & white” at binabasa ang dasal.

    Ilang saglit lang… gaya ng karamihan.. “Merienda” time na!!! anjan ung mainit na pandesal na kung hindi “Reno” ang palaman ay home-made peanut butter. Kung mas may gana ang naghahanda eh kukuha ng 2 lata ng “Rodeo” corned beef. sabay gisa ng mabilis at “BWAHHLAAA” masarap na merienda at syempre COKE ang partner.

    Dito sa Mexico eh ni minsan ‘di ko pa narinig ang 3’Oklak habit… Malamang kaya wala dito eh malayo masyado ang Spencer St., Cubao, Quezon City🙂

  14. alasais

    Hahaha Delyong! Masarap talaga ang Reno at paborito ko yan! Kung walang reno ay Liberty kondensada ang gamit ni Auntie Tasing ko! So nasa Mexico ka pala? Ok yan a. May kilala din ako pero sa Mexico Pampanga lang…

    Tem-i of Alasais

  15. linapuhan

    jaraaaan. huli man daw at magaling, may comment pa rin. ahehe. naiinis din ako dati sa3 o’clock prayer na yan. nakakaabala kasi sa pinapanood. forgive me papa jesus.

  16. batopik

    haha. patapos na kakakoment.
    asus. di ko nga memorize yan.
    busy ako kakatulog.
    hehehehe.. =P

    pero alam ko lang yang dulo nian.
    Jesus, King of Mercy, We Trust in You!

    hakhak!!!

  17. jhuvie

    haha.. ako rin kahit hindi katoliko kabisado ko yang prayer na yan…🙂 araw-araw ba naman sa panonood nung bata eh, isa rin ako sa hindi maktulog sa hapon.. haha! at tagalog na nga yun sa dos…

    minsan pag nasa mall ako, may 3 oklak habit din pala yung iba… nagulat na lang ako yung babaeng nagsasalita pag nape-paging eh nagdadasal na. yung mga sales lady biglang tatahimik sa pakikipagchismisan. pag nasa grocery nga ako biglang hihinto sa pagtutulak ng cart yung mga namimili. hehe..

  18. jhuvie

    haha.. ako rin kahit hindi katoliko kabisado ko yang prayer na yan…🙂 araw-araw ba naman sa panonood nung bata eh, isa rin ako sa hindi makatulog sa hapon.. haha! at tagalog na nga yun sa dos…

    minsan pag nasa mall ako, may 3 oklak habit din pala yung iba… nagulat na lang ako yung babaeng nagsasalita pag nape-paging eh nagdadasal na. yung mga sales lady biglang tatahimik sa pakikipagchismisan. pag nasa grocery nga ako biglang hihinto sa pagtutulak ng cart yung mga namimili. hehe..

  19. alasais

    jhuvie,

    hindi ko naexperience ‘yung sa mall ah… pati rin kaya ang mga snatcher eh titigil din sa pangungupit kapag alas-tres na ng hapon?

    -tenco

  20. donna

    amazing… andami pa lang commonalities… ganitong ganito kasi yung nangyayari tuwing hapon nung bata pa ako… lalo na yung “pandekoko, spanish bread at cheese bread”

  21. shiels

    ayus to🙂 kabisadong kabisado ko pa yung telephone number. mula umpisa hanggang dulo ng 3oclock habit kabisado ko pa rin..hahahah pati yung tono. ang saya ng blog nyo. ngayon lang ako napadaan. mukhang mapapadalas ako dito🙂

  22. mishes

    hmmm.. naalala ko nun bata ako lahat halos ng channel parang required na ipalabas tong 3oklak prayer.. kaya lang madalas hindi naman sila sabay sabay na pinapalabas.. siguro iba iba setting ng relo nila.. may late ng 30seconds, meron nman nauuna..hehe.. ngaun parang abs na lang ang nagpapalabas nito tapos tagalog na!

  23. mishes

    @tem-i: un nagdadasal ba talaga yun namimiss mo or yun asa siluwet quarenta??? heheh.. joke lang po.. peace!🙂

  24. TunYing

    Noon akala ko patalastas lang ung 3’oclock habit na ito… Yun pala eh dasal na… Pero ewan ko kung naramdaman nyo pero sa tuwing ipapalabas ito, nalulungkot talaga ako! Para bang mahal na araw! hehehe…

  25. alasais

    Lamesa,

    Taksihin mo na lang. Baka mahuli ka pa ng MMDA kasi pagdating sa Cubao, ibabaw man o ilalim eh binababa ka ng bus sa mga lugar na bawal. Taksi na lang. Sagot ko unang patak ng metro.

    Tem-i of Alasais

  26. Snowden

    Tagal0g na nga siya ngay0n mas mabuti na rin dahil tayoy mga pin0y tay0y hindi kan0.wag kang mahihiya kung ang il0ng m0 ay may kulug0!

    Nga pala san ba itinira ni papa jesus yung haduken nya.talagang pinagmamasdan ko sa t.v yung paggalaw ng dalawang kulay na parang aura ni s0n g0k0u ang dating.hehe

  27. alasais

    Snowden,

    Napanaginipan ko nga kagabi na hindi na siya naka-haduken. Naka-shoryuken na si Hesukristo habang naka-Sonic Boom si Mama Mary.

    Tem-i of Alasais

  28. kamil

    in fairness nkakamiss din yang 3 oklak habit ha.. sa araw2 ba nman ng gnwa ng Diyos eh mririnig mo yan tlgang khit sa panaginip keang kea ko irecite! haha

  29. jp

    sobra akong natawa sa “hindi ko pa din matanggal sa isip ko ang itsura ni Papa Jesus na parang nag-iipon ng lakas para mag-haduken”.

    glad to have stumbled upon your blogsite. galing, mga chong!

  30. runmdrun

    grabe, naalala mo pa yung lahat ng linya?! wala na akong maalala! siguro kasi palaging tulog ako kapag 3 o’clock na ng hapon… brings back a lot of memories nung kabataan ko… *sigh

  31. CD

    I am a devout Catholic and a devotee of the Divine Mercy. When i became a Nurse, all job offers to me was unpaid volunteer hospital nurse so i decided to offer my services as a Volunteer Nurse at the former Divine Mercy Say A Little Prayer Movement’s Charity Lying-In Clinic at 803 Aurora Blvd. Cubao, Quezon City so i could offer my service to the glory of God instead! I was amazed that we are to be given an honorarium of P3,500.00 way back in early 1990’s. We were given our honorarium for 1 and a half month and not even a single centavo thereafter as there is NO funds. Remaining honorarium was paid thou when i left in full. The founder is on US trip at that time promoting the movie Divine Mercy in the Life of Sister Faustina and to gather donations. The clinic is on top of a very narrow building in Aurora Blvd. while the office and a small chapel is on the ground floor. We are soliciting medicines from Pharmaceutical Companies and run the clinic thru donations only. At that time there was a plan to build a multi story hospital building on that site as published on their newsletter which never materialize and the Movement’s office is now NO longer exist in Cubao.

    I was happy to be a part of DM SLPM CLIC and be of service to the Lord inspite of the difficulties surviving in Manila without any money for months. We are stopping the consultation to pray at the chapel everyday at 3 o’clock but hardly any devotees are joining us! We have an overnight exposition of the Blessed Sacrament and Holy Masses every 1st. Friday and Saturday either at the chapel in the Movement’s former Office at 803 Aurora Blvd. or at 19 Spencer St. where he has a very small space at the back where he housed unwed mothers who gave birth at our clinic BUT uses them as his house helpers and his children’s nannies for nothing. The chapel is on the garage of an old delapidated house of the De Castro’s Family but hardly any of the De Castro’s own siblings and their clan, devotees or neighbors are joining us. It is just attended by the staff and usual volunteers and unwed mothers as we are all required to attend them regardless we are working on those days or not.

    Most of the time Bro. Don (as he wants to be called) stays overnight at his office as well as one of either coordinators Dra. L. – Medical, Sis. P – Ways & Means or Sis. M – Media with HIM. We are not thinking of anything malicious about it as we are all serving GOD without a time frame really day and night on most times until one morning when Bro. Don’s lovely and timid wife came in at 6am and asked me if he is at his office overnight and with whom! The coordinator came out of his office with an untidy hair and clothings and a big fight followed after behind closed doors! Also during those times that we don’t have any funds, we don’t even have money to buy candles to keep the light at the Blessed Sacrament burning day and night and yet the Coordinators have funds to spend on taxis all the time and yet all staff are starving and struggling on how to come to Cubao everyday. By the way Don de Castro has NO other source of income for his family and for the Movement but thru donations supposedly for the promotion of the devotion!

    All staff are treated undignified and unprofessional like dumb children by Don de Castro contrary to his public image of a meek lamb but in reality he is like a wolf. I am still a devotee of the Divine Mercy but by experiencing to become one of the SLPM’s insider staff, i now understand why it never flourish inspite of being on-air for decades and why people within its vicinity never bothers to join the prayers and the Movement’s activities at all. If you will be be able to visit the garage chapel at 19 Spencer St. in Cubao, you will just be dismayed and really have a second thought of giving any donations or contributions at all as the funds is being used by Don de Castro for his personal and family needs and not really for God’s Glory and propagating the devotion of the 3 o’clock habit! In conclusion, the Movemnt has no guidance from the Holy Spirit hence it only stays on air but never flourish at all!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s