M. “Extra Rice, Please!!!”

“Ate, padagdag naman…”, hiling ko kay Aling Cely, habang binubugaw niya ang mga langaw sa ibabaw ng adobong manok at pinakbet.  Actually pinakbet ang binili ko kasi mas mura yun e…halos puro gulay kasi, hehehe!

Ang “karinderya”.  Bow.  Marinig ko lang ang salitang ito ay nagbabaha na sa laway ang aking bibig (Shet imaginin mo kung napanis yun…gudlak na lang sa hininga mo).  For some reason, wala pa akong karinderiang nakainan na hindi ako nasarapan.  Hindi ko alam kung may kakaibang hiwaga ang mga pagkain dito o talagang isa lang akong patay-gutom.  Ang sagot – pareho.  Oo, patay gutom din talaga ako.

Kung kayo din ay isang “PG” tulad ko, ang karinderya ay ang sagot sa inyong cravings (or pwede din kayong maging dakilang tambay – basahin ang “Tambay” blog upang malaman kung paano).  Napakasarap ng mga pagkain sa karinderya.  Lahat ay nandito – kanin at ulam, sabaw, panghimagas, pangmeryenda at higit sa lahat, may “AUTOLOAD” pa!  ‘San ka pa?!

Ang mga ulam ay nakalagay sa mga latang kaldero.  Kung minsan naman ay mas susyal – yung stainless na pang-catering.  O ha!  Gumawa kaming tatlo ng thesis noong 1999 at eto ang aming natuklasan:

1. 8 out of 10 na karinderya ay may handang chicken pork adobo, pinakbet, sinigang/nilaga, at barbecue.

2. Sinigang o nilaga ang laging sabaw na libre.

3. Ang “extra rice” ay laging mas konti nang dalawang kutsara kesa sa original rice.

4. Kapag naka-daster ang nagtitinda, madali siyang hingan ng dagdag ulam.

5. 5 out of 10 na tindera ang sumisimangot sa pangatlong hiling ng libreng sabaw.

6. Kung gusto mong kumain ng lumang kanin, fried rice ang orderin.

7. Pagkatapos ng masusing scientific experiment, napag-alaman na mas madumi ang mga tissue ng karinderya kesa sa kutsara’t tinidor nila.

8. Ang dilaw na tubig ay nilalagay sa water jug at ang malinis na tubig ay nasa ref at may bayad.

9. Kung gustong ganahan sa pagkain ay tumabi sa kumakain na tricycle drayber.

10. Ang red tide ay hindi nakakamatay.  Itanong ninyo sa mga kumakain sa karinderya.

Itutuloy nina Tenco at Tikboy ang iba pang facts tungkol sa favorite anting kainan.  Hanggang sa susunod na blog.  Ito pong muli si Tem-i na nagsasabing…

“Kapag may langaw sa iyong sabaw…tanggalin ito.”

–Tem-i


Buhay na buhay ang negosyo ng pakakarinderya. Hindi nalulugi ‘yan. Kahit nakabalandra sa gitna ng kalsada, bidang bida sa bituka ng sambayanan ang sinisilbing pagkain sa hapag-kainan ng Pilipinas.

 

Manang na mukhang bagong gising. Tunog ng pinipritong itlog. Batang maitim na nagbubuhat ng lalagyan ng tubig. Mahahabang mga mesa’t upuan. Maya’t mayang pagdapo ng langaw. Mga mamang may sampay na tuwalya sa balikat, nakabukas ang polo, nakataas ang isang paa. Saan ka pa? Akala mo kumakain lang sa isang napakatahimik na lugar eh. Parang hindi nila napapansin ‘yung ingay ng busina at usok ng sasakyan eh. Ganyan kaganda ang ambience sa isang karinderya.

 

Nagiging masarap ang mga pagkaing normal lang naman ang pagkakaluto. Malamang kung hinain sa bahay namin ‘yun eh hindi ako masyadong mag-eenjoy. Pero kapag sa karinderya, napaparami talaga ang order ng kanin ko eh. Pati ‘yung tubig, lalong sumasarap. Parang mas takaw-uhaw ang malamig na tubig na nakalagay sa plastik na lalagyan.

 

Nakalagay ang magkakahalong kutsara’t tinidor sa isang lalagyang parang maliit na timbang kulay silver. May konting tubig-tubig pa sa ilalim niyan kase kahuhugas lang. Minsan talaga sabay-sabay na ibinababad ‘yang mga ‘yan sa palanggana eh, kasama ang mga pinggan at baso. Parang nagbabad lang ng damit eh. Konting padaan lang sa tubig na may sabon tapos ipapagamit nanaman sa mga customer. Pero korni ka kapag nagreklamo ka pa dyan. Isipin mo nalang na parte na ng menu ang amoeba at kung anu-ano pang mikrobyo. Siguro ‘yun ang nagpapasarap sa pagkain?

 

Iba-iba ang strategy ni manang (or manong… pero kadalasan talaga manang) sa scheduling ng menu. Pero kung tutuusin—isda, baka, at manok lang naman ang parating nandyan, iba-iba nga lang ang luto. At hindi nakakasawa.

 

Parating mainit sa karinderya. Hindi ko alam kung ano ang problema sa sirkulasyon ng hangin at parating pawis ang mga kumakain at mga tumatambay lang. Syempre, hindi mawawala ang mga buraot na parating nanghihingi ng sabaw. ‘Di bale, hindi naman nauubusan si manang ng tubig at patis, parang magic at maglalasang parang tinola na. “Rush hour” dito kapag mga alas-dose hanggang alas-dos ng hapon—ito kasi ang kadalasang breaktime ng mga mamang drayber at construction worker. ‘Yung mga tambay, ito naman ang patay na oras sa patay na talaga nilang oras. Nakakagutom din siguro ang kakawalan ng ginagawa e noh? Pagsama-samahin mo silang lahat—mula kay manang hanggang sa mamang drayber na galit kumain, wala nang mas kaklasik pa sa karinderyang madilim ang ilaw sa gabi.

 

–Tenco

46 comments

  1. kengkay

    heheeh, relate na relate ako! kasi kahit na asa ibang bansa ako, sa mga karinderya din ako tumatambay dahil mas masarap talaga kumain dun. o kaya naman take home, yung nakasupot tapos nakabalot yung plastik sa newspaper na luma😀 at alam mo ba sa thailand? ang tisyu paper nila dun e mismong toilet paper, yun ang nakalagay sa mga lamesa sa karinderya! nung unang napansin ko yun, akala ko mali lang ang tingin ko pero lahat talaga ganun e. hehehe. at masarap tumambay sa mga karinderyang nagbubukas kapag madaling araw kasi andun na yung mainit na sopas at yung mga walastik na paborito ko!

  2. alasais

    Hello Kengkay!

    Haha! May take home pa nga pala no? Tissue ang sapin nila sa Thailand? Marahil ay isa itong simbolo na nagsasabing “Pupunasan din kita mamaya sa banyo!”

    Karinderya sa madaling araw – maliban sa sopas ay “papaitan” ang favorite ko dun! Meron pa silang nakabilad na tuyong noodles at lalagyan na lang na mainit na sabaw para ready agad kainin.

    Salamat sa pagbabasa ng blogs namin. Sana ay patuloy mong suportahan ang aming weekly blogs at kung may mga suggested topics ka, sabihin mo lang at pag may alam kami tungkol dun, siguradong isusulat namin yun.

    Walastik ka talaga Kengkay!

    -Tem-i

  3. anj

    in fairness like ko ang blogs nio. hindi ko alam ang invitation system niyo sa multiply pero thanks at ininvite nyo ako at nalaman ko itong blogsite nyo🙂

  4. alasais

    Infairness, like namin na like mo ang blogs namin, Anj.

    Nawa’y ipagkalat mo ang mga blogs namin sa mga kapwa natin batang kalye at lagi sana ninyo kaming suportahan. Marami pa tayong ishe-share na karanasan sa isa’t isa.

    Hanggang dito na lang Ate Charo,
    Tem-i

  5. babyfatty

    kung tutuusin laking karinderya rin pala ang sikmura ko magdedeny pa sana ako kaso naalala ko nung elementarya ako sa karinderya nga pala kame nabili ng ulam pag tanghali na. haha. iba’t ibang klase talagang karanasan ang mayroon ako pag karinderya na ang usapan lalo na nung tumungtong ako ng kolehiyo yun talaga araw-araw taong karinderya na ako mas mahal kasi kung magluluto pa ako. Doon ko naranasang kumain ng pagkain na kahapon pa pala niluto ininit lang ni manang kasi wala ng ulam at syempre nakaranas na din akong bumuli ng pagkaing may lumulutang na insekto at may buhok ding kasama. kaloka talaga buti na lang at kalimitin ay hinde nag-iinarte ang tyan ko mabuti at matibay ang sikmura ko at hinde ako nagkasakit sa mga nakain ko.

  6. hisnameisdencios

    naka relate ako dito haha.
    ang sarap ng may libreng sabaw ha.
    at ang ulam sa mga karinderya? naku! kasya sa 2 tao pero kung patay gutom ka e sa iyo lang ay kulang pa hahaha.
    na miss ko tuloy ang liko dng Feu na kinakainan naming karinderya kaso bago ako grumadweyt noon ay nasunugan sila. sana ok na ngayon….

  7. JAM

    haay. karinderia. kasarap naman tlga!😀
    mga kainang karideria sa amin ay nasa lugar na kung tawagin ay kanluran(kanlu or KFC for short😀. KFC means kanluran food court) haha. share lang.

    patatagin pa ang mga karinderia😀
    salamat kila manang at manong sa masasarap na ulam. ^^

  8. andreidae

    cool blog..

    @jam..parang alam kuh kng saan yan ah..are from perpetual binan by any chance??hahaha..palgi din akong tambay dun eh…

    keep it up guys!!

  9. alasais

    Haha! Pucha matitindi pala mga taga-Binan e! Ke Ep Se!

    Sana magkapitbahay lang kayo ni Jam, Dae. Matutuwa ako nun. Dalawang suki ng KFC!

    Tem-i of Alasais

  10. jrteehankee

    “9. Kung gustong ganahan sa pagkain ay tumabi sa kumakain na tricycle drayber.”

    Wahahaha!!! Panalo! Halos walang pagitan ang pinggan at nguso ni manong sa gutom!

  11. alasais

    Hahaha! Ang kulit din ng hirit mo Teehankee a! Walang pagitan e no? Haay nagugutom tuloy ako…pinakbet, adobo, 2 rice at hap ulam na papaitan. Swak na. At penge pa pala ng sabaw Ate.

    Tem-i of Alasais

  12. almariza

    ayus.nakakarelate ako ng sobra.😀
    ganun ata talaga pag nagdodorm ka.mabubuhay ka sa luto sa karinderya😀
    hmm extra rice pa po!😀

  13. kirsten

    ano daw?? tubig with patis?? haha pdeng toyo?? haha! hindi ako masyadong kumakain sa mga karinderia pero sa turo-turo OO! :)) kunwari 5 yung fishball o calamares na kinuha ko pero nakasampu na ako hehheheh,, gawa rin kayo ng blogs tungkol dun😀

  14. andreidae

    Tenco,
    daan…yeah..ssbayan kuh nlng ng pagkain at ang pgbbsa s blog nyu..take out muna s KFC ( Kanluran Food Court) puno na kxe..🙂

    Tem-i,
    feeling kuh tlga nging classmate kuh pa c Jam dati eh..at sabay p yta kming ng take out dahil hndi na kami kasya s Pong’s..🙂

  15. mishes

    hahaha.. naalala ko yun college days namin.. nasuyod ko na ata buong karinderyahan sa school.. pero bukod sa libreng sabaw, isa sa mga klasik samin eh ang TOPPINGS.. bibili ng pinakamurang ulam (kadalasan leeg ng manok or siomai) sabay hirit ng sabaw ng kaldereta o anu pa mang masarap na sarsa.. libre na, instant pang masarap ang kain mo..🙂

  16. alasais

    Mishes,

    Nakakagutom naman yang comment mo. Haay shet tangina…sauce sa kanin…mmm! Leeg ng manok! Sarap kanin nung gitnang part niyan e – yung pinakamalaman na parte ng balat, or pinakamatabang parte ng balat! Haay ka-miss ang mga karinderya.

    Tem-i of Alasais

  17. efren

    hahaha…kaaliw naman ng mga facts na binanggit niyo. kaasar nga lang kasi kakaunti na ang serving nila ng kanin. labs na labs ko rin ang mga foods sa karenderia kasi lasang lutong bahay ang mga foods nila. paborito ko ang giniling na karne ni ate marie at bikol express & adobo ni ate marcelina.sa kanila lang ako bumubili ng pagkain…malinis kasi ang mga food nila.

  18. alasais

    Efren,

    Sabagay, meron ngang ibang konti nalang ang serving sa kanin. Tapos kapag magpapalagay ka ng sabaw ng ibang ulam e may kasama pang dabog! Parang ayaw nang paburaot ng ibang mga manang. Hehe.

    “Ate pasabaw naman nito.”
    (simangot) “Tsk!”

    – Tenco

  19. alasais

    Efren,

    Sa kanila ba yang karinderyang yan? Dapat ang pangalan niyan e “M&M’s”! Masarap ang giniling na may tomato sauce at kung anu ano pang rekado. Parang ayaw tumigil ng kanin pag yan ang ulam ko e!

    Tem-i of Alasais

  20. TunYing

    Hahahaha… Hanggang ngayon namang nagtra-trabaho na ko sa karinderya pa rin kami kumakain! At tulad nung college, humihingi din ako ng toppings (ung sauce ng ulam ilalagay sa kanin! Sarap)… Babanat ka pa dun sa tindera ng “Ate padagdag ha” kahit kalahating ulam lang inorder mo! Minsan nga oorder ako ng isa’t kalahating kanin pero ang babayaran ko isa lang (tanong nyo sa kaklase kong si mario)… Pero ngayon hindi na, nagbago na ko, kumukuha na lang ako ng saging (habang madaming tao) >_<

  21. alasais

    Tunying,

    Haha! Mampipitik ka din pala ha? Madami kayang maka-relate kung gagawa kami ng blog sa mga nagwa-wan tu tri? Nakakamiss ang mga oras na yun e…

    Tem-i of Alasais

  22. alasais

    Tunying,

    Oo paborito ko ‘yung saging. Paborito kong i-sumpak sa bunganga ni Tenco.

    O kaya bigyan mo si Mishes. Sigurado kong ikaw pa lang ang manliligaw niya na nagbigay ng saging kaya ma-aappreciate niya yun.

    – Tikboy

  23. TunYing

    Wow! Sabay sali kay mishes? hahahaha…

    Anway, try nyo magblog regarding sa wan-tu-tri… dami ako ikwekwento! hahahaha…

  24. harutinmoako

    ako ay isang certified batang karinderya. nagkatyphoid nga ako dahil a kakakain sa tabi naming karinderya. but thanks o them i was able to experience how to live in a hospital…😀

  25. kuchara

    nice blog!

    all i can say is hinde ako mag-kukucharang muli not until mahanap ko ang aking tinidor! sa bahay man o sa paboritong karinderia!

  26. Abu Sayad

    lol pangalawang comment/reply ko na to first ung sa Piltrip.. pero mtagal na akong nagbabasa.. anyways masasabi ko lang sa karinderya lalo na sa college ay, totoong masarap ang luto nila.. naalala ko nung college ako sa pinas, may dalwang karinderya kaming kinakainan ung isa kilala sa luto nilang tapsilog.. ung isa is sisig(sasabawan mo ng toyo na may calamansi at sili) ulam na.. kahit kalahating sisig, lang at dalwang rice wala nang extra rice xe malaki na ung dalwang rice lol. at ung isa ay ung masarap nilang luto ng caldereta.. namimiss ko un.. and meron pa akong isang karinderyang na experience nung mag aral ang ex ko sa cebu nagtry akong kumain sa isang karinderya doon pinaka masarap ung puso(sinaing na kanin na nakabalot sa dahon ng niyog) at fried chicken with mayonaise of ketchup dip.. at coke or sprite ^_^ solve na ako nun.. less than 30pesos lang or 21 pag leeg ng manok lang inorder mo.. lol.

  27. Abu Sayad

    o may naalala ako may masarap na lugawan or basta luto un na may sabaw jan malapit sa UDMC.. basta lagpas ng ramirez ata un..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s