45. Kinahig

Sinu-sino sa inyo ang nagmamadaling matutong sumulat nang dikit-dikit (o karsib para sa mga hindi nakaka-intindi ng tagalog na nagbabasa pa din ng Alasais)?  Dati, ganun ako dahil feeling ko, matanda na ang tingin sayo kapag marunong kang magsulat nang dikit dikit.  Sino kayang kupal na walang magawa ang nag-imbento nun, no?  Talagang ayaw niya nang hiwa-hiwalay ang letra eh!  Gusto niya na magkakadikit ang mga letra tapos pakurba at pa-slant pa lahat ng sulat eh!  Bat ba ako nagagalit?!!!

Anyway, ang liham…este topic natin ngayon ay tungkol sa pagsusulat.  Hindi ako mahilig magsulat kaya naman parang kinahig ng may tipus na manok ang sulat ko.  Natuto naman ako magdikit-dikit pero nung hindi na kelangan sa eskwelahan ay hindi ko na din siya ginamit.  Aaminin ko, na-enjoy ko siya nung simula dahil feeling ko, matanda na ako.  Mas nakakatanda pa ng image ang karsib kesa sa pagiging tule eh.  Ang karsib, pwede mong ipakita para patunayan na tumanda ka na.  Eh pag tule ka, alangan naman ipakita mo si Manoy sa lahat ng magsabing “supot!” sayo diba?

Ngayon ay nagsulputan na ang text at chat kung saan hindi na talaga kailangan ng sulat-kamay.  Maaari nating masabi na ito ay unti-unti nang nagiging “lost art” at dahil dito, papangit na nang papangit ang sulat ng tao.  Siyempre, dahil old skul ako, hindi ako naniniwalang lost art ang pagkahig sa papel.  Madami pa din akong kilala sa baranggay namin na magagaling gumamit ng lapis o bolpen.  Si Manong Ruben, ang pinakamakisig na kubrador sa amin.  Ang kanyang ispecialty ay siyempre jueteng at ending.  Kukuha siya ng karton ng isang rim ng Marlboro at tutupiin niya ito nang pa-lengthwise.  Ito ang kanyang listahan ng mga taya, iskor at mga utang.

Hindi din padadaig ang mga mahjongero’t mahjongera.  Maglalatag sila ng manila paper sa lamesa at yun ang kanilang sapin at listahan in one!  Siyempre, andiyan din si Manang Ishing (Hawig na hawig ni Bella Flores pero totoo ang kilay!) na napakagaling magsulat ng mga utang gamit ang kanyang Juday Spring Notebook – Juday in front, Wowie at the back!

Hangga’t may tumataya…hangga’t may umuutang…hangga’t may essay part sa likod ng quarterly exam, hindi mamamatay ang pagsulat.

Mabuhay ang Kilometrico!

– Tem-i


September 21, 1993.  Martes.  12:40 ng tanghali:

Titser:  Tenco, hindi iniiyakan ‘yan.  Sundan mo nang mabuti ‘yung nakasulat dito o.  J.  Magsimula ka sa blue line, tapos itaas mo papunta dun sa isa pang blue, tapos ibaba mo.  Tapos lagyan mo ng buntot.

Tenco:  (singhot-iyak-singhot-singhot)

Kanina pang alas-dose ang uwian namin eh.  Hindi ko talaga makuha ‘yung kersib na letter J na ‘yan.  Akala ko dun na talaga ako matutulog sa klasrum eh.  Hindi ko alam kung pa’no ko natapos ‘yun.  Hindi masayang karanasan ‘yun.  Bwisit na dikit-dikit ‘yan.

Ang pagsusulat ang isa sa mga basic skills na itinuturo sa ating mga bata.  Maliban sa pagbabasa, pagtutula, at pangungupit, ang pagsusulat ay binubuo ng mga mumunting hakbang para ma-master mo nang husto.

Okay, syempre dapat alam mo ang tamang paghawak sa lapis.  Madali lang sakin ‘tong step na ‘to.  Gagamit ka lang ng tatlong daliri para mahawakan ang lapis.  Teka, kaliwa ba o kanang kamay ang gagamitin ko?

Alam mo rin dapat kung hanggang saang mga linya ka lang pwedeng sumulat.  Kung blue-red-blue ang papel e dapat hanggang doon lang sa tatlong linyang ‘yun ang laki ng mga capital letters.  Kung small letters naman e red-blue lang ang sakop na linya.  Ayan medyo palya na ko rito.  Ewan ko ba pero lumalampas ‘yung sulat ko kahit hindi ko naman talaga pinapalampas.  Bakit kaya ganun?  Ayoko ngang lumampas tapos lumalampas naman.  Minsan nakakapagtakang parang may sariling desisyon ang kamay natin at hindi natin mautusan nang maayos kung paano dapat gumalaw.  Parating maliit ang mga butas sa letter B ko.  Sumosobra sa haba ang letter E.  Parating butas ang papel kapag letter i.  Nagiging number 5 ang letter S ko.  Nakakaiyak sa inis!!!

Ang lakas ko pang mang-asar na parang kinahig ng manok ang sulat ng kaklase ko pero mas masahol pa ang sulat ko sa kanya e.  Pangit talaga as in pare.  Kahit bagalan ko pa ‘yung sulat ko ganun pa rin.  O sige medyo magiging maayos naman pero pangit pa rin, gets?  Inggit na inggit ako kay mama nun kase parang ang dali-dali sa kanyang magsulat ng maganda.  Naisip ko, siguro pagtanda ko e gaganda rin ang sulat ko.  Pero parang ganun pa rin e.

Totoo bang may kinalaman ang pagiging doktor sa pagkakaroon ng pangit na sulat?  Buti pa ‘yung kaklase ko, kahit may pagka-pangit siya e ang ganda-ganda ng sulat niya.

– Tenco


Ano ang pinaka-ayaw niyong workbook sa iskul?

Ako isa na dito ang Writing Workbook. Bwiset na bwiset ako dito sa librong ‘to. Sobrang nakakatamad talaga. Ilang beses mo isusulat ang bawat letrang karsib. Nakaka-umay siya.

Dapat magaya mo talaga ang sample na letra na naka-print na. Meron pang step-by-step instructions na susundan mo para magaya mo talaga siya. Ayos na sana kung puro “v” at “u” lang ang letra sa workbook eh. Haselicious yung capital “K” at “Z” eh.

Pero sabi nga ni Tem-i, ginusto natin nung bata pa tayo na matuto agad magsulat ng dikit-dikit. Nakikita ko kasi sa nanay ko ang ganitong pagsusulat at dun ko nakuha ang ideya na pang-matanda ang dikit-dikit na pagsusulat. Gusto ko agad ‘tong matutunan para mag-feeling matanda na ako.

Kumuha ako ng papel at lapis para subukang magsulat ng karsib. Sa dami nang nasulat ko e pare-parehas lang ang lumabas. Parang puro “i” lang na walang tuldok ang nagawa ko. Basta tuluy-tuloy lang ang pagsulat at hindi inaangat ang dulo ng lapis eh feeling ko na karsib ang nagagawa ko.

Ang magaling sa pagsusulat ng dikit-dikit eh mga babae. Ang ganda ng sulat nila at pantay-pantay talaga. Minsan nga parang ang sarap lang tignan ng notebook nila eh. Akala mo sinukat talaga bawat letra at mabilog talaga.

May nag-magandang loob sa’kin dati na kaklase kong babae. Tinuturuan niya akong makapagsulat ng maayos na dikit-dikit. Binigyan niya ko ng teknik. Eto ang pagtabingi ng notebook mo. Itatabingi mo siya para pagsulat mo eh automatic slant na. Ginawa ko ‘to pero kahit anong pagtabingi ko ng notebook eh diretso pa rin sulat ko at parang kinahig pa rin ng manok na pine-pressure ng lawin na mahanap na ang singsing.

– Tikboy

10 comments

  1. nobenta

    Tenco, sabi nila, habang tumatalino ang mga tao, mas nagiging bobo sa composition. Parang sa sms. Dati noong wala pang celfone, nakakahiyang magkamali sa spelling. Pro ngaung my txt n, wla ng wrong speling. Parang yang mga lintek na doktor, feeling nila ay sila ang pinakamatalinong profession kaya pinapangitan nila ang sulat nila. Para magmukha tayong bobo kasi di natin mabasa!

    Tikboy, di lahat ng babae ay magaling sumulat ng dikit-dikit. May classmate ako dati sa elementary na ang pangit sumulat. Kahit na anong ganda nya, iisipin mong ex-convict yung nagsulat pag nakita mo yung writing notebook nya!

    ~ http://no-benta.blogspot.com

  2. superlolongpinoy

    Titser ang Nanay ko kaya siguro naging matino/maganda ang aking pagsulat simula nung bata pa. Nung haiskul malaking bagay ito kasi may added points sa mga exams…kahit medyo nambobola na ay akala maganda/tama ang sinasabi…hehe. Maganda ang sulat ko sa kabit-kabit at yung pag-Print…kaya napakinabangan ko sa engineering na kurso…lalo na sa mga drawing na subjects.

    Nung haiskul pala malaking bagay ang magandang sulat kasi di na mahihirapn ang katabi sa pagkopya.

    Siguro dahil uso nung araw ang love letter…medyo may dating din ng konti sa nililigawan.

    Pero dahil nauso na ang computer…hanggang sa board exam at ibang exams…di na kailangan maganda ang sulat kasi puro shading na lang.

  3. alasais

    Jem,

    Oo nga e. Bwisit na teknolohiya ‘yan. Nawawala na ang klasik na pagsusulat eh. Haha oo nga, minsan e tumataas ang score mo sa test basta maganda ang sulat mo. E ‘yung matatalino samin noon ‘yung maganda rin ang sulat, kaya lalong tumataas ang grades nila. ‘Yung mga pangit namang magsulat na gustong pumorma sa nililigawan e nagpapasulat sa mga kakilala nilang babae. Ayos..

    – Tenco

  4. balotlot

    uu nga tikboy… ndi porket babae eh magaling at maganda na cla mag sulat ng dikit dikit…

    aq aminado sulat kinalahig na manok aq pag dikit dikit… for some weird reason eh never ko rin tlg natutunan ang pagsusulat ng dikit dikit.

    or baka tamad lng aq makinig sa titser ko, or may sariling buhay ang mga daliri q at ayaw nya magsulat ng dikit dikit. hahaha.

    pero pag ndi dikit dikit eh ganda ng penmanship ko… mabuhay tlg kyo..

  5. Tsutsay

    nung kinder ako best in writing ako *smile* pero nagtataka ako kung bakit ako naging best in writing samantalang sabog sabog naman yung sulat ko nung bata. dahil siguro sa lahat ng panget magsulat ako yung medyo pinakamaayos. dahil din siguro sa lapis kong mataba na kulay itim ang labas, halos kasing haba na lang ng hintuturo, may kagat-kagat sa gilid pati na sa bakal na pinaglalagyan ng pambura kaya napapaganda ko ang aking sulat. kasi sa kaklase ko hello kitty ang lapis nya kaya panget ang sulat.
    minsan na rin akong nakipag-asaran sa sulat ng kaklase ko dahil sa pagtingin ko ng sulat nya e naamoy ko na ke-baho ng papel nya! (yung papel ko kasi bago kaya amoy national bookstore)

    titser: klas buksan ang libro sa pahina eyt.
    praktisin nyo ang pagsulat ng dikit dikit
    at babalikan ko kayo. kung sino ang
    maganda magsulat bibigyan ko ng premyo.
    istudents: yeeeeeeess…maaaaaaaaam..
    katabi(lalaki): ui pagalingan tayu ha?
    tsutsay: o ba! panget mo kaya magsulat!
    katabi(lalaki): ayus ah! sige ba! pag napili yung
    saken asar talo ka!
    tsutsay: talaga?? patingin na nga ng sulat mo?
    ay ang panget… hahaha.
    katabi(lalaki): wag ka nga muna makulit dyan!
    letter i pa nga lang nasusulat ko eh.(sabay nagkamali.wala na palang pambura yung lapis nya *smile*)
    tsutsay: pinish!!! o mamya ka na tumungin..
    tapusin mo muna yan…, teka tingin nga
    nung seyo?..ay bat ang baho? tsaka bakit
    madumi papel mo parang kumalat yung ink
    lapis mo? aaay… yaaaak! laway
    pinambura! siguro kinudkod mo ng
    hintuturo mo yung papel mo? yaaaak!
    (katabi naaasar na..) klasmeyt amoy mo
    papel ni roberto ambaho!
    katabi(lalaki): tangena mu ah? gusto mo kotongan
    kita?
    tsutsay: sige nga? (naka-amba na parang tutusikin
    ng matulis na lapis ang katabi) wala ka
    pala e!..
    mga klasmeyt: yeehey! wuuuu..away na yan!
    tsutsay: tangena mo pala eh.. baho ng papel mo
    gago!..

  6. aNgEL

    di ba grade 4 tinuturo magsulat ng insuldong??(yun kasi tawag namin sa ganun sulat eh..haha) masaya din ako noong sinabi ng titser namin na magsusulat kami ng ganun..parang grade 1 uli ang dating habang nag aaral mag sulat ng maayos.. pero lintek…nakakangawit sa kamay..tapos buong taon na yun kaylangan ganun sulat namin..buong taon na laging ngawit kamay ko…

    nahirapan din ako dun sa J…nainggit kasi ako noon sa klasmate ko..ganda ng J niya…grabe tagal ko pinag aralan..tapos nito nito lang nakita ko papel ko nun elementary…grabe yung J na maganda ko noon ngayon nasasagwaan na ako…

    doon sa sinabi niyo about sa chat at text…di naman kayo mahihirapan kung di niyo hahayaan na maimpluwensyahan yung pagsusulat ninyo…di ba??

    IT student ako edi puro type, napansin ko nga na di na ganoon kaganda sulat ko kesa sa dati o kaya mas madali na mapagod sa pag sulat…may titser kaming nakakainis na pinagsulat kami ng 5pages(MS word) worth na notes…practice daw namin yun kasi di na daw kami nag susulat..lintek di kami papauwiin hanggang di pa namin tapos yun…sadista ang bwisit…

  7. grasi

    wow ang tagal ko absent. sakto pa writing ako napasabak. :((
    ang parusa sa writing book ko ung mga unang part. ung mga bilog na parang mga waves.. sakit sa kamay. hybrid na letra at bulate.. kung alam ko lang na mauuso ang magtype ng magtype ngayon nungka na tapusin ko un. parusa ang capital letter Q kahit kelan. di ko alam pano ba un.

  8. alasais

    Grasi,

    Q? Parang capital letter I ‘yung eh. Nalito ako sa letrang ‘yan eh. Saka oo nga noh, pinasulat din pala tayo ng mga bilog na parang mga waves. Ano kayang sense nun?

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s