K. Liham Galing sa Isang Kapwa Kalye Boy

Mga repapips!!!

Meron kaming natanggap na blog galing sa isang tagasubaybay ng Alasais.  Ang pangalan niya ay Rojan at natutuwa kaming ipabasa sa inyo ang kanyang isinulat.  Anlulufet ng mga ala-ala niya!  Eto, saksak nyo sa ngala-ngala nyo! Uhm!

“…mga tsong, nakakarelate ako sa mga blogs niyo, baka makadagdag tong ginawa ko.

Kwarta o Kahon

Mahal pa ang advan nun. Wala pang megamall dahil ang taping ng kwarta o kahon ay sa SM north edsa pa. Ano na kaya ang nangyari kay pepe pimentel? Napansin niyo bang peluka ang buhok niya? hehehe pero may highlights na puti sa gilid sa bandang patilya. Sikat pa ang Channel 9 nun.

Tropang Trumpo

Naalala niyo pa ang show na tropang trumpo? Ilan sa atin ang sumasang- ayon na hindi naman talaga nakakatawa si smokey manoloto… Hindi ba’t mas OK pa si maui roca magpatawa (katumbas ni wendell ramos sa bubble gang ngayon). Ok din yung ABC 5 nun, tuwing sabado ng 9 pm.. oras na para manood ng tropang trumpo. Pwede mo bang makalimutan yung portion na sumasayaw sila bago magJOKE. ahahaha.. CHICK, CHICK, CHICK, CHICKEN!!!!

UMD – universal motion dancer

Sino sa atin ang hindi nakakakilala kay wowie,bryan,gerard fainsan… sila ang sikat sikat na all male dance group nung 90’s. Malamang minsan sa buhay mo e nagsuot o nagtali ka rin ng panyong malabandana sa ulo mo. Na minsan sumayaw ka ng “ALWAYS” nung may programa sa eskwelahan niyo.

Earl Ignacio

nsan na kaya si EARL IGNACIO? hahaha… ang alam ko napangasawa niya si Cookie Chua yung lead vocals ng Color It Red,,, “at sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko… ay jollibee….

Pinoy Wrestling

Si lawin, ang mala-ibon na pinoy wrestler na ang pamatay e flying elbow from the top rope. Si pasipiko palaypay, ang malabading na wrestler. Joe Pogi, ang aroganteng wrestler na feeling pogi. Bakal Boyz at Smokey Mountain brothers, 2 sa pinakasikat na tagteam sa pinoy wrestling. At pinakasikat sa lahat… ang referee… SI GARY LISING…. ahaha… naaalala niyo pa =)

Peter Pan

sa ch.2 naman tayo… yung anime na peterpan kung saan inaabangan talaga ng mga bata… teka, teka… talaga bang takot si captain hook sa buwaya? Kinagat daw kasi nito yung kamay niya at nalunok ang relo nito kaya pag dumadating ang buwaya eh naririnig ni captain hook ang tunog ng kanyang orasan. Sino ba naman ang makakalimot sa matandang alalay ni capt. Hook…. si Smih…

Jojo Alejar

Si Jojo Alejar kilala niyo pa? the Great Jojo A. napagaling sumayaw.”

Hahahaha!!!  Salamat Rojan sa iyong kontribusyon.  Sana ay na-inspire mo ang iba pa nating mga katulad na magshare ng kanilang mga ala-ala.  Umamin na kasi kayo!!!
PART II

May 15, 2009

Para sa mga naging fans ni Papa Rojan, eto pa!  Humirit pa ng isang kahindik-hindik at kagila-gilalas (love you Bitoy!) na blog tungkol sa mga old skul na sitcoms!  Uhm!  Eto!  Saksak niyo ulit sa mga baga niyo!

“Alasais… Nakakatuwa talaga ang mga blogs dito. Nakakarelate ako. hahhahaha… Ang kukulet kasi eh. Meron ulit akong nagawa, sana makadagdag at makapaghatid ng kasiyahan sa mga tagasubaybay at tagabasa ng KLASIK na blogsite na to.

S-I-T-C-O-M
—————-

Nakakamis ang mga sitcom noon, talagang mapapaupo ka at mapapatigil para panoorin ang buong palabas pati patalastas. Isa – isahin natin.

BISTEK

Pinagbibidahan ni Herbert Baustista at Geli De Belen. Ok tong show na to dahil nandito si Dyords Javier. Tawang tawa ako sa tawa niya. Ang sabi “HIK HIK HIK HIK HEEEE” di ba? Siya lang ata ang nakita kong artista na ganun tumawa. Dito ko rin unang nakita si Long Mejia sa tv. Side kick siya ni Bistek, kasa-kasama palagi na nambubwisit kay Dyords dahil sa panliligaw ni Bistek kay Geli (anak ni Dyords Javier sa sitcom). Ordinaryo lang ang setting ng sitcom na ito. Labas/Loob ng bahay at Tindahan.

Oki doki dok

Eto ok din. Kahit ang Eat Bulaga e nasa channel 7 makikita mo si Jimmy Santos sa ch.2 dahil sa sitcom na to. Love interest ni doc aga si Agot Isidro na kapatid ni Claudine at Paolo Contis na ang tatay ay si BABALU. Hahahah…. Si Doc Aga naman ay isang Veterinarian na ang alalay naman ay si “GUDO” (Jimmy). Nakakatawa pag pinapagalitan ni Doc Aga si gudo dahil parang nilukot napapel ang mukha nito pag umiiyak. Ang walang kamatayan na hirit ni Babalu na “nang AANO ka eh”, madalas marinig pag nalulusutan siay ni Doc Aga para manligaw kay Agot.

Okey Ka Fairy Ko

Payat na Enteng, maliit na Aiza, magandang Alice Dixon (na pinalitan ni Tweetie De Leon), prinsipe K, Ina Magenta, Luka, Bale, Amy at Pipoy. Sino ba ang hindi makakakilala sa kanya? Hay, naging parte na sila ng buhay natin, linggu linggo e hinihintay natin ang kanilang palabas. Lumabas si Benok anak ni Enteng at Faye, nagmula sa isang malaking itlog na ilang episodes ding nilimliman ni Enteng. Sabi nga ni pipoy “Teng,,,,, Teng,,,,, Teng,,,,, pautang naman” (paiyak na sinasabi ni Pipoy kay Enteng), sinasabi to ni pipoy dahil sinisingil na siya ni bale sa utang niya sa tindahan.

Valiente

Eto hindi sitcom pero natutuwa lang ako kasi dito ko nakita yung may buhok na Michael De Mesa. Dito rin napanood si Jose Manalo at NogNog.

Palibhasa Lalake

Mula sa original cast nito kung saan kasama pa si ‘Miguel Rodriguez”. Siya yung macho na gwapo na kadalasan lumalabas bilang kontra bida sa mga pelikula, hanggang sa pasulpot ng gwapings. Nakakatuwa ng mga hirit dito, Si Gloria Romero (tita Minerva) ang kahera nila Joey, Goma, John, na may anak na dalawang babae, sina Amy Perez at Cynthia Patag. Sino ba ang makakalimot kay “Tikboy” (Anjo) ang love interest niya ay si Aiko. Si Carmina ay ang nakakabatang kapatid ni Goma, tapos yung gwapings at si Jao Mapa. Dito ko ata unang nakita si Jao. Yung baklang katulong na si Ogie Diaz. Hahahaha. Pasaway talaga. Nung huling mga episode eh napasama rin si Jackie manzano sa cast. Tipikal na kwento ng magkakaibigan na nakikitara sa iisang bahay. Dun lang umiikot ang kalakohan nila. Higit sa lahat dito nauso ang BASAAN ng tubig sa pagtatapos ng episode. Simple pero kwela.

Iskul Bukol

Ang masasabi ko ang ay ISANG ALAMAT!!!!!. KLASIK!!!! IDOL… Pinakilala sa atin ang 3 magkaklase na sina Joey, Tito Escalera at Vic Ungasis. Sino ba ang makakalimot kay Tonette (yung baklang malaki), Si mang TEMI at si Ms. Tapia, na hanggang ngayon eh natsitsismis pa rin kay Joey Escalera. Biruin mo, makakaklase sila noon hanggang sa maging propesor na nila si Ungasis sa Wanbol University. Ganun katagal ang Escalera bros. sa pag-aaral. Hindi malamangan ang Escalera bros, pati si Ungasis ay kawawa sa kanila. Lalo na si Mang Temi. Hindi ko nga maisip na ang pinakamatindi humirit sa TVJ ay si TITO pa. Sa swabeng bigote ni Tito, pasok na pasok ang mga hirit niya.

Alam ko marami pa, pero kayo na lang ang magdagdag.”

Hahahahaha!  Tawa lang ako nang tawa habang binabasa ko ang iyong kontribusyon.  Sina Bonel Balingit na bespren ni Tikboy at walang tatalo siyempre kay Dickson – “Pre, pa-kiss nga!”

Tem-i of Alasais

17 comments

  1. alasais

    Cathy! Oo ikaw! Salamat sa pagbasa! Every Friday, may bago kaming blogisodes..Abangan mo, ok?

    Tem-i of Alasais

  2. atetin

    ala-ala b kamo. pamatay to…That’s Entertainment hahaha. Cgurado kong may paborito kayong grupo dito. Tuesday group ang gsto ko, sina Manilyn Reynes at Billy Joe Crawford dun. Tapos twing Sabado, pabonggahan ng production number. laging olats ung Wednesday group.

  3. alasais

    Atetin,

    Shempre dun ako sa laging talunan, ang bwiset na Wednesday group na yan! Lagi pa naman ako nakikipagpustahan sa kapaitd ko na kung sino matalo e maghuhugas ng pinggan. E nauuna kasi siya lagi pumili ng Thursday group na siyang laging panalo tuwing Sabado! Tang ina nyo Smokey, Vina at Jennifer!!!

    Tem-i of Alasais

  4. rebeldengpalaka

    ang iba naalala ko pagsumisilip ako mga bahay na dinadaan ko.. yun nga lang putol putol kasi kailangan kong tumalon..

    ang taas ng mga bintana.. pero ngayon ok na.. maytv na si dady kokak… ang galing naalala ko tuloy si TIKERBELL.. kokakkkk

  5. TunYing

    Family kwarta o kahon… mas pinapanood ko ito dati (sa north edsa pala sila nun) kasi nakakatamad manuod ng Sa Linggo nAPO sila! Tropang trumpo! The best!!! fave ko din yung chicken saka ung kantang “sinong sinong panget? ang panget na maswerte, lahat ng boys ay naglalaway kahit na mukha syang pasaway” (tono ng seiko wallet)… HAHAHAHAHA!!! Saka yung peter pan sa channel 2 yun! ok yung buwaya dun nakakain ng relo ooopss… Si tiger lily din pala mas gusto ko sya kaysa kay wendy!

  6. alasais

    Allan,

    Tropang Trumpo is the best gag show. Walang nakapantay dito. Ang sakit ng tiyan ko parati at da best ang mga hirit ni Earl Ignacio.

    Haha Tiger Lily. Oo nga mas may dating nga ‘to kesa kay Wendy! Galing mo pare!

    – Tenco

  7. Snowden

    Wahaha.tr0pang trump0 the best talaga walang sinabi ang super laugh in ng 2.tangna m0 redf0rd.haha..ganda din ng ogag sa abc..tinatarantado nya si mr.bean.ewan ko ba hindi ko matripan ang kwarta o kah0n.hahaha..jojo a of the tigers?astig dance step old skul.haha..nasusuka ako sa pin0y wrestling…nampucha parang mga payaso na nag-aaway dahil sa tf.mas mabuti pa ang away kant0 tlagang basagan ng mukha.yeah!

  8. alasais

    Snowden,

    In this corneeeer (hindi naman talaga ganito ang intro)… Snowden the “Gentle Snowman!” Ikulong mo sa nagbabagang yelo, parang si Rio ng MaskUman!

    – Tenco

  9. alasais

    Snowden,

    Hahaha Redford! Tanginamo Redford…Hahahaha! Haay…Ogag…Pinoy Wrestling – Sultan Bato, Joe Pogi at Bakal Boys…da best.

    Tem-i of Alasais

  10. adonis

    balikan din natin ang pba noon kung saan manalo matalo ginebra pa rin ako, ginawang pa ng theme song ni gary granada dahil ang daming na adik ng panahon nila bal david, marlou aquino, vince hizon at kalakasan din noon ng alaska sila abarrientos, hawkins at lastimosa kung saan nag grand slam champs sila…
    sino ba makakalimot kay thalia aka “marimar” orig kung saan ang tv patrol na katapat nito ay naging 30min. na lang at nag iisa na lang si kabayan noli de castro at para ipantapat kay marimar ang pinakamahabang serye sa balat na television ang walang kamatayan hirap ni mara at ang kamalditahan ni clara sa “mara clara”…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s