3. Picnic

Kahit mga batang kalye kami ay may panahon din naman para sa picnic.  For some reason, lalong sumasarap ang pagkain kapag nagpipicnic ang isang pamilya o magkakabarkada.  Walang tuwid na lamesa, walang matinong upuan.  Eh ba’t masarap kumain sa picnic?  Gusto mo malaman?  Heto ang sagot.

“Feel na feel koh!

Walang biro, mahal kitaaaahahahahah!”

(Repeat 2x)

Madaming mga klasik na lugar ng piknikan.

1. Park – Mapa-Luneta man o Folk Arts ay madaming mga pamilya ang nahuhumaling na maglatag ng banig dito.  Pwede ka magjogging, magpalipad ng saranggola, magpapicture kay Rizal o umapak ng tae ng sanggol.  Pagkatapos mong apakan ang tae ng sanggol ay walang kamuwang-muwang mong iaapak ang tsinelas mo sa banig bago ito hubarin.  Hihiga ang gelpren ng kuya mo sa banig na may tae ng sanggol.  Ayun.  Instant Andrew E  movie.

2. Beach – Hindi kumpleto ang picnic sa beach kung walang mag-iihaw ng bangus at liempo.  Dagdagan mo pa ng hilaw na mangga, sibuyas at kamatis salad with matching inihaw na talong at swak na swak ka na sa banga!  Kahit mainit ang coke ko sa oras na’to ay swak pa din talaga.  Ito ang perfect time para magkamay…haay siyet na malagket…

3. Ilog – Halos parang beach din ang mga ulam dito pero ang kanin na nasa malaking kaldero ay buhat ng tomboy mong auntie magmula sa van hanggang sa picnic spot sa tabi ng ilog.  Sapul na sapul no?  Hindi mabilis ang takbuhan sa tabing ilog dahil madalas ay mabato dito di tulad sa beach na mabuhangin.  Masarap din magpicnic sa river pero siguraduhing magdala ng katol dahil mas malamok dito.  Babala:  Huwag hithitin ang katol.

4. School grounds – Family Day!  Yahwe…este..Yahoo!  Kahit hindi siya kasing wild ng beach at ilog eh isa ito sa peborits kong klase ng picnic.  Saan ka makakakita ng piknikan na may ‘sanlibong pamilyang may dala ng iba’t ibang klaseng ulam?!  Saan?!  Tangina sharaaaaaaafff!!!!  Iba’t ibang klaseng luto ng fried chicken, embutido, barbecue (Read our crazy blog “Taba”) at pansit Malabon…Haaay…Nagtatakbuhan lang kami ng mga kapatid ko tapos kunwari ay madadapa ako sa banig ng isang pamilyang di ko kilala, sabay dampot na ng pakpak ng manok.  Solb na!  Eh eto namang tatay ko, walang kasing kalye ang trip – Nagdala ba naman sa skul namin ng Kilawen!  Ayos sa potluck a!  Tiyak magugustuhan to ng mga kaklase ko sa Gr. 2-Gumamela!

Anyway, madami pang mga ala-ala ng picnic ang ishe-share ng mga katropa kong baog.  take it away voyzzz!

“Kahit maisip lang kitah! (ah-ah-aaaah)

Feel na feel talagaaaah!!!!!

Oh-whoo-oh, whoo-ohh-oh…”

– Tem-i


Akala niyo wala sa bokabularyo namin ang piknik? Kahit kalye boys ‘to eh alam rin namin yan at na-experience na. Parang may magic yang pikinik at napapasarap niya yung mga pagkain eh. Kahit anong tabang ng luto ay nagiging malasa kapag inihain sa piknik. Champion mga pagkain sa piknik!

Dito rin simpleng nagpapagalingan ang mga nanay sa pagluluto. Syempre ang pagluluto ang isa sa mga kompetisyon ng mga ina. Titikman nila ang luto ng bawat isa at tahimik na ikukumpara ang luto nila.

“Hmm medyo matabang ang lutong adobo ni mareng Aida. Yes! Mas masarap ang akin.” ang bulong ni aling Nida.

“Naku ang sarap ng pansit ni mareng Nimfa. Hindi masyado mapapansin yung luto kong spaghetti.” ang sabi sa isipan ni aling Lita.

Ang klasik na lugar ng piknik eh syempre sa park sa may damuhan. Wala nang mas-rerelax at sasaya kapag sa damuhan kayo kumain. Talagang wapoys sa pagchibog at ok lang maging makalat kumain kasi sa lupa o sa damo naman mahuhulog hindi na kailangan walisin.

Masaya rin naman magkainan sa swimming pool. Pero hindi ako ganun kagana kasi syempre nasa isip ko eh magswimming na uli agad. Palagi kaming pinagbabawalang magpipinsan na mag-swimming agad pagkakain. Sinasabi sa amin na maghintay muna ng 30 minutes bago lumangoy ulit at parang yun ang pinakamatagal na 30 minutes para sa amin.

Eto pala ang mga klasik na pagkain sa piknik:

Adobo – Simple lang ang dahilan, matagal mapanis. At madali ring lutuin.

Lumpiang Shanghai – Madaling lutuin at tipid. Kaunting karne lang tapos pambalot na napakamura. Pagkain rin para sa mga bata.

Inihaw – Hindi kumpleto kapag wala neto. Masarap na’to pero lalong sumasarap kapag nasa piknik.

Pansit o Spaghetti – Kailan ba nawala ‘to sa mga salu-salo?

1.5 0 2 liters na softdrinks – Walang buhay ang kainan kapag walang kulay ang inumin.

Special mention na rin ang mga kasangkapan na dala kapag piknik. Paper plates, plastic spoons and forks, jumbo kaldero, plastik cups at tissue.

“Paki-abot naman yung kanin o.”

Tikboy


Sapul nga sa banga ang mga kwento nina “Folk Arts” Tem-i at “jumbo kaldero” Tikboy.  Kahit mga batang kalye ay may karapatang maging bahagi ng picnic, kahit na saling pusa lang sila.

Ang eksena ng picnic na pumapasok sa utak ko e ‘yung isang masayang pamilyang nasa isang malaking parke.  May nagpapalipad ng saranggola (panganay na lalaki).  May naglalatag ng kulay dark brown na banig (nanay at panganay na babae).  May naglalaro ng manika (bunsong babae).  May naglalaro ng flying saucer (takip ng ice cream ng Magnolia) (tatay at bunsong lalaki).  Tapos mga bandang alas-9 ng umaga.  Hindi pa mainit niyan syempre may mga malalaking puno ng Narra (dating pambansang puno) sa paligid e.  Madamo (pero mababa lang).  Sariwa ang hangin.  Dahan-dahang sisimple ng binalot na sandwich ang gitnang anak na lalake.  Tangina ang saya diba?!

Pero syempre e hindi lang naman sa parke ginaganap ang picnic.  Pwede rin naman sa:

– Beach o swimming pool (madalas inihaw na barbeque o hotdog ang handa…  ay saka isda pa pala!)

– School field (Family Day.  Sunday, 8 am.  Bring mommy and daddy.)

– Sapa / batis (Ano nga ba’ng pinagkaiba nito?)

E pa’no kung hindi available si nanay at tatay?  At kung hindi mo trip isama mga utol mo?  ‘Eto ang gawin mo:

1. Yayain ang mga kalaro.

2. Mag-set ng date ng picnic (pwedeng sa umaga kung pang-hapon kayo; o ‘di kaya sa weekend nalang para hindi na kayo masyadong mag-isip pa kung kelan; o maghintay nalang ng holiday)

3. Mamili ng isang ginagawang bahay (up to 30% finished) na mukhang safe namang pagtambayan.  Dapat sa 2nd floor kayo para mas maganda ang ambiance.

4. Mag-isip ng mga dadalhing pagkain.  Mas masaya kung chichirya nalang ang dalhin kesa sa nakasanayang hotdog o barbeque.

5. Huwag magpaalam sa mga magulang kung saan pupunta (joke lang).

6. Dala pala kayo ng Sarsi!

7. Saka teks na rin para ‘pag nahulog sa first floor e papulutin niyo sa burot!

Tangina ang saya diba?!

– Tenco

34 comments

  1. emilayskie

    Haha.. Napapamura pa si kayo sa saya eh noh?

    Di ko maisip kung anong nag-inspire sa inyong tatlo para magsulat tungkol sa picnic. Doon ako mas nahihiwagaan eh. Siguro napadungaw isa sa inyo sa bintana habang nakasakay sa ikot at nakamasid ng isang pamilyang nagpi-picnic sa sunken garden. (Meron pa bang nag-gaganun dun?)

    Pero kung picnic na lang ang usapan, alam na alam ko yan dahil hindi ko makakalimutan na isang beses nag-picnic kami sa Baguio, nagkamay si Mama at pinagkasya namin ang kakaunti naming pagkain sa limang mga anak pero solb na solb kami. Magic! ^^ Biglaan kasi kaming napabiyahe at di nakapagprepare ng maraming food. Mejo nagmukha kaming PG pero “the hell we care!” Hahaha..

  2. alasais

    Emily,

    Nagpagutom ka ba muna bago kayo mag-picnic? Alin ang nauna, nagutom ka o inuhaw ka? Sarap sigurong maramdaman ‘to nang sabay e.

    – Tenco

  3. alasais

    Emilayskie,

    Madaming nag-iinspire sa amin para magsulat. Actually, meron pa ngang nagpipicnic sa Sunken Garden. Yung tipong oorder ka ng 20 pesos na isaw, 20 pesos na pishbol sabay 1.5 na Cok. Solb diba?

    Basta sama-sama ang pagkain e kahit toyo, pwede na…

    Buena mano ka sa comments Layskie!

    Tem-i of Alasais

  4. emilayskie

    Uu nga eh Tem-i. Shy me tuloy. Hahaha.. Napaaga yata masyado comment ko. T__T

    Oh my gulay na-miss ko yung bibili ako ng 40 pesos na isaw tapos hihigupin ko pa yung suka sa baso. Sarap! Kahit di ako taga-Diliman nandun ako lagi once every sem para lang mag-isaw at mag-ice cream. Sarap na picnic na yun.

  5. alasais

    Emilayskie,

    Hehehe, suka sa baso eh no? Oo nakakamiss talaga yun…kahit madilim na at hindi na kayo nagkakakitaan ng mga kaibigan mo ay sige lang, tuloy lang ang nguya ng isaw. Wag ka na magtipid. Bili ka pa ng isang pepsi. Bitin pa? O sago naman para hindi ka na dumighay.

    Tem-i of Alasais

  6. Tsutsay

    Picnic..habang naliligo ko sa beach e bigla kong nagutom. “tita ano ulam po naten? nagugutom po ako weh!” sige,kuha ka ng kanin sa kaldero at bigyan kita ng ulam…(anak ng!! DINUGUAN??!) usapan PIKNIC nagdala ng dinuguan? meron naman palang malupet na ADOBO! “o eto tikman mo, masarap yan. luto ko yan!” kaya naman pala..luto nya yun. walang pakealamanan..

  7. N

    huwaw!
    picnic!
    ang saya!
    gusto ko ring magmura.
    ginagawa namin dati yung picnic sa freedom park ng UPLB. bibili kami ng sandamakmak na proven tapos kanya-kanyang bili ng maiinom, at dahil wala akong pera, nanghihingi lang ako. Masaya kahit proven lang ang kinakain namin🙂

    tapos kapag naman sa beach/miming pool, madalas hindi nauubos kasi nabubusok sa kami sa tubig na may halong ihi dun sa miming pool. masarap sa mga ganung pikniks ang adobo, barbekyu at pansit na maraming magic sarap.

    ngayon ko lang napagtanto, taga UPD pala kayo.😀

  8. alasais

    N,

    Eeeengk! Hindi naman talaga taga-UPD. Pero syempre kung totoo man e hindi namin sasabihin! Hehe.

    Oo nga naman, sino nga namang bata ang hindi nakainom ng ihi sa swimming pool.

    – Tenco

  9. photosynthesis

    ayos talaga kayo eh! kahit anong topic kayang kaya gawin enjoy basahin! :))

    ginagawa namin ‘to nung friends ko sa UPLB nung almusalan, haha, nung June 17, 2008. parang mga timang lang kami, halatang mga freshie. pero wala na kami pakelam. di talaga kami nagbreakfast para dun. LOL. tas pancakes ang kinain namin nasa grounds kami. yehey. xD

  10. alasais

    Judith,

    Wow salamat naman! At talaga nga namang may date pa! Baka naman pati oras alam mo ha. ‘Di ba ang sarap mag-almusal kapag ganyan ang setting?🙂

    – Tenco

  11. emilayskie

    Wow first name basis na kami ni Tenco ha? Hahaha..

    Sabay yun Tenco. Uhaw at gutom. Sarap mag-picnic pag ganun. Gawain namin dati yun eh. Jogging sa Fort Bonifacio (bago pa ito naging The Fort) tapos pagbalik sa starting point inom at lamon ng baong picnic. Hahayz.. Ka-miss naman.

  12. Bam

    nakakatuwa naman ‘to. Ayos kayo mga kuya! Mahilig din kami magpicnic ng pamilya ko sa freedom park (UP elbi) para makalanghap lang ng fresh air…oh kaya minsan pag walang pang-kain sa labas.hahaha.

  13. alasais

    Bam,

    Hehehe, pag wala kayong pangkain e langhapin nyo na lang din ang fresh air sabay subo ng kanin.

    Salamat sa pagdalaw sa Alasais. Kada Friday, may bago kaming blogisodes kaya abangan mo, ok?

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  14. pilya'tpasaway

    Hahahaha!!🙂

    Sa UPLB din dati, sa freedom park. pinagsaluhan nmin ng bestfriend ko yung spaghetting handa nung birthday ng tatay ko.🙂 Hahaha! Bonding moments lang. Malamok nun pero ayos lang, masaya naman eh!

    Ang ayoko lang, ako napahugas ng pinagkainan pagbalik ng dorm. Hahaha!! Ang cool ng bestfriend ko ‘no? Ang cool mo talaga pare…. tsk. Hahahaha!!

    Gusto ko ulit yun maranasan bago gumradwate… hahaha!!

  15. photosynthesis

    Tenco,

    Oo, may date pa. Syempre. :))
    oras? uhm…. 7am? Almusalan nun eh! HAHAHAHA! :))

    Kahit sa’n masarap kumain basta gusto mo yung kasama mo! Muntik ng maging korni! :)))

  16. andreidae

    waaahhh…

    picnic!!!!!!!…at may pagsigaw pa tlga..masaya talaga yan..ang modern term nmin ng tropa kuh jan ay fud3p..kahit saang lugar basta may fudz pede na..

    haiz..kkamis ndin ang tropa…

    love this one guys!..keep it up!!

  17. alasais

    Andreidae,

    Pudtrip nga ang tawag ngayon diyan. May iba’t ibang tawag din tulad ng chi-cha, bogchi, lamon, atbp…

    We will keep it up.

    Tem-i of Alasais

  18. boy

    naalala ko tuloy picnic namin ng tropa ko nung highschool.. nag-iinuman kami mga alas-dos na ng madaling araw.. bday kasi ng isa sa mga tropa namin (hindi ko na maalala okasyon,yun naman lagi dahilan ko)nagka yayaan magtagaytay..
    mga 4:30 kami umalis.. taenang picnic grove yun 7am pa pala nagbubukas.. ayun naghintay kami sa labas.. dala namin mga handa sa bahay nila.. mga tinapay, chichirya, at yung ibang pulutan at chaser naming softdrinks.. nang matapos namin ang trail.. umupo kami sa mga plastic na dala namin.. at kumain ng tinapay.. hahaha! mukha kaming pulubi dahil sa damuhan lang kami.. wala kaming pambyad ng cottage.. pero enjoy naman.. at kasama tropa..
    thanks…
    jeboy

  19. alasais

    Jeboy,

    Waaaah! Kakamiss ang tropa pare! Mabilisang yayaan e pasok na pasok na! Inuman, tawanan, hiritan (pucha senti a). Basta pasok ‘yang alaala mo!

    – Tenco

  20. alasais

    Boy,

    Mas masarap naman magpicnic sa damo e! Ang cottage ay mapanghi samantalang sa damo, hindi mo halata ang tae at ihi kasi naaabsorb ng lupa. O diba? Sige kain pa nang madami!

    Tem-i of Alasais

  21. boy

    @tenco
    mabilisan talaga.. hehe.. yung isa may duty pa.. pero umabsent para sa tropa.. may tama pa kami sa bus at sa jip.. nagcommute lang kami mula alabang hanggang tagaytay nun.. pinaghatian namin yung 2 plastic ng tasty (may entry na kayong nagpapaliwanag kung bakit tasty ang tawag dun sa loaf of bread sa pinas?).. palaman namin sa terminal namin binili, patak-patak para makabili ng 2 sachet ng say cheese.. hehehe.. di kasi ako nakaranas ng tunay na picnic.. picnic namin dati sa sementeryo lagi.. haha!!

    jeboy

  22. alasais

    Jeboy,

    Oo nga noh, may nag-p-picnic nga pala sa sementeryo! Instant mesa ang lapida, sabay laro ng baraha pagkatapos kumain.

    At bigla kong naalala ang Tasty Bread. Abangan ang topic tungkol dito. E ang sarap ng tinapay na ‘to e! Pinipirata pa!

    – Tenco

  23. emilayskie

    Grabeh ang tagal naman ng Friday para sa new post. Haha.. Can’t get enough of this.

    Kagabi sa company party nag-picnic kami sa parking lot ng PICC. Ang foodtrip namin ay yung mga ibinaon nilang food galing sa party. Pinaglalagay sa mga plastic cup at tinago sa paper bag. Hahaha.. Ang uutak ng mga kumag. Tapos may dala silang sandamukal na Red Horse on can. Enjoy kahit di naman ako uminom. ^_^

    Tara picnic tayo.

  24. alasais

    Emilayskie,

    Easy ka lang. Ilang tulog na lang Friday nanaman. Mga araw lulubog, bukas mabubusog…parang kanta lang ng Julibe a…Tignan mo mabuti ang mga red horse nyo. Kapag nakangiti ang kabayo e mas malakas ang tama. Happy Horse!

    Tem-i of Alasais

  25. alasais

    Emilayskie,

    Kalma ka lang. Ilang araw na lang naman eh.

    Ayos yung piknik niyong yun ah. Pagdating talaga sa kalokohan eh nagiging mautak ang mga kumag.

    – Tikboy

  26. Snowden

    Ang ayaw ko lang sa picnic eh yung bigla kang makakaramdam na natatae ka…

    Nung pumunta kami sa baguio nagpicnic kami sa burnham,s0lb naman kasi masarap ang luto ni ermat maganda pa ang view.haiy naku tumiming ba naman ang jebz.paktay tayo.nakakita ako ng p0rtalete anak ng barado..may lumulutang pang submarine malaup0 eh kaya ayaw lumub0g.kabayo ata ang nag-cr hindi ta0..imbes na matae nauna pa yung suka ko.their g0es my spag and h0tdog.haha

    Ayos magpicnic sa beach.kung mawiwi or pupu ka man maluwang ang dagat.hanap ka lang ng space na wala masyado tao.magkunyari kang nagprapraktis ng dog style.yung lang0y as0..isang iri lang yan.tanggal ang bagahe m0.ingat lang wag mag-iwan ng bakas.bugawin yung tubig palayo say0.hehe

  27. TunYing

    Payo ko lang… Wag kayo magpi-picnic sa sementeryo! Susmaryosep! Hindi ka matatakot sa mga patay o multo… Matatakot ka sa mga adik na biglang susulpot… hehehehe…

  28. alasais

    TunYiing,

    Ah adik pala yung mga kausap ko sa sementeryo! Akala ko mga zombie sa lalim ng eyebags eh!

    Nye! 4:30 na! Ang TV na!

    Tem-i of Alasais

  29. alasais

    TunYing,

    Naman! Jolina, Tony Lambino, Jan Marini, Gio Alvarez…hmmmm…parang masarap gumawa ng blog tungkol dun a…hmmm…Sandale, tatae muna ako…napadami ang kain ng pork en beans kanina e.

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s