25. Sari-Sari Store (Tsitsirya Part II)

Dahil sa katakut-takot na dami ng sumubaybay sa last BLOGISODE naming pinamagatang “Tsitsirya”, minabuti naming ituloy at i-extend ito at purgahin kayo sa mga chichirya and more….kaya heto.  Saksak niyo sa baga niyo!

Sari-Sari Store – Ito ang Glorietta nating mga batang kalye.  Dito matatagpuan lahat, as in, LAHAT ng kailangan natin sa buhay.  Hindi na kailangang lumabas pa kung saan-saan.  Kumupit ka lang ng bente sa pitaka ni Lola at pumunta na sa iyong suking tindahan, isulat ang pangalan, adres, lagda at pirmahan (Diba pareho lang yun?).  Ilakip ang proof of purchase at ihulog sa pinakamalapit na drop box at manalo ng limpak limpak na papremyo!  Kuneksyon?

Mabalik tayo.  Eto ang itsura ng sari-sari store sa may amin.

“Mae-Mae’s Sari-Sari Store” (with RC Cola logo sa gilid)

May screen sa harap ng tindahan.  Ito ang nagsisilbing salamin sa mga binebenta sa loob at ito rin ang sabitan ng mga biskwet (Marie, Rebisco Choco at Cream, wafer), shampoo, jelly ace, POP RICE at kung anu-ano pa.

Sachet ng Shampoo – Nakasabit ang mga ‘to sa may screen sa harapn ng tindahan.  Palmolive, Rejoice, Sunsilk, Creamsilk, Sunsilk Black at Vaseline -Mamili ka na kung anong shampoo ang gusto mo.  “Manang, isang Creamsilk nga.”  Sabay punit ni Manang.  “Vrrrrt!  O eto o…Tri-pipty.”

May puting ref sa gilid ng tindahan.  Dito nakalagay ang Coke, Royal, Fanta, Sprite, 7UP, Gold Eagle, San Miguel at Red Horse.  Nasa freezer naman ang limpak limpak ng ice tubig at tuwing summer ay may choco ice candy…at buko ice candy…with buko strips…na minsa’y may naiiwan pang brown na balat ng buko na matigas…pero kinakain pa din natin…kahit lasang kahoy.

Jelly Ace na Nakasampay – Nasa harap din ito siyempre.  Ito yung maliliit na jelly ace na pwedeng pisilin lang pagbukas para isang buhusan lang sa bibig.  Red ang pinakamasarap at yung green naman ay naiiwan ang lasa sa bibig.

Sa may bandang harap din nakalagay ang garapon ng mga bubble gum.  May Judge na napaka-minty.  Shempre nandiyan din ang Bazooka na nagturo sakin magbasa ng napakaliit na sulat sa libreng komiks sa loob na pakete.  Hindi pahuhuli ang magpinsang Juicy Fruit at Double Mint.  Para talaga silang magpinsan dahil parehong pareho ang itsura nila pero magkaiba ang purpose.  Di padadaig ang Big Boy na napakatamis, juicy at madaling palobohin.  Di pahuhuli nang buhay ang White Rabbit at Tootsie Roll na hindi mo mawari kung kendi o babal gam.  Pero higit sa lahat, wala nang mas co-common pa sa mga tindahan kundi ang bilog bilog na bubble gum.  Alam niyo ba tawag dun?  Yung iba’t ibang kulay na bilog na walang pangalan at wrapper?  Napapangiti kayo no?

Sa may sahig naman ay ang mga magkakapatong na case ng bote ng sopdringks at beer.  Yun lang.

Nasa may bandang likod naman ng tindahan ang 555, Ligo, Blue Bay Tuna Timplado, Century, Gusto, Reno, Alaska at Hakone.  Minsa’y may Lily’s Peanut Butter pero hindi lahat ng tindahan ay meron neto.

At siyempre walang tindahan na klasik kung wala yung dalawang bench sa magkabilang gilid sa harap ng tindahan.  Ito ang perfect tambayan ng lahat.  Asahang laging may naka-upo sa bench na yun.  Yung matandang tambay samin, si Mang Diego, laging andun sa bench na yun, nakamaong shorts at basketball jersey.  Minsa’y itinaas niya at pinatong ang kanyang kanang paa sa bench habang umiinom ng Royal.  Wala siyang brip.  May dumungaw…masaklap na ala-ala.

Kayo, anong itsura ng sar-sari store niyo?

“BilangooooooOOOOH!”

– Tem-i


Pabileeeeh! Pabileeeeeh!(sabay katok ng piso sa kahoy) Pabileeeh!

Yan ang klasik na istayl ng mga batang kalye sa pagbili sa sari-sari store. Iba’t-iba ang haba niyan depende sa pagkakabwelo ng boses mo. Mayroon rin namang gumagamit ng “pagbilhaaaan!” pero mas klasik ang pabile na may kasamang katok ng barya.

Nasa kanto ng street namin ang “Amang’s Sari-sari Store” na may tatak ng Pepsi sa magkabilang gilid ng karatula. Simento ang mga upuan sa magkabilang gilid ng harapan kaya solido talagang tambayan. Doon kami umuupo para magmeryenda ng Pompoms at Sarsi na nasa plastik. Pagkaubos ng sopdringks eh iihipan at puputukin sa tapat ng taenga ng kalaro. Nagulat na siya, natalamsikan pa yung pisngi niya ng tirang sopdringks na malagkit sa balat kapag natuyo.

Ganito ang kadalasang set-up ng mga paborito niyong Sari-sari Store:

May mga garapon na plastik sa harapan

Ang mga nakalagay diyan eh ang paborito kong tsokonat, bilog-bilog na bubble gum na bobo sa advertising (sige sabihin niyo kung sino gumawa nito), lollipop na papel ang balot na may iba’t-ibang kulay depende sa flavor, tira-tira (napaka-murang kendi, sisirain talaga ngipin mo dahil marami kang mabibili), Serg o Goya na tsokolate (may hugis ng football, bilog, square), gold coins na tsokolate (mahirap balatan na hindi malulukot ang foil) at kung anu-ano pang sisira sa mga ngipin mo.

May alambre o tali sa bandang likod

Dito sinasabit ang mga shampoo at conditioner, Nips (alam kong isang komersyal lang nito ang naalala niyo at kakantahin niyo na siya), iba’t-ibang tatak ng mani at kornik at kung anu-ano pang magkarugtong na ginagawa nating belt o pang-hampas sa mga utol natin.

Nakasabit na basket

Syempre alam niyo na ang nakalagay diyan. Iba’t-ibang klase ng instant noodles at ang Lucky Me Pancit Canton eh palaging may sariling basket na puro yun lang ang laman. Pakyu ka sa sarap! Wala nang tatalo diyan sa instant noodles na yan.

Ref

Syempre hindi mawawala yan. Sopdringks, beer (SMB, Beer na Beer at Gold Eagle), ice, ice tubig (minsan yung 1/3 ice na rin), ice candy (dinudurog ko sa pader para madaling kainin) at kung ano pang kailangan ng lamig.

Special mention ang mga ginupit ng cardboard na pahaba. Diyan naka-stapler ang tingi-tinging pamintang durog o buo at dahon ng laurel. Pati na rin ang nakasabit na plastik ng mga straw ng sopdringks sa harapan.

– Tikboy


ICE 4 SALE

I’m baaaaaaaaack!  Hahaha kating-kati na kong magsulat ngayon dahil absent ako nung huling blogisode!  Humanda na kayo sa mga hirit ko tungkol sa sari-sari store na ‘yan!

Pa’no nga ba nagsimula ang sari-sari store?  Madali lang ang sagot diyan kaibigan.  Maghanap ka lang ng bintana sa bahay niyo na nakaharap sa kalsada.  Palitan mo ‘yun ng mga pa-vertical na bakal na para bang rehas, lagyan ng screen at maliit na pintuan sa ibabang bahagi at pwisto (by Referee Tauro)!  May tindahan ka na!

Hep-hep, part 1 pa lang ‘yan.  Dahil tulad nga ng sabi ng dalawang kolokoy kanina e kailangang may upuan sa harapan nito.  Kahoy o sementong magkatapat.  Hindi pwedeng magkatabi.  Magkatapat dapat para pwedeng lagyan ng mesa sa gitna kung sakaling may mag-inuman sa tanghaling tapat.  Dapat ay may tolda rin para kapag umulan e may masisilungan ang mga tambay.

Manang’s Sari-sari Store.  May logo ng Royal Tru Orange sa magkabilang gilid ng signboard.  May tolda pa ng promo ng Royal (Bukas Inom Sarap Manalo Part 2!).

Bago pa man naimbento ang doorbell sa mga tindahan, piso ang tinataktak natin sa bakal na parte ng tindahan.  Tama ka Tikboy, sasabayan natin ito ng pabatang boses na, “Pabileeeeeehh!”  O ‘di naman kaya ay, “Pagbilaaaaaaannn!”  Kapag nagustuhan ni manang ang pagtawag natin ay gagayahin niya ang tono natin ng, “Anu ‘yooooooon?!”  “Pop Cola poooooh.” “Sandaleeeeh.” (ano nakukuha niyo ba ‘yung tono?  Klasik na klasik ‘yan.)

Sa bandang bungad o harapan ng tindahan e nakapatong ang magkakatabing mga garapon na ang laman ay ang mga sumusunod:  bilug-bilog na bubble gum na walang wrapper, Wafer (‘yung kendi na tableta ang hugis), Orange (kending malambot na sprinkled with asukal), White Rabbit (pwedeng kainin ang puting balot), lollipop and bubble gum in 1, Choc Nut, Bazooka Bubble Gum, jusiprutgam at dobolmint, Judge, Marie, Joy (ang maingay na kendi-donut), Mik-Mik (may chocolate at milk flavor, at may maliit na straw—talagang straw e, malupit na pauso talaga nila ‘to e), at kahit hindi kinakain tulad ng holen, gel na tig-2 piso, at mga pakete ng sigarilyo.  Huwag nating kalimutan ang nakasabit na lighter na may litrato ng hubad na babae.

Nakasabit naman sa screen at bakal ang mga maliliit na tsitsirya tulad ng Oishi, Kirei, Clover Chips, Tortillos, Kornets, Pompoms, Lechon Manok, Rinbee, Humpy Dumpy, Tomi, Moby, Richee, Pritos Ring, Golden Sweet Corn, Wonder Boy, Cedie, Ding-Dong, at sundot-kulangot.

Ang ibang tindahan e merong salamin na lalagyan sa bandang ibaba ng mga garapon.  Dito nakalagay ang magkakatabing school supplies, tinapay, at sitaw, kangkong, at iba pang mga piling gulay.  Ewan ko lang kung bakit pinagsama-sama ang mga ito sa iisang pwesto.

“Dalawang kokomban nga po saka isang tali ng sitaw.”

Okay, pasok pa tayo ng konti sa loob ng tindahan.  Medyo hahawiin natin ang mga sachet ng shampoo ng nakasampay sa alambre.  Ito lang ang mga klasik na shampoong madalas kong makita dati:  Rejoice, Palmolive, at Gard.

Sa magkabilang gilid ay may mini cabinet.  Sa itaas na bahagi, doon nakalagay ang mga sikat na sawsawan tulad ng Marca Piña, Datu Puti, Silver Swan, Papa Banana Catsup, at UFC Tamis-Anghang.  Isama mo na rin ang sikat na mga pangrekado tulad ng Ajinomoto at Maggi Chicken Cubes.  Minsan e nakalagay na rin dito ang mga noodles, at Maggi Rich Mami Noodles at Payless Instant Mami.  Sa ibabang bahagi ay nakalagay ang sandamakmak na mga de-lata tulad ng Ligo at 555 Sardines, Hunt’s Pork and Beans, Carnation Evap (para halo-halo’y tiyak na masarap), Century Tuna, at Maling.

‘Di kalayuan sa mga nakasampay na sachet ay ang mga nakasabit na basket na may malalaking mga tsitsirya tulad ng Kropek, La-La, Mr. Chips, Potato Chips, V-Cut, at Piattos.

Sa bandang likuran ay ang puti o dirty white na ref na ang laman ay puro sopdrinks at beer.  Hay ang sarap ng Fanta!  Talagang naadik ang mga tambay diyan e.  Paborito ko rin ang prutjus na tig-2 piso.  Hindi rin mawawala ang ice tubig / ice water na madalas gamitin sa pustahan.  Tuwing summer naman ay parati akong bumibili ng ice candy na chololate flavor pero kupas na ang gitnang bahagi at ubod ng brown ang isang gilid.

“Pautang naman manang.”

“Bawal utang!”

Nakakamiss ‘yung mga panahong umuulan nang malakas tapos takbuhan kayong lahat sa may tindahan (lalo na kapag walang dyip na matatambayan) para sumilong.  Maya-maya e mapapabili kayo ng sopdrinks sa plastik.  Tapos kukuha ng pako si Renald at mag-v-vandal sa silyang kahoy.

PUNKS NOT DEAD.

– Tenco

41 comments

  1. bipolarsisa

    Base! haha. Classic talaga.

    ganyan din ang mga tindahan samin. pero yung mga bata, kahit may doorbell na, sumisigaw pa rin ng, “pabiliiiii!” *oo, yung tonong tinutukoy mo tenco.* pero astig na yung mga tindahan ngayon, loading stations na rin. (kahit magpapaload ako, “pabili” pa rin ang sinasabi ko. haha.)

    puno rin ng tambay ang harapan. minsan pa nga, may videoke din sa tabi ng tindahan para instant kita sa mga lasenggo. nakakatakot nang dumaan dyan ‘pag gabi.

    haha.

  2. alasais

    Nalaine,

    Ganun talaga ang impression minsan sa mga tambay sa tindahan, lalo na kapag may nag-“wit-wiw!” Pero hindi naman lahat e ganun, kaya ‘wag masyadong matakot! ^_^

    – Tenco

  3. jeds

    ampuch naunahan ako ni bipolarsisa! :p

    anu pang masasabi ko e nabanggit nyo na ata lahat, kaya isang matunog na “APIR!” nalang. hehe.

    tenco! kinarir mo ang entry mo ah! di ba sumakit ulo mo sa kakaalala sa mga yun?😀

  4. DEADPOOL

    eto na…
    daldala ang karton ng sigarilyo ung lalagyan… may mga nkasulat…
    sabay katok sa tindahan… aling myrna pautang po ng RODEO corned beef(phase out na toh) tsaka po 1kilong bigas…
    ganyan gawain ko nung bata ako…
    pero ngaun nag evolve na ung tindahan samin kasi may lamesa sa gilid at bangko na mahaba na may mga sulat na love letter…
    at natatandaan ko pa ung sindihan ng sigarilyo kung hindi gasera na may sindi at ginupit gupit na karton eh ung futuristic style naman na di’pindot tapos umiinit(tang ng toh napaso ako kala ko doorbell)
    eto pala sagot dun sa babal gam na iba iba kulay “CHERRY BALLS” daw un sabi ng kaibigan kong adik dito na talagang nag research ng pangalan nun…
    “manaaaaaang! pabili ng HOPIAAAA tsaka ARCCCEEEE..”
    sabay labas ng karton ng hopia may bonus plastik para pang suot sa kamay pang dampot ng hopia at ung plastik na din ang lalagyan ng softdrinks astig diba…
    ibang klase talaga dati…
    ngaun eh nag evolve na mga tindahan ngaun dati tambayan lang ngaun pwede ng gawin beerhouse kasi pwede ka ng uminom sa tabi nito pwede ka pa magrequest ng mga kanta sa tindera… pwede ka din manood dahil may t.v. na…
    ala na ako maisip… inaantok na ako…
    haaaiii… mka’bili nga muna ng yosi sa tindahan na may magandang tindera…
    yare!

  5. DEADPOOL

    tenco

    onga yare kasi un! sayang di pala lumalabas ung picture dito… ganda kasi ng drawing ng kaibigan ko! bagay na bagay kay tenco, tem-i at tikboy…
    ang tema inuman sa tindahan!

  6. adonis

    galing talaga ng mga ka co batang kalye ko rin dito ang gagaling nyo talaga hanep sa ok at sa olrayt jajaja

  7. andreidae

    aww..

    uu nga..box office ung unang version ng tsitsirya..nice one guys..

    haix.. nga naman..the good old days…bihira na akuh mkakita ng mga batang may tono sumigaw ng “paaaggggbbbiiilllhhhaaannnn ngaaaaaa”…haix…

    nice work guys! keep it up!!

  8. anakngpating

    hehe may nakalimutan kayo para sa mga sunog baga na naka tambay sa harap ng tindahan ni manang hehe..

    mawawala ba naman ang GIN (san miguel) na pinaka murang alak para sa mga sunog baga hehe..:)

    yehey naka isa ako dun hehe..:)

  9. DEADPOOL

    sa gusto makakita ng mga tunay na sunog baga at tambay na 2lad ng mga nasusulat dito check nyo lang sa friendster young WASALAK@dangerous-minds.com
    ayan search nyo lang sila djan! pero di nyo’ko makikita djan! mga tinamaan lang ng ligaw na kuha! hehehe! pwede nyo din sila i’add para sumaya kayo! hehehe!
    maraming salamat!

  10. rinaldetadase

    hmm in-add ko po kayo sa blogroll ko..
    hindi ko pa po tapos basahin lahat ng entry nyo.

    sana araw-araw n lng blog entry nyo para d ko na mahabol..hehe
    pede ba tanong bat alasais?

  11. K

    meron din sa tindahan na maliit na gasera tas sa tabi nun may maliit na lata na punong puno ng ginupit gupit na karton ng sigarilyo para pangsindi din sa yosi. di uso lighter sa bulacan e haha. pag bumibili tapos matagal ung order mo, paglaruan mo nalang to. masaya. dito naman sa laspinas malupit ung isang tindahan. alas 4 nagsasara tapos 12 ng tanghali na cy magbubukas. sadyang para sa mga lasinggero.

  12. balotlot

    panalo tlg mga suking tindahan sa pinas…

    tingi kung tingi mga tinda d2…
    sa pinas ka lng makakabili ng tig pipisong
    suka o toyo just in case na naubusan kyo
    ng stocks… instant me sawsawan kna db…

    bsta mabuhay ang mga may tindihan sa pinas.

  13. Tsutsay

    Eto na ulit ako! waaahahaaa! late nga lang. Sari-sari store, yan ang nasa isip ko pag-inuutusan ako ng tatay ko bumili ng paminta,betsin,bawang at kung ano ano pa. Pero di mawawala ang tsitsirya sa isip ko pag nautusan na ako.

    Pa-Tsay(papa ni Tsutsay): bili ka nga ng paminta! eto pera.

    Tsutsay: Dos lang po?! Limam piso na!

    Pa-Tsay: aba! may patago ka?! bilisan mo at maluluto na tong Adobo!

    Tsutsay: enge po munang dos bibili po ako ng tira tira tsaka nog-nog. tsaka bakit kasi niluto nyo agad yan e wala pang paminta tas mamadaliin nyo po ako dyan!…

    Pa-Tsay: sasagot ka pa?! e kung tirahin kita sa pwet? ang tamis tamis nung tira tira! kaya ka bunge eh! Bilisan mo na dyan! sasagot pa ‘tong batang ‘to! Tuktukan kita eh!

    Tsutsay: sige na Pa…dos lang!…

    Pa-Tsay: putah kang bata ka! luto na ‘to!!

    di tuloy ako nakabili ng tira-tira…sayang pati nognog wala rin..

  14. gusty

    haha iba talaga mga memorya nyo at detalyadong detalyado ang pagkakaayos ng sarisari store ah. sabagay yan naman yata talaga ang default format ng mga tindahan dito sa pinas eh. galing galing tuloy nyo pa po pagsulat nyo..

  15. DEADPOOL

    mga tropapeeps…
    alis muna ako lipad muna ako ng sweden…
    sa iba muna ako ttambay! balik na lang ako pag may pc na akong nahawakan dun!
    paalam tenco, tem-i n tikboy!
    keep it up dudes!!

  16. proper

    Naalala ko yung classic na pang-sindi ng Yosi, yung may button dun sa may bintana tapos iilaw yung isang carbon wire

  17. Tsutsay

    haaay..nakakamis bumili sa sari sari store nila aling Eden ng monay-peanut,monay-latik,monay-keso. dahil nuon e uso pa ang pagbiling ng monay na pwede mong palamanan ng peanut butter,latik at keso ng tingi-tingi lang. sasabayan pa ng malamig na Fanta at cheers softdrinks.

    naiisip ko din yung karatula ni aling Eden sa harap ng tindahan at talaga namang nakakahiya dahil sa puno ng listahan ng may mga utang.

    MAY UTANG NA HINDI PA NAGBABAYAD:

    1. Tsutsay P3.50
    2. Eds 6.75
    3. Tengco 150.25
    4. Tikboy 68.75
    5. Tem-i 56.00

    malamang walang ganito sa lugar nyo na may listahan ng utang sa harap ng tindahan. Minsan nasa manila paper pa..

  18. gusty

    proper,

    haha tama ganyang ganyan nga yung lighter sa bilyaran sa school dati…meron pa nga yung pinagupit gupit na lalagyan ng ream ng yosi tsaka maliit na lamp…

    gusty

  19. almariza

    klasik lang din ang mga sari sari store samen.me e-load,autoload at expressload na nga lang.pero kahit ngayong college nako, ganun pa rin ako bumili: “pagbileeee!!!” haha =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s