12. Family Dinner Part I

Meron akong ano…meron akong kwento.

1991.  Inday Badiday.

“Saranghamnida Bo”

“Hoy!  Kain na!  Lalamig na pagkain!  Susmaryosep…”

Tinatawag na kami ng Auntie ko para kumain.  Nakatakas nanaman ako sa pagse-set ng lamesa!  Yahoo!  Ayoko talaga kasing gawin yun e, yung magse-set ng lamesa.  Actually, madali lang naman yun pero lagi kasing wrong timing yung pag-uutos nun e.  Matatapos mo na ang stage 3 ng Mario Bros., saka ka tatawagin para ayusin ang lamesa.  Basta, laging wrong timing yun.  Umiinit na ang kamay ko sa pagsagot ng homework, “Tem-i, set na ng lamesa!”  Mapuputol ko na yung paa ng Barbie ng pinsan kong si Jun-Jun, “Tem-i, set na ng lamesa!”  Nakalabas na ang kalahati ng ebak kong inipon ko nang dalawang linggo, “TEM-I, SET NA NG LAMESA!

Anyway, nakaligtas ako ngayong gabi.  Sinipag ang tita ko kaya siya ang nagset.  Siyempre ang sosyal kasi ng ulam namin e – nilagang repolyo.  Walang karne.  Tubig, patis,patatas at 5 ulo ng repolyo.  Pupurgahin ka sa dahon.  “Tita, sarap ne’to ah!”  Sabay inom ng tubig kada subo.  “Haay sarap mo naman pakainin, Tem-i…”

Masarap naman din talaga in fairness ang hapunan.  Usually, nasa bahay na ang karamihan sa pamilya.  Para dun sa mga late na umuwi, eh kelangan nilang umasa na may ulam pang matitira pag-angat nila ng plastic na bubong ng pagkain.  Lahat ba ng pamilya ay may ganun?  Alam niyo ba yun?  Yung plastic na parang Araneta Coliseum na pinapatong sa tirang ulam para hindi langawin?  Actually, hindi epektib sa bahay namin yun kasi may napakalaking langaw sa bahay – si Uncle Rolly.  Sapul lagi ang mga tira sa kanya.  Kakain siya nang madami sa hapunan at ang kanyang panghimagas ay yung ulam na tinira namin para sa pinsan ko.

“Tito, para kay  Jun-Jun yan!”

“Hindi na uuwi ‘yon.  Namamakla yun ngayon…”

“Tito, ano ibig sabihin non?”

“Kuha mo nga ako suka.” Ngasab.

Ah walawalawalawalawalawala…

– Tem-i Magalona


Ipinapaalala sa atin ng hapunan na may bahay tayong kelangang uwian at pamilyang dapat saluhan.  Oo nga, hindi ko naman nakalimutan ‘to e.  Parati ka ba naman tawagin ng nanay mo nang pasigaw e.  “Tenco!  Diyan ka nalang ba matutulog sa labas ha?!”

Pagdating ng alas-sais ng hapon, tatawagin na ako para punasan ang pawis at maghugas ng paa sa banyo.  Nakaupo na silang lahat at naka-fighting stance na, maliban sa amin ni mama.  Sinasalok pa ni mama ang mainit na sabaw ng tinolang manok.  Tatayo sandali si papa para kumuha ng toyo at platito.  Ako naman, pinapanood sila habang pasimpleng kumukuha ng Coke.  “Wala pang laman ang tiyan mo Tenco!”  “E kumain naman ako ng Rinbee sa labas e.”  Yare.

Masarap kumain ng hapunan na kumpleto ang pamilya.  Heto ang mga kadalasang nangyayari:

1. Manonood kayo ng balita sa TV at panay ang comment ng tatay at nanay mo.  “Puro patayan nanaman!  Wala na talagang matinong balita ngayon!”;  “Um loko buti nga sa’yo kalaboso ka.”; “Bakit tuwang-tuwa si Ms. Mauritius nung nanalong Best Actress si Ruffa Gutierrez?”

2. Uutusan ka bigla ng tatay mo na bumili ng yelo sa labas.  Sabay tapon ng basura, na guguluhin nanaman ng aso ng kapitbahay.

3. Magtatanong ang nanay at tatay mo tungkol sa skul-kung mataas ba ang grade mo, kasama ka sa top ten, bakit may bitbit na donut ‘yung isa niyong titser habang may PTA meeting.

4. Tatapon ang Coke pag-abot mo.  Dun mismo sa kanin.  Sa kanin ng tatay mo.  Ikaw na tuloy ang kakain ng kanin niya.  Pero papaluin ka pa rin.

5. Pagagalitan ang isa sa mga kapatid mo hanggang sa madadamay ka na rin.

6. Magtsitsismisan ang nanay at tatay niyo tungkol sa ginawang pambababae ng kapitbahay niyo at dinig na dinig pa talaga hanggang sa labas.

7. May bubusina sa tapat ng bahay niyo at lalabas si tatay.  False alarm pala.  Pagbalik ni tatay, wala na ang fried chicken.  “Sino’ng kumain?!” Sabay kuha sa ulam ng bunso.

8. Mag-b-bran awt.

9.  Magkakailaw agad pagkasindi na pagkasindi ng kandila.

10.  Mag-b-bran awt ulit.  Sabay hindi na maaalala ni nanay kung saan niya nailapag ang kandila.

– Tenco Ma_____


Tiknay: “Tikboy, malapit na maluto ang ulam kaya maya-maya maghain ka na.”

Punta ko agad ng kwarto at ilalabas ang libro para gumawa kunwari ng takdang-aralin.

Tiknay: “Ay ang sipag pala ng anak ko at gumagawa ng asaynment niya. Sige kuya ikaw na lang maghain.”

Nakasimangot na agad ang kuya ko sa’kin at ako naman eh nakangiting demonyo sa kanya. Pero kapag inisip mo yung ginawa kong pagpunta sa kwarto, paglabas ng libro, babalik uli ng kwarto tapos ibabalik ang libro sa bag eh konting dagdag na lang ng effort eh parang naghain na rin ako. Basta ayoko maghain!

Masayang hasel ang hapunan. Masaya syempre kasi kadalasan talaga eh kumpleto ang buong pamilya. Kwentuhan, asaran at tawanan.

Ang hasel? Syempre una na ang pagputol ng paglalaro mo. Nabuburot ka man sa langit-lupa sa labas, naglalaro ng pamili kompyuter o game n’ watch eh ititigil mo yan dahil kakain na kayo. At huwag mo nang hintayin na tatay mo pa ang tumawag sa’yo. Alam natin lahat yan. Tapos papaliguin ka pa bago kumain. Buhay ka pa!

Ito pa isang kahaselan…

Tiktay: “Kumusta iskul mo, Tikboy? Mataas ba grades mo? Ilan nakuha mo sa exam niyo?”

Subo agad ako ng maraming kanin para makapag-isip muna ng magandang palusot bago sumagot.

Tikboy: “Hmmm hindi pa kasi natse-tsek ng titser namin yung exam namin eh. Baka sa monday pa ata.”

“Whew! Na-extend ko na naman ang panahon bago ko pagalitan sa grades ko” ang bulong ko sa sarili ko.

Wala rin nakatakas sa’tin sa pagtapon ng kung anu-ano sa mesa. Sabaw ng iba’t-ibang ulam, natapon ko na. Tubig, natapon ko na. Coke, natapon ko na rin. Sawsawang suka o toyo, natapon ko na. Kulang na lang talaga eh ako itapon ng tatay ko. Kapag may natapon ako eh tatahimik na ako at matatapos agad ang pagkain ko sabay alis na sa mesa. Baka bigla pang mahalungkat mga iba kong kasalanan eh.

Tiknay: “O Tikboy iligpit mo na tong mesa at si kuya mo na ang naghain”

Tiknay: “Ay tinatapos pala yung asaynment niya. Sige kuya ikaw na lang muna ulit ha.”

Tikboy M.

49 comments

  1. snowden

    Wahaha.ay0s ang mga palus0t.hal0s pareho lang ang mga scenario sa bahay at sa mga ginagawa ny0.hehe..

    Masarap lang talaga ang kumain per0 kakatamad ang mag-hain.haha..

  2. alasais

    Snowden,

    Kapag batang kalye ka ay talagang may pattern ang mga ugali at pananaw mo sa mga kapwa mo kalye boys. Mabuhay ang mga libaging bata! Mabuhay ang mga libaging bata! Hoy! Sabayan nyo ako! Mabuhay ang mga liba…

    Siya, siya.

    Tem-i of Alasais

  3. anakngpating

    hehe hays halos 4 yrs na rin ata ng huli kong nakasabay kumain ang pamilya ko ng sabay-sabay kami ah hehe…may trabaho kasi kaya dito na work ko ako kumakain pero naiisip ko sila…
    naalala ko tamad din ako mag hain lalo na ang magligipit tamang turuan narin kasi kami ng kapatid ko pag dating sa ganyan hehe…pero masarap talaga ang sabay sabay kayo kakain nakakamiss talaga…
    lalo na pag may coke at hinog na mangga wow sarap aman talaga…paborit ko ang sunday na kainan kasi sinigang na baboy lagi ang ulam namen hehe…
    tem-i magalona kamag anak ka pala ng mga magalona hehe…

  4. alasais

    Tungaw,

    Anak ka ng pating, musta na? Masarap nga talaga ang hinog na mangga. Gagawin mo pang ma-design ito sa pamamagitan ng paghiwa ng pakris-kros sa laman ng mangga sabay buklat. O-ha! Flower na!

    Hiwa, buklat at flower…mga salitang masarap sa tenga.

    Tem-i of Alasais

  5. Bam

    Buhay prinsesa ako nung bata pako dahil sila ang naghahain…hindi ako inuutusan (sarap maging bunso.hahahaha) Pero, nung nasa highschool na ako, lagi akong pinapagluto…nakakainis lang minsan kasi daming nilang comment (Aba!!!eh di wag niyong kainin db?…grrr). Anyway, masarap talagang maghapunan kapag kumpleto ang pamilya. Sabi nga ni Kuya Tikboy…Nariyan na rin yung papagalitan ka dahil mababa ang grades mo (walang lusot dun!) haha.

  6. bipolarsisa

    haha. namiss ko tuloy ang hapunan kasama ng aking pamilya.😦 hindi rin kami pwedeng kumain ng hindi kumpleto. pagkatapos rin ‘yan ng panonod ng TV Patrol, o dati, after namin magrosary (after din ng TV Patrol.)

    yung plastic na pantakip sa tirang ulam, meron din kami nun!. haha. pero may mga bahay na wala nga nun. napansin ko lang.🙂

    bakit nga ba nakakatamad maghain at maghugas ng pinagkainan? waha. turu-turuan kami ‘pag magtatrabaho na. haha.

  7. alasais

    Nalaine,

    Bwisit kapag tinakpan mo na ang pagkain mo sa mesa, dahil after 5 minutes na patay na ang ilaw e bubuwagin ito ng magaling na pusa at limas ang tirang ulam.

    – Tenco

  8. alasais

    Bam,

    Relax. Eh di kami na lang ipagluto mo. Magaling naman kaming umarte at palagi namang may tubig na tutulong sa’min lunukin ang niluto mo.

    Pwera lang kay Tem-i dahil patay-gutom yan. Kahit kulangot ko kinakain niyan.

    – Tikboy

  9. mishes

    hassle talaga pag naghahain.. kakatamad.. kung anu-anong strategy na yun iniisip ko pag nagsisimula ng magluto nanay ko para ndi ako mautusan maghain.. madalas gumagawa kunyari ng homework o kaya nagreresearch.. ehehe.. pero after nun.. pagkatapos makahain sabay bibitawan un ginagawa at dirediretso sa kainan.. hehe

    after nun, hugas naman.. para makalusot kelangan antabay sa mga kumakain.. dapat mauna kang matapos sa mga kapatid mo para kung sino huli xa un magliligpit at maghuhugas.. tas kaw babalik sa “pag-aaral”!🙂

  10. vlozty

    pansin ko~

    bakit parang parepareho ang tanong ng magulang sa kanilang mabubuting anak..
    “anak kamusta grades mo?”

    magulang ko rin di nauubusan ng side koments pag nanonood ng balita~

  11. alasais

    Vlozty,

    Dapat ‘yung mga anak naman ang magtanong sa magulang. “Kumusta ang trabaho mo tatay? Bakit ka umabsent?! Hindi mo ba alam na may pamilya kang pinapakain araw-araw?! Maghugas ka ng plato mamaya sige.”

    – Tenco

  12. tonitoni poponi

    tuwing linggo kelangngn kumpleto kami sa pagkain, pero nung isang taon pa un. wla nakasi si erpat kaya wla nang nagiinsist nun, kanya kanya ,gutom eh! haha. pero tanda ko pa nun, kami ng nanay at kuya ko, kumakain ng nilaga, sawsawan toyo. ung toyo namin nun nasa baso lang. pauso ng lola ko,haha. sabi ng kuya ko kung gusto ko daw ng coke, sabe ko naman, sigessige. inabot sakin ung baso ng toyo, sabi ng nanay ko, wag daw kasi toyo un. eh dahil bata pako at mas bilib ako sa kuya ko kesa sa nanay ko, ininom koung toyo sa paniniwalang coke un. pero masarap pala! aun bonded kami ni kuya noong araw na un. napatunayan kasi nyang mas bilib ako sknya.hahahah
    (crap! haba pala. sorry idols)

  13. alasais

    Camille,

    Nice bonding! Okay ‘yan ‘pag bagoong ang pagkain, pwede ka niyang paniwalaing corned beef ‘yun. Parang uto-uto lang ah, hehe.

    – Tenco

  14. alasais

    ToniToni Poponi,

    BananananaPoponi, FeeFai Momoni…Toni! Let’s try baby!

    Habaan mo pa. Ang igsi eh! Ayos sa trip ang kya mo ah! Siya ay isang totoong kuya – sutil sa babaeng kapatid.

    Tem-i of Alasais

  15. Joss

    Sobrang enjoy ako sa pagbasa ng childhood memories mo….mind you, naranasan ko rin halos lahat nang yan…brings back old days talaga when kumpleto pa kami at wala pang mga sariling pamilya … lalo na ang pagse-set ng table… Daddy ko madalas ang magtawag sa isa sa amin…hahaha! at yung pangtakip ng ulam, meron din kami nun lalo na yung malaking bangaw!…looking forward ako sa next story mo. Thanks sa pagse-share mo….

  16. alasais

    Joss,

    Walang anuman. Tambay lang naman kaming tatlo dito sa Alasais kaya makitambay ka lang. Sabihan mo din yung mga kapwa mo batang kalye na tumambay dito. Sabihin mo magdala sila ng Coke at Sky Pleyks. HIndi pa ako nanananghalian e.

    Tem-i of Alasais

  17. tonitoni poponi

    ganun talagaa, basta bata uto-uto! haha FYI! alam mo ba na ang uto-uto sa ingles ay GULLIBLE? mniwla ka, di yan galing sa kuya ko.hahaha

  18. alasais

    Camz,

    Hindi lang uto-uto ang ibig sabihin niyan. Yan din ang inggles ng laro kung saan papaluin mo ang bola gamit ang iyong kamay para palagpasin sa net, ang spike at ang serve…kung saan sumikat si Leila Barros. Tama? Galibol!

    Tem-i of Alasais

  19. tonitoni poponi

    nice nice! natawa ako dun! haha, leila barros? kapanahunan mo pa ata ung brazilian na un.haha si daquis na kilala ko! ang galibol player na may pinakamahabang buhok!!! hahaha.
    hwep!
    kaya tonitonipoponi yan, kasi yan ang kinakanta ng mga kaklse ko pag tinatawag nako. sikat ako eh! pero mas sikat kayo! hahaha

  20. alasais

    ToniToni Poponi,

    Lagi kong narirnig yan sa may diskuhan sa probinsiya namin tuwing magbabakasyon ako. Napapakembot ata ako a…Aaaaaay! Echos!

    Tem-i of Alasais

  21. emilayskie

    Wawa naman yung kuya ni Tikboy. Tsk. Tsk. Pinapahirapan kapag nagpapalusot sya.

    Natawa ko dun sa nilagang repolyo ni Tem-i. Hindi yata nilaga yun dahil may patis. Ginisang repolyo. Hehe..

    Rinbee, natakam ako kay Tenco ah. Makahanap nga ng Rinbee sa labas.

    Ang peborit kong pinagsasaluhan sa hapunan yung ginisang corned beef na may patatas tapos maraming sabaw. Kapag ganun ulam mahaba ang kwentuhan at away naming magkakapatid. Hihi..

  22. alasais

    Emilayskie,

    Tsk, tsk…late nanaman ang paborito kong video singer. San ka ba nagpupupunta?! Buksan mo muna yung blog namen bago mo buksan yung blog mo okay?!!! Hehehe…We missed you.

    Corned beef with patatas cubes.

    Tem-i of Alasais

  23. andreidae

    style ng mga palusot…talaga nman..makatakas lng sa paghahain sa mesa…tsk3…

    at lahat pla kau ai kamag anak na ni Francis M…hmmm…..

  24. andreidae

    kuya Tem-i …

    naaliw nman ako dun..kambal pla kau ni maxene..kewl..
    at talagang masarap xa pg nilagyan ng Ajinomoto ah…cool..but as far as i know..ang Monosodium Glutamate is bad for our health kea bawasan ang pag gamit ng Ajinomoto at iba png mixes… “,

  25. TunYing

    Dinner… sa amin tawag dito hapunan… masarap ksama sa hapunan eh yung pamilya ng tyahin ko sa bagong silang… lahat kumakain sa harap ng tv… nanonood… ang galing… kaya ayun! pati ako nakasanayan ko na… hehehehe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s