50. Bag-Li
Ito ang isa sa mga unique na trademarks ng pagiging isang batang kalye. Mamimiss mo ‘to kase ‘pag lumaki ka na wala na masyado nito e. Hindi mo na ‘to makikita sa mga taong pumapasok sa opis. Wala na ‘to kapag may gelpren ka na. Sa mga chikiting mo lang makikita ang kulay gray na gumuguhit sa leeg pagkatapos maglaro ng mataya-taya. Ang libag. Bow.
Saksakan tayo ng dumi nung bata. Mas marumi, mas masarap maglaro. Maghapon ka ba namang makipagtakbuhan e. Syempre wala nang palitan ng damit hanggang mag-alasais na ng hapon. Mga alas-8 pa lang umaga, nasa labas ka na. Takbo hala sige takbo. Perfect combo ang tagaktak ng pawis at matinding sikat ng araw. Pagkatapos ay matutuyuan ka ng pawis. Pagkatapos ay papawisan ka nanaman dahil magyayaya ng tumbang preso ang boss ng mga bata. Mga ilang ulit na ganyan at pag-uwi mo sa bahay, ayun. Kitang-kita ang marka ng mandirigma sa leeg at batok mo.
Saan pa nga ba makikita ang libag? Maliban sa leeg at batok, meron din nito sa kilikili. Mga 3 guhit ang average ng bilang ng libag dito. Meron din nito sa pagitan ng mga daliri. Kung gusto mong makuha ‘to, maglaro ka lang ng holen mga dalawang minuto pagkatapos mong matalo sa teks. Meron din nito sa bandang likod na bahagi ng paa. Makukuha mo ‘to kapag sa burak ka naglaro at kapag medyo maputik ang lupang pinaglaruan niyo ng sipa.
Talaga bang inevitable sa ating mga batang kalye ang magkalibag? Naalala ko kasi dati, kahit sobrang ginalingan ko na sa pagligo, pagdating ko sa bahay galing sa labas e kita ko pa rin ang mga guhit e. Bad trip! Kukuha agad si mama ng basang bimpo para ipampunas sa dugyutin niyang anak.
E pa’no pa kaya ‘yung ibang kalaro kong hindi naliligo? Derecho sa labas ‘yung mga ‘yun eh. Subukan mong kamutin ‘yung mga leeg nila, sisiksik sa mga kuko mo ‘yung libag. Kulay gray. Marami. Maasim.
– Tenco
magandang ideya yan.. kamutin ang leeg ng mga kalaro mo.. hahahaha… sarap sanang pausuhin un.. pakapalan kayo ng libag… hahhah..
noon.. libag.. pero ngayon…. libog na lang natira…
Bakuko,
‘Yang libog na ‘yan, saksakan nang dami niyan ngayon. Bwahahaha!
– Tenco
pulbos lang daw un sabi nung kalaro ko dati na namuo kasi pawis…
casey: huy, yuck ka may libag ka nanaman sa leeg mo oh…
kalaro: nu ka… hindi naman yan libag. pulbos kaya yan…
casey: libag yan… kwari ka pa…
kalaro: hindi nga yan libag sabi eh… (sabay iyak)!
Bwahahahahahaha….
Casey,
Hahaha napikon agad! Pero oo nga noh, malamang e pulbos lang talaga ‘yun. Pero hindi nga?
– Tenco
Haha…Bag-Li…tatak nga yan ng batang kalye…takbo-dun takbo dito…basketbol…lahat ng laro na puwedeng salihan…humahataw…pag-uwi ng bahay…ang dungis at amoy araw….sasabihin ng Nanay…magpunas na at kakain na. Ang saya naman nuon…wala na ngayon…puro computer na lang ang bata.
Kuya Jem,
Kaya wala nang chance magkalibag pwera lang ang mga daliring pindot nang pindot!
– Tenco
libag…ang kinaaasaran ng nanay ko. ”lintik kang bata ka, pwede ka nang taniman ng kamote!”
No Benta,
Haha klasik na linya ng mga nanay at tatay at adults!
– Tenco
amoy-araw… isa rin yan sa lagi kong naririnig kay inay noon…
pero huli ko na naisip, naamoy na kaya ni inay ang araw?
honga, computer, personal computer… saten noon, magkkasya na tayo sa family computer lang…
Bakuko,
Ayun na. ‘Yun na ang tanong. Naamoy na nga kaya ni inay mo ang araw?
May hawak ng player 1,
Tenco
hehe sa mga babae madalang yan heeh..
merry christmas tenco 🙂
Lovely,
Ang lovely mo talaga! Salamat!
– Tenco
dati uso din na tanungin kung ilang karats yung libag sa leeg..”uy, ilang karats yang kwintas mo? kapal ah.” hahaha..
Bing,
Hahahahahahahaha!
– Tenco
happy new year nga po pala..1st time ko magcomment, pro dati na ko nkikiusisa sa blogs nyo..happy new year ulit..
Bing,
Salamat! Hahahahahahahahahaha!
– Tenco
anong nangyari sa alasais?
hahaha.. libagin din ako nung bata ako. lagi kasi kami sa arawan maglaro. at isa pa mahilig ako maglagay ng polbo bago matulog. sa leeg, sa singit (haha) at kung san san pa na nagdidikit..ayoko kasi yung feeling na malagkit,. kaya ayun nagiging libag din sila kinabukasan.
sarap maging batang kalye non. amoy araw, me bungang araw, madungis. ramdam mo kasi na malaya ka sa lahat. uuwi ka na lang para umimom ng malamig tubig (habang bumabakat yung fingerprints mong madumi sa lagayan ng tubig.. hehe) o pag kakain na. sarap ng buhay non.
sarap maging bata ulit 🙂
thegreenbellpepper,
Hanggang ngayon ba e naglalagay ka pa rin sa singit mo? 🙂
– Tenco
Ako ay tuwang tuwa dito. Nakadalawang entry na ako at kailangan kong tumigil dahil baka hindi ako makaalis ngayon kung magbabasa lang ako ng tuloy-tuloy. Kailangan ko harapin ang isang kliyente. Kailangan daw nila ng motivational speaker.
Tingin ko mas gaganda ang motivational talks ko kung pupulot ako ng mga ginintuang aral mula rito. hahaha.
Salamat sa nakakatawang umaga.
Jef Menguin
http://jefmenguin.com
Jef,
We really appreciate that. Salamat sa comment mo at maging matagumpay ka!
– Tenco
ang tagal ko nang di nakabalik dito. at mukhang matagal na ring walang bago ah. =/ ano na nangyari? 😦
ito na ba ang last blog mga pre?
mga tol… ano na balita senyo? nde na kayo nagpopost?
bakit kaya biglang nawala ang tatlo?
NoBenta,
Buhay pa kame! Hahaha!
– Tenco
alasais! yoohooo!
iaintme,
Kaboom!
– Tenco
asan na po kyo… ndi na kayo nag po post ng mga blog nio… kakamiss nmn..
ano ba mga idol, kelan ba kayo magpopost ulit?!! miss na namin ang kalokohan niyo!! \m/
ah eh.. hehe.. di na po ako nagpopolbo ngayon (lalo na sa singit.. haha) narealize ko kasi nagiging bag-li lang sila.. ang hirap pa tuloy maghilod.. hehe.. saka di na naman ako pawisin at amoy araw gaya nung bata ako kaya shower lang ok na ulit.. 🙂
i’m glad ur back to blogging, alasais 🙂
greenbellpepper,
Mabuti naman at natuto ka nang hindi magpulbos sa singit, lalo na ngayong tayo’y mga dalaga’t binata na. Hindi na kasi cute magka-bag-li e ^_^
– Tenco
i love this blogger 🙂