B. Paboritong Tsinelas

Iba talaga ang feeling kapag naka tsinelas.  Nung bata ako, Beachwalk na talaga ang gamit ko.  ‘Yung iba naka-Rambbo, pero hindi naman kasing komportable ng Beachwalk kong kulay dilaw.  Ewan ko kung ano ang meron sa kulay dilaw at parating ‘yun ang kulay ng mga tsinelas ko.  Naki-join din naman ako nung nauso ‘yung mga tsinelas na pa-ekis ang disenyo.  Ang catch:  ang hirap gamitin.  Kaya kahit uso ‘yon dati eh bumalik ako sa klasik Beachwalk ko.  Pakaskas ko pa ‘yun nilalakad kaya ‘yung likod na bahagi ang unang napupudpod.

Dahil asintado ako sa tumbrang preso noon, kayang makipagsabayan ng Beachwalk ko sa mga Rambbo at alpombra.  Konting pektus lang sapul agad ang lata.  Mas gusto kong tumira galing sa malayo para makita ng ibang mga bata kung gano ako kagaling…  gamit ang Beachwalk.

Tulad ng ibang tsinelas, hindi maiwasang matanggal sa butas ang harap na bahagi nito. Tinuruan ako ng kapitabahay namin kung paano ibalik ‘yun nang hindi na gagamitan ng patpat.  Duraan mo lang ‘yung butas at madali mo nang maipapasok yung napigtas.  Alambre?  Ayaw kong gumamit nun.  Hindi ako komportable.  Magpapabili nalang ako kay mama sa palengke.  Tapos pag-uwi niya sa bahay, kulay dilaw nanaman ‘yung Beachwalk ko😦

– Tenco


Para sa akin ‘yung normal din na tsinelas ang paborito ko.  Dun ako sobrang komportable na nakakapag-perform talaga ko nang maganda sa kahit anung laro kapag normal na tsinelas ang gamit ko.  Hinde ko alam kung maganda talaga siya o dun lang talaga nasanay ‘yung paa ko pero mas maliksi talaga ko sa normal na tsinelas.  Shempre ginusto ko ring mag-Islander at alpumbra pero ‘yun lang talaga ang binibili sakin ng ermat ko.  Ok lang sakin kahit mahina gamitin ‘yun sa tumbang preso kasi nga maliksi ako dun kaya kaya kong gawin ‘yung ako mismo ‘yung hahampas sa lata gamit ‘yung tsinelas ko nang hindi ako natataya.  Sikat ka pa nun kasi ‘yung mga magagaling at pwedeng maging lider lang ang gumagawa nun.  ‘Pag napigtal naman ‘yung tsinelas ko sanay akong ayusin ‘yun sa mga gate ng bahay na may matulis.  Ang dali nun eh kesa sa gagamit ka ng stick, ipapatong mo lang ‘yung tsinelas mo at ididiin pababa, ayun at pasok agad ‘yung bilog na goma sa butas.  ‘Pag sobrang dalas ng napipigtal ‘yung tsinelas ko dahil upod na rin ‘yung bilog na bumabara sa ilalim eh nilalagyan ko na rin ng alambre.  Iniikot ko dun sa parang leeg ng bilog na ‘yun ‘yung alambre at ‘yung alambre ang pinambabara ko sa bilog.  Ewan ko kung ako lang yata gumagawa nun samin pero epektib naman eh.  Minsan nga lang ‘pag sobrang nipis na nung tsinelas ko eh umiinit ‘yung alambre sa ilalim kakakiskis, nararamdaman ko at mainit din talaga sa paa.

– Tikboy


Ang paborito kong tsinelas nung bata ako e yung normal lang.  Wala akong pambili ng Islander e.

SunBeach – Sandal Bida:  ‘Yun ang tsinelas ko nun.  For some reason, parang andalas na yellow ang kulay nung akin e.  Naaalala ko pa ‘pag natatanggal ‘yung sa harap ng tsinelas eh talagang minsan gagamit pa ako ng patpat (branch) para ipasok ulit ‘yun e.  Tapos minsan tatalian pa ng alambre.  ‘Pag naaalala ko ‘yun ngayon, parang ansakit eh no?  Alambre sa tsinelas?  Tsk, tsk..pero ang nakakabilib eh nung bata pa tayo (o ako lang ba ‘to?), parang Nike sa lambot ‘yung tsinelas na may alambre.  Kaya kong unahan sa base ‘yung taya sa taguan ‘pag na-“bung” na ako dahil sa tsinelas.  Shempre sa tumbang preso e ang mga bidang tsinelas e ‘yung alpombra at Rambbo.  Ambibigat kasi nila e.  Wala din akong pambili nun noon e..kaya dun lang ako nag-aabang makitira ng tsinelas sa likod ng mga naka-Rambbo at alpombra.

– Tem-i


Kayo din, kung may gusto kayong ishare sa mga paborito ninyong tsinelas, i-comment nyo lang sa blog na ‘to para hindi naman kami magmukhang mga may unhappy childhood.

82 comments

  1. Roberto Añonuevo

    Buti pa kayo sosyal ang tsinelas ninyo. Nang maliit pa ako, lagi lang akong nakayapak. Kaya nagka-varicose veins ang paa’t hita ko.

    Sige, ipagpatuloy ninyo ang pagsusulat ng mga karanasang higit sa itinatakda ng kumbensiyonal na vignette, sanaysay, dagli, pasingaw, microfiction, at kung ano-ano pa.

    Napansin ko na napakaraming pahina ang inilagay ninyo sa mga akda ninyo. Puwede ninyong pagpangkat-pangkatin ang tema para solido ang presentasyon, at hindi sumasabog ang pahina. Mungkahi lamang ito, at maaaring hindi ninyo sundin.

  2. alasais

    Salamat sa pagdalaw at pagpuna ng aming blog! We really appreciate your opinions and suggestions. Susubukan namin pagandahin ang blogsite na ito para lalo pang maging “solido” ang aming mga sulatin.

    Nakaka-inspire ang iyong mga puna. Lalo pa namin itong palulufeten! Abangan ang aming weekly blogs!

    Enjoy!

    -Tem-i

  3. anj

    dito sa blog post na ito, feeling ko magkakalaro tayo nung araw. ganyang ganyan din ang tsinelas and tumbang preso stories ko haha🙂

  4. alasais

    Hehehe! Isa ka din palang manininyelas Anj ha…Baka nga nakalaro kita dati, malay mo diba? Ikaw ba yung may suot ng blue na spartan na laging nawawala yung kapareha?

    Salamat sa pagbabasa. Keep reading our weekly blogs and keep the comments coming!

    Nagmamahal,
    Tem-i

  5. alasais

    Hahaha! Klasik! Ako naman ayokong mawalan ng tsinelas pero ‘pag naglalaro ako sa putikan, e lagi na lang napipigtas ito kasi ang lakas ng hatak ng putik lalo sa sa mga spartan.

    Hindi naman masama yon Kengkay. Ang batang nag-iisip ng paraan para mapalitan ang kanyang spartan ay tatak ng isang tunay na batang kalyeng madaming oras sa buhay.

    Tem-i of Alasais

  6. tetet

    una sa lahat, gosh…..i feel so dumb right now ‘coz it actually took me a few secs to realize what the hell POOKSASAPOT is!!! hahaha!!! at least naisip ko din agad! nga lang nagpause muna ko sandale! kung hindi ako nagkakamali, based sa mga kwento nyo, we most likely fall under the same age group! pero shempre ayokong idivulge yon….anyway i’m sure we understand one another perfectly, right? sorry ha pero batang spartan ako eh! minsan dragon din! yung kulay white lang tapos parang flesh o beige yung strap! pero i never experienced using alambre or tali to hold it together…..kase maliit pa’ko, may fetish na ko sa footwear- tsinelas man o sapatos! kaya pag gusto ko na ng bagong tsinelas, binabaon ko sa damuhan or worse tinatapon ko sa ilog sa likod ng bahay namin para maibili ako ng nanay ko ng bago! salbaheng bata di ba?! haha!! pero may style ako pag soccer (local lang ha as in soccer kalye) ang laro, isang paa, spartan, tapos yung pangsipa ko, nakarubber shoes! shempre grosby yon! mahal ang adidas eh! parang hindi nyo nabanggit na pag uwi na sa hapon ( o gabi pag napasarap ang laro), yung mga paa ay may guhit na kakorte nung strap pero solid libag o putik ang composition!! eeew!!! hahaha!!! anyway, ‘just wanna congratulate you guys for coming up with something like this. ano ba tawag sa literary art na ito??? ang saya! brings back good memories! i shall see you around guys!

  7. alasais

    @tetet:

    grosby! woohoo! hindi ako nagkaroon niyan pero bilib ako sa kasikatan niyan noong araw. airmax ang tawag nila sa ilalim na parte nun at hindi ko alam kung bakit. pwedeng simpleng pang-p.e., pwede rin pang-harabas!

    natutuwa ako sa kwento mo. kulang nalang ang chichirya habang nag-uusap.

    –tenco

  8. batopik

    nosebleed! di ko alam kung anu eang Beachwalk at Sunbeach na mga tsinelas na yan. haha. noong mas bata nga ko eh ayaw na ayaw kong magtsinelas. mas exciting kasi pag nakayapak lang.hahaha. tapos sisigaw na ang nanay ko, ‘maryaaaa!!! yung tsinelas mo kinakagat na ng mga aso!!!’ ang ingay nakakainis tapos sesermunan na nmn ako. wala lang. nyahahaha!!!

    tapos hindi rin ako marunong maglaro ng tumbang preso. paway na lang! ahahaha!!! madaya ako sa paway eh, lagi akong panalo!!! weeee!!! haha. la lang.😄

  9. iskagero

    mas maganda ang beachwalk sa “plesing”, madali paliparin na parang helikopter.. pero pag sa tumbang preso, rambo ang pinakamainam na pamato.. sa tingin ko..

  10. alasais

    Iskagero,

    Korek ka diyan, masarap i-helicopter ang beachwalk o SandalBida…hindi pa masakit kahit tamaan ka sa leeg nito…

    Tem-i

  11. issapotching

    wow beachwalk.ako ewan ko kahit ano lang yata na mabili ng lola ko nun sa palenke. pero bakit nga kaya madalas dilaw ang beachwalk? nyahahah

    ei nice blog! saw your comment on XG’s site🙂

  12. alasais

    issapotching,

    salamat! hindi ko na itatanong sa nanay ko ‘yan. baka sabihin niya, “e ganun talaga.”

    -tenco

  13. alasais

    Janary,

    Baka ka kapitbahay lang kita…Ay pinapasabi ni Aling Ising, bayaran mo na daw utang mo sa kanya.

    Tem-i of Alasais

  14. Delyong

    Ako naranasan ko halos lahat ng tsinelas. Beachwalk, Spartan, Rambbo at Islander… Masasabi kong pinaka-pormal eh ang islander. Ito na ung ginamit ko pagtung-tong ko ng High-School. Pero sang-ayon ako sa karamihan… Ang pinaka-masarap sa paa ay BeachWalk lalo na at kulay dilaw. Pati ang tatay ko eh hanggang ngaun ay iyan ang gamit. Magaling at asintado rin ako sa Tumbang preso. May kakaibang estilo pa kaming ginagawa noon, binabaligtad nmin ang dahon ng tsinelas para mas maging solido ito. pag tama sa lata.. paaakkkk! sigurado taob iyon. pag may rambbo na gamit mas gusto kong pinapatalsik yun gamit ang aking makapangyarihang beachwalk. Pati sa mga larong matindi ang habulan gaya ng agawang base, pulis-pulisan, tagu-taguan at patintero eh subok at walang dadaig sa ginhawa at tatag ng beachwalk!

  15. alasais

    Delyong,

    Korek na korek ka diyan! Dilaw na Beachwalk ang pinakamakapangyarihang tsinelas sa lahat! Mas malibag, mas mabilis ang takbo!

    Salamat sa pagdalaw sa Alasais. Sana ipagpatuloy mo ang pagsuporta sa aming blog. Abangan mo ang mga bagong blogisodes every Friday.

    Salamas!

    Tem-i of Alasais

  16. lee-yow

    tsinelas?

    naka W. Brown lang ako kung minsan…

    nakayapak…

    Ü

    minsan pa…hindi magkapareha yung suot ko…

    poorita lang kasi…

    hehe…

    pero kahit ganon…

    enjoy na enjoy ko ang kabataan ko…

    chirs!

  17. jao220

    ano nga ba ang tsinelas?ito ba yung pangsalong talampakan?o sadyang naimbento ito para palamuti sa paa?nung bata pa ako cnusuutan ako ng nanay ko ng tsinelas na may garter sa likod para dw di matanggal hanggang sa tumanda ako at nagkaisip ang tsinelas na my garter sa likod e wala na kasi kaya ko na syang isuot na di nahuhubad pro pagnaglalaro tyo ng tumbang preso bakit natin hinuhubad ang tsinelas bket di tayo kumuha ng extra na tsinelas pang tama sa lata?para di adumihan ang ating mga talampakan.kaya pag umuuwi tayo kundi sigaw,pingot,palo ang inaaabot naten sa ating mga magulang sa dumi ng paa naten na nagpuputik at naglilibag sa dumi biglng banggit na binilan kita ng tsinelas para isuot hindi ipambato ng lata gusto mo lagyan ko ng garter sa likod tsinelas mo para di mo tinatanggal.hehehehehehehehehe….share lng..nice blog boys

  18. alasais

    Lee Yow,

    Maganda din naman ang W. Brown. Nagkaroon ako ng ganyan dahil napaglumaan na ng kuya kong mabalakubak. Wag kang mag-alala. Kapag hindi magkapareha ang tsinelas mo, sabihin mo lang, “Yan ang uso ngayon!”

    O ha?

    Tem-i of Alasais

  19. alasais

    Jao220,

    Bwahahaha!!! May garter sa likod ang tsinelas mo? Ok na teknik yan a! Magawa nga yan ‘pag nagkaanak ako. Pero imbes na garter, alambre na lang para talagang hindi na niya matanggal!

    Tem-i of Alasais

  20. marikenya

    salamat sa pagbisita sa akign blog at pag-aya sa akin dito. nakakatuwa naman talaga.relate na relate ako dito.

    ang aking tsinelas nung bata ako ay gomang tsinelas, malamang sa hindi spartan ang tatak. kapag sineswerte, nakakapag-alpombra, kapag may sobrang budget ang nanay ko.

  21. abe caracas

    rammbo ako, ganyan talaga ang spelling ng rammbo na tsinelas di ba? pangmahirap kasi yun eh, hindi agad napupudpod at kahit lagpas kalahati na yung nababawas, pwedeng pwede pa rin sa talagong (tumbang preso sa maynila)

  22. alasais

    Abe Caracas,

    Ah talagong ba tawag dun? Hindi ko alam yun a! Tumbang preso pa din kasi tawag namin dun e, e taga ________ ako. Sorry di ko pwede sabihin baka dumugin ako ng mga tambay samin e!

    Keep reading our new blogisodes every Friday!

    Tem-i of Alasais

  23. nobodysgurl

    hay naku batang alpombra ako nun badtrip kasi ang bigat kaya nga cguro lumaki binti ko inaabsorb lang ng binti ko lahat ng nutrients para makayanan nya ang bigat ng alpombra..

  24. alasais

    nobodysgurl,

    wahaha, o bawas-bawasan na ang paggamit ng alpombra at baka mas lumaki pa ang binti mo kesa sakin.

    -tenco

  25. aKDa

    isang beses lang akong nakagamit ng islander nung bata ako. puro rambo, kasi, mabilis magasgas ung tsinelas ko, dahil oa ako sa paglalaro, at madalas din beach walk. ewan ko, pero trend ata un. hahaha.

    hindi ako natuto magtumbang preso. ang sad.😦

  26. alasais

    akda,

    kuha ka ng lata ng evaporada, ‘yung maliit ha. magpraktis ka muna magpa-tumbling para hindi ka parating taya.

    -tenco

  27. hisnameisdencios

    mahilig ako magtsinelas mula noon hanggang ngayong nasa dubai na ko. komportable kasi at masarap ipangporma pa🙂

  28. Tsutsay

    nagkaron din ako ng beachwalk dati nung bata pa ‘ko. sarap sa paa tsaka malambot. tas nung nakita ko sa pinsan ko na may rambo sya. nagpabili rin ako sa nanay ko. ayun nagalit kasi may tsinelas na raw ako pero ok lang…di ko rin naman magagamit sa larong bending kasi di sya nababaliko kasi makapal…ehehehe…

  29. ak0it0

    laking tsinelas rin ako. di kasi uso sa probinsya namin ang sapatos. pag nakashoes ka tingin sa yo pasosyal at mayabang.pinakapaborito ko nun yung rammboo kasi makapal.tumatangkad akong tingnan.at makandang pamato sa paway ( touching tsinelas ba tawag ng iba dun?).

  30. naxor

    ndi ko alintana kung anu un tsinelas na binibili smen mag-kakapatid eh..pero natatandaan ko un rambo.masarap suotin un eh.ska prang iba un dating.prang angat sa iba.naks.ewan ko.bsta. yun kuya ko pla mahilig sa alpombra.tas binilan nya din ako at iba ko png mga kapatid.

  31. machongbutiki

    wow,
    nakakatuwa ang mga blogs
    nyo…
    d best.
    mahilig din ako
    sa tsinelas
    at tlagang
    tumatagal sila
    sa akin ng mga 2-3 years.
    ganon ko kamahal ang mga
    tsinelas ko.

    gusto ko ung spartan..
    mas kumportable ako don.

  32. alasais

    Machong Butiki,

    Masarap talaga ang Spartan, lalo na kung punung-puno ito ng libag. Pag hubad mo ng tsinelas mo ay may built-in tsinelas ka na na gawa sa libag.

    Salamat sa pagbabasa ng Alasais! Abangan ang new blogisodes every Friday!

    Tem-i of Alasais

  33. thelostme

    badtrip…

    hindi kasi aku nakapaglaro niyan…

    hahaha!! kaya hindi aku makarelate..

    samin noon, agawang base eh..

    wla akong specific na tsinelas…

    kung anong matripan ku, un bibilin ku…

  34. alasais

    Thelostme!

    Actually, ok din yang walang specific na tsinelas dahil bawat palit mo ay kakaibang experience ang iyong mararanasan. O ha! Lalim no? Da best din talaga ang agawang base dahil sampung minuto kami nagse-celebrate tuwing makaka-base kami! Baaaaaaaaase!!!

    Tem-i of Alasais

  35. lilaybulilay

    forever nakong naka tsinelas kahit saan ako magpunta, ngayon nga bawal nakong mag tsinelas delikado na daw kasi bundat na bundat nako prone na sa tisod at dulas pero pag walang nakakakita naka tsinelas parin ako =P

  36. Jex ~ Saah Paahk

    dahil nga sa uso at pina uso ako din lageh ako naka tsinelas ! kaso ilang araw lng e pudpud na kagad kc e lagi ko tong ginagamit sa pag lalaro ng peborets sport ko ang BasKeit Bawl…

    minsan nga e pinag yayabang ko pa to dahil ang tsinelas ko e ginagawa kong CP kc nga e my butas e2 na parang camare ng cellphone minsan tinanong nila kung anong Unit ng CP ko ang sabi ko 50 50 Nukiemya!

    kung tatanungin mo kung “KAMUSTAH NAMAN ANG TSINELAS MO?!?”

    eto…
    my butas na…

  37. alasais

    Jex Saah Paahk,

    Ang tawag diyan ay “Air Tsinelas”! Mas maangas kesa sa Air Jordan. Mas magaan. Mas madaling maupod pero mas madali ding palitan. San ka pa?

    Tem-i of Alasais

  38. Jex ~ Saah Paahk

    dahil nga sa uso at pina uso ako din lageh ako naka tsinelas ! kaso ilang araw lng e pudpud na kagad kc e lagi ko tong ginagamit sa pag lalaro ng peborets sport ko ang BasKeit Bawl…

    minsan nga e pinag yayabang ko pa to dahil ang tsinelas ko e ginagawa kong CP kc nga e my butas e2 na parang camare ng cellphone minsan tinanong nila kung anong Unit ng CP ko ang sabi ko 50 50 Nukiemya!

    kung tatanungin mo kung “KAMUSTAH NAMAN ANG TSINELAS kO?!?”

    eto…
    my butas na…

  39. rebeldengpalaka

    hmmmm!!

    di naman ako binibilhan ng tsinelas ni dady kokak ehh,, wala daw sa bugdet..

    pero nun si momy naawa sa akin binilhan niya ako ng SPARTAN.. ang galing ng tsinelas na yun.

    kahit anong labanan laging panalo.
    hehehe..

    kokakkkk!

  40. TunYing

    Tsinelas? Wala akong preferred brand ng tsinelas noon, basta kung ano binili ni nanay yun na ginagamit ko. Pero kung papipiliin talaga ako eh yung rambo ang gusto ko kasi makapal, madaling tamaan pag naglalaro kami ng paway. Yun nga lang masakit din, pagginamit sa akin na pamalo. Huhuhuhuhu…

  41. twilightmistress

    weeeeeeeee
    soooooooooooooo cute ng blog nyo hahahaha katuwa😉
    ako dn may tsinelas dati yung rambo heheheh

  42. Snowden

    Nice blog.parang natime-machne ako sa kabataan ko..haha.naalala ko n0on na panay rambo ang tsinelas.haha.ang kapal nun at parang submarine sa baha..hindi ko ba alam sa nanay kung bakit yun ang binibili.pakunswelo nalang makulay na itsura nit0 kaya pamatay ang dating.hehe

  43. alasais

    Snowden,

    Namiss ko na yang hirit na yan a – Pamatay ang dating! Hehehe! Oo, time machine talaga to at hindi mo kelangan lagyan ng token. Magugustuhan mo pa ang ibang blogs namin sigurado ako!

    Keep enjoying Snowden!

    Tem-i of Alasais

  44. rheannz

    ahaii :] nun bata pa cu ancute ng slipper cu:]
    ksi di aq sumusuot ng mga ganun uri ng tsinelas na nabnggit niu ehh :]
    qzo hnd cu lg naalala ung
    name ng aking sleppers :]
    hahaha;]

    la naqng msbi po:] visit nlng din kau sa blogs cu :]
    pasuk muna sa fs cu dn add me ir :]
    http://www.friendster.com/rheannz
    ayan pu :]
    thanks!!..

  45. adonis

    2 ang tsinelas ko isa yon islander at isa yon spartan. 2 kasi lagi napupudpod ang spartan ko pano ginamit ko parati sa paglalarong ng tumbang preso at minsan pinapagamit ko sa kalaro kong walang tsinelas at kukunin ko ang tsinelas ng kuya ko or yon tsinelas ni inday na galit na galit sakin dahil di sya makalabas dahil wala syang tsinelas.. yon islander panglakad ko kasi minsan isasama ako ni inday sa palengke or sa grocery store yaw ko naman magsapatos sa mga ganon lakaran kaya islander.

  46. alasais

    Adonis,

    Ang specific ng detalye mo sa paggamit mo ng Islander a. Pero walang tatalo sa paggamit mo ng tsinelas ni Inday. Talagang hindi siya makalabas nang wala ‘yung tsinelas niya eh.

    – Tenco

  47. balotlot

    spartan tsinelas na binibili ni lola sken..
    very useful yun sa knya.. ginagamit niya rin
    na pamalo sa pwet ko yun hahaha..

  48. alasais

    Balotlot,

    Malamang ay pinagpapalit-palit ng lola mo ang ting-ting at tsinelas na pamalo sayo. Mukha kang pasaway na bata eh! Hinay hinay lang sa pangungulit baka pag nagalit nang husto ang lola mo ay pustiso naman niya ang ibato sayo!

    Tem-i of Alasais

  49. balotlot

    pustiso ni lola now eh lage na lng nakababad sa baso hahaha, bihira na nya isuot… pag kakain at ngunguya na lng ata ng sya ng mga hard fuds nyahahaha..

    di bale malapit ko na makita c lola at ang psutiso nya… yehey lapit na vacation ko jan sa pinas.. ugh..ilang tulog na lng yun.

  50. alasais

    Balotlot and Monching,

    Oh, so pupunta ka sa probinsya? Nice one! Masaya yan! May internet na ba sa probinsiya niyo? You’ll be missing out this summer! Well, just say hi when you get back, ayt?

    We always love havin you here!

    Tem-i of Alasais

  51. alasais

    Ghay,

    Salamat sa papuri. Bob Ong? Mas magaling kami dun! Hahaha!

    Tambay ka lang lagi dito Ghay dahil enjoy dito. Basta alging tandaan, magdala ng meryenda dahil matakaw ako.

    Tem-i of Alasais

  52. jayson

    lagi akong balagoong sa tumbang preso pero nung gumamit ako ng rambbo, nagbago ang lahat. ok din ang tsinelas na ito kasi bukod sa mabigat, makapal ang suwelas nito.

  53. guru_disini_jakarta

    hello alasais.

    i have fun reading your blog. galing nyong magtagalog. at nakakarelate ako sa childhood memories nyo. cai yo!

  54. guru_disini_jakarta

    you’re most welcome. i have shared your site to my friends para malibang naman sila.
    yey. mas maganda d2 sa fb iaccess tong blogs nyo. thanks for the invi. super fun talaga.

  55. jewel

    nung bata ako sikat ang beachwalk.yun nga lang mahal sya kumpara sa iba kaya pag naka-bw ka may pera ka sa tingin ng iba. maganda yung kulay dilaw tsaka maganda sya isuot,di magmumukhang nakaapak ka sa bangka kasi slim lang sya…hihi!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s