51. Family Dinner Part II

“ O Tenco lumabas ka na sa kwarto mo.  Nandito na mga tita mo at gusto ka nang makita.”

“Ano po’ng ulam?”

“Itlog sa tomato sauce.”

“Ay nandyan na po!”

Kung hindi lang talaga dahil sa masarap na ulam e hinding hindi ako lalabas ng kwarto e.  Ayoko kasing makita ang mga tita ko noon dahil maraming tanungan nanaman ‘yun.  Kaso ayokong palagpasin ang pagkain sa mesa kaya bahala na.

Hindi parating sina mama at papa, kuya, ate, at bunso ang kasama natin sa mesa.  Syempre dahil mababait tayong mga Pilipino e iimbitahin natin ang mga bisita para bigyan ng ka-hassle-an ang buhay natin.  Joke lang.  Dahil sa lintik na hospitality na ‘yan e hindi mo ma-e-enjoy masyado ang pagkain dahil mapipilitan kang makipag-usap sa bisita.  Joke lang.

Tita:  Aba ang laki-laki mo na a!

Tenco:  (susubo na sana ng ulam) Ah opo.

Tita:  Dati ang liit-liit mo lang a!  Tingnan mo nga naman o, ang bilis-bilis talaga ng panahon!  Ang laki mo na!  Ano’ng grade mo na ba?

Tenco:  (hindi pa rin nakakasubo) one.

‘Yan lang talaga ang sinagot ko sa huli, medyo napipikon na rin kasi ako dahil hindi ako makakain nang maayos e.  Saka parang nangangawit na ‘yung bunganga ko sa kakangiti.  What a dinner.

Hindi talaga maiwasang makipagchikahan ng mga nasa harap ng mesa habang kumakain.  Hindi ako makarelate dahil seven years old pa lang ako nun at lagpas 30 years old na nila.  Parati talaga nilang sinasabing malaki na ko ngayon at dati e maliit pa lang ako.  Tapos ‘pag dumalaw sila ulit e ganun nanaman ang sasabihin nila sa’kin.  At talagang hindi ako makakaubos ng kalahati ng pagkain ako hanggang sa matapos silang magtanong tungkol sa mga naging accomplishments ko sa school.

Pero kung ikaw naman ang bisita, bakit parang ang sarap-sarap ng panlasa mo sa pagkaing handa ng ibang tao?  Enjoy na enjoy akong burautin ang Magnolia ice cream nina Tita Carmen hanggang sa mamantsahan na ang puting damit ko.  Parati talgang puti ang damit ko ‘pag kumakain ako ng ice cream e.  Tapos gusto ko maraming Coke.  Tapos pagagalitan ako nang patago ni mama dahil hindi ko na kinain ‘yung pinaka-hapunan.

“Tencolumabaskanadyannanditonamgatitamo!”

“Zzzzz…”

– Tenco


Inis na inis ako tuwing bibisita kami sa mga matatanda naming kamag anak.  Eh papano, yung mga tita kong gurang eh kung hindi matatandang dalaga eh baog naman!  Kaya yun, wala akong mga makakalarong bata.  Tanginang yan.

Buti na lang at malakas ako kumain at bumabawi ako sa mga pagkain – alimasag sa gata, laing, adobo, lumpiang shanghai, chicharon bulaklak (waaaaah tanginang yan ang sarap non!), biko, kangkoong (kangkong with bagoong), inihaw na tilapia, fried rice at plain rice, sinigang na baboy na madaming taba, lechon paksiw at siyempre, tatlong 1.5 na Kok.

Tulad ng sabi ni Tenco, lagi silang magugulat dahil ang laki laki mo na at puro papuri ang sasabihin nila sayo.  Pipisilin ang pisngi mo at siyempre, magpapapisil ka din kahit napapamura na ako sa sakit.  Laging magaganda ang sinasabi nila, pwera si Tito Mon, ang prangkang tiyuhin.  Laging may ganito sa mga kapatid ng magulang mo.  Laging may prangkang tiyuhin na lasing at masakit magsalita pero wala siyang pakialam.

Tita Tess: “Ay ang laki-laki mo na Tem-i!”

Tito Mon: : “Ang laki-laki mo na!  Supot ka pa din no?!”

Siyempre, tawanan ang mga tiyahin pati na din ang magulang ko.  Hindi maipinta ang mukha ko sa kahihiyan.  Parang gusto ko nang kumuha ng labaha at gunting at tuliin ang sarili ko nung araw na yun para hindi na ulit ako mahiritan nang ganon.

Heto pa ang ilan sa mga prangkang hirit ni Tiyo Mon:

“Nakanam!  Seksi mo pa din Mare ah!  Sarap mo papakin!”

(habang kumakain) “Proooooooooooot?!!!”

(sa magulang ko) “Oy Pare, alam na ba ni Mare yung tungkol sa kabit mo?”

(sa mga kapatid nya, mga tita at tatay ko) “Kelan ba mamamatay si Papa?  Kelangan ko ng down payment sa alahas eh…”

(sa nanay ko) “Te, pautang naman.  Ipambabayad ko lang ng utang ko kay Mareng Sylvia.”

(sakin, kada taon) “Tem-i, supot ka pa din ba?  Makunat na balat niyan a!”

Haay kakamiss ka Tito Mon.  Yaan mo, gagawan kita ng sarili mong blog.  Isa kang alamat.

Hindi naman ako masyadong inis sa buhay pag bumibisita kame sa mga medyo batang mga kamag anak dahil andun yung mga pinsan ko at may nakakalaro ako.  At siyempre pa, andun din yung isa kong nakatatandang pinsan na si Ate Eunice (Hi Annaluna fans!).  17 years old at talaga naman may itsura.  Talagang mapapaisip ka na sana hindi mo na lang siya pinsan o di kaya’y ampon lang siya ni Tita Wendy.  Ang hilig magsuot ng puke shorts (super igsi na halos kita na ang singit at pukengkeng) ni Ate Eunice na para bang nananadya at nagbabadya.  Ok.  Tama na.  Next memory please!

Hindi naman mawawala sa mga family dinner ang talent show.  Ihanda mo na ang iyong mukha at pakapalin na ito dahil maya maya lang ay lilipat na ang buong grupo sa sala at ilalagay na ang lamesa sa gitna para gawing “stage” ng mga performer.  Susubukan mong tumahimik at paliitin ang sarili mo para hindi ka mapansin ng mga matatanda pero siyempre pa, wa epek yun.  Walang mintis.  Ako ang unang tatawagin para pakantahin sa harap ng mga kamag anak ko.

At siyempre, pinlano na ito ng mga peste kong magulang bago pa kami umalis ng bahay kanina.  Pano ko alam?  Eh puta nilabas ba naman sa purse niya yung tape ng kakantahin ko eh!  Nice one ‘Nay!

Kaya ayun, akyat ako sa stage, konting ubo para matanggal ang bara sa lalamunan…sabay birit!

“Napupuyat, napupuyat, napupuyat sa kaiisip sayo-hoh!”

– Tem-i


“Tikboy! Tama na yang laro at nandito na ang mga Tita mo.”

Pucha matatalo na nang laruan kong si Brutus “The Barber” Beefcake si Million Dollar Man e. Nasa number two na ang bilang bigla pang natawag.

“Sige, Marlon. Mamaya na natin ituloy ang Wrestlemania natin.”

Takbo na ko pauwi ng bahay dahil nandiyan na ang mga istorbo kong Tito at Tita. Maririnig ko na naman ang mga klasik na linya ng bumibisitang kamag-anak. Eto ang mga yun:

1. “Ang laki mo na ah. Dati karga-karga ka lang ng Tito mo at iyakin ka.” – Minsan naman kahit hindi ka ganung lumaki sasabihin pa rin nila yan. Parang katumbas na rin ng “Hi” o “Hello” sa mga bata yan.

2. “Ilang taon ka na? Anong grade mo na? Ano na ang lessons mo sa iskul?” – Eto ang pinaka-ayaw kong hirit. Tatanungin ba naman lessons mo sa iskul. Talagang ipapahiya ka e. Mabubuko ka ng nanay mo na hindi ka nakikinig sa titser mo kapag wala kang nasagot. Palagi kong sagot diyan e 1 plus 1. Inuulit-ulit ko na lang sagot ko para matawa na lang sila.

3. “May crush ka na ba?” – Eto ang tuwang-tuwang itanong ng mga Tito’t Tita mo pero ayaw na ayaw naman ng magulang mo. Siyempre ayaw nilang tumanda ka agad. At ang palaging pambara sa’yo pagkasabi mo kung sino ang crush mo ay “Asus may crush ka na e supot ka pa naman.”

4. “Dance nga, dance.” o “Sing nga, sing.” – Diyan e palaging wala akong naipapakita. Wala naman kasi akong talento noong bata pa ko at puro paglalaro lang alam ko. Aalukin ka pa nila ng candy o coins para lang sumayaw ka o kumanta. Kaso wala talaga kong kargada pagdating diyan. Ipagyayabang lang nila ang pinsan ko na magaling sumayaw. Wala kong pakialam si Brutus “The Barber” Beefcake pa rin ang mananalo sa Wrestlemania mamaya.

Alasais na at paalis pa lang sila. ‘Inang yan postponed ang Wrestlemania with Marlon.

– Tikboy

19 comments

  1. NoBenta

    teana, paksyet. sandali lang….masyado ako na-excite. akala ko eh naligaw lang ako dahil iba na ang itsura ng bahay niyo!!!

    ang malufet, nagsulat na akayo! mga idol!

    basahin ko muna…..

  2. almariza

    huwaw! nagbalik na kayo! namiss ko kayo! antagal ko kayong inabangan.🙂 i miss you tem-i, tenco at tikboy!🙂

    anyway, pag dumadating ang mga tita ko kasama lagi ang buong angkan nila.masaya kasi madaming bata.mga pamangkin ko na.pero andaming liligpitin pag uwian na.😦

    haha.pero ayoko na tinatanong nila saken kung kelan ako gagradweyt. T_T

  3. alasais

    Almariza!

    Kumusta ka na? Kakamiss mga tambay days natin dito no? AY siyet, tamad na tamad din ako magligpit at maghugas ng pinggan. Inang yan. hasel talaga.

    Tem-i

  4. cassandra

    correct hanggang ngayon..ayoko padin sa bisita. hehehe

    kakairita ang question and answer portion…
    tapos papasayawin ka pa ng MACARENA o kaya SHALALA!
    hahaha

  5. superlolongpinoy

    Yehey…balik na ang mga alasais boys.

    Nung bata pa ako kapag may bisita…pinapatugtog ako ng piyano…eh konti lang naman ang alam ko na tugtog kaya ayun paulit-ulit…hanggang sumakit na ang tenga ng bisita. Tapos takbo na ulit sa labas ng bahay para makilaro sa kalye.

  6. alasais

    Jemboy!

    Ang walang kamatayang “Chopsticks” o kaya “Mary Had a Little Lamb” and laging pinapatugtog sa kapatid ko noon.. Buwiset yan!

    Musta na Pre?!

    tem-i of Alasais

  7. Pau

    Walangya. Highschool ata ako nung unang basa ko sa alas-sais. Graduate na ko ng kolehiyo ngayon. Ibang iba na talaga ang panahon ngayon. Salamat sa inyo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s