41. Dyaryo-Bakal-Bote

“Dyaryo-Bak’l-Boteeeeee!  Growers kasama Lompia!”

Yan ang joke ng kunduktor namin sa serbis na si Mang Rene.  Actually, hindi talaga yan joke kasi pag walang pasok at weekends, eh magbobote siya.  Rumoronda siya sa baranggay namin tulak tulak angkanyang matibay at napinturahang kariton.  Pero h’wag kayo.  Akala niyo ba ay kadiri ang trabahong to?  Big time tong hinayupak na kunduktor namin na’to.  Habang nagtutulak ng kariton ay hawak hawak niya ang kanyang 6969 na selpon gawa ng Pananokia.  Mukhang nagbu-book ng appointment sa Sogo.

Habang sinusulat ko tong blog na ‘to ay bigla kong naisip – Putah!!!  Anlakas mamera ng skul namin nung nag-aaral pakoh!  Yung pongala-ngalang newspaper drive na ‘yan – Tuwing pumapasok ako sa umaga eh ga-tao ang taas ng mga dyaryo sa likod ng klasrum eh!

Habang binabasa ‘to ng dati kong titser nung elementarya: “Tanginang Tem-i to…Buti nga hindi ko kayo pinagdala ng bakal at bote eh! (Sabay hithit ng chongki…)

Madami akong kaibigan na magbabakal-bote.  Actually, dalawa lang pero maganda pakinggan yung “Madami…” eh.  Anyway, ayun nga.  Mababait sila at tangina, superlakas sumapak!  Naglalakad kami sa kabilang baranggay at napa-away.  Sinapak ni Monching yung kaaway ko.  Naka-ilag.  Wapak!  Sapul ako sa mata.  Dalawang linggong nakapikit ang itim kong mata.  Salamat, Monching.

Nakaka-inggit din sila dahil may sarili na silang pera.  Araw-araw silang nakakabili ng Coke at tortillios sa tindahan samantalang kada weekend lang ako pwede mag-junk food.  Kaya lagi akong nakikihingi sa kanila at in fairness hindi sila madamot ha!  Yun nga lang, sa sobrang lagkot na laway nila sa tanghali eh pagluwa nila ng straw ay sumasama pa ang laway nila sa straw pagkabigay sakin.  At sarap na sarap ako sa Coke na yun….dati.

Kung batang kalye ka ay siguradong may rumorondang dyaryo-bakal-bote sa inyo.  Subukan mong kausapin.  Malamang ay mas magaling pa sila sa math kesa sa inyo.  Napakabilis magkwenta ng mga ‘yan!  Mas mabilis pa ata sila sa Math teacher namin na si Mr. Estanislao eh.  Si Mr. Estanislao, malakas ang pilantik ng daliri.  Pero mabait yan.  Lagi akong pineperpek niyan sa addition eh.  Lagi din niya akong inuutusan na samahan siya sa teachers’ lounge pag hapon na at wala nang masyadong tao sa skul.  Lagi din….teka…..ay puta.

– Tem-i of Alasais


Hindi bababa sa dalawang batang lalake ang tumutulak sa kariton.  Kung minsan, tatlo sila at babae ang isa.  Kadalasang wala silang tsinelas o ‘di kaya sira ang kapares.  Kulay brown ang kariton at may mga horizontal na guhit sa gilid.  Kahoy ang gulong, minsan e may goma ang gulong (interyor?).  Wala pa namang akong nakikitang mga batang nakabitaw ng kariton habang naglalakad sa pababang daan.  Malakas ang hatak!

Samu’t sari ang laman ng kariton.  Dyaryo.  Bote.  Bakal.  Garapa.  Teka, ano ba ang garapa?  Synonymous ba ‘to sa garapon?  ‘Di ba may pelikula ‘to?  May pera sa basura.  Bakit kaya walang nakaisip na gumawa ng kariton na kasing-laki ng bus para mas maraming malagay?  Siguro kaya mong kolektahin ang lahat ng kabakalan ng buong distrito ng Maynila kung ganyan kalaki ang kariton mo.  Sasakupin nga lang niya ang kahabaan ng Recto ‘pag nagkataon.

General term ang dyaryo-bakal-bote combo.  Kahit ano namang substance na pwedeng pakinabangan e pasok na sa criteria.  May mga gamit na papel ba kayo?  Aluminum cans?  Black and white na TV?  Kinalawang na ref?  Alambre?  Sige at i-shoot lahat ‘yan sa kariton!  Minsan pa nga may mga bakal-bakal tayong makikita sa ilalim ng upuan sa sala tapos hindi talaga natin alam kung saan nanggaling e.  Minsan naman nasa garahe ‘yan, o kaya dun sa loob ng cabinet na nasa ilalim ng lababo.

Ano kaya ang pinakamalayong nabyahe ng mga magbobote?  Umabot na kaya sila sa probinsya?  Let’s say from Manila to Pangasinan tapos balikan?  Kaya ba hindi sila kumukuha ng ref e dahil sasakupin agad nito ang espasyo sa loob ng kariton?  Bakit kapag TV ang kinuha nila e hindi kasama ang antenna?  Bakit tatlo lang ang gulong ng kariton at hindi eleven?  Pwede bang kawayan nalang ang ilalim ng kariton imbes na gulong?

Wala kayong makikitang kariton sa ibang lugar kundi sa Pilipinas lang!  Malayo ang nararating niyan kahit walang gasolina!  Pasok na pasok ang mga kahoy na gulong niyan!

– Tenco

10 comments

  1. lovely

    nag iisip na ko mangalakal ngayon hehe..
    dami na bote sa bahay..
    dyaryo lang wala kami kasi di na masyoadong nag babasa ang tatay ko..potah ang mahal na ng dyaryo eh..11php hehe..pang merienda na rin un..
    hehe..

  2. balotlot

    boteeeeeeeeeeeeeerrrrrrr… botir….
    sigaw lge nung mamang magbobote smen,
    mabuhay mga magbobote…

    pag may inuman sa lugar nmen nun bata pa ako,
    inaabangan ko minsan matapos session nila eh pano marami akong nakukuhang bote ng gin (bilog).

    peo naniniwala tlg ako na me pera sa basura…
    good idea e2 magandang business pag uwi ko sa pinas… junkshop… dami na kc basura sa pinas,
    basura mga politiko, basura sistema ng gobyerno,,,

    tiyak marami akong kiki-lunin at titi-timbangin.

  3. superlolongpinoy

    Sa village namin dyan sa QC may suki ako na naka-kariton. Dumadaan siya kung weekends. Yung mga bote, diyaryo, lumang gulong at baterya ang lagi nilang hinahanap sa akin.

    Oo sakto ang sabi ninyo magaling nga silang sa Math.

    Pero napansin ko nuon minsan ay may mga cellphone na rin sila kahit 3310…baka may camera na ang CP nila ngayon…hehe. Mukhang bigtime na ang networking nila sa pangongolekta.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s