27. Koya, Wag Poh!

“Manang Litaaaah!  Tapos nakoooooh!”

Dali-dali nang tatakbo si Manang Lita sa banyo para hugasan ang pwet ko.  May konting pagdadabog pa ang kanyang paghuhugas sakin dahil tinawag ko siya sa kalagitnaan ng Mara Clara, nung malapit nang mahanap ang diary.  Sa inis ay halos punitin niya ang musmos kong tumbong gamit ang napakagaspang na Perla, na siya ding gamit ng tiyahin kong panghilamos sa gabi.

Anyway, ano na lang ang buhay natin kung wala ang ating mga lungkatuts?  Sila ang may pinakamagaling na “all-around” skills sa bahay.  Sila ang pinakamagaling pagdating sa paglalaba, pagluluto at pamamlantsa.  Sila din ang number wan pagdating sa tsismisan.  Malamang ay naaalala niyo pa ang itsura ng mga katulong niyo na nakakapit sa rehas ng gate at kausap ang katulong ng katapat na bahay, na siya ring nakakapit sa rehas ng gate nila.  Haay klasik talaga sila.

Madaming memories ang bumabalik sa isipan ko pagdating sa aming mga kasamahan sa bahay.  Nandiyan na ang kanilang walang humpay na pagsasabi ng “already” tuwing kakausapin ako ni Manang Lita nang pa-inggles.  “Did you eat oreydi?  You islip oreydi.  You wake up oreydi”  Si Manang Lita ang aking unang english teacher.

Eto namang si Manang Ising, walang tatalo sa kanyang pabangong “Nenuco”.  Anlupet ng amoy neto!  Buong araw ko itong naaamoy at kapag nangapitbahay naman ako ay maaamoy ko ang cologne ng katulong ni Richie na “Bambini”!  Wala akong ligtas sa tindi ng pabango ng mga katulong na’to.

Si Manang Cecille naman ay ang Reyna ng panaghalian.  Walang pwedeng umistorbo sa kanya ‘pag tanghali.  Nakaupo na yan sa harap ng telebisyon, nakarugby ang mga mata sa kanyang mga paboritong telenovela sa tanghali – Valiente, Agila, Mara Clara, Balintataw at Maria la del Barrio.  Kapag humiling ka ng juice, “Matulog ka na!  Isusumbong kita sa Mama mo pag-uwi, gusto mo?”  Kapag humingi ka ng biskwet, “Matulog ka na!  Isusumbong kita sa Mama mo pag-uwi, gusto mo?”  Kapag sinabi mong naghihintay si Dudong (construction worker sa may tapat) sa gate, “Matulog ka na!  Dudong may lab?  Are you der oreydi?”

Grade 4.  Biglang may bagong nanilbihan sa aming bahay.  Si Manang Aileen.  Disi-siyete anyos na dalagita na nagmula pa sa Cebu.  Maputi, mahaba ang buhok at malalaki ang future.  Sa apat na buwan ng kanyang paninilbihan ay tila yata bihira na lumabas ng bahay ang erpats, kuya at uncle ko.  Dahil ba sa wala silang perang panlakwatsa?  Dahil ba tinatamad lang sila lumabas?  O dahil iniisip nila kung paano tatakpan ang maliit na butas sa gilid ng pinto ng banyo.  Haay ewan ko.  Napansin ko din na madalas magka-kulite si kuya ko nung mga oras na ‘yon.  Oh well…

Da best ang mga katulong natin dahil kahit ano pa mang biro ang gawin natin sa kanila ay hindi mapagkaka-ilang mahal na mahal din natin sila.  Kaya ‘wag kalimutang bilhan sila ng regalo tuwing pasko, okay?

Teka, makabili ng nga ng Nenuco…

– Tem-i


“Tekbuuuyy! Tekbuuuyy! Nandeto na sirbes mo tama na ang paglalaro. Haleka na at ihahated na kita sa sirbes mo.”

Yan si Ate Ana, ang kasambahay namin nung elementary pa lang ako. Halos trenta anyos na siya at morenang-morena. Napakasipag at mapapatunayan niya ito sa mala-sandpaper niyang mga palad. Kaya minsan eh sa damit niya na lang ako humahawak kaysa sa kamay niya kapag ihahatid niya ko.

Mga bandang 9 ng umaga siya naliligo at pagkatapos ay susuklayin na niya ang kanyang mahabang buhok(may time nga lang na may lisa ito pero minsan lang naman). Pagdating ng hapon eh sasabayan niya ako lumabas dahil yun ang oras ng semi-meeting nilang mga kasambahay sa street namin o tinatawag rin na tsismis time.

Sa kanya ako natuto manood ng mga telenovela sa tanghali. Pati ang Cristy Per Minute eh nahiligan ko rin dahil sa kanya. Kaya alam ko na agad dati nung naging mag-jowa si Wowie at Juday pati na rin si Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Syempre Linggo ang peyborit araw nila. Yan ang day off! Kay Ate Ana yan ang kanyang Date off. Magsisimba muna yan tapos makikipagdate na kay Kuya Kokoy(konduktor ng serbis namin). Kaya pala atat na atat ako palaging ihatid sa serbis eh may namumuo na palang romansa sa pagitan nila.

Malaki ang pasasalamat ko kay Ate Ana dahil pinagaan niya talaga ang buhay naming magkakapatid nung kami’y mga bata pa. Kahit minsan ay sinusumbong kami sa nanay ko eh ok lang. Ilang brief ko rin ang nilabhan niya at pinaputi uli.

Ate Ana: “Tekbuuuyy! Sirbes mo andeto na!”

Tikboy: “Oo susunod na makipaglaplapan ka muna kay Kuya Kokoy.”

Ate Ana: “Oki!”

– Tikboy


Parehas tayo ng pangalan ng mga katulong natin Tem-i ah, baka parehas na tao rin talaga sila.  Si Manang Lita ba ‘yung may asawa saka dalawang anak?  Tapos si Ate Cecille naman ‘yung morenang dalaga, ‘yung parating Palmolive ang gamit na shampoo tapos sabi niya ‘yun daw ang da best na shampoo sa lahat?

Hay katulong.  Talagang napadali nila ang buhay ko nung bata.  May tatawag sa’yo kapag kakain na.  Kapag maliligo.  Kapag nandiyan na ang serbis.  Kapag dumating na sina mama at papa.  Kapag kailangan mo nang matulog sa tanghali.  At kapag nahuli kang pasimpleng tumatakas ng bahay para maglaro o bumili gamit ang kinupit na pera sa bulsa ng pantalon ni tatay.

Kapag medyo may edad na ang katulong, kadalasang daster ang suot nilang damit.  Kapag dalaga naman ay t-shirt at jogging pants ang suot, minsan nga e puke shorts pa pero bihira lang ako makakita ng katulong na nagsuot non.  Basa parati ang likod na parte ng damit nila dahil hindi masyadong tuyo ang buhok nila pagkaligo.

Napakaaga rin nilang magising sa hindi malamang kadahilanan.  Alas-7 ng umaga ang pasok ko noon pero alas-4 pa lang e naririnig ko nang nagsasaing si Ate Cecille habang nakasalang na ang mainit na tubig sa takure.  Marami na siyang nagawa bago pa sumikat ang araw.  Ano kaya ang scientific explanation dito?

Sige, heto ang iskedyul ni Ate Cecille kapag weekdays:

4:00 am – bangon na!

4:15 am – magsaing at magprito ng hotdog at itlog

4:35 am – ihain na ang agahan

4:45 am – magwalis at magpunas

5:35 am – mag-init ng tubig

5:50 am – gisingin na si Tenco

6:05 am – subaybayan ang pagkain ng agahan ni Tenco (e kaya naman pala malamig na ang pagkain, kanina pa niluto e!)

6:40 am – ihatid na si Tenco sa eskwela

8:00 am – maglaba

9:30 am – lumabas saglit para sumagap ng tsismis

11:00 am – magluto ng pananghalian

11:40 am – sunduin na si Tenco sa eskwela

1:00 pm – patulugin ang bata at maghugas ng pinagkainan

1:20 pm – ienjoy ang Bulagaan portion

1:30 pm – leisure time!

4:00 pm – tsismisan time nanaman!

Sandale, tinatamad na kong ituloy, andami e.  Ang masasabi ko lang, bilib talaga ako sa mga katulong dahil kahit nakakapagod at nakakatamad minsan ang ginagawa nila e ginagawa pa rin nila ‘yun para satin.  In fairness, nakakamiss sila kapag umaalis/pinapalayas/tumatakas sila.

Tenco:  Ate Cecille bakit ganyan ka magsalita?

Ate Cecille:  Bakit ba wala ka namang ibidinsya!

– Tenco

22 comments

  1. nikki

    idols, pinost ko po link ng blog niyo sa facebook account ko.. ok lang po ba? hihi!

    na-miss ko bigla katulong namin nung elementary ako. si ate jane. tinakbo kasi ng kapatid niya vhs player namin kaya pinalayas na rin namin siya.

  2. alasais

    Asher!!!

    You can post it anywhere you want, my friend! Bwahahaha! Tinakbo ba ni Ate Jane! Klasik hahaha!

    Haay nakakamiss ang mga kasamahan sa bahay…

    Keep enjoying Alasais!

    Tem-i

  3. alasais

    Ms. Dee,

    Nice, salamat naman🙂 Hinding hindi magsisisi ang sinumang magki-klik sa link na ‘yan.

    Heaven!

    P.S.

    Hindi niyo na binawi ‘yung vhs player?

    – Tenco

  4. alasais

    Nadong Pogi,

    Ayos lang yan. At least nagcomment ka pa din diba? Da best talaga ang mga readers na katulad mo!

    I love you!

    Tem-i of Alasais

  5. snowden

    mas maganda pakinggan kung tatawagin natin silang kasambahay..malaki talaga ang tulong nila lalo na sa kapitbahay kong si bong araw araw ba naman bosohan ng loko ang kasambahay nila.hehehe

  6. alasais

    Snowden,

    Katulong, kasambahay at kasamahan – ilang mga terminolohiyang sumasagisag sa mga haligi ng ating kabataan, one of the best people in the world! The best tumulong, the best mag-alaga, the best magluto at the best bosohan!

    It’s always nice to read your comments every blog, Snowden!

    We love you!

    Tem-i of Alasais

  7. asherkyle

    nakakapagtaka nga kung bakit sobrang liit lang ng sweldo ng mga katulong, kahit na alam natin na mahirap trabaho nila.. kadalasan pa nga eh sobra sa walong oras sila kung kumilos at magpaikot-ikot sa bahay para lang maalagaan tayo at mapanatiling malinis ang bahay..

    (affected? haha)

  8. anakngpating

    bisiya dong hahaha,,.

    wala akong katulong i mean wala kaming katulong simula’t sapul haha..kaya hindi nakarelate dong ..hehe…

    pero ang galing nga nila..mayaman kayong 3 noh..kasi may katulong na serbis pa kayo haha..

  9. andreidae

    wow!..very interesting title… title palang naaliw na akuh..haha..

    uber na miss kuh ung blog..lalo na c kuya Tem-i na absent nung last post..^^,

    Kasambahay.. nkakamiss din tlga sila..dko na matandaan kung nkailan kami dati..kxe natatandaan kuh lng noong bata pa akuh isa lng ung consistent na nag aalaga sakin eh..si ate Susan..ilang beses nadin xang pinalayas nun ni momie xe tinakot kami ng kpatid kuh ng knife..pero ilang beses din xang pinababalik ng momie xe nga matagal na xa samin..
    memories tlga..hnggang ngaun may connection padi kmi and minsan bumibisita padin xa dito sa house namin.. and after nun na umalis na xa samin..may mga pumalit padin eh..pero di na masyado tumagal..siguro mga apat pa yun and counting..si momie kxe..gusto lagi may kasambahay kami..

    wla daw xe mautusan sa amin ng kuya kuh..

    =)

    nice blogisode guys!!

  10. grasi

    ngayon uso na ang mga MANNY o yung mga lalaking yaya o tsimoy na di pang errand boy. ngayon ko lang naisip na medyo ahead ako nung panahon ko dahil may manny ako nun.

    si kuya abner ang nakatoka na mag alaga sa kin nung magsimula akong mag-aral. magkapatid sila ni kuya dodong na namasukan sa amin. at dahil kilala na sila ng lolo ko, sa kanila kami ipinagkatiwala.

    si kuya abner ang gigising sa kin para maghanda sa pagpasok. sya din ang naghahanda ng lunch box ko at pag uwi ko may meryenda na din ako. si kuya abner din ang taga hugas ko nung di pa ko marunong maghugas ng pwet.

    nung nag elementary na ko nagpaalam si kuya abner. di ko na tanda ang araw na yun. masyado pa yata akong bata para maging emosyonal sa pag alis nya.

    pero ang natatandaan ko ay ang naramdaman ko nung highschool na ako. nabalitaan ko na nasaksak daw si kuya abner at namatay na. nalungkot ako at bigla ko na lang naalala kung gaano pala sya kaimportante nung bata pa ako.😦 di man lang ako nakapagpasalamat.

  11. DEADPOOL

    hahahaha! im back!!!
    katulong ang usapan! hahaha! na’aalala ko 2loy ung katulong namin na si junah(JHONAH)
    walang gnawa kung hindi 2mawa ng tumawa sa araw na gnawa ng panginoon! di ko alam kung galing ng mental o sa comedy bar… ang katulong na di marunong magluto… pero magaling maglaba, at magkwento ng tsismis! parang may satellite sa ulo! lalabas sandali para bumili ng makakain pag balik may tsismis na ibang klase na! kaya pati ung binili iba na din!
    pero wala ng kklasik dun sa katulong namin nung 10yrs old ako parang superhero! lahat kayang lutuin at sexy pa kaso kasing lutong ng kropek ung tagalog… kaya medjo naging basaya din ako!
    hahaha!
    na’aalala ko pa lagi ako tnatabihan sa pag tulog ko tapos kkwentuhan ako ng english story… kaya ayun! my GOD! halos batukan ako ng titser ko dahil nahawa ako ng pagka’kropek ng tagalog!
    haaiii…
    anyways! na’miss ko kayong lahat! ang lamig dito! ang gaganda ng katulong dito… ready aim fire na!
    hahaha! kinis ng legs!!! white leghorn! hahaha!
    adios!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s