U. Teks

Tikboy: “Nay meron ba tayong kahon ng sapatos dyan na hindi na ginagamit?”

Tiknay: “Baket?”

Tikboy: “E paglalagyan ko ng teks e.”

Tiknay: “Sige tumingin ka dun sa aparador ng tatay mo”

Teks…Mga kwentong hinati-hati sa maliliit na cards. Halos yung sinasabi lang ng karakter ang makikita mo sa teks dahil sa liit nito. Lahat ng batang kalye nagkaron niyan, konti man o marami basta nagkaron. May batang ilang kahon ng sapatos ang napupuno ng teks. Syempre siya ang magaling maglaro kaya nakakolekta siya ng ganyan karami. Siya ang batang magaling pumitik ng teks na may pektus. Matindi ang mga pamato niyang gamit. Hindi ko alam kung bakit ganun kagaling ang pamato niya at palagi itong nananalo. Feeling ko dati e may talento talaga ang pamato niyang gamit at sumusunod talaga sa amo. Hingin mo na lahat ng teks niya huwag lang ang pamato niya. Kahit gaano kaluma at sobrang daming tupi nito e hindi mo ito pwedeng hingin. Sila rin ang malalakas pumusta sa laro. Minsan isang pitik lang e isang dangkal na teks na ang pusta. Minsan nga kapag nagkakayabangan na talaga e lagpas isang dangkal ang taya at ubusan talaga ng teks.

Meron rin namang bata na isang dangkal lang ang teks na meron siya. Sila ang mga bano. Hindi talaga sila nakikipagpustahan sa iba at puro hingi lang ang teks nila. Parang mga balato lang ang teks nila na galing sa magaling maglaro. Kung maglaro man sila, sila-sila rin ang naglalaban at napakakonti pa ng mga taya nilang teks para hindi agad maubos ang kakapiranggot nilang koleksyon. Sila rin ang mga hindi marurunong pumitik ng teks. Parang ibabato lang nila sa ere ng paikot at ok na. Kaya rin sila hindi nanalo kasi walang pektus ang bato e. Walang nangyayari sa pamato nila. Minsan nga e dahil hindi naman talaga sila nakikipaglaban e inaayos na lang nila ang mga teks nila sa pagkakasunud-sunod ng kwento. Hinahanap nila ang magkakasunod na scene at nalilibang na sila dun.

Kapag sa mismong laro naman may kanya-kanyang istayl rin yan. Una syempre sa pamatong gamit. Kung anong teks ang feeling nila na palaging panalo o swerte, yan ang magiging pamato. Pangalawa ay ang pagkakasunod ng tatlong teks na gagamitin sa laro. Minsan sa ibabaw ilalagay ang pamato bago pitikin, minsan sa ilalim naman. Iiba’t-ibahin sa laro yang ayos hangga’t madali ang swerteng kombinasyon. At syempre ang pektus, minsan pataas at minsan naman e pagilid na mabilis ang ikot. Minsan e tumutunog pa talaga ang mga teks sa sobrang lakas ng pitik.

“Anu-ano isang dangkal isang dangkal?!”

-Tikboy

66 comments

  1. batopik

    HANEP SI TIKBOY!
    Siya pa lang ang may post dito.

    Oi tikboy!!!
    comment ka naman!

    Hakhak! Yung teks namin dati na pinalago ko kakaapir [di pa kasi ako marunong dati nung pinapalipad sa ere yung teks] tinapon ng nanay ko. nakakainis. ilang kahon na rin yun.

    hakhak! anu ano, isang dangkal?
    tapos pag di pumayag sasabihin.. “duwag ka pala eh. bakla. bakla. bakla. bakla ka pala eh. bakla! hakhakhakhak!!! =p

  2. Janis

    Noon nangungulekta ako ng teks na Zenki, hindi dahil mahilig ako makipaglaban ng pitikan pero dahil feel ko lang at dahil nagagandahan ako sa kanilan (kumbaga, di kaiba sa reasoning ng mga nangungulekta ng comics). Ang ginagawa ko, may kinukunchaba ako sa service namin para siya ang lumaban para sa akin. Pag nanalo siya ng marami, kukunin ko yung magaganda tas ibabalato ko na sa kanya yung lahat ng ayoko. Kapitalista ang dating e no.

    Hi Tikboy!

  3. alasais

    Teks – isa ito sa nagpapabigat sa mga bulsa ng shorts ko. Nakagoma pa ang mga ito para hindi sumabog sa kalsada ‘pag nagtakbuhan na kami papunta sa meeting place.

    Bano ako sa teks. Talagang bano. Mga 20% lang ang winning percentage ko rito eh. Hindi ako nakakapuno ng isang kahon ng Zest-O tulad ng kapitbahay naming si Don-Don. Astig din nito eh. Minsan nga may tagabuhat pa siya ng mga kahon niya. Ang yabang ampucha (sipain ko kahon mo eh).

    Kapag hustler ka, dangkalan ang unit of measurement niyo. Eh dahil sa bano ako, talagang binibilang ko isa-isa ‘yung teks eh. Mabagal din akong bumasa sa laban. Aabutan ako ng mga 7 seconds para lang malaman kung alin ang naka-cha at chub. Ang teks kasi, may harap at likod ‘yan. Kapag nakalitaw ang harap: cha. Kapag likod ang nakalitaw: chub. Tig=isang piraso kayo ng teks ng kalaban mo, tapos, pag-uusapan niyo pa kung aling teks ang pwedeng idagdag para maging: pamanggulo. Kung alin ang nag-iisang naka-cha o chub, sa kanya mapupunta ang pustang teks. Minsan na akong nailigtas ng pamanggulo sa laban, pero madalas e talo pa rin ako.

    Dito lumalabas ang skills ng mga bata kung pa’no patataasin ang probability na sila ang parating panalo. Eto ‘yung mga ‘yun:

    1. Lulukutin o tutupiin ‘yung teks nila

    2. Ipupuwesto parati sa gitna/taas/baba ang pamato nila at patagilid ang hagis sa teks (depende sa resulta sa praktis)

    3. Nakalawit/nakausli ang pamato

    4. Pipitikin ng ilang ulit ang pamato bago ihagis

    5. Makikipag-trash-talk sa kalaro habang dinudugas mo siya

    Tenco: Bet na.
    Don-Don: Bet nanaman?
    Tenco: (Tang ina mo.)
    Don-Don: O akin.

    ‘Yung natira kong pamato, ipangangatngat ko nalang sa pusa.

    -Tenco

  4. tetet

    uy! ako yun may kahun-kahong teks! ahahaha!! oo, kababae kong tao pero matinik ako sa teks! at todo din ako kung tumaya! tapos pag nanalo ako, yakap ko yung kahon ng sapatos habang tumatakbo ako’t nagtatapon ng balato sa mga kalarong hahabul habol! ang saya! yung pamato ko gutay gutay na pero maswerte talaga! AGUILA yun eh! yung kay fpj! ahahaha!!!

  5. jackie

    cool…
    nung nasa gradeschool ako madami din akong teks…
    yun nga lang di ko nilalaban yun…
    kinokolekta ko lang ung series ng Ghost Fighter…
    tapos idro-drawing ko yun…
    ilang kahon na din ang napuno ko dahil lang sa pangongolekta ng teks…
    tas isang araw, nakita kong wala nang laman ang lahat na kahon ko…
    kasi sabi ni inay

    “anak, nag dadalaga ka na. hindi ka na dapat pang naglalaro ng teks. pang lalaki lang ang larong yan”

    nung mga panahong yun, gusto kong bulyawan si inay at sabihing

    “di bale nang pang lalake lang ang laro! basta di mo lang tinapon kolelksyon ko!”

    nalulungkot ako pag naalala ko ung araw na nakita kong nasusunog na ang koleksyon ko

  6. rasaeC

    i love it!!
    naalala ko yung mga teks kong kahon-kahon…
    binebenta ko pa ngang limang-piso isang dangkal..haha!!!

    ang di ko malimutan sa teks ko e nung natalo yung isang kahon kong teks sa isang pusta…isang maling pusta..
    (–,)

  7. alasais

    jackie,

    sinunog ni nanay ang koleksyon mo?! hala, ang lungkot. san mo ba kasi tinago ang mga teks mo? pa-arbor naman kahit isa sa mga drawing mo.

    -tenco

  8. emilayskie

    Batid kong nakagiliwang lubos ni Tikboy ang paglalaro ng Teks noong kanyang kabataan. Nalibang ako sa lahat ng kanyang sinabi. Ako siguro ay maibibilang noon sa mga batang inilarawan sa ikalawang talata sapagkat kahit kailan ay hindi talaga ako naging napakagaling sa teks.

    Ngunit ang hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ng aking kapatid na panganay ay noong naging pinakasikat sya sa paglalaro ng teks dahil sa kanyang galing. Dumami ng dumami ang kanyang teks hanggang sa hindi lang lumang karton ng sapatos ang kanyang lalagyan kundi dalawang lumang timba ng gas na ginagamit ding timba ng tubig. Araw-araw ay kinagagalitan sya ng aming pamilya lalo na ang aming Lolo dahil sa kanyang pagkahayok sa paglalaro ng teks.

    Isang araw, nakalimutan ni Kuya maghugas ng pinagkainan at mag-igib ng tubig dahil naging abala sa paglalaro ng teks. Nagalit ng todo ang Lolo ko kaya nilaga nya ang lahat ng teks ni Kuya sa isang napakalaking kawa at pilit na ipinakain kay Kuya. Hindi ko makalimutan ang pagluha ni Kuya habang paunti-unting nginunguya ang nilagang seks. Hindi naman sya nakaubos ng isang dangkal na teks subalit naramdaman ko na natutunan na nya ang kanyang leksyon pagkatapos ng pangyayari na yoon.

    Ipagpaumanhin ninyo sana ang aking napakahabang komento subalit hindi ko talaga maawat ang aking mga daliri.

  9. nylra

    naabutan ko pa ung teks na may kwento… aliw na aliw ako run kaya pag naglalaro yung kuya ko ng teks, hindi nya alam na palihim akong kumukuha ng teks nya.. naalala ko pa na nagagalit sya pag pinapakialaman ko ‘to at nang minsang makita nya ko na kumukupit.. nagpalusot ako.. “hindi ah, binabasa ko lang ‘tong mga kwento”

    dun nag-umpisa ang paglalaro ko ng teks.. dahil ayaw nya ko pagbigyan…. nakikipaglaro na rin ako ng mga teks sa mga batang lalaki sa may amin.. hahahhaha…

  10. nylra

    sensya na… nakisali ako sa usapan…

    may kwento rin yung mama ko tungkol sa teks nung bata pa sya…

    naalala raw nya dati may baul na kahoy sya… at sobrang laki nun… dun nakalagay lahat ng teks nya pati na rin yung mga jolen, goma at kung ano-ano pa.. (malaki kasi space sa baul nya kaya halo-halo na)
    minsan hinahalukay nya yung baul nya, may nahugot raw syang mahabang-mahabang tali… yun pala isang mahabang ahas yun.. binitawan nya bigla at nagtatakbo raw sya habang sumisigaw ng “ahas!” “ahas!”.. nakawala na yung ahas bago pa nila mahuli.. buti na lang walang masamang nangyari sa nanay ko kundi wala ako dito.

    (hindi na siguro nakapagtataka kung bakit mahilig ako sa mga laro dati na pang-lalaki, may pinagmanahan eh.. hehe)

  11. alasais

    emilayskie,

    nilagang teks? mukang malinamnam yun. inadobo rin ba ng lolo mo ang teks ng kuya mo?

    salamat at nalibang ka sa sulating ito. ok lang kahit gaano kahaba ang iyong komento. mas mahaba mas mainam.

    -tikboy

  12. atetin

    hindi kahon ang lalagyan ko noon ng teks kundi lata ng biskwit, yung sky flakes. pero di ko dadalhin lahat yun kasi yung mga pantaya kong teks ay nilalagay ko sa pringles naman para madali bitbitin. di naman ako bano sa teks pero kasi lagi akong binibigyan ng pinsan ko ng mga teks na di na nya gusto or may kapareho na. lagi ko rin silang pinapagsunud-sunod kasi nakakatuwa ngang basahin yung istorya. may number din yun diba sa gilid? nung nagsawa na ko, binigay ko na lahat sa kuya ko yung mga teks ko.

  13. mars

    naalala ko sinunog ng nanay ko (sumalangit nawa) ang kahon-kahong teks ko…dahil wala na raw ako inatupag kundi yun. wala akong nagawa kundi ang umiyak at magmukmok.pero makalipas ang ilang araw, buhay na namn ang koleksyon.bumibili kasi ako sa labas ng eskwelahan gamit ang kinupit na pera.hehehe(sori po!)

  14. alasais

    emilayskie,

    ang galing ng kwento mo. ‘wag kang mahiyang magkuwento ng mahaba at talagang babasahin ko lahat ‘yun. talagang may drama sa huli ‘yung kwento mo e noh?

    -tenco

  15. alasais

    nylra,

    hahaha! talagang may eksenang ahas sa comment mo e.🙂 akin nalang ‘yung baul ng nanay mo, hindi pa ako nakakakita ng ganun sa totoong buhay e. natawa talaga ako sa palusot mo sa kuya mo eh, hahaha!

    -tenco

  16. alasais

    atetin,

    baliktad a, talagang ‘yung kuya ang nakakuha sa pinagsawaan mong teks e noh. magandang ideya ang may sariling bahay ang mga pantayang teks. e ako hindi ko na naisip ‘yun dahil nga bano ako sa teks.

    -tenco

  17. jme

    ..at dahil rin sa text tinanggalan ako ng baong pera ng mama ko! minsan kc nagbalak akong mamuhunan para makapaglaro rin so ung P5 kong baon nung grade 1 ako inubos ko pambili ng text tapos pag uwi ko sumakit ung chan ko so ayun nabuking ako na indi kumain! kaya ayun naunsyami na ang pagkolekta ko. Pinabaunan tuloy ako ng empanada at zesto kapag recess!

  18. emilayskie

    tikboy,

    salamat po. sa sobrang kalibangan ko sa blag na ito ikinabit ko na ito sa aking mga bukmarks. araw-araw kong sinubaybayan ang pagdagdag ng mga komento at binasa ang lahat ng mga nakaraang artikulo. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang magandang mga sulatin.

    tenco,

    syempre. ganun talaga. kailangan may halong drama. haha. salamat naman at binabasa nyo ang mga komento naming mga tagahanga. patuloy ko pang susubaybayan ang inyong mga susunod na akda.

    P.S.

    di ko sinasadya ang taypograpikal na pagkakamali sa nauna kong komento. natatawa ako sa aking pagkakamali. “Hindi ko makalimutan ang pagluha ni Kuya habang paunti-unting nginunguya ang nilagang…”😄

  19. batopik

    off- topic comment:

    tiknay amp!
    LOLs! hakhak!
    anu pangalan ng tatay ni tikboy?
    tiktay?
    hakhak. tapos pangalan ng gerlpren ni tikboy ay tikgirl. hwahahahaha!!!

    ang babaw ng kaligayahan ku. hakhak!

  20. lepot

    dito ko hasler! sa teks!
    ako yung tipong nang uubos ng teks tpos ibebenta! (kya cguro management ang course q ngeon?)
    tpos mern din yung mga dumadayo pa gling ibang kanto pra mkipaglaban…at pgktpos ng labanan e sandamukal ang teks mo at mrming buraot n manghihingi ng balato…ang teknik dun e magpaagaw k ng mga isang dangkal tpos sby takbo pauwi! haha!

  21. alasais

    Lepot,

    Isa ka palang hasler sa teks ha! Malamang ay alam mo din kung kelan gagamitin ang excuse na “Lempang” kapag ikaw ay natatalo. “Oy, lempang! Hindi umikot! Ulet!”

    Keep reading our blogs. New blogisodes every Friday!

    Salamat!

    Tem-i of Alasais

  22. anakngpating

    ako naman hilig ko ang mambalato hehe
    nanghihinge lang ako ng balato sa mga nanalo
    hehe tapos makikipag laban din ako kaso talo rin hehe…naalala ko pa hindi lang kahon ang pwede pag lagyan ng teks pati topper ware nilalagyan hehe …

  23. almariza

    haha naglalaro din ako nito nung bata pa ko.tas dangkal dangkal din yung laban.haha.akala pa nga nila s bahay tomboy ako e >.< pero masaya ako maglaro ng teks🙂 tas sa lumang kahon ng sapatos ko din sya nilalagay🙂

  24. kirsten

    may mga teks pa rin ako sa kabinet ko hanggang ngayon with matching jolens😀 hindi ko rin mkwento sa mga kapwa kikay ko ngayon na noong araw eh khit na babae ako, hustler ako sa pagteteks,,ahahha nakakasira ng image kaya dito ko na lang kinuwento.. hindi ko naman ikinakahihiya ang mga pinag gagawa ko noon, magtanong muna sila at sasabihin ko ang totoo..

  25. alasais

    Kirsten,

    Hahaha mayroon pa ring teks at jolens sa kabinet mo?

    I-lock mo palagi kabinet mo at baka nakawin ni Tem-i yan. Bigay mo na lang sa’kin at ako na lang ang magtatago para safe.

    – Tikboy

  26. kirsten

    nakakatuwa naman kayo… hayaan nyo, pag nagkita man tayo ng personal, ireregalo ko sa inyo..pero yung mga jolens binigay ko na pala sa kapatid ko.. babae din at hindi na teks ang uso sa kanila.. “pogs” at “bakugan” na kase ang uso at pokemon naman ang designs.. hahaha nagmana sa akin😀

  27. chot

    hello! lupet ah! may tamang pagbilang ng teks di ba? lahat ng numero eh ginagawang 2 syllables (pwera ang dala-wa). i-sa, dala-wa, tat-lo,a-pat, li-ma, a-nim… ginagamit yan ng mga konti ang teks. at xempre may mga bastos at creative na bata nun kaya na naimbento ang ” isang babae count” na katumbas ay 10 na teks. “isang babae naglakad sa kalye bomba”

    lupet ng idea nyo alas sais!!!

  28. alasais

    Chot,

    I-sang, ba-bae, kinan- %$#, ka-gabe, a-pat…

    Salamat sa pagbabasa pare. Every Friday, may bagong blogisodes, abangan mo.

    Tem-i of Alasais

  29. mishes

    hehe.. dagdagan ko lang listahan ni tenco.. samin with matching bulong pa sa teks para manalo.. dito rin ako natuto magbilang ng bilang kalye eh.. i-sa.. dala-wa.. tat-lo.. cha.. ibig sabihin 7 na un.. times 2 eh.. buti na lang ndi ko maxado nadala sa school. siguro ang taas ko sa mga math exams ko kung ganun.. hehehe.. malupit din kaming magpipinsan sa teks eh.. nun wla pang umuupa sa bahay ng lola ko, sa kabinet dun namin nilalagay un mga text namin.. tas dala lang ng isang dangkal sa kalye para palaguin.. ayos.. pagbukas ng mga nagtitingin ng uupa.. nakita nila un teks sa kabinet.. galit na galit lola ko.. hehe

  30. TunYing

    “i-tsa! dala-waH! tat-loh! ayan oh!”
    Ganyana ang bayaran at tayaan sa teks noon! Ito ang piankamura at pinaka-da best na sugal ng mga bata! Iba’t iba ang laro niyan! may apir, meron din namang pitik! Kadalasan sa pitik may daya kasi ginagamitan daw ng pektus! hehehe…

  31. jerico081

    Lahat ng na usong anime noon nagkaroon ng teks kaya mabenta talaga sa mga bata. Nung first time akong nagka teks ang uso nun ay B’Tx hangat sa nasundan na ng Zenki, Ghost Fighter atbp. Nakaka adik talaga ang teks nun kasi sikat ka kapag may dala kang maraming teks at ilalaban mo pero syempre na experience ko dun ang matalo ng sandamakmak yung halos lahat ng teks mo sa kahon ng sapatos wipe-out. Nakakamis paglalaro ng teks kaso wala ng naglalarong mga bata nagyon na uso na yang DOTA na yan kung tutuusin mas masaya naman talaga paglalaro ng teks.

  32. alasais

    Jerico,

    Ay oo naman. Mas ok talaga ang teks kesa sa mga online games na yan. Sa online games, pag ayaw mo na, pwede ka mag-exit kahit kelan. Eh pag sa teks, pag marami ka nang napanalunang teks at gusto mo nag umayaw, kelangan mong tumakbo at hahabulin ka ng mga kalaban mo hanggang sa kabilang kanto.

    Tem-i of Alasais

  33. alasais

    Jerico,

    Ah oo naman, mas masaya talagang maglaro ng teks. Kahit bran awt pa basta kaya pang makita ng mga mata mo kung alin ang cha at chub.

    – Tenco

  34. langaw

    tsk..tsk..baka tirahin ako rito ng tesk boys! isa ako dati sa mga nananamsam ng teks pag recess nung elementary. nyahahaha! ginugupit namin sang-ayon sa utos ng maestra.

    trabaho lang, walang personalan. (student council)😄

  35. Snowden

    Bano ako sa larong teks.yung kakaramp0t na koleksyon ko ng teks 70%binigay ni joel yung hustler ko kaberks 30%binili ko kila aling iska sa may likod ng eskwelahan..ayaw kong tinataya ang tekz ko dahil nanghihinayang talaga ako na matalo.once in a blue m0on kung tumaya,ang pinakamadami kong taya eh 5 piraso..
    Pab0rito ko yung padamihan ng tao sa teks..hehe.may bangka tapos kami ang bahalang tumaya.heheks

  36. imba

    hahah nong panahon na adeek ako s teks..nilalagay ko pa sa tshirt ung san damakmak na teks tapos puno pa ung magkabila kung bulsa hahah!!! then may alalay pa akong taga hawak ng dangkal dangkal kung teks..amf!! tapos babalato sa akin pagnanalo ako.. ang matindi e yung hahabulin k ng mga kalaro mo sa teks hanggang bahay (tatawagin ka pa . . PABALATO naman) hahahaha nakakamis talaga!!

  37. ionerenzo

    mga teks nuon..nilalaro pa..pag may gusto humirit sasabihin – balato naman..

    ngayon iba na ang teks..pag may gusto humirit sasabihin – pa teks naman…hahaha!

  38. iGeL

    Waaahhh na adik ako sa teks nung bata pa…
    kung hindi man ako panalo ehh, nagpapabili nalang ako (Oh diba, hahaha) panalo naman minsan pero PUTIK sam-sam ng teacher ko, minsan na nga lang manalo masasamsam pa hahaha

  39. alasais

    Igel,

    Oo nakaka-adik talaga yang teks na yan. Sana sinabi mo sa titser mo, “Ayan! Saksak mo sa baga mo!” Matagal ko na hindi narinig yang “sam-sam” na yan ah hahaha!

    Keep enjoying!

    Tem-i of Alasais

  40. balotlot

    mabuhay kayo…

    alala ko pa lola ko
    galit na galit skn
    dhil sa mga teks ko

    pag makikita nya ko na
    may hawak ng teks eh
    bukambibig nun.

    “tapon mo nga yan ipapakain ko syo yan”

    nu kya lasa ng teks noh???

  41. bakuko

    Walang lasa ang nilagang teks… (OO… ako naman si tanga, humigop sa takot sa tatay.)

    Pero magaling na pamato ang “Magnong Rehas, numero 16”, panbla nya “Alyas Ninong, numero 23.”

    Bawal paikot… Overhead…

  42. spongebob

    okay ‘tong blog nyo.. sobrang nag-eenjoy ako dahil nakakarelate ako sa lahat ng topics.. lalo na dito.. mahilig kasi ko maglaro ng teks nung bata pa ko.. lagi naman akong talo.. hehe! ang ending, hihingi ako ng pera sa papa ko at bibili ako sa kalaro ko, limang piso isang dangkal. haha! sarap sariwain ang mga kapanahunan na ako musmos pa lamang..

  43. alasais

    Spongebob,

    Nakaisip ka ba ng teknik nun? ‘Yung iba kasi pinipitik muna ‘yung pamato nila bago tumira. Parang ritwal. Sabi sakin nung kalaro ko totoo raw ‘yun e kasi ang dami nyang teks talaga. As in.

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s