32. Pa Next!

Etong next topic na’to, hindi ko alam kung tatagal ang diskusyon dito o hinde.   Anyway,  hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.

Pamilikom.

Familiar?  Yes?  No?  Maybe?

Tenenten-tenenten!  Ten.

Diba?  Pwedeng nagkaroon ka neto, pwedeng hinde.  Family computer, mga repapeepz!  Nintendo!  Dalawang controllers, balang hinihipan sa ilalim bago ipasok para gumana!  Diba?!! Diba?!!!!

Kung wala kang pamili kom, eh pipila ka sa screen door ng kapitbahay niyong meron at makikipag-unahan sa pagsabi ng “Ako next!  Ako next!” Kung ikaw naman ang merong pamili kom ay ikaw ang kukuyugin ng mga kapitbahay mo.  Kelangan magaling kang gumawa ng palusot para hindi makalaro lahat ng mga bata na nagsisiksikan sa harap ng bahay niyo dahil kapag bano ka sa pagtanggi ay siguradong ikaw mismo ang hindi makakahawak sa sarili mong controller.

World 1 – 1:  Lahat ng Mario Bros. players ay dadaan sa stage na ‘to.  1 – 1.  Takbo Mario, suntukin ang blokeng may question mark sa ere!  Umpugin mo yung isa pang question mark na nakadikit sa haloblaks dahil nandun ang mushroom na magpapalaki sayo!  Teka, teka, teka…Hmmm…masyadong madaming pwedeng banggitin tungkol sa putanginang Mario Bros. na’to.  Hiwalay ng blog ‘to!!!

Kontra – Siyempre kelangan 2 players ‘to kaya pumili ka ng mahusay-husay na kakampi at kung hinde eh, habangbuhay kayong nasa stage 1 at tumatambling tambling pa sa sumasabog na building.  Galingan mo sa pagkuha ng mga lumilipad na football na may pakpak at pumili ng maganda letter – “S” for spread hahaha or spray?  “R” for rapid and “L” for laser.  Kanya-kanyang interpretation lang yan!  Masarap siguro malaman kung sino din sa inyo ang may ganyang pagkakaintindi sa mga flying letters in football-shaped thingy with wings.  Up, up, down, down, left left…hehehe…

Double Dragon with Abobo, yung maskuladong napakalaki ng ulo.  Kung ganun din ang mukha ko eh makikipagsapakan din ako araw-araw.

Punch-out.  Takot ako kay King Hippo at Mike Tyson.

Rockman.  Hindi ako marunong nun.  May kalaro kami sa basketball dati na tinawag namin na “Rockman”  Tricycle driver siya na bato-bato ang katawan eh.  Tangina antigas ng katawan niya.

Double Dribble.  Tentenenen-Teneeeeen!!!!  Enjoy na enjoy ko din ‘tong larong ‘to kahit na pare-parehong walang mukha ang mga basketbol player at pare-pareho din silang kulot at kulay silver kapag nagda-dunk!  Klasik ‘tong larong ‘to mga repapips.

Since nasa gaming mood tayo, eh next episode – arcade sa mall.

Sorry Counter-Strike, Warcraft at iba pang internet games.  Oldskul site ‘to.  Kamutin niyo muna mga itlog niyo at magpaantok.

– Tem-i


Hay pamili kompyuter.  Kulay puti at red na laruan.  Kulay red na player 1 at player 2.  Turbo A at B.  Select at Start.  Hay talaga!  Maraming salamat sa’yo Nintendo!  Kinomersyal pa ‘to sa TV dati e!  Pamili kompyuter.  Medyo mahirap ipabili ‘to kina mama kase hindi lang siya ‘yung simpleng laruan lang eh.  Medyo hi-tech na sakin ‘to e.

Tama ka diyan Tem-i, madalas ang eksenang dumadayo ang mga bata sa bahay ng may family computer.  Isa na ko sa mga nakapila.  Ang hirap makalaro lalo na kapag madamot ‘yung may-ari.  Madalas akong magtampo e, talagang nag-w-walkout ako kapag hindi ako pinapahiram agad.  E siyempre hindi na nila ako papansinin dahil busy sila sa kakalaro.  Nakikiramay na rin ako sa mga bunso sa mga magkakapatid dahil kadalasan e hindi sila ang nakakahawak sa gintong player 1 controller na ‘yan.

Klasik ang mga bala nito.  Cartridge.  Ang mamahal e!  Minsan pa nga e mas mahal pa ‘to kesa sa mismong family computer e ‘di ba, lalo na kapag 32-in-1 ‘yung binili mo?  Sino sa inyo ang may family computer na may built-in na laro?  Astig!

Ang lulufet ng mga laro ni Tem-i!  Haha Contra.  Okay lang kung bobo ka sa Contra kase pwede mo namang burautin ‘yung 30 lives ng kakampi mo ‘pag ubos na ‘yung sa’yo eh!  “O bakit tatlo nalang ‘yung medal ko?  Kinuha mo nanaman buhay ko!”  Alam kong tumutugtog na sa mga utak niyo ‘yung theme song ng Contra.  Sige magbibigay pa ko ng mga larong alam ko.

Duck Hunt.
May baril din pala ‘yung family computer e noh?  Tutok sa TV.  Abangan ang lilipad na pato.  Asintahin at barilin.  Magkasa kunwari.  Mintis.  May tatawang aso.  Ewan ko kung bakit may aso run.  Hindi ko ma-gets ‘yung koneksyon e.

Ice Climber.
Waaaahhh!  Napakalumang laro nito!  Hahaha tumutugtog sa utak ko ‘yung music nito ngayon.  Ang dulas ng sahig.  May maso kayong ipupukpok sa taas habang tumatalun-talon.  Tapos kailangang makapunta sa itaas para hindi ma-dead.

Galaxian.  Galaga.
Alin ba rito ‘yung original at alin ang nanggaya lang?

Adventure Islander.
Karibal ni Mario ‘to e.  Parehas ‘yung ibang moves nila.  Pero hindi makaapak ng kalaban ‘yung bida rito.  Ax na panira.  Mamamato ng maraming ax sa kalaban.  Ang lupit ng pagtira ng ax nito e, galing sa mukha.  Titingin lang parati sa kaliwa tapos may lilitaw na ax.  Ayan na ang skateboard sakay na!  Mahirap gamitin ‘yan sa beach stage kase maraming bangin e.  Basagin ang itlog!  Kainin ang lahat ng prutas na madaanan!

Sky Destroyer.
May katapusan ba ‘tong larong ‘to?  Mamamaril ka nang mamamaril ng mga eroplano saka ship.  Tapos biglang hapon na.  Tapos umaga nanaman.  Magdamagang giyera e.  Nakahold lang parati ‘yung daliri ko sa Turbo A e, tapos left and right lang parati.  Ganun lang, hanggang sa mamatay ka o magsawa ka.

Sa tingin ko masasakop na ni Tikboy ‘yung iba pang mga sikat na laro e.  Sige ihirit mo na Tikboy at ako muna ang hahawak sa player 1.

– Tenco


Gago ka Tenco inuuto mo pa ‘kong humirit para mahawakan mo ang player 1! Gusto mo pa maging boss ha. Ganun sa pamili kompyuter eh noh? Kapag ikaw ang player 1 ikaw ang boss. Susunod lang sa’yo si player 2. Kung ano gusto mong bala na laruin yun ang masusunod.

Dalawang factor lang naman yan para maging player 1 ka eh, dapat magaling ka o kung bano ka naman eh dapat ikaw ang may-ari ng pamili kom. Kaya ang mga player 1 rin ang nagpapagalit sa player 2 kapag patanga-tanga sa laro. Pwede rin siya kumuha ng buhay ng player 2 sa Contra. Minsan nga yung mismong player 2 pa ang nag-aalok ng buhay niya eh. Pero kapag player 2 at wala nang buhay sa Contra eh bitawan mo na ang controller at magpa-next ka na.

Tama na yang player 1 player 2 na yan at mapunta na tayo sa mga klasik na laro.

Tenco, ang alam ko Galaxian ang nauna pero mas gusto ko ang Galaga. Alam mo ba yung teknik dun? Yung ipapa-capture mo talaga yung spaceship mo sa kalaban. Para kapag bagong spaceship na gamit mo eh titirahin mo yung kalaban na may hawak sa na-capture mong spaceship at magiging dalawa na gamit mo. Buhay ka pa!

Ikaw naman Tem-i, alam mo ba ang teknik sa Double Dribble? Para pasok palagi mga 3-points mo? Dun ka palagi titira sa gilid sa taas na 3-point line at dapat super fade-away ang pagtira mo. Yung parang nakatalikod na rin yung player. Tambak ang kalaban mo nun. Buhay ka pa!

Elevator Action. Eto ang detective na palaging nasa tuktok ng building at babarilin lahat ng kalaban sa bawat floor habang nakasakay sa elevator. Bakit ba kasi palagi siyang nasa tuktok eh? Medyo konti lang ang may ganitong bala eh. Kaya magtatanung-tanong ka muna kung sino meron nito para mahiraman.

Kung meron kang gustong hiramin na magandang bala eh magbitbit ka na ng mga ilang bala na ipapalit mo. Lalo na kung hindi mo close ang hihiraman mo. Dapat may kapalit ka talagang bala.

Tikboy: Sino ba may Elevator Action?

Jepoy: Yung nakakalaro ng text sa kabilang baranggay meron yun. Si Bong-Bong.

Pagkatapos ng maraming hakbang papunta sa kabilang baranggay…

Tikboy at Jepoy: Tao po! Bong-Bong! Tao po!

Bong-Bong: O anu yun Jepoy?

Jepoy: Manghihiram sana kami ng bala eh. Yung Elevator Action.

Tikboy: Oo eto palit oh. Excite Bike.

Bong-Bong: Hmmmm wala nang iba?

Tikboy: Sige pati ‘tong 5 in 1 na bala ko.

Bong-Bong: (Nanlaki ang mata)Sige, sige palit na tayo.

Takbo na agad kami ni Jepoy pauwi para makalaro na agad at sigaw ng “Ulol ang papanget ng laro sa 5 in 1! Hahahaha!”. Ganyan ang kalakaran sa hiraman ng bala ng pamili kom. Kailangan eh gandahan mo rin mga offer mo at mang-uto ka.

Battle City. Ito yung mga tanke na nag-uupgrade kapag nakakakuha ka ng star. Pwede ka rin gumawa ng sarili mong stage dito eh. Dayain mo yung kalabanan at gawing bakal yung paligid ng Eagle niyo para hindi mabaril.

Poo-yan. Ang baboy na pinapana ang mga lobo ng mga bumababang wolves kung hindi eh uulamin ka nila.

Gradius. Isa pang klasik na larong spaceship. Meron ring teknik na ididikit mo ang dulo ng spaceship mo sa isang malaking bato pata makakuha ata ng bonus life.

Legend of Kage. Pucha nakaka-kaba maglaro nito eh. Ninja ka dito na patalon-talon sa malalaking puno at palaging gabi. Basta kinakabahan ako dito.

Nakakainis naman kapag umeepal pa ang nanay ko sa paglalaro ng pamili kom. Minsan kasi nahihiram namin ang pamili kom ng insan ko kasi nagja-Japan ang nanay niya kaya meron sila. Pati tuloy nanay kong isip-bata nakikilaro. Eto ang mga klasik na nilalaro ng nanay o basta babae:

Arkanoid. Ang bolang patalbog-talbog na kailangan masalo mo gamit ang parang maliit na kutson. Nakakaduling ‘to eh.

Dr. Mario. Parang tetris pero capsule na iba’t-ibang kulay ang nahuhulog. Kailangan mong ipatong sa mga virus na kakulay ng capsule para mamatay.

Mappy. Ang dagang takbo nang takbo sa bahay at tumatalon pa sa string para tumalbog ng mataas. Parang may hawig kay Kimba the white lion ‘to eh.

Pagdating pala sa “S” ng Contra eh spread ang tawag namin dun. Kayo ano tawag niyo? Sabihin niyo ang tawag niyo diyan sa letrang yan nang magkaalaman.

– Tikboy

46 comments

  1. alasais

    Tikboy,

    Hahahahaha! Pasok ‘yung mga teknik mo sa Galaga saka Double Dribble a! Talagang ginawa ‘yun ng hustler kong kapitbahay dati e. Haha galing mo! Naiimagine ko talaga ‘yung sinasabi mong parang nakatalikod ‘yung player habang tumitira ng 3 points!

    – Tenco

  2. alasais

    Tenco,

    Hahaha elibs ka na naman. Parang nakatalikod ‘yung player habang tumitira ng 3 points hahaha! Natatawa rin tuloy uli ako.

    Ang ingay pa talaga ng sounds kapag naka-3points ka. Parang bombang sumabog.

    – Tikboy

  3. alasais

    Tikboy,

    Hahahaha. Ang pasok ng description mo e saktong-sakto. Haha teknik sa 3 points pipindutin ‘yung up para tumalikod ampucha. Bibitin sa ere. Hahaha.

    – Tenco

  4. anakngpating

    hay nakow..basta ako load runner 1 nilalaro ko kasama ang super mario haha..

    wala din kami pamili kom nun eh sa kapit-bahay lang namen, tapos..ayun nakikilaro minsan,pero mas madalas akong manood lang ehhe..kasi ung 3 buhay ko sa load runner game over agad haha..

  5. shinchan

    Hahahahaha! Pamilikom nakanampucha. Naaalala ko nung una akong nagkaron neto. Grade 2. Hahaha. Tanginang yan. Weekends ko lang pwede laruin e. Pero friday night, di na ko makakatulog kakahintay mag-umaga. Hahaha! Natry ko nang maligo ng gabi, kumain habang napindot ng controller, magmuta ang mata basta hindi ko talaga titigilan. Tangina e. Hahaha. Wala kasi kong kapatid, kaya sugapa at durugistang durugista dating ko.😄

    Since ako yung unang nagkaron nun sa neigborhood, instant sabungan yung bahay namen. Kupal e, haha. Yung mga bata sa village close ko na lahat. Pag naririnig yung tunog ng tugsh tugsh, nagkukumpulan na sa likuran. Minsan pa pag ayaw magpapasok ng nanay ko ng bata kasi naiirita sya at nagmumukha na raw daycare ang bahay namen, nilolock nya yung pinto. Pero since may screen naman kame, kita pa rin mula sa labas yung nilalaro ko. At dun nagsisidungaw ang mga gago. Hahaha. Ang saya talaga.

    Saka, tanginang kontra yan e. Dyahe yung mga gumagalaw na atay. badtrip.

  6. reeyah

    hindi ko pa ito nababasa nang buo, sorry, mega busy.

    basta ang natatandaan ko dito, parating pindot system lang ako pag maglaro. actually, hanggang ngayon, pindot system pag maglalaro ako ng console games haha.

    next time na ako magcocomment nang matino hehe

  7. Chio Petilla

    Alam ko mga larong nabanggit mo, pero Mario Bros. and Pacman ang gusto ko, bawal kasi sa amin ang violence…

    tsk! SEGA na kasi nung nagka-isip ako eh! haha!

  8. Justin

    waw pamilicom!!..hahaha yan lang lagi ang inaabangan ko dati pag sabado eh..ang una kong naalalang laro jan donkey kong yung unggoy na palipat lipat ng baging..tsaka contra..sino ba hindi nakapaglaro nito?..ang sistema pa nga namin ng kapatid ko padamihan ng matitirang buhay eh..ano nga ba yung baril nun..”S”, “L”, “R”..tsaka “F”!!! yung paikot ikot na apoy??…nalimutan nyo yun ano?!

    oo nga eh nakakaloko yung cartridges dati..may teknik pa nga na pinupunasan ng bulak na may alcohol yung bala para gumana uli..haaaay..kung kasingmura lang sana ng PS3 ang pamilicom eh di solb solb tayo..

  9. katkat

    AYOS!

    TEM-I: wooh! walkout king ka pala eh! nyahaha! “S” for SPREAD sa bahay namin ‘yun. Tama! Ihiwalay natin sa MARIO. Mahaba-habang usapin ‘yun! apir tayo sa mga laro na nabanggit mo. panalo talaga!Ü

    TENCO: ayos sa diskarte kay tikboy ah! hahamakin ang lahat makahawak lang ng Player 1. Hahaha! Pareho tayo ng ginagawa sa DuckHunt! Tinututok ko rin ‘yung baril sa screen ng TV namin. Nang-nenenok din ako ng buhay ng kakampi ko CONTRA, with matching pagdapa-dapa mode pa! Hahaha! Tapos ‘yung sa ICE CLIMBER pinapalabas namin yung BEAR na nagsasayaw na parang lasing!Ü Ang alam ko ang original ‘yung GALAGA! ewan!Ü Basta, lahat ng nabanggit mong laro, peyborit ko! Apir!

    TIKBOY: Hari ng cheats! Hahaha! Bago pa magkaroon ng CS, DOTA, KHAN at RAGNA. Sa PAMILIKOM na-uso ang mga tekniks at cheats!Ü Ginagawa ko rin ‘yung nagpapa-capture ako para maging dalawa sa GALAGA. Apir! Tapos ‘yung sa Double Dribble sa gilid din ako tumitira! Waaaah! Pero alam mo, sa lahat ng laro na nabanggit niyo, ikaw ang naka-banggit ng BATTLE CITY. kaya saludo ko sa’yo! BWAHAHA! beri-beri klasik! ‘eto ang pinagkaka-puyatan ng nanay ko, Battle City. Iba daw ‘yung feeling ‘pag na-dedo ka tapos magpa-flash sa TV niyo yung bonggang-bonggang gray na TOP SCORE!Ü

    pero… Tem-i, Tenco at Tikboy! May nakalimutan kayo!Ü Hahaha! Sige! Entry ko na ‘yun…

    CIRCUS!Ü

    hahaha! ‘yung bata na nagsi-split kapag lumagpak sa sahig. gustong-gusto ko yung sa bilog na umiikot. ‘yung paglalapitin mo yung dalawang bilog para malaktawan mo ‘yung isa bilog. tapos ‘yung kabayo na nang-iiwan sa spring kapag-hindi ka nakatalon ng sakto. pwede mo rin naman siya gantihan, kapag nagkamali ka ng talon ‘dun sa bilog na may apoy.. pwede mo siya litsunin dun! Hahaha! Oha! Nakalimutan niyo yun! Haaayy.. Sarap balikan!Ü

    Nagbabalik,
    Kakat

    *mejo busy mga tsong, kaya hindi makabasa at maka-reak sa tambayan natin. sorry. ayan! bumawi ako ah! peace! ^^v

  10. alasais

    Kakkat,

    Sinadya talaga naming hindi banggitin lahat para may mahirit din kayo🙂 Actually marami pang mga laro ang naiisip natin ‘di ba?🙂

    Haha Circus Charlie. Isa sa mga unang nilaro ko ‘to e! Basurahan ang tungtungan sa finish line, hehe.

    – Tenco

  11. boy

    dahil tatlo kaming magkakapatid.. ako lang ang nagsasabi ng “next ako”.. haha! hanggang sa nasira na yung pamikom namin hindi ko natapos mario.. palagi kasi kami nagpapalit-palit ng bala.. kaya yung pang- eject na parang pang kasa ng baril. nasira na.. haha!!

  12. alasais

    Boy,

    Haha oo nga madalas masira ‘yan. Kaya minsan e derecho hugot na sa bala. Saka parang hindi naman talaga nakaka-eject ‘yang ejector na ‘yan e. Wala pa kong alam na pamili kompyuter na hindi nasiraan niyan.

    – Tenco

  13. tonitoni poponi

    gusto ko tlga to!hahaha ako may sarili akong pamkom, kasi ayaw ako palaruin ng sega ni kuya dati, aun binigay sakin ung fam com ng tita ko. astig! solong solo ko un! may buli-in na laro pa dna kengan ng cartridge@hahaa, peyborit ko adventure islands! dami kong nalaman na secret passage dun!wahahha. tas nung nagberydey ako nagpabili ako nung “BARIL” para malaro ko ugn duck hunt! panis tlga! ansarap nun! kala mo nag ttime crisis ka! tas pag dmo natamaan lalabas ung pesteng aso, sarap barilin eh!hahaha
    dito na muna at may long test ako sa org chem! motherfather tlga!hahaha pero hanggang nagun nilalaro padin namin ung CONTRA, asa PSP nanga lang. per astig padin! wooohh!!! nice entry mga pafs!

  14. alasais

    Camille,

    Buti nalang at nauso ang emulator sa PSP noh? Huling laro ko ng Contra e nung isang buwan pa e. Sige mag-aral ka muna, salamat sa pagdaan ^_^

    – Tenco

  15. Justin

    @tengco – flamethrower sa amin eh…hahaha! bakit kasi hindi naisip ng ng gumawa ng game na lagyan ng name yung mga baril..sabagay maayos nga yun may napaguusapan tayo..

    bigla nalaos kasi yung sa pamilicom nung lumabas yung sega eh..dun ako nakapaglaro ng dragonball Z..nalimutan ko tuloy ung pamilicom namin…

  16. Callocohan

    Pamili komputer?..

    It brings back my memory hahaha
    meron kc kaming pamili komp

    klasik game tlaga mga.

    Super Mario – halos lahat ng pwesto
    ng 1 up eh alam ko hahaha

    Pacman – fav ng tita, tito, lolo, lola at nanay ko haha pag malapit na
    cla ma out sumisigaw cla parang
    nanonood ng horror movie

    Twin bee – barilin ung ulap para
    lumabas ung bell haha

    hirap mag comment gamit ang
    cellphone.. Haha

  17. proper

    BWAHAHAHA! pamili kompyuter! kaya si player 1 ang boss dahil kanya ang Pause…sha lang yung may select at start…nalimutan ata ang sinaunang nakakatakot na laro ang Castlevania! hahaha! pati sakin yan dracula na yan! tapos wala ding tatalo sa Super Mario Bros. 3, sinong bata ang hindi naluha nang makita niyang maging pusa si Mario at lumipad na parang lawin sa unang pagkakataon…sinong hindi na takot sa World 4 na giant world?!?!?!? yung Legend of Kage naman, walang hiyang ninja yan! bulok! pinakabulok na ninja! panis sha kay Ninja Gaiden!…e yung duck hunt? sinong hindi mayayamot sa asong nang-aasar kapag hindi mo napatay ang mga pato…nakakasira din ng daliri yung Marathon! hayop sa hasselicious yung larong yun!!! sa twin bee nakuha nyo na ba yung pulang bell? e yung puti? naalala ko pa yung istrit payter sa pamili kompyuter! walang kasing sagwa! 2 lang ang kulay ni Ryu! pang SNES na pala yun…may nakatapos ba ng Macross? hanep sa hirap yun! pero astig yung pag-transform ng mga eroplano…yung mga CS na yan at DOTA? KADIRI! EWWW!!!! KUMPARA SA MGA LARONG OLD SCHOOL!

  18. alasais

    Proper,

    Tama ka dyan kaibigan, talagang mas maganda ang mga larong old school! Dalawa ‘yung Istrit Payter na nalaro ko e: Street Fighter III saka Master Fighter. Medyo masagwa nga pero enjoy pa rin!

    Mukhang enjoy na enjoy ka Mario 3 ah. Bihira ko lang nalaro ‘to e. Mas nalaro ko ang Mario 2.

    – Tenco

  19. Batang 90's

    Hahaha. I remember the times when kids go to the house of the kalaro with the latest game or most high-tech console. During the time of family computer, kung naka-Sega or SNES ka, sikat ka.

    I wonder how the kids today spend their gaming time. Unlike in our time, we don’t have the luxury of networking and Internet, so if we want multiplayer, we literally need to play in the same place. Now, you don’t even need to see people that you play games with. At some point, I like the aspect of playing with the kalaros, it adds the excitement of playing as a group.

    Yung isa pang term na ginagamit namin maliban sa “pa-next”, yung “pa-tira”. Ngayon ko lang na-realize parang ang bastos pala: “Patira naman kay Chun-li!”. Lol.

  20. alasais

    Batang 90’s!

    Hahaha Patira naman! Oo nga, ginagamit din yun. Mas mahirap siguro kung, “Patira kay Blanka!” Medyo hardcore yun. Oo naman, mas masarap pa din talaga yung nakiki-next ka sa bahay ng kalaro mo.

    Good post!

    Tem-i of Alasais

  21. alasais

    Diwa,

    I like that multiplayer story. It’s happier when you’re playing side-by-side with friends. Pure fun!

    Pa-tira na rin kay Chun-li!

    – Tenco

  22. gnew

    bee wings!!!

    haha tapos pag nawalan ka ng wings parang etits na supot ung spaceship mo.. hahaha.. nakaka aliw to non pagka sawa na ako sa rakman… ang haba na ng thread.. walang katapusan to pero ang sarap balikan.. alam ko may pamilikom pa kame.. gumagana pa.. nakatago sa cabinet ng mga lumang laruan namin.. na preserve din.. actually apat pamilikom un sa box at lahat un sira nga yung eject.. pero sinubukan ko un mga last year may gumagana pang isa.. hehehe

  23. alasais

    Gnew,

    Hahaha! Yun ang malupit eh! Sira ang eject! Malamang eh anlakas na ng baga mo sa kakahipan sa ilalim ng mga bala mo no? Hehehe! Bee wings talaga!

    Tem-i of Alasais

  24. proper

    aba! hindi ko talaga tinigilan yang Mario 3, naalala ko pa noon sa sobrang inis ko sa dating kong kumpanya e nilaro ko nang buong-buo ang mario 3 sa Ngage habang nagtrtrabaho

  25. alasais

    Proper,

    Hahaha! Mario 3 eh no? OK talaga yang larong yan. World 3 something ba yung iho-hold mo yung down tapos bababa si mario sa likod ng mga bloke kaya para siyang imbisibol? At yung araw na humahabol sa kanya. Hehehe! Good memories of Mario 3! Good post Proper!

    Tem-i of Alasais

  26. almariza

    namimiss ko na kayo Tem-i, Tikboy at Tenco. =[

    anyway, may “pamilikom” din kame dati.at dahil panganay ako, ehem. ako si player1. unless sumali tatay ko. :))

    ao anyways, classic games. mappy, mario, ice breaker (favorite!) at madami pa..so bringin up the past.loveit.🙂

  27. alasais

    Almariza!

    Miss ka din namin! Bwahaha shempre pa, panganay ang player 1 – ang may control sa select-start.

    Mappy – bwahahahaha!! Naaalala mo pa tugtog?

    Tem-i

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s