35. Pader

Hi there, Pader!

Alas dos na nang madaling araw.  Naglalakad ako sa may eskinita.  May nakita akong lalaking nakasando na Chigago Bullz at naka-maong na syorts.  Pagewang-gewang ang lakad niya.  Lasing ‘to malamang.  Teka, teka…pagilid na ang lakad niya, palihis na sa kalsada.  Dumeretso siya sa pader.  Tumukod gamit ang kaliwang kamay at pinantanggal naman ng butones at zipper ang kanan.

“Pssssssssssssss…….”

Nice one.

10 years after, ako naman ang nakatukod sa pader.   Psssssss…nice one.

Ngayon ko lang naintindihan ang kahalagahan ng pader.  Kung walang pader, san ako iihi ‘pag lasing?!!! Saan?!!  Saaaan?!!!

Ang klasik na pader nung bata ako ay ang pader na gawa sa halo blaks.  Alam niyo yun?  Yung tipong tumigas na yung umaapaw na semento sa gitna ng mga bloke!  Yun yung pader na lagi kong nakikita nung kabataan ko.  Sa panahon ngayon, malamang ay dinadaan-daanan lang natin ‘yang pader na ‘yan pero malaking bahagi siya sa buhay ng isang batang kalye.

Sinong batang kalye ang hindi nakabasa ng “Bawal Umehi Detu!”  Ayon sa research na ginawa ng Team Alasais ay in 8 out of 10 times, yung area kung saan nakasulat ang “Bawal Umehi Detu!” ay ang pinakamapanghing parte ng pader.

Tuwing eleksiyon ay bida nanaman ‘yang pader na ‘yan!  “Iboto 13-0!  Jawo!  Jinggoy!  FVR!  Onyok!  Mystika!”  Punung-puno ang pader ng mga posters tuwing eleksiyon.  Natakpan na ang sign na “Bawal Umehi…”  Mmmm…lalong bumango ang pader.

Vandalan.  Pader nanaman ang bida pagdating sa mga artista ng kalye.  “Punks not DEAD!  Mamatay na ang mga Hip-Haf!  Titi Ko’y Metal!”  Nagkalat ang mga vandal nato sa kalye.  Pupunuin nila ng mga napakalalim na mensahe ang mga pader na ito at lilinisin naman ito ng mga nahuling nagje-jaywalk.  Ikanga ni Tikboy, “haseliscious” ‘to.  Maniwala kayo.  Madalas ako tumawid sa Cubao.

Pero, pinakabida ang pader pagdating sa mga isnatcher.  Ito ang kanilang olympics.  Hala!  Sige!  Talon!  Takbo lang nang takbo at pagdating ulit ng next na pader ay Cowabunga!  Talon Ulit!  Hindi ito kaya ng mga pulis kaya dinadaan na lang nila sa palakasan ng pito nila.  Prrrrrt!  Naaalala niyo ba yung itsura ng pulis na pumito dun sa patalastas ng Juicy Fruit Gum?  Ganun sila lagi pumito.

Alalalalalong!  Alalalalalong-long-lilong-long-long!  Kamon!

– Tem-i


Ang pinakamalaking silbi na nga siguro ng pader sa ating mga kalalakihan eh ang pwesto na binibigay nito para ihian natin. At mas masarap umihi sa pader na may sign na “Bawal Umihi Dito.”. Mas malakas ang kilig dun eh.

Siyempre nagagamit rin natin ‘to sa paglalaro natin. Kung naglalaro ako ng taguan at medyo tinamad mag-isip ng tataguan eh gagamitin ko ‘tong pader. Magtatago lang ako sa tabi nito at aabangan lumapit ang taya. Kapag malapit na siya eh biglang takbo na lang at dadaanin ko na lang sa bilis ng takbo.

Maganda rin ‘tong laruan ng tau-tauhan lalo na kapag may butas na ang mga pader na halo blaks. Pwede mo sila isiksik dun at kunwaring nagtatago sa mga kalaban. Magkakaroon na ng instant headquarters ang tau-tauhan mo. Ang mga butas na ito ang nagsisilbi ring hawakan at tapakan natin para maka-akyat sa pader nang makaupo sa ibabaw. Ang kadalasan nga lang gumagawa nito eh ang mga lider o ang maliliksi sa tropa.

Tama nga si Tem-i na tuwing eleksiyon eh gamit na gamit na naman ang pader. Punung-puno ito ng mga nakadikit na mukha ng mga nangangampanya at sigurado akong isa kayo sa mga kumutkot nito. Basta mapatambay ka sa pader at may nakadikit na poster eh kukutkutin mo ‘to hanggang sa wala nang matira. Kung nagkataon naman na may hawak kang panulat eh siguradong nilagyan mo na ‘to ng bigote o kaya sunglasses.

Tikboy: “Psssssssssssss…”

Jepoy: “Pssssssssssss…”

Alvin: “Psssssssssssss..”

Jepoy: “Wohooo sa’kin ang pinaka-mataas! Tignan niyo na lang sa pader kung hanggang saan ihi ko!”

Tikboy: “Ah ganun ha. Eto tignan mo kung hanggang saan ihi ko sa binti mo!”

Pssssssssss…

– Tikboy


Nakasalubong ko kahapon si Tina Pader.

“Bakit Tina Pader?”

“Ang tigas ng mukha e.”

Hollow blocks na kabit-kabit.  Walang palitada.  ‘Yan ang klasik na pader na nakikita ko araw-araw.  Okay din kapag may mga lumot, masarap kutkutin e.  Dahil bata pa ako nun, parati kong napapansin ‘yan dahil parati akong nakadungaw sa bintana ng kotse kapag may pinupuntahan kame.

“Bawal magtapon ng basura dito.  Multa 1,000.”  Pero ang dami namang nakatambak na basura.  Ang galing!

“Bawal umihi dito.”  Oo nga Tem-i, mapanghi talaga ‘yang pader na ‘yan.  “Ang umihi dito ay aso.”

2:35 PM:  May napadaang mama.  Nakasando at may backpack.  Mapupula ang mata.  Huminto sandali sa tapat ng pader at umihi.  Nginig.

2:40 PM:  Tenco:  Pagkabilang kong sampu, nakatago na kayo!

Wala nang hugasan ng kamay, derecho na sa meryenda pagkatapos magtaguan.  Ang sarap ng Spanish Bread!  Yumyum!

Kapag mababa lang ang pader e masarap ding tambayan ‘to.  Umuupo ako sa taas.  Kahit walang sandalan ok lang.  Masarap magkwentuhan sa tuktok ng pader e, subukan niyo.  Tapos pwede ring tawirin niyo ‘yung ibabaw ng pader from point A to point B.  Ang sarap tumalon diyan.  Para kang action star kapag naglalaro kayo ng Langit-Lupa.  Nakakamiss!

Sinabitan din namin ng shoot-an sa basketball ang pader.  Syempre nakakaadik maglaro ng basketball kaya buti nalang may pader na pwedeng sabitan.  Asar-talo parati si Randy saken dahil siya parati ang pumupulot ng bola sa kabilang pader.

Randy:  Ayusin mo naman ang tira mo!

Tenco:  Uhm!  (lipaaaad)

Sino nga ba ang hindi gumamit ng butas ng pader para manilip?!  Sino?!  Sinooooo?!  Basta may chicks sa kabila, pwede na!  Hahaha.  Syempre ako ang taga-saway sa mga kaibigan ko.  “Hoy, ‘wag nga kayong manilip!”  (sabay silip) “Si Tenco naninileeeep!” (takbuhan)

– Tenco

32 comments

  1. K

    base!
    first time ako mauna. haha.

    klasik na klasik ung pader na haloblaks lang. pag may bago kami appliances ung styro na kasama sa loob ipinapamigay ko sa mga kalaro ko tapos ikikiskis namin dun sa pader. ayun. nag iisnow na dun sa kinatatayuan namin. feel na feel pa namin. ahaha. nakakamiss. meron pang nakasulat sa mga pader na loveteam e. “dudoy lab jema forever”. ayos talaga

  2. callocohan

    wow pader isa tlga yan sa mga magandang tambayan

    ang sarap ng feeling pag nsa taas ka at pilit mong i-balance ang sarili mo kc walang sandalan ^_^

    tip: wag aayat ng pader lalo kung bukid or talahiban ang nsa kabila baka magaya kayo sakin ^_^

    pag akyat ko sa isang pader na talahiban ang kabila bigla akong nagulat nang may dumaan na ahas sa harapan ko haha sabay talun kaming lahat ng kaibigan ko ^_^V

    msarap din sulat ang pader

    mga common na sulat

    * supot si _____
    * ____ love ____
    *i love you ____

    xempre da best pa din ang pader na may butas tapos may sexy sa kabila ^_^

    @off topic
    pa add sa facebook ^_^

    callocohan_wtf@yahoo.com

  3. K

    ay hindi pala ko ung base. kanina kasi ako lang tapos may nauna pala. pahiya naman ko dun haha. ako din iadd nyo pesbuk

  4. alasais

    K,

    Hahaha naunahan ka sa base. OK lang, kunwari una ka na din. COngrats!

    Wag kang mahiya. Ang hindi tumambay dito ang siyang tunay na nakakahiya. Tama?

    Nagmamahal,

    Tem-i of Alasais

  5. Cassy

    hihi.. kakatawa mga memories ng boys sa pader..
    pagwiwi tsaka paninilep.. hehe..

    pag new year naman.. yung pader ang pinagdidiskitahan namen,
    sinusulatan gamit yung lucis
    sino ba hindi nag trip ng ganon?=)
    pag dating ng umaga kala mo bronx sa street namen.. puro grafitti.. hehe

    tnx sa pagwelcome nyo sa ken=)

  6. grasi19

    liit talaga ng pantog ng mga lalaki. strike anywhere. lekat. pero kahit unhygienic eh parte na ng kultura natin ang pag ihi sa pader ng mga lalaki. at ang pagvavandal ng bawal umihi dito. may sign na sa halip masindak ka eh maiihi ka na sa katatawa: BAWAL UMEHI DITU, ANG MAHOLI BOGBOG. di ko nakita yan. pero eto may ebidens mga repapips:

    http://grasi.wordpress.com/2009/08/21/pader-para-sa-alasais/

    ahoy, balinghoy!

  7. superlolongpinoy

    Haha…besfren ko rin ang pader a.k.a. CR…lahat ng lasenggo Pinoy ay may kanya-kanyang stayl sa paggamit niyan. Yun bang patay-mali lang kung may dumadaan…dahil puputok na ang pantog…sa dami ng bir na ininom.

    Kaya nga pasalamat si pader nang ipinagawa ni Bayani Fernando ang mga Pink CR(Ihian ng mga jipni at fx driver) nabawasan ang customer ng pader…

  8. alasais

    Superlolong Pinoy,

    May nakita akong lalake nung isang linggo na umiihi sa pader tapos yung pink na CR na yan eh katabi lang nung inihian niya. Hindi pa umabot sa CR! Nice!

    Tem-i of Alasais

  9. superlolongpinoy

    Teka mukhang may nakakalimutan yata kayo. Ang pader ay nakakatulong din sa mga nasunugan at na-demolished na bahay…ito ang instant bahay nila pansamantala or puwede ring medyo matagalan din sa ibang walang mga bahay.

    Kaya mapapansin natin sa Metro Manila ang pader ang puwedeng instant tindahan or bahay…kaya lang ingat lang kay Bayani at MMDA.

  10. alasais

    SuperlolongPinoy,

    Haha korekek! Oo nga no. Yun nga ang instant “pansamantalang” bahay ng mga nasunugan. Peor meron din namang mga pumipirme na dun. May libre na silang isang pader eh. Tatlong pader na lang ang kelangan gawin!

    Tem-i of Alasais

  11. superlolongpinoy

    Oo korek ka Tenco…tamang simulain ang pink CR…lalo na nga sa Pinoy na traysikel, jipni, bus, fx & padyak drivers. Sana may donation box para sa pang-maintain…kaya lang puwera sungkit. Puwedeng gamitin ang “Honesty” sa donation box.

  12. Tsutsay

    Waw! pader! Magandang topic.

    Minsan tumambay ako sa bahay ng isang kong barkadang lalaki nung hayskul. Nasa sala kame at inutusan ng tatay nya ang maid nila..

    DADDY: Day, gamitin mo `tong chalk pamatay ng ipis. Sulat mo sa pader.
    MAID: Yes Koya…

    Maya maya, nagulat si Tito, nakasulat sa pader ng kusina ‘EPES MAMATAY KAYUNG LAHAT! SYET KAYU!’

    Syempre ang mga ipis nagsialisan!…murahin ba naman ni ati ng ‘Syet kayu!’

  13. Tsutsay

    nakakatawa talaga ang mga nakasulat sa pader. kahit sang lugar ay may makikita kang nakasulat sa pader. naalala ko sa lugar ng..

    CUBAO: None ID, Nothing Entry.
    LUNETA BOULEVARD: Bawal Tumae sa Bulevard.

    Sa isang terminal ng bus sa Pasay nakalagay sa CR ng lalaki bago pumasok ‘HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN’. Syempre dun ako nag CR sa pambabae. nakita ko lng naman yan.

    Naalala ko rin nung pumunta kame ng Baguio may dinaanan muna kame sa Pampanga at may nakita akong nagbebenta ng mga furnitures at ito ang nakasulat sa pader “WE MAKE MODERN ANTIQUE FURNITURES”(WAW!).
    pagdating sa Baguio mapapansin nating di lang sa pader ang sinusulatan pati sa salamin. Habang umiikot ang aking mga mata napansin ko sa isang kainan ang nakasulat sa bandang gilid ng salamin “WANTED: BOY WAITRESS”. (Ano daw?!?)

    Dahil ako ay taga Makati araw-araw kong nakikita itong nakasulat sa pader sa may Makati Avenue “DON’T PARKING”.

    Dito ko natawa nung pumunta ko sa isang University sa Manila para puntahan ang barkada ko. Syempre di maiwasang maiihi di ba? pag pasok ko sa CR ito ang nakasulat sa pader “PLEASE DON’T SIT LIKE A FROG, SIT LIKE A QUEEN.” (naisip ko e di kung uupo ako na parang palaka sa ibabaw e di lalagpas yung ihi ko nun! mapupunta sa sahig?? sana kung tatae pwede pa umupo na parang frog kasi isang bagsak lang yun!).

    nakita ko lang ito sa may ginagawang building sa Makati na nakasulat sa yero – BAWAL UMIHI DIYAN,DITO AT DOON!

  14. Tsutsay

    Hi Tenco,

    Alam mo natuwa ako nung nabasa ko ang topic na Pader. Naalala ko kasi si Ati at ang nakasulat sa Pader ‘EPES MAMATAY KAYUNG LAHAT! SYET KAYU!’. haha! naisip ko kung nakakapagsulat lang ang mga Epes isususlat nila ‘HOY ATI! AALES NA KAMI, PAKYU KA!’

  15. Tsutsay

    Hi Tem-i,

    alam mo bang habang nagsusulat ako ng comment e pati ko tawa ng tawa. maski nga yung office mate ko tawa ng tawa para daw akong nakatira. sabi ko kasi nasinghot ko yung chalk na pamatay ng EPES!

    teka anong comment ba? si ati at ang epes? o yung mga lugar?…

    pagnagkita tayo bigyan kita ng chalk na pamatay ng EPES tapos magsulat ka rin sa pader nyo at ilagay mo ‘MGA EPES AT GAGAMBA, MAMATAY KAYUNG LAHAT,PAKSHET KAYU! haha!

  16. andreidae

    cool nman.. usapang pader.. haix.. tlga nman at kasama talaga ang memories ng paninilip..namiss o kayo guys…dami ko na pala hahabuling post.. at teka..add nyo rin ako sa facebook…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s