E. One..Two..Three!! Teng! Teng! Teng!!

Wednesday ng gabi, 11:30 PM, patalastas ng Encarnacion Bechaves Flowers and Anhzal Car Paint…lampas na sa iyong curfew ngunit hindi mo mapigilang tumakas para makapanood kahit isang laban lang…(sagwa ng intro…pakshet.)

“WWF…what the world is watching!”  Tama ang kung sino mang announcer na may machong boses na nagsabi nyan.  Ito ang pangalawang pinakamagandang biyayang ipinamahagi satin ng mga (ang una ay ang seksi kong kaklase na foreigner noong hayskul).  Dumating ang wrestling sa Pinas at sinakop tayo neto.  Tangina, ilang beses na akong muntik dalhin sa ospital dahil sinusubukan ng tatlo kong kuya kung gumagana talaga ang “sleeper hold” (pamatay ni Brutus the Barber Beefcake kung saan sinasakal nya ang kanyang kalaban hanggang sa makatulog).  Naniwala din kami na kapag humawak ka sa ropes ay babalik ang lakas mo, siguraduhin mo lang na nagwawala ka habang hawak mo ang tali mala-Ultimate Warrior.  At shempre naman, sino naman ang hindi makakalimot sa wrestler na ito.  Kumbaga sa atin ay siya ang Jawo ng wrestling – walang iba kundi siyempre, si Hulk Hogan.  Talagang kumakapit sa utak ng mga bata ang mga trademark gestures niya tulad ng pagsenyas ng siraulo (twirling of the wrist) bago idikit ang kanyang kamay sa tenga niya, pati na rin ang pagpunit ng kanyang dilaw na sando.  Galit na galit ang nanay ko noon dahil tatlong sando na ang kanyang nabibili sa loob lamang ng dalawang linggo.  Ngunit naawa ako kay Hokogan nung natalo siya kay Ultimate Warrior para sa kampeonato.  Hindi ka naman pwedeng mainis nang husto kay Ultimate (‘Yan ang palayaw nya, hindi na sinasabi yung “Warrior”) kasi hindi naman talaga siya kontrabidang wrestler.  Tsaka napansin nyo ba na bago magsimula ang mga laban ni Hulkomaniac ay ang ganda ng kanyang buhok – shining shiny.  Pero pagdating sa kalagitnaan ng laban ay unti-unti mo nang mabibilang ang buhok nya?  Suki sa pendong yan e…pumapangatlo kay Pipoy at Bembol.

Naaalala nyo din ba si Million Dollar Man?  Siya ang kanong version ni Smokey Manoloto.  Ang tag-team na Rockers, na akala ko noo’y miyembro talaga ng isang rock band; Hacksaw Jim Duggan, na naka-asul na brip at may dalang dos por dos (madaling gayahin ang props nya noon kasi pwede ka lang kumupit ng kahoy sa may construction sa tabing bahay).  Shempre, wala din namang makakamiss sa wrestler na sepulturero – si Undertaker (with Paul Bearer na kamukha ng uncle kong taga Dasma).

Para sakin isa siya sa mga bida.  Kaso nga lang, nung huli ay hindi na siya realistic kasi nagsusuot na siya ng elbow at knee pads.  May sepulturero bang nagsusuot ng ganon?!!  Sepulturerong may rayuma?  Hmmm..sabagay..

Madami pang ala-ala ng wrestling ang masarap pag-usapan.  Sina Tenco at Tikboy na ang dadale sa iba.  (O ayan, hindi ko na sinulat si Hitman, Tenco!  Alam kong idol mo ‘yan at nagtampo ka pa kay Santa Claus dahil hindi niya binigay sa’yo ang hiling mong shades ni Brett Hart.)  O ikaw naman Tikboy, may mga nakausap ako at ang sabi nila ay si Earthquake nga ang binuhat ni Ultimate kaya pumutok ang muscle nya!

Tatanka!!!!!

Malaki talaga ang naging impluwensya ng WWF sa buhay nating mga kabataan.  Ngunit ang bagay na pinakamahalaga para sa akin ay dahil sa wrestling na ‘yan, nawala ang hiya naming mga bata na mag-brief sa kalsada.

Dino Bravo,

– Tem-i


Kapag Wednesday nang gabi, talagang nagpupuyat ako.  Kasi inaabangan ko ‘yung WWF (mabilis na pagkakabigkas).  Newsbreak ni Eric Eloriaga sa Channel 5 ang hudyat, tapos simula na!  May lineup nanaman ng mga superstar na mapapanood ko, pati na ‘yung mga kawawang wrestler na parati namang bugbog-sarado (ano nga ba ‘yung pangalan ng ‘kawawang wrestler’ na nakatalo ng superstar?  Napanood ko ‘yun eh!  Talagang upset eh.  Bibigyan ko ng holen ang makakasagot.  [Clue:  ang superstar na tinalo niya ay walang entrance theme.  Siya ‘yung parang ahente ang get-up at dumadaldal sa mic habang umeentrada sa ring.]).

Isa sa mga kinatakutan kong wrestler ay si Bob Buckland (hindi si Undertaker, dahil fan favorite siya kahit mala-impiyerno ang aura niya).  Talagang sumusulpot siya kahit saan tapos gagawin niya ‘yung crossface chicken wing niya eh.  Tapos nung nagtagal eh nainis na talaga ako sa kanya kasi parati nalang siyang nanggugulo eh.  Kahit sa kalagitnaan ng laban bigla nalang sumusulpot.  Siya rin ang recipient ng one of the fastest matches ever dahil in 10 seconds ay natalo siya ni Diesel (kung tama ang pagkakaalala ko).

Speaking of Diesel, isa siya sa mga pinaka-cool na wrestler para sakin dahil bukod sa matangkad (at cool ang pangalan), klasik din ang jack knife powerbomb niya.  Kaso napilayan siya nung naglaban sila ni Sid Justice, na may parehong finisher din tulad sa kanya (isa rin ‘to sa mga kinatakutan ko).

Sid Justice.  Siya ang dumb bodyguard ni Shawn Michaels, na may mini-show na sobrang bored talaga ako.  Parati kong ipinapanalangin na sana ay walang mini-show si Shawn Michaels dahil anlaking kakaining oras nun.  Buti nalang at napuno na sa kanya si Sid Justice at naglaban sila.  Syempre, nanalo ang mas pogi.

Hindi ko idol si Shawn Michaels, dahil hanggang ngayon ay naniniwala akong dinaya niya si Bret Hart!  Hindi talaga nagsubmit nung shinarpshooter siya eh, hanggang sa maubos ang oras at nag-overtime.  Isa rin siya sa mga parating dinudugong wrestler.  Kasama rin siya sa ‘The Rockers’ na para sakin ay ang pinakamagaling na tagteam sa buong mundo!  Parang mga hip-hopper eh.  ‘Yung style ng pag-w-wrestling nila e parang dance moves eh!

Minsan na akong sumulat ng love letter kay Santa Claus para hilingin ang shades ni Bret Hart.  Pero walang dumating…

Napanood niyo ba ang Hulk Hogan’s Classics?  Sa’n ka nakakita ng wrestler na tinali na sa corner ni Andre the Giant pero nakawala pa rin at nanalo pa?!  Talagang ang lakas eh.  Syempre, dun ko rin napanood ang klasik na laban nila ni Ultimate Warrior.  Syempre Hulk Hogan ako dun!  Kaso talagang natalo eh.  Pero nung nagyakapan sila sa huli, syet!  Nakakaiyak!

Ay ito pa may naalala ako!  Alam niyo ba ang Megapowers vs. Megabucks?  Nung bata ako, ang kilala kong kasapi sa Megapowers eh ‘yung mga blonde ang buhok at crowd favorite.  So kasama diyan sina Hulk Hogan, Ultimate Warrior, Tatanka, The Rockers, Bushwackers (na nag-guest sa Eye-to-Eye nung minsang pumunta sila rito sa ‘Pinas), atbp.  Kasama naman sa Megabucks sina Million Dollar Man, Ravishing Rick Rude, Andre the Giant, at iba pang mga rule breakers.

At eto pa pala.  Last na!  Napansin niyo na bang natalo si Undertaker sa WrestleMania?  Parang wala pa akong naalalang instance na natalo siya eh.  Or kung meron man, siya pa rin ang winningest wrestler sa kasaysayan ng WrestleMania.

(Ang nakarating palang tsismis saken, si Andre the Giant daw ang binuhat ni Ultimate Warrior.  Tapos, pumutok ‘yung muscle niya.  Tapos pinalitan siya kaya hindi na raw original na Ultimate Warrior ‘yung naabutan ko.)

– Tenco


Haha ang alam ko rin si Andre the Giant ‘yung binuhat ni Ultimate eh.  ‘Yun ang naging balita samin kasi hindi naman kasing sikat ni Andre the Giant si Earthquake para sya ang gamitin sa kwento.  Ibang version pala yung kay Tem-i, Earthquake version.  Sabi pa nga kaya pumutok din muscle ni Ultimate kasi ang higpit daw ng pagkakabuhol ng tali sa braso nya.

Ang WWF, hay ang ganda nyan.  Palagi ko pang nileletering ‘yang sulat ng WWF na ‘yan.  Madali lang naman eh.  Halos lahat ata ng notebook ko may WWF logo na nakaletering.

Si Hitman din talaga ang idol ko eh.  Sobrang sang-ayon ako sa sinsabi nyang, “I’m the best there is, the best there was, and the best that there ever will be…”.  Totoo talaga ‘yan para sakin.  Nagagandahan pa ko sa boots nya kasi parang 11 ang style.  Hindi sya malaki pero palaging heavyweight champion.  Namimigay pa ng shades sa mga bata na pangarap ko ring magkaron dati.

British Bulldog.  ‘Yan ang bayaw ni Hitman.  Napangasawa nyan ang kapatid ni Hitman.  Mejo maliit ‘yan pero ang laki ng katawan.  Hindi pa uso ang cornrows naka-cornrows na ‘yan.  Nag-away pa talaga sila ni Hitman.  Hindi ko tanda ang dahilan pero pagkatapos ng laban, nagkabati-bati din silang pamilya.  Tinanggap na ni Hitman si British Bulldog sa pamilya nila.

Eto ang isa pang klasik na wrestler, Jake “The Snake” Roberts.  Shempre sikat ‘yan dahil sa dala nyang ahas na nakalagay sa bag na tela .  May nabalita nga din na may namatay dahil may natuklaw ‘yung ahas nya, ewan ko lang kung sinu ‘yun.  ‘Pag nilabas na nya ang ahas nya lahat na natatakot.  Ang pamatay nyan DDT.

Ang astig namang tag team sakin ay “Demolition”.  Parang sila ang una kong nakita na may pintura sa muka.  May helmet pa talaga sila.  Pagdating sa ring, ayan na huhubarin na nila ang helmet at bigla nang didila si Smash.  Mahaba at mapula dila nya tapos ang pintura nila black and white.  Pero parang may kumalaban sa kanila, ang “Legion of Doom”.  May mga pintura din tapos may suot pang shoulder pads na may spikes.  Sila ang mga naging siga ng tag team dati.

Honky Tonk Man (Elvis-like), Texas Tornado, Tito Santana (magkamuka sila ni Texas Tornado), Coo Coo Beware, Virgil (alalay dati ni Million Dollar Man na napuno na sa kanya), Razor Ramon, Superfly (ang taas tumalon nito eh), Macho Man (na naging Macho King), at marami pang iba.  Ang tingin pala namin sa buhok ni Sid Justice ay parang Lucky Me Pancit Canton.

Nanghihiram pa talaga kami dati ng kuya ko sa rentahan ng betamax na malapit samin.  Lahat ng mga special events pinapanuod namin tulad ng WrestleMania at ang paborito nating Royal Rumble.  Palagi kaming pumupunta dun para lang i-check kung may bago na silang mga WWF tapes.

Para kay Tenco, oo hindi pa natatalo si Undertaker sa WrestleMania.  Mala-demonyo talaga ‘yun.  Nagkaron pa talaga ng dalawang Undertaker dati.

– Tikboy


Nung natalo si Macho King kay Hulk Hogan, naging Macho Man nalang siya ulit.  Tawa nga ako nang tawa sa kanya nun eh.  Talagang nawala ang pagkahari eh.

– Tenco

36 comments

  1. atetin

    WWF hahaha astig! klasik tlga. Nabuhay ang dugo ko habang binabasa ko to. yan lng ang pnapanood kong palabas pag weekday. Kahit may quiz bee contest kinabukasan ay d ko tlga pinalalampas yan. Swerte ako pnpayagan ako ng nanay ko mpuyat tuwing Miyerkules kc pareho kmi nnood ng tatay ko nyan. At tuwing may special event tulad ng Wrestlemania, Royal Rumble, Survivor series at King of the Ring ay nirerecord pa namin yan s betamax. At hanggang ngayon nkatago p rin ang mga bala n yun, nilipat n namin yan s VHS tpos ngayon ipapa-convert pa namin s DVD. Paborito ko rin si Brett “the Hitman” Hart buti ngsolo sha pagkatapos ng Hart Foundation. Ayoko noon si Ultimate Warrior kc maka-Hulk Hogan ang tatay ko, pero nung nagtagal ay bumilib n rin ako s kanya. at ilang linggo rin akong nabahala noong nabalitaan ko nga n pumutok ang biceps nya noong binuhat nya si Andre the Giant. Tanong lng, may nakabuhat b kay Yokozuna? Hanggang ngayon, nanghihinayang ako s pagkawala ng the Rockers kasi bagay n bagay sina Marty Janetty (sori d ko mtandaan ang spelling) at Shawn Michaels. Pinagttawanan namin noon ung tag-team nina Dusty Rhodes at yung anak nya, si Dustin Rhodes. Ewan ko b kung pano nananalo ung mag-amang yun. Dami memories…May loveteam p, c Macho Man at Elizabeth, sila p kaya hanggang ngyon? Ang forever rivals n sina Ravishing Rick Rude (na palagi kong inaabangan kung sino ang sasayawan nya) at Jake “the Snake” Roberts. Pinapalabas pla sa cable ngyon ang reruns, pnapanood ko ung WWF 24/7. halos maiyak ako tuwing nanood nun s JackTV yata.
    Napanood ko rin yung kawawang wrestler na nakatalo s superstar kaso d ko n maalala kung sino.

  2. alasais

    Hahahaha! Atetin! Nakakatawa naman masyado ang mga hirit mo! Oo klasik talga ang WWF na ‘to. Si Ravishing RIck Rude – siya ang dahilan kung bakit nakakapanood ako ng halikan tuwing Wednesday ng gabi. Hehe…

    Si Lex Luger ata ang nakabuhat kay Yokozuna, hindi ko lang maalala kung anong Wrestlemania yun.

    Maka Hulk Hogan din ako e..kaya naawa talaga ako sa kanya nung tinalo siya ni Ultimate. Bwiset yan.

    Keep sending your comments Atetin…natatawa ako.

    Tem-i of Alasais

  3. Tsutsay

    biglang naalala ko mga pinsan kong lalaki habang binabasa ko to natatawa ko. wala kasing tv yung ibang pinsan ko kaya nakikinuod lang samen e gabi na nun wala pa magulang ko nasa trabaho dalawa lang kame ng kapatid kong bata rin tas may pasok pa kinabukasan,sabi ko patay na naten yung tv gabi na..e ang naglalaban nun si andrew ‘d giant and hulk hogan..

    pinsang 1: maya na pat maganda na nga yung laban eh!
    ibang pinsan: aaaaayyy! keeeey dyeeeeeyyyy!…
    patty: sige na nga..e kaso baka dumating na papa ko baka paluin ako nun?
    pinsang 1: bahala ka di ka na namen isasali sa laro!
    patty: e di wag!!! yun lang naman pala eh!

    tas bigla kong pinatay yung tv..

    mga pinsan: kj!.. kj!… kj!…’wag naten isali yan sa laro…kj! kj!..
    patty: huhuhuhuhuu….kala nyo dyan…di ko na kayo papapasukin sa bahay namen!!(habang umiiyak)..
    hahaha..

    iba talaga paglalaki tas favorite pa yung pinanunuod..

  4. alasais

    Wasak,

    Kasi pagkapunit niya nung iba, iipunin yun para itahi ulit. Dati kong tropa yan e. Kuripot na tao yan kaya umaarkila na lang siya ng sastre o kaya magpapatahi ng bago sa Botak.

    Tem-i of Alasais

  5. mishes

    hahaha… naalala ko rin nun mga bata pa kami.. eto pinapanood namin ng mga pinsan ko habang nasa prayer meeting ng el shadai mga magulang namin.. tas pag narinig na yun jeep na serbis nila.. sabay magpapanggap na tulog na tulog!🙂

  6. alasais

    Mhey,

    Ginamit niyo rin pala ang diskarteng magpanggap na tulog. Buti walang nagpapatawa. Baka i-powerbomb kayo ni mommy at daddy niyan.

    – Tenco

  7. TunYing

    “whacha gonna do brother?! With the thousands of hulkamaniacs” di mawawala yan sa linya ni hulk hogan noon. Gusto si hulk hogan dahil sa mayabang sya na may ipagyayabang. The best din si ultimate warrior (sumalangit nawa ang kaluluwa) pati si bret hart. Si yokozuna at lex luger, gusto ko yung laban nila. Syempre yung the demolition man. hahaha!!! Ngayon sa makabagong henerasyon, gusto ko sila undertaker, stonecold, mankind, ung DX at syempre “IF YOU SMELL WHAT THE ROCK IS COOKIN”!!!” hahahahaha…

  8. alasais

    Allan,

    Sikat na sikat talaga ang laban ni Yokozuna at Lex Luger e noh? Hindi ko maimagine ang tindi ng lakas ni Lex Luger na kamukha ni McGyver.

    – Tenco

  9. Snowden

    Anak ng tinapa..hindi ako mahiilig sa wrestling.pero ako pinagprapraktisan n0on ng mga nakakatandang pinsan ko..hehe..kulang nalang paluin ako ng upuan eh.haha..

  10. alasais

    Snowden,

    Buti at hindi ko inisleeper hold ng pinsan mo. Kaya pag nagwrestling ulit kayo, sabihin mo na lang na ikaw yung announcer para hindi masakit.

    Tem-i of Alasais

  11. TunYing

    Hmmm… try nyo yung ginawa ng kaklase ko nung highschool… piniledriver yung kaklase namin sa kama ng THE room namin… ayun… sira ang kama… Principal’s office ang tuloy nila… HAHAHAHAHAH!!!!

  12. alasais

    TunYing,

    Hahaha! Nangyari din sa amin yan, pero nung dinala ako sa principal’s office namin, eh nakasuot ng Hulkomaniac na bandana yung principal namin. Kumunot ang noo ko…ano ba ito?

    Tem-i of Alasais

  13. alasais

    Allan,

    Hahahaha naiimagine ko ang pagwasak ng kama, sana tinuloy nila hanggang sa opis. Bigfoot tapos iilag ‘yung kaklase, sapul ang principal.

    – Tenco

  14. TunYing

    Actually… nung dinala na sila sa Principal’s office naririnig ko yung entrance song ni Hulk Hogan… Sabi ko “patay matinding labanan ito” hehehe…

  15. yanskee

    hindi ba c IRS un tinutukoy nyo?

    sino un wrestler na hapon na madameng sulat sa katawan??

    thanks mabuhay kayo!

  16. adonis

    shet na malagkit!!!maka hulk hogan din ako hate ko yan ultimate warrior na yan non tinalo nya si hulk hogan at dumami ang fans ng animal na yan,ang potaaahhh na wrestling na yan dyan parati dumudugo ilong ko kasi kinabukasan huwebes yan ang nilalaro namin ng mga kaibigan ko naalala ko tuloy sila ” G3, Pj,osmond at sherwin sila ang mga kalaro ko nyan bukod sa tumbang preso,luksong baka,harangang daga,prikidam 123,langit at lupa,syatooh,basketball pati piko nakilaro na rin ang mga tropang kalye…

  17. balotlot

    db may tsitsirya dati na pag binili mo eh may mga libreng laruan.. like different parts of wrestler tpos bubuuin mo.. uso lge nun c ultimate warrior.. tpos maglalaro na kami ng kalog sa kalye.. “kalog tansan” pantaya nmen yung mga arms, legs, ulo nung wrestlers tpos pag magaling ka sa kalog eh instant hahaha buo mo na yung wrestler na gusto mo…

  18. kuchara

    si I.R.S po ata ang sinasabi mong wrestler na mukhang ahente TENCO, pero para sa kin mas mukha siyang kubrador ng jueteng nung nakita ko siyang humawak ng ballpen e, hehe..may dala laging briefcase with matching suspender. hinde siya sikat kse walang angas… nabuhat din po ni hitman si yokozuna idol ko rin sya nun e..

  19. no benta

    nagalit ang tatay ko sa amin ng kapatid ko dahil sa wrestling. sinisisi nya kasi yung paglaro namin nito sa kama kahit kakatapos lang kumain kaya ako natanggalan ng appendix. wrestlemania 4 yata unang dumating dito sa pinas ang wwf. klasik yung time na hinubaran ni jake the snake si rick rude. tska yung kinaskas ng dulo ng sapatos ng mga cowboy yung ulo ni beefcake hanggang dumugo. ~ http://no-benta.blogspot.com

  20. alasais

    Jayson,

    Ayos sa memories a, si Ravishing Rick Rude talaga ang parating pinagtitripang hubaran. Ginagaya pa namin ang sayaw niya e. Sabay clothesline.

    – Tenco

  21. bakuko

    Sinabi mo pa! hahaha.. Tas maalimpungatan erpats ko, pagagalitan ako kase nagpupuyat ako pero naktingin din sya dun sa kumersyal! hahaha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s