V. Bimpo

Tadaan! We’re back! Nawa’y nagustuhan ninyo ang solo piece ni “Mr. Tuseran” Tikboy. Andito na ulit kami ni Tenco upang subukang agawin ang kasikatan kay Tikboy! Humanda ka Mr. Tuseran!

Bimpo ang ating topic ngayon. Binabanggit ko pa lang ang salitang ito ay umuulan na ng ala-ala sa 153 Calubaquib St., North Cemetery, Dajangas, Russia.

Pawisin akong bata. Iaangat ni Auntie Tasing ang aking sandong air-cool at pupunasan na ang aking likod gamit ang magaspang at tila na-almirol na bimpo niya. Dahil sa kakagamit sakin ng bimpo ay natutunan ko na itong mahalin at sinimulan na ding gamitin sa eskwelahan. Ang almirolled na bimpo ang gamit ko sa iskul no’n.

Sa umaga’y sipunin ako at bimpo ang kasagutan upang burahin ang umoonse kong ilong. Pagkatapos kong magpunas gamit ang matigas na bimpo ay magsisimula nang dumugo ang aking ilong dahil pinunit na ng matigas na bimpo ang chenchitib kong long-i na grabe din sa kaborgahan.

Nung medyo umabot na ako sa grade 6 ay natutunan ko namang magpaikot ng basang bimpo. Pagdating sa iskul ay derecho ako sa banyo upang basain ang bimpo sa gripo. Pipigain ito tapos ayan na, may spinning bimpo na ako na pwedeng ipampasikat sa aming top 1 sa klase, patunay na mas magaling ako sa aming star pupil dahil marunong ako magpaikot ng bimpo – pinapatalon ko pa!

Nalaman ko ang isang kahaselan ng bimpo nung ako ay hayskul na at may ka-date ako. Bago ang date namin ay nagdedecide ako kung panyo o bimpo ang aking gagamitin. Pagkatapos ng isa’t kalahating oras ay nanaig ang aking pagmamahal sa bimpo at yun ang ginamit ko. Nilalaro ko pa ito sa sasakyan at nang dumating kami sa sayawan ay binalak ko nang ipahinga muna si bimpo. Tinupi ko ito at tadaan! Napakalaki pala nito kapag tinupi! Nagmistulan akong may elephantiasis sa kanang bulsa at natural-mente, iniwan ako ng aking date at sumama siya sa putuking lalaki na nakapanyo.

At dahil don, ako ngayon ay single ngunit may nakasabit pa ding bimpo sa kaliwang balikat.

-Tem-i

Puta Tikboy nagparamdam ka! Pagpasensyahan niyo na ang pansamantalang pagkawala namin ni Tem-i, e gago ‘yang isa dyan parating nahihimlay pagkatapos mag-post eh! Let’s do this, uhm!!!

Bimpo — alanganing panyo, alanganing twalya. Talagang hindi mo alam kung ano talaga e. Twalya ka ba?!

Sa bawat mayaman o mahirap, pare-pareho lang ang amoy ng basang bimpo, pansin niyo ba? Basta maibabad lang ‘to sa tubig, nagkakaroon ito ng kakaibang amoy na sadyang dun lang sa moment na ‘yun mo maaamoy. “Amoy bimpo ka ah, hindi ka ba naligo?!”

Hindi uso sakin dati ang maligo bago pumasok sa eskwela. Pahirapan kasi ang pagpasok sa banyo kapag walang mainit na tubig. At ubos-oras pa kung magpapakulo ng tubig sa takure. E kung may bimpo ka, paaanurin lang ng nanay mo ang rumaragasang tubig dito at preeesto, instant telang basa!

Kulay flesh ang bimpo ko noon. Ito na yata ang default color noon e. Syempre kukunin na ni mama (o kung may katulong kame e siya ang gagawa) ang maliit na palanggana sa may kusina. Lalagyan niya ito ng tubig at isasawsaw ang bimpo bawat minuto habang ako ay parang malungkot ang mukha.

Habang hawak ng isa niyang kamay ang braso ko, ang buhok ko ang una niyang pupunasan. Pagkatapos ay ang mga braso at binti ko. Kadalasan e ‘yun lang ang pinupunasan (siguro dahil ‘yun lang ang parating nakalabas at madalas marumihan). Iba ang pakiramdam eh. Parang hindi ko alam kung tama bang hindi ako maligo, pero okay lang basta mukhang naligo!

Sino ba naman ang hindi nakaranas mapunasan ng bimpo kapag dinatnan ka ng lagnat? Konting sawsaw lang sa napakalamig na tubig, instant pagmamahal na ng magulang ang nararamdaman ko. Tats na tats talaga ako habang nakapatong ang nakatuping bimpo (1/2 crosswise) sa noo ko.

Magaling pala akong magpaikot ng bimpo sa daliri ko. Basain mo lang nang konti. Naging hobby ko ‘to nung 2nd year hayskul.

-Tenco

UngasΒ kayong dalawa huwag kayong bitter! E absent kayo e. Ako na ang mas sikat ngayon. Hindi na tayo pantay!

Hmm bimpo…Parang anak ng twalya yan e. Hindi ako masyado gumagamit neto e. Pwera na lang kapag nasa labahan lahat ng panyo o kaya gusto ko lang magpa-cool sa skul at magpa-ikot neto. Kapag may sipon kasi ako, ang hirap ipahid sa ilong e. Habang tumatagal hahapdi ilong mo dahil sa gaspang ng bimpo. Hindi pa masyadong nakaka-absorb ng sipon ang bimpo. Kapag pinampahid mo ‘to e nasa ibabaw lang ng bimpo ang sipon at medyo matagal bago ma-absorb ang sipon.

At tulad nga ng sinabi ni Tem-i, hindi mo pwedeng ibulsa ‘to dahil sa kapal kapag tinupi at magiging wapoys ang pantalon mo. Uumbok talaga ang bulsa mo at wala ka nang malalagay na iba.

Pinakagamit ang bimpo e kapag may sakit ako. ‘Yan ang pinampupunas sakin ng nanay ko. Syempre hindi ka pwede maligo kaya tamang ligong bimpo ka lang. Kukuha ng isang tabong tubig ang nanay ko at lalagyan ng konting alkohol at sabon. Konting halo tapos sabay lubog ang bimpo. Pipigain sabay punas na sa buong katawan ko. Pagkatapos niyan siguradong gagaan ang pakiramdam mo.

Syempre hindi mawawala ang pagpatong ng bimpo sa noo kapag maysakit. ‘Yan ang mag-aalis sa init na dulot ng lagnat sa katawan mo. Side A, side B ang paggamit sakin jan. Kapag mainit na ang isang side yung kabila naman. Pagtapos ng side B e didiskartehan pa ng nanay ko yan at babaligtarin ang tupi ng bimpo. Ilalabas niya yung side na nasa loob nung unang tupi. Parang side C, side D na rin. Tanggal ang lagnat.

Tikboy

32 comments

  1. grasi

    anak ng bimpo kayong tatlo. alas sais pala ha. alas nwebe na nagpost. pero sulit naman dahil maganda ang topic. hindi ako makarelate.

    kala ko dati libag brown talaga ang kulay ng mga goodmorning towel ng jeepney drayber namin. nung nakatanggap ako sa kris kringle, puti pala yun. talaga lang nagigipalpal ang nakikita kong nakaalampay sa balikat ni manong.

    isang beses ko pa lang naranasan na gawing substitute sa tuwalya ang bimpo. mejo mahirap dahil may kalakihan ang surface area ng balat ko. mabuti pang mag air dry.

    grasi

  2. aKDa

    ahahaha. ang saya nun a. di ako natutong magpaikot ng bimpo, hindi ko rin kasi sinubukan. ang pinapaikot ko nung hayskul ako, e notebook. tas tatalsik sa katabi ko. awts!

    ang saya basahin. at natawa ako sa matagalang pagdedesisyon ni tem-i kung bimpo o panyo ba dapat. hahaha.

    nice one! ^_^

  3. batopik

    hahaha! tapos na ang poagbibida ni tikboy! luts! awayin ulit si Tikboy!!! Bully!!! hahaha!!! =P

    onga. ang sweet ng nanay natin kapag may lagnat.. aaaahh…nakakamiss… hehehe.. naalala ko nung nagkasakit ako, sabi ko sa nanay ko, ‘ma-me, mamamatay na ba ako?’ hahaha. nalimutan ko na reply ng nanay ko eh. haha. basta sabay side b na ng 1/2 crosswise na bimpo… hawswiiiiiiiiiiit! wala lang. tsk. andaldal ko na naman.

    bimpo…alam niu ba ung pagpitik sa bimpo? bimpo ba yun? hakhak. kasi ung klasmeyt ko nung elementary ay ang hilig mamitik gamit yung bimpo nia sa kin. letse! bully eh noh! eh ambait2 ko pa naman nun. di ko alam gagawin. hakhak. pero di ako kawawa kasi naabutan kami ng titser, o huli si klasmeyt! hakhakhak! =P

  4. alasais

    batopik,

    oo nga! pinipitik rin ang bimpo! ayos.πŸ™‚

    pinapaikot na parang reversed skipping rope tapos sabay pitik! pero mas magaling ako kapag good morning towel ang gamit eh. masakit ‘yun.

    -tenco

  5. emilayskie

    Hindi ako masyado mahilig gumamit ng bimpo ngunit di ko makalimutan ang kasambahay naming ang tawag namin ay “Manang.” Napakalinis ni Manang sa katawan at laging mabango pagkatapos maligo ngunit ang kanyang bimpo/labakara na ginagamit pangligo ay talagang nakakahilo ang amoy. Ang amoy ay hindi parang nanggagaling sa maduming bagay ngunit kapag sininghot mo ito ay talagang tumatagos sa utak.

    Naiinis ako sa kanya kapag sinasampay nya ang bagong labang bimpo sa loob ng banyo. Kapag pumasok ka sa banyo ay sumisingaw ang amoy nito. Sa halip na magalit ay sinasampay ko na lang sa labas ang kanyang bimpo habang nakatakip sa ilong kaya tuwing maliligo sya ay kailangan pa nya itong hanapin at nagtataka kung pano ito nalipat doon.

    Isang araw ay nahuli ako ni Manang na sinasampay palabas ang kanyang bimpo. Tinanong nya kung anong problema rito. Ang sabi ko na lang ay “Ang baho kasi eh” sabay sampay.

    Isang buwan na ang nakakaraan mula ng nilisan kami ni Manang. ^_^

    Pero di naman dahil sa bimpo.πŸ˜„

  6. kengkay

    dito uso din ang bimpo pero ang gamit nila dito e pamunas ng pwet, hehe

    tenco – meron din kaming totoong pinoy na parol, binitbit ko din yon nung 2003 papunta dito sa alemanya. mga 25 pieces sya, o di baπŸ™‚ tapos ibat isang sizes, ang ganda nga e

  7. alasais

    emilayskie,

    hahaha! ang ganda ng paliwanag mo sa eksena ni manang at ng bimpo niya! oo nga noh, ‘yun nga talaga ang isa sa mga nagpapatawa ng amoy sa banyo? saan-saan kaya niya pinupunas ‘yun?πŸ™‚

    at talagang straight to the point ang sagot mo kay manang e noh?! hahahahaha!πŸ˜›

    astig, astig.

    -tenco

  8. alasais

    kengkay,

    at malamang e sanay na sanay ka pa ring magpunas ng pwet ng iyong mga chikiting nang hindi sila nagkaka-rashes, hehe.

    pinoy na parol – wala nang mas pipinoy pa rito. at ang dami mong binili ah?!

    -tenco

  9. jme

    nung highschool sa skul namen sikat ka kapag naka bench or penshoppe kang bimpo! ewan ko lang kung nauso rin sa skul nyo yan.πŸ™‚

  10. Janis

    Taob lahat ng bimpo nyo dito (o labakara, gaya ng pagtawag ng lola ko). Nung grade school, papel ang nilalagay ng nanay ko sa likod ko. Papel. As in newsprint, yung pinagpiprintan ng mga test paper. Pambihira nanay ko e, nabasa niya raw na mas nakakaabsorb yun ng pawis. Naabsorb ko rin tuloy lahat ng malakas na pang-aasar ng classmates ko.

    Magandang araw sa inyo!

  11. jhuvie

    jme

    nauso rin yun nung high school ako eh. di kaya schoolmates tayo? hehe.. sikat ka pag bench or penshoppe ang bimpo na nakasabit sa balikat mo… nakiuso rin ako syempre! haha…iniipon ko pa yung baon ko para lang bumili ng bimpo..tapos aarborin lang. hayup!

  12. atetin

    noong elementary ako madalas kong gamitin yang bimpo kasi tamad ako maligo bago matulog kaya pinupunasan na lang ako ng bimpo. sa umaga kasi naliligo naman ako. karaniwan yellow or pink yung bimpo ko tapos nakaburda pa yung pangalan ko sa gilid haha. noong high skul naman ako ay nakauso akong bimpo, yang branded. pero ang binibili ko ay yung sinlaki ng goodmorning towel, mejo pawisin e, di kinakaya ng panyo lalo na pag PE. nakasampay lang yun sa kanang balikat ko para convenient. at dark ang kulay na binibili ko para hindi halata na ginagamit ko. useful din syang pang-bully kc pinipitik ko rin sya pero di ako natutong mag-spin ng bimpo

  13. alasais

    Bully ka pala nun Atetin ha! Dapat binabasa mo din ang dulo ng bimpo kapag pinampipitik mo ito. Pagkatapos ay pitikin mo din ng bimpo ang iyong kaklase…sa mata! Para bulag agad at hindi na makalaban! Sa mata! Sa mataaaaahh!!! Sa mat…ay sorry..hehe..medyo na-carried away lang…

    Tem-i of Alasais

  14. pilya'tpasaway

    sandali lang… location pa lang, natawa ako… Dajangas? Diba dating tawag sa General Santos City un?πŸ˜€ hahahaha..πŸ™‚

    Kwentong Bimpo ko po ay magsisimula nung Grade 1 ako, sa likod shempre. Pero po nung grade 4 ako, nauso ung maliliit na bimpo na may cute na designs tulad nina My Melody at Hello Kitty (Sanrio girl ako, haha!) na binibili ng nanay ko sa SM tapos yun ung ginawa kong panyo.πŸ˜€ Hindi naman po ako uhugin nung bata, nung lumaki po ako naging uhugin(balistad. :D)

    haha.πŸ˜€

  15. pilya'tpasaway

    Kuya Tenco,

    hindi po ako naglalagay ng pulbos na bimpo ko, sa tissue paper po ako naglalagay ng pulbos, babasain ng konti, at lalagyan ng “kisses” (ung maliliit na butil butil na mabango, air freshener yata un) para manganak daw sila.πŸ˜€

  16. Snowden

    Bimpo?hindi ako nasanay gumamit nyan.iprefer panyo parin..para bang pag nagdala ka nyan eh dala m0 narin tuwalya m0.hasselicious naman kung hawak hawak mu lang dahil parang double decker sandwich pag tinupi..wag ka ng mangarap ibulsa yan..baka pagkamalan pang lumihis si man0y or w0rst natae sa salawal..wahehe

  17. TunYing

    bimpo… yung good morning towel ang the best… hahahaha… lagyan ng konting powder ang likod tapos ilagay ang bimpo… presto! ligtas ka na sa pawis pwera na lang kung sandamakmak na pawis ang lumalabas sayo dahil sa kakalaro! hahahaha…

  18. alasais

    TunYing,

    OK ang good morning towel na may pulbos. Para kang pinagsamang barbero at masahista. Mang Rey! Kung nasan ka man, miss ko na ang paggupit mo sakin nung bata ako!

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s