Y. Baluuuut!

“Tangina, sais na ang balot ngayon?!!!  Ang mahal naman!  Pabili anim…”

Pagsapit ng alasais (Uuuy plugging!) ay uuwi na kami galing sa aming paglalaro at huhugasan na namin ang mga korteng tsinelas na libag na naipon sa aming mga talampakan.  Kukunin ko na ang aking bag nang biglang may sisigaw ng “Baluuuut?!  Penoooy?!  Baluuuut?!” Hindi typo error yan mga kaibigan.  Kung susuriin niyong mabuti ay talagang patanong ang sigaw ng balut.  Hindi ba siya sigurado sa binebenta niya?

Anyway, OK sakin ang balut.  Masarap ‘to para sakin.  Mahilig ako dito.  Lakas ko kumain ne’to, men.  Yung tipong, pagkabasag pa lang ng shell e umaapaw agad yung sabaw tapos dumadaloy pa hanggang sa baba mo, hanggang sa leeg mo…siyeet na malagkeeet…sharaff!!!

“Tangina, siyete na balut ngayon?!  Huwaw!  Lupit naman sa taga!  Pabili walo.  Yung masabaw ha?”

Hasel sa akin yung puting matigas na parte ng balut.  May tawag ba dun?  Yung dilaw at sisiw, e masarap ang pasok sakin.  Minsan pa ay nakadilat yung isang mata ng sisiw ko.  Sinarado ko muna.  “Sssshh…tulog na…pinapaliguan lang kita (ng suka)…sshhh…”, sabay lamon nang buo.

Bilib nga ako kay Manong Mambabalut e.  Mukhang napakasipag niya.  Ang akala ko nun ay sa PLDT siya nagtatrabaho sa umaga dahil laging pahina ng phone directory (PLDT Yellow Pages) ang gamit niyang lalagyan ng mga balut namin.  Lagi na siyang tumitigil sa harap ng bahay namin dahil suki ang pamilya ko sa balut na yan.  Kakain yung tatay ko ng apat pagkatapos hihimas himas na siya sa batok niya.  Ayan na, sumisipa na ang kulesterol!  “Tama na, ‘Tay!  Akin na yang mga natirang balut mo!  Imbes na lumakas tuhod mo e baka himatayin ka pa!  Penge bente!  Bili tayo Coke litro!”

Haay, daming ala-ala ng pongala-ngalang balut na ‘yan.  Actually kaya si Babsy ang favorite character ko sa Oki Doki Dok kasi may negosyo siyang balutan e.  Sarap siguro tumira sa Pateros…I miss you Babalu…

“Tangina! Diyes na balut ngayon?!!! Akin na nga basket mo!  Pabili na din ng chicharon, yung madaming suka…”

-Tem-i of Alasais

Una kong natikman ang balut nung kapanahunang parating bran awt.  Gabi nun at nagkukuwentuhan kame sa jeep ng mga kalaro ko.  Siguro mga alas-9 na nun.  “Baluuuuut!”  Bakit nga ba parating matanda ang nagtitinda ng balot sa may amin?  Hindi ko rin alam eh.

Sabi ni Shaider (kalaro kong kamukha ni Shaider), “Kabubuo pa lang ng sisiw tapos papatayin na para gawing balut!”
“O ba’t ganun?  Kadiri nun a!  Patikim nga, gutom na ko e.”

Hahaha!  Oo nga Tem-i, parating pahina ng yellow pages ang ginagamit pambalot!  Puwede namang iderecho nalang sa kamay ko ‘yung balut tapos babalutan ko ng sando ko eh.  Tapos nagtataka ako bakit nga ba sa gabi parati binebenta ang balut?  Para ba hindi mo makita ang sisiw kapag binenta sa umaga?  Madalas pa naman akong gutom sa hapon, pwede bang dumaan na kayo sa tapat ng bahay namin?

“O kapag kinain mo ‘yan binata ka na rin.”
“O may sisiw ‘yan kainin mo!”

Eh putang ina niyo pala e hayaan niyo muna ko!  Takot ba kayo sa sisiw e ang sarap-sarap nga!

Saan nga ba nakalagay ang sabaw niyan?  Hinahanap ko parati eh, sabi kase nila sa may mas matulis na dulo ng balut nakalagay ‘yun.  Barbero!

Mainit-init na sabaw–panalo!  Siyempre una ko nang kakainin dun ‘yung sisiw, matapang ako e!  Tapos ‘yung dilaw naman.  Tapos kapag nakatsamba ka ng balut na malambot nang konti ‘yung matigas na puting parte, swerte!  Basta okay na ko kung makatatlong balut ako sa isang gabi.

“Bakit ‘yung iba may guhit?”  “‘Wag ‘yun pambata lang ‘yun!”  “E eight years old pa lang naman ako a?”  “Hindi na malaki ka na.”  Ayos.  Tingin ko kaya gumaling ako sa takbuhan kakakain ng balut e.  ‘Di ba pampatibay ng tuhod ‘yun?

Sabay-sabay kantahin:

Baluuut!  Penoooy!  Baluuut!
Bili na kayo ng itlog na balut!
Sapagkat itong balut ay mainam na gamot
Sa mga taong laging nanlalambot
Baluuut!  Penoooy!  Baluuut!
Bili na kayo ng itlog na balut!
Sapagkat itong balut ay pampalipas ng pagod
At mabisang pampalakas ng tuhod!

(Starring Nora Aunor, Tirso Cruz III, and Roderick Paulate)

-Tenco

60 comments

  1. N

    @tenco

    sabi ng barkada ko (isang hindi reliable na source, pero ishashare ko na rin sa inyo), kaya daw sa gabi binebenta ang balut dahil ito ay pampatibay ng tuhod. Ibig sabihin nito, kakailanganin ito ng mga kopols para sa madaming resistensya.

    Natawa ako nung narinig ko ito. Pero may punto sya🙂

  2. alasais

    Thamsilverio,

    Salamat at na-eenjoy mo ang aming mga blog. Patuloy kaming magsusulat para sa mga batang kalye na katulad naten. Basta, every Friday magkita-kita tayo dito sa Alasais. Siguradong naghihintay sina Tenco, Tem-i at Tikboy para makakwentuhan kayong lahat! Sukob na! Sakay na!

    Sharon..este..Tem-i of Alasais

  3. Pretty

    Heto n nmn ako.. hahaha! inuuna mna ang pagbabasa ng blog nyo bago ang homework ko… hehe! katawa, ako pagnililibre nkaka-ubos ako ng 7 at sa cementeryo pa ha, prating nangyayari sa cementeryo ang librehan! lol! msarap nga nmn ang balot,lalo na ung kulay dilaw.. Yummy!=p matanong ko nga, tga-san poh kayo? ilan poh kau ang ngsusulat ng blog na 2? and ilang taon na kau?

  4. alasais

    Pretty,

    7 na balut?!!! OK ka sigurong kasama ‘pag brownout, hehe! Tatlo kaming nagsusulat dito sa Alasais – Ako, si Tenco at si Tikboy. Kung nakakarelate ka sa aming mga blogs eh malamang magkakalapit lang ang mga edad natin. Malay mo, sa kabilang kanto lang pala kami nakatira…hmmm…

    Tem-i of Alasais

    P.S. MAG-HOMEWORK KA NAAAHH!!!

  5. photosynthesis

    shemmai.. balot! gusto ko tuloy ng balot ngayon!!

    bakit nga ba sa gabi binebenta ang balot? kasi sa umaga sya ginagawa? hahaha..😄

    yellow ang favorite part ko sa balot. sarap!

    may narinig ako dati, aphrodisiac daw ang balot?!

    enjoy talaga sa blog nyo eh!
    magkwento naman kayo tungkol sa mga most hated teachers nyo!:)

  6. alasais

    Photosynthesis!

    Uy, musta na? Mahilig ka ba sa halaman? O sa araw? O sa chlorophyll?

    Aphrodisiac ang balut? Kaya pala nung kumain kami ng balut nung kebigan kong lalaki e parang bigla siyang naging palahipo sa braso ko…Teka, sabay ata kami natulog nung gabing sumakit yung ano ko…oh shit.

    Tem-i of Alasais

  7. grasi

    ang hirap magbasa ng blog nyo dito sa opis. isipin nila na pumepetiks lang ako dahil tumatawa ako. o nababaliw kaya..

    lugi ako pag balut ang binili ko dahil yung dilaw lang kinakain ko. kaya penoy na lang ang akin. yung utol ko naman ayaw kumain ng balut sa liwanag. pero wag ka pag pumunta sa dilim, hinihimay-himay pa din. ginagago yung sarili nya. tsk tsk.

    manong: Baluuuuut!!! Baluuuut!!!!
    grasi: manong, may tinda kayong penoy?
    manong: oo, meron.
    grasi: eh ba’t di nyo isinisigaw?

  8. alasais

    Hahaha! Oo nga naman Manong, isigaw mo din ang penoy! Musta Grasi? Maglagay ka lang ng MSWord o kaya Excel sa tabi ng Alasais, para pag may sumilip sa computer mo e ilipat mo agad dun sa Excel nang sa gayon, hindi ka mahuli ni bossing…hehe..

    Isa pala ang utol mo sa mga mahilig humimay-himay ng pagkain ha. Sabihin mo sa kanya, ipikit nya na lang, sarado ilong sabay subo nang buo. Teka, parang ginawa sakin dati ni…oh shit.

    Tem-i of Alasais

  9. alasais

    Photosynthesis,

    One more thing nga pala. May blog kami about teachers. Hanapin at i-click lang ang blog namin entitled “Yes Ma’am”. Hope you like it.

    New blogisodes every Friday pare!

    Tem-i of Alasais

  10. alasais

    Ish,

    Oo nga, onse na. Naalala ko nun nung sais pa lang ang balut. Naaalala mo pa ba yung mga panahon na yun? Tayo’y musmos pa lamang pero tumatapat sa mga matatanda pag kainan na ng balut.

    Tem-i of Alasais

  11. photosynthesis

    Tem-i

    ah eh.. mahilig ako sa araw at halaman! nagaaral kasi ako ng botany nung una akong nagcomment dito. hahaha.

    HAHAHA.. gotta be careful next time.😄

    ah! meron ba? SORRY!😀

    napaisip tuloy ako..magkano na nga ba balut ngayon??
    ..message alert tone ko, mamang sumisigaw ng balut. xD

  12. alasais

    Photosynthesis,

    Ang alam ko onse hanggang dose na ang balut ngayon. Mas mura pag isang basket ang binili mo. Lalabas ata na mga 9 to 10 pesos lang kada isa. Sandale, ba’t alam ko to?

    Taena, anyway, were you able to read that blog about teachers? Let me know. Thanks!

    Tem-i of Alasais

  13. emilayskie

    Wow sarap naman ng topic. Parang gusto ko tuloy hunting-in si manong magbabalot mamayang gabi.😄

    Naalala ko nung na-adik ako sa balot. Kahit madaling araw drive kami palabas ng village para lang bumili sa may ilalim ng fly-over. Layo kasi ng bilihan dati. Nakaka-anim ako sa isang gabi.

    Nung nagdalang-tao ako tinigil ko bigla kasi kahit di ako naniniwala ayaw kong mapaglihian ko sa balut. Hahaha.. Mahirap na. ^_^

  14. alasais

    Emilayskie,

    Kumusta si baby? Pakainin mo ng balut para gumaling din siya sa takbuhan. ‘Wag mo lang agawin ‘yung kinakain niya ha.

    Ano nga palang mangyayari kapag napaglihian mo sa balut?

    -Tenco

  15. emilayskie

    Okay naman siya. Super cute.😄 Mana-mana lang yan eh. Haha..

    Di ba sabi kapag pinaglihi sa balut yung nagkakaron ng maraming hair sa mukha. Yung parang may black spot sa face tapos may hair doon. Tama ba?😄

  16. alasais

    Ang sabi nila e magiging balbon daw kapag pinaglihi sa balut. Mas mabalahibo pa kesa kay Sergio Santibanyes at kay Fulgoso.

    Tem-i of Alasais

    P.S. Namiss ka namin Emilayskie a!

  17. batopik

    Nyahahaha! uu. masarap nga balut ang huli kong bili sa balut ay nagkakahalagang 12 pesos! ang mahal! grabe! hakhak!

    “Biktima rin kami ng abortion.” – balut

    HAKHAKHAK! Wala si tikboy! nag-aaral? may finals din? hakhak!😛

  18. emilayskie

    Ay talaga Tem-i? Kakatats naman. Naging busy kasi dahil lumipat ako ng bahay.

    Alam nyo ba? Dahil sa inyong tatlo ay napakain na naman ako ng balot kagabi. Nakatambay kami sa isang kalye sa Project 6, bumibisita lang. ^_^ Pagdating ni manong magbabalot ay napasigaw ako. “Manong pabili!” Haha..

    Pero hindi ako nag-anim. Nakakahiya kasi sa mga boys. Baka sabihin mas matakaw pa ko sa kanila. T__T Naka-tatlo lang ako.

  19. alasais

    Emilayskie,

    Ikaw naman nahiya ka pa. Sana inanim mo na yung balut. Alam mo may masarap din na isawan sa Project 6 e. Mahilig ka ba sa aso? Basahin ang next blog entitled “Fetdugs”!

    Tem-i of Alasais

  20. alasais

    Hahaha simple lang hirit mo batopik pero natawa ko dun ah. Biktima rin sila ng abortion e noh.

    Nagbisibisihan lang ako kaya absent. Para mapansin niyo rin naman si Tem-i.

    – Tikboy

  21. mars

    onse ang balut sa amin. basat ang alam ko yung dilaw ang gustung-gusto ko. yung bato(puti) para sa aso at pag sisiw na ang kakainin ko,laging may tubig sa tabi ko. naaalala ko pa nga, minsan pag nalunok ko na, nasusuka talaga ako.parang naduduwal(siguro pwede gawing alibi ng mga naduduwal na di pa kasal na nakakain lang sila ng sisiw…tapos itlog pala…ng lalaki…hahaha!hehe!)

    pag bumili ako lagi kung sinasabi,¨yung maliit lang ang sisiw ha!¨ Pag-uwi, ¨uy!maliit nga!¨I wonder tuloy pano nila napipili yun. inis lang ako kapag minsan penoy ang nabibigay sa akin(mali ang pili nya!)

    di ako nagpapalagay ng asin. hello? may halo na kayang alikabok yun? sa bahay na lang…

    ugali ko ring ibalot ang shell/balat pagkatapos kainin sa pinaglagyan…ang PLDT directory! yun na!

  22. alasais

    Mars,

    Hmmm..itlog ng lalaki? At may halakhak pa pagkatapos ha? hmmm…

    Anyway, PLDT din ang pambalot nung sayo? Haay iba talaga ang pagkaklasik neto.

    Tem-i of Alasais

  23. alasais

    Mars,

    Sigurado ka bang balut ang kinakain mo o… hhhmmm. ‘Wag kasing magtago sa dilim e! Hahaha!

    Ang masasabi ko lang–ang pagkain ng itlog ay masarap, itanong mo pa kay Tem-i. Hehe.

    – Tenco

  24. pilya'tpasaway

    oi, hindi naman ganun kabalbon tulad ni Fulgoso..😀 Nanay ko naglihi sa balot nung ako pa ung nasa sinapupunan nya.😀 hahahaha!!😀 hindi naman ako naging aso, naging mala-matsing lang.😀 kiddin!😀

    newei newei, yung puting part ng balot, sabi ng teacher ko sa embryology, un ung part kung saan nadedeposit ung waste materials nung chick.😀 mas malambot un, mas bata pa ung chick.😀 rich in urea, kaya dahan dahan sa mga may arthritis.😀 pampatigas talaga ng tuhod, kasi hindi mo na magagalaw ung tuhod mo pag nirayuma ka na.😀

  25. alasais

    Yani,

    Suriin mong mabuti ang yellow page na gagamitin para sa balut mo. Hanapin mo agad ang phone number ng pinakamalapit na ospital para pagkatapos mong kainin ang pagkarami-raming balut e magpadala ka na agad sa ambulansya. Yan ang silbi ng yellow pages. Tama ba?

    Salamat sa pagbabasa and enjoy our new blogisodes every Friday.

    Thanks again Yani!

    Tem-i of Alasais

  26. andreidae

    “Sssshh…tulog na…pinapaliguan lang kita (ng suka)…sshhh…”, sabay lamon nang buo.

    –winner ka tem-i..apir!!aliw toh!!

    “O ba’t ganun? Kadiri nun a! Patikim nga, gutom na ko e.”

    –winner ka din tenco..cheers!!

    rated A ang blog na itoh sa akin..panalo kau guys!!

    keep it up!!

  27. andreidae

    anyhoo..bkit wula yata si tikboy??

    i’ve been an avid fan of your blog lately..todo aliw ang dulot sa akin ng blog nyu..ayos na ayos!nbasa kuh n yata lahat..nag back track xe akuh..and yeah sobrang aliw!!

    and just to add..OP (out of place) akuh d2 s blogisode na itoh dahil mahina tlga akuh s gnitong klase ng kainan..dpo akuh kumakain ng balut..and yeah i’m missin’ a big chunk of my life..but i’m enjoyin’ everybody’s share of story..:)

  28. alasais

    Andreidae,

    Sinubukan naming gawing rated X ang blogs namin ngunit talagang nanaig ang aming busilak at virgin na utak sa pagsusulat. Salamat naman at naaaliw ka sa mga blogs dito sa Alasais. Ulit-ulitin mo lang, minsan kasi nag-iiba ang ending ng mga blogs pag inulit mo e. Hehehe…joke.

    Just because you haven’t eaten balut doesn’t mean you can’t enjoy the stories right? So on your behalf, I’d like to say you rock.

    Tem-i of Alasais

  29. andreidae

    Tem-i, Tenco and Tikboy…(alasais)

    nice one!..im really enjoying this..ang cool..keep ’em comin’..it’s becoming a habit..pgnalulungkot ako..i try to read one of your blogs and then the next minute im feelin’ better..Thank’s!!and i’d like to say u guys rock!!
    🙂

  30. alasais

    Andreidae,

    We do rock! And you know what? Sana malungkot ka lagi para patuloy mong basahin ang blogs namin! Joke lang.

    You rock! No, you rock!, No, YOU rock! Whatever…

    Keep reading Alasais. We love you.

    Tem-i of Alasais

  31. andreidae

    aww…

    kuya tem-i..wag nman po sna..auz..i-wish bng malungkot ako palagi??nice…hahaha..auz tlga d2..nkkadik kau..and yeah i’ll continue reading..

    TC! and keep up teh good work!!

    ahlabshoo too!!:)

  32. chotzki

    mga kapatid ang tawag nga pala sa kulay puting matigas sa balut o balot eh “bato”, sbi lng ng tito ko.. hehehe. pero ‘di ‘to yung tinitira ng mga adik ha. hehehe. astig ng concept ng blog niyo! may tamad na version din ng magbabalut ngyon di ba? ung nakapwesto lng sa tabing daan at yung balut wala na sa basket, nasa cooler na. hehehe

  33. alasais

    Lance,

    Nasa cooler? Ayos a, baka naman may kasamang Zest-O o Yakult sa loob niyan. Mas madali siguro kung sa back pack na may malaking orasan sa likod ilalagak ang mga balut, para may sense of time si manong. Mas madali pang maglakad.

    Oo, nakatambay lang minsan sa tabi ang magbabalut, ‘yung iba nakikipaglaro ng dama malapit sa may tindahan.

    – Tenco

  34. alasais

    Chotzki,

    Oh “bato” pala tawag dun? Ok a..Salamat tol! Ay oo, may nabilhan akong tamad na magbabalut dati sa overpass ng Cubao. Bulag siya pero alam niya ang pinagkaiba ng singkwenta pesos sa bente pesos. Ang galing nya…

    Keep supporting Alasais! Tambay ka lagi dito pare.

    Tem-i of Alasais

  35. mishes

    hala tenco pag backpack makalakad pa kaya si manong sa init ng balut?? hehe

    samin din dati bentang benta tong balut na to eh.. kalakasan pa nun ng ending (un huhula ka ng number na lalabas sa end ng basketball game). kung sino tumama papakain na yun ng balut.. kaya kada may game tiba tiba yun magbabalut samin tas xiempre pati kaming nakikinabang sa libre.. yun 1 nagpapaending nagnegosyo na rin ng balut.. para laki kita lagi.. hehe

  36. TunYing

    natanong sa akin ng kaibigan ko kung bakit sa gabi daw binebenta ang balut… sagot ko- kasi ang balut pampatigas ng tuhod, at sa gabi madalas ginagawa yung… Ooopsss… Ingat daw ako sa sasabihin… katabi daw nya nanay nya… HAHAHAHAHAHA!!!

  37. Snowden

    Ako- manong magkano po ang balot?
    Tindero- 12 lang ho.
    Ako- ang mahal naman. Magkano pag basag?
    Tindero- 6 nalang ho.
    Ako- o sige,ipagbasag nyo nga ako ng dalawa..

    Hehehe.s0lb disc0unt agad.

  38. pinay

    pakshet namiss ko bigla ang balut! naglalaway pa talaga ako..
    walang balut dito… miss ko na pinas..
    ganda ng blog nyo hehehe.. binabasa ko to lalo na pag pumepetiks ako sa trabaho hehehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s