26. Papak

Na-miss ko ang pagpapak ng kung anu-ano.  Nakakaubos kasi ito ng oras pero masaya naman ang tiyan ko.  Pwede akong matae maya-maya pero hindi ko muna iisipin ‘yon dahil mas matimbang pa rin ang lasa ng Birch Tree Powdered Milk na nanunuot sa dila at lalamunan ko.

Hindi mawawala sa ating mga batang kalye ang gawaing ito.  Isa ito sa Top 5 habits ng mga chikiting.  Kung hindi sila naglalaro o nanonood ng TV, malamang e nakatambay sila sa kusina at nag-iimbak ng mga pagkaing pwede nilang papakin sa loob ng isang oras, o hanggang sa magsawa ang kanilang mga stomach sa kaka-digest ng mga pagkain.  Tempting kasi ang lasa.  Siguro naisip ng mga magulang natin dati kung bakit hindi nalang ‘yung mga normal na kinakain natin sa mesa ang papakin natin.

“Wow pinapapak ni Tenco ang tocino!”

Anu-ano nga ba ang madalas nating papakin noong araw?  Eto ‘yun:

1. Asukal

Masarap, malasa, madaling hanapin.  Sino ba namang bata ang hindi nagpapak niyan?  Kadalasan, bago lagyan ng tubig ang tinitimplang juice o Milo e sisimple muna ng dalawa o tatlong kutsaritang asukal para kainin.  Tapos maya-maya e mapaparami na ng kuha, hanggang sa tamarin nang tapusin ang pagtitimpla.

2. Ovaltine at Milo

Mas masarap ang Ovaltine para sakin, mas malalaki kasi ang granules nito at mas maganda ang pagka-kulay brown.

3. Cerelac

Ito ang isa sa mga pinag-awayan namin ng nakababata kong kapatid.  Tuwing naghahanda si mama niyan e kinakalahati ko na bago pa mapunta sa kapatid ko.  Ang sarap e!  Teka makabili nga ng Cerelac bukas..

4. Leche Flan

Wala akong pakialam kung matamis ka at masisira ang mga ngipin ko.  Ang importante makain kita lalo na ‘yung ilalim na parte mo!

5. Halo

Ito ang masarap pag-eksperementuhan.  “Ilang porsiyento kaya ang Milo?  Ang Ovaltine?  Ang Asukal?  Lagyan ko na rin kaya ng Sustagen?  Ay sandale baka pwedeng lagyan ng konting Tang.  Ay Birch Tree nalang!  Siguro pwede ko ring lagyan ng tatlong kutsaritang tubig para mag-iba nang konti ang texture!”

Pinapak niyo rin ba ‘yung kulay dark brown na ginagamit sa paggawa ng champurado?  Masarap din ‘yun e.

– Tenco


Ang kapal ng mukha mo Tenco kung pati Sustagen pinapapak mo! Ang mahal kaya niyan. Kung magkaroon man kami sa bahay niyan eh bihirang-bihira lang kaya hindi ko naisip papakin yan kasi ayaw ko agad maubos. Gusto ko masulit ko bawat butil niya sa pagtimpla.

Walang pinipiling oras ang pagpapak. Puwedeng pagkagising pa lang, habang nanonood ng telebisyon, bago kumain ng tanghalian, pagkatapos kumain ng tanghalian o kahit ano pang oras yan.

Ang dabest talagang papakin eh ang kombinasyon ng Milo, gatas(powdered) at asukal. Paghahaluin mo lang yan sa isang maliit na mangkok at solb na. Pagkatapos mo pumapak nito eh may maiiwan pa talaga sa singit-singit ng ngipin mo at parang bungi ka. Medyo pasimple lang sa pagkain kasi baka makita ka ng mga utol mo at siguradong gagayahin ka nila. Kapag nangyari yun eh siguradong mapapansin na kayo ng nanay niyo at kalaboso kayo.

Tiknay: Tikboooyyy!!! Ano na naman ‘tong pinasimuno mong pagpapak ha?!

Tikboy: Eh Nay konti na lang kasi yung tirang Milo kaya kinain ko na lang rin.

Tiknay: Anong konti ang tira?! Tirahin ko kaya mukha mo ha! Eh kakabili ko lang niyan kahapon eh. Mawawalan na naman kayo ng ganang kumain ng hapunan niyan.

Tapos tatawanan ka ng mga utol mo habang tuloy lang sila sa pagpapak. Namapak rin sila pero ako lang ang napagalitan dahil ako raw ang nag-umpisa at ginaya lang ako. Kaya kailangan talagang ‘wag mo na lang ipakita sa mga utol mo o kaya naman sila ang paunahin mong pumapak bago ikaw.

Kung wala namang Milo eh ayos na rin sa’min ang gatas at asukal lang. Yun rin naman ang nilalagay sa iskrambol ni Manong kaya masarap rin.

Mayroon rin namang ulam na mahilig naming papakin. At alam kong lahat kayo pinapak niyo rin ‘to imposibleng hindi. Ito ang hotdog. Pagkalagay pa lang sa mesa ng nanay ko eh naka-abang na ang mga tinidor naming mag-uutol. Medyo pumapayag ang nanay kong pumapak kami ng hotdog kasi totoong pagkain naman yun pero syempre hindi pa rin puwedeng ubusin lahat at kailangan magtira para sa kanin mo.

Tiknay: Tikboy ano na naman yang pinapapak mong Milo?!

Tikboy: Si kuya nagpasimuno, nay..

Tiknay: Ah ganun ba nasaan ba yang kuya mong yan at makutusan.

Tikboy: Nasa kwarto ata, nay.

(Hehe makalabas na nga bago pa malaman ni nanay ang totoo)

– Tikboy

48 comments

  1. anakngpating

    base hehehe…

    ang naalala ko sa gatas at asukal eh ung iuulam natin pag walang ulam..

    may kanin tapos lalagyan mo ng alaska pwder milk at asukal saka mo lalagyan ng konting tubig instant pagkain na ..o kaya pag walang gatas, asukal lang pwede na..at xempre ang kape hindi mawawalang di din lagyan minsan ng kanin..

    at oo nagpapak din ako kapag meron ng mga yan..
    madalas ung peanut butter nipapapak ko rin saka ung keso..hehe..kaya nauubos agad palaman namen sa bahay..

  2. gusty

    hahaha..tama sarap talaga magpapak ng halong ovaltine at asukal…ayaw ko pa lagyan ng gatas, galit ako sa gatas dati eh kaya kahit sa pagpapapak ayaw ko nun…pero nung matikman ko yung oats na nilagyan na powdered na gatas ok na..

    sa ulam naman pag paborito ko ang ulam tinitipid ko talaga yung sinasabay ko sa kanin para pag ubos na yung kanin, madamidami din akong mapapapak…

    yung tablea b yung sinasabi nyong hinahalo sa champorado?..akala ko dati parang flat tops lang yun eh sinubukan koong papakin pucha ang pakla pala napadura lang ako…

  3. alasais

    Justin,

    Ang galing ng teknik mo! Hindi mo pa ginawang obvious kaya nag-kanin ka pa no?

    Hindi ko talaga alam ‘yung tawag dun sa ginagawang champurado e. Pero masarap din talagang papakin ‘yun.

    – Tenco

  4. jeds

    si tem-i naman ang absent!

    oi tenco di lahat ngpapak ng asukal ah! never kaya ako nagpapak nun. although mahilig ako sa matamis. pero pareho tayo sa cerelac, wahahahaha. nakakalahati ko din ang tinimpla kong cerelac para sa kapatid bago ko ibigay sa kanya. anung peryborit mong flavor? ako banana wheat! saraaap!

  5. DEADPOOL

    haiii… kaka’miss kayo!
    miss ko na yang pagpapak na yan! natatandaan ko dati nung 1st time ko! eh talagang latigo inabot ko sa nanay ko! kasi poor pa kami nun kaya talagang di maubusan ng asukal… eh ang sarap papakin tapos nagiging hyper pko! pero di ako tnablan ng gulpi kasi parang abnormal ako nun! iniilagan ko ng parang matrix sa sobrang asukal sa katawan ko…
    at eto pa nung pnapak ko ung ovaltine gnawa ng nanay ko bnubdbod sa kanin sabay sigaw ng isabay mo sa kanin para mabusog!
    ayun sapul na sapul!
    kaka’miss pero dito sa ibang bansa pwede mo papakin kahit anong nasa ref. di ka nga lang makakakain ng kanin! kasi puro patatas! hala sige papakin ang patatas!
    hä då

  6. jew

    asan na si Tem-I? huwaa. Oo ako rin dati at hanggang ngayon trip na trip parin ang pagpapak.. naiintriga ako. anong lasa ng birch tree na gatas? haha. agree nga pala ako na mas masarap ang ovaltine sa milo pag pinapak🙂

  7. alasais

    Jew,

    Hindi ko alam kung anung klase ‘yung pagkasarap ng Birch Tree basta ang naalala ko lang e hinahanap ko parati ‘yung lata nito kapag nag-g-grocery kame nina mama. Unique ang lasa niyan, walang katulad!

    – Tenco

  8. bulakeño

    ako, paborito ko ang mais na durog na galing sa rasyon, binubusa tapos hahaluan ng asukal, tapos magbibilot ng papel.

    doon ilalagay ang binusang mais na may asukal. bubutasin sa dulo, saka un ang itataktak sa bibig. heheh

    mantekilya at asukal sa pandesal, minsan naman, bubutasin sa gitna ang pandesal at saka pupunuin ng gatas na malapot (liberty, meron kasi libre supply galing sa auntie ko)

  9. K

    i agree with tenco. mas masarap ang ovaltine kesa milo.
    sarap ng ovaltine pag pinahanginan ng onti tas pag tumigas na tsaka mo papakin. ayos. matigas tigas na. ankyut kainin.

    dati pinakain ako ng kanin na may sabaw na gatas. naiyak ako. haha. kasi ung aso namin peborit un kaya feeling ko aso nadin ako. parang tanga lang. mas ok pa cocojam + rice. sticky.

  10. alasais

    K,

    Aba aba, mahilig ka sa matigas at sticky.. hhmmm.. biro lang. Haha ayos ‘yung pinahanginan ang Ovaltine a! Oo nga pag tumagal-tagal e nagiging parang kendi. Mahusay!🙂

    – Tenco

  11. LaRa

    nakakatuwa talaga tong mga blog mu..

    kaya eto makikiepal sana sa inyu..

    pangalan ko eh lara,

    tawagin yu kong apeng, para naman di dyahe sa inyo!😀

    nga pala, ako mas gusto ko milo,
    di ko type ovaltine, pati cerelac?
    nyay??!!

    hehehe

    try nu mamapak, kanin saka milo..
    yumyum!

  12. andreidae

    weeehhh…

    wers Tem-i??

    absent??

    newiez..ang pagpapak..bow…masarap talaga mamapak ng ovaltine..mas 3p kuh din xa kysa milo eh.. natuwa nman akuh ky K..feeling nya aso xa??waheh..auz lng yan..enjoy nman ang gatas + rice db??

  13. nadoganado

    hehe ang lupet naman ng blog n to.

    ako naman dati nahilig s kending ‘nerds’ n grapes ung flavor. from wonka ata un. ung nsa box n maliit. eh medyo may kamahalan. kaya un tinry ko ung tang. dun nagsimula ang pagpapak ko ng tang. hehe. medyo magkalapt namn ung lasa. mahilig din ako mamapak ng peanut butter. nakakabili kc samin ng 5pesos nun n nkalagay s plastik labo kaya kht araw araw pwede. hay sarrraapp!

  14. balotlot

    korek cerelac sarap papakin nun noh…

    huwaw sosyal tlg c tenco pti sustagen eh ndi nya
    pinalampas pti yun pinapak niya…

    hmmm rich kid ba c tenco hahaha?

  15. DEADPOOL

    tenco…
    parang ikaw lang ang aktib ngaun! at parang nalulungkot ang dalawa? nkakulong ba sila o inutusan ng mga magulan nila? pasundo ko na kaya sila kay Rogelio Maglicmot(kapitan sino?)
    hehehe! anyways! gulpi sarado mga patatas dito sa sweden! at ang malupit pa walang patawad ang pag gawa sa kanila ng iba ibang klaseng pagkain na pwedeng nguyain kulang na lang gawin silang pambala sa nuclear bomb! ganyan sila kalupit pumapak dito! parang nandidiri nga ako papakin mga patatas eh! parang kamote na din kasi!
    haiii… kaka’miss pinas! lalo na ung workplace ko na rooftop!
    papak lang ng papak!
    i love you all!!!

  16. alasais

    Apeng,

    Natutuwa rin kami at umepal ka dito.

    Masarap nga ang kanin at Milo tapos lagyan mo na rin ng konting gatas para mas masarap.

    Epal lang nang epal.

    – Tikboy

  17. alasais

    Nadoganado,

    Maraming salamat sa malupet mo ring komento.

    Lalo kaming gaganahan magsulat niyan kung palagi kang tatambay dito.

    Kaso nga lang Tang? Ang asim nun ah. Ayos sa trip.

    – Tikboy

  18. alasais

    Deadpool,

    Nakakulong si Tem-i dahil nahuli siyang namboboso sa MEN’S CR sa Isetan kaya pagpasensiyahan niyo na.

    Ayos pala diyan sa Sweeden at parang lugaw lang ang french fries.

    – Tikboy

  19. LaRa

    tEnco

    mAsArap tALaga, LaLo nA pG mAinit iNit pA uNg kAnin..😀


    tiKbOy

    uU, Lagi nA kOng eEpAL diTo sA bLog nYu..

    nAkAkAtuWa eH, LaHat aTa EpAL..

    hEhe

    -A P E N G (^^,)

  20. nadoganado

    tenco,

    ang totoo matagal n akong tumatamby dto nakikibasa hehe.

    ung s tang eh di naman masyado maasim kasi ang ginagawa ko parang nerds, unti-unti lng din.

    salamat nga pla s malulupit nyong entries dito. hehe. sarap magbsa d2 lalo nat nagpapapak k. sana marami pa akong mbsa d2.

  21. alasais

    Nado,

    Marami ka pang mababasa rito pare. Kung may gusto kang pag-usapan e sabihin mo lang din. Chiks baka gusto mong pag-usapan, maraming kwento si Tem-i diyan. Saksakan ng ano ‘yan e.

    – Tenco

  22. DEADPOOL

    daming chix dito… kaso di marunong maligo… once a week kung maligo! pero sakto lang! ang gaganda! panis mga artista satin! hehehe! kung alam nyo fs ko! makikita nyo tambayan ko dito! makikilala nyo din evil stepsister ko! syet! ganda ng stepsis ko! hehehe! kamukha ni fergie!

  23. Bam

    Wahhh…ang dami kong na-miss na blog. Pasensiya na mga kuya. Anyway, summer pa rin dito…at kapag summer naalala ko masarap nga mamapak. Favorite ko rin ang hotdog…TJ dapat!hahaha. Kuya Tenco, parang kadire naman yung halo na may tang at sustagen??? hehehe

  24. halee

    ung kanin at milo, na-try ko na… hehe bumabagyo nun at ewan ko kung bakit un ang pinakain sakin… masarap nmn…may powdered milk pa ata un…

    cerelac? hindi ko lang gusto lasa nun…hehe

    you really make interesting stories out of simple topics… hehe funny pa…

    saang school ka graduate? biglang ganun eh…hehe

  25. alasais

    Halee,

    Interesante kasi ang buhay-bata e! Woohoo! Hay ang saya talaga..

    Salamat Halee, don’t worry, you’ll know more about us. Soon.

    – Tenco

  26. grasi

    namapak naman. panalo ung nido at asukal habang nanonood ng shaider😀 un nga lang mejo magrarakenrol ang tyan mo kahit pa sundan mo ng madaming tubig.

    pero ang di ko maintindihan eh ung batang kapitbahay namin. buhangin ang pinapapak nya. panalo.

  27. grasi

    tenco,

    di ko alam. di ko nasubukan eh. pero parang nasarapan ung bata kasi paulit-ulit nya ginawa un. at lumaking normal naman sya. subukan natin! baka magiging normal na tayo.

    grasi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s