6. Serbis

“Serbiiiiissss!!!!!!!”

Ayan na!  Takbuhan na ang mga bata.  Unahan na sa pagpunta kay Manong Serbis.  Kaladkaran na ng mga stroller at rectangle na bag na may apat na maliliit na gulong na tinutulak o kaya hinihila na laging sumesemplang.  Ano ba tatak no’n?  Hawk o Tuscany?

Anyway, madami sa atin ang nakaranas na magkaroon ng serbis lalo na noong nasa elementarya tayo.  Madaming uri nito.  May Sarao o Morales na jeep, bus, Ford Fiera, van, L300, tricycle hanggang sa pedicab.  Halos lahat ng sasakyan ay pupwedeng gawing serbis.  Nasubukan kong maging serbis ang lahat ng binaggit ko pwera lang ang pedicab dahil ang drayber ng pedicab samin ay 85 years old na at mas mauuna pa akong makarating sa skwelahan kung maglalakad ako.  Kaya pasensya na Mang Rogelio, ayoko ma-late e.  O eto na lang po, “nga-nga” para sa asawa nyo.  ***”Nga-nga” nga ba ang tawag dun sa tabakong nginunguya ng mga matatandang lola na walang ngipin at naka-daster na walang bra’t panty?***

Sa serbis din nagsisimula madalas ang romansa sa pagitan ng dalawang bata.  Walang humpay ang asaran sa serbis dahil pati si Manong Serbis ay nakiki-kanchaw din sa mga bata.  Dati ay kinanchawan ako ni Mang Johnny.  Tinutukso niya ako kay Shirley, yung madungis na batang laging blue ang dila dahil sa candy.  Sa sobrang asar ko ay pabulong ko na lang na sinabi sa drayber, “Tangina mo, bungal!”  Nakita ko si Shirley nung isang buwan at ibang -iba na siya.  Anlaki ng pinagbago niya.  Lalaki na siya.  Biro lang.  Actually, lesbiyana na siya ngayon at madalas ay nakasuot ng maluwang na FUBU shirt.  AT…nakita ko din si Mang Johnny.  Nakapustiso na ang hunghang at mas maputi pa ang ngipin sakin.  Haay, tangina talaga niya.

May mga mababait at cool din namang drayber ng serbis.  Nagkaroon kami noon ng drayber na tumitigil sa isawan o kaya sa sari-sari store para pagmeryendahin ang mga bata.  Bibili kaming mga grade 2 ng isang plastik na bazooka at ang mga hayskul naman sa serbis namin ay bibili ng isaw.  Pagkakain ng mga hayskul ay bibili naman sila ng Judge na babol gam para fresh breath nanaman sila sa mga babaeng hayskul na bakat na bakat ang mga sando-bra.

Ang ibang mga serbis ay mayroong kunduktor.  Mas madaladal ang mga kunduktor na ito at mas updated sa mga chikahan sa iskul.  Ang malupit lang ay sila ang hari ng burautan!  Hinihingi nila ang mga tirang baon ng mga bata para kainin!  “May Zest-o ka pa diyan, Tem-i?  O ikaw, Leng, akin na yang Regent Mocha Cake mo (also in Ube and Pandan)!”

Madami pang ala-ala tungkol sa mga serbis.  Pakinggan din natin ang mga eksperiyensiya nung dalawang anak ng kunduktor na sina Tenco at Tikboy.

– Tem-i


“Pip pipip-pip pip pip pip!!!” ang busina ni Mang Vic sa tapat ng bahay namin.

Alasais ng umaga ko maririnig ang businang yan kaya dapat eh bihis na ko bago ang oras na yan.  Nasa may gate pa lang ako eh sasalubungin na agad ako ng kundoktor na si Kuya Kokoy para buhatin ang bag kong sasabog na sa dami ng laman.  Bilib ako sa mga kundoktor nun dahil sa diskarte nila sa pagpwepwesto ng mga bag.  Alam nila kung saan ilalagay ang bag mo, depende sa laki at kung pang-ilan kang sasakay o bababa.  Ang mga matitigas na bag eh syempre nasa ilalim at nakapatong dun ang mga backpack o basta malambot na bag lang.  Kung una kang bababa eh nasa bandang labas lang ang bag mo at yung malalayo ang bahay eh nasa kaloob-looban naman.

“Save!  O ako na dyan ah!”  ang sabi ng ka-serbis kong baboy na si Den-den sabay lagay ng coleman sa dulong upuan.

Kapag dumating na ang serbis sa iskul para ihatid kayo pauwi eh may mga magugulang kang ka-serbis na nag-aabang na at mag-uunahan sa kani-kanilang paboritong pwesto sa serbis.  Kadalasan dyan eh nakukuha agad ang dulong pwesto sa may babaan.  Bitbit nila ang kanilang coleman, baunan, maliit na bag o minsan eh kahi libro lang.  Ilalagay nila sa paboritong pwesto at yan ang kanilang palatandaan na sila na ang nauna dun.

“Uy thank you ha…Sige sakay na ko.  Babay!”  ang sabi ng hayskul na si Angela sa manliligaw niyang mukhang butiki na feeling gwapo na si Jay-R.

Dito rin sa serbis makikita ang mga  panliligaw at pagpapakyut ng mga estyudante(kadalasan eh mga hayskul).  Syempre klasik sa diskarte ng lalake ang pagbubuhat ng bag (kahit hindi naman mabigat) ng babae at ihahatid sa serbis.  Yan ang mga huling sumasakay ng serbis dahil sinusulit nila ang pagliligawan hangga’t hindi pa umaalis ang serbis.  Swerte ng lalake kung ka-serbis niya rin ang nililigawan niya.  Hindi niya lang maihahatid kundi matatabihan pa.  Kahit sobrang ingay sa loob at amoy pawis eh walang epekto sa kanila yun.  Nakangiti pa rin sila at parang walang kasama sa loob sa paglalandian nila.  Yan ang puppy love!

Eto napansin ko lang.  Kapag papasok pa lang sa iskul eh tahimik pa ang loob ng serbis pero kapag uwian na eh walang humpay ang kaingayan at akala mo eh palengke on wheels.

– Tikboy


Marami akong naging kaibigan dahil sa serbis na ‘yan e.  Kadalasan, hindi ko kaklase ang mga naging ka-serbis ko.  Hindi ko alam kung maiinis ako e.  Wala talaga akong puwedeng pagtanungan ng assignment kung sakali mang makalimutan ko.  Joke lang.  Nung elementary naman tayo wala naman sigurong gumagawa ng assignment sa loob ng serbis habang papasok sa skul.  Style lang ‘yun ng mga korning hayskul.  Ganito ang kadalasang eksena sa loob ng serbis sa umaga:

– Tahimik na mga batang nakatingin sa bintana.  Walang tumitingin masyado sa kisame o sahig ng sasakyan.

– Mangilan-ngilan ang mag-uusap pero tungkol ‘yun sa mga laruang teks o trumpo nila.  Minsan, may maglalaban pa talaga sa loob ng serbis, na parang walang ibang tao.  ‘Yung mga babae naman, nag-t-trade ng mga alagang kisses.

– Si Raymond na parating tinitira ang baon niyang mamon at Zest-O.  Sabi ko, “Hoy palitan mo na flavor niyan!”

– Ang konduktor (assistant) na parating nakasabit kahit maluwag pa sa loob

– Si Christian madalas matae kaya halos parati kaming na-l-late!

Dito lumalaban sa kasikatan ang mga tricycle.  Sa skul namin e halos mas maraming tricycle ang nagseserbis.  At talaga nga namang tuwang-tuwa ako dahil parati akong nakakaupo sa harap ng motor.  Tapos kapag nasa kalagitnaan na e sasabihin ko, “Pa-drive naman!”  Ipapasubok sakin ni kuya Mario ang tricycle at makakapagmaneho ako sa loob ng isang minuto!

Parang tatay-figure na rin ang mga drayber ng serbis.  Sila ang nagsusuot ng kapote sa atin kapag maulan.  Sila ang tagabuhat ng mga bag natin at ihahatid tayo hanggang sa tapat ng klasrum.  Nanlilibre pa talaga sila minsan ng dirty ice cream.  Muntik na kong umiyak nun kase pinagalitan ako.  Bakit daw hindi ako nagpaalam sa kanyang maglalaro pala muna ako, hindi tuloy siya nakapasada.  Bulong ko naman, “Tangina mo tatay ba kita?!”  Joke lang.

Swerte kapag nasasakyan namin si manong serbis kapag weekend.  Talagang libre e!  Naalala ko pala dati, nung pauwi na kame galing skul e may sumakay na pasahero sa jeep ni Kuya Ted at talagang hindi niya pinababa.  Ayun, instant long-cut kame, iba ang ruta e.

Makulay ang eksena sa mga serbis kapag September.  Dahil madalas umulan noon kapag uwian, dali-dali at excited kameng magsusuot ng kapote at takbuhan kame papunta sa jeep.  May nadadapa, nakakaiwan ng notbuk, at nakakaalalang hindi pala sila nakapagdala ng kapote.  Syempre hindi na tatanggalin ‘yung mga kapote sa loob ng jeep.  Tapos magte-teks nanaman ‘yung dalawa kong ka-serbis na parang walang ibang tao sa loob.

Sa loob din ng serbis nalinang ang malisyoso kong utak.  Masarap kapag may katabi kang chicks.  Kinder 2 ako noon at Grade 1 naman si Christine.  Natutuwa ako kapag katabi ko siya at kapag pinapaubos niya sakin ang kanyang Zest-O.  Dahil sa may autograph book ako noon, siya ang una kong pinagsulat.

– Tenco

76 comments

  1. mishes

    di ako nakarelate.. di nakaranas ng serbis eh.. hehe..

    tenco: kaaliw naman.. kinder 2 pa lang may malisya ha.. hehe.. joke..🙂

  2. alasais

    Diona,

    You’re welcome kahit hindi namin alam kung ano ang ginawa namin. But I’m assuming you enjoyed this blogisode?

    Salamas!

    Tem-i of Alasais

  3. andreidae

    hai..ang cool tlga.. it’s so nice to be back..

    nag enjoy n nman akuh d2..

    naalala kuh ang aking elementary days..pti h.s..xe wlang ptawad ung mommy kuh ayaw akuh pkawalan eh..prang wlang tiwala..takot mawalan ng unica hija… akalaing hnggng h.s nka service pdin akuh…tsk3…pwo ayoko tlga smasabay pag uwian na xe di akuh mkkgala with mah friends..

    keep it up guys!!!

  4. alasais

    Andreidae,

    Sabihin mo nalang sa nanay mo may project kayo kaya hindi ka muna sasabay sa serbis. Kaso mahirap ‘yun kung araw-araw mong gagawin.

    – Tenco

  5. alasais

    Andreidae,

    Hindi lang ikaw ang nag-iisang hayskul na nagservice kaya wag mag-alala.

    “Huwag kang mag-alalaaah, may nagmamahal sayho, nan-diiiiiiiito akooooOOOOHH whoa!!!”

    Tem-i of Alasais

  6. N

    wala kaming serbis mula nung elementarya hanggang magkolehiyo, woking distans lang naman kasi yung bahay namin sa eskwelahan, pero madami akong naririnig na kwento sa mga kaklase ko. Yung dalawang kaklase ko nung hayskul, may anak na, at naging close sila dahil sa serbis.

    tenco,

    masyadong maagang nagising ang iyong makamundong kamalayan. :))

    isipin mo yung kinder 2 pa lang >.<

    -N

  7. photosynthesis

    hahaha. nakarelate na naman ako.
    batang serbis ako.. ang di ko lang ata nasakyan na service ay ang pedicap at bus. hahaha!

    hanggang 3rd year high school nakaservice ako. tsk. kahiya.

  8. alasais

    Judith,

    Ipagmalaki mo ang pagkakaroon ng serbis!🙂 Uhm, ikaw ba ang pinakamatanda sa kanila? At least pwede mong kainin ang mga baon nila ^_^

    – Tenco

  9. emilayskie

    Waaaa.. Naku! I’m 6 comments late. Huhu.. Sorry Tikboy. T___T Naaliw kasi ako sa paglibot sa sunken garden at pagkain ng isaw today. Sensya na.

    Serbis, hindi ako nakaranas nyan nung elementary dahil 100 meters lang ang layo ng school namin sa bahay namin pero noong highschool nagkaron din ako ng serbis. Wala akong love life sa serbis dahil ang papangit lahat sa service (kasama ako dati doon LOL) tsaka di ko iniisip mga puppy love na yan then dahil focus ako sa aral (nakanang) pero totoo talaga yang mga nagkakaligawan na yan. Yung pinsan ko sandamukal na-link sa kanya na ka-serbis nya, di ko kasi sya ka-serbis, pero lahat dedma nya lang. Di nya kasi alam kung pano magre-reply sa mga love letters. Sasabihin nya lang lagi “Pwede friends na lang?”

    Pero ang di ko makakalimutan sa serbis ay yung lagi kami nale-late kapag ang isa sa aming mga ka-serbis ay mabagal gumalaw. Kakapikon talaga kapag ganun. Pinapapila lahat ng late tapos pinapag-duck walk papasok ng grounds. LOL. Lahat kami magkaka-serbis. Putik! Sino ba kasi naka-imbento ng itik walk na yan?

  10. pilya'tpasaway

    I can relate.😀 totally!!😀 as in highest level!!😄

    nakakatawa pa yung mga highschool, iniintriga naming mga bata.. “ate Karen, boypren mo yun ano??” tapos sagot nya: “hindi ah!” sabay smile at blush… at sumaglit ulit si boypren na bumulong ng alabyu… aaayy!! kay tamis!!!😀

    yung mga bitter namang walang boypren, karipas ang daldal na kesyo malandi daw yung kaserbis naming babae… siguro nga, pero may halo na din naman sigurong inggit yun..😀

  11. mushimoo

    serbis?
    nagkaron ako nan hanggang grade six ako.
    nakakatawa nga e.paunahan pa lahat sa unahan. tapos sosyal yung serbis namin..nagtitinda ng tsitsirya yung may-ari eh. pinagkakakitaan ang mga bata. e syempre, konti lang naman ang pera namin.ayon.ang haba tuloy ng listahan namin ng utang. tapos kapag bayaran na ng serbis, magugulat n lang ang nanay ko kasi ang dami ko ng utang. mali nga yun eh.naeexpose na ang mga bata sa “utang”. diba?hehe.

    tapos alala ko, nasabay ako sa 6:00 serbis.by batch kasi yan diba? e para makapaglaro ako ng matagal kasama yung mga kaibigan ko, sa late batch ako sumasabay. e syempre, sobrang pagod na ako non diba? haha. e ako yung huling hinahatid. kapitbahay ko lang kasi yung driver, tsaka yung may-ari. ayon. natutulog ako sa serbis ko. hanggang sa tumutulo na laway ko sa sobrang himbing ng tulog ko. =)

  12. alasais

    Mushi,

    Haha oo, by batch nga pala ang serbis. Ako hindi ko kilala ‘yung mga nasa ibang batch e. Bihira lang din ako umupo sa unahan. Usually nakapwesto ako sa likod ng driver, o ‘di kaya sa bandang dulo sa likod.

    Ang ganda ng pagkakasulat mo ng alaala mo sa serbis. Looking forward to your future comments.🙂

    – Tenco

  13. alasais

    Mushi,

    Tama ka, sa serbis, merong 1st trip at 2nd trip..miinsan ay may 3rd trip pa kung mabait ang serbis mo. Nagtinda din minsan yung serbis namin pero tumigil dahil kinukupit namin ang mga chichirya niya kapag may sinusundo siya sa gate.

    Iniimagine kitang tumutulo ang laway sa serbis. Sexy…

    Tem-i of Alasais

  14. Bam

    Serbis? nakaranas ako nan syempre…ewan ko ba bakit ang layo ng bahay namin sa mga schools!!! Anyway, daig pa kita Tem-i dahil naranasan ko rin ang pedicab nung transferee ako nung grade 6(at mag-isa lang akong transferee kaya kilala ako ng lahat). Un lang ang dyahe dahil sa grade na yun nag-dadalaga nko pero service ko pedicab!!!hayup. Pero sulit naman kapag nakatabi ko yung Fil-Am na kapitbahay namin (pero hindi kami nag-uusap the whole time.hehe)… Namiss ko rin si Mang Janggo na service ko na simula kinder pako…Ako nga pala ang laging late sumakay at laging hinihintay ng mga ka-service ko dahil ang bagal ko daw kumilos nung bata pako..Nakakahiya rin yung nakasakay nako eh hinahabol pa ng nanay ko si Manong Janggo para painumin lang ako ng milo or vitamins…hayyy….Pero tama si Ten-co…parang naging tatay na rin ang turing ko ke Manong Janggo…ang bait ng matandang yun!!!Ano na kaya nangyari dun?

  15. alasais

    Bam,

    Haha! Nakumpleto mo ang mga types of serbis! talo mo nga ako hehe. Janggo eh no? Mukhang hardcore yang drayber nyo a.

    keep enjoying Alasais!

    Tem-i of Alasais

  16. jeboy

    @ tenco anak ng mga kisses amp.. yung iba tinutusok pa ng karayom para daw mabuntis… hahaha!!

    nung di pa ko nag-aaral nauuna pa ko sa mga kuya ko umakyat sa serbis nila.. tapos lagi ako pinapababa ng mga konduktor sa jeepney serbis nila.. nung nag-aaral nako.. naghihintay ako ng jeep.. yun pala tricycle serbis ko.. amp!
    simula elementary hanggang hayskul tricycle serbis ko.. iba iba lang… si mang boning na laging sinisigawan ng mga kapwa driver ng “tangna mo buwaya!!” sasagot siya “serbis to gago!” kaya pala buwaya si mang boning.. kasi kumukuha pa siya ng pasahero at inihahatid pa bago kmi ihatid sa bahay..palibhasa 2 lang kaming magkaserbis dati.. tpos pag di na kasya dun ako sa harap niya sabi “gusto mo magdrive?” edi isisiksik niya ko dun sa may tangke ng motor at yung kasama ko sa backride (astig daw kasi kapag nasa backride, matapang) ayun.. mas marami siyang pasahero.. tricycle pala namin yun.. at dindaya niya pala boundary niya.. hayup na yun… sunod si mang rey.. nung mag high school ako mas madalas kong ipahatid yung bag ko kaysa sarili ko.. kaya nagagalit nanay ko.. si mang dodi naman.. ang msasabi ko lang.. mabait maghintay.. dumrating kasi yun.. di pako naliligo… kaya lagi siya naghihintay… ang mga serbis kong npagdaanan.. lahat tricycle drayber.. si mang rey lang ata hindi nasisigawan ng buwaya!!

  17. alasais

    Jeboy,

    Okay ang kwentong serbis mo a. Mang Boning idol! Kahit mukha kang buwaya e maganda ang business strategy mo! Pero hindi ko naranasang magpahatid ng bag a, pwede pala ‘yun. Galing mong mag-isip pare!

    – Tenco

  18. jaykirsten

    SERBIS….ang lagi kong naaalala jan eh yung si KEVIN na laging tumatae sa serbis kaya mabantot tuwing uwian,,hahah!!! si mang danny na pumuti ang buhok kakahintay sa amin ni kathy…
    mag aagawan kami sa upuan sa harap kase mainit sa likod haha!,,L300 kase yung serbis nmen..sa tabi ng driver may electric fan kaya mag uunahan tlaga,,haha!

  19. Bam

    Tenco,

    Oo nga alagang-alaga..bunso kasi.hehe…Anyway, kakatawa ka naman kuya. May malisyosong utak ka na nung kinder 2 ka pa lang!!!hahaha

  20. batang adik

    hindi ko naranasan ang magkaroon ng serbis, pero ung mga kaklase ko nung elementarya may sundong pedicab. Naalala ko pa, ang tindi ng selos ko dahil laging katabi ng uhuging kakalase ko ung crush ko..

  21. alasais

    Batang Adik,

    Huwag kang magselos sa kanya dahil siguradong lagi niyang nakakain ang uhog niya pag dinidilaan niya ito. Maswerte ka pa din.

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  22. Toni

    Aist! It’s an art! 😄

    May iba-ibang kulay pa yan. Pero favorite ng marami yung berde. Ilalagay ang isa sa bulak na may rubbing alcohol tapos ipapasok sa lalagyan ng film… yung parang cube na mahirap buksan.

    Pa-minsan, tinuturok pa ng karayom para “gumana”. Hahah.

  23. andreidae

    tenco,

    yeah ngawa kuh n yang palusot na yan..nagtataka lng nanay kuh xe bakit inaabot daw akuh ng 10pm kggwa ng project at kung bakit daw halos everyday.. at gawain kuh din ang magpahatid lng ng bag kuh sa serbis pauwi..para hindi dyahe pag gala..auz..tamad tlga akuh mgdala ng bag..

    Tem-i,

    pareho lng b tau??tipong ggraduate kna ksama muh padin c manong drayber?? bad3p tlga un..basag 3p c manong..”Andrea!! uuwi na tayooooooh!!!!!”

  24. alasais

    Andreidae,

    Oo naman. Actually, Si Manong Drayber ang nagsabit ng medalya ko nung graduation nung manalo akong “Most Punctual!”

    Tem-i of Alasais

  25. jaykirsten

    tem-i,

    actually, college na rin sya ngayon… naghiwalay na ang aming mga landas pero malinaw pa rin sa aking mga gunita ang bakas na kaniyang iniwan ahahhahahah!!

  26. anakngpating

    trycicle lang yung naging serbis ko dati di ak nakaranas ng jeep o van L3,
    nung high school marunong na ko sumakay ng jeep kaya nag jijip na ko nun naalala ko pa yung pamasahe nun 3.50 ata yun o kwatro hehe …mura pa noh..mga saro pa jeep nun wala pang patok pero ngayon daming naglipana na patok hehe..off topic ata to.eniway mga sosyal na serbis ngayon…

  27. alasais

    Anakngpating,

    Sarap sigurong mag-inuman sa serbis na patok. O kung gusto mong magkaroon ng thrill ang biyahe ng mga chikiting mo e dun mo na rin sila ipa-serbis. Joke lang.

    – Tenco

  28. alasais

    AnakngPating,

    Masarap nga actually yung tricycle kasi para kang nagseserbis sa loob ng isang capsule, parang dragon ball! Ako naman ang naabutan kong pamasahe noon ay P2.00. Sarap ng buhay…

    Tem-i of Alasais

  29. emilayskie

    Sorry po talaga Tikboy. T__T Will try.

    Alala ko tuloy yung truck ng basura na dumadaan dito sa amin. Pag narinig na namin yung malakas na busina sa umaga sasabihin ng Mommy ko, “Anak, serbis mo.”

  30. anakngpating

    haha baka hindi ko ipa serbis mga chikiting ko maglakad sila mahirap ang buhay ngayon hehe..depende sa mapapasukan xempre kasi anjan naman ang lolo nila para mahatid sundo sila sa pamamagaitan ng bike na naka angkas ka sa harap ..naalala ko ganto pla kami nung high school sinusundo ako kaya wala akong naging manliligaw nun hahaha..:)

  31. alasais

    AnakngPating,

    Hahaha! Anak ka talaga ng pating! Halika, ligawan kita. Kung ayaw mo, basahin mo na lang ang blogisode namin entitled “Hatid Sundot, Sundo’t Hatid”

    Tem-i of Alasais

  32. anakngpating

    naku ikagagalak ko kung maliligawan mo ko tem-i sikat ata kayo sa blogshpere hehe xempre iba na ang may syutang artistahin hek3…nabasa ko na yan hindi lang ata ak nag comento hehe🙂

  33. TunYing

    Dalawang taon ko din naranasan yung mag-school service (First year to Second year highschool) biruin mo dalawang taon akong nagtitiis gumising ng 5am dahil susunduin kami ng service ng 6am. Kainis. Buti na lang may crush ako dun sa service namin one year ahead sya cute hawig ni gretchen barreto, kaya kahit pupungay-pungay ako bigla akong magigising. Naalala ko nga may pinormahan ako na ka-service ko. Cute sya at medyo chubby, kaso naturnoff ako kasi tuwing uwian, pawisan at ang dungis. Ganda pa naman… Tsk tsk tsk..
    Isa pang gusto ko sa service eh yung mga driver namin, dalawang driver ang nagpapalitan sa amin, si Pong Pagong at Manong Bay! Si Pong Pagong yung driver na ubod ng bagal magdrive, hindi ko alam kung dahil matanda na sya o dahil tinatamad din siyang pumasok ng maaga. Hindi lang yun, hilig niyang magpapatugtog ng OLDIES kaya naman naghihilik kami sa loob ng service habang siya eh enjoy sa pakikinig. Si Manong Bay naman ang fave ko! Bisaya kasi kaya Bay ang tawag sa kanya. Masayahin to at hindi boring. Mabilis pa magpatakbo na kala mo hinahabol ng sampung mobile patrol (exaggerated) at sa kanya ko unang narinig yung mga bastos na comedy tapes. Astig, kaya masasabi ko na sa kanya din ako natututo ng kalokohan at kabastusan (Manong joke lang)… hehehe…
    Isa lang ang bentahe at di-bentahe (di ko alam yung tagalog ng disadvantage) pag may service. Bentahe dahil kahit ano mangyari makakapasok ka kahit late at ang di-bentahe, WALA KANG EXCUSE PARA DI MAKAPASOK, except pag may sakit ka.

  34. alasais

    Allan,

    Okay lang kung marungis at pawisan, ‘yan ang silbi ng panyo mo. Parang artisang pinapawisan habang kumakanta tapos pupunasan mo nang nakangiti kayong dalawa. That’s Entertainment!

    – Tenco

  35. alasais

    Allan,

    Hahaha! Ok ang comment mo a! Parang blog na din! Kamukha pala ni Gretchen Barreto ang kaserbis mo ha! Tangina sana naging kaserbis na lang kita. Yung mga kaserbis kong babae kasi kamukha ni Richie D’ Horsie at Ungga Ayala e. Tsk…

    Anyway, ganda ng comments mo. Keep them coming! Donut Bay!

    Tem-i of Alasais

  36. TunYing

    To Tem-i:

    Hahahaha… Hawig ni Ritchie at Ungga? Hahahaha… Sa amin din naman meron – isang chimapnzee at isang elepante!!! Hahahahaha…

  37. alasais

    Tunying,

    Hahaha! Buti hindi ka na-quarantine. Si Tikboy, dati pinyansahan pa namin yan. Nahuli kasi ng DENR. Endangered species na daw kasi at Illegal possession of ugly face din kaya ang mahal ng pinyansa sa kanya.

    Tem-i of Alasais

  38. alasais

    Tem-i,

    Hahaha Illegal possession of ugly face! Gago!

    Tunying,

    Alam mo naman na ‘yung mga nang-aasar eh sila talaga yung panget. Nagkaroon ka na ba ng kaklaseng malakas mang-asar na pogi? Hindi pa di ba?

    – Tikboy

  39. Snowden

    Elementarya ako ng magkaroo ako ng serbis na tricycle.ok naman dahil wala ng haslecious na scenario habang nagaabang ng masasakyan..mabait ang serbis kong si mang j0e.kung napano0d nyo ang kingk0ng parang ninun0 nya yung ungg0y..kurip0t si mang j0e kahit 50cents na pishbol hindi niya ako nilibre..

    May kasama akong serbis niya din.ms dimple tawag ko sakanya dahil hindi ko naman siya kilala.dalawa na nga lang kami hindi pa kami nagkikibuan.gaddemmet hindi naman ako bad bret at wala naman akong put0k.hehehe.baka siya ang bad bret kaya ayaw nya ako kausapin.geez

  40. plowtee

    “Kapag dumating na ang serbis sa iskul para ihatid kayo pauwi eh may mga magugulang kang ka-serbis na nag-aabang na at mag-uunahan sa kani-kanilang paboritong pwesto sa serbis. Kadalasan dyan eh nakukuha agad ang dulong pwesto sa may babaan. Bitbit nila ang kanilang coleman, baunan, maliit na bag o minsan eh kahi libro lang. Ilalagay nila sa paboritong pwesto at yan ang kanilang palatandaan na sila na ang nauna dun.”
    -Badtrip yung mga ganyan. Kaya pag nauuna ako, gumaganti ako! Bwahahaha!!!

    “Eto napansin ko lang. Kapag papasok pa lang sa iskul eh tahimik pa ang loob ng serbis pero kapag uwian na eh walang humpay ang kaingayan at akala mo eh palengke on wheels.”
    -Napansin ko din to. Parang nagkakahiyaan pag umaga. Tapos pag uwian na chismisan na talaga. Bakit nga ba?

  41. alasais

    Jekka,

    Baka naka-programa na sa brain cells ng mga batang ireserba ang lakas ‘pag tuntong ng eskwelahan. Late magising ang diwa.

    “O tulog pa yata ‘yang kukote mo Richie!”

    – Tenco

  42. snowden

    @plowtee

    ganito kasi yan…sa umaga hindi pa natin gaano natatanggal ang amoy ng natuyong laway at ang mga naninigas na muta sa mga mata kya ganun wala munang imikan,,,heheh…yan lang ang aking konklusyon

  43. adonis

    di ko matandaan kung may serbis ako non kinder kasi di naman ako nagkinder 5yo pa lang ako inaaccept na me sa grade 1 kaya tatanga tanga ako non grade 1 kasi di ko alam masyado ang abc hahaha.. mabalik tayo sa serbis halos pare pareho lang tayo ng karanasan sa serbis natin ahh di kaya iisa lang ang serbis natin. pero may naalala ako non tungkol sa serbis driver na si kua dodong at si ate bebang katulong nila G3 na kakulitan ko sa serbis..

    ganito ang narinig ko sa kanila

    dodong : ano bebang serbisan mo naman ako nabalitaan ko kay jose yon hardinero dyan sa tapat nyo nagseserbis ka daw.
    bebang : oo nagseserbis nga ako pero may bayad noh..
    dodong : bakit sinabi ko bang libre syempre magbabayad ako.
    bebang : sige sa sunday day off ko hintayin mo ako sa gate 4 ng 9am
    dodong : ok

    marami pa silang usapan noon mayaman pala si ate bebang sabi ko kasi may sarili syang serbis at sya ang nagseserbis…

  44. alasais

    Adonis,

    “Baket sinabi ko bang libre?! Siyempre magbabayad ako!” bwaahahahaha!!! Klasik na sagutan ng mga naka-duster at naka-sando!

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s