44. Bangkang Papel

Nung bata ako, dalawa lang ang major na bagay na ginagawa gamit ang pagtupi ng papel.

Eroplano at bangka.  Yun lang.

Well actually, lalo na sa mga babae, hindi lang yung dalawang yun ang kaya nilang gawin.  May gumagawa pa nga nung parang laro na pipili ka ng numero, kulay at ibubukas-sara nila gamit ang kanilang mga daliri tapos malalman mo kung mapapang-asawa mo yung kras mo o magiging boypren mo o magbebreak kayo o kung maaaprubahan ang SSS loan niyo pag nag-asawa kayo.  Parang bolang kristal na hindi naman bola kundi papel na nakatupi na parang puppet.

Mabalik tayo sa eroplano at bangka.  Eroplano muna.  Ang istayl ko, ganito.  Mamarkahan yung gitna ng papel na nakatayo para pagtupi mo nang “pabubong” (dahil magmumukha siyang bahay na may tatsulok na bubong) eh pantay na pantay siya dahil yun ang unang tupi.  Pag hindi pantay yun eh kalimutan mo nang lilpad nang maganda ang eroplano mo.  Tapos…teka, mahabang proseso.  Alam niyo naman na kung pano eh.  Basta, pag hindi lumipad nang maganda ay huwag agad mangamba.  May mga retoke kang pwedeng gawin para maging ok.  Never ako angretoke dahil sa “tupi sa gitna” teknik ko pero yung mga kebigan ko, eh magagaling magretoke, lalo na si Arjun na may pinakamalaking galis sa batok.

Pwede mong itupi ang gilid ng mga pakpak ng eroplanong papel mo na parang pang racing ang dating.  Mas astig din ito tignan.  meron namang gumagamit ng pencil.  Irorolyo ang pakpak sa pencil para maging pakurba ang pakpak.  Kadiri ang ichura dahil parang bigote ni Mr. Shuli ang pakpak pero kapag nagawa nang maganda (Monggol 1 ang gamitin, wag 2) ay epektib din at magiging swabe ang lipad.  Ikanga ng kaybigan kong skwating, “Swabi!!!”

Minsan guguntingin mo pa yung maliit na parte ng ilalim na hawakan para gumanda din ang lipad.  Hind ko alam kung epektib to pero sabi ng kaibigan ko, eh dapat kapag ginawa mo ‘to ay uminom ka ng mainit na Sprite habang pinapalipad to para gumana.  Swabing swabi.

Pwede mo din gamitin ang eroplanong papel para mag-ipit ng maliit na love note at paliparin papunta sa kras mo.  Siguraduhing sa kanya lalapag ang eroplano at hindi sa bully ng klasrum.

Teka, puro eroplano na to ah.  Bangkang papel naman katulad ng sabi sa title.

Ganda ng segment sa Batibot na may bangkang papel no?  “May maliiiit…may malakiiiiii…”

Ayan ang blog ko tungkol sa bangkang papel.

Dagdagan mo nga Tencorts!

– Tem-i


Haha tanginang bangkang papel na blog ‘yan.  Pinasadahan lang e.  O ganito.  Ay teka, gawin ko nga ulit muna, parang nakalimutan ko na e, haha!  Teka teka…

Ayun nakuha ko na!  Haha kaya pala, napaaga ang hila ko sa papel e.  Grade 5 yata ako nung huli kong ginawa ‘to e.  Anyway, hindi ko na i-e-explain kung pa’no ‘yo gawin dahil sobrang komplikado kung iisa-isahin ko ang mga salita.  Pero kung batang kalye ka, imposibleng hindi ka gumawa ng bangkang papel matapos mong matutunang gawin ang eroplanong papel.  Wala pa nga akong kilalang natuto muna ng bangkang papel bago ang eroplanong papel e.  Kapag maganda ang klase ng papel na gamit mo, lulutang ang bangkang papel mo sa kanal at aagusin ‘to habang sinusundan niyo ‘to ng mga kalaro mo.  Tapos magagalit ‘yung last touch na kapitbahay niyo dahil mababarahan nanaman ang kanal nila.  Kapag nagkakarerahan kame ng bangkang papel, kukuha kame ng straw ng sopdrinks para ipang-hipan sa mga bangka.  Lugi kame kay Marcong hikain kase ang lakas ng bwelo at buga ng hangin niya e.  Tapos sasabuyan ng buhangin ni Eric ‘yung bangka niya tapos biglang lubog.  Hahaha talo ka buhay ka pa!

Buhay na ang kalahating oras ko kakapalipad ng eroplano.  Klasik na klasik ‘yang Mongol teknik ni Tem-i.  Usually ginagamit ko ‘yan ‘pag Batman ang eroplano ko e.  Kelan ko nga ba natutunan ‘to?  Grade 6 na yata.  Mas swabe ang lipad ng mga Batmang eroplano ko kesa klasik na tupi ng eroplano, ‘yung tipong tataas sa ere sabay summersault.

Tem-i, ano ‘yung sinasabi mong laro sa papel ng mga babae?  ‘Yun ba ‘yung may apat na suotan ng daliri?  Ang sarap magpahula sa ganyan eh.  Parang nakakabuo sila ng kwento gamit ‘yung papel na ‘yun.  Astig!

Eto ginawa naman namin sa klasrum:  paper gameboy.  Pinaangat namin nang konte ‘yung papel tapos may pindutan para pagalawin ‘yung maliit na hinilamukos na papel sa ibabaw.  Dadaan-daan ‘yung maliit na papel na ‘yun sa mga obstacles na dinrawing namin sa gameboy na papel.  Nakakaadik din ‘tong laruin kase madaling gawin e.  ‘Pag nagsawa na kami e gagawa ulit kame ng eroplanong papel tapos papaliparin namin galing sa 3rd floor ng skul pababa.

– Tenco


Ang laking bagay talaga ng papel sa buhay natin noong mga bata pa tayo. Maliban sa nadro-drawingan natin siya eh natutupi rin para gumawa ng iba’t-ibang bagay. Siyempre ang top 2 sa listahan natin ang bangkang papel at eroplano. Meron pa bang mas dadaming sinayang na papel kaysa sa papel na ginawang bangka at eroplano? ‘Wag na kayong mag-isp dahil wala! Wala! Wala!

Unahin natin ang bangkang papel. Ang favorite part ko sa paggawa niyan eh ang last stage. Yung diamond-shape na siya at hinihintay ka na lang na ibuka siya para maging bangka na nang tuluyan. Ang sarap ibuka nun eh. Hahawakan mo yung taas at ibubuka mo sabay tupi para maging flat ang ilalim niya.

Masaya mag-karera nito sa kanal lalo na kapag umuulan dahil malakas ang agos ng tubig sa kanal. Kanya-kanyang gawa agad ng bangka at paunahan na. Parang hindi na nga talaga karera ang nangyayari eh kasi sa lakas ng ulan nagiging survival na ang labanan. Patibayan na lang sa pagsalo ng mga patak ng ulan at sa lakas ng agos ng tubig. Kapag umabot sa imburnal ang bangka mo at shumoot dun e panalo ka. Ang tibay ng bangka mo.

Mula sa tubig eh pumunta naman tayo sa himpapawid. Dalawang klase ang eroplanong papel, ang klasik na eroplano at ang paniki. Sabi nila mas magaling raw ang paniki. Siyempre yun ang maiisip natin kasi mas mahirap gawin eh(pero mas panget talaga lipad nun kasi ang bigat ng ulo e dahil sa sungay). Merong mga batang bano na hindi marunong gumawa nun eh nagpapagawa pa talaga sa kalaro. Hindi ka pwede maging lider kung hindi ka marunong nun.

May dalawang sungay siya sa harapan at ang binanggit ni Tem-i na pagrolyo ng pakpak gamit ang Monggol 1. Mga ilang palipad mo sa kanya bumabaluktot at napupurol na ang mga sungay niya dahil ilang beses nang bumabangga sa sahig.

At ang bulaklak na paborito ng mga babae..

Klasmeyt: “Tikboy, pili ka ng kulay.”

Tikboy: “Sige Orange.”

Klasmeyt: “O-R-A-N-G-E. O pili ka ng number.”

Tikboy: “Ahhh…six!”

Klasmeyt: “1-2-3-4-5-6. O pili ka uli ng number.”

Tikboy: “Pucha ang dami namang proseso! Sige four!”

Pagbukas ng number 4….

Klasmeyt: “Panget! Haha panget si Tikboy.”

‘Inang yan.

– Tikboy

28 comments

  1. esminitboy

    base!

    mula ng magkaisip ako hanggang ngayong patunaw na ang utak ko e di pa rin ako marunong gumawa ng eroplanong papel. seryoso yan ha. pro pag usapang bangkang papel, aba magaling ako diyan. tikboy, gusto ko din yung part na ibubuka yung diamond shape. da best na part yun. teka bangkang papel ang pinaguusapan di ba? oo nga yun nga pala. hehe. base ulit!

  2. superlolongpinoy

    Mas klik sa amin nung bata pa kami ang bangkang papel(gawa sa dyaryo) kasi may kanal kami sa harap ng bahay. At dun kapag walang magawa ay may contest na unahan…basta sabay-sabay ang hulog sa bangka at ayun habol sa dulo ng kanal kung sinong bangka ang matirang lumulutang pa.

    simple lang ang kaligayahan ng bata nung araw.

  3. lovely

    pag boring ako gumagawa ako ng eroplano hehe..
    tapos pag umuulan gagawa naman kmi ng bangka tapos papaagusin namen sa kanal hahabulin namen kaso naman
    tumitigil na sya pag naharang na sya ng mga basura hehe..
    hanggang sa malusaw na hehe..:))

  4. Tsutsay

    bangkang papel.. pero eroplano muna!Pupunit ako ng kaputol na piraso ng dyaryo, tutupiin hanggang sa magpantay ang bawat gilid. Tiklop, tupi, tiklop tupi at sa isang iglap, mayroon na akong eroplanong papel!
    nung bata pa ako nabuo ang aking pangarap sa pagbuo ng papel na eroplano. dahil dito pinangarap kong maging piloto ng eroplano pero di naman natupad. dahil sa di natupad ang pangarap, ninais kong ipagpatuloy ang aking pangarap at naisip ko na lang maging istiwardes o playt atendant na tinatawag. hindi pa rin natupad ang aking pangarap dahil sa gusto kong maging piloto, nag-aral na lang ako mag-bisikleta! hahaha ang layo!? pero ngayon isa na kong kumakarera sa mga sasakyan.

    bangkang papel..Pupunit ulit ako ng kaputol na piraso ng dyaryo, tutupiin hanggang sa magpantay ang bawat gilid. Tiklop, tupi, tiklop tupi at sa isang iglap, mayroon na akong bangkang papel..pagtapos ng ulan,andyan na ang mga pinsan at mga kalaro ko nung bata at pagalingan na sa paggawa ng bangkang papel. tedeng! astig ang bangka ko dahil may bandera na nakatusok sa ibabaw ng tatsulok ng aking bangka. puntahan sa kanal. karerahan at kanya-kanyang pwesto. dahil inggitero ang kalaro ko…”uy! wag mo ngang tusukin yung bangka ko! lulubog yan eh!” di naman yan lulubog! “ano ka?! ang duga mu ah?! duraan ko yang bangka mu eh!”…lubog ang bangka nya…ehehe

  5. alasais

    Tsutsay,

    Hehe! Naging piloto ng bisikleta. Nice one. Matagal ko nang hindi naririnig yang salitang “Duge” na yan e. Mas sapul pakinggan kesa sa “madaya”. Puta ang duga eh!

    Namiss ka namin Tsutsay a!

    Tem-i of Alasais

  6. alasais

    Tsutsay,

    Tedeng! Asar-talo ang kalaro mo🙂 Buti nalang at nakapag-aral kang magbisikleta, at least pwede mo pa ring paliparin ‘yun sa rampa🙂

    – Tenco

  7. balotlot

    may music video db yung batibot bout bangkang papel…

    sarap mag karerahan ng bangkang papel sa mga kanal.. lalo na pag tag ulan.. naku d best tlg…
    e2 ang pinaka enjoy na hatid ng tag ulan skn..

    masarap at masaya yung pakiramdam na lumandi at mag laro sa ulan, kahit na alam mong magkakasakit ka after non…

  8. Arlyn

    hahahaha!! tinamaan ako sa papel na tinupi tapos maraming proseso nang pagpili, ang kalalabasan lang naman ay ang mang-asar.. ewan ko kung sino nagpa-uso nun at ako’y naging gaya gaya…

    the best ang eroplano at bangkang papel! yan rin ang una kong natutunan kapag walang magawa sa classroom!

    natatandaan ko rin na nakikipag-away pa ko pag natalo ko sa karerahan ng mga bangka sa imburnal at sisigawan ako ng nanay ko dahil kinukurot ko ang mga kalaro ko.. hehe.. ;p

  9. TunYing

    ako ang ginagawa ko sa bangkang papel ko nun eh parang battleship tapos may mga palito pa sa ilalim na nakadikit para di lumubog! yun nga lang pag nasa rumagasang maitim na tubig na ng kanal…. lumulubog din! kaya nung mga sumunod na bangkang papel ko… sa batya ko na nilalagay! hahahahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s