20. The Dog of Sarah, Ang Munting Prinsipe ng Trapp Family Singers sa Lihim na Hardin ni Peter Pan at Huck Finn, ang Mga Kambal ng Tadhana

Mid 90’s.  Nagkukwentuhan kami ni Jefferson (ang susyal kong skwater na kalaro).  Nagrere-enact siya ng mga linya sa paborito niyang palabas sa umaga na “Dog of Flanders”…

Jefferson: (feel na feel ang re-enactment) “Tem-i, napanood mo ba kahapon?  Anlupet eh!  Sabi ni Nelo…

Nelo: “Patrash, Patrash, halika na!  May dalang mainit na patatas ang kapitbahay natin!”

Patrash: “Pambihira!”

Ako: “Puta si Pulgoso yan eh!”

Wala nang o-oldskul pa sa palabas na ‘to.  Kung nabuhay ka nung 90’s eh siguradong nakapanood ka ng isa sa mga kartuns na ‘to.  Sino ba naman ang hindi makaka-alala kay Cedie?  Puta!  Eh pati lola ko, gustong gusto yung batang yun eh!  Sabi niya, “Sana ganyan ang mga apo ko…”   Tangina parang gusto kong itulak sa hagdan eh!  Sabi ko sa kanya, “Eh hindi naman ako prinsipe eh!”, sabay kambyo.

Anjan si Princess Sarah, na talaga namang bata pa lang ay maganda na ang mukha.  Halatang hindi mahirap.  Inapi si Sarah ng masungit na si Miss Minchin na sa palagay ko ay kulang lang sa sex.  At sino ba naman sa atin ang hindi nagka-secret crush sa kontrabidang si Lavinia?  Ang paborito kong episode dun ay nung nagkasunog sa bodega na punung-puno ng mga dayame.  Paborito ko ito dahil muntik nang mamatay ang mga bida.  Sayang.

Nung bata pa ako ay hindi ko maintindihan kung bakit nagtatagalog ang mga karakter nila.  Si Cedie ay isang batang blonde ang buhok pero kung magtagalog eh akala mo’y nag-aaral sa Lagro Elementary School.  Pinapanood ko ang mga palabas na ito habang kumakain ako ng almusal bago pumasok sa eskwela.  Yan ang masarap kapag panghapon ang pasok mo.  Mapapanood mo ang mga matitinding kartuns na ito.  Pagdating ng bakasyon ay lalo mo itong masusubaybayan.  Lahat ng bata sa kalye ay nasa bahay na ‘pag 10:30 nang umaga para makanood.  Nasa bintana namin si Jefferson, nakadikit ang mga kamay sa salamin na parang naka-binoculars, upang makita nang mabuti ang palabas.  Pagkatapos ng palabas ay sasama na ako sa kanya, ngunit sisigawan siya ng katulong namin, “Hoy, punasan mo yung uhog mo sa bintana!”

Buti na lang at nandiyan sina Cedie, Tom and Huck, Peter Pan, Remi, Nelo, Heidi, Mary at Ang Lihim na Hardin at ang Trapp Family Singers para tanggalin ang asar ko sa Sineskwela, na pinapalabas bago yang mga magagandang kartuns na ‘yan.  Nakakabwiset kasi ‘pag kumakanta na si Brenan eh!

“Hei-di, Heiiiiiiii-di!  Anak-pawis ka sa kabundukaaan!”

– Tem-i


Dekada ’90. Hindi ka kabilang sa henerasyon na ito kung di mo sinubaybayan ang mga bulilit animes na naging patok sa panahong ito. Ilan sa mga naging paborito ko ay ang –

Cedie, Ang Munting Prinsipe – siya ang nagpasimula ng mga bulilit animes (Yung wholesome animes na wala pang halo ng Japanese manga con kamanyakan na hilig ni Tem-i). Medyo iyakin din talaga ang batang ito. Aba napaiyak nya ba naman ang Mahal na Conde. Eh ako nga takot na takot rin sa kanya eh. Puchang Conde yan parang demonyo eh.

Sobrang bait din nya. Kahit siguro pitikin mo itlog niya ng sampung ulit di pa rin lalaban. At crush ko ang nanay niya kapag naglulugay ng buhok.

Princess Sarah – pinong kilos, kumikintab na buhok, bilog na mata at magaling mag-French. Yan si Sarah. Perfect lady. Kaya nga kinakainggitan siya ng maraming estudyante.

Kung siya ang bida, siyempre meron ding kontrabida. Si Lavinia at ang freckles nya. Siya din ang malditang nagtago kay Emily the doll at nagpaiyak kay malanding Lotti na bata pa lang eh may blush on na.

The Adventures of Tom Sawyer, The Adventures of Huck Finn – Ito ang na pakners in crime. Mababait ‘tong mga batang ‘to. Yung tamad mag-aral sa skul, puro laro, cutting classes, ligo sa ilog, tulog sa klase, takas kay Tiya Polly. Yan ang buhay ni Tom. Si Huck naman nakatira sa puno, gusgusin, solb na talaga siya sa buhay na ganun. Para din siyang pusa, takot sa tubig.

Isa sa natatandaan kong ginawa nina Tom at Huck ay nung tinalian nila ang pusa at sinabit sa bubong sa tulay at dahan-dahang binaba para kunin ang wig ng guro nila. Ayun pagkatapos nun eh nagresign na yung teacher.

At gaya ng pangkaraniwang bata, dumaan din si Tom sa puberty stage. Oo malibog din si Tom at nagkacrush siya kay Becky Thatcher. Yung nakatirintas ang orange na buhok na may malaking aso na lab na lab (kagatin) si Tom.

Injun Joe. Ito ang ka-match ni Conde sa mga nakakatakot na karakter. Kapag nagsuntukan sila kanino kayo pupusta?

Mayroon lang isang bagay na gumugulo sa isipan ko. Ang kababata nilang si Jim, yung egoy. Bakit sa The Adventures of Huck Finn eh bigla siyang naging matanda?

– Tikboy

89 comments

  1. alasais

    “Mama Sarah! Mama Sarah!”, ang sambit ng umiiyak na si Lottie habang hawak sa kamay ni Ermengarde. “Walang hiya talaga ‘yang Lavinia na ‘yan!”, sabay singit ni Becky habang nag-m-mop ng sahig.

    Naging crush ko si Becky for a while, maganda rin kasi siya e. Pero walang tatalo kay Tiger Lily na hanep sa porma. Buti nalang at nakilala siya nina Wendy at nagkaroon tuloy ako ng dahilan para parating subaybayan ang Peter Pan.

    Talaga nga namang inabangan ng mga batang kalye tulad natin ang mga dubbed cartoon na ito tuwing umaga, salamat kina Danny L. Mandia at Alex Agcaoili. Teka, ‘di ba boses ng isang tao ang nag-dub kina Cedie, Lavinia, at Remi (actually pati kay Sailor Moon e)?

    Anyway, swerte talaga ang mga pang-hapong estudyante dahil meron silang aabangan araw-araw bago mananghalian. Stress-free talaga ang panonood sa mga cartoon na ‘to. Ito ang mga miss na miss ko nang palabas:

    Cedie, ang Munting Prinsipe. Kinakanta ko parati ang opening song niyan kahit hindi Tagalog. Oo nga Tikboy, nakakatakot talaga ang mahal na konde. Nakakaiyak ‘yung eksenang nagyakapan sila ni Cedie sa gitna ng field, gabi nun at umuulan. Nalungkot kasi sila dahil baka hindi si Cedie ang maging tagapagmana😦

    Sarah, ang Munting Prinsesa. Ang ganda talaga ni Mama Sarah noh? Kahit nakasuot pa siya ng damit na parang basahan e mukhang makinis pa rin siya. Napakamalumanay pa niyang magsalita at sa mura kong edad e talagang nainlab ako sa kanya. Hay… pengeng diyamante…

    Julio at Julia – Kambal ng Tadhana. Kakanta nalang ako:
    “Kapag umikot na ang mundo
    Iikot din ang buhay ng tao.
    May saya at mayroong dusa
    Huwag lang tayong magpapatalo.

    Kung ikaw ay nag-iisa
    Sa landas na yong’ tinatahak
    Huwag mawawalan ng pag-asa
    Sa mithiing pakikibaka.

    (sabay-sabay ebribadi!) Si Juuuuliooo at Juuuuliaaa
    Kambaaaal ng Tadhaaaana
    ‘Diiii susuuuukoooo, saaa pagsubooook!!!!”

    Peter Pan. Ang theme song nito ang isa sa mga pinakagusto ko, kahit walang lyrics. Ang saya e! Pinakapaborito ko rito si Tiger Lily. Mas sumasaya ang panonood ko nito kapag kasali siya sa eksena. Hirap sigurong pormahan nito, mukhang matapang e. Ang saya sigurong tumira sa Neverland noh? Talagang hindi ka tatanda e🙂

    Heidi. Bwahahaha! Cute na bata! Isang lolo at batang maliit, na nakatira sa burol—wala nang mas l-laidback pa dyan! Sariwang hangin ang gigising sa’yo araw-araw at pwede ka pang magpa-tumbling-tumbling sa labas.

    Tom Sawyer at Huck Finn. Parehas kong napanood ang magkahiwalay na palabas na ‘to. Hindi ko alam kung bakit magkahiwalay pa. Ang alam ko lang e mas pangit si Huck Finn sa “Tom Sawyer”. Trip ko ring gumawa ng sarili kong balsa para ipanlakbay ko sa ilog at gumala kung saan-saan.

    “Humayo ka
    Kaibigang Tom Sawyer.
    Maglakbay kung saan mo man naisin!”

    Mary at ang Lihim na Hardin. Si Mary na siguro ang may pinaka-weird na hairstyle–makapal na buhok na mas malaki pa ang surface area kesa mukha. Nakakinip din itong panoorin dahil parati kong aabangan kung kelan ba nila mapapasok ni Colin ang lihim na hardin. Bad trip ako kay Colin nun e, sarap pilayan (ay pilay nga pala ‘yun).

    – Tenco

  2. anakngpating

    akala ko wala si tenco,ayun pala nahuli hehe..
    akala ko hindi mapapasama ang kambal ng tadhana eh..buti nabanggit hehe ako na sana ang gagawa ng entry about sa kambal hehe..
    kay remi na lang maganda rin un,maganada ang malumanay nyang boses pag kumakanta ,
    ang mahal kong ina,teka nakalimutan kong ibang lyrics babalik ako nakalimutan ko nasa dulo na ng dila ko,ialalabas ko lang hehe..

  3. DEADPOOL

    hanep! na’alala ko 2loy nung grade 6 ako bago pumasok peter pan muna panonoorin ko nun kahit ma’late ox lang…
    ang peborit ko dun eh nung nag concert si smee ba un o smith paos kasi si capt. hook pag pnapatigil nya kumanta ng “nanay… ang iyong lambing sa aming piling o nanaaaaay” sabay sigaw smiiiii… tigian mo yan….
    tsaka ang matinding julio’t julia… holding hands lang sapul na mga chinese kenkoy nun…
    sa hapon naman ang matinding B’tx… si fao lafini astig dun mga mechanical dragon…
    at hindi xempre mawawala ang sa KUKU ni DIVA at si apo juckay… at sino ba ung babae dun na kasama ni zenky… at xempre ang mga mahal ko na saber marionette J laging may upskirt ang mga robot na babae kaya laging kumakambyo nyan si tem-i…
    sa princes sarah naman ang gusto kong part dun ung kay ramdas na nag sirkero sa bintana para kunin si sulya a unggoy…
    sa dog of flanders naman eh ung pag ppinta ni nelo uling lang ang gamit nya kaso weird na storya patay silang tatlo na di yumaman at npakalungkot na storya…
    ang gagaling na pelikula hastle lang pag pnapatulog ako sa tanghali nun ng lola ko!
    haiiii…
    ngaun si naruto na ang siga…
    sino taga lagro dito? nandun lang ako kanina para sa pictorial…
    mga mukha silang cartoons. hehehe….
    salamat sa matinding ala ala…
    mabuhay ang pagkambyo!!!

  4. DEADPOOL

    dapat blog nyo 3x a week… naiinip kasi ako sa inyo! ang saya pa naman dito.. bakit di kayo mag publish ng libro nyo…
    ang galing talaga…

  5. alasais

    Deadpool,

    Nakakalaki naman ng kanang itlog yang mga komento mo. Kumambyo ka na lang muna habang naghihintay ng Biyernes. Busy din kasi kami sa iba pang proyekto tulad Oplan Alis Galis at rehearsal ng sayaw namin sa kantang “Sinong Umutot?”. Balang araw ay magkakalibro din tayo.

    Publishers anyone?

    Tem-i of Alasais

  6. jeds1823

    hahahaha tawang tawa ako sa entry ni tem-i. uy favorite ko ung theme song ng sineskwela, memorize yan namin ng pinsan ko.

    akala ko din wala si tenco, di kumpleto pag wala siya eh.

    ang sarap tlagang magreminisce pag nagbabasa ako ng blog nyo. ang saya ng topic, kahit na nung sumikat ang mga yan e yun ung panahon pagkatapos pumutok ang mt. pinatubo. buti nalang andun sila para pasayahin tayong mga kids😀

  7. alasais

    Eds,

    Salamat, syempre mas kumpleto ‘pag sama-sama tayong naghihiritan dito. Kaya keep the comments coming, sarap ding pakinggan ng mga kwento niyo e!🙂

    Mabuhay ang baseball team ni Cedie at Mr. Wilkins!

    “Hello Mr. Wilkins!!!”
    “O, ikaw pala, Colleen.”

    – Tenco

  8. owel

    napanood ko din yan mga yan paborito ko rin yan noon bata ako di mo nabanggit ata yon “remi, c julio at c julia ang kambal ng tadhana, charlotte, at marami pang iba nakalimutan ko na lang hahahhaa

  9. adonis

    paborito ko rin yan mga yan nakakatuwa naman pare pareho pala tayo ng pinapanood nong 90’s kaya pala di tayo mga nagkakilala dahil puro tayo nasa loob ng bahay tuwang tuwang nanonood ng mga palabas na yan..

  10. alasais

    Adonis,

    Oo nga noh, hindi ko naisip ‘yun ah. Hindi talaga ako lumabas ng bahay maliban nalang kung mautusan akong bumili ng Silver Swan Patis.

    – Tenco

  11. marco polo

    parang may kulang.. how about si julio at julia, lupet din nun!!! favorite ko din sila nung kabataan ko, waaaaaa.. reminiscing the 90’s.. lahat ang lupet, from e-heads to cartoons, hehehhe…

  12. alasais

    Marc Christian,

    Na-late ang entry ko, nakalagay sa comment #1 ang Julio at Julia. Malufet talaga ‘yun, gusto ko ngang sapakin si Pudong e.

    – Tenco

  13. adonis

    eh yon mga tagapagtanggol sa mga kampong ng kadiliman tulad ng maskman.bioman, shaider,mask rider black,ultraman,magma man. poseidon, naadik don ako sa kakapanood ng mga yan minsan di na nga ako nakakapasok sa school para lang panoorin ang mga yan at pinipilit ko manood ang mama ko para pagdating ko ikwento nya sakin dahil pagdi nya kinuwento sakin di ako kakain….

  14. reeyah

    meron ngang version ng Alphabet song na puro 90’s cartoons eh….

    sing to the tune of the alphabet song… “A B Cedie Sarah Remi Nelo Patrash tagapagtinda ng gatas…….” parang ganun. may julio at julia pa yan pero di ko na maalala.

    ^_^

    hindi ko maalala yung tom sawyer/huck finn.😮

  15. katkat

    sa ka-adikan kay Cedie, inaral ko sa flute ang annie laurie, kinabisado ang Julio at Julia theme song, naki-iyak kay princess sarah, naki-lakbay kina tom at huck, naki-kanta sa von trapp family, kinilig kay daddy long leg tulad ni judy abbot at naki-lipad kay peter pan…

    ilan lang ‘to sa mga pamatay na palabas na kina-adikan ng mga bagets ng 90’s tulad natin.Ü name-memorize natin yung mga kanta sa ayaw at sa gusto natin dahil limang-beses sa isang linggo natin naririnig at napapanuod.

    maliban sa mga dubbed old-skul cartoons na ito. pwede na rin siguro natin isama sa mga sinasaluduhan natin palabas ang BAYANI at HIRAYAMAWARI. kung hindi ako nagkakamali ‘eto yung halos magkakasunod sa TV ‘pag umaga. (uhoi! kapamilya ang mga mokong!) hahaha!Ü

    *i was in college when i met the person who dubbed for princess sarah. i forgot her name, pero nung binigyan niya kami ng sample.. kamoteh! walang kupas! princess sarah na princess sarah parin!Ü

    anyway, mahusay na entry mga kolokoy kong kapit-bahay na Tem-i, Tikboy at Tenco! i was just expecting that you’ll be paying tribute to our nanay’s because of the special occasion. Dibale, Happy Mother’s Day na lang sa mga Nanay niyo!Ü

  16. alasais

    Katkaterz!

    May kakaiba sa comment mo ngayon ah. Parang iba ang pagkakasulat. Creative at talaga namang naantig din ako…hmmm pro writer? Mahirap magsulat tungkol sa ina sa mother’s day at sa kahit ano pang araw dahil maiiyak lang kaming tatlo habang nagsusulat. Siguro basahin niyo na lang muna yung mga blog ng iba. Siguradong may milyun milyong entries tungkol sa mother’s day.

    OK ang comment mo ngayon…may kakaibang feel.

    Tem-i of Alasais

  17. momay

    natuwa naman ako sa pagaalala sa mga panuoring pmabata n iyan>????diba kasama din sa mga 90’s na palabas pambata e un mga bioman, maskman, si bugoy at kung ano pa..pero dahil araw ng ating mga mahal na ina…eto lang ang masasabi ko n hango din sa isang palabas pambat na inaabngan natin sa umaga:

    aking ina
    mahal kong ina
    pagmamahal mo aking ina
    yakap mo sa akin
    hinhanap ko
    init ng pagibig
    yakap ng bunso
    sa gitna ng pagkakahimbing
    yakap mo ang gigising

    maligayang araw ng mga ina

  18. AndreidAe

    wow…late akuh dito..

    another nice entry guys..ganda.. halos lahat eh peyborit kuh lalong lalo na ung Julio at Julia Kambal ng tadhana..talaga namang may record pa akuh sa tape nung song nila nung bata pa akuh.. xe naadik akuh dun sa opening song nila eh..pati peter pan at mas trip kuh din nun si tiger lily kysa kay Wendy at napaisip tlga akuh nun kung pwede b tlgang tahiin ung shadow sa sarili..ang loko ni peter pan eh..haix..si Cedie…Sarah, remy, heidi, at si Charlotte….mga famous Characters noon..sayang at hindi na sila kilala ng mga bata ngaun..dahil kahit papano ay marami ding lesson sa mga lumang cartoons…haixx…

    really nice entry guys..lurve it!!

    P.S
    nagtaka din akuh nung nwala ung entry ni kuya Tenco..good thing i also read the comments..

    =)

  19. k

    kaadik yang mga yan. meron pa si blink. ung parang donkey na lumilipad.

    “ako si blink. sa bawat oras nariyan, tutulong sa nangangailangan. ako’y maaasahan”- ganyan ung kanta
    haha memorize

  20. momay

    tenco,

    ahehehehehe…
    sa akin pong pagkakaalala e…themsong po yan dun sa remi na babae un bida…ajejejejeje…

    salamat po!

  21. Diona

    sino nga ba syang nakasuot pula may hila na mga usa
    puti ang balbas nya, sya’y mataba
    lahat ng bata’y naghihintay sa kanya
    namimigay sya ng mga regalo tuwing sasapit ang araw ng pasko
    mula sa araw na ito kami’y maghihintay muli sayo
    saan ka ba nagmumula
    sana doon kami’y isama mo
    nais namin makita kung pano ginagawa mga regalong pinamimigay mo
    nais namin…
    (mga bata) laruan! libro! damit na pampasko!

    –from sino si santa claus?, popularized by jolina magdangal

  22. adonis

    nakakatuwa naman alalahanin ang mga palabas na gusto gusto natin panoorin at talagang inaabangan natin araw araw \:D/.. inaabangan ko din ang sineskwela,hiraya manawari,pahina,bayani atbp. hahaha sana nga ipalabas ulet ang mga yan para sa mga magiging anak natin para maging responsable at mababait silang bata tulad natin noon mga bata pa tayo hahahaha… mabait daw ako sabi ng mama ko ehhh…

  23. katkat

    Tem-i!Ü

    Yun oh! Kamoteh ka! Saang lupalup ka galing?! Na-miss kita ah! (nakz! feeling na ‘yan oh!) mukang busy-busyhan ah! hehe.. anung meron sa koment ko?!Ü Pro?! No, i’m not! haha! AB-journ lang.Ü

    sa dami ba ng pwede ikwento sa mga nanay niyo eh hindi niyo alam kung paano uumpisahan?! hehe.. dibale, ayos lang ‘yan! naaliw naman ako sa pag-reminisce!Ü

    Ingat tsong! ^^

    -=katkat=-

  24. alasais

    Katkatertz,

    AB-journ? Akala ko AB-normal ka eh! Hehehe! Ipagpatuloy mo ang pagsusulat nang maayos. “Go home and plant kamote!”, ikanga ng lola ko.

    Tem-i of Alasais

  25. adonis

    pano ko ba ikwekwento ang aking ina at ang ina ng aking kalaro or ang ina ng aking kaklase or ang ina ang ina or ang ina ng aking ina at ina ang aking lola at ina ng aking lola sa tuhod or ina ng aking ina at ina ng aking lola at ina ng aking sa tuhod at ina ng aking lola sa paa…

    Marami masasabi sa kanilang kabutihan at sa mga sakripisyon nila pag aalaga sa atin na kanilang mga anak at pag alalaga sa matitigas na ulo ng atin mga ama hahaha.. Happy mother’s day sa lahat ng ina belated na pala,,,

  26. balotlot

    soya.. i mean ayos… nice blog..
    certified adik din ako ke cedie..
    kya pti aso ko eh pinangalan ko na
    cedie…

  27. balotlot

    mr. hobbs… yun matabang manong na may fruit stand o grocery chever ba yun, yun time na naglalaro lge ng baseball mga tropa nina cedie sa new york.

  28. lally

    hi share ko lng si aj eigenman ang boses ni cedie at ung bata sa sino si santa…si luna maganda rin naman cya hah kalaban din cya ni wendy sa peter pan..sana i balik ang mga kartoons na un para anak ko naman ang makapanood sa panahon na to heheheh

  29. alasais

    Lally,

    AJ Eigenman pala yun ha! Agree ako sayo, sana mapanood ng anak mo ang mga kartuns na yan para makapagcomment din siya dito. Haha! Mabuhay ka Lally!

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  30. TunYing

    “Humayo ka kaibigan Tom Sawyer maglakbay kung saan mo man naisin…” at saka “Bahay ni Huck ginagawa, ginagawa..” hehehe… yan yung kanta sa Tom Sawyer… Sa Cedie asar na asar ako dun sa babaeng nagpanggap na manugang nung konde… Hmp!!! Buti na lang dumating si Mr. Hobbs! hehehe… Sa Sarah naman memorable yung dumating na yung kaibigan ng daddy nya kasama yung mga tauhang bumbay!!! hahahaha… may unggoy pa!!! Mas gusto ko yung mga aso ni Remi kaysa kay Nelo…

    Kanta: A-B-CEDIE-NELO-REMI-PANTRASH NAGDADALA NG GATAS!!! (to the tune of ABCD)

  31. alasais

    TunYing,

    Oo! Naalala ko yung pekeng nagpanggap na manugang ni Konde! Hahaha!! Parang tele-nobela para sa mga bate eh no?

    Tem-i of Alasais

  32. jak

    si BLINK nga pala no…. yung kulay blue na donkey, haha…
    eh si JUDY ABOTT? saka si DADDY LONG LEGS!

    haha…
    minsan naadik din ako sa kartuns, lalo na nung naging hi skul na ako,haha… umaabsent tuwing umaga… para anoo ng ka tropa ko (sina huck at tom)…

  33. alasais

    Jak!

    Musta ka na pare? Hahaha! Daddy Long Legs! Yun ang tawag namin kay Sunshine Dizon eh Daddy Long Legs…bat nga ba? Haay ewan. Anyway, hindi mo alam na kalahati ng classroom mo ay wala sa skul pag umaga dahil umaabsent din sila katulad mo! Face the wall!

    Hahaha! Good stuff!

    Tem-i of Alasais

  34. jak

    buhay pa naman ako, hikahos lang sa kwarta… haha…

    mataas ba yung daddy long legs na yun kung kaya long legged sa…

    sobrang fan talaga tayo dati kung kaya na buhay si cedie kay tom taus at sarah kay camille prats…

  35. proper

    Kamusta

    hay!!! sagabal talaga ang klase! dapat sana ay kumpleto ko yan…sinubaybayan ko yang mga yan na tulad ng sa Voltes V!!!!walang sinabi yang naruto na yan sa suntukan kung si Romeo ang kalaban dalawang palabas ang tumatak sa isipan ko…ang “A Dog of Flanders” at ang “Munting Pangarap ni Romeo” saan ka ba naman nakakita ng palabas na pambata na namatay ang mga bida…may tumulong luha sa mata…pasensya

  36. alasais

    Proper,

    Masyado nang “new school” ‘yang mga Naruto at Beyblade. Voltes V ang astig din talaga! Haay Voltes V…Oyani…haguretta….Hahaha!

    Korek ka diyan! Patay ang mga bida. Talaga namang ipaparating sa mga bata na kapag mahirap ka, mamamatay ka sa huling episode. hehehe! Buti na lang tayong mga batang kalye eh mayaman tayo – sa libag at uhog!

    Tahan na, Proper…

    Tem-i of Alasais

  37. alasais

    Proper,

    Bigla kong naalala ang boses ng matandang babaeng nagsabi ng, “Ang mga Munting Pangarap… ni Romeo…” parang lss eh.

    – Tenco

  38. nikki

    hi po! naisama nyo ba yung georgie?

    favorite ko rin yun eh, haha!

    tagalog opening song nun..

    “nakita ko ang larawan mo,
    at muling nagbalik sa akin ang lahat..
    blah.. blah..”

    hihi!🙂

  39. Batang 90's

    I think you forgot to mention The Dog of Flanders. It’s a story about a poor boy, his grandfather, and their faithful dog. To summarize the whole series, after many months of hardships, eventually they all died in the end. What a tragic story for young viewers.

    Looking back, I think one of the common theme about the “Tagalized” anime cartoons back then was that they all dwell with the concept of suffering and melancholy. Palaging kawawa. As an adult, I think the theme is too stressful and depressing for children. I can still remember that I cried in the end of the Dog of Flanders – the concept of dying is too much for a young child.

  40. alasais

    Batang 90’s,

    Good point. Nelo had a tough life with no happy ending. But not all of them had tragic finales. Cedie and Sarah won in the end and so it prob’ly depends on how kids take in what they watch. We can look at it at an analytical level and think, “yeah it IS too much for young kids.” On the other hand, we can also take it as a basic story with a logical plotline – beginning, middle and end. Good for Cedie, too bad for Nelo. In the end, we all share memories as kids watching and following these cartoon shows.

    You make good banter, Batang 90’s. I hope you keep reading and sharing your thoughts on these blogs. We love having cerebral dialogues like these.

    You rock!

    Tem-i of Alasais

  41. langaw

    Buong akala ko talaga noon babae si Cedie. Gandang-ganda ako sa kanya. Malalaking mata tapos dilaw ang buhok. Ayaw ko maniwala na “Cedie, Ang Munting Prinsipe” yung pamagat. Nag-iilusyon din ako na may dugong bughaw tulad niya. At takot na takot ako sa Mahal na Conde na mahilig magbasag ng mga gamit sa pamamagitan ng kanyang baston.

    Kay Tom Sawyer naman ako natuto kumain ng kamatis. Napanood ko kasi isang beses yung pinitas niyang kamatis sa bakuran ang binaon niya sa iskwela. Hindi sila magkamukha ni Sid. Pangit si Tom! Si Huck dugyot pero cute. Walastik yung baso niya, lata na sinasahod sa butas na bubong pag umuulan.

  42. alasais

    Langaw,

    Bwahahaha! Para kang Hanson ah. AKo naman, yung singer ng bandang Hanson, akala ko din babae, crush na crush ko yun non eh. OK ang memory mo a! Hahaha! Baston ang gamit na pambasag ng gma gamit sa bahay eh no? Ang gusto kong malaman ay kung sino ang gumugupit sa bigote ni Mahal na Conde dahil ang swabe swabe!

    Tem-i of Alasais

  43. kuting

    eow!!! sa inyong lahat meron ba sa inyo nakakaalam nung lyrics na kinanta ni camille pratts dun sa princess sarah yung pampatahan nya kay lottie. penge namang kiopya ng lyrics non kung sino mang meron salamat

  44. langaw

    Tem-i,

    Ang ganda nga nung si Taylor ng Hanson. Crush ko rin yun dati e. Ngayon apat na’ng anak nun. Lalaki pala talaga siya.

    Tenco,

    Parang lata nga ng sardinas yung iniinuman ni Huck, pero wala naman ata silang Ligo o Master sa St. Petersburg.

  45. marshi

    Grabe! Ito na ata ang pinakamagandang blog nyo.Favorite ko ang cedie at peter pan. may facebook sina danny mandia, father ng modern dubbing. Grabe rin yan magsulat.Buhay pa sya. hehe.baka interesado ka,visit his site. DANILO MANDIA. sino ka ba talga? baka nag-aalok ka ng writing workshop. ang galing mo…super!

  46. alasais

    Marshi,

    Musta Mare/Pare? Madami ngang may gusto netong blog na ‘to. Masyado kasi siyang klasik eh! Talagang halos lahat ng mga magkaka-edad eh nakakarelate sa topic na ito. Huwag mo naman kami masyadong purihin, lumalaki na nanaman ang mga itlog namin eh! Hehehe! I’m sure mas magaling ka pa magsulat kesa sa amin.

    Writer ka din ba?

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  47. marshi

    hello tem-i! isa akong mare. OK ba pare? sang-ayon ako sayo..nakaka-relate talaga ang magkakaedad (not NAGkakaedad!haha!) sa blog na ito.Magaling talaga ikaw/kayo (?) magsulat.

    Opo.Isa akong writer…nagpi-FEELING writer.haha! Kaya nga sabi ko sa iyo,kung may writing workshop ka, pa-join naman!

    Ngapala…Ngayon ko lang nakita ang SULATRONIKO ( for email).Ayus talaga!

    Nagmamahal(rin!haha!),
    Mars/Marshi/Marselei🙂

  48. haniko

    hahaha tw0 thumbs up ako sa entry na t0, panalo.. Nakakamiss ang mga old sch0ol cart0ons.. Naalala ko tul0y yung kinakanta ni mama sarah kay l0tti haha,
    …tul0g na tul0g na, ipikit m0 ang y0ng mga mata..wag kang magpapatalo.mayr0ong nagbabantay sayo….
    Yan y0n db? Haha grabe fav0rite ko talaga yan,ü

  49. marcuz lauresta (FB)

    bakit di nyo sinali ung story ni ROMEO… “ANG MGA MUNTING PANGARAP NI ROMEO” the best kaya ito…

  50. alasais

    marcuz,

    (lola’s voice) ang mga munting pangarap.. ni romeo..

    for some reason e hindi ko masyadong natandaan ang istorya nito e, pwera lang talaga yung nakaka-lss na boses ni lola..

    – tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s