34. Recitation

Kumusta na mga batang kalye?  Kumusta na ang mga uhuging bida ng lipunan?  Napagod ba kayo kakaaral at kakatrabaho?  Sige recess muna, Ting ting ting!  Pero hindi ito ang pag-uusapan ngayon.  Doon muna tayo sa usual na makikita tuwing 8:30 ng umaga, alas-2 ng hapon, o kahit anong patay na oras.  Ano nga ba’ng meron sa klasrum ng ganitong mga oras?

Titser:  Our lesson for today is about the parts of the leaf.

(sabay taas ng kamay si Tenco)

Titser:  Yes Tenco.

Tenco:  Stomata!

Titser:  (20% galit) May tinanong na ba ako ha?

Sori, medyo ganado akong magrecite e.  Kinabisado ko na kasi ‘yan kagabi pa lang eh.  Anyway, mabalik tayo.  Iba-iba ang strategies ng mga estudyante tuwing recitation.  Syempre kapag nerd o nagtatalinu-talinuhan ka e mag-aaral ka na in advance para epektib ang pagpapasiklab mo.  Kung row 4 ka naman e hindi na kailangan ng aklat o notbuk.  Tuluy-tuloy lang ang paglalaro ng pog sa labas kahit pa alam mong pag-iinitan ka ng titser mo kinabukasan.

Titser: O ikaw Dennis (kahit hindi nagtaas ng kamay), magbigay ka nga ng kahit isang part of the leaf.

(mabagal na tatayo si Dennis at magsisimula nang magtawanan ‘yung mga nasa likod)

Dennis:  Ah, eh, stomata (sabay ngiti).

Titser:  Ayaann!  Nangongopya ka nanaman ng sagot sa kaibigan mo! $%@($^%^*^&%*()#!!!!

Dennis:  E ma’am hindi ko naman tinuring na kaibigan ‘yan e.

Titser:  Sige!  Remain standing!  O sino bang matatawag dito bakit pare-parehas nalang ‘yung nakikita kong nagtataas ng kamay?!  O ikaw Raymond! (hindi rin nagtaas ng kamay ‘to)

Raymond:  Aaahhh…  Petals?

Titser:  Ayan sige isa ka pa!

Haaayy, ang sarap ng ganitong memories.  Talagang itatago mo ang tawa mo para hindi mahuli ng titser e.  Mahirap din kapag masyadong seryoso sa klasrum.  Kaya ginawa ang mga taong row 4 e para bigyan ng kulay ang gawain natin, tulad na nga kapag recitation.

May mga pagkakataon namang halos magiba na ang klasrum sa 2nd floor dahil sa dami ng nagtataas ng kamay.  Kasama kasi ang kalabog ng paa, at sumisigaw pa ng, “Ma’am ma’am ma’am!”  “Sir sir sir!”  Halos lahat sila e naka-ultraman-raise-my-hand stance.  Kapag may tinawag sa wakas ang titser e may hihirit pa ng, “Tsk!”  Akala mo nalugi sa pustahan e.

Sino nga ba ang hindi nakaranas ng matinding suspense kapag Math na ang subject?  Kapag multiplication table of 7 e talaga nga namang hindi mo alam ang gagawin mo para hindi kabahan.  Magtatanong ang titser mo sabay tawag sa kahit sinong estudyanteng trip niyang tawagin.  Kaya gamit na gamit ang mga notbuk namin e, may multiplication table kasi sa likod.  Paminsan naman ay magtatawag siya ng isang lalake at babae sabay patatayuin sila sa may aisle sa bandang likod para sa isang contest.  Maglalabas siya ng mga flashcard at paunahan kayong dalawa sa pagsagot.  Isang tamang sagot = isang hakbang pasulong.  Ang matalo, sira ang pride.

Marami pa ‘to e, at alam kong marami pang alaala rito sina Tem-i at Tikboy kaya guys, tekit aweh!

– Tenco


Hehehe!  Recitation eh no?  Oo nga naman.  Sino ba namang batang kalye ang hindi nagkamot ng ulo sa klasrum kapag tinawag ng guro?

Malamang sa alamang ay naranasan niyo na din ang biglang yumuko at unti unting lumulubog sa upuan ninyo kapag nagsimula na ang recitation…correction…GRADED recitation.  Tangina, tuwing magsisimula na ang oras na ‘to ay biglang sumisikip ang aking dibdib.  Biglang mamamawis ang mga palad ko kahit hindi ako pasmado (dahil iniihian ko lagi ang mga palad ko sa umaga pag gising).  Biglang titikom ang aking bibig na parang kanina lang ay panay ang kwento ng Diego, Juan at Pedro jokes.  Sisimulan kong alalahanin ang kahit anong salitang alam ko sa libro – square root, Jerusalem, Sri Lanka, mammals, one plas one at table of contents.

“Tem-i, stand up!”  Ayan na.  Hindi pinakinggan ang aking dasal.  Wala akong lusot.  Ito na ang moment of truth (“It’s the moment op trut!  Mabahong utut!” – Kapag narinig ‘to ng mga tropa ko nun ay katakut takot na bara ang aabutin ko…”Weeeeeeeeeeehhh!!!!”)  Anyway, mabalik tayo sa recitation.  Ayan na, tinawag na ako.  Nakatayo na ako.  Unang gagawin ko ay hahanapin agad ang pinakamatalinong kaklase na kaibigan ko.  Bat ko sinabing kaibigan ko?  Dahil kung hindi mo kaibigan ang matalinong kaklase ay ‘wag ka nang umasang tutulungan ka niya.  Kailangan ay magaling ka sa sign language o kaya lip reading dahil kapag tatanga tanga ka bumasa ng senyales ay malamang, kung anu ano lang ang isasagot mo sa titser.  Halimbawa:

Ms. Salamas: “Sino ang pumatay kay Magellan?”

Tem-i: (lumingon kay Tupe bago sumagot; Sumenyas ng isda si Tupe para ipaalam na “Lapu-Lapu” ang sagot…)  “Ah Ma’am, alam ko yan!  Bangus po!  Bangus ang pumatay kay Magellan!”

Ayun.  Nangamoy isda ako sa loob ng opisina ng principal.

Pagalingan sa pagtaas ng kamay.  Ikaw, saang uri ka nabibilang?  Kasama ka ba dun sa mga nanggigigil magtaas ng kamay?  Yung tipong maaabot mo na yung elektrikpan sa kisame?  Sorry ka, hindi ka matatawag ‘pag ganyan.  Eh kasama ka ba sa mga napaka-ayos magtaas ng kamay at hawak pa ng kabilang kamay ang siko ng kamay na nakataas?  Sorry, hindi ka din matatawag niyan.  Isa ka ba sa mga nagdodrowing ng etits at lettering sa pahina ng libro mo?  Congrats sayo.  Ikaw ang sasagot sa susunod na tanong ng titser.  Titseriffic!

– Tem-i


Ang pinaka-hasel na panahon sa iskul. Mas gusto ko pang mag-exam kaysa mag-recitation eh. Sa exam maraming oras o tsansa para mangopya. Dito on the spot jackpot ka eh! Segundo lang ang bibilangin mo bago ka mapagalitan at mapahiya.

Syempre makakaisip tayong mga batang kalye ng diskarte sa bwiset na recitation na yan. Maliban sa sinabi ni Tem-i na pagbabasa ng signals ng matalino mong kaibigan eh meron rin isa pang mahalagang istayl. Ito ang delaying tactics:

A) Bingi-bingihan style – Ilang beses nang tinawag ang pangalan mo pero hindi ka pa rin tumatayo. Kunwari eh hindi mo naririnig o kaya naman may sinusulat ka kunwari. Hindi lang makakadagdag segundo ‘to. Pwede ring sumimple ka nang naghahanap ng sagot sa libro. Plus 8-10 seconds.

B) Slo-mo na pagtayo – Lahat ng klaseng pagpapakyut ginagawa mo para dahan-dahan ka makatayo. Nagkakamot ng ulo, pangiti-ngiti at pwede rin yung nahulog kunwari ang libro o notebook mo sa sahig. Plus 6-8 seconds rin ‘to.

C) Ano po uli yung tanong? – Yan isa ring pampatagal yan. Ipapaulit mo nang ipapaulit sa titser mo ang tanong. Plus 10-15 seconds.

D) Thinking style – Ito naman ang kunwaring pag-iisip nang mabuti sa tanong sa’yo. Tumitingin ka pa kunwari kung saan-saan pero tinitignan mo talaga ang mga signals sa’yo ng tropa mo. Plus 10 seconds.

Sa mga istayl na yan eh pwede mong gawing isang minuto o higit pa ang oras mo para makasagot. May panahon ka nang intindihin ang mga signals, pakinggan mabuti ang mga bulong na sagot sa likod mo o kaya naman makahanap ng sagot sa libro.

Tiktser:  Bigyan niyo ko ng isang anyong-tubig.

(Tinatapat ko na ang mukha ko sa ulo ng nasa harap ko para hindi ako makita)

Tiktser:  Tikboy! Patago-tago ka pa diyan ha. Sige tayo!

(Ginawa ko na lahat ng delaying tactics)

Tikboy:  Hmmm…Swimming Pool!

Remain standing!

– Tikboy

29 comments

  1. anakngpating

    haha dun ako sa thinking style gawain ko din yan nung high school grabe..nakakahiya pag di mo alam sagot pero mas matatawa ka naman sa mali ang sagot haha..nanghuhula ba..

    di din ako pala taas ng kamay..pero pag alam ko ang sagot..nag tataas ako un nga lang di naman ako ang tinatawag,,pero pag di ako nag taas ng kamay saka ko tatawagin ..sows na mga teacher yan oo..sala sa lamig din eh hehe..

  2. proper

    naku po! recitation! yan ang pinakakinakatakutan ko!!!! jusko po!!! dun ako sa delaying tactics alasais boys, pero habang nagsasalita at sinasabi ang sagot, sa kaba e kung anu-ano ang ginagawa…mag-ayos ng collar, ng buhok at ng pantalon…pero walang mintis na nag-tataas ako ng kamay para ako naman ang magtanong kay mam titser!!!!!! “MAM! CAN I GO OUT?!?!?” “Yes, you can but you may not” WAHHHHH!!!!! mali pa! pati pag punta sa CR ay dapat sakto ang tanong! “MAM! MAY I GO OUT!” “yes, you may!” sa wakas!

    may isang recitation ako na walang tatalo…nung College may recitation kami pero parang truth or consequence tapos yung klklase ko ang magbibigay ng question or consequence… aba barkada ko yung natapat na mag tatanong sakin…sabi ko “consequence”…aba sabi niya…”do the chicken dance” siyempre sayaw naman ako…tawanan lahat as expected…nung marealize ni mam na kalokohan yung recitation, tinigil na niya…nung finals na, nadiskubre ko na EXEMPTED AKO! YES!!!! BWAHAHAHAHA dahil sa chicken dance exempted ako!!!! ako lang ang exempted at perpekto sa finals!!! at dahil jan nasali ako sa Dean’s List! BOW! “PROPER YOU MAY TAKE YOU SEAT!”

  3. alasais

    Proper,

    Nice one! Ang ganda ng ginawa mo para ma-exempt sa finals! Ngayon lang ako nakabasa ng ganito para ma-Dean’s List a. Lufet pare!

    – Tenco

  4. grasi

    binabasa ko pa lang ung entry kinakabahan na ko. maliban na lang dun kay tenco. kamuntik na ko malaglag sa bangko. Swimming pool naman. pre, dapat sinabi mo kanal!

    may titser kami nung 2nd year HS sa asian history ata un talagang pamatay sa graded recitation. creative pa. bubuksan nya ung class record nya tapos papagulungin ung bolpen sa mga pangalan ng estudyante. feeling ko nun roll call sa death row. pamatay pa ang mga tanong. at ang hihirap pa ng mga pangalan at lugar sa asian history lalo na ung mga dynasty ng china. chin, han, tang, chin chun su. toink toink.

    bakit nga unfair ang buhay? may kulani ka na sa katataas ng kamay dahil alam mo ang sagot tapos di ka tatawagin. pag tinawag ka naman kamote ka na? hay buhay. anak ng recitation na buhay to, oo.😛

  5. alasais

    Grasi! Hahaha!

    Oo nga! Pag alam na alam mo ang sagot eh hindi ka tatawagin pero yung nag-iisang vocabulary word na hindi mo binasa eh yun yung itatanong sayo. Kamote na, kangkong pa! Haay buhay estudyante talaga oo…

    OK yang teknik ng titser niyo a! Talagang tumatahimik lahat at parang nagda-drum roll pa habang gumugulong ang bolpen!

    Good koment nanaman!

    Tem-i of Alasais

  6. alasais

    Grasi,

    Klasik niyan! Pagugulungin ang bolpen! Minsan hindi naman talaga nakatapat sa pangalan mo pero ikaw pa rin ang tatawagin e. Dahil ba makulit kame ha? Gago ka pala si ma’am e. Joke lang po🙂

    – Tenco

  7. superlolongpinoy

    Haha…may phobia din ako sa graded recitation. Talagang dadaanan mo ang lahat ng sinabi ni Tikboy. Dito mo maasahan ang mga tunay na kaibigan…dahil alam nila ang kapasidad ng talino ko…alam nila kapag hindi ko masasagot ang tanong…kaya redi na sila sa bumulong ng sagot…mabuti na lang at lagi sa likuran ang upuan ko…dahil alpabetikal…dun lagi ang puwesto ko…magaling sumimple ang mga bubulong.

    Ito ang malupet kapag declamation at random ang pagtawag sa pangalan…ang lahat ay tatayo sa harap isa-isa sa klase at ire-recite ang kung anong mala-Shakespeare na mga linya…dito rin maasahan ang mga tunay na kaibigan (dun sa harap kasi nasa likod ng klase nakapuwesto ang titser)kapag parang wala ng susunod na lalabas sa aking bibig…dito na pagalingan sa pagbulong at pag-pick up naman ng aking tenga.

    Tama kayo mas ok ang written exam kaysa graded recitaion sa akin. Dito mas matindi ang mafia(mga pasahan ng sagot at madalas exam paper ng iba…hehe) sa loob ng klasrum.

    Salamat sa memories…nakaka tense ang mga panahon na iyan pero ok lang magaling ang batang Pinoy…maabilidad.

  8. alasais

    SUperlolongPinoy!

    Korek ka diyan! Hindi din mawawala ang pasahan ng nilukot na scratch paper na naglalaman ng formula dahil, no solutions, no grade!

    Hahahaa! galeng, good comment!

    Tem-i of Alasais

  9. alasais

    Jem,

    Hay ang sarap ng pasahan ng sagot noh? Nakakakabang nakakatawa kase anytime pwedeng mahuli e. Pero syempre magpapasahan pa rin. Brotherhood!

    – Tenco

  10. Tsutsay

    waaaaahahhahaha! natatawa ko sa kwento nyo! anyong tubig “swimming pool”??, parts of the leaf “stomata!?” weeeehehe!

    Titser: Ano ang ating pambansang hayop na nagsisimula sa letter K?
    Tenco: KUTO?!
    Titser: Mali!Nasa lupa ito at tumutulong sa ating magsasaka.
    Tem-i:KUTONG LUPA??!
    Titser: (galit) Nagtatapos ito sa letrang W!!!
    Tikboy: Ma’m! ma’m! KUTOW???!
    Titser: Ano ba kayo? Ito ay may sungay!!
    Tsutsay: Ma’m! Ma’m! Ako po! DEMONYONG KUTOW??!
    Titser: Kayong apat, FACE THE WALL!!..

    miss ko na kayong tatlo..,:) pakiss nga..mwah!

  11. michiko

    saya saya nmn…d ako maxadong kabado s recitation nung high school ako e…xe nrereverse psychology ko ung teacher…dhil alam ko naman na hndi cla tatawag nung mga “eager” s pag taas ng kamay un ang gngwa ko…
    halos lumundag ako s kaka taas ng kamay…pero xmpre naman prepared p din ako s mangyayari..dhil habang nagtataas ako ng kamay tinatanong ko n ung klasmeyt ko kung anong sagot! hahahahaah

    nung college nmn ako simple lng plge ang sagot ko lalo n s teacher nmen s humanities… “sir, i’ll just arrange my thoughts” sabay upo and paypay! hahahahahaha

    wla nmn xa mgagawa dun e…kung sbhin ko din nmn ung sagot mguguluhan xa…

    dagdag ko lng…inis ako s teacher n plgeng may follow up question tsaka ung mga nagssbi ng “what else? anything else?”

    parang tanga lng eh… and dami ng tanong… e s miss universe nga isa lng ang tanong tpos ang sagot lng world peace! hahahahahahah

  12. Cassy

    saya naman dito.. naisip ko lang kasi i search kung ano yung mga morning cartoons nung 90’s at voila.. napadaan ako dito.. patambay naman oh..

    tae ng recitation na yan…lalo na yung multiplication table walang hiya.. trauma!
    mas takot ako sa multiplication table recitation kesa sa white lady sa CR namen sa school.. may i go out talaga ko lage.. nakakabadtrip..
    kamote talaga ko sa math hanggang ngayon..
    hehe

  13. alasais

    Cassy!

    Oo tambay ka lang dito! Masarap lagi ang kwentuhan dito. White lady sa CR haha! Nice one yan ah..pang magandang gabi bayan…tangina…haay…sarap ng math no? Kamote din ako dun eh..hehe!

    Good post! Keep enjoying!

    Tem-i of Alasais

  14. proper

    hasselicious din yung “news reporting” lalo na kung parehas kayo ng kasama mo ng report!!! naku po! at mas lalo ka pang durog kung ang balita mo ay galing pa ng tabliod!!! “lolo nang-rape…KALABOSO!”, “pusa! nanganak ng tuta! swerte daw!”

  15. bipolarsisa

    haha. ang saya. nakakamiss talaga ang school. hanggang college naman eh nandun pa rin yung kaba kapag may recitation, sabayan pa na wala ka talaga alam sa topic.

    hindi ako bibong bata, dahil wala naman ako ikabibibo. haha.

    nostalgia. tsk.

  16. andreidae

    cool nito guys.. whew.. going back sa mga hindi kuh nabasa noon.. cool… school days nga nman.. astig!

  17. Almariza

    natawa ako dun sa swimming pool haha😀

    nako eto lang ata ang pagkakataon na tahimik ako sa klase.tuwing recitation lang.haha.😀

    pinaka ayoko ay ung recitation ng lowest term ng fractions.ang hirap e >.<

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s