R. Yes Ma’am

Ang aming classroom teacher ay napakabait – Si Mrs. Mamaril.  Papasok  siya sa silid-aralan namin, hawak ang kanyang record book sa kanang kamay at ang plastik na puno ng pastilyas sa kaliwa.

Ang mga guro ay talaga namang mga haligi ng edukasyon.  Kung wala sila, walang pers onor, walang piltrip at higit sa lahat, walang latay ng ruler ang aking mga kamay!  Ipapakilala ko sa inyo ang ilan sa aking mga naging guro nung elementarya at hayskul.

1. Shempre, unang una ay ang negosyanteng si Mrs. Mamaril.  Lahat ay kanyang ibinebenta – pastilyas, kaldereta, binatog, champorado, kilawen, Jolina notebooks at madami pang iba.  Kulang na lang ay pumasok siya sa skul nang naka-daster at may hawak na pambugaw ng langaw.  “Hoy!  H’wag n’yong pisat-pisatin ang notebook na yan!  Baka maging bilasa yan!  Andami n’yong tanong hindi naman kayo bibili!  Ok, turn your books to page 32.”

2. Mr. Santos – Siya ang panot kong titser sa Math.  Napakagaling neto sa numero.  Alam niyang sagutin lahat ng tanong namin.  Lahat ng bagay ay alam niya ang sukat.  Basta numero, walang tatalo kay Mr. Santos.  Kamakailan lang ay napadaan ako sa Sta. Ana.  Nakita ko si Mr. Santos, kubrador na ng jueteng at ng karerahan.  Ayos.

3. Si Maestro Montalban – Siya ang aming 87-year old music teacher.  Siya na malamang ang nakita kong pinaka-gurang na tao sa aming iskul.  Ngunit hindi pa din siya pinapalitan at siya pa din ang kunduktor ng skul band.  Isang araw, habang nagmimisa kami sa skul, tinugtog ng banda ang “Bahay Kubo” habang nakokomunyon.  At nung variety show naman ay “Ama Namin” ang tinugtog ng banda.  Haay Maestro…

4. Miss Dizon – Ang seksing seksing si Miss Dizon…Haay…ilang leeg na ang nabale dahil sa kakaboso sa kanya.  Science ang kanyang tinuturo.  Nasa plants pa lang kami ay gusto na naming tumalon sa human anatomy.  Sa tingin ko naman ay alam niyang binobosohan siya dahil lagi siyang nagsusuot ng mga kaboso-bosong damit tulad ng see-through na pantaas at mga maninipis na damit na talaga namang nagpapabakat sa lahat ng mga pwedeng bumakat sa katawan niya.  Sana ay kunin na siya ng Seiko Films.

5. Si Mr. Alarcon – Bagay na bagay ang kanyang apelido dahil kulot din siya, bigotilyo at mabalahibo ang dibdib.  Siya ang aming manyakis na P.E. titser.  Puro kami lalake at kitang kita ang tuwa sa kanyang mga mata tuwing nagbibihis kami at nagpapalit ng aming P.E. uniform.  Maigsi ang kanyang shorts at halos kumaway na ang kanyang yag-balls sa amin kada P.E.  Dati ay tinawag niya kami isa isa para mag physical test.  Nung ako na ay…ay…teka…(hikbi!)…uh…sandale…hindi ko ata kayang ituloy…Let’s move on to the next teacher…

6. Ms. Aranya – Siya ang matandang terror na walang asawa.  Sa tingin ko’y lahat ng eskwelahan ay may katulad niya.  Grabe pa sa t-rex ang lupit ng titser kong ‘to!  Matignan lang niya ako e para na akong natutunaw sa takot.  Kapag hindi mo naisulat ang pangalan mo sa test paper mo ay pupunitin niya ito sa harap mo.  Kulang na lang ay hugutin niya ang puso mo mula sa katawan mo at nguyain ito sa harap ng buong klase. Nasa chapter 1 pa lang kami ay nagtatanong na siya tungkol sa chapter 9.  Tanginang titser yan!

Salamat sa inyo aking mga guro.  Iimbitahin ko kayong lahat kapag kinasal ako at sana naman Mr. Alarcon, magpantalon ka sa oras na ‘yon.

-Tem-i


“Ma’am ma’am ma’am ma’am ma’am! (habang naka ‘ultraman-raise-my-hand’)”-tipikal nang eksena ‘yan kapag nasa klasrum ako.  Nakakainis!  Talagang ayaw akong tawagin eh!

Kahit bwisit na bwisit ako sa titser kong mukhang may peyborit na tawagin, lab ko pa rin siya.  Totoong pangalawang magulang ko na ‘yan, dahil maliban sa nanay at tatay ko ay siya ang pumapalo sa pwet ko.

Tipikal nang nauuna ang mga estudyante sa kanya sa klasrum, para may ‘effect’ pagpasok niya.  Bababa talaga ang happy schoolday meter ko eh.  Feeling ko parati niya akong tatawagin bigla para itanong kung ano ang bagong science news report na alam ko.

Ito ang kadalasang mga armas ng aking butihing guro:

1. Chalk at pambura.  Minsan nakalagay pa sa bulsa ni ma’am ang pambura.  Sulat nang sulat.  Bura nang bura.  Pwede rin niyang ipambato ang chalk sa makulit na daldalero sa row 4.

2. Big eyeglasses.  Matalinaw talaga.  Kayang-kayang hulihin ang mga nagkokopyahan sabay dilat na parang kakain ng bata.

3. Patpat.  Panturo ng mga salita sa pisara.  Panghampas din sa pisara kapag maingay na ang klase.  At syempre, hahampas din ‘yan sa mga palad mo ‘pag makulit ka.

4. Teacher’s table.  ‘Yan ang base niya.  Bigla nalang sumasakit ang ulo ko kapag lumalapit ako diyan eh.  Parang may electromagnetic waves.

5. Spy.  Tangina ito ang sipsip na kaklase mong hindi mo alam eh nagchuchuchu na pala sa titser nyo.  Mamatay ka na!

(special mention:  ang takong ng sapatos ni ma’am na pang-apak sa sapatos mo, at ang mahahabang kukong pangkurot sa singit mo)

Pero hindi naman lahat ng titser eh terror talaga.  Nagkataon lang na nakakatawa ang eksena ‘pag nagkakahulihan ng mga maiingay at natutulog sa klase.  Uhm!

Napansin niyo bang may mga titser na parang balisa magturo?  Kung mapapansin niyo, kaliskisin ang mga kamay nila.  ‘Yan ay dahil nagmamadali na silang umuwi para isilong ang mga sinampay nilang damit sa labas ng bahay nila.  Hindi na nga nagpapa-pray ‘yan eh.

Meron din mga titser na ‘cool’.  At diyan ako kadalasang walang natututunan.  Mas madalas kasi silang magpakopya sa blackboard kesa magsalita.  Sila rin ang madalas magpauwi ng maraming assignment sa libro.  Teacher ka ba?!

Si sir.  Hindi naman lahat ng mga naging titser ko e babae.  Meron din namang lalake, pero kadalasan eh P.E. teacher ‘yun.  At hindi kayo nag-l-lesson.  Puro laro lang kayo sa quadrangle ng kahit anong sports.  Isa rin siya sa mga pinaka-laidback na uri ng titser.  Mabilis pang mag-check ng papel.  Hindi sinasadyang nakakuha ako ng 98 sa isang exam na dapat sana ay 89 lang.  Woohoo!

Miss Fabian, kung nababasa mo man po ang blog na ito, exagg lang po ang mga talata tungkol sa kasungitan ng titser ha?  Wala bang plus payb dyan?🙂

“Bring 1 San Francisco Leaf and label its parts.”

-Tenco

“Good morning, teacher! Good morning, classmates!”. “Good morning! Ok sit down.” Sila ang tinatawag na pangalawang magulang ng mga mag-aaral…ang titser. Sila ang nagbibigay kaalaman sa halos wala pang laman na utak ng mag-aaral. Syempre may kanya-kanyang istayl ang iba’t-ibang titser. May kanya-kanya silang personalidad at ugali. Halika at kilalanin natin sila.

Ang masipag – si Mr. Pitulo yan, ang aking Math titser. Ang buong 40 minuto na nakalaan sa klase niya ay ginagamit niya. Minsan ay obertaym pa. Anak ng tokwa hindi kayo makakapagdaldalan dahil sa tagal ng pagtuturo niya eh nasa labas na ng pinto ang susunod na titser at naka-abang na. Nasira na ang plano naming magbatuhan ng papel sa klasrum. Pero eto ang “trademark niya”, palaging nakapasok ang kamay niya sa bulsa ng pantalon. Alam niyo kung bakit? Sumisimple sa pagkamot ng jingle balls niya at palagi etong nangangati. Kada klase niya eh gagawin niya yan.

Ang tamad – Kadalasan sa tamad na titser eh sa P.E. Tomboy ang titser namin diyan, si Mr. este Ms. Ortega pala. Ang dala lang niyan eh isang notebook lang. Ang istayl niya ay “terror” epek sa mga mag-aaral. Syempre matatakot sa kanya at hindi na niya kelangang manaway ng maingay. Tapos mahilig magpa-report sa klase. Syempre nga naman hindi na siya mag-eexplain ng lesson at hahayaan na lang niya ‘yung reporters ang magturo. May 20 minuto pang natitira sa aming klase eh umaalis na ‘yan.

Ang feeling kolehiyala pang may landi – ‘Yan ang bagong titser pa lang, si Ms. Santos. ‘Yung fresh na fresh pa galing sa kolehiyo. Palaging naka-ayos ang buhok (pony tail, nakalugay, may clip sa bangs), may make-up at mamula-mula ang mga pisngi. Pagtapos magturo niyan at nakaupo na lang sa mesa niya sa harapan, isa-isa nang magtatanong ang mga mag-aaral at ang mga nagtatanong na ‘yun eh mga lalake. Pupuntahan siya sa harap at kunwaring tatanungin para masilipan. “Ma’m ano po bang kelangan sa project namin? (sabay silip)”. Pagbalik sa upuan ng mag-aaral eh sasabihin na niya sa kanyang tropa kung panalo ba. Kung panalo eh susunod na yung isa, “Tol ano tinanung mo kay ma’m? Ah tungkol sa project ba? Sige ako tungkol sa grading system.”

Ang manyakis – an ang mga lalakeng titser. Palaging babae ang tinatawag sa resiteysyon at pinagrerasayt sa harap ng klase para magkaroon siya ng close-up na view sa dilag. At kapag may ipapagawa siya sa klase eh babae ang pipiliin niyang maging lider (para palagi silang mag-uusap one on one). Mayroon rin akong naging titser na lalake sa P.E. at eto ang istayl niya. Magpapraktikal eksam siya at ang eksam na ito eh push-ups. At syempre saan ang pwesto? Andoon siya nakaupo sa tapat ng nagpupush-up. Syempre bababa ang “neckline” ng t-shirt ng mga kababaihan at solb na solb ang titser ko. Hindi na niya kelangang bilangin ang bilang ng nagawang push-ups at siguradong pasado na ito mataas pa ang grado.

Ang napakabait at maluwag – Eto ang paborito naming lahat, Si Mrs. Tolentino. Bihira siya magalit at manaway ng mag-aaral. Basta magtuturo siya at bahala na kayo kung ano gawin niyo. Daldalan at kulitan to the max na! Inggit na inggit na naman ang kabilang klase dahil parang palengke sa gulo ang klasrum namin. Palaging hirit ng mga mahigpit na titser yan, ang palengke hirit. “Nasa iskul ba ko o nasa palengke? Ang iingay niyo parang palengke ah!”. O mabalik na tayo kay Mrs. Tolentino. Pinakapaborito talaga namin siya kapag eksam. Huwag ka nang mag-aaral at siguradong parang “xerox copy” ang mga test papers namin sa kopyahan. Kulang na lang eh pati pangalan namin magkakapareho (pero nangyari na talaga ‘yun dati isang beses. Ambobo ng kaklase ko eh!).

“Goodbye teacher! See you to-mooh-rrooooow!”

– Tikboy

36 comments

  1. Janis

    Alam nyo ba yung katakataka leaf? Nung grade one ko unang maranasan ang pait ng depression nang hindi ako makahanap ng dyaskeng katakataka leaf na yan. Nirequire pa naman kami ni teacher na magdala kinabukasan.

    Pag may namataan kayo, pakibalitaan naman ako.

  2. alasais

    Janis,

    Hayaan mo at sasabihin ko kay Tenco. Mahilig kasi tumambay yan sa mga halaman e. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dun pero lagi niya akong niyayaya, hindi lang ako sumasama.

    Tem-i of Alasais

  3. linapuhan

    wahaha. panalo. wala bang kayong titser na in-charge sa pagpapakain ng burgher wheat sa mga batang malnourished? hehe

  4. alasais

    Hahaha! Meron kaming mga outreach programs dati. Si Mrs. Mamaril ang nangunguna sa pagdodonate ng mga tirang pastilyas de leche sa mga batang antiox na yan. Ao din nagbibigay ng mga de lata.

    nagtaka lang ako isang araw kasi nagdala yung kaklase ko ng Vetracin…Hindi ba para sa baboy yun?

    Tem-i

  5. babyfatty

    usapang teacher naman…
    syempre nung high school madame akong gurong hinde ko malilimutan nangunguna na dito ang guro ko sa physics at adviser na rin, itago na lang natin sya sa tawag na si maam norly bits sa katunayan madameng bansag sa kanya ang mga stuyante nyang galit na galit sa kanya gaya ng dragon, terrorista at matandang dalaga.
    si maam norly bits kasi sya yung tipo ng guro na may paborito sa klase syempre lalaki yun, kahit walang katorya-torya ang sagot ng aming kaklase basta lalaki ay gets nya yung point pero kung babae ka patay ka dapat ipaliwanag mo ng maayos ang kaugnayan ng hangin sa paglipad ng eroplano at dapat spoken in dollar ka. sa klase rin nya naranasan ng buong klase ang tumawa ng walang tunog (masakit pala yun sa dibdib) dahil turo sya ng turo kahit walang nakikinig at take note galit sya sa amin ng araw na yon at dahil doon dinedma nya kame at hinde sya umatend ng morning prayers ganon sya kagalit sa amin.
    si maam ilaw guro naman namin sya ng social studies, sya ay isang klase ng guro na kung magpaproject ay kakaiba dahil sa timbang at kapal nadadaan ang grades mo; mas mabigat at mas makapal na project mas mataas ang grade mo. sa klase rin nya tumatalas ang pandinig at pagbibilang naming mga stuyante kasi bukod tanging sa klase nya nakakapag tally ng madameng salitang “ano”.
    Syempre hinde mawawala sa listahan ang gurong tumatalsik ang laway habang nagsasalita kaya maswerte ako at hinde ako nakaupo sa unahan,itago na lang natin sya sa tawag na si maam talsik laway haha. buong period ng klase nya ay daldal sya ng daldal kaya kawawa talaga ang mga kaklase kong naligo na ng laway ang itinuturo nga pala nya ay science.

    Ilan lang sila sa mga guro ko na hinde lang puro sa libro ang itinuturo pati leksyon ng mundo naituro na sa amin.

    pahabol ano ba naman yung mag quiz ka nang nakatayo mga dalawang oras lang naman ang tagal noong quiz at mag recitation kayo yun nga lang ang hinde makasagot nakatayo pa rin. haha

  6. alasais

    babyfatty,

    oo nga! titser na tumatalsik ang laway! siya ang isa sa mga ayaw naming magalit dahil ang shower of love niya ay aabot hanggang row 2!

    ang titser na galit at estudyanteng patagong tumatawa ang isa sa pinakanakakatawang eksena nung araw. ang umutot, talo!

    -tenco

  7. kengkay

    hehehe, biglang na-remember ko ang mga titser ko. dami talaga nilang mukha ano? minsan ay tindera, minsan ay musikero, minsan ay sports pero sa totoo lang, ang dami kong naging titser na naging barkada ko rin. actually nga until now e barkadahan pa rin kami kahit na ang huling classroom meeting namin e 20 years ago pa. kaya naman kapag nagkakausap e nakakakiliti talaga.

  8. alasais

    Kengkay,

    Korek ka diyan! May mga teachers din talaga na parang kabarkada lang ang turing mo. Buti at nakikiliti ka pa tuwing nag-uusap kayo. Kami kasi, tuwing nagkikita kami ng mga dati kong tisers, nagkikilitian kami.

    Ipagpatuloy mo ang iyong blog dahil maganda at masarap sundan!

    Tem-i of Alasais

  9. batopik

    Hahaha! Naaalala ko nung hayskul, sobrang sutil naming lahat. tapos ang bad namin kasi ini-impersonate namin yung titser namin. hakhak. pero labs namin yun… nakakatuwa lang talagang pagkatuwaan. hahaha!

    madaming uri ng guro… pero sigurado may matututuhan ka sa kanila hndi lang sa akademiko pati na rin sa ibang mga bagay- bagay sa mundo. weeeeeeeeeeee!!!

  10. jhuvie

    KOREKted by na maraming check! haha…

    natawa naman ako sa mga descriptions nyo sa mga titser. actually titser din ang butihin kong inay. isa rin sya sa maraming tinitinda…noon. may Avon, Sara Lee, etc.. sa mga faculty members lang naman, pag nakakamoy ng mabango ang mga estudyante lalo pag mahilig tumambay sa faculty, o-order na rin ng pabango. syempre tanungan na yang magkaka-klase, “ambango naman.. sa’n mo nabili?” may referral pa diba?

    ngayon, LOAD! haha…

    pero proud ako kay mama kasi lahat ng sideline pinapatos, pandagdag income din. bakit ba hindi ko namana ang pagging business-minded ng nanay ko? kasi totoo naman yung sinasabi nilang ang tiser puro LONDON… Loan dito, loan dyan, london! hahaha.. pupunta sya ng london para may pang-tuition.

    kung hindi rin naman dahil sa mga guro, wala ring mga doktor, nars, ofw, senador, o presidente ngayon diba? pero naman, asan ang bonus ng mga titser?! hmp!

  11. alasais

    jhuvie,

    much respect to the teachers. mabuhay ang nanay mo, at swerte ka dahil nanay mo ang nanay mo at isa siyang magaling na nanay.

    -tenco

  12. Tsutsay

    PATRICIA! halika dito! naku si Mrs. Ramos nanaman..maguutos nanaman padala yung gamit nya.palibhasa nag taba-taba! sabay..”nanliligaw ba sayo pamangkin ko?” opo..”hay naku Patricia mabait yang pamangkin kong yan! minsan sabihin ko sa kanya sabayan ka nya. gusto kssi kita para sa pamangkin ko eh”. “ay ma’am magagalit po papa ko eh..” “hindi kinausap ko na yung tita mo,kinausap ko na partner kayo sa santa krusan”..kunsintidor na teacher.

    Patricia halika dito..Si Ms.(Patricia)Buemio P.E. teacher ko nung grade4.”halika ngang bata ka..o tignan mo magkamukha kame(kasama si Mrs. Ramos sa canteen nagtsitsismisan lang) basta mga Patricia magkakamukha eh. “PO??!” bat kaya pag P.E. teacher tomboy??

    Sinong walang takdang aralin?!! tumayo!! patay isa ko dun. Si Mrs. Evangelio ang terror sa grade 5.lahat pumunta sa tabi ng bintana! punta naman ako at 8 kame. sige Santos,ikaw pa naman presidente ng klasrum la kang assignment?!! kung pwede lang sumagot ng”pakyu! di ka naman nagtuturo eh!”..

    Patricia parine ka.Si Ms. Santos titser sa Hekasi. Paki-checkan nga tong test paper ng ibang section. “o, baka magkahalo-halo yan 4 na section yan? “huh?” dami naman…

    Patricia may papagawa ako sayo. Si Mrs. Nierves isa pang utusera! Titser sa Science “pakisulat nga to sa pisara at masakit ang mga kamay ko”..nang yan! sana kung sulat lang eh! may drawing pang kasama. leche!..

  13. alasais

    Tsutsay,

    Kasama ka ba sa Top 10? Ang class officer madalas kasama sa top e. Oo nga, may mga titser na pinapagawa sa mga estudyante ang pagchecheck ng mga test papers. At ginagawa rin nilang personal secretary ang mga kawawang bata.

    -Tenco

  14. Pretty

    pinaka-aayos ang cool na teacher! hahaha! walang problema yan, kahit ano game prati.. hehehe! kdalasan sla ung mga fresh graduates at mga dalaga’t binata! ang PE teacher na lalaki totoo yan, lalaki kong teacher ngingitian ko lng grado nah! eh akalain mo ndi ako sa volleyball nka-enroll kndi sa basketball, takte! anim lng kming babae sa basketball mga tibo p ung iba, ampucha! yOkO nga mglaro, tatabi nlng ako kay sir! heheheh! =p

  15. alasais

    Pretty,

    Sa all girls ka ba nag-aral? Anyway, korek ka sa sinabi mong mga batang teacher na game at payag sa lahat. Sa iskwelahan namin nun, ganun yung teacher naming bata kasi takot siyang mabugbog ng mga kaedad niyang estudyante! Hehehe!

    Salamat sa pagbabasa! Sana ay patuloy mong i-enjoy ang mga blogisodes ng Alasais!

    Tem-i of Alasais

  16. mishes

    hmp.. isang teacher lang ang d ko malakimutan.. un teacher ko nun grade 2.. kasi minali nya un spelling ko ng stomach.. stomacK daw un.. kainis..😦

  17. TunYing

    Kung titser lang ang paguusapan, di ako pahuhuli dyan… Ung mga titser ko sa elementary mababait… Ung sa highschool, may maganda at may mukhang winallop ng durian (sama ko >_<)… Pero mas grabe nung college kami… May professor kaming ang tawag ay pektus (ung mukha parang pinektusan), may robocop (ambagal maglakad), may sexbomb (pilay), may mukahng kagagaling lang chemotherapy (bwisit ako sa economics prof na ito), at syempre di mawawala yung fave naming lahat… ang nag-iisang SUPERSTAR! (Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)

  18. alasais

    Allan,

    Hahahaha! Natawa ako sa pag-d-describe mo sa mga titser mo ha.🙂 Tangina sino ba ‘yang pektus na ‘yan? Email mo samin ‘yung mukha niyan kung meron ka!

    – Tenco

  19. alasais

    Tunying Bwahahahahahaha!!!!

    Winallop! Bwahahaha!!!! Baka kilala din nila ang titser ni Tenco dati na si Mr. Flan na mukhang na-leche ang mukha sa dami ng tigyawat.

    Pasok ka!

    Tem-i of Alasais

  20. Snowden

    Hmm.ganyan naman kalimitan nagiging titser nating mga kawawang kabataan..naalala ko tuloy yung guro k0 sa math nung high skul parang r0lling st0re ang dating.haha.minsan nagkapr0b ako sa grado pintawag nya ako sa faculty per0 bago kami mag-umpisa bumili muna ako ng siopao at empanda na benta nya.haha..sa gan0ng paraan napaiksi ang usapan v0ila!pasado ang grado ko.per0 nagtae ako kinabukasan kaya bad3p talaga.haha

    May teacher din ako sa music na gust0 at ayaw ko.gust0 in a sense na meron siyang pagkabingi kaya ang classrum instant karnabal..ang ayaw ko lang sakanya eh mahilig siyang magsh0wer.pag umup0 ka sa harap daig m0 pa ang naligo sa bagyong signal n0.5

    Diko din makalimutan ang titser ko nung grade 3 na s0brang sungit..matandang dalaga kasi kaya man hater?nakz naman mam never been t0uched?haha.inabutan na ata ng men0pause hindi pa nakatikim ng sex kaya laging bugnutin..tem-i gusto itry?hehe

    Mer0n din akong mga lalakeng gur0 na pasimpleng manyak.nasabi ko pa n0o na kukuha ako ng education sa c0llege para matulad ko sila.w0w mga manyakis k0ng ment0r?haha

  21. alasais

    Snowden,

    Ilang taon na yang nirereto mo sakin? Baka naman niligawan pa ni Magellan yan ha? Batang bata. So fresh, so young…Priscilla…

    Tem-i of Alasais

  22. Snowden

    Grabe hindi naman siya ganun katanda.ang balita ko kasama siya sa mga kababaihang muntik ng maging k0mp0rt w0men.hehe..banzai!

  23. alasais

    Snowden,

    Aaaah, batang bata nga…Akala ko kasi siya yung ex ni Andres Bonifacio na pinsan ni Lapu-lapu e – si Lapusit.

    Tem-i of Alasais

  24. tin2

    haha!!

    may bobo din akong kaklase sa exam..

    Ruth (hindi tunay na pangalan) ang sinulat nya e lalaki xa!

    hahhahaha!!!

    hule! =P

  25. balotlot

    -elem titser ko eh pwede po clang isali sa show na kumikitang kabuhayan… naks..lalo na cna mam marcos at mam durian… e2 mga raket nila.. herseys kisses, ice candy, avon, sara lee, dilis, korniks, beans, home made peanut butter, yema, pulburon, at marami pang iba.

    peo may isang titser tlg aq nung elem na super manyakis si sir(insert name here) pakshit ka sir..lam ko daming mga girls na simpleng nahipuan mo…awa ng diyos la na sya lisensya sa pagtuturo. tama lng na ndi kna guro ngaun mag sabong ka na lng ng manok..yan lge ang himasin mo.

    -hayskul titser ibat ibang klase… halo halong nilalang tlg cla, may strict kuno, may super tamad lge reporting, may “waway” hehehe talsik laway ihanda ang shield…contest nga nmen yun b4 sa room eh may papel kmi sa desk tpos paramihan kmi ng mabilang kung ilang talsik waway nya.
    meron din me titser na ansipag mag turo ayun pisara lng lge kausap nya hahaha, sa sobrang sipag nya eh ala tlg nakikinig sa knya.
    den c mam tamad umakyat sa 3rd floor ayun c class president baba n lng pra kunin yung manila paper pra kopyahin yun lesson for the day… habang c mam sitting pretty sa faculty.

    -college days… mga prof na ewan hahaha peo may isa ko instructor pag sa class eh titser nmen sya.. outside class eh katagayan nmen.. miss u mam (insert name here)

    pra mabuhay tlg cla.. salamat sa ating mga guro!

  26. alasais

    Baby Ruth,

    Astig ng college prof niyo ah. Kasama ba siya sa body shot? Hehe. At talaga nga namang may galit ka sa manyakis titser niyo ah.

    – Tenco

  27. Abu Sayad

    late na post ko na to, pero astig ang post nyo kaya makikicomment din ako.. pinaka mahigpit na siguro kong teacher is nung grade 3 ako sa Holy Trinity.. putcha yung classmate ko pinakain ng chalk. bwahahaa. coolest teacher was Sir. Gonzales 2nd yr HS, buhay ang klase pag nag22ro, parang may megaphone ang boses at walang boring moments. ang pinaka mabait nman na teacher ko is nung 3rd yr HS sa isang school sa Marikina. binibigay tlga nya ang sagot kahit quarterly exams at harapang nagkokopyahan ang mga classmate ko.. o sige kasali rin ako.. hehehe. ang astig pa dun sya ang nagbabantay sa amin sa lahat ng subject sa quarterly exam. kaya nman yung bestfriend ko e pasado yun nga lang pinaulit ng exam kasi halata daw nangopya kasi mataas pa sa star section ang grade. (pero kopya tlga un bwahahaha). most disgusting na teacher kasi bading eh si nickname Diablo, diab-blo-diab-blo-diab.. hehehe pano pasimpleng bading. kaya nakick out bwahahahaha.. most hated teacher namin ay sa phySICKs! SICK tlga ang teacher. pati sa accounting. binagsak ako nung hayup na un nagsummer class pa ako.. pero ang pinaka malupit na teacher ko na tlga nmang malaki ang utang na loob ko dun ang adviser namin nung 4th yr HS. adviser nmin sya na mejo may kahigpitan ng kaunti sa klase. pero di alam ng iba maloko si sir hehehe… kasundo ko un kaya nman ng malaman nya kung sino mga crush ko tlga nmang inarrange nya ang sitting plan namin at nilagay ako sa crush kong si Karen bwahahahaha.. astig ka sir! at magaling mag advise! magaling din magturo sa math.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s