52. Eto Nanaman Kami!

Hellerzzz!!!

Haaay puta medyo napanis ang laway ko a.  Antagal na namin hindi nagpopost!!  Siyetz!!!

Okey sige eto na.  Nakakamiss din eh.  Pasensiya na mga repapiks.  Medyo madami din naganap sa mga buhay namin kaya nawala kami sa sirkulasyon.  Sana kung nandiyan pa kayo ay muli nating mabuksan tong tambayan natin para makapagshare ulit tayo ng memories.

Hmmm…

Ah eto.  Dahil, kakatapos lang ng undas, eh gusto kong simulan ang aming pagbabalik sa topic na tungkol sa…

Pets.

Ang una kong pet nun ay siyempre aso.  Si Brownie ang pangalan dahil siya ay kulay brown.  Hindi ako ang nagpangalan sa kanya.  Nung namulat ako at nagka-utak ay Brownie na ang pangalan niya.   Tingin ko, lolo ko nagpangalan nun e.  Pano ko alam?  Hindi ko alam.  Ganun talaga.  Mahilig ako manghula nang walang dahilan.  Baket?  Hindi ko alam.

Si Brownie ay galisin.  Pogi sana pero galisin.  Pero naaalala ko, kahit galisin siya, madami siyang natitirang aso sa kanto namin.  Lagi tuloy siyang inaasinan ng mga kapitbahay ko.  Alam niyo ba yun?  Yung aasinan mo yung et-et ng aso habang matigas pa ‘to at namumula at nakasaksak sa hiyas ng babaeng aso?  Parang hindi kasi nila matanggal eh no?  Tapos yun, may nakaisip siguro na asin ang panlaban sa mahigpit na dog-gina (dog vagina).

Anyway, namatay din ang galisin kong aso na si Brownie at hindi ako naiyak.

Ang sunod kong naging pet ay isang hamster.  Ang hamster ay mukhang daga, na mas malaki, mabalahibo at hindi sing kadiri ng daga.

Pinangalanan ko siyang “Yabadoodles” dahil yun ang suggestion sakin ng kuya ko.  Nung tumanda ako, dun ko lang nalaman ang ibig sabihin ng yabadoodles or “yag-ba-doodles”.  Naloko ako nun a.

Naging close talaga kami ni Yabadoodles kasi talagang hindi siya family pet.  Akin lang siya.  Kung hindi ako nagkakamali, napanalunan ko ata siya sa tapat ng skul namin.  Chambahan ito kasi madalas ay sisiw ang premyo.  Naaalala  niyo ba yun?  Yung kukuha ka ng papel at tatayaan mo yung board tapos pag binasa mo yung papel, makikita mo kung tumama ka.  At kung tumama ka nga, eh ibibigay sayo ang makulay na sisiw.

Nung araw na yun, imbes na sisiw ay hamster ang ginawang premyo.  Nanalo ako kasi star ang tinayaan ko at star nga ang lumabas pagkabasa ko nung papel.

Kung mali man ang kwentong iyon, eh malamang binilhan ako ng hamster.  Pero mas maganda yung unang kwento diba?

Ang bahay ni Yabadoodles ay dating aquarium na ginawa kong bahay niya.  Nilagyan ko ng mga lupa at kahoy-kahoy para mukhang gubat kahit hindi ako sigurado kung sa gubat nga sila nakatira.

Bahay ni Yagbadoodles

Isang araw, pag-uwi ko galing skul, ay nakita ko ang aquarium ni Yabadoodles.  Wala siya dun pero ang pader ng aquarium ay may pahid ng dugo.  Ayun, dun ako naiyak.  Tinignan ko ang screen window namin at nakita kong bahagyang nakabukas ito.  Dun sa screen window ay laging nakasilip si Muning, ang pusa-kal(ye) ng kapitbahay namin.

I’ll miss you Yag-ba-doodles…

– Tem-i

Masarap talagang mag-alaga ng hayop e noh?  Parang laruang hindi naman talaga laruan.  Pwedeng kausapin pero hindi naman talaga nagsasalita.  Alanganing mga katangian e noh?  Ang saya-saya!  Aw aw aw!  Sis boom bah!

Mukhang hindi naman uso ang mga dog show nung araw.  Hindi ako fan ng dog show.  Hindi ako nahilig kailan man sa dog show.  Gusto ko kasi ‘yung klasik na pag-aalaga ng hayop sa bahay e.  Hindi ako hater ha.  Hindi ko lang talaga trip yung i-w-walk mo ‘yung aso mo tapos mag-p-pose-pose sa gitna.  Parang hindi kasi natural eh.  Parang it’s all for the show.

Anyway, ang tagal ko nang hindi nakakapag-alaga ulit ng hayop.  Naaalala ko noon, una kaming nagkaroon ng alagang tuta.  Siguro, mga 42.8% ng mga Pilipino ang nagkaroon ng tuta bilang unang alaga.  Sumunod ang pusa, na nasa mga 17.4%.  Sari-sari na ang mga natitirang 39.8%.

Ito ang ilan pa sa mga hindi ko malilimutang alagang hayop:

Salagubang.
Marami ‘to sa probinsya.  Sakto kasi maraming puno ng mangga eh.  Hindi ako manghuhuli n’yan hanggat hindi umuulan.  Sapagkat ang ating bansa ay madalas nasasakupan ng intertropical convergence zone, malaki ang tyansang uulan sa pagitan ng alas-dos at alas-kwatro ng hapon.  Pagkatapos, pwede nang puntahan ang puno para yugyugin.  Bonus na ‘pag may salagintong mahuhulog, pero usually eh malulusog na salagubang ang masasalo mo!  Bwahahaha!  At ano ang susunod na gagawin?  Tama mga bata!  Kumuha ng doublemint at pagdikitin ang likod ng dalawang salagubang!  Wala bang doublemint?  Halina at dumekwat ng sinulid sa sewing kit ni lola at itali sa salagubang!  Mag ala-Indiana Jones at umikot-ikot habang no choice ang salagubang kundi lumipad!

Gagamba.
Ano’ng paborito niyo?  Gagambang ekis ba?  Gagambang kuryente?  Gagambang melon?  Gagambang talon?  O ang parelaks-relaks lang na gagambang bahay?  Madalas akong makahanap ng gagamba noon sa ilalim ng dahon ng San Francisco.  Kadalasan e gagambang bahay ang nakukuha ko.  Astig ang mga kapitbahay ko noon kasi pagbukas ng kahon ng posporo nila e tatambad na ang maangas na gagambang ekis nila.  Pinipili rin talagang mabuti ‘yung ting-ting na magiging arena nila e.  Maliksi ang gagambang ekis pero maraming sapot ang nagagawa ng gagambang bahay.  Sikat din ang mga may gagambang kuryente dahil bihira lang ‘yun.  Nakakuha ako nun dati sa kable ng water pump namin sa likod ng bahay.  Uhm!

Tutubi.
Okay, ito ang pinakamabilis kong inalagaan dahil pagkahuli ko rito e pinakakawalan ko rin agad.  Gusto kong tawaging alaga ‘to para lang sikat ako para ‘pag nagtanong ang titser, iba ang isasagot ko.  “O, anong alagang hayop niyo sa bahay?”  “Ma’am tutubing kalabaw po!”  Boom!  Pinakamadaling mahuli ang tutubing karayon dahil mabagal ‘to at pinakamahirap naming hulihin ang tutubing kalabaw.  Malaki ‘tong tutubing ‘to eh, pero napakabilis ampotah!  Three feet pa lang ang layo mo sa kanya e lalayo na sa’yo at malayung malayo pa talaga ang lipad.  Inang ‘yan!

Marami pang mga hayop ang pwedeng alagaan.  Kabilang na rito ang isda, kalapati, loro, baboy, tuko, at gansa.  Bwisit na gansa ‘yan, lakas ng trip manghabol eh!

– Tenco

9 comments

  1. BossMonkey

    sa dami kong nakitang hayop sa probinsya, aso lang ang inalagaan ko.. lalo na noong grade 6 ako. kaso namatay din. nasagasaan ni erpats, natulog kasi si ungas sa tapat ng gulog ng kotse, ayun una ulo. amp. simula nun d na ako nag alaga ng aso.. pero sana pag nagkabahay ako, hanap ulit ako ng alagang aso hehehe

  2. batopik

    Nagbalik kayo! Haha, asan na si Tikboy. Busy sa alaga niya? Wahakhak.
    Aso lang alaga namin sa bahay, wala kasi kami pampakain sa ibang hayop.
    Nauubos pa nga allowance ko sa pagkain nila.
    Anyway, nakakatakot nga yung gansa at saka manok, lakas sumaplok ambilis pa!
    Iyak ka na lang dahil nadapa ka pa subsob sa lupa. Hahaha!
    Kwento pa kayo!

  3. andreidae

    wow! na miss ko din talaga tong blog nyo..nice! at bakit wala yung pet ni Tikboy?

    well, ang saya naman ng mga childhood memories nyo with your pets, wala kasi akong maalala na naalagaan ko talaga ng matagal, nagkaron kami ng aso dati na si dutch, (dutch hound kasi breed nya kaya ganun yung name,) pero allergic nga pala momie ko sa mga fury animals so wala akong choice kundi ipa-alaga nalang sya sa iba hanggang sa na deads din si dutch. and since allergic nga ang mom ko sa animals na may fur, we tried getting a pet fish for a change, and nag eenjoy naman kami kay pishy, ang cool nya kasi. kahit anong ilaglag kong food sa aquarium eh kinakain nya, (pishy is a flowerhorn though.) minsan lang naiisip namin ng kuya ko kung paano na pag namatay si pishy? babaliktad din kaya sya sa aquarium as in tummy up pag na deads? or walang change? ang laki na kasi ng ulo nya so hindi ko mafigure out kung mag float ba sya na tummy up or whatnot.

    na miss ko kayooo!🙂

  4. alasais

    Andreidae!

    Namiss ka din namen! O ha susyal ang aso mo – may lahi! Ang alam ko sa flowerhorn ay dahil mabigat ang ulo niya, eh kukuha siya ng lagari. lalagariin niya yung ulo niyang mabigat, at pag magaan na siya ay magbe-belly up na. That’s a scientific fact.

    Tem-i of Alasais

  5. emilayskie

    Hahhaa.. Kakatuwa naman ang post na ito. Pareho kami ni Tem-i ng first pet. Brownie din ang pangalan dahil brown siya. Hahahha..

    Uy lahat ng yan naalagaan din namin. Hindi ako magaling doon sa gagamda tournament tapos magkakaroon ng compartment sa loob ng box ng posporo na may mga bulak.

    Sobrang saya naman at nagbalik ulit kayo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s