19. Walis

Haaaatching!  Tanginang alikabok yan!  Haah-haah-haah-hatching!

Ang Pilipinas talaga ay bansa na puno ng alikabok.  O ha!  Hindi itinuro sa iskul niyo yan ano?  Oo, maalikabok.  Lalo na sa Maynila.  Ewan ko ba.  San ba gawa ang alikabok?  Ba’t hindi ito pinag-aaralan sa iskul?  Element ba ito?  Lupa?  O feather?  Bakit laging lumulutang ang alikabok kapag nasa sinag ng araw at parang imbisibol naman kapag hindi nasisinagan?  Baket?  Bah-kheeet?!!!  (Parang OK na monologue ‘to a…)

Anyway kaya ko nabanggit ang alikabok na ‘yan ay dahil pag-uusapan natin ang walis.  Parang pangatlong paragraph na ‘to at wala pa ding sense ang sinasabi ko.  Heto na ang logbets.

Ang walis ay isa sa mga kagamitan sa bahay na hindi natin masyadong binibigyan ng kaukulang pansin.  Lagi itong ginagamit ng katulong namin, nanay ko, tiyahin ko, witch, lola, o ng lola kong mukhang witch.  Ngunit bihira ko itong marinig na mabigyan ng papuri ng mga tao.

“Ang ganda ng ref niyo!”  “Ang gara naman!  May microwave!”  “‘San ka nakabili ng coconut husk?”

‘Yan ang madalas kong naririnig.  Pero bihirang-bihira ako makarinig ng, “Wow!  Whatta walis!”  O kaya nama’y, “Ang ganda ng materyales na ginamit sa mga tingting mo!  ‘San mo na-iskor ‘yan?”  Diba?  Wala!  Wala kang maririnig na papuri sa walis!  Eh kung tutuusin, eto ang pinaka-nagagamit sa bahay.  Hindi lang natin siya pinapansin dahil hindi ito makintab tulad ng oven toaster o kaya ng tinidor.

Madaming gamit ang walis.  Pagkatapos ng malakas ang ulan ay kelangan niyong tanggalin ang naipong tubig sa semento para makapaglaro ng basketbol.  Anong gamit niyong pantanggal ng tubig?  Ano?!  Ano?!!!  Walis ting-ting.  Kapag mahangin naman at gusto mong gumawa ng saranggola, anong gamit mo para gawin ang skeleton ng kite?  Ting-ting ulit, kaibigan.  Sa mga taga-probinsya naman, ano ang gamit ni Lola para itabi ang mga tuyong dahon sa lupa pagkatapos pausukan and punong mangga?  Tama ka kapatid…walis ting-ting.

At ano naman ang gagamitin para linisin ang mga nalaglag na buhok kapag tapos ka nang gupitan?  Walis tambo, brad.  Eh pagkatapos mong magpachupet?  Tissue katoto.

Madaming madami pang gamit ang walis.  Sigurado din akong madami kayong ala-ala with your favorite household item na walis.  Sa sobrang ganda neto ay lagi pa itong binibilang sa Batibot!

“Isa!  Isang walis tambo!  Ting!”

(drumroll…)

“Dalawa!  Dalawang walis tambo!  Ting!”

(drumroll…)

“Tatlo…”  and so forth… – lagi kong naririnig sa titser ko ‘to nung bata ako eh, “…and so on and so forth…”

Ay, siya nga pala, huwag kayong magwawalis sa gabi.  Dahil kapag ginawa niyo ito…uhm…eh…

…maaalikabukan ang bagong eskinol kong mukha.

– Tem-i


Lahat ba ng walis ay gawa sa Baguio?  Bakit wala akong nakitang nakatahing made in Sorsogon na walis?  Bakit mas masakit kapag hinampas ka ng tatlong pirasong walis ting-ting kesa singkwentang piraso?

Masakit mapalo ng walis tambo, ang pambansang houshold item ng Pilipinas.  Itanong niyo pa sa mga batang kalye noong dekada 80 at 90.  Kapag hindi ka natulog sa hapon at nahuli ka ni manang, maliban sa tangkay ng puno ng malunggay e walis ang babati sa balat mo.  Uhm!  Sarrraaaappp!  Hindi ka pa napapalo sa pwet e umiilag ka na, ‘diba klasik na klasik ‘to?

Ang walis ang saksi sa ating paglaki.  Lahat ng bahay ng Pilipino ay meron nito.  Mawala na ang mga cabinet sa bahay ‘wag lang ang walis.  Nakatambay ‘yan madalas sa mga suluk-sulok ng bahay natin at parating kumakain ng alikabok araw-araw.  Mahilig ding kumain ‘yan ng mga tumapong kanin kaya inis na inis si doggie at bitin ang hapunan niya.  May dalawang klase ng walis-ang walis tambo at ang walis ting-ting.  Madalas nating makita ang walis tambo sa loob ng bahay at sa labas naman ang walis ting-ting.  Mas marami nga lang gamit ang walis ting-ting dahil maliban sa paglinis ng tae ng asong may halong buhangin ay ginagamit din itong skeleton ng saranggola, pamalo, at arena ng mga naglalabang gagambang bahay at ekis.  Gustung-gusto kong pinupukpok ang hawakan nito sa pader para pumantay.  Alarm clock ko rin sa umaga ang tunog ng pagwawalis ng kapitbahay naming lolang naka-duster, kamay sa likod.  Ni minsan e wala akong nakitang nagwalis na nakapamewang.  O naka salukbaba.  Parating kamay sa likod.  Ano ba’ng explanation dito?  Wala nang mas sasarap pa sa tunog niyan ‘pag umaga.  Sssshhhk sssshhhk sssshhhk…

Madalas kong isabit noon ang walis tambo sa likod ko para kunwari e espada siya.  Tapos ay mag-eespadahan kame ng kapatid ko hanggang sa magsawa kame.  ‘Yun lang.  Walang kwentang laro.

Ginawa ba ‘to ng mga matatanda sa inyo-‘yung bubunot ng isang pirasong walis ting-ting para gawing toothpick?  “Manang, pakilinis nga ‘tong tae ng aso.  Salamat.” (sabay ngata ng ting-ting)

Ang alikabok ang mortal na kalaban ng walis tambo.  Dito ay nagkakaubusan sila ng lahi.  Paunahang maubos.  Pagkatapos ng ilang linggo e parang sinuklay na one-side ang walis kakawalis sa alikabok, samantalang ang alikabok ay lulutang-lutang lang sa ere at hahalik pabalik sa sahig.  Tanginang mass noun ‘yan o.

– Tenco


Tiknay: Tikboy! Tanghali na at magwalis ka sa harapan. (Sisilip sa kwarto ko) Ay, tulog pa pala ang batugan kong anak. Kuya! Ikaw na ang ang mag-walis at tulog pa ang kapatid mo.

Pagsara ng pinto…

Tikboy: Yes!!! Akala niyo tulog pa ako ha. Maglalaro na ulit ako ng G.I. Joe sa kama.

Ito ang isa sa mga tinataguan kong kagamitan sa bahay. Ayaw kong may hawak nito dahil ibig sabihin nun eh nautusan ako dahil imposible naman akong magkusang magwalis eh. May dalawang klase ng walis sa bahay. Ito ang mga iyon:

Walis Tambo

Palagi ‘tong nakalagay sa likod na pinto at nakasabit. Ito ang pang-walis sa loob ng bahay. Pero hindi lang yan ang gamit nitong walis na ‘to. Ginagamit ko rin ‘tong gitara kapag ginagaya ko ang mga kombo sa telebisyon at kapag may naririnig ako sa radyo. Imposibleng hindi niyo ginitara ang walis tambo.

Ito naman ang pinaka-ayaw kong paggamit dito, ang gamiting pamalo sa puwet. Lahat naman tayo ayaw nito eh. Kapag tinamad kumuha ng sinturon ang nanay ko eh walis tambo na lang ang kukunin at ipapalo sa puwet ko. Buti na lang nakakasimple ako at nakakapaglagay ako ng dyaryo sa puwet pero minsan nahuhuli eh kaya dinagdagan pa tuloy ang palo sa’kin.

Tama ang sinabi ni Tenco. Nagiging parang sinuklay na one-side ang walis tambo kapag ilang linggo nang ginagamit. Pero minsan eh hindi one-side ang nangyayari, naki-uso rin ‘to at sinabayan ako sa buhok kong kimpwet o biyakers (hati sa gitnang suklay). May ilang walis rin kaming ganun ang nangyari at hindi naging one-side.

Walis Ting-ting

Ito palaging nasa labas ‘to at syempre pang-walis sa labas ng bahay. Pang-walis sa mga dahon o sa tubig na naipon sa sahig.

May iba’t-ibang stroke ang paggamit dito depende kung ano wawalisin mo. Kapag sa dahon, direcho lang ang paghawak. Maliliit lang at mabilis ang pagwalis para maipion agad ang mga dahon. Kapag tubig naman ang wawalisin, kailangan eh nakalapat halos lahat ang walis sa sahig. Ang handle lang ang hindi tapos mahaba at mabagal ang pagwalis para ubos agad ang tubig na naipon.

Nabanggit na rin ni Tenco ang paggamit dito sa paggawa ng saranggola at paggamit sa gagamba. Ginagamit rin ito sa paglagay ng rugby sa sirang sapatos at iba pang sirang bagay. Sino kaya ang unang taong gumamit nito sa paglagay ng rugby? Pumatok talaga eh at lahat ito ang ginagamit. Salamat na rin sa’yo at ilang sapatos na rin ang naidikit ko dahil sa walis ting-ting na yan.

Panghuli, ginagamit rin itong ehemplo sa kasabihang kapag sama-sama, maraming magagawa at magiging matibay ang pagsasama. Susubukan muna ang isang pirasong walis ting-ting at babaliin. Bali agad syempre. Pero kapag pinagsama-sama na at isang buong walis ting-ting na ang babaliin, hindi ito mababali.

Sige kunin mo ang walis ting-ting sa bahay niyo at subukan mong baliin yun. Sabihin niyo sa’kin kapag nabali niyo.

– Tikboy

42 comments

  1. andreidae

    ang walis..bow..

    ang cool naman talaga dito at pati walis eh nagawan ng kwento..nice one guys..ngayon ko lang naisip na kailangang bigyan din ng papuri ang mga walis natin sa bahay dahil sa laki ng naitulong nito satin..ito nga rin pala ang peyborit na gamit ng momie kuh sa house..

    -keep it up!

    P.S..

    una me nkapag comment here,….kewL tlga!

  2. alasais

    Andreidae,

    Tama ka. Huwag kakalimutan pasalamatan ang ating walis na nakatambay lang sa sulok na bahay, hinihintay lang ang matamis mong, “salamat”. Ikaw ba ang buena mano dito? Hehehe! Oo, may special prize ang mga nauuna magcomment dito – Be the first to comment and win a date with Tenco the Gapang King.

    Tem-i of Alasais

  3. anakngpating

    papuri sa walis papuri sa walis papuri papuri ahm tama na baka lumaki tenga nya hehe..:)jokeness..
    si tikboy parang wala atang sinabi hehe..meron ba hehe..:)

  4. alasais

    Wagnuuuutzzz!

    Jokeness ba? Haha! Papuri sa walis sa kaitaaaaah-aaaaaaah-saaaaaaan!!!!! Anak ka ng pating talaga! Kumusta ang buhay-buhay natin jan pre?

    Tem-i of Alasais

  5. DEADPOOL

    ang walis yan ang karaniwang gamit ng mga pinoy na panlinis at sa ibang bansa naman ay vacum…
    pero hindi nila kayang pantayan ang galing ng gawang pinoy di kaya ng vacum humigop ng tubig at tae…
    di katulad ng walis lahat kayang daanan… yan ang katindihan ng WALIS…
    na’aalala ko pa every morning bago pumasok sa skool nung elementary ako, pag labas ko ng bahay may matandang nka yuko at nka pamewang habang nag ssiga ng tuyong dahon at nagwawalis, nka daster pa un at kitang kita mo ang nag uumpugan nilang kulubot na ano sa dibdib…
    klasik na klasik yan!
    pag dating ko naman sa skul eh yan din ang hinahawakan ko kasi cleaner ako lagi ng classroom… yan ang teknik ko para hindi muna mkaupo at makarinig ng ung leson kasi lagi akong walang assignment, kaya dapat walis muna para makaligtas! ngayon ang walis ay gnagamit ko na pamatay ng ipis… hehehe!
    thats the power of WALIS!!!!

  6. alasais

    Deadpool,

    Haha! Good point. Hindi kaya ng vacuum higupin ang tae, pwera lang siguro kung pururot ang tae mo. Matandang kulubot ang ano? Sabihin mo na. Kita din ba ang tong-uts?

    Walis, walis, napakatulis…(huh?)

    Tem-i of Alasais (rhyme?)

  7. grasi

    gagawan din kaya ng entry ang dust pan? hehe
    specific dapat pag sinabi mo kung anong walis. di basta walis. tambo o tingting dapat. ewan ko nga ba bakit parang na pephase out na ang classic tambo. may mga plastic na kase n walis. parang korni. hindi madala ung mga sobrang pino na alikabok.

  8. alasais

    Grasi!

    Long time no read ah! Dust pan? Hmmmm…Hehehehe! Gawan mo ng blog dali! May plastic na? Parang hindi ko ma-imagine yun a. Pero ngayon pa lang ay nafi-feel ko nang walang kakainin yan sa ting-ting na kumakain ng tae na aso.

    Musta ka na pre?

    Tem-i of Alasais

  9. DEADPOOL

    hahaha… ang tinde… ibang klase talaga tong site blog nyo… kelangan updated ako… kasi kada’harap ko sa pc ko tambay agad ako dito para alam ko reply sa mga SU-HEs_tyon ko… parang animated series kasi kayo…
    hahaha…
    tem-i…
    oo ung TONG UTS nga! kadiri kasi… un kasi lagi napapansin ko! pero di ko pa alam dati un… maselang parte pala un… pero ngaun iba na pag iisip ko dun… cherry blossoms nah…
    hehehehe! ang halimaw talaga nagagawa ng JS PROM… djan ako nagka malisya eh…
    pero walis pa din tatapos sa kaguluhan ng lahat… sila main event…
    sino pupusta sa inyo…
    PACQUAIO VS HATTON?
    call or txt ur personal tambay na!!!
    TAMBAY+EVENT=UPDATED

  10. alasais

    Deadpool,

    Sa tingin ko ay mananalo si Pacquiao dahil sa kalagitnaan ng round 7, eh papasok sa ring si Andre The Giant at sasakalin si Pacquiao. Habang nagpupumiglas si Pacquiao ay tumatawa si Hatton habang tumutulo ang uhog sa kaliwang butas ng ilong. Biglang didilim ang paligid, pagbukas ng ilaw ay nakahiga na sa sahig si Andre The Giant at si Hatton naman ay binalibag na din sa sahig. Tumunog ang kampana. Si Pacquaio pala ang bagong…Undertaker! (with matching tirik ng mata)

    Text “Sa Pula” for Pacquiao and “Sa Puti” for Hatton. Don’t forget to text “Tanggal ang Mani” for the referree.

    Tem-i of Alasais

  11. grasi

    mang temi,

    oks naman ako pre. absent ako sa alasais nung nung FROM entry eh. di ako makarelate eh. pero im baaaaaack!!!! (sana)

  12. alasais

    Grasi aka Boy Gara,

    Oo pare, namiss ka namin eh. Basta tol, andidito kami, ang barkada mong tunay aawit sayo…(APO Hiking). You ARE definitely back. We love your comments!

    Tem-i of Alasais

  13. alasais

    Andreidae,

    Ang sipag pala ng mommy mo at ito ang peyborit niyang gamit. Baka naman witch siya? Jokeness!(pahiram muna Anakngpating ha)

    – Tikboy

  14. JUDITH!

    woooooow. walis. hahaha. kung iniiwsan nyo yan… ako naman pilit ko yan kinukuha.. mas gusto ko na yan kesa maglaba o kaya magpunas ng sahig!

  15. budaday

    naks pati walis may lugar dito ah. tikboy, oo nga walis tambo nga ung nakasabit sa likod ng pinto nyo sa kusina hahaha. ung walis tingting nyo nasa tabi ng lababo.

  16. alasais

    Budaday!

    Lahat ng bagay na pambatang kalye ay may lugar sa blogsite na ‘to. Walis, ebak, vetsin, sugat, taba, tsinelas, lahat!

    Tem-i of Alasais

  17. alasais

    MharJude,

    Masakit talaga ang magkaroon ng latay dahil sa walis na yan. Pagkawalis ng tae ng aso sa harap ng bahay, eh ipampapalo naman sayo. Sarap!

    Tem-i of Alasais

  18. anonymous4141

    hehe. ang cute naman ng post na ‘to.
    kungasabagaynganaman, di naman talaga masyadong napapansin ang walis pero ginagamit ito araw-araw aa bawat tahanan. hehe. ngayon ko nga lang rin na-realize yun e. hehe.

  19. alasais

    Anonymous4141,

    Cute talaga ang post na ‘to, sing cute ng puwet ni Tenco. Oo, bigyang pansin natin ang mga walis dahil ito ang sagot sa ating kalayaan! Mabuhay ang walis! Mabuhay! (sigaw ng mga katipunero sa katipunan…ave.)

    Tambay ka ang dito. Every Friday, may bagong blogisode.

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

  20. batopik

    hakhak. tumakbo ka sa konreso tem-i tapos magpanukala ka ng batas; dpat magkaroon ng araw ng mga walis. toink toink toink!!!

    hakhak.

    ui nga pala, off- topic
    napansin niyo ba yung patalastas ni mar roxas ba yun.. yung may pedicab.. hakhak. basahin niyo yung nakasulat dun sa pedicab— TENCO. hakhak. SIKAT!!! wala lang. masaya lang ako dun. hakhak!

  21. alasais

    Batopik,

    Tama ka diyan! Dapat may araw ng walis. Gaganapin ito sa Brgy. Tambo at pangungunahan ni Ting-Ting Cojuanco.

    Toink Toink Toink!

    Tem-i of Alasais

  22. alasais

    Wagnuuuuutz!

    Salamas sa award na ‘yan! Gusto kong pasalamatan ang aso ko na kahit tae ang ipakain ko ay kinakain niya pa din.

    Ayan sige mag-akapan tayo. Kapapaligo ko lang sa aso ko eh!

    We love you Tungaw kahit tungaw ka!

    Tem-i of Alasais

  23. jew

    oo nga buti di nagtatampo yung mga walis sa bahay pag di napupuri nu, *hikbi* anyway, nung bata ako walis tingting ang napagtripan kong gamitin para pampatay ng langaw. hindi uso sakin ang flyswatter pero epektib sakin yung tingting isang palo lang hindi lang isang langaw ang patay.hehe!😛

  24. alasais

    Jew!

    Hahaha ang buong akala ko ay isang piraso lang ng tingting ang gamit mo pampatay. Isang hampas, patay ang sampu! Ok! Mala-kung fu ang talent mo! Hahaha!

    Tem-i of Alasais

  25. adonis

    bagamat malaking silbi ang walis sa ating lipunan walis tingting or walis tambo man yan di pa rin natin maaalis ang magkaron ng sama ng loob sa mga walis na yan dahil yan ang weapon ni lola,lolo,nanay,tatay,tito,tita,kuya,ate, pati ang pesteng katulong na yan, para ipamalo kay bunso…

    waaaaahhhhhh,,,,waaaaahhhh,waaaahhhh,,,
    naalala ko si kuya at si ate pagpilit nila ako pinpatulog sa hapon hawak hawak nya si walis, pati si katulong pag kami lang ang nasa bahay hawik din nya yan para ipamalo huhuhuhu…

  26. TunYing

    hehehe… nung maliit ako isa lang ang silbi ng walis sa akin… either gitara ko sya o baril-barilan… minsan nga nagiging espada panlaban sa mga imaginary monsters… kaso… pag nanay ko na may hawak nun pwedeng panlinis… pwede din na pang-bigwas…
    hehehehe…

  27. alasais

    TunYingerts!

    “Pang bigwas”! Bwahahaha! Matagal ko nang hindi naririnig yan ah. Mabigwasan nga ‘tong katabi ko sa dyip! Uhm! (Hala! nag-iinternet ako sa dyip?)

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s