H. Summertime

Summer – ito talaga ang pinakabakasyon sa lahat.  walang binatbat ang christmas break (although masaya rin ‘yun kasi may mga regalo) at araw ng mga patay dahil mas matagal walang pasok kapag summer (april at may ba naman eh).

 

Hindi lahat ng bata eh masaya kapag summer.  syempre, hindi mo muna makikita ang mga crush mo kaya wala ka munang pagpapasikatan at pagpapakitaan ng mga dance moves mo.  wala rin munang baon (pero usually naman kapag bata ka eh iniisip mo na ba ang importansya ng baon sa buhay mo?).  anu-ano nga ba ang mga ginagawa ng mga chikiting kapag summer?  basta ako, naranasan ko na yata halos lahat ng puwedeng iparanas sa isang bata.

 

Una na diyan ang outing. sumasabit ako sa mga outing ng mga pinagtatrabahuhan ng mga magulang ko. masaya naman, kase ‘yung ibang mga ka-opisina nina mama at papa ay may mga magagandang anak, kaya puwede ko silang pagpakitaan ng mga moves ko sa swimming pool (basta ‘wag lang sa malalim dahil pucha nakakahiya ‘yun kapag nakita nila akong nakalunok ng tubig at biglang uubuhin habang sumisigaw ng, “mama nalulunod po ako!”).  napansin ko lang:  bakit parang mas sumasarap ang mga pagkain ‘pag kinain mo sila habang nasa swimming?  ‘yung hotdog parang nagiging mas malasa kapag inihaw ni mama sa tabi ng swimming pool? at eto pa, pustahan, lahat tayo umihi na sa beach.  ano ha?  ang sarap pa ng pakiramdam kapag nagkataong dun din pala sa resort na ‘yun pumunta ang kaklase mo dati, na kahit hindi kayo close eh babatiin mo talaga, tapos parati na kayong magkasama.  instant bespren!

 

Piano / organ lessons. pinag-organ lesson ako ni mama dati.  ang boriiiiing!  puta, wala talaga sa dugo ko ang mag-organ!  isang buwan lang yata ang tinagal ako at talagang sinabi ko kay mama na ayaw ko nun!  ang naalala ko lang na piyesa ay ang sikat na, “oh when the saints go marching in!”  basta, ayoko ko nang pagusapan ‘yun.

 

At eto pa, medyo hindi ko rin maintindihan ‘to eh.  bakit kung kelan summer at chance niyo nang magkasama nang matagal ng mga magulang niyo eh pagbabakasyunin ka naman nila sa probinsiya?  anak ng magaling nga naman oh.  hindi ko lubos mawari subalit datapwat kung pano ako napapayag magbaksayon noon sa probinsiya ng dalawang buwan!  “o anak, magbakasyon ka muna dun kina lolo mo ha?” anak ng…

 

Dun ko talaga naranasan kung panong ma-homesick eh.  hindi ko talaga sariling unan at kama ang tinutulugan ko.  wala pa talaga akong mga kalaro!  minsan dumadalaw naman si papa, pero ilang beses lang ‘yun, mga dalawang beses lang yata.  at eto pa, ang sungit pa ng tita ko.  tsk.

 

Pero hindi naman sa tuwing nag-s-summer eh ganun ang nangyayari sakin.  minsan naman eh wala akong mga extra curriculars kaya libre akong makapaglaro sa labas, wala pang masyadong curfew. ito na ‘yung times na pinaiigting ko ‘yung skills ko sa iba’t-ibang larangan – holen, tex , tatsing, dampa, taguan, prikidam, habulan, at kompyuter.  kapag may na, medyo hindi na summer sakin ‘yun dahil june na ang susunod at pasukan na!

 

–tenco

 

 

Summer – Puta, eto ang panahon na kung hindi mo maeenjoy, eh siguraduhin mong hindi ka loser sa eskwelahan dahil ito lang ang oras na kung saan may pag-asa kang maging bida sa sarili mong buhay.

Pagdating ng Marso, ayan na! Nararamdaman mo nang tinatawag ka ng tsinelas mo at sinasabing, “Halika! Pudpurin mo na ako!” Naghihintay na rin ang mga sando mong maluwang ang kili-kili hole at ang shorts mong 4 na araw mong isusuot nang walang palitan. Ang kahon ng tex ay naghihintay na din at ang isang Fido Dido drawstring bag na punong puno ng holen ay naiinip nang mabuksan para ipamato at ipantaya sa lupang may nakaguhit na parisukat (or sa parisukat na nakaguhit sa lupa..ano ba tama..a basta yun na yun.).

Para sa isang batang katulad ko na hindi pinapalabas pag weekdays tuwing pasukan, masarap i-anticipate ang summer. Ito na ang pagkakataong makita ako sa labas ng bahay namin sa isang hapon ng Lunes o Martes. Hinding hindi mo ako makikita sa labas pag pasukan dahil busy akong gumagawa ng assignments at nagmememorize ng mga rehiyon sa Pilipinas (Putanginang Sibika teacher yan….sarap bunutan ng bulbol…). Dalawang buwan akong hindi matatakot tuwing Linggo nang hapon dahil wala namang pasok kinabukasan. Wala na din ang mga periodical exams na ginagamitan ko pa ng patterns pag multiple choice (A. B. C. A. A. B. B. C. C – yan ang kombinasyon ng unang test ko pag Martes ginanap ang exam). Kaya pag summer na ay napapahinga ang aking school survival skills.

Pwede na din akong uminom ng Milo sa umaga nang hindi ako nag-aalala na baka matae ako sa skwelahan. Sa Nido, hindi ako masyadong natatae. Mas malakas ang tama sakin ng Milo e. Kaya naging bespren ko ang janitor namin na si Mang Rohelyo dahil siya ang taga-mop ng tae ko sa classroom (2x nung Gr. 2).

Pag summer, hindi mawawala ang swimming syempre pa. Masarap sa beach lalo na kung may hinanda kayong dance number ng mga kaibigan mo dun sa seashore na madaming flag at giant umbrella. Kakantahin nyo ang isang sikat na kanta habang sumasayaw at papalitan nyo ang lyrics para tumugma sa experience ng barkada mo. Shempre, sa Pinas ka lang din makakakita ng mga babae na bibili ng bikini, isusuot sa beach, ngunit may nakapatong na shirt at naka maong na shorts pa! Para lang silang nagsuot ng bra’t panty na Technicolor! Pero ngayon ay medyo makakapal na ang mukha ng mga kabataan at kaya na din nilang isuot nang tama ang mga bikini. Palakpakan. Mga lalake, derecho sa banyo.

Pagpapatule. Hindi ko pa ginagawa to hanggang ngayon (ito ay biro lamang…pero munitk ko na talaga siya hindi ginawa..bat ko ba sinasabi to…). Sa ibang blog na lang to kasi wala pang ishe-share na experience si Tenco at Tikboy tungkol dito. Um, tangina, sapul.

–tem-i

 

 

       ang tag-init…eto lang ang pagkakataon na naiinitan ako pero nakangiti ako. Ibig sabihin ng init n yan ay bakasyon na…its summertime! eto ang nagbibigay sakin ng sipag na magreview para sa 4th quarterly exam sa skul. iniisip ko na pagtapos ng exam bakasyon na, last exam na to. tatantsahin ko lng ung kakabisaduhin ko. pag tingin ko na pasado na ko sa dami nkabisa ko sa mga lessons, ayos na. aasahan ko na lang ang aking memory skills pandagdag puntos sa exam. kung anu ung matandaan ko sa mga tinuro samin ng titser ko sa buong school year. ganyan ako kasipag mag-aral.

       eto na ang summer vacation. sobrang linis na ng utak ko nito. wala nang inaalalang assignments, exams, projects at haselicious na pakiramdam pagdating ng linggo ng hapon. laro, laro, laro,laro…yan lang ang nasa utak ko. gutom at antok lang ang makakapigil sa paglalaro ko. at shempre pala ang tawag ng magulang ko. lahat na ng laruan nilalabas…matchbox, g.i. joe(yo joe!), lego, wwf wrestlers(na ginawan pa kami ng ring ng tatay ko) at kung anu pang pwedeng malaro. gagawan namin ng rampahan yang mga matchbox at pagandahan kami ng rampa ng mga kalaro ko. basta hindi tumaob matchbox mo ang galing ng kotse mo. kapag wrestling naman ang laro namin, shempre may home-made ring kami at alam nyo na ang peyborit naming laruin. shempre ang “royal rumble”! para lahat ng wrestlers malalaro nyo ng sabay sabay. shempre ang tinitira namin yung mga magagaling tulad nila hulk hogan at macho man. at eto ang isa sa mga pinakagusto naming paglaruan…ang buhangin sa tapat ng bahay. kapag may nagpapagawa ng bahay dun kami naglalaro sa tambak ng buhangin sa tapat ng bahay. gagawa kami ng kanya-kantang butas at tunnel para sa mga g.i. joe namin. pero kahit anu pwede mong laruin dun e, mapa-kotse o tao pwede. minsan nga lang bigla ka na lang mkaka-amoy ng mabaho pagkahukay mo. ibig sabihin nun nakahukay ka ng tae! Yung mga aso’t pusang gumagala ang may kagagawan. bigla ka tuloy pasimpleng uuwi at maghuhugas ng kamay. tapos hukay na ulit!

       shempre kasama rin sa summer mo ang pagbabakasyon sa ibang lugar. dun kami palagi sa lola ko, mga isang linggo kaming magkakapatid dun matutulog. gusto namin dun kasi spoiled kami sa lola at tita ko. hindi kami pinapagalitan, kahit anung oras ka matulog pwede, kung anung ulam gusto mo iluluto at palaging may juice at milo. kahit kelan mo gusto magtimpla pwede. dun ko nga lang nagawa yung pinapapak yung milo e. ilalagay ko sa isang maliit na bowl yung milo, gatas at asukal. hindi namin lalagyan ng tubig yun. kakainin namin ng ganun lang yun. ang sarap diba? sa saya mong nadarama hindi mo mamalayan patapos na pala ang buwan ng mayo at bigla ka na lang tatanungin ng nanay mo, “anu gusto mong design ng notebook?”. pucha!!!

 

–tikboy

34 comments

  1. Delyong

    pinaka panalo sa lahat ng bakasyon… Summer Vacation!!! yan na ung panahon na kung saan ang pumuti mong balat dahil lagi lang nasa eskwela ay masusunog sa kakalaro sa ilalalim ng araw…

    masuwerte kaming magkakapatid dahil ang bahay namin ay 20 hakbang lang ang layo sa dagat. Ibig sabihin anumang oras naming gus2hin na mligo sa dagat ay walang problema. Syempre kailangan pa ring magpaalam kay “mama” at matulog ng ala 1 gang alas-3 para pwedeng mkaligo uli sa hapon. ksama nming naliligo mga pinsan namin. May mga pagkakataon na nakalaba na si “mama” ng aming mga damit ngunit dahil gus2 pa rin naming maligo ay walang hiya kaming lumalangoy na litaw ang mga itlog. Minsan nman ay nama-mangka kami at mamimingwit ng isda para may dag-dag pang-ulam s hapunan.

    masaya rin pag nag-babakasyon kami sa bahay ng aming lolo’t lola. Marami rin kaming barkada roon at ang trip naming laro pag summer ay lutu-lutuan.

    kanya-kanyang baon ng pagakain na karaniwan ay tinapay, maggi spaghetti(sarap), itlog ng bibe, bayabas, mangga, at chocobot. iluluto muna namin ang spag gamit ang dahon,pat-pat at mga kawayan sa paligid. kapag nkaluto na, aakyat kaming lahat sa puno ng santol at doon magsasalo-salo ng pagkain.

    Ewan ko ba at ni isa sa amin ay walang naging chef… instant food lang at kanin lang ang alam lutuin.

    Pag buwan na ng mayo excited din dahil bibili kami ng bagong sapatos, bag, notebooks at pencil case para sa muling pagpasok.

  2. alasais

    Hahaha! Lufet mo Delyong! Katulad mo din pala kaming pinapatulog lagi tuwing hapon. Malamang ay madami ka ding style ng pagpapanggap na nakatulog na.

    Ingat lang sa paglalaro ng lutu-ltutuan at baka imbes na itlog na bibe, e itlog ni Delyong ang mailuto mo. Siguro ngayon, dahil matanda ka na ay hindi lang itlog ang lumilitaw sa iyong pagligo.

    Keep sending your wonderful comments, Sir!

    Tem-i of Alasais

  3. kirsten

    gustong gusto ko talaga ang summer,,,kahit na dalawang buwan ko rin hindi masisilayan ang crush ko hahaha! ang pinakamalungkot na summer eh nung grade 6 ako,,marami sa amin ang lumipat..haayy pero ang brightside naman, pde na gumala khit saan! hayskul life on the way:D

  4. mishes

    hayzz.. namiss ko tuloy ang summer. ngaung ndi na ko nag aaral, hindi na ubra ang 2buwang bakasyon.. hehe..

    lagi rin kaming pinapauwi sa province nun pero ok lang kasi sabik kami sa dagat, ala nun dito sa manila eh (try mo sa manila bay na sobrang tutulis ng bato ang sobrang linis ng tubig!) minsan lang pasaway lola ko ayaw kami payagan.. pero dahil apo nya kami at namana namin ang pagkapasaway nya, ligo pa rin kami.. sabay akyat sa puno sa gilid ng bahay diretso sa bintana.. instant access sa loob ng bahay para hindi halata na galing sa dagat tas punas ng tuwalya sabay baba ulit para kunyari maliligo sa banyo.. hehe.. di na halata, nakatakas na paliligo sa dagat!🙂

  5. alasais

    Mishes,

    Klasik ang bahay nyo sa probinsiya a. May puno derecho sa bintana. Siguraduhing isarado ang kurtina habang nagbibihis!

    Tem-i “Bosero” of Alasais

  6. mishes

    hahaha.. yun ata ginagamit ng nanay ko dati sa pagtakas eh! para hindi xa mahuli ng lolo’t lola ko na rumarampa!🙂 mana mana lang!!!

  7. alasais

    Mishes,

    Hehe. Manang mana sa nanay a. Sige na nga, papayagan na kitang dumaan sa bintana, basta siguraduhing magsusuot ng panty kapag naka-palda ok?

    Tem-i of Alasais

  8. TunYing

    Ang lupit ng teknik mo mishes!!! HAHAHAHAHAHA!!!
    Ako ang ayaw ko lang sa summer eh yung isang linggong pangingilin o yung Holy Week!!! Walang mapanood sa tv!

  9. TunYing

    Bwahahahaha… Si mhey ang nagpakilala sa akin ng bogsite na ito! kaklase ko nung college! Kaya kung gusto nyo makilala yung mga kinomment ko sa titser… sya na lang tanungin nyo! hahahahaha…

    to mhey:
    Hahahaha… pati si patani nasali dito! hahahahaha!!!

  10. alasais

    TunYing at Mishes,

    Pwedeng-pwede kayong magligawan dito. Sana kayo na ang kauna-unahang Alasais Couple. Kung torpe ka pa rin Tunying pwede mo kami maging messenger at tiga-abot ng stuffed toy kay Mishes.

    – Tikboy

  11. Snowden

    Sarap ng summer!pr0blema lang nagbabakasyon mga kalaro kaya ang ending mag-isa ko lang!para akong tanga na naglalaro mag-isa.dagdagan m0 pa ng h0ly week!s0brang pahirap yun!anak ng tinapa pakiramdam ko ipinako din ako sa krus..hehe.atleast maliligo kami sa dagat pagdating ng sunday.ny0k!pagpapatuli?wahaha…

  12. Snowden

    Haha.ako bahala sa bayabas!bubunutin ko nalang yung pun0 sa bahay.haha..baka kasi maubos ni tem-i sa kakangata sa nerby0s.hehe

  13. proper

    ABA! SUMMER! WOOHOOO!!!! kapag last day? laging may plano ang barkada! manood ng Sine sa Sta. Lucia o tambay sa bahay at mag laro ng NBA LIVE (its in the GAME!) nung high school? magpakalasing!!!! inom lang nang inom…excited ako sa mga videogames pag ganyan at tulad mo tenco may piano lessons din ako…boring sha oo…pero iba ang appeal kapag marunong ka ng mga instrumento!!! tama po, lubos ang pagsisisi ko…napadpad kasi ako sa megamall isang beses, may concert ng piano ang isang Gelo…TANGINA! sikat na sikat, dami pang babae ang tumitili…eto ang matindi, kilala ko sha! at isa shang..miyembro ng 3rd sex…walang hiyang buhay ‘to! gusto kong sumigaw ng “BADING YAN! BADING!” pero hindi, dahil bumabalik ako sa pagsisisi ko at hindi ako naging bihasa sa piano…mahal ko po ang beach! kapag summer? woohoo! ayan na! SUNBURN! BUHANGIN! at TULE…teka! oo tama po, panahon ng pagbibinata! bwahahaha!!! hay, pagkatapos ng tule?!?!?! after 2 weeks? aba! bye-bye dino light na at hello advan shoes! bye-bye moose gear at hello bench….oras na para pumorma at mag-pacute sa paligid ng village…hay summer!

  14. proper

    iba talaga ang hatak ng marunong tumogtog at biglang kakanta ng magagandang awitin…tulad ng “hey jude” ni paul mcartney…siguradong may mga maiinlove babae niyan at maiimpress sakin nun…HAY! ang pagsisisi ay laging nasa huli

  15. alasais

    Proper,

    Haha! Hey Jude eh no? Klasik talaga yun. Mukhang hindi ka natuto maggitara or mag-piano ah. It’s never too late, Proper. If you’re close to my age, then it’s really NEVER too late. Makakabanat ka pa ng mga “Peksman! Mamatay man! Basta iyong kagustuhan…”

    Tem-i of Alasais

  16. guru_disini_jakarta

    hays… kami namang taga probinsya, sa manila ang bakasyunan namin tuwing summer-para pumuti ba at matutong magtagalog. iba kasi pag naka apak ka sa manila…sikat ka sa mababang paaralan. eheh. sabay bili ng nokbuk at kokomban sa nasyonal pag malapit na ang pasukan.

  17. bakuko

    Bat nangangamatis yung etits ko nung bagong tule ako??? Tinignan lang naman ng ate ko eh.. then poof! it became Koko Crunch! @_@

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s