13. Tocino

Sabado. Ala-singko ng hapon. Ayan na, matataya na ako ni Lisa Bungal! Takbo, Tem-i! Takbo pa! Sige! Hapit lang nang hapit! Huwag mo akong bibiguin, Beachwalk kong kulay dilaw! Ayan…parang bumabagal na si Bungal…ay puke! Ayan nanaman siyah! Shet! Takbo! Sige pa! Pagod na ako! Hindi pa! Mabuburot ka ‘pag nataya ka sigurado dahil bano ka sa mataya-taya! Tem-i! Wag! Kang! Mag-pa-pa-ta-arekup!!!

Squiirrrkkkkkk!!!!!!!

(katahimikan…)

ARAAAAAAAAAAY!!!

Dagsaan ang mga kaibigan ko sa akin para palibutan at panoorin ako habang pinipigil ko ang dalusdos ng aking luha at sipon. Ang haba ng sugat ko at mukhang tocino sa pula. “Huwag niyo sasabihin sa Nanay ko.” Asa pa. Siyempre nakita na ako nung bata kong kapatid at ibinalita na agad sa bahay kung anong nangyari sakin. Dali-dali at tumakbo na si Manang Ising para kunin ako. Kumakandirit na ako pauwi sa bahay at nanginginig-nginig pa ang binti.

Pagdating sa bahay ay naghihintay na ang nanay ko, hawak ang mini-palanggana at bulak. Siyempre nakatago ang mga malulupit na armas na siya naman talagang magpapaiyak sayo hanggang sa lumuha ka ng dugo. Siyempre may mini-sermon din yan bago ka kunin at i-torture – lines tulad ng “Ayan, lalampa-lampa ka kasi eh! Sinabi nang dahan-dahan sa paglalaro eh…(Puta ‘Nay kung dahan-dahan akong maglalaro eh di lagi akong taya! Ayaw!) Pero siyempre sa isip ko lang yun.

Pagkatapos ng sermon ay hahawakan na ni Manang Ising at Nanay ang binti ko nang napakahigpit. At ‘pag naka-lock na ang kapit nila, ayan na! Ilalabas na nila ang tatlong demonyo sa buhay ko!

Unang una ay ang Agua Oxinada! Ito ang unang atake nung dalawang babae sakin. Ipapahid ito sa sugat ko. Napakalamig sa simula, tapos kapag nakita mo nang bumula ang sugat mo, pumikit ka na at mag-imagine ng mga eksena sa Takeshi’s Castle (blog #11) dahil papatayin ka agad neto sa hapdi. Nung first time kong nagamitan ng Agua Oxinada ay nagwala ako at natabig ko ang lalagyan nito. Tumalsik ang laman at napunta sa buhok ni Manang Ising. Isang buwan siyang napagkamalang tricycle drayber.

Simula pa lang yan.

Merthiolate – Heto ang second layer ng parusa. Mamula mula ito at parang katas ng sili na mas magpapahapdi pa sa naunang hapding dulot ng Agua. Parang sinusunog nito ang sugat mo. In other words, “niluluto ang tocino” mo.

Betadine – Haay sa wakas…Ito ang pinakagusto kong stage dahil hindi ako nahahapdian sa betadine na yan. Kaso nga lang, yung tocino kong mamula-mula kanina ay magiging mukhang inadobo na may ginto sa paligid. Medyo kadiri ang kulay neto dahil parang black-gold ang tuhod mo. Go Uste?

Lahat ng batang kalye ay dumaan sa tocino stage. Sa mga magulang na nagbabasa neto, kapag nagkatocino ang inyong mga anak ay huwag kakalimutang sabihin sa kanila ang pinaka-comforting na words habang nilalagyan mo ng alkohol ang sugat nila…

“Hala ka…lalabas na yung pari!”

– Tem-i


“Boom Tikboy!”

Pucha kailangan kong maunahan si Nonoy sa pag-base para hindi na naman ako mataya. Tumalsik na tsinelas ko sa hapit ng pagtakbo. Sinadya ko rin naman tanggalin dahil bumibilis ang aking pagtakbo kapag nakayapak lang. Ito ay ang senyales na seryoso ka sa pagtakbo at ayaw mo talaga mataya. Lapit ko na siyang maunahan.

“Base!” ang sigaw ni Nonoy.

Taya na naman ako. At hindi lang yun, nadapa pa sa humps sa street namin. Double blackeye. Waaahhh pakyung kahaselan ‘to!

Iniisip ko kung paano magiging cool ang pagkakadapa ko. Aakting kaya ako ng sobrang sakit at kailangan pa talaga kunwari na may umakay sa’kin? Hmm masyadong maarte ‘wag yan. Tatawa lang kaya ako ng malakas para matawa na lang rin sila at kunwaring hindi masakit? Hindi ko kaya ang sakit eh. Ang hapdi eh! Hindi mo talaga mapapa-cool ang pagkakadapa mo. Loser ka kung loser. Bano kung bano. Lampa kung lampa. Wala eh nadapa ka eh. Buhay ka pa.

Uuwi ka na lang sa nanay mo para maparamdam sa’yo ang impyerno sa paggamot ng mala-tocino mong sugat. Shempre ang una ang Agua Oxinada.

Tikboy: “Ano yan?! Mahapdi ba yan?”

Tiknay: “Eh basta lilinisin nito ang sugat mo. Hindi mahapdi ‘to, malamig lang”

Ilang segundo pa lang, yung lamig eh nagiging mainit at mahapdi na.

“Tama na Ma!” ang ngalngal ko.

“Isa pa. Kapag hindi na bumubula ibig sabihin malinis na sugat mo.” ang sabi ng mabait kong nanay.

Totoo ba yun? Na kapag bumubula pa ang Agua eh madumi pa sugat mo? Ilang beses ako nagtiis hanggang sa hindi na bumula yung Agua eh.

Pero ito talaga ang kampon ng kadiliman para sa’kin. Ang namumulang Merthiolate! Itsura pa lang niya eh ang hapdi hapdi na ng dating. Tinitignan ko pa lang sumasakit na agad sugat ko. Gusto ko talagang alamin kung saan nakalagay yan para matapon na agad sa inodoro. Isang patak palang nito eh nag-aapoy na sa hapdi ang sugat mo at kahit anong gawing ihip ng nanay mo eh nananalo pa rin si Satanas sa pagpapa-init dito. Kahit itapat mo pa sa electric fan wala kang takas. Iiyak at iiyak ka pa rin.

Kapag napatuyo na ang Merthiolate sa sugat mo eh tatapalan na ng Mediplast ban eyd(band-aid). Palagi kong tinatakasan ang nanay ko sa pagpalit nito araw-araw. Hindi ko talaga pinapa-alala sa kanya para hindi niya matandaan. Eh ang sakit kaya tanggalin ng ban eyd kapag hindi pa tuyo ang sugat mo. Ilang araw ko ‘to papatagalin sa sugat ko para pagtanggal ko nito, swabeng-swabe at walang kasakit-sakit. Magmamarka nga lang ito sa balat mo na parang paikot na libag.

Balik na uli sa kalye para maglaro.

“Boom Nonoy!”

– Tikboy


Sugat-ito ang isa sa mga nagpapahasel at nagpapasira ng momentum ng pag-e-enjoy sa kalye.  Parating sumasaktong sa tuhod tayo nagkakasugat para talagang hindi tayo makakalaro sa labas.  Pwede namang magkasugat sa noo.  O ‘di kaya sa tenga.

Ang sugat ay isang marka ng pagiging batang kalye.  Kumbaga sa frat, ito ang patunay na naranasan mong maging kawawa pero bida pa rin sa huli.  Cool pa rin ‘yun!

Automatic na kapag nasugatan ako e iiyak ako.  Bata e.  At parating nangyayari ‘to kapag nagtatakbuhan.  Sa ‘di malamang kadahilanan, matitisod na lang ako at hahalik ang tuhod ko sa tigas ng semento sa daan, o kahit sa lupa pa ‘yan.  Namumula, may kasama pang lupa at buhangin, parang tocinong may paminta.  Sarap!

Syempre takbo ako agad sa nanay ko.

“Maaaaahhh!  (singhot) Nadapa (singhot) po (singhot) a(singhot)ko!”

“Ano?!  Hindi kita maintindihan?!”

“Ang (singhot) sa(singhot singhot)kit o!”

“Ayan ang sinasabi ko sa’yo e!  Laro kasi nang laro hindi tinitingnan ang daan!  Sandale kukunin ko ‘yung alcohol.”

(Ma wala ka namang sinabi a.)

Rhea Rubbing Alcohol.  Walang patawad sa mikrobyo!

Ang hapdi talaga ng alkohol!  Bakit ba walang gumagawa masyado nung huhugasan nalang ‘yung sugat tapos sasabunan?  E hindi naman masakit ‘yun e!  Anyway, gamit ang bulak e dadahan-dahanin pa ni mama ang pagpahid ng bulak na may alkohol sa sugat ko.  Tapos iilag-ilag pa ko na para namang maiilagan ko talaga ‘yung alkohol.  Bobo sa strategy e.  Uhm!  Hapdeeehh!  Ihip ihip ihip (na nakakunot ang noo)!

Ilang araw pagkatapos kong masugatan e sisilip-silipin ko ‘yun sa ilalim ng band-aid.  Tapos e dahan-dahan kong tatanggalin ang band-aid hanggang sa makikita ko nalang ang mga kamay ko na binabakbak ang sugat ko.  Ang sarap bakbakin!  Sana may isang malaking laruang sugat para babakbakin ko ‘yun nang babakbakin maghapon!  Ang dapat na isang linggo lang na sugat e naging isang buwan at kalahate.

Tanong:  Magkalasa ba ang natuyong sugat at kulangot?

– Tenco

37 comments

  1. snowden

    Haha..kla ko naman ab0ut sa pagkain ang entry na it0..hehe

    Hindi lang parang tocino mala longganisa pa.sa mga bata ang peklat ang nagsisilbing tatto0 or palatandaan ang pagiging astig sa kalye..dyahe nga lang dahil tatawagin ka namang barya or may mapa ng visayas sa binti.haha..

    Masarap maglar0 per0 masakit talaga masugatan.tinatak0t nga ako ni ermat na dun daw lalabas yung kanin na kinain k0 at pang huli yung pari.haha..

    Kasuklam suklam talaga yang alcohol at agua oxinada.per0 nag-eenj0y ako pag bumubula ang sugat sabay tapat sa electric fan pag mahapdi na.haha

  2. AndreidAe

    waw!…Tocino pla ang term dun..now i know..kala kuh din fudz xa eh..un pla un..neweiz..ang tindi nman pla man torture ng mga momies nyu…3 stages pa tlga ah..anyways…yung agua oxinada eh gnun tlga ung effect..kxe ung bula nun un ung mga bacteria na pnapatay nya kea..pg d na bumula..it means malinis na xa…(yay!)and yeah khit na mahilig akuh mglaro sa labas nun..d nman aq palaging ndadapa..kea bihira lng din ako mgkasugat and may time limit ang play time kuh sa kalye kasi pnapagilatan akuh ng yaya kuh..

    ..it’s so nice to be back again!..

  3. alasais

    Andreidae,

    Well it’s nice to have you back here, dear. Salamat sa pagbibigay mo ng scientific explanation sa bula ng Agua Oxinada. Ngayon ay kaya ko na siyang ipaliwanag sa pamangkin ko habang umiiyak siya sa sakit. Ano ang time limit mo nun? Alasais?

    Tem-i of Alasais

  4. anakngpating

    aksawaly pati ako nadenggoy nyo dahil sa tocino na tittle akala ko talaga pagkain hehe…tocino na sugat pala hehe…ang kulet nyo mag laro ha hehe…nadapa na rin ako hehe pero bilang lang yung pagkakadapa ko mas mahilig kasi mag laro ng paper doll hehe…ang dami ko nun nung bata ako hehe…(until now naman muka parin akong bata hehe)

  5. bipolarsisa

    “Kumbaga sa frat, ito ang patunay na naranasan mong maging kawawa pero bida pa rin sa huli. Cool pa rin ‘yun!”
    -hindi naman. hehe.🙂

    lintik ngang sugat ‘yan. haha. parehong tuhod ko merong marka. tsk. *buti nalang hindi halata. hehe.*

    hindi man ako sa paglalaro nasusugatan. katangahan lang sa simpleng paglalakad, tapos madadapa. tsk.

  6. mishes

    hahaha.. mukang marami kaming nabiktima ng title ng entry ngaun ha.. kala ko related sa last blog, sugat pala! hehe

    ndi ako madalas madapa dati kaya minsan lang ako magkasugat. pero pahirap tlga un mga orasyon pag naglilinis ng sugat… bat ba kasi wala silang maimbentong mga panlinis na ndi naman torture.. sakit n nga ng sugat mo, lalo pa sasakit pag nililinis na.. huhuhu..

    klasik din yun sasabihan k ng mga miron na may lalabas na pari sa sugat mo.. mga letse! masakit na nga nanakot pa.. hehe..🙂

  7. Joyce

    Wow! akala ko food ang topic niyo….hehehe…yun pala ang tawag dun….lol. Anyway, once again, sobrang galing ng article niyo. I really enjoyed reading through your experiences… ang saya-saya ng childhood days niyo pala…nakakarelate talaga ako… naranasan ko rin ang madapa at gamutin ng nanay ko…tama, in order of appearance ang tatlong
    gamot na yun… at araw-araw pang kailangan linisin. Torture talaga! Sabi nga nila mark of remembrance ang barya o coins (piso-piso!) sa binti mo….hahaha! tanda ng kalikutan!

  8. alasais

    Joyce,

    Hindi lang kame, ikaw din! Masasaya ang chidhood days natin!🙂 Keep reading and enjoying, marami pa kaming ilalagay dito!🙂

    – Tenco

  9. vlozty

    Kala ko Tungkol sa Tosino Talaga ang Blog na to

    xD

    Tama si Kuya Tenco

    Ang pinakamasarap na parte ng pagkakaroon ng sugat ay ang pagtuklap sa namuong dugo sa ibabaw ng sugat tapos magiging peklat

    hehe

    payabangan p nga kami ng mga kaklase ko sa mga peklat o sugat na ganyan

    kala mo nman bunga ng kadakilaan na naipagmamalaki pero bunga lng ng katangahan at pagiging bano at lampa

    =D

  10. katkat

    WUSHOO! susyal pa pala kayo Tem-i, Tikboy at Tenco!Ü Taas ang kamay ng mga naka-ranas ng bangis ng epekto ng laway ng kalaro mo sa nginuyang dahon ng bayabas?!Ü Hindi masakit ang bayabas pero pamatay ang laway ng kalaro mo na ngumuya ng dahon nito. Hahaha!

    TAYM PERS! — sugat ang panira sa laro! kapag may nadapa, panigurado sira na ang diskarte ng tropa. kung kampihan ang laro, tyak! may malalagas na kakampi ng isa sa dalawang grupo. ang mangyayari, magkakatamaran at mag-iiba na lang ng laro. sira na!

    Panalo ‘tong topic na niyo! This is my first-time to comment on your post. I’m reading your blog and i’m enjoying it. More power guyz! Apir! ^^

  11. alasais

    Katkat,

    Masarap kapag pinanguya mo ‘yan sa kalaro mong bagong gising. Epektib ang panis na laway na humalo sa katas ng dahon ng bayabas. May scientific basis ‘yan sabi ng tambay sa aming mahilig magbasa ng Abante.

    – Tenco

  12. emilayskie

    Waaa.. Akala ko yung Tocino na topic eh yung food. Nung nabasa ko lahat nanghina bigla tuhod ko. Feeling ko tuloy may sugat ako.

    Medyo hindi ako dapain nung bata at di ako nagkakasugat sa pagtakbo pero mas prone ako sa mga paso. Ewan ko ba.

    Natawa ako dun kay Manang Ising na napagkamalang tricycle drayber. Ginagamit kasi dati na pangkulay ng buhok yung agua oxinada di ba? Parang anak araw ang dating.

    Natutunan ko sa post na ito na mayaman pala sina Tikboy kasi everyday pa pinapalitan ang band aid at nalaman ko rin na si Tenco pala ay iyakin. Hahahaha..

  13. tonitoni poponi

    oh well! baby oel! di ko naranasan na magkaron ng maraming “tocino”. mga 3-5 times lang ako nagkasugat ang dahilan, eto oh!
    *nakatakas ako sa yaya ko na ubod ng lupet magbantay! batang laking kwarto,YAYA: “di ka maglalaro hanggang di ka natutulog”, kaya ang siste 15mins akong nakapikit, didilat mata, hihikab, guguluhin ang buhok sabay sabing , ATE GINGGING, laro nako, nagtake a nap nako eh! sabay takbo sa labas makiki-epal sa mga nag-lalaro ng bamsak (bang-sak). dahil sa bibihira masikatan ng araw, ayun! walang pang 10 minuto, ngumangalngal nako papunta sa yaya ko.haha
    lampa tlga ako aminado ako, isa akong malaking LAMPA! syet! TRUTH HURTS MAN!haha

  14. alasais

    Camille,

    Bilang na bilang kung ilang beses nagkasugat a! Sarap mo palang burutin sa mga larong habulan, pero huwag mag-alala! Ililigtas kita!😉

    – Tenco

  15. chipipay

    aba okay pala tong nirefer ng friend ko na site a. shet kala ko usapang almusal to. leche sugat pala na mukhang tocino. hahaha nakuwento ko sa classmate ko, ayun nawalan ng gana kumain.

    share ko lang. nung bata din ako (na sa tingin ko naman e di tayo nagkakalayo ng edad) kung di agua oxinada, alcohol ang ilalagay. sasabayan ko pa ng ihip yun na akala ko naman makakabawas sa hapdi. iniisip ko na lang, dedo kayong mga germs kayo. iyak muna ko. haha.

  16. tonitoni poponi

    nice!!! salamat idols! kahit medyo nagyabang ka sa parteng un! hahaha, kaya ako di pinapalabas dahil HIKAIN ako! hahaha

  17. alasais

    Katkat,

    Gumamit rin ako ng dahon ng bayabas isang beses. At ginamit ko ‘to sa tocino ng bagong tuli. Alam mo na kung saan yun.

    Panalo rin ang iyong komento. Maraming salamat.

    Apir!

    – Tikboy

  18. alasais

    Tonitoni poponi,

    Ok lang yan kung lampa ka dahil sigurado kong mas lampa si Tenco sa’yo. Siya ang buburutin natin hanggang sa umiyak na siya at inumin na lang ng Agua.

    – Tikboy

  19. boy

    buti nalang hindi ganun kabrutal ang nanay ko sa mga sugat ko nung bata ako.. alcohol lang.. kung minsan tubig lang… hahaha!! buti naman at hindi ako nagkaka impeksyon.. madalas ako nagkakasugat sa basketbol.. at yung walang kuwentang tsinelas ko ang nagpapahamak sakin.. kung hindi napipigtal ay naaapakan naman.. nagkaroon ka na ba ng sugat sa hinlalaki sa paa dahil natuklap ang balat? ganun.. para talagang may tren na lalabas..

  20. Bam

    ai…parang nawalan naman ako ng ganang kumain pagkatapos basahin itoh! ahahaha… Anyway, hindi mo siguro masasabing naging bata ka kapag hindi ka nagkasugat dahil sa laro. Pwera lang siguro yung mga rich kids na hindi nadadapuan ng langaw.hahaha..Pero masaya talaga maging batang kalye kahit na mala tocino pa ang sugat na makukuha mo….ang sakit naman talaga!!! aray ko po…

    Kuya Tenco, hayaan mo mag-iimprovise ako ng laruang sugat para sau.hahahaha ^^

  21. TunYing

    Sugat… arekupo! masakit talaga magkasugat lalo na pag self-inflicted yung sugat, meaning dahilsa katangahan! hehehe… agua oxinada? nakakita na ko nito dati pero di ako gumagamit nito… Maliban sa alcohol at betadine, epektib yung dahon sa tabi-tabi! Itapal mo na parang band-aid presto ok na! Sigurado lang na maiinpeksyon ang sugat mo! hahahahaha… madalas ako madapa nun pero hindi sa laro kundi sa madalas kong pagmumuni-muni habang naglalakad (self-inflicted wounds nga) at hindi pa ko nakakaranas ng tocino like wounds (pucha ingles). Pinakamalala ko eh yung ipasok ko yung daliri ko pedal at kadena ng bike saka pinaikot! Wow! Muntik na ko maputulan ng daliri dahil sa bike (at least di dahil sa paputok). At saka bakit pari yung lalabas? sa akin iba-iba sinsabi eh… keso uod, aswang, letra, at ang ninintay ko eh yung crush ko daw! Anak ng tokwa, pumayag ako na paputukin ang pigsa ko dati dahil sa sinabi ng nanay ko na lalabas dun yung crush kong si stephanie… hindi naman… BADTRIP!!! =)

  22. alasais

    Allan,

    “Muntik na ko maputulan ng daliri dahil sa bike (at least di dahil sa paputok).” – Ang tindi ng reasoning mo pare a, hahaha.

    Ayos, pinangalanan talaga ‘yung crush e. Talagang kapag bata e maniniwala talaga tayo agad e noh.

    – Tenco

  23. alasais

    TunYing,

    Bwahahaha! Hintayin mo lang, lalabas yun! Ano kaya kung nilagay mo yung daliri mo sa kadena ng bike na may pla-plang nakasindi? May lusot pa kaya ang daliri mo nun?

    “Sampung mga daliri, putol ang isa!”

    Tem-i of Alasais

  24. alasais

    Taympers,

    Welcome to Alasais! Masarap talaga dito. Tambay ka lang lagi. Every Friday, may bago kaming blogisodes kaya abangan mo. Mamaya may parating nang bago.

    Tem-i of Alasais

  25. adonis

    putsaaahhh… sakin 5 ang naging kalbaryo ko sa bawat tocino napapala ko yon ay ang walang kamatayan aqua oxinada, martayolet na until now di ko pa rin mabigkas ng maayos hahaha, betadine, casino rubbing alcohol, at ang penicillin, may kasamang benda pa yon…

    hinahabol ko si tekla, c poklat, c bugok,c, jowen, c janice na kahit sa murang edad namin ehhh pinakacrush namin babae syempre ang mga tropang kalye na si G3,pj, osmond, sherwin ang mga kalaro ko pati sa wrestling, pinakamadugon laro ang prikidam 123 at ang langit ang lupa at taguan pong na bibigyan ka ng tocino souvenir…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s