55. Praktis

Naranasan niyo ba ang sumali sa mga pakontest sa skul kapag kunwari, Linggo ng Wika o kaya hmmm teka ano ba…puta wala akong maisip na iba pang event sa skul!  Linggo ng P.E.?  May ganun ba?

Pero yun nga, naranasan niyo ba?  Teka, bat ko ba tinatanong sa inyo to?  E siyempre dapat naranasan niyo to diba?  Sorry na!!!  Please, sorry na…  Basilio?  Crispin?  Julio?  Julia?

Teka.  Time pers.  Gamot lang ako.

Game.

So diba, praktis muna.  Ayan na.  Madalas, class president na din ang nangunguna sa pagpractice ng performance.  Pero minsan, depende sa tema ng gagawin.  Kung sayaw, e di shempre, yung mga hip-hop na bigotilyo ang mangunguna sa choreography.  Hindi mawawala ang tic-tac na exhibition sa gitna ng sayaw.  Kelangan nila ilagay yun dahil dun sila magiging bida.

Kung interpretative dance naman, usually, mga bading or mga artistic na estudyante ang ginagawang in-charge diyan.  Alam na alam kasi nila kung kelan gagawin ang pinakasikat na interpretative move na “igalaw-ang-kanang-kamay-mula-kaliwa-hanggang-kanan-na-parang-may-hinihingi” move.  Or pwede din siyang tawaging “Palimos Move”, pero gagalaw from left to right.  Tangina hindi ko ma-describe nang tama.  Gets niyo ba?  Kung ma-describe niyo nang mas malinaw, pakilagay sa comments ha?

Usually, after school ang practice ng mga performances eh.

Kung mabait ang class adviser niyo, baka dalhan pa kayo ng meryenda habang nagpapractice.  Kung kurips naman ang titser niyo, baka bentahan pa kayo ng Ques-o sandwich at Zesto.  Hindi mo na nga napanood ang Kimba The White Lion sa hapon dahil sa punyetang praktis na yan, nakaltasan ka pa ng 6 pesos dahil sa meryenda!  At ang matindi diyan, kelangan mo pang magpaiwan sa serbis dahil late na matatapos ang praktis niyo!  Tangina naaalala ko pa lang, tumataas na ang alta-presyon ko!  At hindi lang yon!  Dahil naiwan na ako ng serbis, makakaltasan nanaman ako ng 12 pesos na pamasahe pauwi!  At may 1-2-3 na yun ha!  Talaga naman oo!  Patayin mo na lang kaya ako Ma’am??!!!

Bwiset ka, Linggo ng Wikaaaaahhhh!!!!!!!!

– Tem-i

P.S. Kunwari pa ako, eh pagdating naman ng performance, bigay todo din ako.  Talagang makikita mo yung bibig ko na tahimik na bumibilang para hindi ako mawala sa steps.


“1-2-3-4-5-6-7-8,

8-7-6-5-4-3-2-1.

1-2-3-4,

1-2-3-4,

Pak!  Pak!  4-3-2-1!”

Perfect!  Okay break muna.”

Mga 1:35 ng hapon ‘to.  1994.  Grade 4 kami nun at excused kami sa klase.  Ganyan kame sa loob ng halos tatlong linggo.  Pinapraktis kasi namin  ‘yung steps ng sayaw namin e.  E ‘yun nga, pagdating ng actual performance e hindi hindi rin ako nakasayaw kasi tinulungan namin ng kasama ko ‘yung student teacher sa pagtimpla ng gulaman para sa field day.  Nabanggit ko na yata ‘to sa ibang blogisode e..

Nakakamiss ang pag-p-prakits.  Masayang school activity kasi ‘to e.  Pwede kang i-excuse sa klase tapos gagamitin niyo ‘yung klasrum ng teacher na dance instructor din namin.  Siyempre ang swerte ng klase niya kasi ‘yung mga upuan itatabi tapos libre daldalan at kulitan.  Walang klase e!  Woohoo!

Ang isa pang hindi ko makakalimutang praktis ay ‘yung para sa calisthenics.  Grades 1, 2, and 3 ang magkalaban nun.  Grade 1 ako nun.  E natural grade 3 ang mananalo!  Parati namang ganun e!  Kung sino ang pinakamatanda sila nananalo!  Samantalang sa pagkakaalala ko e sabay-sabay naman ang bilang namin.  Kapag nag-p-praktis nga kami e may mga lider sa harap tapos tahimik na pagbilang lang ang ginagawa namin pero sabay-sabay naman.  Sa tingin ko natalo kami dahil sa props e.  Yantok kasi ang gamit namin nun.  Sabi ko sa teacher namin baka pwedeng foil ang gamiting pambalot sa yantok para mas pansin ‘pag sa malayo.  E crepe paper ang sabi ni ma’am e parang hindi maganda sa mata ‘yun e.  Opinyon ko lang naman.

Napansin niyo bang may mga studyanteng kahit anong concentrate sa pagbilang e hindi pa rin talaga nakakasunod sa steps?  At kung sino ang madalas na napapagalitan sa klase e sila ‘tong pinakamagaling tuwing may praktis?

Ang pag-p-praktis ay nagiging daan din para humirit ka ng kahit konting dagdag sa baon kay nanay at tatay.  Syempre mauuhaw ka nun, e ayaw mo namang parati ka nalang iinom sa gripo sa may lababo sa palaruan ‘di ba?  Tapos magugutom ka pa.  Kahit pang-dirty ice cream lang na matamis ang apa pwede na.

“Ma penge pong baon ulit.”

“Bakit, may praktis ulit kayo?”

“Wala na po.”

“Wala na pala e.”

“Baka po magkaroon e.”

“Magtigil ka.”

Kapag may praktis, medyo nagiging maluwag ang school rules.  Konti rin ang mga assignment.  Wala masyadong exam.  Hindi naman mas maaga ang uwian pero at least hindi naman pagod ang utak mo.  Nakakamiss talaga.  At least taun-taon may ganito.  Kapag sa hayskul, lalo na sa college, e hindi na uso ang mga festive activity tapos hindi na ganun kasaya ‘yung mga praktis praktis na ‘yan para sa kung ano man.  Iba talaga ang feeling kapag nasa elementarya ka, batang gusgusin na nag-e-enjoy sa pagtaas-baba ng yantok sa saliw ng musika habang tumatambol ang isang titser para sabay-sabay ang bilang.  Boom, boom, boom boom boom (4, 3, 2 and 1)!

– Tenco

8 comments

  1. marian g

    Wow! Nabuhay kayo! haha! Oo nga! Nakakamiss yung mga praktis na yan! Lagi akong volunteer na gumawa ng props jan eh. (Dahil ayaw kong sumayaw). Mas masaya yung props maker ka lang. Nanunuod ka lang sa mga nagpapraktis, tapos kunwaring gumagawa ng props. hahaha! Ngayong college wala na! Ang korni ng college.

  2. alasais

    Marian G,

    Dahil diyan, binabati ko ang mga loyal propsmen namin nung araw dahil poreber silang propsmen pero in fairness magagaling silang gumawa ng props. Hindi ko naranasan ‘to but I bet sobrang relaxed ng mga buhay nila.

    – Tenco

  3. reeyah

    Sa amin, nung high school Kami maraming ganyan na kailangan praktisin. pag third year at fourth year ka, kailangan gawin yung play ng noli tsaka el fili na big deal sa amin. tapos kulang pa yung oras magpraktis sa skul kaya pupunta pa kayo sa bahay ng classmate nyo para lang magpraktis. nakakamiss na hindi. hehe
    at. may bagong post woohoooo

  4. alasais

    Reeyah,

    Buhay na buhay pa ang Alasais indeed, hehe!

    By the way, napansin ko lang na kapag high school e parang mas nag-c-cram tayo sa pagpapraktis kesa nung elementary. Siguro dahil hindi na tayo masyadong tinutulungan ng mga titser kapag nasa hayskul na tayo at mas toxic na eskwela.

    – Tenco

  5. marian g

    Tenco,

    Haha! Hindi ka nagkakamali! Isa pang nakakatuwa sa pagiging props maker eh pwedeng pwede mo pagtawanan yung mga pagkakamali nung mga nagpapraktis! haha!

  6. alasais

    Marian G,

    Oo saka abswelto ka sa bunganga ng teacher ‘pag palpak ang praktis. Nung panahon ko madalas Row 4 ang nag-v-volunteer mag propsman e. Hehe..

    – Tenco

  7. emilayskie

    Ang sosyal ni Tem-i! Meron pang serbis sa elementary! Pang-mayaman!

    Tenco dapat pinaglaban mo yung foil! Wahahaha.. Grade 1 lang tapos atribida ano? Hahha..

    Sa ganyang mga practice ako lagi nangunguna. Tagaturo ng steps at tagabilang. Ako na rin sa unahan kasi ako pinakamaliit.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s