33. Arcade

Weekend.  Ay actually, Wednesday, half-day.

Hindi ako sasabay sa serbis.  Deretso ako sa mall namin.  Hindi ko pwedeng sabihin kung anong mall dahil mabubuking ang identity ng alasais.  Itago na lang natin siya sa pangalang SM Tawi-Tawi.

Habang naglalakad ako papunta sa holy land ay nagbibilang na ako ng naipon kong pera at dini-divide (dibay-dibay) para malaman ko kung ilang tokens ang kailangan ko.  Kapag Twin Bee ang lalaruin ay one token lang ang kailangan pero ‘pag Street Figher eh dalawa.  Wais din yang mga may-ari ng arcade-an na yan eh no?  Alam din nila kung ano yung magandang laruin at talaga naman dinadamihan ang required na tokens.

Ang una kong naabutan na presyo ng tokens ay P2.50 kada isa.  Magkano na ba ngayon?  Minsan ay susubukan kong hampasin yung arcade na parang naglagay ako ng token kahit wala naman talaga. Dadating si Manong Worlds of Fun dala ang susing nakasukbit sa kanyang bewang.  Bubuksan niya ang arcade at titigil ng sandali.

Manong Worlds of Fun:  “Naglagay ka ba talaga dito?”

Tem-i: “Oo Manong.”  (Habang kunwaring nagtataka din dahil walang namang naipit na token sa loob.)

Dahil ayaw na ni Manong na tumagal pa ang hasel sa buhay niya ay sinusian na lang niya at pinagana ang istrit payter habang nakatingin nang medyo masama sa’kin na tila nagsasabing, “Tanginang bata ‘to..buraot amputa…”

Para naman sa mga tinatamad pumunta sa mall ay maghanap lang ng mga arkeydan sa kapitbahay.  Siguradong may isa o dalawang aracade dun na parehong 500 in 1, with Pacman, Galaga, Twin Bee, Wrestling at Sabong ng Gagamba.

Sige, hindi na ako magpapanggap na magaling sa arcade.  Lalo na sa putang Street Payter na yan.  Marunong ako mag haduken pero kelangan kong ulit ulitin yang down + forward + punch bago tumama at makapaglabas si Ryu o Ken ng haduken.  Sa ilang taon kong pagsubok sa larong yan e isang beses ko lang ata nagawa yung shoryuken o ang mataas na talon na pasapak.  Talagang tsamba pa!  Talagang nagwawala lang ako sa pagpindot tapos bigla na lang shumoryuken yang tanginang Ryu na yan.  Tapos hindi ako masyadong nagwala nung nagawa ko yun. Tahimik lang ako pagkatapos para kunwari eh talagang sinasadya kong gawin yun at matagal ko nang ginagawa.  Sabay lilingon s gilid para tignan kung may nakakita ng pasikat kong tsamba.  Ang lungkot eh no?  Hahaha!  Never akong nakalayo ng stage sa Street Fighter at patay na agad ako kay Chun Li pa lang.  Tanginang babae ‘to.  Lagi akong tinatalo.  Kaya binobosohan ko na lang siya tuwing maghe-helicopter kick.  Hmmm…laging bagong bleach ang panty ni Chun Li kada round 2.  Fight!

Kapag sobrang na-stress na ako sa paglalaro ng Payter ay lilipat na ako dun sa barilan ng multo.  Enjoy ako dun dahil kahit drum na walang laman ay pwede mong pasabugin.  Minsan naman ay napapatalon din ako nang paatras kapag may biglang manggugulat na multo sa screen.

Ay!  Ano na nga ba yung laro na may parang punching bag sa harap mo tapos super hero ka tapos patutumbahin mo yung higanteng alimango?  Anong laro na nga ba yun?

Boom!  Pararararam-boom! Pararararam-Boom!  O anong kanta yun?  Sige nga?  Hehehe!  We love writing for you Guys!

– Tem-i


Ang arcade-an ang isa sa mga paboritong palaruan ng mga batang kalye.  Syempre hindi lang parati sa kalye ang paglalaro, kundi sa arcade-an din.  Kapag kasama ko sina mama at papa sa SM, hindi pwedeng hindi kame dadaan sa arcade.  Hindi sila strikto sa dami ng token na ipabibili ko.  Yehey!

Maingay.  Maraming tao.  Malawak.  Medyo patakbo akong pupunta sa tindahan ng token para bumili.  Thirty pesos para sa anim na token.  Pwede na!  Ang daming pwedeng pagpilian dito kaya lilibutin ko muna ‘yung buong arcade-an para makapili.  Eto na eto na nakita ko na!

Run ‘n Gun.
Hindi talaga ako nagsawa sa larong ‘to e.  Pipili ka ng team dito.  Hindi siya NBA e, pero mga lugar sa States ang pagpipilian—Chicago, Los Angeles, New York, at iba pa.  Syrempre Chicago ang pipiliin ko kahit hindi talaga Bulls ‘yan .  Sinusubukan ko ang teknik ni Tikboy na pupunta sa gilid ng 3 points sabay tira.  95% of the time e papasok ‘yun.  Pwede rin ang double-triple-quadruple clutch kapag nag-drive ka.  Ang gaganda ng moves e sarap gayahin!  Ang tagal ng hangtime at pwedeng bumomba ng limang beses e!

Manika Machine.
Hindi ko talaga alam ang tawag dito.  Pero naubos nang bonggang bongga ang tokens ko dahil ang daya!  Hindi kumakapit sa manika ‘yung parang claws na kinokontrol ko kaya nahuhulog agad!  Natadyakan ko talaga ‘to sa sobrang inis e.

Street Fighter II.
Sa 20 arcade na magkakatabi, 17 dun ang puro Street Fighter II.  Inang ‘yan.  Ni hindi ko nga alam kung ano ‘yung Street Fighter I–wala yata talaga nito e.  Barbero!  Haha.  Madalas makasira ng joystick ‘yung lintek na hadouken ni Ryu e.  May mga arcade na modified ang Street Fighter.  Kunwari kapag si Guile ang gamit mo, maraming sonic boom ang lalabas sa kanya, buong screen may sonic boom kaya siguradong patay ang kalaban ‘di ba?  “Sonic sonic sonic sonic sonic sonic sonic sonic boom!”  Patay si Sagat.  Back, forward + punch.  Bakit ba halos lahat ng makita kong naglalaro nito e si Ken ang pinipili?  Dumaan ba kayo sa stage na si Dhalsim parati ang pinipili niyo dahil humahaba ‘yung braso at binti niya?  O ‘di kaya si Blanka dahil pipindut-pindutin mo lang ang punch button nang mabilis e may lalabas na kuryente?  “Dhalsim ka nanaman?  Ang daya mo naman e!  O ayan Dhalsim na rin ako!” (hanggang sa nasa magkabilang dulo ng screen ang mga character namin, sipa lang nang sipa hanggang sa maubos ang time limit)

Sinusulit ko talaga ang oras ko sa arcade-an kasi minsan lang naman akong makapunta ng mall noon e.  Kapag hindi kame mamamasyal e balik nalang ulit sa pamili kompyuter.  Binary Land!

– Tenco


Arcade lang talaga ang gusto ko sa mall nung bata ako. Maliban sa pagkain sa foodcourt o saan mang fastfood chain eh ito lang ang nagpapa-excite sa’kin papunta sa mall. Lahat ng arcade-an sa mall alam naming magkakapatid kung nasaan. May iba kasing mall na hindi lang isa ang arcade-an. Meron sa baba, meron sa taas o kaya naman sa gilid.

Hindi pwedeng pag-usapan ang arcade nang hindi matatalakay ang Street Fighter. Eh parang arcade = Street Fighter eh. Parang Colgate sa toothpaste o kaya Coke sa softdrinks. Lahat ng batang lalake noon eh dumaan sa hundred hands ni E. Honda, thousand kicks ni Chun Li (na ok lang sa’tin kasi kita naman legs), haduken ng akala kong magkapatid na si Ryu at Ken o kaya naman sonic boom ni Guile. Tenco, Guile yun hindi Guiles, luserrr! Kung hindi ka dumaan diyan eh malamang nagdadalaga ka nun at hindi nagbibinata.

Tikboy: Kuya, laro tayo Istrit Payter laban tayo.

KuyaTik: Sige, Ryu ako.

Tikboy: Sige ba ako si Ken.

Ayun nag-haduken lang kami buong laban. Puro draw ampucha. Pero nung round 3 eh nagkamali ako sa pagpindot ng down + forward + punch. Ang nagawa ko eh back + down + forward + punch. Pinaghalong sonic boom at haduken! Ayun napa-shield na lang ako sa haduken ng kuya ko at nabawasan ng ga-buhok ang buhay ko. Talo tuloy ako pagkaubos ng time!

Hoy Tenco maglaban nga tayo sa Run ‘n Gun! Kapag nakita kitang umupo dun eh i-cha-challenge kita sa kabilang machine ng Run n’ Gun. I-accept mo ang challenge ko at ‘wag kang mababakla. Hindi mo ko madadaan sa limang bomba mo. Tataymingan ko yan at tapal Vulca Seal ka sa’kin!

Ganun sa Run ‘n Gun eh. Pwede kang i-challenge ng kabilang machine. Hindi talaga pinagtatabi yun. Palaging magkatapat. Malamang para hindi magkapikunan at baka sapakin mo ang nakatalo sa’yo. Kaya kapag naglalaro ako nun eh palagi kong pinagdadasal na walang chumallenge sa’kin kasi malamang talo ko eh. Sayang ang token ko!

Dahil sa sobrang kasikatan ng arcade nun eh pati sa lugar namin nagkaroon ng arcade-an. Parang tindahan lang siya na nilagyan ng arcade sa loob. Pagpasok mo pa lang eh parang na-Jack Knife ka na ni Guile sa amoy sa loob. Eh yung iba dun na halos tumitira eh at wala nang ligo ligo. Pero syempre punta pa rin kami dun nila Jepoy para maglaro. Ang gamit na token dun parang coins ng mga Intsik. May nakasulat lang na halaga ng coin tapos may mga sulat ng Intsik. Hindi tulad ng mga silver coins sa mall na may tatak talaga ng pangalan ng arcade-an.

Dito lahat ng Street Fighter modified. Isang token lang tapos mo ang lahat ng stage. Puro haduken o kaya sonic boom na napakarami. Paano ba naman mananalo kalaban mo dun? Ang daya ampucha.

Sino cha-challenge diyan?

– Tikboy


Tikboy, inedit ko na ‘yung pangalan ni Guile, nakakahiya mali ang spelling ko e, hehe.  Sige Run ‘n Gun tayo, bano ka naman e.

– Tenco

15 comments

  1. superlolongpinoy

    Haha ang galing ninyo sa arcade ha. Medyo lo tek na lang ang inabot ko…pa shut-shut sa basketbol, dun sa may perang mahuhulog kapag marami na…eh ni minsan kahit alugin ang cabinet walang nahuhulog…ewan ko ba ang sikreto and dun lang sa karera ng kotse maligaya na ako. Ewan ko kung may nakakaalala nito sa Good Earth dun sa Avenida meron ng mga ito nung panahon namin…hehe wala pang masyadong SM nuon.

  2. alasais

    Jem,

    Aba, ang lakas ng loob nating alugin ang cabinet a, haha! Ako hanggang tadyak lang e. Medyo nakakaadik ‘to ‘pag nasimulan na e.

    Wow Good Earth, hindi ko napuntahan ‘to a. How was it like there? Enlighten us.

    – Tenco

  3. anakngpating

    naalala ko ang street fighter..nung 2008 lang nag lalaro kami ng kasama ko sa trabaho habang nag aantay ng nilutong pizza hehe,..dun sa binibilhan namen para di kami mainip yun nga lang lagi akong talo hehe..si spiderman pa lagi kong gamit nun laging spider web lang ung lumalabas haha..oo kasali si spiderman ung lahat ng characters pwede mong kalabanin ang saya nga hahah..

  4. Callocohan

    Haha parang galing lang
    kami ng mga classm8 ko
    kgbi sa arcade..

    Ayaw ko ng street fighter
    loser ako lagi, tapos ngaun
    ksama pa ung sa marvel at
    capcom

    fav ko eh ung mga racing game
    tsaka ung pagkuha ng doll sa
    doll machine hehe.. Pogi points
    pag nakakuha ka dun instant
    regalo sa crush mo hahaha

    kgbi nkakuha ako ng stuff toy dun
    binigay ko sa crush ko may
    free kiss pa hahaha

    e2 ako cellfone pa din gamit sa
    pag comment hahaha, till next
    time

  5. alasais

    Carlo,

    Basta galingan lang parati sa pagkuha ng doll para hindi umabot sa 500 pesos ang halaga ng nabili mong tokens dahil hindi masungkit-sungkit ang bwisit na manikang ‘yan.

    Free kiss –> eto na, patay tayo dyan. isa kang idol.

    – Tenco

  6. superlolongpinoy

    Tenco,

    Haha…yung Good Earth Emporium sikat ito nung 70’s sa Avenida. Malapit ito sa Ideal Theater, ngayon iba na ang pangalan nito…parang Uniwide na yata. Maliit pa ang SM sa Sta. Cruz nuon…sapatos at damit lang halos ang tinda. Kaya ang mga bata nuon ay dito lagi ang target kasi may arcade na maliit sa top floor niya. Those were the days na sikat-na-sikat pa ang Avenida…bago sumikat pa ang Cubao.

  7. michiko

    hahahahahaha

    naalala ko tuloy nung hayskul ako, katabi lng xe ng iskul nmen ung SM…as in pader lng ang pagitan..pag binutas mo ung pader SM n…charan!

    madalas kme s quantum nun… nagpapakyut s mga taga ibang skul xe sawa n kme s boys s skul nmen… hahahaha

    naglalaro din nmn kme pero mga tweetams n laro lng…ung mga touch screen n laro lng ung tipong find the sifference gnun…

    pero naadik din ako s time crisis….na hanggang ngaun e talent ko p din…
    hahahahahah
    ung isa ko ngang opismeyt n lalaki napa elib ko e…
    hahahah
    xe xa patay agad s time crisis e ako buhay p sbi ko s knya “wla kng kwenta
    hahahahahah
    sayang lng token mo sna binigay mo nlng s akin..ninja p nmn ako”

    pero s totoo mejo magaling ako s time crisis…hahahah

    nga pla ntuwa ako s pag basa ng mga blogs nyo.. as in… un iba nka relate ako… ung iba hndi.. xe d ko n maalala…

    tska isa p…nkahanap ako ng kakampi s blog nyo..dhil xe may nging frnd ako d nya alam ung TSAK-BANG n game…bano un e…ewan ko b s lalaking un… pinabasa ko s knya.. naniwala n xa n may gnun
    hahahaha

    SALAMAT!

    damihan nyo p h!

    muahs

  8. alasais

    Mitch a.k.a. “Michiko”,

    Salamat sa pababasa. Abangan mo at marami pa kameng ipapabasa sa inyo! Bwahaha!

    Taga San Francisco High School ka dati noh?

    – Tenco

  9. boy

    street fighter.. ginagamit ko dito si e. honda.. walang combo combo.. tadtarin mo lang yung suntok, hundred hands na!! haha! pero pag may nanunuod dapat ryu gamit ko.. haha!! eto lang nalaro ko dati.. ayaw kasi mamigay ng token ng kuya ko.. naglalaro siya run and gun.. hehe..

  10. michiko

    tenco,

    d ako taga san francisco high school…
    wat made u think so? dhil b katabi ng SM?
    s manila ako nag high school…
    katabi ng SM Manila…

    hehehehe…

    ngulat nmn ako s pag adress mo s akin as “mitch” parang magkakilala tau
    hahahahahah

    well…gsto ko kau mkilala mukhang msya dhil preho tau ng mga trip…

  11. alasais

    Mitch,

    Magkakilala naman tayo ah?! Hahaha ;p

    Ah ok, SM Manila pala. Akala ko SM North e, hehe.

    At syempre pa, gusto ka rin naming makilala kaibigan. Soon!

    – Tenco

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s