Z. Fetdugs

Tagpi!  Bantay!  Bakser!  Tikboy!  Ilan lamang ito sa mga pangalan na binibigay natin sa ating mga “fetdugs” o mga alagang aso.  Masarap magkaroon ng fetdug dahil hindi sila nanghuhusga ng mga ginagawa mo lalo na ng mga sinusuot mo.  Isang tawag lang sa mga ‘to at siguradong nasa harapan mo agad sila, labas dila at sumisinghal-singhal pa.  Sana lang ganyan din ang reaksyon sakin ng crush kong si Apol (short for Apolonia) tuwing tinatawag ko siya.

Madaming ginagawa ang mga aso na okey lang tignan sa kanila ngunit masagwa tignan sa mga lalake.  Unang una ay ang pag-ihi sa kung saan saan.  Daming gumagawa neto mga repapiks.  Isa na ako dun, lalo na pag sasabog na ang pantog ko at hindi ako makakita ng jolibi o motel na maiihian sa malapit!  Ginagawa daw ito ng mga aso para markahan ang kanilang teritoryo.  Puta kung aso lang ako, siguro andami ko nang inangking pader.

Isa pang halimbawa ay ang paminsan-minsang pagkain nila ng tae.  Kelangan ko pa ba i-explain kung bakit hindi okey na gawin ‘to ng tao?

Nasa tae na din lang tayo ay lulubusin ko na ang pagkwento tungkol dito.   Sa tuwing may makikita kaming aso na tumatae o patae pa lang, ihu-hook o pagkakapitin namin ang aming mga hintuturo (index finger) upang tignan kung mapipigilan namin ang paglabas ng kanyang tae.  Hindi ko alam kung saan nagsimula ang pausong yun pero sabi nila ay epektib daw yun!  Kapag lumalabas pa din ang tae neto ay higpitan mo lalo ang kapit ng daliri!  Mas mahigpit, mas malakas ang powers!

At shempre pa, anong ala-ala ang kumpleto kapag wala kang nakitang asong nagtitirahan sa gitna ng kalsada diba?!  Kumpleto lagi ang hapon naming magkakatropa kapag may nagdodogstaylan sa kalye…na aso.  Shempre sisigaw agad si Bagoong (skwater ng tropa), “Kuha tayo asin!  Dali!”  Shempre kukuha naman yung isa ng asin at lalapit na sa nag-iiyutang dugs.  Sasabuyan niya ng asin ang etits nung aso.  Taena, magwawala na yung mga aso, uungol at sasayaw-sayaw pa!  Nakaka-awa na nakakatawa din e!  Yung madalas naming sabuyan na aso e super, as in SUPEEERR sa pula ng etits!  Sobrang pula talaga!  Parang red egg!  Ay Diyos koohh!!! Aaaaaaayy!!!  Ay…Ehem.  Siga ‘to pre.

Tenco, Tikboy, ituloy nyo na nga.  Mag-g-gym pa’ko at titingin ng madaming chikababes, pre.

– Tem-i


Hahaha ‘namo Tem-i puro kababuyan ang sinabi mo sa aso. Pero ang pula talaga ng etits nila e noh pagkatapos sumibak. Parang hotdog sa pula e! Uy dun kaya kinuha ang tawag sa hotdog? Mainit na aso as in taglibog. Mukha kasi talagang hotdog yung etits e.

Naiisip ko rin dati kung paano umaangkla yung etits nila sa hiwa ng babaeng aso. E direcho lang rin naman yung kanila. Wala namang hook o kahit anong sasabit sa dulo ng etits nila pero hindi nila matanggal e. Kailangan talaga ng asin para kumalas bigla e.

Tama na nga yang kalaswaan. Pag-usapan rin natin ang mga binibigay na pangalan ng mga pinoy sa mga alaga nilang aso. Pagdating diyan e medyo tamad mag-isip ang pinoy. Minsan ibabase nila sa kulay ng aso nila. Kapag puti ang ipapangalan nila ay Whitey(hindi na talaga nag-isip e) o kaya  Nido(yung gatas), kapag brown syempre Brownie o kaya Milo, kapag black e Blackie. Kung may asong green malamang tawaging Greenie yun e.

Minsan naman ibabase nila sa mga artista o yung napapanood nila sa telebisyon tulad ng Marimar, Aga, Sharon, Jawo at kung sino pang sikat na nilalang. Malamang may ilang aso na ang may pangalan ng Pacquiao ngayon. Belated hapi bertdey pala.

Kung batang kalye ka e siguradong nahabol ka na ng aso. Tumatakbo, nagbibisekleta o kahit naglalakad ka lang e siguradong may aso nang nagtrip sa’yo.

Dati e hirap na hirap akong pigilan ang takot at kaba ko kapag naglalakad ako tapos may asong tatahol at susunod sa akin. Aamuy-amoyin pa niya ang binti ko pero palagi kong tinatantadaan ang bilin sa akin ng magulang ko na ‘wag ako tatakbo para hindi ako habulin. Pipilitin kong maging kalmado at maglakad lang kahit nanginginig na ako sa takot at parang hihimatayin na.

“Gago kang aso ka umalis ka na at umamoy ka na ng ibang binti o kahit ano…” ang nanginginig kong bulong sa sarili ko.

Sa awa naman ng Diyos e palaging epektib at hindi pa ko nakagat ng aso. Wohooo!

Sige Tenco isalaysay mo na ang pagiging loser mo sa mga aso…

– Tikboy


Ang babastos niyo!  Tama na nga ‘yang kalaswaan sa aso!  Pero pinulikat ako nung nakakita ako ng asong nagtitirahan eh.  Swerte nila!

Puro ka hotdog Tikboy.  Bakla ka ba?  Anyway, nagtataka ako kung bakit ang hirap ngang kumalas ng aso pagkatapos tumira.  Sa amin kasi buhangin ang hinahagis eh.  Paunahan kaming tumakbo sa may ginagawang bahay para tumumpok ng ibabatong buhangin.

Eto na ang kwento ko sa aso Tikboy, basahin mo!

Hahaha!  Inapi nanaman ni Tem-i si Tikboy, pangalang pang-aso eh.  Pero may point ka Tikboy, medyo tamad ngang magbigay ng pangalan ang mga Pinoy sa aso.  ‘Yung kaklase ko nga nung grade 3 nakailang Whitey at Blackie na eh.  Pero pwede ring baliktad-may mga taong ang pangalan e hango sa mga pangalan ng aso.  Dugan, Brownie.  Galing!

Aso-isa sa mga parating ginagawan ng anino tuwing bran awt.  Halos yata lahat ng bahay samin e may aso.  Three percent lang ang walang aso at puro pato o gansa ang alaga nila.  Ewan ko kung bakit.  Sabagay, nanghahabol din naman ang gansa at mas takot ako run.  Hindi kagaya ni Tikboy, matapang ako kapag may nagbabadyang masamang aso sakin.  Yuyuko ako at kukuha ng bato kunwari, at bigla nang tatakbo palayo ang aso.  Ang genius ko!  Sinubukan niyo na bang hawakan at pigilan ang buntot ng aso sa pagwagwag?  Diinan niyo ha.  Astig ‘yun, tapos sasakmalin ‘yung kamay mo kaya dapat mabilis kang umilag.  Para bang nagpapaputok ng paybstar.

Isa sa mga hasel sa pagkakaroon ng aso e ang tae niya.  At mas lalong hasel kapag natapakan mo ‘to.  At mas lalung-lalong hasel kapag umabot sa skul ‘yung tae.  Malamang e nakasaksi na tayo ng may maamoy na tae ng aso sa klasrum.

“Ang baho naman!”

“Class, mukhang may nakatapak sa inyo.”

(magtitinginan sa mga sapatos)

“O nasan si Christian?”

Epektib daw na pantanggal sa tae e ang pagkiskis ng sapatos o tsinelas sa buhangin.  O pwede rin sa palangganang panlaba ng katulong ng kapitbahay niyo.  O sa kanto ng pintuan nila.  Tapos sabay takbo!

Ang aso ay recipient ng sari-saring mga panis na pagkain.  Pero sa kabutihang palad ay hindi sila nagkakasakit.  Wais ‘tong mga ‘to eh, kung saan may carpet, dun tatae.  Eh malamang ikaw ang uutusan ng tatay mo para tanggalin ‘yun.

Nakakita na ba kayo ng baklang aso?  Tingin ko meron nito eh.  May nakita kasi akong dalawang lalaking aso na nagdodogstayl.  Gusto ni Tikboy niyan!

– Tenco

Bwahahahahaha!!!  Tangina nyong dalawa!  Magdogstaylan na lang kayo!

Sa mga dumadalaw, nagbabasa, nambabara, kumukutya, nagpapantasya at sumusuporta sa Alasais, maraming salamat ulit!  Patuloy kaming magsusulat at tuluy-tuloy lang ang ligaya nating mga kalye boys en gerls!  Kung may mga suggested topics kayo, i-post nyo lang sa comments at susubukan namin magsulat ng mga memories namin tungkol sa mga ‘to.

Sa mga Alasais virgins, abangan ang mga bagong blogisodes every Friday!   Siguraduhing magdala ng tissue at baka  magdugo.   AaaaahPo-kya, Po-kya, Pokyaah!!!  CubaoCubaoCubaoCubao!!!

-Tem-i of Alasais


56 comments

  1. emilayskie

    Tawa talaga ako ng tawa rito

    “Sa tuwing may makikita kaming aso na tumatae o patae pa lang, ihu-hook o pagkakapitin namin ang aming mga hintuturo (index finger) upang tignan kung mapipigilan namin ang paglabas ng kanyang tae.”

    Siguro dapat mag-imbento kayo ng term na tawag jan para mas maganda. ^_^ Gawain ko rin yan dati. Hahaha.. Kahit nga sa mga pinsan ko minsan sinusubukan ko. Hahahaha.. Pinapagalitan ako ng mga matatanda kasi baka raw dumugo ang pwit nila.

    Eto muntik ko na mabuga yung iniinum ko

    “Kung may asong green malamang tawaging Greenie yun e.”

    Marami akong mga alaala sa mga aso. Mejo mahaba eh kaya baka sa MMK ko na lang ipapadala. Nakakahiya naman rito.😄

  2. N

    isa nanamanang nakakatuwang post, bagamat medyo mahalay, nakakatuwa pa rin.
    meron kaming aso, hindi ko alam kung bading, kasi lampas wan yirsold na sya pero hindi pa rin sya nakikipag-do sa ibang mga aso.
    ang isa sa malaking problema sa mga aso eh yung tumatae sila kahit saan. minsan hindi mo alam, nakakalat na pala sa bahay nyo ang umaalingasaw na jebs nila.
    bigla lang nagpop-up sa utak ko, bakit aso ang napili nyo? pwede naman yung pet na pusa, iguana, piranha, panda o kaya dinosaur.
    at ngayong tapos na ang alpabeto, ano naman kaya ang susunod?

  3. alasais

    N!

    Wanyirsold! Hehehe! Okay yun a. Napili namin ang aso dahil nagkukwentuhan kami ni Tenco nung isang araw tapos naikwento ko sa kanya na habang naglalakad ako sa sidewalk ng isang village, bigla akong tinahulan ng aso at sa gulat ko ay nalaglag ko ang hawak kong Kowloon siopao. Hasel. Bwiset.

    May mga susunod pang blogs N, as in meron pa…hehe..

    Tem-i of Alasais

  4. aKDa

    napagtripan na ko ng aso dati. grade 2 ako nun. at talagang nalipd ko ung gate namin, para lang matakasan ung asong pag-aari ng mga vietnamese, hahaha.

    langya, mukha akong tanga kakatawa dito sa post na to. susubukan ko nga ding pigilan ang tae ng aso. hahaha

    uy, nakaabot na ng Z. ano na ang kasunod?

  5. alasais

    Akda,

    Mukhang naiimagine kitang lumilipad sa gate nyo! Hehehe! Ganyan din ang itsura ng kapitbahay namin nung hinahabol siya ng baranggay tanod dahil sa hinalang pagtutulak.

    Madami pang kasunod, ‘wag mag-alala! Keep supporting Alasais!

    Thanks!

    Tem-i of Alasais

  6. alasais

    Heck,

    Agree ako dyan! Maging mabait sa mga aso dahil hindi nila tayo pinaplastik. Seryoso mga tol. At shempre hindi lang sa aso kundi sa lahat ng hayop. Pwera lang sa lamok. Kaya itigil na ang pang-aasin. Hayaan silang magjugjugan sa daan.

    In behalf of Tenco and Tikboy, suporta ang Alasais sa anti-dog cruelty! “Woof!” (sabi ni Tikboy)

    Tem-i of Alasais

  7. emilayskie

    Wow sipag naman ni Tem-i mag-reply sa mga comment. ^_^

    Napansin ko talaga sa post na ito na lumabas ang pagka-menyak ng tatlo. Ang kahinaan nyo pala ay aso. Hahaha..

    Ang dami kasi naming naging aso. Lahat ay ako ang nagpangalan. Nauna si Kisses, tumanda at namatay, sumunod si Hershey, nagkasakit at namatay, sina Marsh (girl) at Mallow (boy), si Mallow ay nakainom ng maduming tubig, nagkasakit at namatay. Ang pinakamatagal naming naging aso ay si Marsh. To think na sya ang babae sa kanilang magkapatid ay sya pa ang humaba ang buhay. Nagkaron sya ng pitong generations ng mga anak by batches kasi ang paglabas di ba? Pero iba-iba ang tatay, malandi kasi. Ang mga naaalala ko na lang na pangalan ng mga naging anak ni Marsh ay Mega-Marsh, Thalia, Osang, Ara, etc. Si Marsh naman ay naiwan sa dati naming bahay noong kami ay lumipat dahil bawal ang pet, napabayaan ng nagbabantay, nagkasakit at namatay. Napaiyak kaming buong pamilya ng malaman ang sinapit ni Marsh.

    Frustrated psychologist kasi ako (comsci ang binagsakan) kaya hindi lang sa tao, kahit sa aso ay ginagamitan ko ng psychology. Napansin ko na ang isang aso, kahit galit at parang mananakmal, ay hindi mangangagat kapag ni-dedma mo sya. As in wag syang titignan at paparamdam na nii-ignore mo sya. Siguro dahil malapit din ako sa mga aso kaya mejo takot or maamo sila sa akin (dahil sa amoy ko kaya o baka magkalahi kami?) kaya kahit kailan ay hindi pa ako nakagat.

    Ngunit, subalit, datapwat ang pinaka kinagustuhan ko sa mga aso ay ang kanilang pagiging maaasahan lalo na sa mga sikreto mo sa buhay. Ang mga aso ang mga tanging saksi noong nangupit tayo ng chocolates sa ref, nilagyan ng bulak ang butas ng ilong ni tatay habang natutulog, sumimpleng magtago sa kwarto kasama ang boypren, at kung anu-ano pa.😄 Kahit ano pa ang kanilang nakita, makikita mo sa kanilang mga mata na naiintindihan nila ito pero hindi nagsusumbong sa kinauukulan kaya mahal na mahal ko yang mga aso na yan eh.

  8. alasais

    Emilayskie,

    O diba, pwede magcomment nang mahaba? Pwede nang isang blog to e. Hehehe…

    Salamat sa pagsuporta sa Alasais! Pagnagkaanak ako, tulungan mo akong magbigay ng pangalan, ok?

    Tem-i of Alasais

  9. N

    tama nga si tikboy nung sinabi nyang nuknukan ng creative ang mga pinoy sa pagpapangngalan sa kanilang mga alaga. at bigla naman akong naguilty. ang pangngalan kasi ng aso namin ay si pulutan. napaka creative nila ina at ama sa pagpili ng ganitong pangngalan, hindi ko nga alam kung san nila ito nakuha eh. (sarcastic na ba akong sobra)

    @tem-i
    epektib din pangtanggal ng jebs ng aso yung carabao grass😄

  10. alasais

    N,

    Carabao grass ba? Hehehe! Si Tenco ata yung nagsulat tungkol sa pagtatanggal ng tae e. Anyway, buhay pa ba si Pulutan? Kelangan niyang makilala ang aso kong si Kilawen. Haay sarap magka-aso. Pinagpilian ko dati kung T-rex o aso ang magiging pet ko pero aso ang pinili ko…mas matipid pakainin. Mahal ang karne ng tao ngayon e.

    Tem-i of Alasais

  11. grasi

    may phobia ako sa fetdugs. nakagat kasi ung utol ko kaya basta may aso asahan mo na kabog kabog na ko, butil-butil ang pawis at parang naeebak ang feeling. pag may kasabay maglakad naman hahawak na ko sa braso nang mahigpit. (bakit kaya di ko makasabay ang kras ko maglakad para pag may aso ay makapag da-moves ako?)

    ang payo sa akin ni erpat: dumipa ka pag nakasalubong na aso, monster o cannibal para di makakain ng buo.
    sabi pa nya, di naman daw ako kakagatin ng aso ng kapitbahay dahil sosyal sila at dugfud lang kinakain. at bakit daw ba ako natatakot makagat eh para titikim lang naman daw ung mga askal.😛 huwat-a-dadi. ilabet!!

  12. alasais

    Hahaha Grasi!

    Pwedeng magpa-ampon sa tatay mo? Yun ang tinatawag na “tough love”. Hehe! Hanapin na ang crush at subukan na ang bagong nadiscover na move.

    Tem-i of Alasais

  13. grasi19

    Mang Tem-i,

    di na daw kami tumatanggap e ng aampunin eh. quota na kami sa mga baliw, siraulo at abnormalite sa pamilya namin. si ermat kasi wala kamukha sa mga anak nya kaya may ampon na ata kami.

  14. alasais

    Hahaha! Swak ang mga hirit mo Grasi a! Baka pag inampon ako jan hindi mamalayan ng nanay mo na anjan lang ako. Hehe..Anyway, salamat sa pagtanong sa magulang mo.

    Tem-i of Alasais

  15. ji

    HAHA!! tagos yung tamad na magpangalan ng aso ang mga pinoy ah =)) haha May aso ako, at ako ang nagpangalan, okaay, ang name nia ay Whity =)) haha! Pero ok lang ayus din 8 y/o na sia :p oha :)) haha! Pero meron rin akong aso na 2 yung pangalan.. Police at Hugo, so Police Hugo🙂 cool e.. amp! tawa ko ng tawa dito ah :p

  16. alasais

    Jew,

    Apelyido ba ang Hugo o second name? Kung wala pang apelyido eh lagyan mo na rin, para magsimula na ang trend ng pagbigay ng kumpletong pangalan sa mga aso (teka ano nga bang apelyido ni Tikboy…).

    – Tenco

  17. ji

    hugo? second name.. ang sossy nga e :p haha! police kasi, ahhm, sabihin natin ng mas madali na malaki ang chan nia :p haha kwawa naman si Tikboy :p Napagkakaisahan na :))

  18. mars

    ALBERT ang pangalan ng aso namin. 4 years old na siya. Ay,mali. 28 pala. kasi ang edad raw ng aso ay dapat x7 para makuha ang totoong edad nito. Ipinangank si Albert noong Nov.2 .Sakto!Araw ng mga Patay.Kaya ganun na lang ang pagmumukha nya. In fairness, sa palabas ng GMA& na I LOVE NEW YORK nakuha ang pangalan ni Albert. Ako ang nagpangalan sa kanya. ALBERT kasi ang name ng aso ni JOLINA sa palabas…at idol ko si JOLINA. Obvious ba? Pero hindi Jolina ang name ng nanay ni Albert kundi COLIN.Ako rin ang nagpangalan kay Colin. Kinuha ko naman sa palabas ng channel 2.Kaibigan ni Prinsipe Cedie si Colin. Say ka pa? Sa TV ko talga kinukuha names nila.
    Patay na si Colin.Bigla na lang syang nanigas. Pinainom ko pa noon sya ng tubig. Namatay sya nung araw na hinang-hina ang katawan ko.May sakit ako nu. Sinalo nya,palagay ko. Naniniwala ako dun.Kaya naman iyak ako nang iyak nang ilibing namin sya.
    Itong si Albert,buhay pa.Sabi ko saluhin nya ang sakit ni Nanay. Patay na ang Nanay ko. ¨Time nya na talaga.The end of the story is a place where there will be no more tears¨…Grabe! Mula kay Albert gang sa nanay nyang si Colin gang sa NANAY ko.Eto na ang pinakamahabang kong comment so far…considering na comment lang toh,parang nag-blog na rin ako.

  19. eldrin

    Aso…aso…aso… Di ba eto yung makati sa mata kapag nagsisiga si lola ng tuyong dahon?
    Sabi nila, kapag may nakita ka daw aso at tahol ng tahol pero parang ferris wheel ang buntot sa paggalaw, hindi raw yun galit. Pero kapag steady na yung buntot, maghanda ka na raw ng anti-rabies kasi asar na yun sa mukha mo.
    Ang cute nung creativity ng Pinoy sa pagpapangalan ng aso. May nabaso ako, dapat daw two syllables o on syllable lang ang pangalan ng aso. Ksi kung 3 or more tulad ng McArthur, baka nalapa na yung bisita niyo bago mo matawag.
    NApaisip ako sun sa hotdog ha. Baka nga.. hahahaha
    Oo nga, Z na. ano sunod? AA? o numbers na,para wala talagang katapusan!!..🙂

  20. emilayskie

    Tem-i,

    Salamat at pinahalagahan mo ang effort ko. Dumugo nga utak ko actually sa pag-iisip ng mga pangalang iyon. Kapag bading naisip ko Timang kapag lesbo Tigang. Ganda ba ng variation?

    Tenco,

    Bakit tamang-tama? Tapul ba?

  21. juberrr

    ang fetdug ko! bontis! bontis! hehehe. mahilig ako sa fetdug. kahit madalas nila kong tikman. mahal na mahal ko pa rin sila. hahaha

  22. photosynthesis

    “Sana lang ganyan din ang reaksyon sakin ng crush kong si Apol (short for Apolonia) tuwing tinatawag ko siya.”

    what the????😄

    Damn. Di na ata ako kakain ng hotdog ulet. HA HA HA! yun pamandin ulam ko kanina! Badtrip! HA HA HA!

    “matapang ako kapag may nagbabadyang masamang aso sakin. Yuyuko ako at kukuha ng bato kunwari, at bigla nang tatakbo palayo ang aso. Ang genius ko! ”

    Ginawa ko to! kaso matapang yung aso! :)))))

  23. alasais

    Judith,

    Matapang ‘yung aso? Tumalikod ka na at sabay takbo! ‘Wag ka nang tumingin sa likod basta tumakbo ka na nang may mukhang napapaiyak! Joke lang.

    – Tenco

  24. payat_na_bata

    aso.. aso.. ayoko ng aso!

    bata pa lang aq, ndevelop na ang phobia q sa aso at sa rabies na dala nito. pano,, palage kong napapanood sa tv ung mga kawawang biktima ng kagat ng aso. mula sa mga simpleng kagat lang hanggang sa mga bumubulang bibig, mga nakagapos na sa sobrang wild (exorcist ang dating), nakakulong(nagkapalit na sila ni bantay) na dahil di na tlga kaya pigilan ang kanilang taglay na powers, at ang pinakamasaklap sa lahat.. ung mga nadeadz dahil di na dn kaya ng powers nila.

    idagdag mu pa ang mga kahindik-hindik na mga karanasan ko ksma ang nilalang na ito. ilang beses na rin nila kong hinabol at nagbigay pa kamo ng remembrance.. badtrip xe,, wula pa kmeng gate nung mga panahong un. kaya di q na talaga na pigilan ang pag-atake niya saken. nadapa tuloy aq.. huhu.. buti nlan at nahimasmasan na xa nung ngyare un.

    “Hindi kagaya ni Tikboy, matapang ako kapag may nagbabadyang masamang aso sakin. Yuyuko ako at kukuha ng bato kunwari, at bigla nang tatakbo palayo ang aso. Ang genius ko!”

    — mas genius ata ako! Sa sobrang pagtatapang-tapangan ko, ginawa ko din tong move n to.. kinarir ko talaga ang pagpapanggap at pinulot ko ang munting hiyas at ibanato ito upang labanan siya. sa kasamaang-palad.. ang hiyas pala ay isang echas! bwiset! aq parin ang biktima! grrr..

    nwei.. ng-enjoy parin naman aq sa post na to khit na punong-puno ng bitterness ang mga kumento ko. hehe..

  25. Tophee

    haha..nice! may kaibigan ako..pangalan ng aso niya ay batman. Guess what? babae siya,haha.ewan ko na nga rin sa kaibigan ko. May aso din pala kami, si max(maxy) at si beauty. si beauty,ewan ko ba.iba ang tawag ko sa kanya at iba din ang tawag ng kapatid ko at nanay ko sa kanya.basta beauty pangalan niya para sa akin.hehe, nakuha ko sa PBB.🙂

  26. alasais

    Tophee,

    Hehehe! Babaeng Batman? Ok yun a. Malay mo nga naman, babae si Batman. Tignan mo, walang umbok ang kanyang nota.

    Tem-i of Alasais

  27. andreidae

    cool,mahalay,explicit ang blogisode na itoh..
    pwo enjoy padin..auz na auz..
    dpa din ako nakakagat ng aso xe may tinurong technique yung friend ko nung bata pa ako..
    yung pag may aso daw pasimple mong kakagatin yung dila muh (sa loob lang ng mouth) then on your mind paulit ulit na sambitin ang San Roque (na sabi nla eh patron saint daw ng mga fetdugs)**please correct me if im wrong..:)

    aliw kau guys!!

    at pahabol pa..
    bading ba talaga si Tem-i??

    peace dude!:)

    Lots’a Love
    -dA3

  28. alasais

    Andreidae,

    Ganyan ang teknik ng kapitbahay kong si Toti. Hindi nya lang ito sinasabi sa utak nya kundi sinisigaw talaga nya habang umiiyak at tumatakbo nang mabilis. Try to picture that…go..try mo..Pasok diba? Kung hindi pasok, sige, dagdagan mo pa ng, “bungal si Toti”.

    Hindi akoh bading noh! Echos ka jan!!

    Tem-i of Alasais

  29. alasais

    Dae,

    Aba, bagong kaalaman sakin ‘yun a! Haha. Hindi ka nga nasugatan sa binti, tadtad naman ng kagat ang dila mo, bwahaha.

    (Yes si Tem-i na ang pagkakamalang bading ngayon..)

    – Tenco

  30. andreidae

    tem-i,

    waw..hahahaha..gnun tlga??naaliw naman akuh dun..bungal tlga??wahahaha..ROFL..nice one!panalo ka!!apir!!sorry po..npatanong lng nman kng 22o..peace!

    tenco,

    d nman po mxado..mdjo duguan lng ung dila para mas effective..and bkit po??kau po b ang bading??peace po..labshoo..

    tikboy,

    for real??

    peace po!..keep it up!!

  31. andreidae

    @ mga kuya Tem-i, Tenco and Tikboy,

    Nice…at dahil jan mas pinapalakas nyu ang kutob kong hindi nga kau part ng third sex..ayos na ayos..ang cool..wala sa manner ng pagsagot..hindi po halata..keep it up!
    🙂

    can’t wait for another blogisode..🙂

  32. mishes

    hmm.. un aso ko ngaun pangalan tuwgy.. tulugin kasi un nun baby eh.. kaya yan pangalan nya.. tapos na kami sa brownie, blacky, at whitey version ng aso eh.. ang di ko n lng natry un greeny.. ala pa kong naging asong grin eh.. hehe..

    naalala ko un aso ng lola ko dati.. sa sobrang kahayukan sa laman.. kahit nakatali dumale ng babaeng aso.. ayun nabigti.. after ng session nila.. tapos na rin buhay nya.. kawawang aso.. hehe

  33. mishes

    hahaha.. ewan ko sa mga aso na yun.. kaya nga ata nabigti un aso ng lola ko kakahanap ng position.. bwahahahahahh.. sumalangit nawa xa!!!🙂

  34. Snowden

    Hayok sa laman ang entry na to..hahaha..baka naman naglalock jaw ang toto0t nung gurl na aso kaya ganun.hehe..

  35. TunYing

    hindi naman siguro… mabait naman siya eh… sa totoo nga lang walang gustong lumapit… kasi pangalan palang… kakatakot na! hahahaha…

  36. alasais

    TunYing,

    Hehehe…Parang totoong kulangot talaga ah! Hindi malapitan! Daig mo pa si Nelo at ang Dog of Flanders. Hmmm…blogisode?

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s