9. Bagong Gising

“Magandamagandamagandamagandamagandamagandamagandamahatmaghandimagandamagandang umaaaaga!!!  Gising na!!!  Tanghali na!!!!”

Ito ang favorite lines ng Bombo Radyo sa umaga na talaga namang gigising sa inyong diwa.  Masarap gumising sa umaga kapag Sabado at Linggo.  Siyempre mas masarap kapag Sabado keysa sa Linggo.  Alam niyo ba kung baket?  Basahin ang aming blog na “End of Weekend” at malalaman niyo kung baket.  Ang isa ding masarap na gising eh yung tipong anlakas ng ulan tapos hindi ka gigisingin ng katulong niyo at alam mo na kung bakit.  Yup, suspended ang klase.  Eh mas hasel nga lang kapag anlakas ng bagyo tapos wala pang announcement sa Bombo Radyo o kaya sa Ala Singko Y Media/Unang Hirit.  Kelangan mong bumangon at maligo at magbihis.  Kapag isusuot mo na ang kaliwang medyas eh saka mo lang maririnig ang announcement na walang pasok sa lahat ng lebel.  “Tangina ka Ted Failon!” , sabay hubad uli ng uniporme, babalik sa kama para makabawi ng tulog pero hindi na makakatulog.  “Haay tangina ka talaga Ted Failon”.  Wala na akong ibang kilalang tao na Failon ang apelido.  Si Ted lang.  Haay Ted…

Madaming adventures kapag bagong gising ka.  Andiyan na yung tawad ka nang tawad ng 5 minutes sa katulong, nanay, auntie, syota, lola o sa syota mong lola.  “5 minutes pa…5 minutes pa…” Sa kakatawad mo ng 5 minutes ay nakatulog na lahat ng gumising sayo at hindi na malutong ang gilid ng luncheon meat mong putragis ka (Basahin ang “Kens” blog).

Itong sunod na adventure naman ay para sa mga lalake lamang.  Kapag bagong gising ka ay madalas nakatayo si Manoy at galit na galit pa.  Walang himas ang magpapakalma kay Manoy at sisiguraduhin niyang hindi su-shoot ang ihi mo sa inodoro at malalagyan mo ng ihi ang sahig ng banyo, ang twalya ni Ate, sabon ng pamilya at ang toothbrush ni bunso.

Para naman sa mga nagtitipid ng Gasul o Shellane, nandiyan ang laging nakakatakot na unang buhos ng pagligo.  Tuwing unang buhos ng tubig gamit ang tabo ay tiyak na mapapapadyak kayo sa malumot niyong tiles sa sobrang lamig ng tubig.  At napansin nyo ba na tuwing nagbubuhos kayo from the tabo eh lagi niyong hinahagod ang mukha niyo?  Sa unang buhos ay hinahagod niyo ang mga mukha niyo habang naka-mukhasim face.  Diba?  Diba!!!

At sino din sa inyo ang natatakot uminom ng Milo o gatas dahil ayaw niyong matae sa iskul?  Hindi ako kabilang dun.  Hindi ako takot uminom ng Milo sa umaga.  Ngunit kabilang naman ako sa mga batang laging tumatae sa “syortpans” pagdating sa iskul.  Tsk.

Madami pang ishe-share sa inyo ang laging mukhang bagong gising na si Tikboy at ang laging amoy bagong gising ang hininga na si Tenco.

– Tem-i


“Alas Singko y Medya naaah…

Paboritong palabas ko sa umaga…

Halina’t gumising naaah…

Tayo na’t manood ng Alas Singko y Medya.”

Mas maaga pa ko gumising dyan nung elementary ako.  Sabik akong pumasok e, pero hindi sa unang sampung segundo paggising ko.  Bakit kaya parating nakakainis kapag gumigising sa umaga?  Ang daming batang umiiyak dyan e, pero hindi ako kasama run.

Gigisingin ako ng kasambahay namen.  Tapos mag-uunat ako.  Nag-mapa na ang laway sa unan ko.  Nakasimangot akong uupo sa harap ng hapag-kainan habang tahimik ang buong kabahayan.  Ang hotdog at kanin sa harap ko, parang nakasimangot din sakin.  Kakain ako na parang slow-motion.  Mahirap pang maligo kapag malamig ang tubig.  Napapa-jogging talaga ako sa banyo e.  “Lameeeeeg!”  Hanggang sa pagbihis ko, nakasimangot pa rin.  Nakasabit pa rin ang mga muta sa nasingkit kong mga mata (ewan ko kung bakit nagiging singkit tayo minsan.  Ano ‘yun, nagkamali ng tiyempo sa paggising?).

Speaking of tiyempo, malamang e na-experience niyo na ang matiyempuhang basa ang kama niyo sa umaga.  Imposibleng hinde.  Isa ‘to sa mga nakakatawang sandali sa buhay ng isang bata kaya nakakamiss din.  Joke lang.  Talagang hindi mo mapipigilang mangyari ‘to dahil para mo na ring sinabing kaya mong hindi pumikit kapag bumabahin ka.

Masarap gumising sa umaga kapag weekend.  Usually e hindi muna ako kakain para tingnan kung may naglalaro na ba sa labas.  Uupo ako sa isang gilid habang nakatago ang mga braso ko sa sando.  Tapos tingin sa kawalan, bagong gising e.

Ano ba ang ideal setting ng isang magandang umaga para sakin?  Ito:

– Weekend

– Nakahiga ako sa banig.  Banig na nakalatag sa 2nd floor ng bahay ng lolo at lola ko.

– Nakabukas ang mga lumang bintana at kitang-kita ang liwanag

– Tumitilaok ang manok

– May nagwawalis sa labas

– Nagpapatugtog si Tita ng mga lumang tugtugin sa plaka

– Tumutunog ang bisikleta ng nagtitinda ng puto

– Nakahain ang mainit na kanin at hotdog.  Syempre hindi mawawala ang mainit na pandesal at ang sawsawang kape.

– Tunog ng pagpiprito ng itlog

“Pucha late na ko!  Bakit hindi niyo ko ginising?!”  “Sabado ngayon.”  “Ay bobo.”

P.S.

Haha pasok ‘yung intro mo Tem-i, hindi ko nahalata agad.

– Tenco


Ang galing ng istayl mo Tem-i gago ka. Talagang binanggit mo pa talaga ang mga nagawa nating blog upang madagdagan pa ang dami ng views nito at gumanda ang stats natin.

Napakasarap talaga gumising ng Sabado. Unang araw ng weekend at pahinga sa iskul. Napaka-aliwalas ng pag-iisip mo at unang dilat mo pa lang eh nakangiti ka na habang may nakaguhit na panis na laway sa pisngi mula sa gilid ng bibig mo. Napakarami mo pang oras na maglaro at hindi talaga sasagi sa isipan mo ang mag-aral o gumawa ng takdang-aralin.

Pagbangon eh kukutkutin mo na agad ang mga mata mo para tanggalin ang morning star(muta) mo habang papalakad papuntang banyo upang maghilamos. Habang nasa banyo ka’t naghihilamos eh naaamoy mo na ang ginisang bawang sa sinangag. Pucha wala nang babango diyan sa umaga. Ewan ko lang kung may kukumpleto pa sa umaga mo keysa sa halimuyak ng sinangag na kanin.

Habang nagmumumog ka naman para tanggalin ang namumuting panis na laway sa mga labi mo eh naririnig mo na ang tilamsik ng mantika dahil sa pinipritong itlog, hotdog, tuyo, maling o kung ano mang piniritong ulam na pakner ng sinangag. Hay ang swabe ng gising mo niyan kung yan ang sasalubong sa’yo.

Kung ano naman ang liwanag ng ngiti mo sa paggising ng Sabado eh yun naman ang dilim ng simangot mo kapag gumigising ka ng weekdays at papasok sa iskul.

“Tikboooy!!! Bumangon ka na diyan at baka maleyt ka!” ang nakakainis na sigaw ni Tiknay.

“Hmmmmmmmuuummmmmm….” ang mala-bakang sagot ko.

Ewan ko ba talaga kung bakit triple ang antok mo kapag may pasok keysa sa wala. Nakakainis kapag Sabado tapos magigising ka ng maaga dahil nawala na ang antok mo. Ayaw na ayaw kong mapapadilat ng maaga kapag Sabado dahil malamang mawawala agad ang antok ko dahil alam kong walang pasok.

Minsan ay sinusubukan kong lokohin ang sarili ko at iisipin kong may pasok kunwari para sobrang antukin ako. Mga ilang minuto ng panloloko sa sarili eh wa-epek pa rin. Gising na gising pa rin ako. Haselicious eh!

Tikboy

28 comments

  1. N

    hindi ko na inabot yung “Magandamagandamagandamagandamagandamagandamagandamahatmaghandimagandamagandang umaaaaga!!! Gising na!!! Tanghali na!!!!” (halata bang copy paste lang?)
    ang inabot ko lang ay yung
    “Alas Singko y Medya naaah…

    Paboritong palabas ko sa umaga…

    Halina’t gumising naaah…

    Tayo na’t manood ng Alas Singko y Medya.”
    si jolina magdangal pa yung kumanta nito. paborito ko kasi sila eh.

    anyways, ang paboritong gawin ni ama dati kapag ayaw naming bumangon sa hinihigaan naming banig, bubuhusan kami ng malamig na tubig, kapag tinopak ng kabaitan, hilamos lang ang gagawin. at pagkabangon ko mga labinlimang minuto akong nakatulala, parang inlab lang :))
    nakakaburaot din yung biglaang anouncement na walang pasok, tapos bihis ka na.

    basta basta nakakainis yun, hahaha hindi pa man din ako morning person..

    PS

    himala yata ako ang unang nagpost ng comment😀

  2. alasais

    N,

    Haha oo si Jolens nga ang kumanto…este kumanta n’yan. Bubuhusan ng malamig na tubig eh no? Hahaha! Akala ko sa sine lang ni Babalu yun o ng ReyCards! Salamat sa pagbu-buena mano N!

    Tem-i of Alasais

  3. bipolarsisa

    hindi ko naman naranasan yan. yung biological clock ko, may alarm na hindi kailan man pumalya sa paggising sakin. haha. kaya hindi ko naranasang malate sa klase. kung malate man, yan ay dahil lang sa pagaaway namin ng nanay ko, o kaya ng kapatid ko. haha.

  4. alasais

    Nalaine,

    Laking pasalamat ko rin sa biological clock ko kase halos hindi talaga ako magising sa alarm clock e. Na-l-late naman ako kapag matagal ako sa banyo. Matagal maligo sa banyo.

    – Tenco

  5. mishes

    hay.. buti pa kau maaus bio clock.. hehe.. yun sakin ata alang baterya kaya lagi akong late!🙂

    bat nga kaya pag umaga tas may pasok ang hirap hirap gumising tas lagi pang may tawad na 5mins.. pero pag sabado naman sobrang hindi pa nakakaluto ng almuchow si mama eh gising na gising na ang mga diwa natin.. at to the highest level na ang pagiging alert natin!🙂

    natry ko na rin yun mag adjust ng oras ng relo eh.. pero wa epek kasi ang galing ko sa subtraction pag oras na pinag uusapan.. tumatalino bigla sa math.. kaya ayun.. late pa rin! hehe

  6. alasais

    Mhey,

    Kaya hindi na rin ako nag-a-adjust ng oras. Kahit advanced ang oras, sasabihin pa rin ng utak mo, “Ay may oras pa naman talaga e.” Parang naglolokohan lang, hehe.🙂

    Sana 10 am nalang ang pasok at 12 nn ang uwian. Sana dalawang oras lang ang pasok! Bwahahaha!

    – Tenco

  7. emilayskie

    Ang swerte talaga ng mga may mga magulang o kasambahay na pinagluluto ka sa umaga bago gumising tapos may routine ang pagpasok. Ang tanging routine ko lang dati paliligo ng mabilis at pagkaripas pumasok. Adik kasi ako sa pag-aaral dati. Hindi ako nag-breakfast the whole time na nag-aral ako. Kaya siguro di na ako masyado lumaki. Hihi..

  8. alasais

    Emilayskie,

    Estudyante ka pa lang e ang busy mo na. Sana baligtad na ngayon, laid-back naman🙂 Sayang ang breakfast, importante ‘yan🙂

    – Tenco

  9. anakngpating

    wah sarap nga naman ng sinangag ang agahan kapag papasok at yung mga suman na sawsawan ay niyog yebah dami ko na naman namimiss hehe..alas singko y medyah na din yung inaabutan ko eh hehe..nung high school hindi ako nanonood ng unang hirit na ang palabas nag MTV(musiv video)41 na ko hehe mas trip ko ang mga music video pampagising hehe habang nagmimimorize ng lyrics ng kanta yebah..ang hirap nga naman talaga maligo kapag malamig ang tubig haha naalala ko may clasmeyts ako na kunwari naligo yun pala nag basa lang ng buhok para akalain na naligo sya hehe lagi kasi sya inaasar ng mga clasmeyts ko nung elem hhehe..

  10. alasais

    Lizel,

    Nagbasa lang ng buhok? Ginawa ko yata dati ‘to a. Si Tikboy hanggang ngayon ulo lang ang binabasa. Si Tem-i naman baligtad, kaya maraming balakubak, hehe.

    – Tenco

  11. mishes

    @tenco – uunga sana 2hours lang ang pasok tas 30mins pa dun recess. parang kinder lang!🙂

    @tem-i – amishue too.. hehe🙂

  12. TunYing

    Na-last song syndrome ako sa ALAS SINGKO Y MEDYA!!! Hahahahahaha… Naaalala ko sumsali pa ko dun sa mga tanong nila… as in bago ako pumasok talagang tumatawag pa ko sa hotline nila… hahahahahaha…

  13. alasais

    Hahaha Tunying!

    Siguro narinig na kita sa T.V. habang naka phone-patch ka kay Julius Babao. Ansakit sa tiyan ng mukha ni Julius Babao. Naka-swerte si kumag kay Bersola. Bwiset.

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s