S. Ang Laman ng Aking Schoolbag

Beep! Beep! “Ayan na si Mang Jerry!”, sabi ko sa nanay ko habang inaayos ko ang aking bag.  Ayan na.  Sisimulan ko na itong tambakan ng kung anu-anong mga gamit habang dahan dahang sumisimple ng bente pesos sa bulsa ng daster ni Mama.  Pagkapuno ng bag ko ay derecho na ako sa serbis naming Sarao.

“Lagi ka na lang hinihintay a!”, ang masungit na bati ni MJ (Mang Jerry).

“Eh tangina nyo e!” , bulong ko sa sarili ko.

Masarap talaga ang may malaking bag kapag ikaw ay isang batang musmos sa elementarya.  Buwan pa lang ng Mayo ay dumadagsa na ang mga tao sa SM para mamili.  Kung ikaw ang bunsong anak at medyo minalas-malas ka ay sayo mapupunta ang lumang bag ng iyong mga ate at kuya.  Pero kung magaling ka umiyak at maglupasay sa sahig ng mall e baka makatsamba ka ng brand new bag!

Bakpak, Bagpak, Bakpag, Bag-bag o Makpak (sabi ng kapatid kong ngongers) – Ilan ito sa mga tawag natin sa ating bag noon.  Pagkabili nito ay ang sarap tignan ng malinis at wala pang laman na bag.  I-fast forward natin sa katapusan or kahit sa kalagitnaan pa lang ng school year.  Tignan natin ang ating bag:

1. Notebooks 1-10.  Notebuk 1 ang pinakamakapal dahil assignment notebuk ito.  Yun lang.

2. Mga libro sa Math, HEKASI at kung anu ano pang subjects.  Favorite ko noong bata pa ako ang larong “Adding”.  Isa itong sugal gamit ang mga numero ng pahina sa libro.  Naaalala nyo ba yun?

3.  Shempre ang aking Bioman na pencil case.  Madami itong pindutan at kung anu-anong kabulastugan ang lumalabas dito – magnifying glass, sharpener, gunting, lubid, toothbrush, pangkayod ng buko, gripo at palakol.

4. Sa ibabang bahagi ng aking bag ay ang tinatawag kong Pugad ng Lawin.  Dito nakatambak ang lahat ng pinagtasahan ko ng lapis, reply slip na hindi binigay sa magulang, resibo ng tuition, balat ng pastilyas ni Mrs. Mamaril at sukling barya na hindi na sinoli kay Nanay.  Minsan nga ay natatakot na din akong dumukot sa bag ko dahil baka may tumuklaw na sa akin paghawak ko sa Pugad ng Lawin.

Nasan na kaya yung mga bag ko nun?

-Tem-i

Linggo ng gabi (oras rin na nagbubukas ang “blackhole” ng kasiyahan), sasabihan na ako ng nanay ko, “Anak, naayos mo na ba ang bag mo?  Kumpleto na ba ‘yun?”. Malungkot na akong pupunta sa aking bakpak na halos kasing laki ko na sa dami ng laman.  Hindi pa naman kasi uso nun ‘yung bag na may gulong kaya madali kang matumba kapag tinulak ka sa bigat ng bakpak mo.  Ang pinangangamba ko palagi nun e tumagal sana ‘yung mga strap ng bakpak ko ng buong schoolyear at hindi agad mapigtal.

Iche-chek ko na kung kumpleto ang laman ng aking bag at ‘eto ang mga ‘yun:

1. Kwaderno – Syempre hindi mawawala ‘yan.  May bilang pa nga ‘yan e.  Eto ang pagkakatanda ko, 1-math 2-language 3-reading 4-wika 5-pagbasa 6-science 7-sibika 8-mape (music, arts and p.e.).  Ang number 9 ay ang test notebook at dalawa siya, 9a-sa mga tagalog na pagsusulit 9b-sa mga ingles na pagsusulit.  Ang panghuling bilang e number 10 na para sa CE/GMRC.  ‘Yan rin ang aking drawing notebook kasi hindi naman halos nasusulatan ‘yan e.

2. Libro – Textbook at workbook, nakalagay lahat sa bakpak ko. Asar na asar ako sa subject na may textbook na, may workbook pa.  Pucha ang bigat sa bag e!

3. Pencil Case – Mahalaga na meron ka niyan.  Ang akin e double-sided pencil case.  Nabubuksan kasi ang magkabilang side neto.  Dito nakalagay ang lapis, pantasa, ruler at kung anu pa.  Ang kahalagahan talaga nito e pwede itong maging laruan mo.  Itaas mo lang ang lagayan ng mga lapis at muka na itong mga missile.  Pwede rin itong maging sasakyan at minsan ginagawa ko rin itong ibon.  Bubuksan ko lang ang magkabilang side niya at muka nang may pakpak.  Depende na lang sa imahinasyon mo at kawirdohan mo ang paglalaro dito.

4. Student’s diary – Ewan ko lang kung lahat ng skul meron nito.  Ang skul ang nagproprovide nito sa mga estyudante at dito mo isusulat ang mga assignments mo.  Eto ang palagi saking hinahanap ng nanay ko.  “O anak nasaan ang diary mo at patingin ako kung may assignment ka.”  Dito rin isusulat ng titser mo kung may kalokohan kang nagawa para malaman ng magulang mo at pipirmahan nila ‘yun.  Napakasumbungera ng mga titser.

5. Art envelope – Jan nakalagay ang lahat ng kelangan niyo sa mga art activities niyo.  Oslo paper (ba’t kaya ‘yan ang tawag jan?), folder, art paper, paste, crayola, ruler at gunting.  Minsan may munggo seeds din jan kasi kelangan sa art activity e.

6. Basura – ‘Yan ang kumukumpleto sa bag ko.  Kapag inalis mo ang lahat ng gamit ko eto ang madidiskubre mo sa loob.  Crumpled paper, lapis na walang tasa, bali-baling crayola, pinagtasahan ng lapis at crayola, maliliit na pambura at kung anu anu pang treasure.

-Tikboy

Ako ang estudyanteng kuba, dalawang schoolbag kasi ang parati kong dala sa skul eh.  Hindi tuloy ako makasali sa amazing race papunta sa klasrum (starting line ang gate na may guwardiya).  Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pag-uunahan ng mga batang iisa lang ang bag at may bitbit pang jug.  Wala, hindi kaya, bigat ng bag ko eh.😦

Unahin na natin ang bag kong de-bitbit ng kamay.  Mga notbuk ko ang nakalagay diyan.  Notebook numbers 1 to 9 ‘yun at kasama ang pad paper (1/2 crosswise).  Tapos kung may kartolina o ¼ illustration board na pinadala si ma’am (para sa math activities namin), dun ko ilalagay sa pinakalikod na bahagi.  ‘Yun ang magsisilbing ‘sandalan’ ng mga notbuk ko.  Ang bigat buhatin nun.  Every 5 minutes nagsasalit-salit ang mga kamay ko kakabuhat ng buwisit na bag na ‘yan eh.  Minsan pinapadala ko pa ‘yan kay Mang Pip hanggang sa klasrum kaya akala ng mga kaklase ko e tatay ko siya.

‘Yung backpack ko naman, puro mga libro ang laman.  E wala naman kaming locker nung araw kaya lahat ng libro talagang dala ko eh!  Nakasulat ang buong pangalan ko sa pagitan ng mga pahina.  E ‘di ang bigat na nun, at wala na talagang espasyo para sa mga notbuk ko eh.  Tapos nakapatong sa mga libro (parang naging mesa) ‘yung pencil case kong kulay violet.  Okay ‘yun, madaling kunin ‘pag kailangang kumopya sa pisara.  Dyahe lang ‘pag may ruler pa, parati kasing nakalawit sa labas ng bag ko ‘yan eh, parang biglang humahaba ‘pag nilalagay mo sa loob.  Dun ko rin nilalagay ang extrang t-shirt ko (puti kadalasan ang kulay) kung sakaling mag-oobertaym kame sa skul para mag-prikidam.

Nag-eenjoy ako sa bag kong marami ang compartment.  Pero dahil may pencil case na ko, automatic na hindi ko na iisipin kung saan ko ilalagay ang mga lapis, pambura, at pantasa ko.  Sa bandang gitnang bulsa nakalagay ang krayola (16 pieces).  Sa kaliwang bulsa naman nakalagay ang nameplate ko (nasa plastic cover at yarn ang tali).  Sa kanang bulsa, nandoon ang pulbos at Good Morning Towel ko.

Meron pang natitirang isang bulsa sa bandang harapan.  Ang nakalagay-teks, Yakult, mga holen, trumpo, at tatlong piraso ng Viva Candy (buwisit na candy ‘yan, natanggal pasta ng ngipin ko dyan eh!).

Minsan umuwi ako ng bahay at napagalitan ako ni mama.  Tumapon kasi ang baon kong tinola sa loob ng bag.  Ayun, may bakas na naiwan sa mga pahina ng libro ko.😦

Rrrrrriiiiiinnnnngggg!!!!!!

“Bell na!  Uwian na!”

Takbuhan kaming lahat palabas ng klasrum.  Babawi ako sa amazing race!  Boom.  Bumulwak ang bag.  Sumabog lahat ng gamit sa corridor habang derecho ang takbuhan ng mga kaklase ko.  Putol ang ruler.  Kasya na siya sa bag!

-Tenco

54 comments

  1. linapuhan

    wahaha. sigurado lalaki si tikboy at si tem-i ang gulo ng mga bag eh.punyamets ang bag ng dalawang to, parang bag ko rin nung elemenry ( may lamang tansan at lastiko) si tenco babae yata, napakaorganize ang bag ah. 😀

  2. linapuhan

    lam ko na, baka sa private school si tenco kaya maraming libro. sa public school kasi share-share sa gula-gulanit at luray-luray na libro kaya kokonte lang ang mailalagay sa bag. haha, tama bang manghula. 😀

  3. alasais

    Hahaha Linapuhan! Hmmm…maaaring tama ang hula mo…kundi babae si tenco e binabae..Haha! Joke! Bully yan si Tenco! Maton na maton!

    Tem-i of Alasais

  4. grasi

    ang naaalala ko pa, yung karera ng strollers nung grade 3. lagi akong talo. bukod sa babae na ko, lagi mahinang klase ang stroller ko. di yata nalalagyan ng grasa yung gulong. pag naglilinis naman ako ng bag, parang mas marami pa yung basura pagkatapos kesa dun sa laman.
    uy si tenco yata ay may OCD. parang magpapanic pag may nawala sa order ng gamit.

    ang pamatay kong bag nung elementary: barbie. baby pink.

  5. alasais

    Grasi,

    May tamang pagtali kasi sa stroller para maging super tibay. Ituturo ko sayo pag nagkita tayo ok? Oo nga pamatay nga yang barbie bag mo. Naalala ko tuloy yung biniling bag sakin ng nanay ko na Barbie din ang tatak.

    Tem-i: Nay! Bat naman barbie to?! Puta pambabae to e!

    Nanay: Puta hindi pambabae yan! Si Ken yan o!

    Tem-i: Acheche!

    Tem-i of Alasais

  6. grasi

    tenco,
    akala ko din magugunaw ang mundo nung maiwan ng ni mang kiko–drayber extraordinaire ng service namin–ang stroller at bag ko. pano kase di ko alam na self- service pala ang pag aakyat ng bag sa jeep. buti pagbalik namin andun pa din. walang nagtangka na kunin dahil kahabag-habag ang hitsura ng bag dahil nalaspag na sa mga karera na pinagdadaanan nun.

  7. cubi

    feeling ko private school galing si tikboy.
    kasi wala kaming assignment notebook noong panahon namin. kasama na sa notebook subjects.
    sa public schools, pag nagtitipis kami, tinatahi namin gamit ang yarn tapos papatungan ng art paper ung front cover na may picture ng artista (mura kasi ang ganyang notebook) :))
    status symbol noong panahon namin ang bag. pag kasya sa bag mo lahat ng gamit mo, mas masaya.🙂
    pero mas masaya yung backpack na pwede maging stroller tapos power rangers o mickey mouse ung design.
    walang nagbanggit kung saan inilalagay ang foot rug sa bag (kasi may mga school na bawal ka pumasok ng wala kang foot rug o basahan na may garter para naka-kapit sa paa kapag naglalakad.hahaha. memories.😀

  8. alasais

    Hahaha Cubi! Footrug hahaha! Oo nga no. Jolina, Juday and Wowie notebooks ang pinakamabenta sa amin. At oo, sa all-boys kami…Hehehe…

    Tem-i of Alasais

  9. anj

    ako gsto ko ung pencil case ko dati na may piano. haha.

    swerte ng mga bata ngayon may mga bag na de gulong na. dati sobrang sakit ng likod ko dahil andmi ko dala.😦 meron dati ung stroller, ung lalagyan mo pa ng tali na may hook para istrap ung bag mo. haha.

    may diary din pala kami ung papapirmahan sa magulang pero ung akin finoforge ko lang hahaha.

  10. alasais

    anj,

    astig ng pencil case mo! sarap ipagyabang niyan sa klase! kunwari ‘pag tapos ka na sa seatwork niyo, let them know by playing your piano, hehe.

    doe a deer, a female deer…

    -tenco

  11. blossom

    bag memories.
    naalala ko din nung grade three ako, ang bag ko ay mickey mouse back pack na merong foam pa sa likod for cushion. color bright yellow tapos meron buong mukha ni Mickey sa unahan. ewan ko bakit si mickey nagkaron ng bigote at sideburns. sad… buti na lang patapos na yung taon kaya ok lang na mgapabili ulit ako ng bago. kasi pentel pen ang pinang- guhit sa bag. di na pwede matanggal sa laba.

  12. alasais

    Hi Blossom,

    Aaww kawawa naman ang Mickey Bag mo…Pero ok lang ba tawanan? Naiimagine ko kasi siya na may bigote at patilya e…kamukha ni Tenco e.

    Labyu Tenco!

    Tem-i of Alasais

  13. alasais

    Mars,

    Salamat sa papuri. Talaga namang nakakataba ka ng ilong ko. Magaling magturo yang si Tenco. Siguraduhin mo lang na ililibre mo siya ng isaw.

    Tem-i of Alasais

  14. alasais

    Grasi,

    Ang sarap mo humalik! Hehehe…makisig na saging…ok na title yun ng pelikula a.

    Keep enjoying Alasais!

    Tem-i

  15. amunet

    cool!! astig pagkakagawa.. parang kwento lang ni bob ong… naalala ko nung gradeschool ako.. ganun na ganun ako… hahahah… pati na ang mga kaklase ko… ^_^

  16. alasais

    Amunet,

    Salamat sa pagbabasa. We’re glad you liked the blogs. Enjoy new bogisodes every Friday.

    Cowabunga!

    Tem-i of Alasais

  17. batopik

    bakit parang palagi na lang sina tem-i at tenco yung nagcocomment? asan na si tikboy? hakhak. saling kitkit!!! wahahaha! bully-hin NATIN si TIKBOY!!! wahahahah!!! =P joke!

    ui. bag! ako nga hndi na lumaki dahil sa bitbit kong bag. para rin akong si tenco na sangkaterbang bag ang bitbit. haha! isang bakpak na puro libro, tapos ismol bag para sa notbuk, tapos baunan, tapos water jug! letse! natabunan na ako ng lahat ng bag! haha!

    Ang galing ni tikboy, naalala nia yung munggo seed dun sa art embelop. haha! asteg!

    PS.
    Ui, awayin natin si TIKBOY!!!

  18. jhuvie

    @Linapuhan

    tama ka dyan!

    sa private school, madalas inyo yung books, kayo ang bibili. pero share-share lang sa libro pag public school, syempre provide nila yun tapos isosoli din pag end of school year na. pag may nawala babayaran ng estudyante.

    naalala ko nung grade 1 ako, isa lang ang binigay.. este pinahiram sa’kin nung una kong titser. eh nag-abroad, may pumalit. nung closing na, hinihingi sa’kin na isoli eh tatlong libro. yun daw ang nakasulat sa record book ng una ko ng titser bago sya umalis. anak ng duwende, sa mahiyain kong yun nung elememntary ako eh nakipagtalo ako sa titser ko, pati yung sipsip at bwisit kong kaklase sabi, “tatlo po binigay sa kanya ni mam dati, nakita ko nga po yun nilapag pa nga dito sa desk ko…” gago! sarap sampalin sa noo eh.. pero syempre, kakampi ko seatmate ko. umiyak pa ako kasi natakot na ako sa titser ko at napahiya na talaga ako… isumbong ko nga sa nanay ko, haha… hala, sugoooood!

  19. jhuvie

    …nagtataka nga nanay ko dati kung bakit iisa lang ang binigay sakin, iisa lang ba subject ko? haha.. yung katabi ko apat yata. siguro naisip ng titser ko, magse-share nalang kami. o kaya isa lang binigay sakin eh dahil isa ako sa pinaka-cute ang height sa section namin. bwisit na titser yun!

  20. ji

    students diary :p amp! haha may ganon kami nung elementary >:) ahaha!! tapos required pa na pirmahan ng magulang🙂 tsk tsk, e nakakatamad naman sulatan e. hehe

  21. almariza

    bag.haha.nung grade three ako yung bag ko yung hinahaltak na color dark blue:D tas pag bababa na ko ng service hinihila ko lang sya na parang bang patag yung nilalakaran ko :)) haha.
    tas pag pinapaayos ni mama yung bag,mas marami pasura kesa tunay na laman :))

  22. alasais

    Almariza,

    Aba, puwede bang makilagay ng basura, este ng pinagtasahan ng lapis, este ng notbuk sa bag mo? Ay ‘wag nalang pala, may assignment nga pala tayo sa Sibika (at Kultura!).

    – Tenco

  23. alasais

    Almariza,

    Mukhang napaka-ingat mo sa iyong mga gamit. Para kang yung kaklase ko nung elementary, si Kiko (Matsing). Nung binuksan yung bag nya, e puro G.I. Joe ang laman sa loob at doon naman sa bulsa nakalagay ang mga notebook.

    You’re funny.

    Tem-i of Alasais

  24. Snowden

    Pasalamat nalang ako at nagkaroon ak0 ng bag na may gul0ng.astig nga eh,buk0d sa may gul0ng eh s0brang laki nit0 na parang naglayas na ako at dala dala ko ang tokador namin.sikat ang bioman na design ng bag ko tap0s c0l0r red..multi purp0se din ang bag nat0,pwede siyang tipikal na bag na nilalagyan ng gamit sa eskwela,pwede rin siyang pandragrage.hehe.o0 tama ang nabasa m0 drugrace.para ka kasing nakadrugs pag nagrace..hehe.tanghaling tapat pumupnta kami ng quad para mangarera.at higit sa lahat pwde it0ng sasakyan.yes sinasakyan ko to at kawawa ang kaklase kong taga hila..hehe

    Back to the t0pic.nag-aral man ako sa pampublik0ng paaralan ay hindi it0 naging excuse para hindi magkaroon ng libr0..nampucha 12 ang libr0 ko.kaw ba naman ang teachers pet.kumbaga patabaing baboy na hinihintay nalang ang sentensya..may 10 akong n0tebuk na iba iba ang kulay.idagdag m0 pa ang diary na prescribe samin..sa diary ko lang mababasa ang mga pagkain tulad ng adobong hotdog,sinigang na man0k at nilagang bata?haha.wala kasi akong masulat kaya kinukwento nalang pagkain namin sa araw araw.mukha na nga it0ng menu kesa diary.nagtataka din ako kung bakit hindi napansin ng aking guro yung mga mali k0.malamang nagmamadali siya or likas lang ang katangahan nya..madami akong dalang lapis siguro nasa 5 piraso.may eraser,pantasa,krayola,water color,drowing buk,spelling buklet,sulating pangwakas,f0rmal theme,papel,cocom ban..ang ruler ko foldable kaya hindi ko pr0b.tska sa laki ng bag ko na mukhang extension ng cabinet namin swak na swak ang ruler ko..hindi din mawawala ang kalat.b0ys will be b0ys.parang nandidiri ako pag malinis bag ko at walang kalat..oo nga pala nagdadala din ako ng laruan na kin0k0lekta ng gur0 k0.hahaha
    Kewl

  25. alasais

    Snowden,

    Namiss ko talaga ‘yang formal theme na ‘yan. Pipilitin talaga nitong pigain ang utak ko e. Naalala ko nanaman ang SRA. Isa pa ‘yang pumapatay ng utak ko. Pati GMRC / Religion! Hirap sagutan ng mga tanong!

    – Tenco

  26. TunYing

    To Tenco:
    Madali lang kaya sagutan yung mga tanong sa GMRC o VALUES… May tanong nga sa libro ko noon na “HOW CAN YOU BUILD A BETTER WORLD?” ang sinagot ko eh…

    “There’s A Place In
    Your Heart
    And I Know That It Is Love
    And This Place Could
    Be Much
    Brighter Than Tomorrow
    And If You Really Try
    You’ll Find There’s No Need
    To Cry
    In This Place You’ll Feel
    There’s No Hurt Or Sorrow

    There Are Ways
    To Get There
    If You Care Enough
    For The Living
    Make A Little Space
    Make A Better Place…

    Heal The World
    Make It A Better Place
    For You And For Me
    And The Entire Human Race
    There Are People Dying
    If You Care Enough
    For The Living
    Make A Better Place
    For You And For Me

    If You Want To Know Why
    There’s A Love That
    Cannot Lie
    Love Is Strong
    It Only Cares For
    Joyful Giving
    If We Try
    We Shall See
    In This Bliss
    We Cannot Feel
    Fear Or Dread
    We Stop Existing And
    Start Living

    Then It Feels That Always
    Love’s Enough For
    Us Growing
    So Make A Better World
    Make A Better World…

    Heal The World
    Make It A Better Place
    For You And For Me
    And The Entire Human Race
    There Are People Dying
    If You Care Enough
    For The Living
    Make A Better Place
    For You And For Me

    And The Dream We Were
    Conceived In
    Will Reveal A Joyful Face
    And The World We
    Once Believed In
    Will Shine Again In Grace
    Then Why Do We Keep
    Strangling Life
    Wound This Earth
    Crucify Its Soul
    Though It’s Plain To See
    This World Is Heavenly
    Be God’s Glow

    We Could Fly So High
    Let Our Spirits Never Die
    In My Heart
    I Feel You Are All
    My Brothers
    Create A World With
    No Fear
    Together We’ll Cry
    Happy Tears
    See The Nations Turn
    Their Swords
    Into Plowshares

    We Could Really Get There
    If You Cared Enough
    For The Living
    Make A Little Space
    To Make A Better Place…

    Heal The World
    Make It A Better Place
    For You And For Me
    And The Entire Human Race
    There Are People Dying
    If You Care Enough
    For The Living
    Make A Better Place
    For You And For Me”

    Sa maniwala kayo o hindi… 100% ako dyan! Hindi siguro mahilig yung teacher ko kay Michael jackson… HAHAHHAHAHAHA!!!!

  27. TunYing

    Oo nga… kaya pag sumasagot na ko ng mga tanong sa values… puro kanta na… kahit sa Filipino subject nmin at English… Pag pinapagawa kami ng tula sinasalin ko lang sa tagalog yung ingles then vice versa! hehehehe….

  28. alasais

    TunYing,

    Napakamalikhain mo talaga! Dapat ikaw ang maging presidente ng Pilipinas.

    “Mr. President, ano po ang masasabi niyo sa ating ekonomiya?”

    TunYing: “Pagdatiiing ng panahoooon…”

    “Mr. President, kawawa naman po kaming mga mahihirap.”

    TunYing: “Wag kang mag-alala…may nagmamahal sayo, nandito akoooooooooH!!”

    Tem-i of Alasais

  29. Abu Sayad

    lol si tunying ayos un a.. meron akong naalala 2loy sa classroom noon pinagawa kami ng tula, yung isa kong classmate isinulat nya yung kanta ni Reami yung sa channel 2 na babatang babae na may kasamang mga aso at unggoy at lolo ata nya un.. e2 ung kanta na gnwa nyang tula – “Aking Ina, Mahal kong Ina, Pagmamahal mo aking Ina, Mga yakap mo hinahanap ko, init ng pag-ibig…” and so on.. LOL di sya nkalusot kasi nanonood ng Reami yung teacher namin.. bwahahahahahaha. aa may Diary din kami noon nkakatakot ang diary lalo na pag may katarantaduhan kang nagawa ipapa pirma tlga. at naalala ko rin yung pencil case na maraming gamit LOL. yung stroller bag nman gr3 lang ako nag ganon. nkakayamot kasi tinatali pa kaya buong gradeschool ko at HS malaki bag ko, parang si tenco medyo organize ang bag ko pero pagdating ng mid quarters numinipis na mga notebook ko.. puro drawing bwahahaha.. kya magaan na ulit. tas malaki pa backpack ko na parang pang military bwahahahaha.

  30. eboy

    haha.saya nman ng blog na to.naalala ko din tuloy ung bag ko na kulay blue na may relong bilog na parang wall clock..haha..tas grade 3 ako bag ko yung bag na may jollibe characters..ang sayang balikan ng pagkabata…

  31. alasais

    Eboy!

    Welcome to Alasais!

    Tambay ka lang dito. Madaming masasayang ala-ala. AT siyempre ang walang kamatayang, “Magdala ka ng hopia pag tumambay ka dito ha?

    Tem-i of Alasais

  32. alasais

    Jeric!!!!

    Siguro ay kinuha ang pangalan mo sa idolo kong action star na si Jeric Raval. Kung idol mo kame, mas idol ka namen pare!

    Sige galingan mo magsulat sa publication nyo! Balitaan mo kami kung anong nangyari ha?

    Tem-i

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s