17. ‘Napaaaay!

“‘Napaaaaaay! Pupup-pupup!”

‘Yan ang klasik na tunog ng roaming panadero sa Barangay Pitong Gatang.

“Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Ungguyan,

May mga kasaysayan akong nalalamaaaaan!

Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang,

Yodelehee-yoh walang labis, walang kulaaaaaang!”

-Pitong Gatang, by Fred Panopio (Sine ni FPJ at Nanette Medved?)

Anyway, ganyan din ang tunog ng panadero sa bisikleta sa barangay namin.  Ganyan naman ata ang tunog sa lahat ng kalye eh.  Hindi ako mahilig masyado sa tinapay pero hinding hindi ko tatanggihan ‘yan lalo na kapag nakahain sa harap ko at may katabing Coke (Kok) na 8 ounces (“eyt onz” ikanga ng Auntie Gloria ko).

Madaming klase ng tinapay na talaga namang salamin ng ating pagkabata.  Siyempre kilala natin lahat ang “tasty bread”.  Lagyan mo ng Chiz Whiz o kaya mantikilya na may asukal eh swak na swak naman talaga!  Kung walang ibang palaman, bumutas ng lata ng Carnation Kondensada!  Ting!

Pangalawa sa listahan ko ay ang PAN DE COCO!  Para sa akin, ito ang pinaka-da best sa kapartner ng Kok.  Masarap na tinapay na may buko-lisciousness sa gitna!  San ka pa?!  Nahihirapan ako tumigil kapag ito ang meryenda.  Titigil lang ako kapag dumating na si Manong Pisbol o kapag tinawag na’ko ni Jefferson (miyembro ng squatter duo na miss na miss ko na) para manguha ng aratelis kina Mang Binoy.

Next na gusto kong tinapay ay ang Bella’s o ang PAN DE REGLA.  Kung hindi niyo alam ‘to, ito ay ang tinapay na may pula sa gitna.  Hindi ko alam kung saan gawa yung pulang yun.  Basta “pula” ang tawag sa part na yun.  “Ang sarap ng pula”, parang itlog lang no?  Anyway, nang lumaon ay meron na ding tinapay na purple ang gitna.  Pan de ube?  Haay hindi ko alam ang tawag dito pero mas gusto ko pa din ang pulang version.  Kumbaga sa suka ay mas gusto  ko ang Datu Puti kesa sa Silver Swan, ang Bambini Cologne kesa Nenuco Cologne, o ang Beer na Beer kesa sa Gold Eagle.

Hindi ko naman favorite ang susunod pero masarap pa din talaga ang mala-manoy na Spanish Bread.  Madaming sizes ito kaya naman masarap talaga makipagbiruan sa mga babae kapag ito ang nakahain.  Masarap din ito sa Coke pero mas swak na swak ito sa Fanta Root Beer ngunit ‘wag sa lemon lime dahil Pritos Ring ang bagay dito.

Kung tinapay din lang ang pag-uusapan ay walang tatalo kay Tenco the tinapay king.  Maubos na lahat ng kanin sa Pilipinas, ‘wag lang ang tinapay dahil kapag tinanggal mo ang tinapay ay wala na siyang mapaglalagyan ng Reno niya.

“Bulag, pipi’t bingi!  Bulag, pipi’t bingi, long-li-long-long-long! “

– Tem-i


Ito ang paborito nating lahat meryendahin. Maliban siguro sa kanin eh tinapay na ang susunod na mahilig kainin ng mga Noypi. Sabi nga ni Tem-i isa sa mga sikat na klase nito eh ang tasty bread. Ang kadalasang ayaw na parte dito eh yung magkabilang dulo o tinatawag rin na balat. Pero may mangilan-ngilan rin na paborito ito kaya solb na solb sila dahil wala silang kaagaw sa parte ng tasty bread na ito.

Ang ginagawa ng nanay ko dati eh pagtapos lagyan ng mantikilya at asukal ang tasty, ilalagay niya pa sa toaster para medyo lumutong at talaga namang mas masarap. Syempre isama mo na sa pinapalaman ang peanut butter. Ang dabest sa’kin ay ang Lily’s Peanut Butter. Walang sinabi dito ang Skippy kahit chunky version pa. Pagbukas mo ng Lily’s eh may mantika pa sa ibabaw at hahaluin mo yun hanggang maghalo na talaga sila ng peanut butter. Tapos kapag naubos na eh napapakinabangan pa namin ang lalagyan dahil ginagawa namin itong baso. Sulit talaga ang Lily’s!

Kung paborito naman ni Tem-i ang pan de coco eh ito naman ang pinaka-ayaw ko. Tinapay at minatamis na buko?! Hindi ko matanggap na kombinasyon yan pero alam kong napakaraming may paborito diyan kaya sige kontrahin niyo na ko. At kahit anong sabihin niyo hindi pa rin ako kakain niyan.

Bago ko pala makaligtaan eh wala nang mas kaklasik pa sa tinapay na pandesal. Kahit walang palaman ‘to masarap pa rin. Sabayan mo lang ng mainit na kape eh solb na solb talaga. Wala na sigurong mas sasarap pa sa ganyang almusal o meryenda. Nagiging second choice lang ang tasty bread kapag may pandesal. Ito ang boss ng mga tinapay.

Mayroon pang klase ng tinapay na paborito ng karamihan at pinagkakitaan pa ni Nino Muhlach. Ito ang ensaymada(ensemada)! Ito ang pabilog na may mantikilya at asukal sa ibabaw. Hindi rin ito mawawala sa mga binibili sa panaderya at ang sikat na gumagawa nito eh ang Muhlach’s Ensaymada. Napakasarap nito at grabe ang keso sa ibabaw.

Isingit ko lang, paborito ko dati ang palabas niyang Pandakekoks kasama si Keempee De Leon.

Tenco, sige at ikwento mo na ang hilig mong pagdila sa pula ng pan de regla.

– Tikboy


Hindi kita kokontrahin Tikboy sa pan de coco dahil hindi ko rin paborito ‘yan.  Awkward combination ampucha.  Hindi na ‘ko nakakadalawa niyan ‘pag ‘yan ang kinakain ko e.  Ang bilis pang makabusog niyan.  At hindi ko paborito ang pan de regla dahil hindi naman ‘yan binibili ni ate cecille sa panaderya kahit kailan.

Sandamakmak ang panaderya sa Pilipinas.  Iba’t-ibang klase ng tinapay ang makikita rito.  Minsan pa nga e baka naaabutan pa natin ang mga panaderong nagsasaksak ng mga tray ng tinapay sa salaming display.  Pupungas-pungas pa tayong oorder kay manong ng…

Pandesal.  Ang pambansang tinapay ng Pilipinas.  Masarap kahit walang palaman.  At lalong masarap kapag mainit.  Da best kapag isinasawsaw ito sa mainit na kape (Blend 45 na paborito ni Tem-i).  Wala nang mumog-mumog.  ‘Pag gising ko sa umaga e kuha agad ng pandesal at sawsaw-kain.

Tasty.  Kung parisukat na tinapay lang ang pag-uusapan e Tasty lang ang pumapasok sa utak ko.  Parati kong kinakalas ang brown na gilid ng parisukat na tinapay na ‘to at irorolyo ko saka kakainin.  Peyborit ko rin ang ginagawa ng nanay ni Tikboy sa tinapay na ‘to.  Kaya siguro nauso ang Prima Toasted Bread dahil mahilig tayong mga Pinoy na tino-toast ang tinapay na may mantikilya at asukal.

Putok.  Eto ang isa sa mga masarap na tinapay talaga.  Hindi ako nabubusog agad dito kaya halukay lang ako nang halukay sa supot kapag ito ang binili e.  Parang compact ang mga particles nito kaya ang sarap nguyain e!  Pasok pa talaga ang pangalan.  Putoohhk.

Donut.  Mas masarap ang donut sa panaderya kesa sa mga nabibili sa mall.  Simpleng pabilog lang na nilagyan ng asukal pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya kasarap.  Naisip ko pa talaga dati, big-time ang mga panaderyang may tindang donut e.

Spanish Bread.  Ito ang pinakapaborito ko sa lahat.  Parati kong iniisip kung pano nagagawa ang ganung kasarap na palaman, at hindi ko ito natuklasan.  Ito lang ang tinapay na kahit ako na mismo ang bibili sa panaderya e ok lang.  Pagkabili sa tinapay na ‘to e sisimple ako ng tatlo at magtatago pa ulit ng lima para kainin mamayang gabi.

‘Di ba may kasabihang kapag binato ka ng bato e batuhin mo ng tinapay?  Ginawa ko dati ‘to pero hindi epektib e.  O panaginip ko lang ‘yun?

– Tenco

52 comments

  1. Vaz

    Heya!🙂 I really enjoy reading your blogs!🙂 nakaktuwa kasi na malaman kung anung klaseng lifestyle merun dati. Lalo na yung mga hindi ko naabutan! ahehe! I’m really looking forward to reading more soon!🙂 More power to your blog site! :)Rock on!😀

  2. lallyshawn

    masarap saa laha ang tasty pag sinawsaw mho sa coke!! paburito ko un nung bata kzama ko ang insan kong si michael.. subukan nyo super sarap.. at meron pa ko paboritong tinapay un ung cheese bread un ung puro maliliit na parang bread crums sa ibabaw pro di naman cheese at wala di palamang kezo ah basta cheese bread daw un…

  3. alasais

    Lally,

    Hindi ko talaga ginawa ‘yang sinasawsaw sa Coke e, pero subukan ko nga minsan. Mas gusto ko kasi sa mainit na kape e. At ang cheese bread? Mas masarap ‘yung maliit na bersyon kasi ‘yung mga malalaki e matabang ang lasa.

    – Tenco

  4. katkat

    ang bekeri (bakery) ay parang SM lang. there’s always one near you!Ü hahaha! walang tatalo sa tinapay! tama si Tikboy.. tinapay ang pumapangalawa sa kanin. sa bawat bekeri may mahigit isang dosenang klase ng tinapay ang pwede mong pagpilian: pan de sal, pan de coco, ispanis bread, monay, putok, pagong, eggpie, yung violet na kwadradong pinagulong sa puting parang niyog, at marami pang iba. may kanya-kanya tayong peborit (favorite). iba-iba ang panlasa natin, tulad na lang ni Tenco na ayaw ng pan de coco. may sa kuyog kayong dalawa ni Tikboy sa Fan’s Club ng Pan de Coco! hahaha!

    Brownies. ‘Eto ang pinaka-peyborit kong binibili sa bekeri sa harapan ng bahay namin. Gusto ko ‘pag bumili ko nito, sa ibabaw lang ng ginupit na papel ng bag ng tinapay ilalagay. ayoko ipa-plastik, kasi dumidikit yung tsokoleyt na nasa ibabaw nito sa plastik. hindi ko masulit!Ü hehehe…

    saludo ako sa mga panaderong nagkalat sa buong pilipinas! ipag-patuloy niyo ang pag-agawa ng masarap na tinapay at pag-imbento ng mga pamatay na pangalan na itatawag sa mga ito.Ü

  5. alasais

    Katkat!

    Hahaha! May sa kuyog ah! OK yang term na yan. Matagal ko na ding hindi narinig yang salitang yan. Oo gago yang dalawang yan e, sarap sarap ng Pan de Coco, sabay tulak ng Coke na malamig at masakit sa lalamunan…yheeeehssss….sharaf…Kumusta ka na? Parang nakita na kitang nagcomment dati…bago ka ba dito? Hayuf ang comment mo! Saraf!

    Tem-i of Alasais

  6. DEADPOOL

    hehehe… pan de salt daw sabi ng mga spangol! tama ba!
    ibang klase tong pagkain na to! peborit ko toh hanggang ngaun lalo na may dairy cream tsaka asukal tapos isa-sawsaw sa mainit na kape! sapul na sapul ang combinasyon! parang dinuguan at puto… klasik na klasik… nung bata ako madalas ako gising ng tatay ko para bumili nito kahit antok pa ako! minsan baon ko pa toh coco jam pa palaman! syet! kaso pag dating ng recess sa school namin ang kalaban nito eh yung NUTRIBAN! grabe! pipilitin pa ako bumili nun kahit may baon pa akong tinapay! ibang klase talaga ang tinapay!
    yan ang di mkalimutan ng mga pinoy sa ibang bansa! iba kasi tinapay dun! ang titigas at ang lalaki… ibang klase talaga ang pinas at ang tinapay!

  7. alasais

    Deadpool,

    Korek ka jan! Antitigas ng tinapay sa ibang bansa, anlalaki ng problema amfutah! Sarap gumising sa madaling araw no? Sabi ko din sa tatay ko dati yan e – “Hindi ba pwedeng magpa-deliber na lang? ” Pupup pupup!

    Ayos ang comment mo!

    Tem-i of Alasais

  8. anakngpating

    may namiss kayo tem-i ang cheese bread yung may cheese sa ibabaw masarap din yun hehe..
    ayoko rin ng pandekoko mabigat nga sya sa tyan,
    pandesal na may reno the best..with mainit na kape..
    saka yung donut na madaming asukal sikat din na tinapay yun hek3..

  9. alasais

    Wagnut!

    Hahaha! Oo nga no! Actually yun ang pinakain samin sa lamay na pinuntahan ko kagabi eh! Saka Rebisco.

    Musta ka na?

    Tem-i of Alasais

  10. alasais

    Tungaw,

    Oo nga e, mejo busy. Hayaan mo, pag dumalaw kami jan magdadala ako ng Pan de Regla tsaka isang case ng Sarsi. Magdadala si Tenco ng Nelicom Patis.

    Tem-i of Alasais

  11. grasi

    tumambling ka lang may panaderya kang babagsakan. isali mo pa ung mga naglalako sa kalye pag umaga at hapon..

    nakilala ko ang tinapay dahil laging sa bekeri sa kanto ako pinapabili ng erpat kong carpenter. 98 bakery ang pangalan. di ko na inalam kung bakit 98 at di 100 dahil baka masabihan ako ng, “marunong ka pa sa min, eh panaderya namin to!” Pag sapit ng hapon papabilhin na nya ako ng meryenda nila. Nakakaaliw dahil iniba ni erpat ang tawag sa mga tinapay. kunyari sosyal. Ung Kalihim (pan de regla sa maynila) ang tawag nya Secretary. Ung Kababayan o Kalahi (ung tinapay na parang muffin) ay Fellowmen naman. Pag may bagong imbentong tinapay malamang na may ibang pangalan un sa bahay namin. Pero wala cyang substitution sa Monay, Cheese bread, Banana bread, spanish bread at enseymada. Pero dahil nasa Italia na si erpat ngayon malamang ay Bruschetta na ang kinakain nya doon.

    May paborito akong tinapay. Kung magagawi kayo sa Bauan, Batangas, hanapin nyo ang Bagong Buhay Bakery. May tinapay doon na ang tawag ay Lundres. –pink sugar coated mamon squares. yum! Nakakalimot ng pangalan. pramis.

  12. alasais

    Grasi,

    Sarap sigurong kumain ng Lundres pagkatapos na pagkatapos mag-snorkeling sa Bauan🙂 Sarap ding ipakain sa mga isda sa dagat ‘yun habang nag-s-snorkeling🙂

    – Tenco

  13. alasais

    Grasi,

    Hahaha! Ok yang tatay mo ah! Ingglisero! Walang binatbat ang Bruschetta sa Monay. Dati talaga siyang monay pero naiwan lang nila sa labas kaya ayun, nahanginan at tumigas. Hmmm…masubukan nga yang Lundres na yan…Sandali..itataga ko lang ang pangalan ko sa pader namin para di ko makalimutan…

    Tem-i of Alasais

  14. katkat

    TEM-I!Ü

    hehe.. nakz naman.. tats ako! once pa lang ako nag-comment dun sa “TOCINO” blog entry niyo, natandaan mo na ko?!Ü hanep! hehe.. memo-plusgold!

    hindi ako bagong salta tsong. i always read your blog entries. talagang tamad lang ako mag-comment. gusto ko kasi ‘yung nasa mood ako. gusto ko pag nag-comment ako ‘yung may sense, ‘yung tipong nasasabihan ng “hayuf ang comment mo!”Ü hahaha! joke! salamat sa pag-appreciate ng comment ko TEM-I! Apir! Tara! libre kita Pan de Coco, sagot mo Kok!Ü

  15. alasais

    Katkaterz,

    Apir! Sabi na e! Hayuvs ka talaga! Well, as long as I know you read the blogs and enjoy, masaya na kami.

    Kok! Hahaha!

    Tem-i of Alasais

  16. anakngpating

    asan na yung pande regla ko gusto ko puro pula lang hehe..kahit yun na lang regalo mo sakin hehe.te,m-i
    tenco ikaw na lang sa sarsi kaso wala na atang nagtitinda nun kasi rc na ang uso hehe…

  17. alasais

    Wagnuts,

    Bwahahaha! Puro pula lang – regla lang yun! Hahaha! Teka, hanap tayo ng masungit na babae, baka meron siyang puro pula lang. Sarsi ang gusto koh! Sarsi!! Sarshiiii!!! (Nagtantrums eh no?)

    Sokpa!

    Tem-i of Alasais

  18. batopik

    hahahaha! ang hirap nga kainin ng putok. ang sakit sa panga! at yung may asukal lang sa tuktok yung kinakain ko. haha! nakakadiri kainin yung ensaymada. pero masarap talaga. dugyutin lang talaga kainin. hakhak!

  19. alasais

    Batopik,

    Haha! Dugyutin eh no? Masakit sa panga ang putok. Parang never ko naimagine na maririnig ko ang panga at putok sa isang sentence ah. Hahaha! Ayos ka!

    Tem-i of Alasais

    P.S. “Hakhak”

  20. katkat

    TENCO!Ü

    hahaha! operation pag-tuklas ng palaman ng ispanis bread!Ü nakaw! ‘wag na natin alamin. para lagi tayong may pagka-sabik sa tinapay na mahiwaga! ^^ hahaha!

    TEM-I!Ü

    woah! you called me KATKATERZ?! waaah! alam mo bang bilang lang sa daliri ang tumatawag sakin niyang name na ‘yan! apir! dahil diyan.. ‘eto ulit ang isang supot ng Pan de Coco! Salo!Ü

    haters?! — batuhin ng tinapay!Ü get lost!😛

  21. alasais

    Katkaterpilar,

    Depende yan sa dami ng daliri mo. Diba? Hindi ka na masyadong ano-nee-muse sa amin. Hehehe. Akin na ang pan de coco ko. Uhm.

    Tem-i of Alasais

  22. alasais

    Joshmarie,

    Kumusta ka na? Sabihin mo sakin kung anong lasa okay? We’re glad you enjoy our posts. Keep reading! Every Friday, new blogisodes!

    Tem-i of Alasais

  23. anakngpating

    yung ensaymada yah agree ako sa dugyutin kapag kinain kasi humahalo ung mantikilya at asukal hehe..lalo na kung pasmado ang kamay mo nyahaha..
    o sige pande ube na lang saka sarsi hehe…

  24. alasais

    Wagnutzz,

    Bwahaha pasmado eh no? Madaming magpapadugyot sayo kapag pasmado ka. Ihian mo ang kamay mo para hindi dugyot kapag kumain ka ng ensaymada. Wag mo din hugasan bago ka kumain.

    Tem-i of Alasais

  25. DEADPOOL

    astig talaga tong blog nyo! ibang klase! kada basa ko na’iisip ko lahat ng kalokohan ko nung bata ako!
    ibang klase din kayo mag isip!
    parang kasama nyo si BOB ONG, tropa nyo ba sya?
    lahat ng blogs nyo sapul sa isip ng mga early 30’s age!
    sana damihan nyo pa!
    keep it up! you rock guys!
    sana ulanin kayo ng napaaaaaaaayyyY!!!

  26. alasais

    Deadpool,

    Salamat sa papuri deadpool. Astig talaga dito kaya tumambay ka lang parati dito. Andito lang kami sa may sofa. Basta magdala ka lang ng merienda para pag nagutom tayo, may malalamon, ok? Every Friday, may bago kaming blogisode. Sagot namin ang kwento. Ilang taon ka na ba exactly?

    Tem-i of Alasais

  27. alasais

    Deadpool,

    Hehehe! Kung 26 ka eh saktong sakto ka nga sa mga blogs namin. Dami pang dadating na blogs pare. Dito ka lang. Wag kang aalis, babalik kameh! Aiza ba yun? o Matet?

    Tem-i of Alasais

  28. DEADPOOL

    tagline ni aiza un! sakto sakin lahat toh!
    pakibisita ung site ko! bka matuwa ka! pa’comment din sa friendster! para sapul!
    ¤demanding noh!

  29. DEADPOOL

    sige sige! very good yan! sana wala ng katapusan ang blog na toh! parang lumilipas ang taon araw araw may na’aalala ang mga batang bantot na makukulit para walang sawa ang hiritan! tigdas habang buhay! mabuhay mga sipunin! hehehe!

  30. snowden

    Haiy.ginut0m ako sa pagbabasa ng entry na t0.wala na ako madagdag nakalagay na dito lahat..haha

    Antagal ng next entry hap0n na wala pa..

  31. Diona

    hindi ko rin talaga magets ang pan de coco at pan de regla, kalevel ng hindi ko pagka-gets sa tipaz hopia.

  32. cadoy

    ang galing ng pagkasulat ng mga blogs, enjoy na enjoy ako sa tuwing binabasa ko mga blogs nyo…keep it up bro.

  33. alasais

    Cadoy!

    Salamat sa papuri, pare. Sumusulat kami para sa inyo at para sa ating mga kalye boys, para mahukay natin ang ala-ala ng nakaraan. O ha? Lalim no? We will keep it up and enjoy our new blogs every Friday. Tambay lang dito pare. Wag kalimutan magdala ng Coke para tuloy tuloy ang kwentuhan!

    Tem-i of Alasais

  34. alasais

    Cadoy!

    Salamat sa papuri, pare. Sumusulat kami para sa inyo at para sa ating mga kalye boys, para mahukay natin ang ala-ala ng nakaraan. O ha? Lalim no? We will keep it up and enjoy our new blogs every Friday. Tambay lang dito pare. Wag kalimutan magdala ng Coke para tuloy tuloy ang kwentuhan!

    Tem-i of Alasais

  35. Tin

    hahaha!!

    isang taon din akong nagaagahan ng pandesal at itlog kasi un lang ung kakainin ko talga..

    nice one=)

    p.s
    ansarap nga ng tipa’s hopia.. may binibenta nun ngayon a.. ganun pa rin ung balot…=)

  36. adonis

    sa lahat ng tinapay ang pinaka ayaw ko yon tasty bread lalo na yon parang sunog na nasa gilid ng mga dulo nito kundi kasi sya mapait, maalat ang timpla yon ibang tinapay ok sakin pandesal,pande coco,spanish bread at yon puding gustong gusto ko yon kaso inawan ko na ang puding ng di sinasadyan may makita akong langaw doon simula non di na ako kumain ng puding hahaha

  37. alasais

    Adonis,

    Masarap ang mga pagkaing may langaw ah. Biro lang. Sa sobrang sikat kasi ng Tasty Bread e pinipirata ‘to. Baka fake Tasty Bread ang nabili niyo.

    – Tenco

  38. K

    masarap talaga yung pan de regla. mejo late ko na to nadiscover pero nung natikman ko, panalo talaga. akala ko nganung una joke time lang ung tawag na un, yun pala totoo. haha. mejo awkward nga lang sabihin ung pangalan lalo na pag bibili ka. baka batuhin ka nung tindera.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s