39. Chupet

1994.  Pila sa classroom inspection.

Prefect of Discipline: “Your bangs are tatsing (antigas nung pagkakasabi nung “touching” eh!) your aybrows!  I WANT TO SEE YOUR MADER AND PADER ESPECIALLY YOUR PARENTS!!!”

Tem-i: (Pabulong na pakanta) “Anong paki mo…sa looong hair koh!”

Ito ang dahilan kung bakit ako nagpapagupit.  Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko sanang magpagupit dahil gusto kong gayahin ang buhok ng Guns n’ Roses, Bon Jovi, Metallica at siyempre pa, ni Freddie Aguilar.  Pero ‘ala eh.  Kailangan magpagupit dahil bawal ang long hair sa iskul.  Kaya heto, hagod na ako nang hagod ng buhok dahil nilulubos ko na ang mahaba-haba kong buhok dahil pagdating ng Linggo (Showbiz Lingo na!  Showbiz Lingo na!  A-ha-ha!)…

“Tem-i!  Lika na!  Punta na tayo sa barberya!”  Hila na ako ng Tita ko papunta sa barberya ni Mang Max na malapit sa Mr. Quickie Shoe Repair Shop.

Max the Barber Beefcake: Anong gusto mong gupit, boy?

Singit agad ni Tita, “Barber’s cut, Max.”  Ano ba yang pongala-ngalang “barber’s cut” na ‘yan?!  Ibig sabihin ba niyan eh kung ano ang gupit ng barbero ko eh yun din ang gagawin sa buhok ko?  ‘Nang ‘yan o.  Tsk.

Siyempre, hindi magsisimula ang gupitan blues kapag hindi nilatag ng barbero sa katawan mo ang mahiwagang mantel na mukhang kinupit lang niya sa showeran nila.  Ihahanda na ang kanyang razor at ang gunting na nakababad sa kulay blue na hindi ko alam kung ano.  Yun ba yung blue na liquid na ginagamit sa mga Modess o Pampers commercials? Ah ewan.  Basta ang alam ko ay malapit na ako mag-goodbye sa silky smooth hair ko… na tumataginting sa balakubak.

Ang hirap na hirap akong parte ng pagpapagupit ay ang “LABAHA” part.  Yun yung parte na gagamitin na ang labaha (manual razor) para ahitin ang gilid gilid at likod ng buhok mo. “Wag d’yan!  May kiliti ako d’yan!  ‘Wag d’yan!  Bossing relax ka lang!!!”  Pero aahitin pa din.  Hindi ko mapigilang gumalaw at ayun.  Sugat ang batok ko.  Pipindutin ni Mang max ng twalya  ang sugat sabay masahe ng alcohol.  Eeeeyow!!!  Tangina ang hapdi.

Siyempre pagkatapos ng pagpapagupit ko ay mukha nanaman akong totoy.  Ang dating Aga Muhlach, naging L.A. Lopez.

Yung kuya ko, ayaw magpasama sa Tita ko pag nagpapagupit.  Tapos pag uwi niya galing sa pagupitan eh parang pagod na pagod.  Sabi ni Tita, “Kuya san ka kumuha ng pera pampagupit?”  Hindi na sumagot si Kuya.

“Mamayakero!  Mamayakero!  O ang chupeta!  O ang chupeta!”

Hahahaaaay…

– Tem-i


Tiktser: “Tikboy, pumunta ka dito sa harap.”

Tayo ako at pumunta sa harap ng classroom.

Tiktser: “‘Wag kang gagalaw ha.”

Ilang sandali eh…shik! shik! shik! Putol ang bangs ko at pati gilid ng ulo ko eh may mahabang uka. Parang ginuhitan ng blade ang gilid ko at kita ang anit. Naukaan na naman ako sa iskul at no choice ka kailangan mo talaga magpagupit mamayang uwian. Hindi mo na kayang ipagpabukas pa ang uka sa ulo mo at baka mamatay ka na sa hiya.

Pag-uwi sa bahay…”Nay, pahingi pera pampagupit.”

“Ano?! Magpapagupit ka na naman?! Naukaan ka na naman?! Ako na lang kaya bayaran mo at kakalbuhin kita!”

Nakakahiya na itsura mo napagalitan ka pa. Yan ang hasel ng uka sa ulo. Punta kami sa barberya ng nanay ko. Syempre sinamahan niya ko para siguraduhing maikli ang ipapagupit ko. Upo na ko at nilagyan na ako ng kapa ng barbero. “Anong gupit, boy?” ang tanong sa’kin. Biglang may sumingit agad “Crew Cut! Iklian niyo gupit diyan!”. Ang nanay kong walang pakialam sa porma ng buhok ko eh inunahan na agad si manong barbero.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ko o ano habang unti-unting inuubos ni manong ang buhok kong pinahaba para maging biyakers ang hati. Palagi ko pa namang pinapantay ang hati ng buhok ko pero hindi ko na magagawa yun dahil mawawalan na ng hati ang buhok ko sa ikli. Parang kada laglag ng buhok kong ginupit eh unti-unti rin akong nanghihina. Unti-unti rin nahuhulog ang kumpiyansa ko sa sarili at iniisip ko nang umupo sa likuran ng classroom pagpasok ko.

Sobrang kati na ng leeg ko dahil may mga sumingit ng maliliit na buhok at haluan mo pa ng pawis ko dahil hindi naman aircon ang barber shop ni manong. Solid sa kati yung ganun di ba? Lahat naman ata tayo eh pinaka-ayaw na parte eh ang ahit stage. Ako hindi ako nakikiliti dun, nasasaktan ako! Hahasain pa ni manong ang labaha niya sa nakasabit na parang malapad na leather belt.

Kapag sinabi ni manong na “O, ‘wag kang gagalaw ha.” eh sobrang hindi talaga ako gagalaw dahil takot na takot akong masugatan ng labaha. Parang sundalo talaga ko at ang tigas talaga ng pagkakaderetso ng ulo ko. Kapag sinabing tungo eh tungo agad ako at naka-lock na agad yang ulo ko hindi na gagalaw yun. Pagkatapos ako ahitan, ayun pulang-pula ang likod ng tenga ko at napaka-hapdi. Bwiset na labaha yan!

Ang favorite part ko syempre ang huling parte. Ito na ang paglalagay ng pulbo sa’yo gamit ang malaking brush. Gagawing espasol ni manong ang leeg mo para mawala ang kati at hapdi.

Kayo, anong paborito niyong haircut?

– Tikboy

16 comments

  1. alasais

    Alas-4 ng hapon ng Linggo—ito ang tipikal na iskedyul namin ng pagpunta sa barberya. Once-a-month akong nagpapagupit. Si mama ang kadalasan kong kasama at siya na rin ang nagsasabi kay manong barbero kung ano ang gupit ko.

    E ‘di syempre nasa barberya na kame. Talagang kukuha ng maliit na bangko si manong barbero e noh. Syempre bata pa ko nun para nga naman mas mataas ang pagkakaupo ko sa upuan niya. Ilang taong din talagang pinagamit sakin ‘to e. Syempre nakakainip kase gusto ko malaki na ko. ‘Yung dating napuntang barbero sakin e mainitin ang ulo, kase kapag gumagalaw ako habang ginugupitan ako e sabi nya, “Tsk!” Malamang e nakaka-intimidate ‘yun.

    Salamin ang harapang bahagi ng barberya. Nakasulat gamit ang pintura ang mga katagang, “Barber Shop.” Pagpasok mo, may aisle at nasa magkabilang tabi ang helera ng mga upuan. ‘Pag upo mo, nasa harap mo ang salamin na may pangalan ng barbero sa upper left corner. May drawer din sa harap at may nakapatong na malaking pulbos, alkohol, at brush sa ibabaw. ‘Pag bukas ng drawer ay naroon ang mga gunting at suklay at labaha na nakalagay sa parang maong na telang may maraming bulsa. Ang razor naman ay nakasabit sa bandang kanan ng drawer. May nakasabit namang scoreboard sa dingding. Ewan ko lang kung bakit iniiskoran pa nila ‘yung mga sarili nila kapag may nagupitan sila. Teka may naalala ako, ano ba ‘yung tawag sa kulay green na liquid na nakalagay sa bote, ‘yung nilalagay ng barbero sa leeg natin?

    Default gupit ang Barber’s Cut. Siguro 1×1 ang sukat ng pagkakabawas sa gilid at likod. ‘Yung ibang barbero, ‘yung parte lang na ‘yun ang gugupitin kaya nakakatawa dahil nagmumukhang mushroom ang ulo mo minsan.

    Kung hindi Barber’s Cut, Flat Top ang isa sa mga most-requested hairstyle. Hindi ko trip ‘to kase ang sagwa kapag humaba na eh. Nung grade 4 ako e nauso talaga ang “Bobcut” o “Biyakers”. Usually, derecho Undercut na rin ‘to kaya 2-in-1 ang dating, kaya kailangan e pahabain mo talaga ang buhok mo nang todo. Gawin mo na ‘yan habang simula pa lang ng school year dahil paniguradong mawawala ‘yan kapag malapit nang mag-exam. Haircut permit!

    Eto siguradong marami ring may gusto nito: ‘yung part na ginugupit na ‘yung bandang itaas ng tenga niyo. Nakakakiliti ‘di ba? Naririnig mo pa ang tunog ng gunting. “Tsuk tsuk tsuk.” Kakakiliti talaga!🙂 Gusto ko rin ‘yung labaha part. “Puputulan ko ba ‘yung patilya mo?” “Opo.” Sarrraaappp!🙂

    For some reasons, napaka no-stress-zone nitong barberya. Tuwing nagpupunta ako rito tanggal ang problema ng mundo eh.

    – Tenco

  2. superlolongpinoy

    Beys!!!!

    Tinalo ko kayong lahat dahil ang Tatay ko ay barbero at ang barberya niya ay andun lang sa gilid ng bahay namin.

    Kaya ni minsan di ako nadali ng chop-chop sa buhok ng titser nung haiskul.

    Hanggang nung nag-college ako sa Maynila…zero expense pa rin ako dahil yung Lola ko ay may Barber Shop ang bisnes…kaya badge(hehe parang parak) pa rin.

    Barber’s Cut ang pinakamatagal kong gupit. Ngayon dito sa lugar ko uso ang crew cut…kaya crew cut na.

  3. alasais

    Superlolo,

    Hahaha! Ikaw nga ang naka-base! Sarap naman nang may amang barbero. At least totoo ang ibig sabihin pag sinabihan mo siyang “Barbero ka!”

    You rock Superlolo!

    Tem-i of Alasais

  4. superlolongpinoy

    Tenco,

    Ganda ng istorya mo sa pagupitan o barberya.

    Teka di kaya sa Avenida itong barberya na sinasabi mo…hehe kasi diyan maraming ganitong baberya ang magkabila ay may upuan. Ito ang sinaunang ayos ng mga baberya kasi can afford pa sila umupa sa malaking puwesto.

    Sagutin ko iyong ilang tanong mo:

    – Yung kulay berde — Madalang na yata ang gumagamit nito o wala na kasi ito na ang pinalitan ng Alcohol or ito ang ginagamit kapag may aahitan. Ang tawag yata dito ay Tonic Lotion…pag gumamit ka nito…sigurado sasabihin saiyo na ang amoy baberya ka. Mas suwabe kapag ipinahid ito…di katulad ng alcohol mahapdi.

    – Yung scoreboard naman ay parang monitoring at pang-balanse(para sa katiwala naman ito) sa kinita at the end of the day. Dun sa monitoring puwede kasing ibigay naman nung marami ng nagupitan ang costumer para dun naman sa konti pa ang nagupitan. Parang arawan kasi sila sa barberya. Walang gupit-walang kita.

    Naito pakinggan ninyo itong virtual baber shop sa youtube…nakakatuwa…tutal barberya ang usapan natin.

    Enjoy!

  5. alasais

    Kuya Jem,

    Na-miss ko talaga ang amoy-barberya. Stress-reliever ang amoy na ‘yan eh. Ayos ang virtual barbershop a, kakamiss ang kinikilig ang ulo kapag ni-r-razor🙂

    – Tenco

  6. grasi

    sa mga babae naman sa parlor.. ung mga parlor na katumbas ng barber shop. ang peborit part ko pag nagpapagupit e pag sinasyampu na. woo hoo! ang lamig at feeling prinsesa talaga. medyo nakakatakot lang minsan ung amoy ng syampu. parang amoy paa ng patay na daga.

    superlolo.. eh di andaming kwentong barbero sa tabi ng bahay nyo dati? (sibatin si grasi. korni kase)

  7. superlolongpinoy

    Haha…ay totoo ka Grasi…maraming kuwento…teka baka magalit na sa akin ang mga nagpasimulang sumulat nito…dahil humahaba na yata ang exposure ko dito..hehe

    –yung baberya nung Tatay ko dahil andun siya sa daanan ng tao papuntang palengke…nagiging stop-over muna siya ng mga naglalakad. At iyon nga samot-sari na kuwento ang mapupulot mo…kung sino ang nakaburol…sina ang nanalo sa basketbol…sino ang nag-away at nagbubugan…sino ang nakulong…kung gaano kahaba ang libing…anong sine sa kabilang bayan…yung binaril ng NPA…hayyy marami pa Grasi…parang diyaryo ang kuwentong barbero

  8. alasais

    SuperlolongPinoy,

    Koment lang nang koment parekoy! Walang limit dito. Maliban lang pag mas mahaba na ang mga koments mo sa mga blogs namen! Hehehe! Bwahahaha Kung sino ang nakaburol eh no? Hahahahaha! Sine sa kabilang bayan- -bwahahahahahaha!!!

    Mabuhay talaga ang totoong dyaryo ng kalsada – mga barbero!

    Tem-i of ALasais

  9. natasha carpina

    hahaha…nice story…it reminds me of 2 by 3 na nirerequire ng aming Prefect of Discipline sa mga friends ko dito sa high school ngayon…and parang ganun din ang pronunciation ng aming prefect. waaahh..nakaka-relate ako kahit babae ako kasi halos lahat ng close friends ko mga lalaki…hehehe.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s