F. Pasko Paksiw

As early as november, nagtatayo na ng christmas tree si mama.  pero hindi pa magsisink-in sakin na malapit na ang pasko hangga’t hindi pa december 1.  tapos nun, pasaya na nang pasaya bawat araw.  parang nagkakatamaran nang magturo ‘yung mga teacher ko sa skul.  napapadalas ang p.e. kahit hindi naman p.e. talagang litaw na litaw ang excitement e noh?  lufet!

Hindi ko pinoproblema ang exchange gift dahil si mama na ang nag-aasikaso nun.

Putanginang picture frame ‘yan!


Sa klase, ako na rin ang pre-assigned na magdadala ng ice cream para sa christmas party.  christmas party!  may magsusulat na sa blackboard ng isang malaking ‘christmas party’, tapos ‘yung mga pangalan niyo isusulat niyo sa paligid. pagandahan pa ng suot!  syempre hindi ako magpapatalo, kaya naka-chaleko akong nagpunta sa party namin nung grade 4 ako.  panis!


Peyborit ko ang pangangaroling.  garapalan dito e.  panahon na para hatiin niyo sa dalawa ang grupo niyo para times 2 ang kita!  lata ng nido, mga tansang ginawang tambourine, pangit na boses.  talino!


Medley:  1) sa may bahay 2) we wish you a merry christmas 3) kay sigla ng gabi 4) pasko na naman – tangina, ganito talaga ang pagkakasunud-sunod e noh?


Sumulat ako kay santa claus dati.  iniwan ko sa terrace ‘yung sulat.  sana nakuha niya.  o baka nilipad lang ng hangin tapos napulot ni papa kaya nakuha ko pa rin ‘yung mga wish ko.  happiness!


Bago mag alas 12 e ganadong magpapalabas ng replay ng “home alone” sa tv.  panonoorin ko ‘yun habang kumakain ng nakaw ng frozen salad.  bihira lang akong umabot nang ganung oras sa buhay ko dati.  heaven!


Easy access ako sa mga ninang ko dahil kapitbahay ko sila.  kaya konting lakaran lang e may tig-200 nakong aginaldo (bakit “aginaldo” ang tawag?).  swerte!


–tenco

Pasko – tanginang keso de bola yan!  Masarap ba yun? Anlayo naman ng lasa sa Ques-o e!  Mapait na ansagwa ng pakiramdam sa bibig. Hahaha!  Natawa ako dun a…Para akong baklang nagrereklamo sa huli kong costumer.

O siya siya…Ayoko namang magmukhang galit sa Pasko. Actually gusto ko talaga ang Pasko e.  Daming ala-ala nanaman na alam kong naranasan din ng mga kapwa kong batang kalye…Pag-usapan natin.

Shempre hindi mawawala naman ang gifts diba?  Ano bang pwedeng sabihin tungkol sa gifts…Ako personally, naiinis ako nung bata ako sa tuwing ang matatanggap kong gift e yung malambot kasi alam kong damit yun at sa isang 8 years old na batang kalyeng katulad ko, e wala talaga akong pakialam sa sinusuot ko. Medyo natututo pa naman na akong magmura nung mga panahong yon kaya sinasabi ko sa 8-year-old mind ko, “Tangina, aanhin ko naman to!  Diba pwedeng kahon naman ang regalo ko para sureball na laruan?!!!  ‘nyeta.”

Kung may isang tao na sigurado akong mayaman na ngayon at hindi na maghihirap, yang putanginang Jose Mari Chan na yan ang pambato ko.  Tanginang “whenever I see gels en boys…” na kantang yan. Pero salamat na din sa kantang yan at natutong mag English ang mga kapitbahay kong skwating na sina Bagoong at Jefferson (opo, skwating si Jefferson).  Magaling sa Caroling ang mga hunghang na yan! Bago pa mag ala-sais e naikot na nila yung buong lugar namin at napiga na nila lahat ng bulsa ng mga mayayamang kasali sa regular Friday prayer meeting.  Aaminin ko, talo ang Caroling group ko sa grupo nina Bagoong.  Pano ba naman kasi yung kapartner ko sa caroling, lata ng Nido na nga yung gamit nya sa pagtambol e wala pa sa tiyempo amputa. Tapos mali-mali pa lyrics:

“Pasko, pasko, pasko nanamang muli

Balang araw naming pinaka-iigsi

Pasko, pasko, pasko nanamang muli

Ang pag-ibig ng may-ari!!!”

Imbes na dalawang piso ibigay samin e tsoknat na lang tuloy.  Shempre meron ding mga taong “Patawad!” ang peborit na sabihin samin.  Ok lang yun, kakantahan pa din naman naming sila ng “tengkyu, tengkyu, ambabait ninyo pakyu!”  (Sawa na kasi kami sa “ambabarat”
e…overused na).

Lechon – lagi kaming may handang lechon nun.  Masarap ang balat at Mang Tomas.  Ang hasel lang nga ay isang buwan kayong kakain ng lechon paksiw.  Hindi naman sa nagrereklamo ako .  Ang sinasabi ko lang ay pagdating ng January, pati mga bully sa skul ko ay hindi na ako hinihingan ng ulam dahil sawa na din sila.  Yun lang naman ang akin.

Da best talaga ang pasko sa kalye.  Sa isang lingo e New Year naman. Ihanda na ang super lolo! Papalapit na ang annual appearance ko sa Magandang Gabi Bayan New Year’s Special!

“….Sampung mga daliri, putol ang isa…”

–Tem-i

krismas…pinakamasayang okasyon sakin nung bata ako. makarinig at makakita lang ako ng christmas lights sa kalsada e sumasaya na ang kalooban ko. kapag may nakita akong bahay na maraming christmas lights e naiisip ko na masayang pamilya yun dahil naiisip talaga nila ang pasko.


shempre anjan ang pangangaroling. aayain ko ang mga kalaro ko at kanya-kanya kaming instrumentong dadalin. pero kadalasan puro lata ng gatas ang dala namin. bobo kami mag-isip e. kaya ang tugtog lang ng karoling namin e puro tambol na wala sa tiyempo. may nakakasalubong kaming mga bata na ang ganda ng instrumento. parang nakagawa talaga sila ng buong drum set gamit ang iba’t ibang bagay. naiisip ko nun malamang ang laki ng kinikita nila sa pangangaroling. tanda ko nun nangaroling kami sa isang klinik kaya inasahan ko malaki ibibigay samin. ang tagal naming kumanta nun bago lumabas yung may-ari. paglabas bentsingko ba naman ang binigay samin. tapos sabi pa samin huwag na kaming babalik. ang kapal ng mukha ampucha. ayoko na ngang kantahan ng tenkyu tenkyu e.


christmas party…panay bago suot ng mga estudyante jan. bago pa pala dumating ang party e kanya-kanyang raket ang bawat section para magkaron ng budget. isa na jan ang pagdadala ng newspaper. kung sinu ang may pinakamaraming newspaper na madadala yun shempre ang pinakamaraming pera. ipapatimbang kasi yun at papalitan ng pera ayon sa bigat. shempre kami mandadaya nun. kukuha kami ng dyaryo sa kabilang section at ilalagay namin samin. nabawasan na sila nadagdagan pa kami. isa pang pwedeng pagkuhanan ng pera e yung christmas decoration sa classroom. kung sinu ang pinaka-maganda siya ang panalo at may prize money. kanya-kanya kaming dala ng lantern nun. palagi namang dala nun yung maliit na lantern na makintab yung papel na parang bulaklak ang itsura. puro yun lang nakasabit sa classroom namin kaya ang panget. kaya kelangan na lang mandaya sa newspaper para may pera. sa exchange gift, ang nakukuha ko lang naman jan e tuwalya o picture frame. puchang mga magulang yan ang tatamad mag-isip ng ireregalo.


eto lang pala ang hindi ok kapag pasko. pinapatulog na naman kami sa tanghali ng dec. 24 para mamayang pasko daw e gising na gising kami. yan ang pinakamatagal na tanghali sakin. pipilitin ko na namang matulog at kapag hindi nakatulog, kelangan ko na namang umarte na bagong gising ako. haselicious!


–tikboy

41 comments

  1. eiyelle

    kahit malalagasan ka ng sangkatutak na pera tuwing pasko, ibang klaseng ligaya parin ang dulot nito sa bawat tao,malamig na simoy ng hangin, naghahalakhakang mga bata,pati narin yung mga kaibigan at kamag-anak mong hindi mo madalas makita, makakatalamitam mo na. plus, bumabait lahat ng tao pag pasko, iba ang karismang dala nito..LSS na nga ako sa patalastas ng coke eh..”holidays are coming..holidays are coming..🙂

  2. alasais

    Tama ka diyan Eiyelle. Naaalala ko yang patalastas na yan…tumataas ang balahibo ko tuwing naririnig yan.

    Tem-i

  3. babyfatty

    oo nga malapit na naman ang pasko ang saya na naman talaga, pero ang ayaw ko pag malapit na ang pasko ay nagiging two in one ang regalong natatanggap ko kasi naman malapit sa pasko ang bday ko kaya ang regalo nagiging pang happy birthday at merry christmas na. ang daya talaga nila. hmp.

  4. alasais

    Babyfatty,

    Ay oo, malas mo talaga at yan ang araw ng kapanganakan mo. Hayaan mo, mas maswerte ka pa din sa kaibigan kong si Zoren. Ang birthday nya ay ang death anniversary ng kakambal niyang si Zorro. O di ba patok?

    Tem-i of Alasais

  5. plowtee

    taena pag mahilig ka sa kendi mangaroling ka sa tindahan! instant isang supot ng kendim assorted pa! haha

    meri krismas!!!

  6. alasais

    Plowtee,

    Oo nga no? Ba’t di ko naisip yun dati? Kaya pala lagi andun sina Jefferson no’n…hmmm…Sayang yun a.

    Merry Krismas Plowtee! Ganda ng pangalan mo!

    Tem-i of Alasais

  7. repah

    NAKU PAREHO TAYO AYOKO RIN NG QUESO DE BOLA.. ang gara ng lasa,,.. hindi ko nga alam kung panu sya naging bida sa pasko dahil siguro magaling syang mambola.

    di bale.. advance merry xmas

  8. Tsutsay

    queso de bola..nung bata ako akala ko pati yung red na parang kandila kinakain..kaya sabi ko papa ba’t ang panget ng lasa??! hehe..

  9. hisnameisdencios

    tenco

    ang sarap ng ganyang pakiramdam. naalala ko tuloy nuong elementarya pa lang ako. ganyan na ganyan ang senaryo.

    pasko na talaga ano? malaigayang pasko sa inyong 3!

  10. almariza

    kakatapos lang ng pasko pero happy christmas pa rin po🙂
    gustong gusto ko rin po ang pasko😀
    ang kaso,dati ako yung namamasko sa tito at tita ko..
    ngayon saken na namamasko ang mga pamangkin ko >.<

  11. mikmarz

    ahahaah,,bukod sa picture frame..paborito i-regalo ng mama ko eh “bimpo” haayyy,,tapos yun din naman mtatanggap ko.. leche noh?!

  12. alasais

    Kirsten,

    Leche talaga ang ganyang eksena. Pero yaan mo, pwede mong ipunin ang mga bimpo mo at kalabanin mo ang mga nagbebenta ng pranela sa kalsada.

    “Aaaaah bimpobimpobimpo kayo jan!”

    Tem-i of Alasais

  13. mishes

    hahaha.. ang saya nman ng caroling ng kasama mo dati tem-i.. aus sa lyrics.. infairness sakto nman sa melody.. hehe

    samin bukod sa may bimpo, may kasama pang sabon at toothbrush/paste yun regalo.. instant panglinis ng katawan.. hehe..

    saya talaga ng pasko! the best! khit ubusan ng bonus at 13thmonth.. pde na rin..🙂

    ***sobrang late na pagbati ng merry xmas.. hehe

  14. alasais

    Mishes,

    Ang gagaling namin sa lyrics nun e. Napakahenyo. May sabon pa talagang kasama eh no? Kulang na lang e shower cap at panghilod e!

    Enjoy Alasais!

    Tem-i of Alasais

  15. TunYing

    Buti easy access kayo sa mga ninong at ninang nyo! Ako pahirapan eh! Nakikipaglaro pa ng taguan at bang-Sak! Mayroon mang available, walang datung, maaawa ka pa! Buti pa yung barangay captain o chairman, nagbibigay ng sampung piso (di pa uso nun yung 10peso coin). Naalala ko din noon nagkaroon kami ng exchange gift ng mga kapitbahay namin, anak ng pating, ang nakuha ko eh gamit na medyas. Buti na lang at pinalitan ng isang set ng baso (pero sinumpa ko kung sino man nagregalo nun>_<)

  16. alasais

    TunYing,

    Kapag nakita mo ang ninong at ninang mo eh i-boom mo agad at i-sak mo agad tapos burutin mo na nang hindi na maglaho. Pagtutulungan natin silang burutin.

    – Tikboy

  17. Snowden

    Masaya naman ang pask0 kaya lang medyo malas para sakin..akalain m0 ba namang iisa na nga lang ang ninang ko hindi ko pa mahagilap.ni singk0ng duling hindi ako nabigyan simula ng maintindihan ko ang salitang pera.haiy..ang sama.dagdagan m0 pa na 2 lang kami ng ermat ko sa bahay pag nagcelebrate,ang saya n0h?pesteng picture frame yan,hehe.pag sinuswerte ka naman makakatanggap ka ng set ng suklay,panyo at wallet sa xmas party.s0syal diba?

  18. alasais

    Snowden,

    Okay lang kahit dalawang lang kayo ng ermats mo, basta ang pagkain marami. Hehe. At kapag niregaluhan ka ulit ng picture frame, ibato mo sa pagmumukha ng nagbigay. Joke lang.

    – Tenco

  19. alasais

    Snowden,

    Merry Krismas sayo. Pumunta ka sa mga kamag-anak mo tapos sabihin mo, “Ninong/Ninang! Musta na! Meri Krismas!” Magpanggap ka na ninong mo sila at wag kang papayag na wala kang regalo. Kung ayaw kang bigyan, e maglupasay ka na lang na parang isang batang hindi binilhan ng laruan sa SM.

    Tem-i of Alasais

  20. azianitsirc

    *1 party la aq ntnggap kc d sumipot nkbunot skin.pro ok n rin un kc cgurado frame,towel o alarm clock mari2cv q.
    *nniwla dn aq ky santa claus at andmi tlga medyas n cnbit s bintana.ansaya q kc dami q nkuha.merun pera,kendi,ung vitamins q.ang d q maintndhan e bkit gift dn ni santa ang 1 tuyo.asar e.tpos nlman q n c inay at kptid q pla c santa claus.aun.
    *lgi dami pgkain pg xmas.saya

  21. alasais

    Azianitsirc,

    Totoo si Santa Calus! Totoo Siya! Wala nga lang kaming chimney sa bahay kaya dumadaan siya sa ilalim ng poso negro namin, papunta sa tukador sa ilalim ng lutuan.

    OK ang gifts na natanggap mo ah – vitamins! Siguro payat ka nung bata no?

    Tambay lang todits!

    Tem-i of Alasais

  22. azianitsirc

    *payat nga aq.ayoq kc inumin un.sbi ng nanay q,gusa lng ni santa n intmin q un kya nlgay nya un s medyas.
    *anu nmn mssbi mu s tuyo?kumakain k b nun?hawot o sapsap p yta ung nlgay kya pla ndi mgnda amoy ng 1 q medyas.haha.

  23. alasais

    Azianitsirc,

    Ang galing mo din pala mag-ispell! Hahaha! Sarap basahin! Ang tuyo o sapsap ay masarap sa sinangag ngunit hindi masarap sa medyas. oo nasubukan ko nang kumain ng medyas at tuyo. Medyo mapakla.

    Tem-i of Alasais

  24. gnew

    nag titingin ako ng mga lumang post.. hehe may naalala ako tungkol sa pasko.. tutal malapit nanaman ngayon ulit.. hehehe naalala ko ung sa COD sa cubao noon un ang patok na patok na mall…
    yung anghel na bumababa sa may pader ng building nila… naalala ko pa ung na kinakarga ako para tumayo sa kombi namin kase maliit ako at nde ko makita… naalala ko may santa klos din dun eh… bukod sa COD may isa pa kame pinupuntahan alam ko e.. nde ko lang maalala… putek.. najejebs ako.. iisipin ko nalang dun.. post ko pag naalala ko.. heheheh

  25. alasais

    Weng,

    Hehehe! Tama ka diyan tol. COD nga ang klasik na libreng palabas tuwing pasko sa Cubao. At siyempre, sa mga bata, alangan namang hindi nila naranasan ang umupo sa balikat ng mga tatay at nanay naten pare makanuod dahil puta, mas nakikipag-unahan pa yung mga matatanda eh alam naman nilang hindi totoong Santa Klaws yun! Inang yan o!

    Sige hintayin ka namin paglabas mo ng banyo. Siguraduhing mag-spray ng Lysol para hindi amoy yosi ang banyo, ok?

    OK.

    Tem-i of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s