X. Boy! And Scout!

I’m back. Humanda kayo “Mr. Tuseran” Tikboy at Tenco “Boy Utongerts”.

Ni minsan ay hindi ako nag-boyscout.  Hindi ko kasi ma-imagine ang sarili kong naka-Samboy Lim socks na green.  Actually hindi lang siya green e – lumot green!  Ngunit hindi ko man nasubukan ang maging isang sugo ng kalabaw na panyo ay may mga kaibigan at kaserbis naman ako na naging boy iskawt.  Shempre proud na proud silang nagkukwento ng mga experience nila sakin habang ako naman ay pilit binubuksan ang aking mata dahil nakakaantok ang mga kwento nila.

Sabi ng kapitbahay kong si Dukdok, madami daw siyang natutunang mga “knots” kaya magaling daw siyang magbuhol ng mga lubid.  Sabi ko sa kanya, “San mo naman magagamit yang pagbuhol-buhol na yan?”  Siyempre, mayabang niyang sagot ay, “Madame no!  Ambobo mo talaga Tem-i!”  Ngayon ay dinadalaw ko si Dukdok once a month sa may Pier.  Tama nga siya, napakagaling niyang magtali ng napakalaking lubid para hindi umandar papalayo ang mga barko.  Buti na lang at nagboyscout ka, Dok!

Si Egay naman ay ang malupit na taga-dala ng flag tuwing may program sa school.  Naka complete up and down uniform siya with the kalabaw-panyo at naglalakad nang makisig sa gitna ng covered court.  Kasama niya ang mga resbak niya na naka-complete get-up din at naka-saludo with three fingers kapag nag national anthem na.  Sinubukan kong gawin yang 3 fingers na yan ngunit pinalo ako ng ruler sa kamay ni Mrs. Cabatu.  Wala daw akong karapatang mag 3 fingers.  Siyempre, pabulong nanaman akong sumagot ng “Eh tangina nyo pala eh!”  (Kahit pabulong yan e napakalutong niyan maniwala kayo!)

At shempre pa, lagi nila kinukwento ang yearly jamboree nila sa kung saang bundok!  Andami nilang mga camping stories.  Natatawa ako hindi dahil naaliw ako ngunit dahil ang iitim nila galing sa gubat at puro pantal pa ang mga leeg nila dahil sa lamok!  Minsan, naiinggit din ako sa mga camping stories nila dahil naiimagine ko yung mga napapanood ko sa tv.  Pero sa huli, mas pipiliin kong gamitin ang Sabado ko sa panonood ng Connie Reyes on Camera, Eh Kasi Bata at Laser Squadron Maskman!

Sugod! Sugod! Laban Maskuman! Ipagtanggol ang kapayapaan!

Buong mundo’y magpupuri’t magpupugaaaay!!!  Mabuhaaaaaayy!!!

Laser Squadron, MAAAASKUUUMAAAANNN!!!!

TEM-I

“Ang iskawt ay tapat magiliw! Mapagbigay, mapagkakatiwalaan!”

Yan ang isa sa mga linya ng kanta ng mga boy iskawt. Naging aktibo ko sa iskawting noon kasi isa ako sa mga napiling trainer ng boy iskawt. Masaya maging boy iskawt dahil sa mga kamping sa skul at sa iba’t ibang lugar. Ang pinaka-ayaw ko lang talaga sa iskawting eh ang kasuotan. Wala nang mas luloser pa sa porma ng boy iskawt. Isa-isahin natin:

Kalabaw at neckerchief – Yan ang pinaka-mahalaga sa porma ng boy iskawt. Minsan nga kahit ano suot mo basta nakalagay sa’yo yan pwede na. Isa ka pa ring boy iskawt basta may kalabaw sa bandang leeg mo.

Brown shorts at polo – Kailangan eh kumpleto pa sa patches ang polo mo. Ganyan kabaduy ang pormang boy iskawt. Sino ba naman ang magsusuot ng brown na polo na nakatak-in sa brown na shorts? Boy iskawt lang pre. At eto pa ang mas magpapalupet jan. Idagdag mo pa ang…

Berdeng medyas – Sabi nga ni Tem-i, Samboy Lim ang haba niyan at hindi lang basta berde ang kulay, lumot green! Tapos nakabalat kang sapatos. Ayos diba? Ewan ko lang kung hindi uurong ang itlog mo kapag nakita mo ang crush mo na ganyan ang suot mo.

Idagdag mo na diyan ang cap, buckle at boy scout shirt. Kumpleto na ang porma!

Isingit ko lang rin ‘to. Kapag grade 1 hanggang grade 3, ang tawag pa sa inyo ay Kab Iskawt. Kapag grade 4 na kayo magiging Boy Iskawt. Kapag sa babae naman, Star Iskawt muna ang tawag bago maging Gel Iskawt.

Ang pinakamasaya sa pagboboy iskawt eh ang kamping. Minsan eh nagkamping pa kami sa Bundok Makiling. Naka-tent pa talaga kami at isang titser lang kasama namin. Ang saya namin sa gabi nun. Nagkakantahan lang kami tapos may dalang gitara yung isa kong kasama para mas masarap ang kantahan. Tawanan lang kami at asaran sa isa’t-isa.

Masaya rin magkamping sa skul. Mag-aannounce yung titser sa skul namin na magkakaroon ng kamping. Sumama yung gustong sumama. Diyan ituturo ang mga dapat mong malaman sa pagboboy iskawt. Syempre nandiyan ang iba’t-ibang knots. Isa na nga lang natatandan ko eh. Ang “eight knot”, malamang sa tawag pa lang syempre yan ang buhol na korteng number eight. Isa yan sa pinakamdali eh. Pero hindi ko rin naman nagamit yang mga iba’t-ibang buhol na yan. Eh san ko naman gagamitin yan?! Yung sintas ng sapatos ko gawin kong “eight knot” ang buhol?! Ulul!

“Boy iskawt! Laging handa!”

– Tikboy

Proud na proud ako sa pagiging Boy Scout ko.  Actually Kab Scout kase grade 3 pa lang sumali na ko eh.  Nag-enjoy talaga ako hanggang sa tinuloy ko na sa pagiging Boy Scout.  Complete uniform ako tuwing Lunes, kahit pa nakapainit suotin.  Ang importante e maganda ang high socks kong kulay green.  Tapos todo-bigay parin sa takbuhan sa playground!

Boy Scout – feeling ko pambinatang samahan ‘to eh.  Sino ba naman ang makakaisip na “neckerchief” din pala ang isang translation ng panyo?  At pwede pala itong gawing uniform?  Pitong beses mong paiikutin para maghugis-trayanggulo.  At ang kalabaw?  Maganda ang kalabaw ko, gawa sa kahoy!

Masipag akong sumunod sa mga batas ng iskawt.  Bawat officer dati e sinasaluduhan ko pa sa corridor.  “Sir!” sabay 3-finger salute (2-finger salute ‘pag Kab Scout ka pa lang).  Naalala ko pa nun kapag Girl Scout ka e hindi saludo ang gagawin mo kundi simpleng pagtaas ng kamay na parang nagpa-Panatang Makabayan.

I-recap nga natin ang mga kinabisado ko, kabisado ko pa ‘to e!

Mga batas ng iskawt.  ang iskawt ay:

1. Mapagkakatiwalaan

2. Matapat

3. Matulungin

4. Mapagkaibigan

5. Magalang

6. Mabait

7. Masunurin

8. Masayahin

9. Matipid

10. Matapang

11. Malinis

12. Maka-Diyos

Motto: Laging handa

Slogan: Gawin ang makakaya

Syempre hindi mawawala ang mga camping.  Usually e nagaganap ito pagkatapos ng Investiture, o “pagbibinyag.”  Ito ang magpapatunay na pwede ka nang maging binata kahit bata ka pa talaga.  Syempre bawat patrol e may tig-iisang tent.  Bahala na kayo kung paano niyo itatayo basta dapat e hindi ‘yun guguho ‘pag nagkuhaan na ng flag!  Kasama ako sa Patrol Puma (pinakamabangis!), at kame lang ang patrol na parating panalo sa mga pa-contest.  Kami rin ang may pinakamagandang patrol yell!  Kame ang pumang dakila!  Boom boom boom!

Naging lider din ako ng mga iskawt.  Pero hindi naman ganun kasaya, dahil mas masaya ‘pag ordinaryong miyembro ka lang ng patrol, tulad nung grade 4 pa lang ako.  Syempre baguhan pa, kaya feel na feel ko ang paggapang ng halos limandaang metro nung commando night.  Tumulong din ako sa pagluluto kahit na hindi ako marunong.  Heto ang ilan sa mga best memories ko:

– Ako lang ang kaisa-isa sa patrol naming nahubaran ng shorts bilang parusa sa pagkakahuli sa commando crawl.

– Hindi ko naipasa ang lahat ng bravery test.

– Hindi ako nakasama sa pagkakapanalo namin bilang best patrol dahil natatae ako nun at nagpaalam ako sa patrol lider na kung pwede ay umuwi muna ako sa bahay para tumae.

– Kabilang ako sa _____ Council na pinapadala sa mga Jamboree dito sa Pilipinas.

– Mabilis kong natutunan ang, “Harap sa likod….  harap!”

Iba’t-iba rin ang uniporme rito.  Type A kapag may shirt at polo at Type B naman kapag shirt lang.  Special ang neckerchief ko noon dahil madalas akong pinapadala ng skul namen sa ibang lugar.

Nauso ba sa inyo ang joke na ‘to:

“Boy Scout laging handa!  ‘Pag sinapak laging palpak!”

– Tenco


Hahahaha!  Ayos ka talaga Tenco!  Wala kang kasing bakla!

– Tem-i


Shut up!  Kuha mo ko ng de lata sa tent nyo dali!  1!  2!  3!  10!  Push up ka!  Pakyu!

– Tenco

44 comments

  1. Tsutsay

    gel iskawt nakakatawang isipin. maski ko natatawa ko sa sarili ko pagnaaalala ko nakasuot din ako ng neckerchief tas ang init pa ng tela ng damit namen. may sobrero pa na kulay green o kaya yung parang banig. buti na lang yung medyas namen white tas may logo lang na maliit.sa totoo lang ayaw ko sumali dyan sinabi lang ng titser namen” ang hindi sumali may minus sa grade”..haay..minus nanaman?!! parang piltrip din..may minus pag di sumama..pero mas masarap ang piltrip kesa sa kamping(pano di anamn ako pinapayagan mag-kamping..=(..)

  2. alasais

    Tsutsay,

    Sana ay sinabi mo sa magulang mo na, “Ma! Magbabaon na lang ako ng isang timbang Caladryl! Payagan nyo na’ko puhleeeeease?”

    Tem-i of Alasais

  3. Tsutsay

    tem-i,

    hahaha…sobrang higpit kasi ng tatay ko. kaya di ako nakakasama kung san. sa iskul nga walking distance na yung kamping di pa rin pwede…san ka pa? kaya di magka bf anak mo ‘tay eh..ehehe

  4. alasais

    Tay!

    Payagan mo nang magka-voyfren si Zsuzsay! Fasensha na…Medyo lasheng ako ngayon…nakainom nang konte..konti lang namaneh…

    Themmy op Alashaysh…

  5. Pretty

    ahahaha! natatawa ako sa blog mo.. woo! grabeh nkakakrelate ako sa mga sinabi mo. Ako naman Rover Scout, pinakamataas sa lahat ng scouting, ang umbrella ng mga iskawt. sumali ako kc di pwdeng grumadweyt ng high school na walang kinukuha na organization. ehem-ehem, ako ang pinakapasaway sa lahat, no wonder hinirang sa akin ang “best in pasaway”. kapag my form lahat sla nkatayo ng matuwid, pero ako nsa likod prati at di sumusunod sknla. kapag pinapagalitan nmn walk out ang drama, loko sla di nga ako pinapagalitan ng parents ko eh!

    ako nmn kabaliktaran kay tsutsay hahah! lahat ng camping sali ako, pero pasaway ako, nka-stay lng sa tent at kng lalabas mgpapa-cute sa mga lalaki.. bwahaha! ung mga trainings at pagulong2 sa lupa, taena! suluhin nyo mga ulol! ngbibiro ako na inaatake ako ng asthma! mga hugawan! bwahaha! Pera lng katapat nla eh, libre ko lng ng pagkain di na ako papagalitan kya ung iba asar skin.. heheh! bwahaha! >:)

    uniform?! sus ubod ng init! my necker pa na khit cotton makati sa leeg! whew! isa lng masasabi ko, wala akong “mission accomplish” sa lahat ng pinapagawa skin.. anyhoo, msaya pa rin esp the cute boys, di ko nga lng sla feel sagutin! ewwww! hehehe! ito cheer nmn “oh yeah, oh yeah! Kikay mn kmi, maarte mn kami, di nyo p rin maipagkakait na klngan nyo kami!” >:) (heheh klngan kc mhilig sla sa libre! hahah) 5 kmi prati nyan, mga maarte! hai..

    funny experience tlga.. hahay, nkaka-miss ang campings! =p wee!

    2 thumbs-up sa gumawa ng blog na ito! love it! =)

  6. alasais

    Pretty,

    Salamat naman at nagustuhan mo ang aming blogisode this week! Pasaway ka pa lang iskawt ha? Ano ang ibig sabihin ng “hugawan”? Ok din yang mga awards nyo sa school nyo ah. Kung may ganyang awards lang sana sa iskul ni Tikboy ay siguradong nanalo na siya ng “Best in Putok”. Lakas ng putok niya e.

    Keep enjoying our new blogisodes every Friday!

    Tem-i of Alasais

  7. grasi

    di din ako nakapag boy iskawt. di kase pwede kase gel iskawt ako.

    pinakamasklap na sa gel iskawt life ko eh di ako nakasama sa hiking. di ako payagan ng erpat ko dahil baka daw hikain ako! daig tuloy ako sa mga pamatay na kwento ng mga ka-patrol ko. kuuu..if i know di nag enjoy ang mga sosyalerang yun! buti pinayagan ako sa camping. pano kasi sa school grounds lang yun. at sa classroom pa natulog sa gels dahil nasa field ang boys. camping ba yun! asar!

    sa totoo lang wala akong natutunan noon sa gel iskawt na napapakinabangan ko ngayon. masayahin lang ata yung virtue na meron ako ngayon. tablado pa pag depressed.

  8. alasais

    Grasi,

    Haha! Masayahin lang ang virtue e no? Ok yun a. Kung sa classroom kayo nagcamping, eh sana manlang ay nag-bonfire kayo…panggatong ang mga test papers.

    Sana ay nagustuhan mo ang blog na ‘to. Hindi ka tablado samin kahit ma-depress ka.

    Nagmamahal,
    Tem-i

  9. ji

    Wala daw akong karapatang mag 3 fingers. Siyempre, pabulong nanaman akong sumagot ng “Eh tangina nyo pala eh!” (Kahit pabulong yan e napakalutong niyan maniwala kayo!)

    ==>> bwahaha! TEM-I, natawa ko jan sa parteng yan ah :)) ahahahahahahaha

  10. alasais

    Ji,

    Eh tangina naman talaga niya e!

    Actually ikaw ang unang natawa diyan sa hirit na yan. Akala ko nga, yan ang magiging hirit of the week ko pero walang natatawa, ikaw lang…kaya…SALAMAS! MAHAL NA ATA KITAH!!!

    Lubos na gumagalang,
    Tem-i of Alasais

  11. alasais

    Pretty,

    “ung mga trainings at pagulong2 sa lupa, taena! suluhin nyo mga ulol!” – Panalo ‘to! Hahaha! E ano namang ginagawa mo ‘pag may camping? Parang parati kang umiilag sa utos ah.

    Nagdadala ka pa rin ba ng makeup kahit may camping?

    – Tenco

  12. plowtee

    mula grade 1 hanggang 4th year high school nag-iiskawting kami, required talaga eh. tsk!

    Nakakabaliw pa yung pin na sinasabit sa uniform ng girl scout. taon-taon iba-iba arrangement ng mga pins. tae talaga yun!

    pero hindi ko talaga makakalimutan yung mga panahong magkadikit yung sakong mo tapos maghihiwalay sa toe, ipapasok ng teacher yung paa niya sa pagitan ng paa mo, at dun masusukat na 45degrees nga ang paa mo!

    *ps:
    nakakatuwa itong blog na to, kahit hindi ko yata naabutan yung ibang sinasabi niyo nakakarelate pa rin ako. :))

  13. batopik

    kawawa naman ako, hindi ako naging gel iskawt. hakhak.

    ang kulet ninyong tatlo? hahaha! oo nga anu kayang gagawin dun sa mga knots? itatali sa sintas hakhak! o kaya pag magbibigti, may mga knots pa hakhak. di na natuloi pagbibigti dahil sa sangkaterbang knots knots na kaeklatan. hakhak!

    wala lang. =P

  14. porkyvore

    hehehe ang kulet naman nito. naging isa din akong magiting na gelscout at nung naging patrol leader ako eh tinuruan ko lang silang uminom ng Gin (ung pang-construction worker dahil ala pa ung pinapatalastas ni Ann Curtis) na may halong juice. hay.. kaysaya ng high school scouting

  15. photosynthesis

    grabe.. ilang hakbang lang ang pinagkakampingan ng mga scout scout na yan mula sakin pero hinding hindi ako naging girl scout. kainggit!

    diba pag-high school na, C.A.T. na? Yun lang naranasan ko! pero may mga High School pa na Girl Scout/Boy Scout padin. *HAHAHA* gwapo weh.😄

    ” Syempre hindi mawawala ang mga camping. Usually e nagaganap ito pagkatapos ng Investiture, o “pagbibinyag.” Ito ang magpapatunay na pwede ka nang maging binata kahit bata ka pa talaga. ”
    >> parang Frat lang ah.😄

  16. borman

    Maganda din tuwing may “Thinking Day”. Kasi magkasama ang mga Boy Scouts at Girl Scouts sa program na yun. Pagandahan ng intermission number ang mga girl scouts at boy scouts. At di mawawala dyan ang theme song na, “He He Hey! It’s Thinking Day! In Mexico… It’s Thinking Day… In USA… It’s Thinking Day…In Philippines, It’s Thinking Day! All around the world is Thinking Day! Di ko makakalimutan ang pagiging Kab at Boy at Senior Scout ko. Eto inaabangan ko dati kasi gusto ko yung uniporme eh. Astig nga yung green socks. Padamihan pa ng badge kapag nakarating kung saan-saang jamborees at camporees. Gusto ko din yung nagdedesign ng Patrol Flag. Etong scouting ang naghanda sa ating para sa COCC, CAT at ROTC. Miss ko tong mga to. Mahirap pero masaya

  17. Tsutsay

    Hi Tenco,

    ahaha! pwede.

    “Tay may overnight piltrip po ako kasama sina Tenco at Tem-i, payagan nyo na po ako piltrip naman yun eh..”

  18. Pretty

    nagustuhan ko tlga, nkakarelate kc ako.. di ko pa nbabasa ang ibang blog nyo kya babasahin ko if my time ako..=) ubod ng pasaway tlga, kawawa tlga pag my groupings at ako ang ka-myembro sigurado nang talo! “hugawan” means mabantot, madumi, hndi malinis sa katawan, lhat ng di kaaya-aya! gnun na un.. Ok ba un? npapahiya nga ako eh, pro sinasakyan ko nlng sla, alam ko rin nmn kc na pasaway ako.. tsk tsk! ikaw my putok? naku! hahaha! speechless ako dyan.. =|

  19. Pretty

    tambay lng sa tent, paglumalabas nagpapacute sa mga lalaking feeling cute! ahaha! kain tulog, tpos pag my utos pinapagawwa k sa iba, oh kya nmn di ko gnagawa! bhala sla mghihintay sla sa wala! umiilag tlga ako, bt sila mg-uutos eh my mga kamay sla.. dugh! swerte nla, di ako uto-uto!

    make-up? hmmm, di make-up twag ko nun, small kit lng pero andun n lhat ng klngan ko, lip chick, powder, curler, blush-on, wet tissue, brush, nail cutter. yan lng.. hehe!

    ilan ba kau may-ari ng blog na ito?
    sino si tenco? and Tem-i of Alasais?

  20. alasais

    Pretty,

    Tatlo kaming miyembro ng blog boyband na ito. Ako ang gwapong si Tem-i at ang dalawang mukhang urangutan ay sina Tikboy at Tenco.

    Salamat nga pala sa pagbibigay linaw sa salitang “huwagan”. Ngayon ay may idadagdag na ako sa “Describe Yourself” portion ng slumbook ng aking klasmeyt.

    Nagmamahal,
    Tem-i of Alasais

    P.S. Magaling magtimpla ng Sunny Orange si Tikboy at magaling naman maglaro ng Mario Bros. si Tenco.

  21. Tsutsay

    Hi Tenco,

    bakit parang kawawa parati si tikboy? Ano kaya itsura ni tikboy? nakapag-isip tuloy ako sa sinabi ni Tem-i na gwapo sya tapos kayong dalawa mukhang urangutan?? natatawa ko habang iniimagine ko kayong tatlo? hhmm?..

    Tsutsay

  22. alasais

    Tsutsay,

    Mahal na mahal namin si Tikboy. Kahit ilang piling ng saging ang hilingin niya ay ibibigay namin. Diba Tikboy? Uuuy, sino yang gwapong bata na yaaan? Achuchuchukuuuy!

    Keep reading Tsutsay! You rock!

    Tem-i of Alasais

  23. alasais

    Tsutsay,

    Mukhang hindi magandang ideya na mag-obernayt ka kasama ang dalawang ungas na yan. ‘Wag mo na lang ituloy yan.

    At sa totoo lang inggitero lang talaga yan si Tem-i. Marami yang sinasabi kasi siya talaga ang panget at may putok. Ikaw na lang ang mag-decide kung sino ang pogi saming tatlo. ‘Wag mo na pala isama si tenco kasi bakla naman yan eh.

    Salamat pala sa pagbabasa, Tsutsay.

    – Tikboy

  24. Tsutsay

    WAHAHAHAHA! grabe kayong tatlo! ano pa kaya kung kasama ko kayong tatlo? siguro sobrang kulit nyo. Si Tikboy siguro daming buhok sa katawan? Si Tem-i naiisip ko maputi,matangkad tas gwapo pero may putok? hahaha!. Si Tenco naman moreno na matanggkad din tas matangos ilong pero bakla. Anu ichura nun? ahahaha! Sige Tikboy tayo na lang dalawa magkasama sa piltrip. Saan ba gusto mo? Sa Zoo?..

  25. hisnameisdencios

    nakakatuwa. naalala ko ang nakaraan. may kalabaw pa na syang bigkis sa panyong malaki haha, nice post pati ang moto alala nyo pa a. astig!

  26. alasais

    Dencios,

    Salamat naman at nagustuhan mo. So si Scout Dencio ka pala nun ha? Parang pangalan lang ng kalsada sa Maynila a. You rock!

    Tem-i of Alasais

  27. mishes

    @tenco – san pdeng gamiting ang mga knots? sa pagreready ng pangsuicide!! hehe.. kasi yun 8eight pdeng pambigti yun eh.. hehe.. joke..

    lagi rin akong present sa mga iskawt activities eh.. kasi yun lola ko adviser, lagi akong sinasali.. lagi tuloy akong bumibili ng pin dahil yun ang madalas mawala. ang liliit nman kasi!

    ang korni nga ng uniform nila eh noh! sino kayang pasaway nagdesign nun. pero ok lang kung elem eh kasi lahat ng elem levels nagiiskawting. ang badtrip nun hs kami.. meron pa rin nyan.. kamusta nmang nakasakay ka sa jip at nakapang gel iskawt (buti n lng ndi ako boy iskawt! mas dyahe.. hehe)

  28. alasais

    Mhey,

    Hahaha! Dyahe talaga sa mga lalaki ‘yan lalo na kapag naubusan ng stock ng pants sa tindahan. Ang hirap magpa-cool e. At tungkol naman sa mga knot, so far e wala naman akong nabalitaang nagbalak mag-suicide gamit ang eight knot. ‘Wag naman dun! Let’s make love using the knots. Baka alam ni Tikboy ‘yan.

    – Tenco

  29. Snowden

    Nyay.hindi ko naexperience ang maging boy sc0ut..atleast matuto ka ng mga kn0ts,magagamit m0 yang pag nagpatiwakal ka.siguraduhin lang na mahigpit na kahit abuting ng 10 ta0n na nakabitin ka hindi parin mapapatid.gudluk

  30. TunYing

    ako dehins naging boyscout pero naging kabscout ako noong grade 2 ako… mas mababang ranggo… hahahah…

  31. balotlot

    boy/girl scout.. public school simpleng kikil/ kurakot.. ket ganun noh.. evry school year eh ksm sa school miscellaneous fee yan… kht ndi ka nmn sasama sa mga camping or anong chever nila eh obligado na babayaran mo tlg yun…
    pakshit tlg cla…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s