28. Simbahan

Linggo, 7am…

“5 minutes pa…pwede ba ako na lang ang last maligo?”

Pero wala akong takas dito.  Talagang babangon ako sa umaga.  Sino bang naglagay ng misa sa araw ng Linggo? Eh puyat na puyat ako kagabi galing sa inuman kina Boy Singhot!  Pero ano pa nga ba magagawa ko?  Hala, sige, bangon.

Hindi kumpleto ang buhay batang kalye kung walang simbahan.  Dito nagtitipon-tipon ang mga katoliko sa baranggay namin upang magdasal at manampalataya sa Panginoong Hesukristo.  Andito na ang mga lumuluhod papunta sa altar, mga sanggol na iyak nang iyak, mga selpon na tumutunog at mga buhok na nangingintab sa gel.

Parating madaming tao sa simbahan namin tuwing Linggo.  Favorite kong puwesto ang likod ng simbahan dahil yun ang akala kong puwesto ng mga cool na tao.  Lagi akong tinatawag ng Tita ko para sumama sa kanilang umupo sa harapan pero tuwing tumitingin siya likod para tawagin ako ay yuyuko ako at kunwaring magdadasal.

Ako lang ba ‘to o masarap ba talagang manood ng mga tao sa loob (o labas) ng simbahan?  Parang gusto kong gumawa ng mga tatlong blog tungkol sa mga sari-saring tao sa simbahan eh!  Hindi ko alam kung saan ako magsisimula!

Uhm…eto!  Mag-siyota.  Papasok sa simbahan si babae.  Susunod si lalake.  Buhat ni lalake ang bag ni babae.  Paypay si babae.  Pawis na pawis na si lalake.  ”And also with you.”

Sino sa inyo ang inip na inip na sa kakatayo at napapangiti ‘pag homily na dahil sa wakas ay uupo na nang matagal?  ’Pag minalas-malas ka pa ay kakanta ng Papuri sa Diyos – ang pinakamatagal na church song sa buong mundo!  Mas matagal pa ‘to sa “Hey Jude”!!!

Hinanap niyo din ba ang crush niyo sa simbahan at sinubukang pumwesto sa tabi niya para mahawakan ang kanyang kamay pagdating ng Ama Namin?  Aminiiiiiiiin!

Kapag nag-body of Christ na, anong gamit niyo – straight to the dila or sa kamay muna?  Tuwing sinusubukan kong i-straight to the dila eh palagi kong nadidilaan yung daliri nung pari.  May tama bang teknik para kainin yung ostiya?  Dapat tinuturo ‘to eh!  Dapat may training para dito eh diba?  Minsan kasi eh, yung 85 years old na pari na puro pekas yung kamay ang nagbibigay ng komunyon.  Sabi ng Tiyahin ko, “eh naghuhugas naman ng kamay si Father ah.”  Sabi ko naman, “Hugas ba yun?!!!  EH binasa lang niya yung kamay niya eh!!!”

Sa misa namin ay laging may oras para sa announcements.  Madalas ay ginagawa ito pagkatapos ng komunyon.  Habang hinihintay ng mga taong matunaw ang ostiya sa mga dila nila, dederetso na sa mikropono ang lector at mag-a-announce ng mga baranggay activities para sa susunod na linggo.

“Brothers and sisters in Christ, may salu-salo po tayo sa Miyerkules.  Ito ay para gunitain ang ala-ala ng ating napakabait na kapitbahay na si Mr. Santos sa Unit C-3.  May empanada at puto po sa Miyerkules.  Ayon sa NAWASA, mawawalan po ng tubig sa araw na iyon kaya bring your own coffee na lang po…”

Humayo kayo at magparami.

– Tem-i


Dati akong sakristan, kaya tuwing Linggo e present ako parati sa chapel namin.  Mas maaga pa kong gumigising sa nanay ko para pumunta sa chapel.  Magmamano ako sa pari sabay sabi ng, “Good morning po, father,” sabay pwesto sa gilid ng altar.

Ang simbahan—kitang-kita ang pagka-relihiyoso ng mga Pinoy.  Ang mga bata naman, kahit hindi pa nila naiintindihan ang English version ng pagmimisa e sumasama pa rin sila sa mga magulang nila.  Ang sarap talagang…  ang sarap talagang hindi magsimba!  Umamin kayo!  Kaya ako, nagkaroon ng time na parating absent sa pagsasakristan.  Sorry po Papa Jesus!

Ginanahan ulit akong magsimba nung kaka-First Communion ko pa lang.  Sa wakas matitikman ko na ang ostiya!  Ano kayang lasa nun?  Sabi nila, bawal daw nguyain ang ostiya.  Sabi ko naman, “Sige,” sabay nguya.  Gusto kong isusubo nalang sakin ang ostiya tapos pipilitin kong hindi madilaan ang daliri ng pari.  Sa kabutihang palad ay nadilaan ko pa rin.

Haha “Papuri sa Diyos”.  Talagang matagal ‘tong kantang ‘to e!  Ilang minutes ba ‘yun Tem-i?  Ang tagal e!  Ang “Santo, Santo, Saaanttoooo…” naman ang isa sa mga pinakapaborito ko dahil ibig sabihin ay malapit nang matapos ang misa.  Kapag “Ama Namin” naman, nag-eenjoy ako kapag kras ko ang katabi ko dahil siguradong mahahawakan ko ang kamay niya.  Haaay, sana ito nalang ang pinakamahabang kanta no?🙂

Naiinip naman ako kapag Homily na.  Kahit nakaupo pa nang matagal e gusto kong matapos na agad para mas maaga akong makakauwi.  Pero ang galing ng mga pari no?  Kaya nilang mag-explain nang matagal sa harap?  Minsan naimagine ko ang sarili kong maging pari.  Ano kayang sasabihin ko?

“Ah, e, magandang umaga sa inyo mga kababayan.  Ang ganda ng Gospel no?  Ako rin nagandahan e.  Ah, uhm, sige po magsitayo na po tayo ulit.  Thank you.”

Naririndi pala ako kapag naririnig kong kumakanta ang mga matatandang babae.  Ang lalakas kasi ng boses na parang sumisigaw.  Minsan e pinatulan ko sila.  Kumanta ako nang mas malakas.  Biglang napatitig sa akin si Father at simula noon ay hindi na ko umulit.

Ano nga ba ang favorite song ko?  Ah eto:

“Kordero ng Diyos

Na nag-aalis

Ng mga kasalanan ng sanlibutan

Maawa ka, maawa ka, sa aaamin.”

Talagang ginagalingan ko kapag kinakanta ko ‘yan e.

– Tenco

40 comments

  1. andreidae

    waw..absent nman c tikboy…

    haix…

    ang Sunday mass…nung bata pa lng akuh eh..gustong gusto kuh sumama magsimba kasi ibig sabihin nun..gagala kami nila momie after and syempre kakain sa labas..hahaha..

    noon ding bata pa akuh eh…pinangarap kuh din mag madre dahil gustong gusto kuh tlga sa simbahan..but it remained a dream..haix..

    ngaun nman eh..mjo consistent padin akuh mgsimba every sunday xe after nun mkksama kuh ung mga friends kuh..and still..hindi parin nwwla ang pangarap kuh na maging madre padin someday..ang gnda siguro nun..RN na madre..

    =)

  2. machongbutiki

    hi
    mga kapatid!!!
    im finally back!!!

    hindi ko alam kung for good na nga ba? bcause of my sked.
    hehehe
    at ngayon alam ko ng mag comment.
    hehehe.
    kasi dati hindi ko alam.
    heheheh
    namiss ko tong site na to..

    oo naging sakristan din ako dati.
    at madami din akong kalokohan na
    ginawa.
    katulad ang pagkain sa mga natirang
    ostiya pagkatapos ng misa.
    hehehe.

    😀

  3. alasais

    Machongbutiki,

    Nice one pare, dapat kasama na ‘to sa sked mo. Marami pa tayong pag-uusapan dito, kaya penge ako ng ostiya.

    – Tenco

  4. asherkyle

    kami noon kailangan talaga magsimba.. kung hindi sandamakmak na sermon ang maririnig namin kay mama.. pero ok na rin, kasi nung bata ako, pagkatapos ng misa ang habol ko ay ice cream, puto, at cotton candy.. hehe..

  5. gwen

    dati nung bata ko… kapag nagsisimba kami ng family ko kapag Sunday, ang pinakaiiwas-iwasan ko tlaga eh ung kapag napea-peace be with you na yung pari…

    Ahaha..! ewan ko ba nahihiya kasi akong tumingin sa likod ko para mag peace be with you lang.! Bwahaha.!

  6. gwen

    Naalala ko dati, every after Sunday mass… Shempre bubukasan ko ung TV… puro chinese ung palabas sa TV.!

    Bwahaha… Ung tipong may mga fighting scenes… ehehe..! Wala na un ngayon eh. Kasi puro cartoons na.!

  7. anakngpating

    huwaaa namiss ko ang simbahan namen nung kabataan ko ..choir kasi kami ng mga pinsan ko sa church namen sa marikina hhe..akalain nyo un nag sisimba pala ko heheh..nsa mukha ko naman na mabait ako eh ehhe..

    kakamiss nga may mga bible study pa kami nun tapos dami ko nakuha certificate dahil sa bible study..at pil na pil ko rin yang kanta na yan tem-i kapag yan na ang kinakanta namen kordero ng diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan maawa ka, maawa ka sa aaamin…

    dami ko na kasalanan kaylangan ko na mag simba, tagal din ng pahinga ko..5 buwan ehehe..

  8. alasais

    Tungaw,

    Tagal na, 5 buwan. Kelangang i-make up mo ang lahat ng absences mo. Lagooooooot!

    “Ipagkaloob mo sa aahmin ang kapayapaaaan!”

    – Tenco

  9. nadoganado

    minsan lang ako magsimba nung bata pa ako kasi wala namang misa s chapel ng brangay. tuwing pasko at piyesta lng ako nakakasimba. hehe. ang layo kasi ng bayan. di pa rin ako nkakakumpleto ng simbang gabi. meron din naman akong naalala s pagsimba. dati nagtataka ako kung anung meron s ‘kaldero’ ng Diyos at nagaalis ito ng kasalanan. dito din kaya Sya nagluluto ng kanin at anu2 pang mga bgay ang kaya pang gawin ng ‘kaldero’ ng Diyos. hehe.

  10. nadoganado

    nung hayskul lng ako medyo npadalas s pagsimba. malapit kasi s dorm ung simbahan kya kontng lakad lng eh andun kn. naaalala ko nun ung pari habang nasesermon pumatak b naman ung pustiso. nyahaha. pero walng tumawa. nhiya cguro ung mga tao. hehe.
    tas nagkolehyo n ako. aun s philo subject ko mejo gumuho ung paniniwala ko. cguro dhil narin s mahnang foundatio ng akng paniniwala kaya nagduda ako s ‘Kanyang existence’.

  11. grasi

    di pwede mag absent sa simba dati dahil sa catholic school kelangan magpapirma ng index card sa pari. kaya parang dinadaluhong ng paparazzi si father after ng mass. kala mo makakadaya ka dahil pirma lang?? no! pag pasok sa monday gagawa ka ng reflection paper mo tungkol sa gospel.

    kaya nga demonyita ako nung makalabas ako sa school na yun after 11 years. syet. laya.

  12. alasais

    Grasi,

    Ang tagal ng 11 years! Ang tindi talaga niyang mga reflection paper na ‘yan. Talagang pipigain ang utak mo e. Tapos hindi pwedeng maiksing reflection kailangan talaga mahaba e.

    – Tenco

  13. DEADPOOL

    sa mga tambay!
    absent muna ako huh! puntahan ko muna kapitbahay namin na pwede ko ng maging chix! hahaha!
    ingats dudes n dai’s!
    ciao! bukas comment ako!

    DEADPOOL

  14. gwen

    tenco,

    ahah. ibang usapin na un. kasi ung crush ko dati eh sakristan… ehehe… ung tipong iwasang tingin kapag nagkakatitigan na kami. un oh… sabay bulong sa pinsan ko “nakita mo ba, hindi ba tumingin din sa kin..?” ahaha!

    ewan ko ba. basta nagsimula na ung misa hindi ko mapaliwanag ung antok na nararamdam ko.. pakshet..! as in nakakaantok… wala na kong gingwa kundu tumingin sa orasan ng simbahan… excited umuwi kasi derecho sa lugawan sa may kanto…!

  15. Justin

    simbahan..tagal ko ng di nakakatuntong dito eh ewan ko ba parang ang init init kasi ng pakiramdam ko pag papasok ako..hahaha! joke lang natotolerate pa naman ako ng simbahan eh..hehehe..

    sa catholic school dati may first friday mass eh..unahan pa kami nun magvolunteer magbitbit ng offering sa altar..mawiwisikan ka pa ng holy water ni father…(sabi ng kapatid kong sakristan tubig lang na may asin yun..kaya pala ang sakit sa mata..haha)

    ang ayaw ko lang naman sa simbahan eh pag umaalingasaw na ang pabango ng matatanda at naghalohalo ang amoy eh nakakahilo na…kaya gusto ko agad makalabas eh haha…

  16. alasais

    Justin,

    Hahaha pasok ‘yung holy water niyo a! Swerte siguro ng mga hindi Katoliko kapag first Friday mass noh, pwedeng tumambay lang sa klasrum.

    – Tenco

  17. Christina

    ngayon lang ulit napadaan. na-miss ko ito.😀

    anyway, dati kasali ako sa choir kaya laging present. kahit sa Simbang Gabi. ang sarap ng feeling pag dun ka sa choir balcony nakaupo, kita mo halos lahat. naalala ko tuloy yung mga choirmates ko, super kilig sa mga sakristan :))

    nung mejo bata-bata pa ko, lagi akong may baon sa simbahan. courtesy of my nanay😀 kaya nilu-look forward ko talaga yung pagsisimba dati *takaw!*

    dati tinatamad ako magsimba kasi natatamaan nun ung mga gusto kong palabas sa tv. pero ngayon, naisip kong mas may katuturan yung mga tinuturo ni Lord kesa sa mga pinagsasabi ni Korina Sanchez. haha

    hanggang ngayon, every Sunday pa din akong nagsisimba kasama ang pamilya. sarap sa pakiramdam.😀

  18. halee

    nung elementary kami, may practice kami lagi in preparation sa communion..haha! Sky flakes ang ostiya… =p

  19. superlolongpinoy

    Ang sarap basahin ng post na ito…napatawa mo ako…o napahagikhik. Sali rin ako sa blog mo. Nagsisimula pa lamang ako sa blog ko…pero ang galing ng Simbahan post mo. Tama ka susundan kita diyan sa post mo na iyan kasi dati akong lamang simbahan… Lay minister and sa music ministry. siguro puwede ko isulat ang “In the eyes of a Lay Minister or in the finger of an organist…hehe kasi yun ang papel ko sa church…mag piyano”. Salamat i’m learning from your blog.

  20. Pingback: Sa mata ng isang lamang-Simbahan « Blog ni Lolo
  21. alasais

    Superlolo,

    Sulat ka lang nang sulat. Aling simbahan yan? Hehehe! Aba, aba, aba…isang tunay na saksi sa tunay na buhay sa loob ng simbahan. Tambay ka lang dito Lolo Jem, laging masarap ang kwentutan…este…kwentuhan dito. Buhayin ang ala-ala ng mga batang kalye!

    Tem-i of Alasais

  22. superlolongpinoy

    Haha Salamat Tem-i,

    Naghahabol ako sa kababasa ng mga old posts niyo.
    Nakaka-enjoy. Talagang tatambay ako sa inyo. Iyong simbahan sa..may Tsora..hehe. Tunay na Pinoy ang kuwento ninyo. Sarapp!

  23. superlolongpinoy

    Korek kayo sa obserbasyon nyo sa “Papuri” mahaba nga ito. Ako man na nasa choir dahil ako ang mag-organ ay natuturete kapag sinisipag ang Pari na kumanta, nakakahingal ding tugtugin ito kasi parang Martsa ang tiempo. Kapag medyo nagmamabilis naman ang Pari hindi na ito ipapakanta, irerecite na lang.

    Yan ang isang problema kapag walang choir na dumating, hahagilap sila ng mga Manang, tama kayo another extra challenge ulit ito sa tutugtog, hahataw na ang mga Manang, talagang rock ang mga boses nila, mababato..hehe..sori po!

    Pero sa isang banda…may nabasa ako…comment ito ng forenger(hehe foreigner). Ang saya-saya daw ng ating Misa kasi lahat ay kumakanta.

    Talagang kakaiba talaga ang ating Misa…buhay-na-buhay. Kung walang choir…ayun parang brownout ang feeling. Parang bahay na walang radyo…kulang ika nga.

    Kaya kung ang assignment ko ay magsubo ng ostiya at walang dumating na choir…ayun hataw na paakyat sa entablado…banat na. Malungkot kasi kapag walang music. Lalo na at nasanay na ang tao na may choir.

    Nagawa ko na ang mag-proxy sa Pari sa Homily…di na homily ang tawag…reflection na lang…Kasi naman si Pader ay mina-migraine…kaya sabi niya sa akin “Brod ikaw na muna ang mag homily o mag-reflect sa Gospel talagang super-sakit ng ulo ko”…Siyempre sagot ko “Ope Pader”
    Minsan lang naman nangyari ito…hehe buti na lang di nag-uwian ang mga sumimba. Nakaraos naman..pero puro kabog ng dibdib…puno pa naman ang simbahan noon.

  24. alasais

    Jem,

    Hahaha oo nga pala no, dati biglang ni-recite nalang ng pari ang Papuri. Talagang nagulat ako na natuwa e, hahaha.

    Ang galing mo sa homily! Biglaan pero nagawa mo nang maayos!

    – Tenco

  25. balotlot

    peace be with you…

    nung elem days ko eh sarap mag simba kc cousin ni edu manzano yung kura paroko nmen.. meztiso tlg..

    fr.ely tepasi… san na kya sya?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s