11. Iwakura

Sinong hindi makaka-alala sa pinaka-panalong japanese reality show na Takeshi’s Castle?  Sino?!  SINO??!

“Sinong mapalad, sino ang kaawa-awa…

Kami bang halos ang buhay ay, inaalay sa bansaaaaah…

Bagong bayani, na ang sandata ay luha…

Bigyan naman ninyo kami, kahiiiit….na konting awaaaah…”

Dati itong palabas sa IBC 13 tuwing Sabado ng gabi at hindi ito pumapalya sa pagbibigay sakin ng kabag.  Elementary days ko ito napapanood dati.  Pag uwi ko galing sa paglalaro sa labas, derecho ako sa harap ng telebisyon.  Wala nang ligo-ligo.  Nasa huli ang pagsisisi.  Kapag dinatnan ka ng putok, habangbuhay ka nang may putok.  Bat ko ba sinasabi ‘to.  Nyeta.

Malupit na show ang Takeshi’s Castle, hosted by Takeshi and Iwakura, na siya ring lider ng kalaban.  Orig na orig ang mga laro dito.  Daan-daang manlalaro ang lumalahok at sumasali sa iba’t ibang laro/obstacles hanggang sa ma-eliminate sila.  Matira, matibay (sa boses ni FPJ).  Ang lider/general naman ng mga kalahok ay si Direktor Sugata ng Maskman.  Sige na, ngumiti na kayo.  Naaalala niyo ‘to alam ko.  Siya ang laging naglalabas ng espada para utusan ang mga kalahok na sugurin sina Takeshi at ang kanyang mga alagad.

Lagi akong natatakot doon sa larong parang maze na may dalawang nakakatakot na kalaban.  Yung isang kalbo dun ay yung kalbong kalaban din sa Bioman.  Pare-pareho lang ang mga artista nila.  Mamamatay ata ako sa takot kung ako yung pumasok sa maze na yun.  Tanginang laro ‘yan.

Gumanap dati si Anjo Yllana na Takeshi at si Smokey Manaloto si Iwakura.  May episode na nanalo ang mga kalahok sa huling laban na barilan ng tinta ngunit panaginip lang pala ito sa huli.  Nakakainis. Buti na lang at nagbibigay sila ng “special prize” sa mga kalahok na sobrang nakakatawa ang pagkaka-eliminate.

Ibibigay nina Tikboy at Tenco ang mga highlights na laro sa palabas na ito.  Exagg sa comedy ang palabas na ‘to.

– Tem-i


“Akirukauraka tiratira pakyukayo!!!” ang hindi ko maintindihang sinisigaw ni Direktor Sugata para pasugurin ang mga bata niya.

Ihanda na ang Snacku at Oishi dahil manonood na tayo ng pinakamalupet na reality show para sa mga batang kalye.

Ang unang stage ay ang Sliperry Wall. Diyan pa lang marami nang nababawas sa mga kalahok dahil sa dulas ng aakyatin nila. Lalong dumarami ang natatanggal dahil yung ibang hindi maka-akyat ay kumakapit sa iba at parehas tuloy silang nahuhulog pabalik. Bad trip! Sige ok lang galingan na lang natin sa mga susunod na stage.

Eto ang pinaka-ayaw ko at takot na takot, ang Maze! Pucha ayoko ngang ikwento ‘to at natatakot talaga ko. Kada may pumasok na kalahok e parang mas kinakabahan pa ako sa kanila. Lalo na kapag babae, minsan ay tumitili na lang sila at hindi na nakakagalaw kapag nakita na nila sina Kalbo at Red head. Maraming natatanggal dito dahil sa galing ng dalawang mamaw na yun. Ngiiiii!!! Katakot!

Hay nakaraos rin sa Maze na yan…Isa naman sa pinaka-nakakatawang stage eh ang maraming pinto. Ang ibang pinto eh peke lang at kapag binangga mo eh parang bumangga ka ng pader. Bibilisan mo pa naman pumasok dahil may mamaw rin na hahabol sa’yo. Nakakatawa ang mga hapon na todo takbo sabay pagpasok sa pinto eh peke pala at tutumba na lang silang parang naninigas pa.

Ok let’s go to the next stage. Ito ang pakiramdam ko eh napakahirap at uubos talaga ng mga kalahok. Ito ang bridge na walang hawakan na gumegewang-gewang pa. At hindi mo lang tatawirin yun, kailangan mo pang sumalo ng isang bola at titirahin ka rin ng mga bola. Pucha sino ba namang hindi mahuhulog diyan?! Hindi talaga magpapatalo sina Takeshi eh. Ang hirap neto eh.

Pagdating sa huling stage, asang-asa na kami na sana marami pa ang natira upang kumalaban kina Takeshi sa barilan. Kapag kaunti lang eh bad trip. Siguradong talo na sila at punit agad ang bilog na papel o plastik nila. Papel ba yun o plastik? Ay malamang papel yun, papel de hapon.

Minsan iniisip namin na may daya yan eh. Iniisip ko na mas makapal ang papel na bilog na gamit nina Takeshi kaya hindi agad nabubutas tapos ang hina rin ng mga baril ng mga kalahok kaya talo talaga lagi eh. Pero kada-episode pa rin kaming umaasa na matatalo si Takeshi at magtatagumpay ang mga bata ni Direktor Sugata na ang damit eh parang lider ng banda ng fiesta.

Sige Tenco ikwento mo ang mga nakaligtaan pa namin. At kung kasali ka sa Takeshi’s Castle, siguradong sa Slippery Wall pa lang eh olats ka na.

– Tikboy


Hahaha Slippery Wall!!!  Oo talagang halos nangalahati agad ang bilang ng mga kalahok sa unang segment pa lang!  Hahahaha!  Teka teka unang paragraph pa lang ako tawa na ako nang tawa habang nagtatayp ngayon, sobrang pasok talaga nitong game show na ‘to e noh?!  Hahahahahahaha!  Talagang sinasamantala nung iba ‘yung stampede para apakan ‘yung ibang mga kontestant para siya ang makaakyat e noh?!  Hahahahaha oo nga Tikboy talagang sama-sama pa silang mahuhulog sa huli!  Hahahahahaha!

Direktor Shugata, hahahahaha!  Dito talaga natin siya makikitang animated ang mukha e.  Ang ganda ng tindig niya sa itaas ng tulay, habang ‘yung mga kalahok e naghahanda nang tumawid.  Grabe sa haba nitong tulay na ‘to, talagang wini-wish na mahulog agad ang mga player e!  Ang teknik ng ibang ma-pride e talagang sasaluhin nila ang bola habang bumabalanse, e pano ka naman aabot sa huli kung ganun.  Syempre kung merong ma-pride na player, meron ding kabaligtaran-‘yung mga pa-safe tumawid.  Kakapit lang sila sa ilalim na parang unggoy at dahan-dahan sa paggalaw na parang gumagapang pabaligtad.  Ayun at pinagtitira ng maraming bola, masarap na target e.  Uhm!  Laglag.

Speaking of laglag, ito ang isa sa mga pinakagusto kong stage na may nalalaglag, ‘yung parang mini-Hundred Islands.  Pekeng island lang ‘yung iba.  Tapos may isang on-fire na player na sumisigaw pa na bibilisan ang pagtawid sa mga island.  Ayun, naka-chamba sa pekeng island at sumubsob ang panga sa susunod na bato.

Ang sakit talaga ng tinatamaan at tumutumba e noh?  Ito ang isa pang nakakatawang example niyang-ang bowling.  Nakasuot ang mga kalahok ng costume na bowling pin at nakikita mo pa silang nagtatawanan sa close up dahil alam nilang mukha silang tanga at nakakatawa ang mangyayari sa kanila.  Kailangan nilang hindi matumba pag rumagasa na ang malaking bowling ball.  Ang hirap siguro nito e noh?  Ang dami niyong nakatayo syempre ‘yung iba run matutumba tapos tatama sa’yo.  Hahahaha siguro kung kaming tatlo nina Tem-i at Tikboy ‘yung nandun talagang magtatawanan kame sa umpisa pa lang e!

Haha nakakatawa rin ‘yung sinabi ni Tikboy na mga pintuan.  Talagang pinagsama-sama ang takot, kaba, saka patawa e!  Hahabulin ka tapos biglang babangga sa maling pinto e!  ‘Yung iba nakakapasok ‘di ba?!  Tapos bangin pala ‘yung nasa labas?!  Hahahaha tanginang ‘yan ang hirap na stage ampucha.

Meron ding stage, ‘yung mushroom na umiikot.  Kakapitan ‘yun ng mga contestant tapos dapat hindi sila mahulog hanggang makatawid sa kabilang dulo.  Naalala ko dati parang pinagbigyan ‘yung mga babae rito e.  Pwede silang gumamit ng tali para mas makakapit sila sa mushroom, pero talagang wala pa sa kalahati e mahuhulog pa rin sila.

At pagdating sa boss stage, ang dating halos limandaang kalahok e tatlo nalang.  Maliliit ang mga tangke nila at mabilis mabutas ang mga bilog nila sa harap, samantalang kina Takeshi at Iwakura eh dambuhalang tangke at matibay na bilog.  Halatang comedy show din ‘to e.  Nagtatawanan lang silang lahat habang naglalaban.  Hay, ang saya talaga sigurong sumali diyan.

P.S.

Sino ba ‘yung unanong kasama nina Smokey at Anjo?

– Tenco

Hahaha!  Si Goliath yun Pare.  May mga pula pa sila sa ilong.  At ang Direktor Sugata ng Maskuman ay nagngangalang “General Tani” sa Takeshi’s Castle.  Haay nakakatawa talaga yang flying kabute na yan.  Natatawa ako habang binabasa ko tong blog naten.  Tanginang yan…hahaha!

-Tem-i

42 comments

  1. Snowden

    Takeshi’s castle?pinapalabas yan sa gma ngay0n per0 alam ko papalitan na din nila.

    Anyway back on topik.kwela naman talaga ang palabas na yan.pansin ko lang dun sa maze na maraming do0r manyakis yung kalbo,red heat at boy bangs yung nakac0stume as samurai..pansin ko kasi na nilalamutak ng tatlong ungas na yun ang dibdib ng babaeng kalahok.hehe

    Isa pang trip ko na obstacle dun eh yung surf b0ard na umiik0t at yung sum0 wrestling na pag minalas ka makakatapat m0 si dumb0 per0 pag may swerte si b0y t0othpick ang madadale m0.

    Yung napan0od ko sa gma hindi na papel de hap0n ang gamit sa final level.gumagamit na cla ng lazer pag tinamaan yung aut0 m0 may parang 5 star na puput0k tska c kapitan kasama na din sa rumble.hehe

  2. alasais

    Snowden,

    Aba, nag-evolve na pala ang Takeshi’s Castle. Pero gusto ko rin ‘yung wrestling na sinasabi mo. Talagang swertihan lang din kung sino ang makakalaban mo e noh?

    – Tenco

  3. alasais

    Snowden,

    Oo, malinaw pa sa ala-ala ko ang pagmumukha nung boy toothpick sa sumo wrestling game na yan. Siya din ang nangunguna sa pagtira ng mga golden volleyballs sa tulay game.

    Tem-i of ALASAIS

  4. reeyah

    yung wrestling!!! kung maswerte ka yung blue ball yung mabubunot mo yun yung kalaban mo yung guy na nasa loob ng isang costume na bola or sumo wrestler? tapos itulak mo lang sya matutumba na tapos igugulong mo na lang palabas ng ring haha😀

    nakakatawa yung spinning mushroom😀

    scary yung maze talaga.😮

    tsaka diba may parang round na ipapasok yung contestants sa ball tapos gugulong sila down a slope tapos may mga harang. argh. parang yung game na may ilalaglag ka na ball tapos di mo alam where it will land sa baba. di ko alam tawag dun eh

  5. alasais

    Reeyah,

    Hahaha! Oo! Panalo yung mga naka-costume dun e! May isa pang laro na naka-costume yung mga kalaban e. Yung barilan sa may bundok. Galing sa taas ang kalaban na naka-costume na minsan ay Elbis, kabayo, monster at kung anu-ano pa. Binibihisan nila ang mga alagad ni Takeshi tapos magbabarilan ng ink gun. Unahan makabutas ng tissue sa ulo.

    Flying Kabute! May computer graphics pa sila na nagdedemo kung pano gagawin ang laro.

    Nice to hear from you again!

    Tem-i of Alasais

  6. bakekang

    ay kras na kras ko yung sa general na nag-appear din sa maskman! nakakatense nga yung takeshi’s castle na yan. alala ko pa napapatili talaga ko pag nakorner na yung contestant sa loob ng maze. kadiri kaya mayakap nung mga malajumbo hotdog na bantay sa loob.

  7. bakekang

    oo nga pala. merong bagong palabas na gustong lumebel sa record ng takeshi’s castle. yung baikingu. kaso mas kewl pa rin ang takeshi.

  8. bipolarsisa

    eeh, hindi ko alam kung batang bata pa ba talaga ako nung pinalabas yan o wala lang talaga akong hilig sa panonood ng tv. sabi ng kuya ko, kahit papano,may napanood daw akong episodes natin dati. feeling ko, nagsisinungaling sya eh. matanda na ako nung nakita ko yan sa 7. ewan ko pero hindi ako natutuwa. naaawa lang ako sa mga tungak na sumasali.

    totoo bang sumasali sila dun? tsk.

  9. bob

    malas mo bipolar, kung batang-bata ka pa man nun eh hindi na kita masisisisi, pero ang takeshi’s castle, gaya ng sinabi ng may mga akda ng post na ito ang pinakamalupet na game show na ginawa nung dekada otsenta.

    natanong mo na rin kung totoo ang mga sumasali? oo. kadalasan, bago magsimula ang huling event (ung live action na battle city, lol) eh iniinterview muna ng kapitan ung mga kontestant na lalaban sa huling stage, pero yun matitino ung mga dub dun, karamihan galing sa mga mabababa hanggang middle class society.

    kung hindi ako nagkakamali, 1 to 10 million yen ang premyo pag natalo mo sina takeshi.

    nakakalungkot lang isipin na yung mga re-runs ngayon sa gma eh pinagkakitaan nung mga banda na wala namang kasilbe silbe sa palabas, pati ung mga hindi na dapat isali sa program sinali pa. isang oras ang takeshi’s castle noon at mula sa humigit kumulang 300 na kalahok eh makikita mo talagang unti unting nalalagas yun bawat game.

    kung mga games ng takeshi’s castle ang tatanungin, gusto ko dun ung mga combo na laro gaya nung mga batong peke na dadaanan mo kasunod nugn mga pinto, lalo na ung death caves, kapag nakakaraming mga contestant ang nakakalusot, lumilipat ng pwesto ung mga kampon ni takeshi. hehehe.

    sa may mga akda:

    ayos tong site nyo mga tol.

  10. alasais

    Bob,

    Haha oo nga no? Parang battle city lang din! Nakakamiss yung larong yun a… Hahaha! 1 to 10 million yen! Tama ka, mga 300 na kalahok ang nagsisimula sa palabas hanggang sa maubos. May update pa ito sa baba ng screen kung ilan na lang ang natitira. Nakasulat yung number tapos sa tabi nun ay mga hapon na sulat na hindi ko na mainitindihan. We’re glad at nagustuhan mo ang blog na ito. Tambay ka lang dito, pare!

    Tem-i of Alasais

  11. emilayskie

    Kakatuwa talaga kayong mag-blog. Tinatantsa ko kung sino ang magpapahalakhak sa akin ng todo eh. Ang nanalo ay si Tenco! Hahaha..

    Hindi ko talaga makalimutan yung tawanan naming magkakapatid pag nanonood kami nyan. Kabilib din talaga mga Hapon eh. Teka makapanood nga sa Youtube nyan. Na-miss ko na eh.

  12. alasais

    Emilayskie,

    At dahil si Tenco and nanalo sa iyong patimpalak, hihintayin niya ang weekly award mo! Magkita daw kayo sa dating tagpuan – sa ilalim ng puno ng kalachuchi!

    Haay Takeshi’s Castle…

    Tem-i of Alasais

  13. Bam

    Ang sarap naman ng tawa ni Tenco….Natatawa rin ako sa tawa niya eh! hahaha (para naman rinig ko db?) hahaha…Anyway, alam ko rin yang Takeshi. Kahit slapstick eh nakakatawa talaga…. Takot din ako sa maze parang si Tem-i at Tikboy lang. Nakakatakot naman talaga…Ayos talaga yang Takeshi na yan….

    hmmm….lagi na lang akong huli magcomment dito. hehe🙂

  14. bipolarsisa

    ay malamang hindi ko nga naabutan ‘yan dahil sa kabataan ko. hehe.🙂

    pwede nyo nang iblog yung reply nyo. haha. salamat naman sa impormasyon. baka pwede ko rin yang ishare sa mga kaibigan ko. (ipanalangin na lang natin na hindi ako masapok :)) yung sa 7 nalang kasi ang inabutan namin.

    ay totoo pala yung pagsali dun. sa hirap talaga ng buhay, kahit ano nalang, sasalihan. tsk. kawawa naman pala sila.

  15. bipolarsisa

    ay ang tanga ko talaga, hindi pala kayo ang nagreply sa comment ko kungdi si Bob (haha, parang close.) binabawi ko ang pasasalamat ko. haha.

    Salamat Bob sa impormasyon. feeling ko naman, kahit ngayon lang yan ipinapalabas, hindi pa rin ako makakapanood dahil hindi talaga ako tumatagal ng panonood ng tv. tsk.

    tenco, oo nga, baka nga iba ang napanood ko. at paano mo naman nalamang iba nga ang napanood ko? haha.

  16. Andreidae

    hayyy…ang Takeshi’s Castle..

    yeah I remember this..and auz na auz nga itong show na itoh..nkkatuwa tlga xe d mo aakalaing may ganitong laro ang mga Japanese people..kala ko kasi dati serious cla at lahat sila ay mafia…loko din pala tong mga to eh noh??..hahaha..nkkatuwa tlga..naalala kuh din ung sa cave at ung sa may stones n kapag naapakan tapos ung iba dun fake tapos malalaglag sila sa tubig..ang sakit kea nun pero wapakels lang tawa parin ang mga loko…ang kewl tlga..at ung sa maze..yeah sino ba nman ang mkakalimot dun??nkakakaba kea..bad3p..tapos pag nkalabas ka nga ng buo tubig nman ang bbagsakan muh..gnun din..hahaha..konti lng din nkakalusot dito eh..

    haaayyy…pinalabas nga pla ulit toh sa GMA 7 kea lng nkakabitin xa panoorin…
    at yung baikingku..iba nman xa sa takeshi’s..nppnood kuh din un minsan okay din nman..pwo dabest padin ang Takeshi’s Castle..
    🙂

  17. alasais

    Andreidae,

    Ano ba yang baikingku na yan? May itatapat ba yan kina Takeshi, Iwakura at Goliath? Ang kewl mo talaga! Hahaha! San ka ba nanggaling? Bat antagal mo nawala sa Alasais?

    Tem-i of Alasais

  18. TunYing

    Bwahahaha… Kilala ko yang si Goliath! Taga-Bagong Barrio yan dati! Ewan ko kung nasaan na siya ngayon! Astig talaga yang Takeshi’s Castle! Wala tatalo dyan kung kenkoy na palaro ang labanan! Hahahahaha… Favorite ko yung huling laban talaga! Yung mga tangke! kaso ang daya lagi ng mga kampon ni Takeshi!

  19. alasais

    Tunying,

    Hahaha! Talaga? Taga-sa inyo yan? Ano kaya pakiramdam ng katambayan mo si Goliath no? Agree ako sayo. Wala talgang tatalo sa kanila. Sana mahanap natin si Goliath ulit/ Pwede tayo manawagan sa Eye to Eye.

    Tem-i of Alasais

  20. Bam

    Kuya Tenco,

    Pinanindigan ko na yung sinabi mo …eto huling huli na naman ako sa comment (oh???Wala nang magcocomment!!!! nyahaha) ^^

    -Bam

  21. andreidae

    kuya Tem-i,

    ang baikingku po or Viking ay parang isang physical challenge na game..im not so sure kung Japan or Korea xa based..maganda din xa pwo iba padin ang Takeshi’s Castle kasi ang kulit nun at nakakaaliw talaga xa.. try to look for it sa youtube..Viking..okay din xa and somewhat entertaining..

    and don’t worry..i’ll try my best na hindi na mg absent dito sa alasais..I’ve been busy with school stuffs and completion ng cases dahil graduation time na..aun po..
    🙂

    sorry Bam i have to comment.. peace…

  22. alasais

    Andreidae,

    Unahin mo muna yang pag-aaral mo bago ang kaadikan sa pagtambay dito. Pero lagi mong tatandaan, tulad nga ng sabi ko kay Bam, nakakasira ng barkada ang pag-aaral. Nayon ko lang nagets yang baiking ay viking pala. Hahaha! Ang galing mo kasi sa ispelling kaya akala ko kung ano yang baikingku na yan.

    German Moren…este…Tem-i of Alasais

  23. Diona

    bago mag final final round diba ung merong mga butas sa lupa tapos nakareveal sa audience kung alin don ung meron monster sa ilalim (na may marka ng bungo). parang elimination round din kumbaga. nakakatawa kasi pag nahulog ung contestant dun sa may monster, ung alingawngaw ng sigaw nya alam mong nasaktan sya nung halimaw. hahahaha!

  24. alasais

    Diona,

    Hahaha! Oo, may special epeks pang bungo dun sa dalawang butas ng pinagtataguan nila! Haha! Classic amfuta…

    Rakon!

    Tem-i of Alasais

  25. bingskee

    malupit ngang masasabi ang takeshi’s castle. meron kaming pinapanood ngayon – wipe out ang taytel.

    puwede bang i link ang iyong blog sa aking blog?

  26. mishes

    aus tlga yang takeshi.. di kumpleto ang weekend mo kung d mo mapapanood ito.. with matching snacku.. para feeling japones tlga.. hehe..

    kakatakot tlga dun sa maze.. parang pumapasok pa lng un kontestant eh, mas matatakot k p kesa sa kanila.. lalo na pagmalapit na sila sa mga abangerz.. hehe..

    naalala ko un 1 ep nila, yun gurl ang nabunot sa wrestling match un pinakamataba.. binuhat lng xa nun sumo, tas binaba sa labas nun bilog.. walang kalaban laban.. hehe🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s