23. Ah Kilos!

Pagkahampas ng piso sa bakal na hawakan…

“Ting!  Ah kilos diyan, kilos diyan o!”

Ang sarap pakinggan niyan sa umaga.  ‘Yan ang boses ng isang kunduktor ng bus.  Bagama’t kunduktor pa din siya ay maituturing siyang “iba” sa ibang kunduktor (parang anlabo nung sinabi ko ah).  Bakit ka’nyo?  Aba’y nalaglag ang pustiso koh!  Anoh uhlit sabi moh iha?  Biglang naging lolo?

Anyway, hindi biro maging isang kunduktor ng bus.  Tuwing sumasakay ako sa mga ordinary na bus papuntang Cubao Ilalim eh samu’t saring skills ang makikita sa mga kunduktor na ito.  Sa mga kunduktor, sila ang may pinakamagaling na balancing skills.  Kahit gumewang-gewang pa ang mga bus sa kahabaan ng EDSA ay diretsong diretso pa din ang lakad ng mga kunduktor ng bus.

Favorite din nilang gawin ang hintayin kang makatulog sabay ‘pag nakatulog ka na ay dun ka sisingilin.  “San kayo?”  Habang pinipintahan na ng kanyang rubber thumb ang mga tiket na babayaran mo.  Pagkapunit ng tiket ay ilalabas na niya ang kanyang mahiwagang pambutas na hanggang ngayon ay pangarap ko pa ding magkaroon.  Napakasarap pakinggan ng pambutas na ito.  Para siyang puncher na iisa lang ang butas at napakalutong ng tunog na ito habang pumipili siya ng mga bubutasing kahon sa tiket.

Uniporme ng paborito kong kunduktor sa Cubao:

1. White polo na hindi masyadong malinis; may dungis dungis ng grasa at pawis.

2. Bandana sa Ulo

3. Beltbag – Dito nakatago ang napakadaming coins at isang pakete ng Juicy Fruit (for times like these…ay teka, sa dyip yun eh!  Dalawang kano na nag-alok ng juicy fruit sa drayber na stressed out dahil nahuli siya ng parak).

4. Kapag walang beltbag, gagamitin ang bandana sa ulo, ibubuhol sa bewang at tadaan!  Instant beltbag!  Tumutunog-tunog at kumakalansing pa ang mga barya!

5. Slacks ‘pag M-W-F; Maong na Paddocks ‘pag T-Th-S

6. Siyempre pa, hindi makukumpleto ang uniporme niya kung hindi siya naka-tsinelas.  Kitang kita ang mala-luyang paa na sa tingin ko’y sikreto nila para makabalanse nang ganun kagaling.

Kapag tanghali at wala masyadong pasahero ay tiyak na makikita mo ang kunduktor ng bus na nakikipagkwentuhan sa harap – oo, kay manong drayber.  Hawak ng drayber ang mala-palangganang manibela, nakangiti habang nagpapatawa si kunduktor.  Titigil sa harap ng SM Annex ang bus at ayan na.  Balik na sa trabaho.  Bababa na ang kunduktor at siya na din ang magiging barker.  Wala siyang paki kung maling bus ang masakyan niyo.  Basta ang mahalaga ay pasok lang nang pasok ang mga tao sa bus niya.

Kunduktor: “Ah Cubao Cubao! Cubao diyan o!”

Pasaherong pasakay pa lang: “Manong, Novaliches?”

Kunduktor: “Sige sakay na!  Aah Cubao Cubao Cubao!

Hahaha!  Ako lang ba natawa dun?

Take it awee…este…away, Tenco and Tikboy!

– Tem-i


“O maluwag pa.  Maluwag na maluwag pa!  Maluwag pa para sa tayuan!”  Tanginang ‘yan, lokohan e.  Pero ni minsan e hindi ako napikon sa dialog na ‘yan ni manong konduktor.  Ang importante e magsiksikan kayong lahat sa bus at bahala na sa singilan.  “O wala na?!“  Ting ting ting ting ting!

Masipag talaga si manong konduktor.  Sa bawat lugar na may kumpulan ng tao e magtatawag ‘yan, kita pa ang tiyan dahil sa bitin na unipormeng kulay puti.  Kabisado niya kung magkano ang bayad sa bawat lugar na pupuntahan.  Magaling siyang magtupi ng mga tig-be-beinte pesos at alam niya kung saan nakapwesto ang tiket na pupunitin.  Magagawa niya lahat ‘yun nang hindi nakahawak sa hand rails.  Parang ang sarap maging trabaho ‘to a.

Una ko siyang nakilala sa Metrobus, parati kasi kaming sumasakay ni Mama rito.  Hindi pa uso noon ‘yung isa-isang tinatanong ang mga pasahero kung may tiket na.  Mas matitindi ang memorya ng mga konduktor noong araw at alam nila kung sino ang mga bayad na at hindi pa.  Kahit sa bandang likod na pintuan ng isang masikip na bus ka pumasok ay bigla kang pupuntahan ni manong konduktor na galing sa bandang harapan.  Kung hindi ka naman pamilyar sa lugar na pupuntahan mo e alam na alam ni manong konduktor ‘yan.

Habang binabaybay ang EDSA-Boni…

Pasahero:  Manong, saan ho ba ang Padriga Street?

Konduktor:  Ah sa Valenzuela ‘yan ‘diba?  Dadaan tayo ng McArthur Highway tapos pagdating sa Karuhatan, may palengke.  Pwede ka nang bumaba roon at sumakay ng tricyle.

Pucha, alam ang detalye e!

Magagaling talaga sila sa direksyon.  Naisip ko nga dati na karamihan sa mga Taxi drayber e dating mga konduktor ng bus e.

Bus na pa-southbound:

Konduktor:  Aaaaaahhhhhlabanglabanglabang!

Pasahero:  Boss, Project 7?

Konduktor:  Sige sakay lang, tapos pagdating sa may tulay sa dulo e tawid ka nalang tapos sakay ka ulit.

Pasahero:  Acheche!

– Tenco


56 comments

  1. Tsutsay

    Cubao! cubao!.. pagnaiisip ko ang lugar na cubao e parang ayaw ko ng sumakay dahil dun ako nawala ng bata. ehehe..minsan nakakatawa talaga ang mga kundoktor. di mo maintindihan yung mga salita..

    kundoktor: esem! esem!
    tsutsay: (ano daw?) manong ayala po?
    kundktor: oo! sige sakay na! bilis!
    tsutsay: manong isang ayala po..(manong san po yung esem?)
    kundoktor: di ba mam dun kayo pupunta?!(galit pa!) katabi ng gureta?
    tsutsay: parang brabalibintawan lang si manong eh!di maintndihan..(ANO DAW?)

    MWAH! MWAH! MMMWWWAAAH!….
    tsutsay: manong mall of asia?
    kundoktor: opo mam! mwah! sakay na kayo!
    tsutsay: hala!…gusto pa atang kumiss ni manong kundoktor ah!?

    namiss ko kayong tatlo..=)

  2. alasais

    Bwahahahahaha!

    Tsutsay!

    San ka nanggaling?!!! Namiss ka namin ah! Mwah! Mwah!

    Da best talaga ang mga kunduktor. Mas malakas ang punto, mas enjoy pakinggan!

    Nice to read from you again, Tsutsay!

    Tem-i of Alasais

  3. alasais

    Tsutsay,

    It’s been a while. Where have you been? Salamat sa pag-share ng experience mo with manong konduktor. Namiss ka rin namin! Mwah mwah mwah!🙂

    – Tenco

  4. proper

    Tem-i, Tenco at Tikboy

    alam mo naisip ko lang…bakit hindi na lang kaya ang mga kunduktor ang mag-drive ng taxi??? sa tingin ko kasi 90% ng mga taxi dribers ay siguradong hindi alam ang pupuntahan mo…ilarawan mo man ang daan ay hindi pa din niya maiintindihan…hindi tulad ng kunduktor, alam na alam ang pasikut-sikot ng Metro Manila at ang isa pa ay hindi namimili ng pasahero ang mga ito ‘di tulad ng mga taxi driber na namimili “…marikina? ay…malayo po” anak ng weteng! anlapit na lang nun! “…ortigas? hindi, hindi! matrapik po!” aba?!?!?! nagreklamong matrapik pero tatanga-tanga, iiwas sa EDSA tapos maliligaw naman…sa huli, mas mabilis pa din ang biyahe kapag tatahakin ang kahabaan ng EDSA kahit na trapik…minsan naman ay kwekwentuhan ka at kapag binigay mo ang saktong presyo sa metro ay magrereklamo “…ito lang? aba, may kwento pa pong kasama yung ating biyahe” ano yun? may bayad na ang bedtime stories???? e mas masaya pang pakinggan ang pagsigaw ng mga kundoktor tulad ng “….aaaaaaaahhhhhhes-emes-emes-emmmmmmegamolgaleriaortigasibababawwwwwwshangrilashangrilaistarmolistarmol(TICK!!!)oiiiimaybababa…ikaw? nag bayad ka na?” astig diba? at nasabi niya lahat yan sa isang hininga…haaayyyyy sana andun na lang ako sa natitirang 10% at yung 90%? dapat palitan ng mga kunduktor (kung marunong lang sila mag-drive) pasensya, off-topic po ata nang onti, muntik na po maaksidente sa taxi kanina, hahaha, pero lagi ko po kasing naikukumpara yung taxi driver sa kunduktor

    mga kunduktor ng Marikina Auto Line Transit ay tinuturing kong mga bayani! mga bayani sa bayan ni Bayani! bakit? tignan nyo na lang yung itsura ng mga bus at ang samu’t-saring taong nag 1-2-3 dun

  5. proper

    tsaka nga pala, dapat mag-patayo sila ng “math tutorial center” iba ang galing nila sa math “…ip the distans is from megamol to cubao, how much is d pamasahe? 11piso? korek! wat ip sinyur sitisin?” final exam lagi ang isang linggong field trip sa kahabaan ng EDSA (jr. kundoktor nang isang linggo)

  6. alasais

    Proper,

    Ang alam ko e alam nila ang pagkuha ng hypotenuse kapag ang given ay ang distance ng Anonas to Aurora-EDSA at Aurora-EDSA to EDSA-Guadalupe.

    – Tenco

  7. alasais

    Konting bilis! Konting bilis oh bawal dito! Konting bilis at baka mahuli! Nagmadali agad ako at ako ang isa sa mga unang nakasakay. Umupo na agad ako sa loob at ready na sa pagharurot ng bus. Dalawang minuto…limang minuto…sampung minuto. Puchang bawal ‘yan hindi pa rin umaalis ang bus! Nagoyo na naman ako ni Manong Konduktor. ‘Yan ang isa sa mga pambihirang talento niya.

    Kung balance ang pag-uusapan eh ‘wag na kayong mag-isip na makipag-kompetensiya pa sa kanya. Kahit gaano kabilïs ang bus hindi siya matutumba. Kahit gaano pa kasira-ulo ang drayber sa pagsingit at paglusot sa kalsada eh hindi siya matitinag. At hindi lang siya simpleng nakatayo habang nakabalanse. Naglalakad siya habang nagbibigay siya ng tiket, naniningil at kumukuha ng sukli. Dahil nabanggit na rin ang sukli eh ipasok na natin ang isa pa niyang talento. Ang pagiging magaling sa Math. Oo mga repapips magaling si manong konduktor sa Math.

    Tikboy: Magkano bayad ko, boss?

    Konduktor: Sexten(16) lang, ser.

    Nag-abot ng bente si Tikboy…

    Konduktor: Penge na lang ng sais, ser.

    Tikboy: Wala eh. Piso lang.

    Konduktor: Sige para suklian kita ng lima.

    Tikboy: Uhhmm ok sige. Eto piso. (pero naguguluhan talaga ko at hindi ko agad nagets)

    Napa-isip muna ako at tsaka ko lang nadali ang panunukli ni manong konduktor. Ang galing niya talaga. Maparaan rin siya. Hindi naman kasi lahat ng konduktor eh mayroong beltbag para sa mga barya niya. Kung sa bulsa lang naman ilalagay mahihirapan silang kuhanin pa. Kaya ang ginagawa nila eh magsasabit sila ng panyo sa sintureras nila para ‘yun ang maging parang beltbag nila.

    “Barya lang! Barya lang! Wala pang panukli!”

    – Tikboy

  8. adonis

    non wala pang mrt sa edsa buhay na buhay ang mga bus syempre buhay na buhay pa din ang drayber at yon nga ang bida sa blog ng ALASAIS ay ang mga kundoktor. wala ako masyadong matandaan sa mga kundoktor kundi ang isa lang yon ay ang pagmagaganda at seksi ang sasakay pinaupo nila sa unahan malapit sa driver or malapit sa pinto pero pag mga lalaki sasabihin sayo ” doon lang po sa dulo maluwag pa po don” hahahahaha

  9. alasais

    Adonis,

    Tama ka dyan pare. May special trono ang mga magagandang chik, at nakapwesto ‘yun sa tabi ng drayber. Dapat pang-konduktor ‘yan e, pero para mas madaling magpa-cute e mag-d-dialog ng, “Miss dito ka na, para mas malapit ka sa puso ko.”

    – Tenco

  10. jeds

    “Tikboy: Magkano bayad ko, boss?

    Konduktor: Sexten(16) lang, ser.

    Nag-abot ng bente si Tikboy…

    Konduktor: Penge na lang ng sais, ser.

    Tikboy: Wala eh. Piso lang.

    Konduktor: Sige para suklian kita ng lima.

    Tikboy: Uhhmm ok sige. Eto piso. (pero naguguluhan talaga ko at hindi ko agad nagets)”

    Tikboy! Hahahaha pareho tayo, bilib din ako sa mga konduktor dahil ang galing sa math. Naguguluhan din ako sa kanila minsan pag andaming baryang hinihingi. “Ah, ok.” – yan nalang nasasagot ko sa kanila.

  11. Tsutsay

    Hi Tenco,

    Mwah! mwah! mwah!=).. dami kasing ginagawa eh. naging busy masyado pero ngayon hindi na. makakapagbasa na ulit ako.hehe!

  12. K

    ung mga kunduktor sa makati pag may sumakay sa unloading zone tinutulak palabas ung mga pasahero ahaha kahit magkaipit ipit na ng pintuan ung pasahero ok lang sa kanila kasi mahuhuli daw sila. luge. ganda ng gantong scene.
    peborit pa nilang line pag standing obation na “konting atras lang ho sa dulo. o ung pogi na naka red atras ka naman masikip na dito sa harap”. iniispecify pa talaga e

  13. alasais

    K,

    Hahaha oo nga, nag-iispesyal mention na sila ngayon, kaya hindi rin maiwasang mapahiya ka eh. Pero minsan e nakakatawa rin. “O ‘yung naka-violet na aakyat ng ligaw, paki lapitan mo naman si miss mag-isa sa dulo e.” (sabay tawanan ang mga pasahero)

    – Tenco

  14. Rojan

    Merong mga kunduktor na nakasuot ng nakapal na silver na singsing. Ito ang ginagamit nila sa pag “bateng teng” estribo para malaman ng driber na may bababa.

    Kung sasakay ka naman ng Marikina Auto Line (san mateo – divisoria) na bus eh… hindi epektib ang pagbateng teng sa estribo dahil sa magkabilang gilid eh matatagpuan mo ang isang lubid na abot sa may pwesto ng driver. Pag hinila mo to ng malakas lilikha to ng tunog na nagsisilbing senyales sa driver na huminto.

    “Santolan? Santolan? wala bang santolan diyan? Ibabaw tayo ha! Dre, walang santolan”. Hayyyyy, isang klasikong linya mula sa kundoktor.

  15. alasais

    Rojan,

    Mukhang sikat sa inyo ang Marikina Auto Line a. ‘Yan ba ‘yung kulay brown na bus?

    Daming magagandang chik dyan sa Santolan area a.

    – Tenco

  16. proper

    Tenco, Tem-i at Tikboy

    tama po, yun po yung bus na kulay brown
    walang tatalo jan sa Marikina Auto Line na bus…napaka-klasiko ng bus na yan…akalain mong tinalo pa niya ang Love Bus sa katagalan?!?!?!? wala nga shang air-con pero tignan mo naman anjan pa din sha…pero parang “ghost bus” minsan anjan sha, minsan wala…hindi mo madalas makikita yan, pag nakita mo? sakay na agad!

  17. alasais

    Proper,

    Nakasakay na ata ako once diyan sa sa Marikina bus na yan. Hindi ba dilaw yan? At wala siyang aircon? Naaalala ko yan dahil bumaba ako dati sa simbahan ng concepcion para sa binyag ng isa kong pinsan. Pagbaba ko sa simbahan ay pwede ko nang pigain ang barong ko sa pawis. Oo, sinuot ko na agad yung barong, sa bus pa lang.

    Hahaha!!

    Tem-i of Alasais

  18. ipe

    aba.. astig ang usaping ito.. tungkol sa kunduktor ng mga bus..

    daig pa nila ang mga nagtapos ng kursong medisina.. sila ang tinaguriang boses ng edsa dahil sa kakasigaw nila sa mga pasahero hanggang umabot ang mga itlog nila sa lalamunan..
    maari din silang gawing titser ng mga estudyante sa mula prep hanggang grade 2 sa galing nila sa math.. wala silang kaabug-abog na magsabi kung magkano ang total ng pamasahe nyo dahil tila sila kidlat sa bilis mag-add,subtract at multiply..

    mauutak din ang mga kunduktor ng bus.. minsan na akong nabiktima nito.. nagbayad ako ng 100 mula ortigas hanggang cubao.. wala daw panukli si kuya at kulang ng 50 ang sukli sa akin.. sinulatan nya pa ng ballpen ang likod ng tiket ko para makuha ko ung sukli ko.. pero dahil sa iniisip ko ang aking trabaho, nakaligtaan ko ang aking sukli.. kaya pala ako nagtataka at bakit tinitignan ako ng kunduktor habang bumababa ng bus.. nalamangan ako ng libaging kunduktor..

    tungkol naman sa Marikina Auto Line.. mali po kayo mga kapatid.. ito po ay kulay dilaw na malapit sa kulay kahel (orange).. ang garahe nila ay matatagpuan sa sto.nino, marikina malapit sa sta. teresita.. ito ang madalas kong sakyan nung highschool ako dahil sobrang hirap sumakay ng dyip palabas at pauwi ng san mateo, rizal.. sobrang klasikong bus nito na kapag sumakay ka ay aabutin ka ng sampung buwan bago ka makarating sa patutunguhan mo..

  19. alasais

    Totoy Go Large,

    O kitams Proper! Yun nga yung dilaw na bus na napakalaki! Hindi ba parang napakalaki niya? Ito ata ang pinakamalaking bus na walang aircon – at kahoy pa ang upuan! Grabe ang punuan ng bus na’to kapag rush hour. Andiyan na yung mga construction worker na namumula pa yung mga mata na bagong ligo, mga taga-QC na nanggaling sa Marikina para makipag-inuman – na napaka sarap panoorin sa bus dahil lagi silang may sinasabi sa sarili nila. Hindi nila alam na anlakas ng sinasabi nila, akala nila eh nag-iisip lang sila.

    “Eto ang bayad ko…sarap nung pulutan kanina…sira pa yung gripo sa bahay namin…night shift ako sa biyernes…Coca Cola pala ang sagot dun…Teka, teka…tinext ako ni…sukli ko…”

    Haay sarap apkinggan ng lasing sa Marikina Auto Line…

    Tem-i of Alasais

  20. alasais

    Ipe,

    Salamat sa impormasyon pare. Ang hirap palang sumakay diyan talagang sampung buwan sa tagal e. (Bading voice: Exxagg kaaah!)

    – Tenco

  21. ipe

    hahaha.. tama bang isuot na ung barong?! malamang ay maliligo ka nga sa pawis dahil walang aircon at siksikan pa sa bus.. =D

    sosyal ata ung binyag at tlagang naka-barong ka pa.. hahaha..

  22. alasais

    Totoy,

    Hahaha! Oo susyal talaga! Puta nga ‘yan eh, sabi ko nga, dapat sinabay na lang din yung kasal nung magulang niya para hindi sayang yung barong ko eh!

    Keep the comments coming! We love it!

    Tem-i of Alasais

  23. anakngpating

    hehe..nabibilib din ako sa pag balanse nila kapag umaandar na ang bus..at saka ang presyo nila sa pamasahe ..nakakatuwa hehe..
    pero badtrip ako kapag cubao ibabaw ang sinabi mo,oo lang pero sa ilalim naman pala ang daan huwaaaa…

  24. proper

    tsaka isa pa…tingin ko gawa sa pawis nila ang Memo Plus Gold ni Kuya Kim…kasi nung ako ay bata pa…aba kapag nabigyan na nila ng ticket yung mga pasahero ay sigurado na sila dun…kulang ang sukli? aba siguradong maalala ka niya kahit hindi mo paalala sa kanya yung sukli na kulang

  25. proper

    ….ewan ko lang ibang kundoktor ngayon…medyo nakakalimot na, kasi kapag nakatulog ka ay kukulitin ka ulit tungkol sa ticket…

  26. alasais

    Proper,

    Siguro yun din ay dahil sa mga bwiset na inspector na ‘yan. Bigla na lang sumusulpot sa bus para mangolekta ng mga tiket. Bwiset na inspector yang mga ‘yan. Nahihirapan tuloy ako mag-1-2-3 minsan! Haduken!

    Tem-i of Alasais

  27. Tsutsay

    bakit kaya si manong kunduktor minsan di maiwasang sumandal sa balikat ko ng nakaharap habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng daanan ng bus? pwede naman sa kabila? hirap kasi pag ang sikip tapos dikit dikit na pati si manoy este manong nakadikit na rin sa balikat ko. kulang nalang sumubsob si manong kunduktor sa katabi ko eh.

    tapos minsang nakasakay ako sa ordinary bus ng biglang umulan, paksyet! ang baho! at kebabaho! lahat ng pawis nila manong driver, kunduktor, construction workers, at kung sino pa eh naglabasan ang amoy..pawis,paa,ipis,sirang upuan na may foam,kili kili kasi si manonng nakasandong butas butas na maliliit. tapos sasabihin “ang init! ang init!” siya lang naman nakasando, naiinitan pa?!…

  28. alasais

    Tsutsay,

    Bwahaha! Dikit dikit ba si Manoy? Eh ganun talaga tayong mga malulupit ang ichura, lagi tayong nilalapitan at dinidikitan eh. Ay nako sinabi mo pa tungkol jan sa amoy na yan pag biglang umulan – singawan lahat ng halimuyak ng pasahero!

    Pasok ang hirit mo Mare! Tawa ako nang tawa dito!

    Tem-i of Alasais

  29. Tsutsay

    Oo Tem-i. Andyan pa yung tipong nagiispadahan na sina manoy pero parang patay malisya lang? Tapos nakakita pa ko ng nakatayo at nakahawak sa bakal ng natutulog. Imagine natutulog ng nakatayo ng biglang napaluhod sa gitna. Siguro sobrang antok nung mama na yun? ‘di ko naiwasang tumawa ng malakas e! pagmulat hinanap kagad kung sino yung tumawa e kala naman nya makikita nya kagad ako sa sobrang pula ng mata nya? Sabi lang ni manong kunduktor sa mama, “Sir! Ano po nangyari?” aba! sinimangutan lang si manong kunduktor?

  30. bipolarsisa

    haha. usapang konduktor. dapat pinaparangalan din natin yang mga ‘yan eh. kung usapang technique lang, wala na atang tatalo sa kanila.

    ang nakakainis lang naman eh yung mga manyak saka mandaraya. tsk.

    nice post!🙂

  31. katkat

    “pasok lang sa loob, makiki-urong na lang po! maluwag pa ‘yan, araw-araw ginagamit ‘yan!”
    -kuya koduktor

    (nag-ngitian nag 80% na laman ng jeep, at kasama na ako sa 80% na ‘yun!)

    Panalo ang mga kudoktor pagdating sa “short-cut”. short-cut sa lahat ng bagay. short-cut sa direksiyon. short-cut sa pagkain. short-cut sa mga pangalan ng lugar. creative ang mga kudoktor sa pag-iisip kung pano nila pai-ikliin ang mga pangalan ng lugar sa paraan na maiintindihan parin ng mga pasahero.

    Cubao — bao…bao…bao..bao!

    Antipolo — tipolo…plo…plo!

    Montalban — Talban! Talban!

    Mall of Asia — MWUAH! MWUAH! MWUAH!Ü

    hehehe…

    aminin mo! sinubukan mo ipitin ang mga napamaskuhan mo sa daliri mo at umasta kang parang si manong koduktor at pinangarap magamit ang pambutas niya ng ticket! ^^

    *absent si Tikboy?!

  32. alasais

    Katkat,

    Hahaha! Tipolo bwahahah! Yung Taytay nga nila parang “Tae-Tae!” Aaminin ko, talagang pinangarap kong maging kunduktor para makahawak ng totoong pambutas ng tiket.

    tem-i of Alasais

  33. ipe

    tsutsay, amf!!! natawa ako dun sa pagkakalarawan mo nung bus habang umuulan.. kebabaho nga!!! lahat ng binanggit mong lalaki sa eksena ay mabaho.. isama mo pa ung mga studyanteng kakatapos lang mag-PE..

  34. ipe

    nalaine at tengko!!

    bakit sa amin mo itatanong kung madaming manyakis sa cubao?! di naman kami taga-cubao.. tanong mo sa amin kung madaming manyak sa marikina.. sagot dun, kasama na kaming apat!!!

  35. grasi

    di ako pala-sakay ng bus. pero and hindi ko lang alam kung bakit twing sasakay ako, nakaka-timing ako sa konduktor na may di kaaya-ayang amoy; na para bang kabawasan sa pagkatao nila ang paliligo. at sakto pa na standing room only ang nasasakyan ko. pagdaan ni kuya, jackpot talaga! kumakapit sa balintataw ang amoy. tsalap.

    yung mga byaheng batangas naman na konduktor sarap minsan painumin ng sandamukal na memo plus gold. kung di ka magpa file ng apila para suklian ka, malamang makakarating ka ng batangas ng di nasusuklian. maalala mo na lang pag may sumakay na magtitinda ng buko pie o shing-a-ling dahil kakalkalin mo ang wallet mo para humanap ng pambili. pero at least madalas sa provincial konduktor ay amoy bagong paligo…ng pawis.

  36. Tsutsay

    Ipe,

    ganun talaga. mayroon ngang tao na kahit malayo pa lang ay mukhang kebaho na. Minsan ‘di nga natin maiwasan sa pamimintas di ba? “‘Tol tignan mo yung babae, itsura palang ng buhok mukhang kebantot na!” Imagine-nin mo buhok pa lang yan, paano pa kung…ang layo pa nung girl parang naamoy mo na? hehe! Tapos ‘di ka tatabi sa kanya sa bus di ba? Kahit ituro pa sayo ni manong kunduktor ang maluwang na pwesto hindi ka doon uupo. Hahanap at hahanap ang mga mata mo ng pwesto na madidikitan mo. kasi…ganun ako! haha! “excuse me..” “a sige miss dito ka na sa tabi ng window!” wow! si kuya pawindow window pa e pwede namang sabihing bintana! Sabi nga ni Tem-i, ganyan talaga kaming malulupit ang itsura!

  37. Tsutsay

    Hi Tenco,

    Maski ako tawa ako ng tawa habang naiisip ko yung mama na nakita ko. Nasabihan pa nga akong ng office mate ko ng “Hoy! para kang tanga dyan! tawa ka ng tawa!?” syempre baka isipin nya eh loka-loka na ko kakabasa ng alasais. Kinwento ko sa office mate ko yung istorya. Tapos sabi ko lang..”O ngayon e di mukha ka ring tanga?!”. O ha?! Sapul! haha!

  38. Tsutsay

    Tenco,

    Bakit itatanong pa ni Nalaine kina Ipe, Proper, Rojan, at Chadings? Manyak din ba sila?? Biro lang..

  39. bipolarsisa

    bakit napasama na ako? at wala naman akong sinabing sa cubao lang. sa halos lahat naman ng lugar. at impernes, close na tayong lahat! totoong pangalan na ang gamit! haha.

  40. DEADPOOL

    haaaaiiii… salamat nkabalik din ako! tagal ko din nawala! bwiset na kunduktor yan! tnatanong ko kung dadaan ng lagro… ibang ruta pala! basta maisakay lang ako go na agad! pambihira talaga!
    pero ibang klase sila sa uniform parang gnaya nila matitinding tambay! meron din kasi silang “good morning” towel… pero malupit all purpose kasi ung towel nila! tsaka ung thumb mark nila meron nka balot na balat ng lobo! para mabilis mkabilang ng salapi tsaka mkapunit ng ticket… ang galing pa kumalansing nyan sa hawakan ung biglang “mamah para” ting! ting! kala mo na knock out si pacquiao! ibang klase!
    tapos si manong driver naman parang piloto ng eroplano kung magpatakbo! bumabanking pa, ga’piso pa kung pumino! tapos parang agila ang paningin bilis mkakita ng pasahero kahit na nagtatago at ung tipong di naman sasakay! hahaha!
    anyways tagal ko nawala kasi nag upgrade ako ng pc ko!
    hehehehe!
    im back!

  41. alasais

    Welcome Back Deadpool!

    Bumabangking ba? Hahaha! Parang jeep lang papuntang Montalban ah! Da best talaga ng pagting ting ting ng kunduktor sa bakal na hawakan eh! Sakto ang timing sa walang humuhuling pulis.

    Nice to hear/read from you again.

    Tem-i of Alasais

  42. alasais

    Deadpool,

    Welkam back pare. Mabuhay tayong mga lalakeng matatalas ang mga mata sa chiks.

    Ang lupit ng gallery mo a. Ikaw ba ang kumuha ng mga ‘yun?

    – Tenco

  43. new york-rio-tokyo ek ek

    oo nga, pansin ko nga, paddocks ang madalas na pantalon, kung minsan mr. lee pa, at mas malupit, may wrangler ako na baston, na meron din ang isang kundoktor.ang masaya, pareho pa namin suot nung araw na yun, naka-polong puti pa ako. may mga ibang kundoktor gumagamit ng good morning towel, pampunas ng pawis at libag gawa ng mga usok na galing sa mga sasakyan.
    ang galing ng post mo men, mabuhay ka. isang alak sa tagumpay. cheers.

  44. alasais

    Brian,

    Mabuhay ka rin pare! Salamat sa hirit mo. Sabay-sabay nating isuot ang mga bastong pantalon natin at tupiin palabas ang dulo.

    – Tenco of Alasais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s