36. Milo o Ovaltine?

Milo boy ka ba o Ovaltine boy?  Pareho kong natikman ‘yang dalawang ‘yan.  Pareho silang may kakaibang sarap at pareho ding mabenta sa mga kabataan.  May iba’t iba silang pakulo para matabunan ang isa’t isa.  Halika at tignan natin kung sino ang mananalo kung sakaling bigla silang magkaroon ng buhay at maging mga higanteng kalaban ni Ultraman at sila mismo ang maglaban.  Oo, referee lang si Ultraman ngayon mga katoto.  Umiilaw na kasi ang bumbilya sa dibdib niya.  Nakalimutan mag-charge.

Green na pakete laban sa orange-red na pakete.  Pareho silang nagkaroon ng pakulo na kung saan ay gagamitin mo ang mga nasimot na foil at doon mo isusulat ang iyong pangalan, tirahan at suking tindahan.  Ay, huwag kalimutan ang lagda.  Ihulog sa mga drop boxes at magkaroon ng pagkakataong magwagi ng milyung milyong papremyo!  Sali na!

Pareho silang may ganyang pakulo at laging sa Sabado Episode ng Eat Bulaga ang bunutan, kung saan lalangoy si Joey de Leon sa malaking kahon na punung puno ng mga envelopes.

Pero huwag ka!  Nakalamang ang Milo dito!  Meron silang pakulo na kung saan gagamitin mo ulit ang nasimot na pakete plus isandaang piso para ipalit sa isang tumataginting na Milo Ball!  Oo!  Naka-ilang ulit akong bumili ng Milo ball ngunit laging nasisira dahil mabilis siyang maging oblong.

Speaking of Milo Ball, sinubukan niyo bang sumali sa Milo Best?  Unang araw ko sa Milo Best eh umayaw agad ako dahil parang ang gagaling ng mga putanginang batang ‘yan!  Nasindak agad ako!  Umuwi ako agad nung araw na iyon at nagtinda na lang ako ng dyaryo…at pog…at Bazooka Bubble Gum.

Habang binabasa niyo ‘to ay malamang nahuhulaan niyo kung Milo o Ovaltine boy ako.  Eh ganun talaga eh.  Batang Milo eh.  Pero, hindi din naman papahuli ang Ovaltine.  Sino ba naman ang hindi makaka-alala sa kantang…

“O-O-Ovaltinees!  O-O-Ovaltinees!  You jast can’t get enaf!  You jast can’t get enaf!”

Opo.  Diyan talo ang Milo ko.

Mas madali ding ihalo ang Ovaltine kesa sa Milo.  Sa Mio kasi, kahit anong bilis ng pag-istir mo, eh meron pa ding mga buo buo na lulutang sa taas.  Kelangan mo pang lagyan muna ng konting mainit na tubig ang Milo para matunaw lahat ng powder niya.  Eh ayaw na ayaw ko yung maaligamgam na Milo eh.  Gusto ko yung todo-lamig!  Sa Ovaltine, mas madaling gawin yung todo-lamig!

Talaga kayang Milo ang iniinom ng mga nag-o-olympics?

–  Tem-i


Hmmmm Maylo o Obaltin? Sa totoo lang eh kahit ano ko diyan. Para sa’kin kasi parehas lang lasa nila eh. Basta parehas silang chocolate drink. Kaya hindi na ako makikipagtalo pa kung ano mas ok sa kanila. Depende na lang kung ano bibilhin ng nanay ko. Ang mahalaga may maitimpla kaming magkakapatid sa umaga o kaya sa gabi bago matulog.

Pagdating naman sa pagtimpla syempre dapat palaging may kasamang gatas at asukal yan. Wala talagang dating sa’kin ang walang gatas o kaya walang asukal. Basta dapat walang mawala kahit isa dun. Kapag walang gatas sobrang labnaw, kapag walang asukal matabang. Kaya kailangan eh kumpleto ang kombinasyon kong yan.

Tama si Tem-i na hindi agad ‘to natutunaw sa hindi mainit na tubig. Ewan ko lang kung alin sa kanila ang mas hindi natutunaw agad. Kaya ginagawa ko nilalagyan ko muna ng mainit na tubig. Mga 2-3 inches lang siguro tapos halo ng mabuti para tunaw talaga lahat. Sabay lagay na ng napakalamig na tubig. Kapag hindi ganoon kalamig ang tubig eh nilalagay ko muna sa freezer ang baso ko hanggang sa lumamig talaga. Kahit gusto ko nang inumin eh nagtiyatiyaga talaga ko na palamigin kasi gusto ko talaga malamig eh.

Malas kapag wala pang ready na mainit na tubig. Syempre hindi na tayo sisipagin na mag-init pa ng tubig. Diretso timpla na agad gamit ang malamig na tubig. Ayun lutangan ang mga granules sa ibabaw. Wala masyadong lasa ang tinimpla mo. Haselicious yun mga repapips! Ako ginagawa ko dinudurog ko na lang ang mga granules sa gilid ng baso gamit ang kutsara ko. Medyo kailangan ng tiyaga dito. Gagawin ko na yun kaysa sa walang lasa timpla ko.

Tiknay: Tikboy, kain na!

Tikboy: Ano ulam, nay?

Tiknay: Masarap anak. Galunggong at Ampalaya.

Tikboy: (Bwiset isda at gulay na naman) Ah ganun ba, nay. Teka tawag ako ni Tita sa kabila eh puntahan ko lang.

Pagkatapos ng ilang hakbang…”Tita patimpla naman ako ng Maylo na halo sa kanin! Wala na kasi kaming ulam eh!”

Yan ang isa pang gamit ng Milo o Ovaltine, ulam sa kanin. Kapag ayaw ko ng ulam namin eh yan agad ang plan B ko. Pwede rin yang panghimagas. Paghaluin niyo lang sa maliit na mangkok ang Milo o Ovaltine at gatas solb na.

“Great things start from small beginnings……Growing up with olympic energy! Growing up with Milo! Milo everydaaay!!!”

– Tikboy


Crush ko si Bea Lucero.  Pinamukha talaga sa’tin ng Milo na magiging athletic tayo kapag uminom tayo niyan e noh?  Galing!  Kapag uminom ka ng Milo, magiging kasing flexible mo si Bea Lucero.  Hay Bea, nasaan ka na kaya ngayon?🙂

Hindi ako sumali sa Milo Best kahit gustung-gusto ko.  Hindi kasi ako sinamahan ni mama e.  Saka wala yatang malapit na Milo Best sa’min nun.  Masarap pa naman ‘yung libreng painom ng Milo…

Milo at Ovaltine.  Alin ba ang mas masarap?  Daming komersyal ng Milo e, pero Ovaltine boy ako.  Hindi kasing pino ng Milo ang granules nito, pero mas kulay brown ‘to.  Sa experience ko e mas hindi natutunaw ang sa Ovaltine kapag tinimpla e.  Ayoko namang lagyan ng mainit na tubig kasi sayang sa oras e.  Gusto ko ‘yung may namumuong Ovaltine sa ibabaw, para kasing papak and inom in one e!  Mas maraming granules sa taas, mas enjoy!🙂

Naalala niyo ba ‘yung komersyal ng Ovaltine?  May isang bata at matandang cowboy nag-punong-braso, tapos syempre nanalo ‘yung bata.  Nag-Ovaltine e.  ‘Yun lang talaga ‘yung komersyal na naaalala ko e.  Meron pa bang iba?

Ano ba ang secret formula para makatimpla ng masarap ng Milo o Ovaltine?  Para sa’kin, mas masarap kapag medyo marami ang gatas.  Mas okay din kapag malamig na malamig ang tubig.  Tapos counter-clockwise ang paghalo.  May magic ba sa ganito?  Kasi kapag ganun ang paghalo ko e mas masarap talaga siya…

Hindi ko alam kung chamba ‘to pero ang pinakamasarap na timpla ko sa Milo noon e nung evaporada ang ginamit kong gatas imbes na powdered milk.  Kasing lasa niya ‘yung mga nabibiling inuming Milo sa canteen.  Ang sarap talaga!

Isa o dalawang beses ko lang nasubukan ‘yung ginawa ni Tikboy na inulam ang Ovaltine.  Masarap naman e.  Pero most of the time e pinapapak ko nalang siya kasama ang gatas at asukal.  Nakalimutan ko na ang formula ko dyan e.

Pero Ovaltine talaga ang mas masarap para saken.  Pero lab ko pa rin ang Milo, at si Bea.🙂

– Tenco

55 comments

  1. woot

    First time kong magco-comment dito sa site niyo kahit matagal ko na kayong sinusubaybayan..hehe..mismo sa mga topic..classic talaga!haha..😀 pag mejo madrama ang araw ko at gusto kong tumawa ng tumawa,babasahin ko lang mga blog niyo(kahit paulit-ulit na) at ayus na ule..haha..sana araw-araw mga blog niyo..hehe..anyway,mahusay,mga sir..hope to read more from you..😀

  2. alasais

    Ruth,

    Salamat sa appreciation Ruth. We are very much happy knowing you guys keep on reading our blogs. Pasensya na at weekly lang ‘to, pinapa-excite lang namin kayo. Hope to hear/read from you soon!🙂

    – Tenco

  3. grasi

    Batang ovaltine kami. di ko alam kung anong advertising ploy ang nakagamit sa mga naggogrocery sa min pero un ang binibili nila. at cyempre di nakakaligtas sa papak ang ovaltine at ulam sa mainit na kanin. di ko trip ung ovalteenies. parang ganun kase nangyayari sa ovaltine pag mejo naiwan na nakabukas ung lalagyan, nagbubuo-buo.😛

    nido + ovaltine + konting asukal = perfect formula para magtae.😀

  4. callocohan

    hahaha

    milo boy ako ndi kc uso ovaltine dito samin eh.. ang meron lang ung candy na ovaltinees ung pinatigas na ovaltine ^__^

    masarap tlga ang MILO pag may condense milk ^_^

    may tindahan kc ung tita ko kaya lagi ako nakaka-kupit ng Milo tapos pinapapak ko lang sarap hhhhmmm ^_^

    real meaning of MILO

    M – masarap
    I – inumin
    L – lasang
    O – ovaltine

    ^_^V *peace*

  5. superlolongpinoy

    Haha…ok ang topic…
    Ako halos ok lang sila pareho.
    Masarap sila parehong inumin.

    At ito tama kayo, ang mahalaga sa dalawang iyan ay puwedeng papakin. Kukuha ka lang ng kapirasong malinis na typwritng(kopon ban…hehe). Gagawa ka ng balisuso ang tawag sa amin(korting apa ng ice cream) at ilalagay sa loob at bubutasan ang matilus na bahagi. Ayan puwedeng ka ng mamasyal habang itinataktak sa bibig ang milo o ovaltine sa loob ng balisuso.

  6. alasais

    Jem,

    Wow! Ang creative! Hindi ko pa nasubukan ‘yan pero susubukan ko talaga ‘yan minsan, promise. Hehehe..

    Maraming salamat at marami kaming natututunan sa’yo kaibigan!

    – Tenco

  7. cassy

    haha..
    milo girl ako gang ngayon.. milo pa den!

    kaya ko gusto maging gymnast dahil sa milo
    pero tulad ng mommy ni tem i hindi rin ako sinamahan ni mama sa milo best..

    pero mahilig ako sa ovalteenies na candy..!! yung bilog bilog na brown..
    i just cant get enough..!
    meron pa ba nun ovalteenies..makabli nga sa susunod na mag grocery..

    nice post=)

  8. jew

    waahh.. ang hirap mag desisyon..😦 haha! pareho silang mas masarap. pero sige, kahit madalas kong papakin ang milo, boto ako sa ovaltine :))

  9. superlolongpinoy

    haha your welcome Tenco.

    yung panganay ko na 25+ yirs old na… ay di pa rin niya makalimutan ang ovalteenies, kahit wala na siya sa Pinas ay bumubili siya sa mga oriental store…kaya lang lumiit na pala ang size ng ovalteenies.

  10. K

    mas trip ko ovaltine hanggang ngayon pati ovaltinees d best kaso ang mahal nun sa ministop e. kurakot talaga un sobra. hindi ko pa nattry iulam to, parang ung kape or gatas na sabaw sa kanin, baka maiyak lang ulit ako.

    “Gusto ko ‘yung may namumuong Ovaltine sa ibabaw, para kasing papak ang inom in one e! Mas maraming granules sa taas, mas enjoy!” -Tenco
    -tama ka dito Tenco, sarap nito. haha.

  11. langaw

    Balimbing ako noong bata. Sa bahay namin, Ovaltine ang iniinom. Pero tuwing bakasyon, Milo ang iniinom sa pinagbabakasyunan ko.

    Mas matamis ang Ovaltine kesa Milo. Yung Milo kahit isang sachet ang tinitimpla ko, hindi masakit sa lalamunan. Tsaka madalas, hindi na naaabutan ng mainit na tubig sa baso ang pinaghalong Milo at asukal kasi diretso papak na.

    Ang ayaw ko sa o-o-Ovalteenies, o-o-Ovalteenies (you just can’t get enough.. you just can’t get enough) mahirap dukutin pag sumingit sa ngipin.

  12. alasais

    Langaw,

    Bwahahaha! Hasel talaga yun lalo nakung malalim ang tooth decay mo. Talagang mapapalaban ang dila mo sa kakahukay sa putanginang tinga na yan! pero salamat sa impormasyon. Mas matamis pala ang O sa M. Hahaha! Galeng!

    Keep posting!

    Tem-i of Alasais

  13. Doc Aga

    Ang Ovaltine commercial na naalala ko, yung batang mala-Indiana Jones… Ovaltine Power… Ovaltine.

    Pero, sa akin karanasan, mas madalas kasi may Milo sa bahay kesa sa Ovaltine. Ginagawa ko din ulam ang Milo sa kanin. Parang instant champorado kapag sinabaw mo sa kaning lamig.

    Ang Milo, pag pinalamig mo sa freezer, nag-se-settle down yun mga chocolate. kaya kelangan mo haluin uli bago inumin.

    Ginagawa din namin ice candy ang milo.yun nga lang, naiipon yun chocolate sa isang side ng ice candy.

    Sinubukan din namin sumali sa raffle ng Milo sa Eat Bulaga, pero ni minsan di kami nabunot.

    Yun anak ko ngayon, Milo ang gusto… o baka dahil iyun din ang binibili namin.

    Ovaltinees, naalala ko mga mascot na lumilibot sa mga eskwelahan. Pinagkaguluhan sila ng sangkaterbang bata at tinutulak tulak sila. nun matumba ang isa, bigla nagsalita ang Ovaltinees, “Maawa na kayo, mga tao din kami.” Hehehe, di ko pa rin makalimutan kahit ilang dekada na ang nakaraan.

    Maligayang Alas-sais

  14. reeyah

    mas masarap papakin ang milo. tapos minsan sinasabaw ko sya sa kanin (yung timpladong milo po, hindi yung powder haha) pag ayoko yung ulam. =))

    and yes, mas matamis ang ovaltine sa milo, pero gusto ko yung ovalteenies😀

  15. bulakeño

    noong 1970’s inintroduce ang milo, natatandaan ko pa sa school namin sa elementary meron libreng malamig na milo.
    meron ito halo milkmaid condensed milk. kaya enjoy na enjoy kami

    ang ovaltine, kadalasan noon iniinom ng mga bago panganak, mga nanay (saka mas mahal ang presyo nito)

  16. Batang 90's

    Ovaltine boy ako.

    Dati may commercial si Atom Araullo, yung may 2 magkaibigan tapos unti-unting tinatanggal yung ingredients ng Ovaltine: ice, milk, water.

    “Mas masarap pa rin!”

  17. eboy

    ovaltine boy aq nun eh..every hapon pagkagising ovaltine agad plus tinapay na pandecoco ang sarap.sabay kuha ng pompom sa bag punta ng c.r kakain ng pompom.

    nanay: ebooy lintik na batang to.kumain ka ng tsitsiriya?diba sabi ko wag kang kakain nun kasi nakakabobo yun(yun ang panakot ng nanay sakin eh)

    eboy: hindi po nay. (sabay ngiti..manilaw nilaw na ngipin ang tumambad sa aking inay dahil sa pompom)lolz…

  18. alasais

    Drew,

    Hahahahaha! Ayos ang eksena a, alam mong hindi tayo ganun kagaling magtago nung mga bata pa tayo e noh? Panalo ‘yang meryenda mo pare. Ovaltine. Pan de Coco. Sarap!

    – Tenco

  19. marshi

    Nung elementary ako, laging may free taste ng MILO sa public school. Sad lang kasi di na pwede umulit. Pero nung naging teacher ako sa public, nung nagkaroon ng libre uli, nakahingi na ako ng 2 cups. (Ang cheap noh? Ganyan kasarap ang MILO!) Ang ovaltine kasi naghahari ang malt na lasa…o diba? Malt…sosyal! Nito ko na lang yan na-realized nung lumaki ako.Yung nag-aagaw na lasa sa ovaltine ay malt-choco pala.

  20. no benta

    kung walang ice? masarap pa rin! kung walang milk? masarap pa rin! kung walang sugar? masarap pa rin! kung walang water? masarap pa rin! commercial ng ovaltine noong mid 90s. sori pero laking milo ako. tapos ka-combi nito ang nido. parehong nestle. kapag ice cold ang timpla ay parang chocolait. ~http://no-benta.blogspot.com

  21. alasais

    Nobenta!

    Oo naaalala ko yang patalastas na ‘yan. Naging joke pa sa Bubble Gang yan eh.

    Haha hindi ko napansin na parehong Nestle! hahaha mas matinik ang obserbasyon na yan!

    Tem-i of Alasais

  22. no benta

    Naaalala nyo ba ang brown cow ng hershey’s? Mas masarap ito sa milo at ovaltine pero mas mahal. Eto yung pinapalagay ko sa scramble na tinitinda sa harap ng gate ng school namin kahit alam kong tinunaw na cocoa lang ang laman ng lalagyan ni manong isko! Nice blog alasais! ~ http://no-benta.blogspot.com

  23. azianitsirc

    grabe..namis q bumisita at mgcoment d2…

    nung bata aq, favorite q daw ung Ovaltine…kwen2 p ng ate q, d q raw mapronounce ung Ovaltine kya “Waway” ang tawag q dun..d q rin maintndhan panu nging Waway ang Ovaltine..anlabo e..anyway,mejo ngus2han q nmn ang Milo dhil lgi me pumpunta truck n ngbbgay ng Milo s mga bata nung elementary..mula noon, nklimutan q n ang Ovaltine…(sad)

    years later, naimbento nila ung Ovalteenies(tama b ang spelling?) at ngus2han q tlga un..pro Milo p rin ang iniinum q…hehe

    at ngaun, college n aq..naicp q mas ok ang Ovaltine kc mdli xa 2nawin..bad3p ung Milo s hirap n dndnas q s pg2naw s knya…aun…

    pro, mukhang mas mbenta ang Milo..todo kc cla s promotion compared s Ovaltine…

  24. andreidae

    Ovaltine kid din ako noong bata.. at hindi ko na experience itong milo/ovaltine+rice.. masarap ba tlga yun?.. at dahil jan.. mgttry din ako.. thank’s for the quality blogisode.. feels so good to be back..so much reading to do… na miss ko talaga dito…:)

  25. balotlot

    milo.. everyday tlg ako… kht and2 na me sa uae, eh ndi me nakakatulog pag ndi ako nakakainom ng mainit na milo sa gabi… wahahaha MILO for sleeping purpose…
    peo may isa pang purpose skn now ang milo, pangtanggal ng hangover lol…

    one time sobrang lasing me ndi ko namalayan ASIN pla nailagay ko sa MILO ko, pakshit kahit lasing me eh naalatan tlg ako..

    pag magkaka anak nga ako eh MILO ang ipapangalan ko eh… waaaa…

  26. Perry

    Basta kung ano ang mabili ng nanay ko sa grocery ayos na yun..
    Kaso ang Ovaltine hindi na gawa sa Pinas, sa Thailand na ginagawa na iniimport nalang. Ang Milo naman, kahit papaano gawa parin sa Pinas. Mala-pulbo ang texture ng Ovaltine at sa Milo ay mala-asukal.

  27. darilwafu

    dahil sa blog nyo, napakuha ko ng hot choco sa pantry ng opisina ko sa angola… dabes blogs nyong tatlo! mabuhay! gawa kayo pesbuk… nang makita naman ng mga pans nyo ang mga hilatsa ng pagmumuka nyo.. kudos men!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s