15. See You Tomorrow! God Bless Us Always!

August 4, 1993.  Science and Health Quiz.

Tem-i: Pssst! Pakopya naman, Charlie!

Charlie: Bawal yun tol.

Tem-i: Isasali kita mamaya sa mataya-taya!

Charlie: Talaga?  O eto sagot sa 1 to 5 o…bilisan mo!

Talagang ganito ang buhay.  Hindi lahat ng ituturo sa eskwelahan ay malalaman mo.  Pero ‘wag mag-alala!  Hindi lang puro quiz at assignment ang eskwelahan!  Madaming pangyayari sa lugar na ito na talaga naman nakakaaliw kung mag-oobserve ka nang mabuti.  Tulad ng mga nakaraang blog, kulang ang isang post para banggitin lahat ng mga ‘to.  Pero ‘wag nanaman mag-alala!  Yun lang.  Huwag lang kayo mag-alala.  Period.

Magconcentrate tayo sa classroom.  Doon natin ituon ang ating mga beautiful eyes.  Ano ang makikita?

1. Ang mga matatalino, bibo at sipsip ay nasa harap.  Ang mga bagsakin, bobo, bulakbol at masasakit sa mata ay nasa likod, preferrably near the trash can o tinatawag na “ropor” (row 4).

2. Pagalingan gumawa ng erplanong papel sa likod ng classroom at paliliparin ‘pag nakatalikod ang guro.  Minsan ay tinamaan si Mrs. Del Rosario sa likod ng ulo habang nagsusulat siya sa pisara.  Nagkunwaring hindi niya naramdaman pero pag-upo niya sa desk niya ay pasimpleng kinamot ang likod ng ulo.

3.  Tahimik na sumasagot ng exam ang mga estudyante nang may biglang maririnig na “PROOOOOOOT?”  Oo – Yan ang utot na patanong.  Sa ibang blogisode na lang tayo magconcentrate sa utot.  Pero nangyayari talaga yan.  Yang utot na yan ang magpapabagsak sayo lalo na kapag sumasagot ka sa math at nasa kalagitnaan ka ng computation mo.  Nasabi ko bang napakabantot din ng utot na ‘yan?

4.  Bilang estudyante sa isang all-boys school, hindi ka makakatakas sa bosohan ng titser.  Nandiyan na ang paglalagay ng maliit na salamin sa sapatos sabay apak sa ilalim ng palda ni Binibining Peralta.  “Yes!  Yellow Pare!”, pasigaw na bulong ni Tony Manzano.  Or pwede ding pumunta sa desk ni Ma’am Stephanie habang nakaupo siya.  Magpapacheck ng papel kunwari at tatayo sa likod niya habang sisilipin ang bra at siyempre ang laman nito.  “Konti na laaaaang!”, pasigaw na bulong ni John Salazar, also known as “Totoy Molars”. Tama na.  Ito lang ang pwede kong i-share sa inyo sa ngayon at baka itakwil ako ng mga kaklase ko at hindi ako imbitahin sa alumni homecoming namin.

5. Ano ba ang iskul day kung hindi ka magpapatubo ng munggo sa petri dish diba?  Haha!  Natatawa ako habang sinusulat ko ‘to dahil toge ang ulam ko kanina at bumabalik ang mga ala-ala…haay…Ilalagay namin ang mga munggo na nakababad sa tubig at ibibilad sa harap ng klasrum namin.  Hihintayin ang ilang araw hanggang sa tumubo na ang mga toge.  Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit namin ginawa yun.

Anyway, madami pang ishe-share na memories sina Tikboy at Tenco.  I-share nyo din ang mga schoolwork memories niyo dito sa Alasais para tuloy-tuloy ang tawanan natin dito!

– Tem-i

P.S. Naburot si Charlie noong hapon na ‘yon at hindi na niya ako kinausap habang buhay.


First day of school.  June 1993.

Tenco:  Ma’am, wala po ako sa class list ng Grade 3 Section A pero sabi po ni mama dito raw po ako e.

Mrs.  Lapid:  Sige sige ok lang pasok ka na.

(Ang kapal ng mukha.  Assuming sa pagiging star section e.)

Si Raymond, first day of school palang, wala nang name tag.  E ano namang bago run?  Ni wala ngang lamang libro ang bag niyan e.

Si Eleanor, sumisipsip nanaman,  nagbubura ng pisara kahit wala pang sinusulat ang titser.

Sampung porsiyento naman ng klase ang hindi pa nakasuot ng uniform dahil nakapila pa kay manong sastre.

Masaya sa loob ng klasrum.  Para ‘tong isang maliit na mapa na kapag pumunta ka sa bandang likuran ay iba ang kultura.  Kaya kapag nagpapalit kame ng seating arrangement every 3 months ay para akong lumipat ng address.

Hindi nawawalan ng mga bobo sa star section.  Meron at meron ka pa ring makikitang ganito.  ‘Yung tipong hindi niya alam na may assignment pala sa Science, e pa’no naman niya malalaman e hindi niya alam na may Science subject pala siya?  Joke joke joke!

Tama si Tem-i, may mga nagpapalipad ng eroplanong papel kahit sa kalagitnaan ng klase.  Minsan nga may pasimpleng naglalaro ng Snakes and Ladders e, at rows 2 at 4 ang magkalaban.  Ang mga babae sa gilid, nag e-SOS.

May mga pagkakataong mapipilitang mag-participate ang buong klase, at ito ay kapag tinopak ang titser na magkaroon ng ‘mini-program’-‘yung pakakantahin isa-isa.  Badtrip ‘to, ang memorize ko pa lang namang kanta nun e ‘yung kay Lea Salonga, “…hangad ko’y tagumpay natiiiing lahaaat!”  ‘Di bale, sandali lang namang kantahin ‘yan e.

Pagsulat ng sagot sa pisara.  Patakaran dito ang tawagin mo ang kaklase mong babae kung lalake ka at lalake naman kung babae ka, alternate ba.  Kaya ‘yung bading kong kaklase, ayun, sige sa kakataas ng kamay.  Oo nga naman.

Exchange papers.  Enjoy kung kabarkada mo ang kapalitan mo ng papel at siguradong 99% ang score niyo (para hindi halatang nandaya).  Kapag kras mo naman ang nagcheck ng papel mo, aamuy-amuyin mo ito dahil mabango ang tinta ng ballpeng ginamit niya.

Recitation.  Hindi mawawala rito ang pag-recite ng multiplication table.  Isang mali mo lang ay “remain standing” ka.  Tables of 6 and 7 na yata ang pinakanakakalito para sakin.  ‘Yung isa kong kaklase, natapos niya ang Table of 6.  Dere-derecho.  Walang mali.  Sabay silid sa bag ng notebook na may multiplication table sa likod.

Ginawa ba ‘to ng titser nyo:  Pagkatapos sulatan ‘yung isang parte ng blackboard ay isusulat niya ang, “SAVE” sa bandang itaas para hindi burahin?  Meron namang iba na ang style e basang chalk ang ipangsusulat para hindi madaling mabura.

Today is MONDAY.
June 21, 1993
It’s a sunny day.

Sige Tikboy, ikwento mo na ang boring mong buhay-eskwela.  O let’s pray:

Angel of God
My guardian dear
To whom His love
Commits me here.

– Tenco

Haha mabangong tinta ng ballpen ampucha. Gago ka talaga Tenco bata ka pa lang manyakis ka na talaga. Dun pa lang ata sa mabangong tinta ng kaklase mong babae tinitigasan ka na eh. Kadalasan pa sa design ng ganitong ballpen eh may mga glitters sa loob.

Ang ayaw ko namang ginagawa ng titser namin eh ang paggamit ng nakaka-pressure na flash cards. Mukha namang enjoy na enjoy ang mga mayayabang na Math titser dito kasi tinataranta talaga nila ang mga estudyante lalo na ang mga mahihina sa Math. Kapag nilabas na yang demonyong cards na yan eh pasimple ko nang binababa ang ulo ko para para hindi matawag.

Nandiyan rin syempre ang klasik na listahan ng Noisy sa blackboard(pero kulay green talaga). Nag-evolve na nang nag-evolve ang listahan na ‘to. Noisy to Noisy/Standing. Ililista ka sa Noisy kapag maingay ka at kapag tumayo ka naman, sa listahan ng Standing. Noisy/Standing to Noisy/Standing/Behave. Kapag tahimik ka lang sa Behave ka naka-lista syempre. Tapos nagkaroon pa ng mga x2, x3, x4 and so on. Kapag naka-lista ka na sa Noisy at nag-ingay ka pa ulit, lalagyan ng x2 ang pangalan mo at kapag nag-ingay ka pa ulit x3 naman. Sinamahan rin ng multa yan. Kada lista sa’yo sa Noisy eh bayad ka ng piso kaya matatakot ka talagang malista. Pero syempre may mga mapeperang gago talaga kaya wala silang pakialam malista kahit x10 pa at sampung piso na ibabayad nila.

Eto pa ang dinagdag sa Noisy na maraming umiyak at nag-away. Ang pagkukumpiska ng ID kapag nailista ka. Hindi talaga ko pumapayag kapag kinukuha ang ID ko.

Mr. President: “Tikboy akin na ID mo at nakalista ka kanina!”

Tikboy: “Gago ka kukunin mo ID ko?! Ikaw pag-iinitan ko mamaya sa bente-uno.”

Mr. President: “Sige maging behave ka na lang saglit aalisin na kita sa listahan.”

Hindi rin mawawala ang pagbabasketbol sa loob ng klase gamit ang trash can. Lahat ng mga quiz na bagsak eh bibilugin at yun ang gagawing bola. Kada pag-alis ng titser at habang hindi pa dumadating ang kasunod eh ilalagay na agad ang trash can sa sulok. Basketbol agad ang mga makukulit na kolokoy.

Kapag recess naman o lunch break, bilihan ng kami ng sago kay Aling Aleli na dalawang piso lang ang halaga nun. Uubusin na agad namin at ititira ang sagong maliliit. Yun ang ipang-susumpit namin sa mga kaklase namin. Kada tira mo sa polo eh didikit talaga ang mga sago.

Mr. President: “O bakit limang sago na sinumpit mo sa’kin?”

Tikboy: “E nilagyan mo ko ng x5 sa Noisy eh! Eto pa lima para sa Standing naman.”

Tikboy

34 comments

  1. lallyshawn

    hahaha nice one tama isa ko sa mga nakaksagot sa mulitiplication sa math lalo na sa 6 and 7 hehehe at isa rina ako sa nakikibato sa mga kaklase ko sa rum at pati teacher namin ayaw tumayo sa upuan dahil my nakadikit na bubble gum hahaha private school pa un ha.. hay nako talaguh school dayzzz…

  2. alasais

    Lally,

    Kaya pala gusto mong i-paste ang mukha mo dahil kahawig na kahawig mo si Angel Locsin! Bagay kayo ni Tenco dahil kahawig niya si Noli Locsin!

    Tem-i of Alasais

  3. snowden

    hahaha…naku namanganyan na ganyan din.,.,talgang pag mga ropor eh pare-pareho ng pinagdaanan…heheheh

    sa totoo lang ehh class president ako nung elementary hahahah…kaya exempted ako sa mga noisy pag nilista ako ng secretary kakambyo ako ng “teka president ako pinatatahimik ko lng sila/”eh di safe ako kagad…haiyyy kay sarap…hirap din ako sa multiplication table na yan lalo na sa 8 at 9 perswisyo kaya hindi ako kumuha ng engineering nung magkolehiyo ako..hahah….panda ata yung ballpen na may glitters at mabango ang tinta may napulot kasi akong ganun kaya lang tinapon ko din kasi nasusuka ako sa amoy ng tinta.hahaha…

    sarap talaga magbatuhan sa klase ng binilog na papel nawawala ang pagka-role model ko as president talo talo muna.hahaha..

    yan din ang hinihintay ko pag-uwian na ung sumpitan ng sago dahil diyan nadala kami ng mga barkada ko sa principals office kasi natamaan namin siya at yung auto nyang extra sa mga action movies na pinapasabog..heheheh…

    pag exchange paper nman parang iisa nalang utak nming magkakaklase..kusa na naming nilalagyan ng tamang sagot yung papel ng kasama namin para mataas ang mga score namin..hahahaha

    heheh..saya talaga nung elmentary days husstle frEEE!!!!!

  4. alasais

    Snowden,

    Sa principal niyo ba ‘yung oto? Ang ganda a, sarap maging target sa sumpitan.

    Bigla nanamang pumasok sa utak ko ‘yung elementary days ko, sarap talagang balikan e noh?

    – Tenco

  5. alasais

    Snowden,

    Musta klasmeyt? Long time a! Mahirap talaga yang multiplication na yan at hanggang ngayon ang sagot ko pa din sa 1×1 ay Magellan. Magaganda ang mga autong yun. Walang makina kaya pinapasabog lang hehehe. Hassle free talaga nung elementary days natin. Masarap ang buhay lalo na’t seksi ang teacher namen…haay…

    Tem-i of ALasais

  6. anakngpating

    naalala ko yang noisy na yan dati ako pa ang naglilista nun dahil secretary ako nun hehe…pero badtrip kasi minsan napag kaisahan ako at napaiyak ng mga maiingay na yan hehe..hindi ko nagawang mag sumbong nun sa titser ko kasi takot din ako masabihan ng sipsip kaya simula nun hindi na ko nag papavote sa secretary PRO na lang hehe toinx..

    yang sago na sinusumpit hehe na try ko na yan ang saya hehe para lang kaming nag babaril barilan hehe..

    madalas ako maupo naman sa row 3 or 2 kasi hehe ayoko sa row 1 ayoko mag ka an-an hehe dahil sa chalk ng green bord hehe…di ba tem-i

  7. alasais

    AnakngPating!

    Hahaha!!! Nagka-an-an dahil sa chalk eh no? Bwahahahaha klasik! hahahaha!! Toingks ka talaga! Pasokis!

    Tem-i of ALasais

  8. mishes

    hahaha.. kakamiss ang elementary days.. parang walang kaproble-problema.. usong uso tlga yun mga sos na yan tska snakes n ladders.. pati dama at chess.. buti na lng nauso un maliliit na ganun para ndi maxado halata..

    nauso rin samin un pagfleflames ng mga kaklase.. hahaha.. trip trip lang.. para ndi halata, lahat ng classmate mo na opp sex kahit bading kasali sa flames para d malaman kung sino crush mo.. hehe

    pinakafave ko yun pag uwian tas cleaner ako.. ang saya! pag nasa room pa un teacher kunyari linis linis, pero pag umalis na.. dun na nagsisimula ang rambulan.. pinakadabest un pagsakay sa walis tas hihilayin ka ng kaklase mo.. tska un pag slide sa corridor.. hehehe.. naalala ko dati sa sobrang paglalaro namin.. nakalimutan namin ausin un mga tray na ginamit nun recess.. ang ending tuloy 2weeks kaming nagcleaners.. ok lng kasi masaya pa rin naman.. hehe🙂

  9. alasais

    Mhey,

    Wow, okay ‘yung walis na sinasakyan a! Talagang naiimagine ko ngayon e! Teka, kelan nga ba ako madalas na cleaner, Wednesday yata. Oo Wednesday nga. Cleaners for the day. Hay sarap.

    – Tenco

  10. alasais

    Mishes,

    Korek ka diyan. Lagi kong nakukuha ang M ng flames pag fineflames kami ng bakla kong kaklase. Kilig na kilig naman siya at halos buhatin ako at ihagis sa bintana sa tuwa. Haay, ano na kaya nangyari kay Roberto…

    Tem-i of Alasais

  11. andreidae

    haay…

    elementary days…ang saya say talaga maging bata..mga loko pla talaga kau noon eh noh??hahaha..
    medyo mabait naman me nung elem.days..hanggang ngayon nman actually pero d nman me boring na bata..pero mahilig lang xe talaga akuh mag-aral at makipaglaro sa mga friendships..un lang eh auz na sa olrayt c andreidae..

    isa lang nman ang malupit na ginawa ko noong elementary..un eh nung tinapon nmin nung isang classmate kuh ung isang friend pa namin sa basurahan..hahaha..tikas talaga xe ang napili pa naming trash bin ay ung nasa harap ng office..LAKAS!! tamang trip n pla talaga akuh noon…
    🙂

  12. alasais

    Andreidae,

    Oo nga! Ang bait mo nga! Tinapon mo ang kaklase mo sa basurahan! Isa kang santa! Santa Nas! Hahahaha!

    keep the comments coming evribadi!

    Tem-i of Alasais

  13. grasi

    anak ng kamote ang tagal kong absent sa alasais ah. kumusta ang mga gwapings? :-*

    may titser kami na terror magparecitation. pinapagulong ung bolpen sa class record nya at kung sinong matapatan un ang sasagot. nakakakaba to the highest level.

    palagi akong nasa listahan ng noisy, standing at ang pinakamalupit…STAY.. kasama ka ng cleaners ng araw na un na magpofloor wax at magbubunot. tsk tsk tsk.. bakit kaya wala pang bantay bata 163 nun. child labor un :((

  14. alasais

    Grasi!!!

    Long time ah! Musta ka na? Ok yang titser niyo a! Magaling din siguro sa spin-da-bottle yan…Hehehehe! Buti na lang may Bantay Bata na, kung hinde, baka pinagawa din kayo ng sapatos.

    Welcome back Grasi!

    Tem-i of ALASAIS

  15. bipolarsisa

    haha. at last, nakarelate na talaga ako. haha. ganyang ganyan din ang setting sa classroom namin nung elementary. haha. natatandaan ko pa, nagsecretary ako nun tas lagi kong kaaway yung tagalista ng noisy at standing dahil inaagaw nya ang space na dapat ay susulatan ko sa blackboard. haha; those were the days..

    yung sa salamin, ginawa rin ‘yan ng mga gago kong kaklaseng lalaki – at hindi lang kay Teacher kungdi pati narin sa mga kaklaseng babae. ang gagu! haha.

    naging hobby ko din ang panunusok ng lapis nun sa mga bastos kong kaklase..at manghagis ng mga libro sa mga maldita.

    ang sarap balikan ang elem days!!🙂

  16. mushi

    haha! grabe! nakaka-relate tlaga ko dito!

    xmpre kapag fist month ng klase, may election of officer. anjan yung “i nominate for president!” tapos pag tpos na ang nomination, may mgcclose na..tpos ssgot kagad ako ng “I SECOND THE MOTION!!!” haha!gnun lang ako palagi!

    naalala ko nung grade1 ako.sabi nung isa kong klasmeyt na lalake: “i nominate Michelle because she IS MY CRUSH!” hahaha!sinigaw p niya to with confidence!xmpre nmn,sabay tuksuhan ng klasmeyts kaya sbrang npahiya ako!haha! oy pero wag kau! NANALO AKO NUN FOR PRESIDENT!😄

  17. alasais

    Mushimoomoo,

    Welcome to Alasais! Nung elementary ako, akala ko ang sinasabi nila ay “I second emotion!” At gustong gusto kong ako ang nagsasabi non! Congrats sa pagkapanalo mo ng President! You’re my crush na din!

    Again, welcome!

    Tem-i of Alasais

  18. TunYing

    Ok talaga yung elementary days! dun ka madalas makakakita ng mga kaklaseng natatae sa shorts at briefs! hahaha… tapos yung sasauladuhin yung multiplication table! ayos un! ako madaya kasi may kaklase akong taga-dictate pag ako na sasagot! hahaha… Ang ayoko ko lang eh nung grade six ako… halalan ng mga classroom officers… 2 ang lamang sa akin nung nanalong president… 3 ang lamang sa akin nung nanalong vice… tapos pagdating sa class pastor… landslide win ako! anak ng tupa! di naman ako mabait, mukha lang! hahaha…

  19. alasais

    TunYing,

    Ok yun ah! Class pastor? ANong ginagawa nun? Mala Brader Eli Soriano ba yan? Hmmm…blogisode? Hahaha!

    Sandale hugasan ko lang salawal ko, may konting brown sa may puwitan eh…

    Tem-i of Alasais

  20. alasais

    Allan,

    Hahaha, nakakagigil ang kwentong halalan mo a, konti nalang panalo na. Talagang kinapos e noh. Hindi mo alam kung nakakatawa o nakakainis e.

    – Tenco

  21. bing

    ha ha ha tuwing bisita ko rito e naaaliw ako. kulang talaga ang isang post para sa mga reminiscence.

    marami akong alam na natae sa salawal. ako yata e naihi lang dahil sa takot kay ms. buan na magpaalam. hindi ako umiyak dahil ayaw kong me makapansin na naihi na ako.

  22. mushi

    hi ulit! haha! hndi ko perstym to noh! nakapag comment na din ako dati..=)

    haha! favorite ko din yung pagsabi ng “i second the motion!” nakikipagunahan talaga ako para dun!

    haha..dont worry tem-i..ure my crush na din! hahaha!😄

  23. lally

    hahah korek… ung cleaners na yan pina ka hate ko pano imbis na uuwi ka na mag tatagal ka pa sa room eh cyempre si manong school bus galit na at ikaw nlng inaantay kainis kaya minsan mega takas ako para di makapag linis sa room hehehe….

  24. lallyshawn

    hahah korek… ung cleaners na yan pina ka hate ko pano imbis na uuwi ka na mag tatagal ka pa sa room eh cyempre si manong school bus galit na at ikaw nlng inaantay kainis kaya minsan mega takas ako para di makapag linis sa room hehehe….

  25. alasais

    taympers,

    Pwede ding gamitin ang munggo sa sumpit. Yung hilaw pa ha? See you tomorrow! God bless us always!

    Keep you comments coming!

    Tem-i of Alasais

  26. azianitsirc

    namis q 2 alasais ah.hehe.npasama aq dati dun s pntayo ng mtgal dhl s pgiingay nung grade 3.kya bumawi aq nung grade4 s nglista skin.haha.aq kc precdnte nun.quits n kmi.
    Ung usapang cleaners,ang bait2 q nun.todo linis tlga aq.ang engot q pla kc ngpauto aq s tcher q.haha.

  27. alasais

    Azianitsirc!

    Musta ka na? Namiss ka namin ah? Kala namin nalunod ka na sa kumunoy eh.Oo tama yan! Gantihan mo lahat ng naglista sayo. Ilista mo sa Noisy, Standing, Stay After Class, lahat ng pwedeng paglistahan sa kanila para mabulok sila sa kumunoy. Bat ko ba binabanggit ang kumunoy lagi?

    Nice to hear/read from you again!

    Tem-i of Alasais

  28. marshi

    nag-evolved na rin talaga ang pagsusulat ng noisy sa board. Dahil imbes na NOISY, NSP na ang nakasulat.as in Noisy,Playing,Standing.Sabi kasi ng mga PAYrents sa private schools, nakaka-degrade raw ng pagkatao pag nakasulat sa NOISY ang mga anak nila. Anak ng!

  29. Almariza

    Noisyx100 ako lagi nuon.maingay talaga ako e🙂

    hmm 1993 kayo pumasok sa skul.meaning a year older kayo saken?🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s