N. Cubao

Makati?  The Fort?  Alabang? CUBAO.

Ito ang totoong lugar.  Wala nang Pipinoy pa sa lugar na ito.  Kasama ng Quiapo at Caloocan, and Cubao ay ang pangatlong miyembro ng Itim na Tatsulok ng Kamaynilaan.  Ito ay sentro ng kultura, kayamanan at krimen.  At dahil sa tatlong K na ito, mahalagang bigyan ng pansin ang lugar ng mga tunay na “Kalye Boys”.

Pano mo malalaman kung ikaw ay nasa Cubao na?  Madali lang.  Gumawa ako ng gabay para sa inyong mga walang kamuwang-muwang na butas na pala ang ilalim ng bag niyo:

1. Itim ang hangin.  Umaga, tanghali, gabi.  Langhapin nyo…masarap.

2. Nagtataasang mga motel at apartel ang nakapaligid sayo.  Lahat ay nandiyan na.  Kelangan mo na lang maghanap ng taong papatol sa hilatsa ng mukha mo.

3. May anim na magkaka-helerang bus sa kalsadang dadalawa lang ang lanes.  “Aaaaalabanglabanglabanglabang!”

4. Ang mga sinehan dito ay mababangis.  “Ibigay mo na”, “Kapirasong Langit” o kaya naman “Itlog lang ang Walang Latay” – ilan sa mga sineng pinapalabas sa lugar na ito.  Kung kayo naman ay nabo-bore sa loob ng sinehan ay tumawag lang sa mga babae at lalaking “bate-bate”.  Lagi silang umiikot sa sinehan. Sila ang nagbibigay ng kahulugan sa katagang “Relax, see a movie.”

5. Pagkain – Kwek Kwek, Tukneneng, tokwa’t baboy, mami noodles, pisbol, ulo, paa, dugo, puso, atay, bituka, lahat na ng parte ng katawan ng manok ay nandito.  Killer sa sarap ang mga karinderya dito.  Parumihan sila ng palangganang pinagbabanlawan ng kutsara, tinidor, plato at baso.  Mas madumi, mas masarap!

6. Madami ding ukay-ukay dito.  Dito ko nabili ang aking mga rubber shoes na “Mike”, “Abidas” at “Laoste”.  Orig na orig tignan sa malayo.  Wag na lang kayo lumapit para basahin ang tatak.

7. Ang bus na kulungan – Ito ang bagong pakulo ng MMDA.  Nanghuhuli sila ng mga J-walker at pagmumultahin.  Kung wala kang pangmulta ay tatambay ka sa mainit at mabantot na “jailbus” (Ito ay dating “Love Bus” na nilagyan lang ng alambreng rehas).  Dati akong naging biktima neto.  Paglabas ko after 3 hours ay hindi na matanggal ang amoy putok sa damit ko.  Nakakalimang laba na ako at amoy putok pa din.  Excuse me, wala akong putok non!

8. Pulis – Buwaya, Kalaban, Lespu at Parak – ilan lamang sa mga palayaw nila.  Nagkalat ang mga ito sa kalsada ng Cubao.  Siguraduhing sumusunod ka sa batas trapiko lalo na sa oras ng almusal, tanghalian at hapunan.  Sa mga oras na ito nagsusulputan ang mga hunghang na nagtatago sa gilid ng building, halaman sa sidewalk at minsan pa ay sa ilalim mismo ng sasakyan mo.  Bigla na lang silang susulpot sa harap mo.  Prrrrrrrttt!!! At sasabihin ang pinakasikat na katagang, “Lisensha mo?”

9. Snatcher – Dati ay pitaka lang ang iniisnatch.  Ngayon ay iniisnatch na din ang selpown, kwintas, hikaw (sakit non lalo na kung sa utong ang hikaw mo!), tamagochi at kung anu-ano pang laman ng Hello Kitty mong bag.  At higit sa lahat…

10. Kalye Boys o kaya “Da Boyzzzzz” – Ang mga tunay na hari ng lansangan.  Mga takatak boys, drayber, barker, tindero at kung anu-ano pa.  Sila ang bumubuhay sa Cubao.  Maaari kang makipagpustahan sa kanila.  Hamunin mo lang sila ng bilyar sa may New York, katapat ng paradahan ng Baliwag Bus.

–Tem-i


Cubao…bow.  Ito ang isa sa mga pinaka-busy na lugar sa Maynila.  Cubao!  Cubao!  Cubao!  O maluwag pa o!  Cubao!  Cubao!  Imposibleng hindi mo narinig yan kung nakapunta ka na ng Maynila.  ‘Yan ang sigaw ng mga tsuper ng jeepney at konduktor ng mga bus na dadaan at papunta mismo ng Cubao. Hindi nauubusan ng tao jan kahit anong oras.  Mga papasok ng opisina, estudyante, construction worker, saleslady, magnanakaw, maninikil, tindera, magtataho at iba pang klase ng tao makakasalubong mo dyan.  Lahat na ata ng klase ng tao makikita mo sa Cubao.

Nandito rin ang iba’t ibang klaseng terminal ng mga bus na pabiyahe sa iba’t ibang lugar. Kung pupunta ka ng probinsya o kung saan man, pumunta ka lang dito at malamang may biyahe papunta doon kung saan ka man paroroon.  Baguio, Cagayan, Bicol, Batangas, Laguna…kahit anong probinsya pa ‘yan.  Kaya kapag sasapit na ang Mahal na Araw o kaya Araw ng mga Patay e asahan mong dagsa ang mga tao jan sa mga terminal at laman ng balita kung anung updates ang meron sa mga terminal.

Pagsapit naman ng dilim dyan at naglalakad ka e maraming mga lalapit sayo at sasabihing, “Sir babae sir, mura lang. Gusto nyo sir? 500 lang…o 400 sir pwede na.” Akala mo damit lang kung alokin ka.  Dyan rin kasi kilala ang Cubao lalo na sa mga kalalakihan. Maraming rin kasing beerhaus dyan na kala mo e tindahan ng cellphone sa Greenhills dahil magkakahelera sila.

Sa totoo lang hindi ako komportableng pumunta at maglakad sa lugar na ‘yan.  Sobrang daming tao kasi at parang feeling ko kahit anong oras pwede akong manakawan o makikilan. Kaya kapag nasa Cubao ako e alerto talaga ko.  May maramdaman lang akong naglalakad malapit sakin e titignan ko na agad siya at hahawakan nang mabuti ang bag ko.  Hindi siguro kayo makakadama ng kahit anong takot dyan kung miyembro ka ng Sputnik, Kuratong Baleleng o ano mang samahan ng mga siga at pumapatay ng tao.  Sa awa naman ng Diyos e sa daming beses kong magpunta dyan e wala pang nangyayaring hindi kaaya-aya sa akin.  Whew!

— Tikboy


Mama 1: Bagong salta ka ba rito ha?

Lalaking bagong salta sa Maynila (LBSSM): Ah oho, san ho ba makahahanap ng trabaho?

Mama 2: Punta ka sa Cubao.

LBSSM: Cubao! Alam ko ‘yan!

Mama 1 at 2: Cubaooooooooooo!

Agree ako kay Tem-i, ang Cubao ang isa sa mga pinaka-Pilipinong lugar sa Pilipinas.  Ito ang panganay na anak ng Quezon City. Hindi ‘yan naaalis sa top five most famous places in the Metro (ayon sa sarbey na ikinalat sa lugar namin).  Ang natitirang apat ay Kalookan-Bagong Barrio, Quiapo, Divisoria, at Tondo.

Mabalik tayo sa Cubao.  Isa na ‘to sa mga pinaka-coooool na puwedeng salpakan ng masang Pilipino. Lahat nandito na—mga mall, sinehan, terminal ng bus, karinderya, lungga ng mga gang at mandurukot, motel, kapisanan ng mga tindero’t tindera, atbp. Sa dami ng pwedeng gawin dito, pwede na ‘tong tumiwalag sa Pilipinas para maging isang hiwalay na bansa.  Madali lang makilala kung sino ang mga hindi tagarito, dahil sila ‘yung mga naglalakad na parang balisa sa kakaprotekta ng mga bitbit nila para hindi manakawan (ayon na rin sa pagpapaliwanag ni Tikboy). Maingay dito, 24 oras.  Hindi nauubusan ng mga tao at sasakyan sa lugar na makikitaan ng lahat ng uri ng living things.

Bentang-benta ang mga sinehan dito, may bonus pang nag-ooffer ng “service” para sa mga lalaking nagbabasa ng nakabaliktad na dyaryo.  Mas marumi at mapanghing sinehan, mas in!  Para kumpleto ang treat, halina’t dumerecho sa mga motel na katabi lang ng sinehan. Talaga nga namang businessman!

Ang palitan ng tao ay makikita naman sa mga terminal ng bus. Naroon ang mga nakasukbit ng bayong, may manok pa sa loob, at nakabandana, para hanapin ang mga “nawawala” raw nilang kamag-anakan sa Maynila (sige gudlak po sa paghahanap).

Hindi kumpleto ang pagliliwaliw mo sa Cubao kung hindi ka magugutom at mapapaupo sa isang tabi.  ‘Pag ikot ng mga mata mo sa paligid, ayun, at samut-sari ang mga nakabalandrang vendor upang lagyan ng bacteria ang nangangalam mo nang sikmura.  Palamig ba?  Aba, the best ang tinda ni ateng nakasawsaw ang maruming kamay habang hinahalo ang punung-puno nang inumin.  O baka gutom ka pa?  Nasa gawing kanan lang si manong na tumutulo ang pawis sa kawali habang pina-t-tumbling ang maiinit na fishballs.  Heaven talaga!

Malupit ang Aurora underpass dahil feeling ko noon e napakaunlad ng Pilipinas tuwing dumaraan ang sasakyan namin dito.  “Uy baka mahulog ang mga sasakyan! Woohoo!”  Para akong batang amazed na amazed.

Bakit kaya sa mga pa-contest ng Eat Bulaga eh puro mga taga-Cubao ang napipiling mga homepartner? Pati ang mga sumasaling contestant sa Kwarta o Kahon eh halos taga-Cubao rin?

–Tenco

76 comments

  1. cubi

    laki akong cubao. 20 years na ako dito. iba talaga ang cubao sa mga dumarayo. para sa akin, kahit gaano pa kagulo ang lugar na ito, ito pa rin ang aking tahanan.
    na-inspire ako magsulat ng blog tungkol sa cubao.😀

  2. alasais

    @cubi: libre mo naman kami sa mamihan dyan o.

    sana ay nasiyahan ang mga taga-cubao na tulad mo sa aming isinulat. salamat.

    –Tenco

  3. alasais

    Masarap talaga sa Cubao…Nakalimutan ko pa ngang banggitin ang aking paboritong tambayan sa Cubao tuwing pasko – ang malufet na show sa C.O.D. – San ka pa? Diyan mo lang makikita si Santa Claus na sa Rocketship nakasakay at hindi sa mga usa.

    – Tem-i

  4. Ej

    Hmm..sa may Annapolis Cubao ako nakatira pero ala naman ako napapansin sa mga sinasabi mo, marahil dahil mag aapat na buwan pa lang akong nakatira dito at Gateway, Farmers at MRT lang nadadaanan ko papuntang Makati. Araneta pa din pala pagmay mga konsierto.
    Habang binabasa ko tong blog mo, bigla tuloy akong natakot sa mga snatchers (eklavu) na sinasabi mo.. kampante pa rin naman ako kahit papaano.
    pero tungkol sa mga lalaking mahihilig.. kaming tatlo ng kapatid at pinsan ko dahil puro babae eh nakaranas na malapitan sa Farmer’s or Gateway at natatanong ng “magkano ka miss?” ..Grrr… sabay kapit sa Pepper Spray at Swiss knife kaming tatlo… mukha ba kaming mga pokpok? naka corpo attire kaya kami papasok ng work… kainis!!!!!!!

  5. alasais

    Ej,

    Huwag kang matakot sa mga snatchers at manyakis. Eto ang aking payo:

    1. Tanggalin mo muna ang blazer mo sa umaga at maong na jacket ang ipalit.

    2. Tanggalin din ang sapatos mong de-takong at magsuot muna ng advan na itim.

    at number 3…

    3. Huwag muna maglagay ng Gucci na pabango habang naglalakad sa lansangan. Bambini muna o Nenuco ang ipahid.

    Buksan mo ang iyong mga mata at iyong makikita…

    -Tem-i of Alasais

  6. sandy

    hehehe… mukhang di pa kayo nakarating sa Cubao Expo, yung dating Marikina Shoe Expo (sa likod ng Ali Mall & at dating Rustan’s; sa gitna ng Araneta Bus Terminal at ng Puregold).

    sumilip ka doon, ibang mundo din…

  7. kengkay

    naku, naging tambayan ko rin ang cubao dahil ang isa sa malapit kong kaibigan e taga san mateo. di ba dun rin yung mga fx na papuntang san mateo? kaya inaabot kami ng madaling araw dyan sa cubao… tambayan namin sa may carnabal kasi libre kami dun, tapos kain kami sa red ribbon o kaya naman sa greenwich o kaya pizza hut. kapag bagong sweldo at sale, asa rustan’s naman kami. pero never pa akong nakapanood ng sine sa cubao, takot ako, nyeee

  8. alasais

    Hahaha! Subukan mo manood ng sine sa Cubao. Hindi ako sigurado kung showing pa din yung “Masarap Kung Masungit” pero kung oo, maganda yun. Hintayin mo yung hardware scene…

    Nakakamiss ang Fiesta Carnival. Hintayin nyo ang blog namin tungkol doon.

    Tem-i of Alasais

  9. homebodyhubby

    Cubao. Ito ang pinakasentrong lugar na stop-over ko kapag lumuluwas ng Maynila — bumibili ng gamit sa trabaho, bumibisita sa nanay ko (sa Timog Katagalugan) at byenan ko (sa Rizal), at umuuwi pabalik ng Nueva Ecija.
    Wala yatang lugar sa buong Metro Manila na mas papamilyar pa sa akin sa mga panahong ito. CUBAO.

  10. otep

    taga cubao ka ba?

    mukhang kabisado mo na kalakaran d’on ha. nayhahaha

    s’ya nga pala isa ako sa mga nakatayo dun sa overpass pagsapit ng gabi..nyahahahaha.. Lolz.. naalala ko lang kasi noong napadaan ko dun galing araneta,

    may lumapit saking (Bugaw?) sabi sakin “boss kuha kayo?” haha natatawa lang ako kasi mukha pala akong manyakis,

    paglagpas ko may lumpait uli sakin
    “boss bata pa, 300 lang” nyahaha, tatawad nga sana ako eh, nyahaha..

    matapos ng sitwasyong ‘yun nagbago ang pananaw ko sa progresibong lugar ng CUBAO..

    nakakalungkot pero realidad

    \m/

  11. alasais

    @otep:

    hahaha! saang overpass ‘yan? makatambay nga rin dun…

    oo nga, ‘yan ang realidad, sa bawat lugar, progresibo man o hindi

    –tenco

  12. Jhaynee

    sa cubao ang puntahan ng pamilya naming napapadpad sa maynila. may “ancestral house” kami dun na sobrang lapit sa palengke, sa malls, sa mrt station, in short, sa lahat. hehehe.

    i miss manila

  13. batopik

    di ako makarelate.. huhuhu..
    pero alam ko yang alimall..
    jan kami bumili dati ng kokomban..
    ewan ko ba kung bat jan kami bumili eh ang layo sa bahay namen!
    LABO NG NANAY KO.

    Basta alam ko peborit ko yung hopia tas jan kami nabili nun. Sa cubao papuntang crossing na papuntang marikina! haha. tama ba? bata batuta pa aku non eh. rawr! di ko lam… waaaaah!!! alam niu ba yung Jackson? dun sa quezon city?? hakhak!

  14. Tsutsay

    CUBAO!! nung bata ako nawala ako sa Fiesta Carnival…=( kasi ba naman natuwa ako sa karosel ayun napahiwalay tuloy ako..ilang oras din daw ako hinanap ng mga pinsan at tito ko dun..haay..buti na lang nakita nila ko..kung imiyak pa naman ako sobrang lakas! syempre para marinig nila na may batang nawawala..ehehe,tapos nung nakita akong mga pinsan kong lalaki pinagtatawanan ako kasi ang dungis ko na raw tapos kulot pa!( nu na ichura ko nun! buti na lang maputi ako wehehe!)…usok kasi dun eh..sa totoo lang 2 beses pa lang ako nakapunta ng Cubao. Nung bata ako at nung last july08 kasi dun kame namalengke ng nanay ko panghanda sa bday..mura daw kasi dun. imagine kapit na kapit ako sa nanay ko baka kasi mawala ulit ako ahaha..

  15. alasais

    Tsutsay,

    Mas ok nang mawala sa may carousel kesa sa horror ride nila na ubod ng panghe. Talagang tanda mo pa yung date ng dalaw mo sa Cubao ha? H’wag kang mag-alala, hindi ka mawawala dun, basta walang carousel sa palengke!

    Thanks for reading our blogs! Keep supporting Alasais!

    Tem-i of Alasais

  16. Tsutsay

    Tem-i,

    wahaha! mapanghe ba dun? siguro madalas ka dun sa horror ride?..

    ano nga kaya kung may carousel sa gitna na palengke? hehe..

    -Tsutsay

  17. alasais

    Tsutsay,

    Oo naman mapanghe talaga dun, parang hindi na nalilinis. Pero ewan ko ba, parang mas ok na nga talaga atang ganun kasi shempre hindi naman nakakatakot ang horror ride na amoy muriatic acid diba?

    May mini-carousel sa palengke. Yung pambugaw ng langaw ngayon na hi-tech, diba?

    Keep enjoying Alasais!

    Tem-i

  18. hisnameisdencios

    mahal ko ang cubao! hahaha!
    galing ng post! kumpletong impormasyon at nakakatawa pa =) astig kayu mga tsong!

  19. alasais

    Dencios,

    Mahal natin ang cubao. We’re glad at natatawa ka sa blog na yan. Nakakatawa e no? Salamat sa pagsuporta sa Alasais pare.

    Tem-i of Alasais

  20. mishes

    napansin ko lang nun minsan nakasakay ako sa unahan ng jip, un mga barker sa cubao na nakauniform mali spelling ng cubao.. di ko lang maalala kung pano basta mali.. pasaway un nagprint nun.. hehe

    sa mga driver dun, lagi sila may dalang basahang bilog pansinin nyo – meron kasi dun 1 pulis na nangongolekta ng basahang bilog (un siguro bisnis nya, pagkolekta nya sabay papabenta sa mga batang kalye ng cubao! hehe). may ranking din ang mga kotong na lispu dito.. pag mababa lang pde na 10.. pero pag nakamotor at malaki na ang tyan, d na payag ng 10 or20 yan.. dapat 50 na pinakamababa, kahit pa piso piso keri lang..🙂

  21. alasais

    Mhey,

    Baka ‘Cubau’ ‘yung spelling na tinutukoy mo. At mukhang may experience ka sa mga kotong cops a. O eto ang singkwentang tig-p-piso, saksak mo sa lalamunan nila!

    – Tenco

  22. alasais

    Mishes,

    Madami pa din nga talagang nangongotong na pulis. Dati pa nga ay may nakita akong kinotongan ng lespu. Yung kinotongan niya ay may ketong. Share ko lang.

    Tem-i of Alasais

  23. mishes

    @tenco: oo cubau nga ata yun. nalito tuloy ako kung alin ang tama.. cubao o cubau!! sa mga tga cubao/cubau.. alin po ba tama??? hehehe

    @tem-i: ang kulet ng hirit.. hahaha…

  24. Snowden

    Nyay!walang patawad mga pulis dyan pag walang mahuth0t say0 kahit pitik nalang sa il0ng pwede na…lagi ako dyan sa s0g0.haha.j0ke…ay0s sa cubao daming paninda,ingat lang baka pinipitas na din gamit m0.haha..

  25. alasais

    Snowden,

    Hmmm…siguro ikaw yung nakasalubong ko sa 3rd floor ng Sogo. Naka sumbrero kang Chicago Bulls tapos naka maong na jacket? At ang kasama mo ay maputi at maigsi ang buhok, naka hikaw na bilog at may punit sa tuhod ng kaliwang istakings?

    Tem-i of Alasais

  26. TunYing

    cubao… ang tambayan ng mga magdalena… hehehe… dati dun lang sila naka-tambay sa may railings along edsa at aurora blvd… ngayon nasa taas na sila ng footbridge… ayos! hahahaha…

  27. balotlot

    cubao

    -d2 kmi sumsakay pag uuwi kmi ng becool kht la kmi ticket reservation eh may available bus na byaheng becool.

    -b4 pag xmas season eh sarap manood ng mga xmas decorations ng c.o.d.. tpos lakad ka konti makikita mo nmn yung giant xmas tree sa harap ng araneta coliseum.. kht ala ka pera eh damang dama mo ang pasko db db db..

    -cubao kung saan matatagpuan ang araneta coliseum ‘the big dome’ d2 ko unang nakapanood ng mga concert act mapa local o foreign artist.. at syempre “PBA” san miguel fans club hehehe… love u danny seigle.. galing bumitbit ng bola.

    bsta enjoy lge at masaya pag nsa cubao ka…

  28. alasais

    Baby Ruth,

    Ibang klase talaga ang Cubao noh? Parang parating piyesta e.

    Defense! Defense! Defense! ‘Di ba nagchampion si Benjie Paras sa San Miguel?

    – Tenco

  29. ipe

    mga lugar na dapat tandaan sa cubao noon at ngayon..

    1. SM cubao
    dito kami binibili ng nanay ko ng pamasok na bag, sapatos at iba pang gamit sa iskwela(hindi nga lang damit kse may tinda kaming school uniporn).. naaalala ko pa ang rides sa foodcourt ng SM cubao na hinuhugan ng token.. meron pa akong mga pictures dun.. sa jollibee foodcourt pa kami nag-celebrate ng bday dati ng kapatid ko.. dito din ako binibili ng nanay ko ng laruang wrestling katulad nila hulk hogan, ulitimate warrior, demolition, legend of doom, million dollar man, atbp.

    2. alimall
    ito ay katabi lamang ng SM cubao.. madaming mga nagkalat na mga bakla dito.. naalala ko pa na madalas kaming manood ng ex-gf ko na taga-kamias sa alimall dhil bagong renovate ang sinehan nila.. ayun, madaming mga matatandang bading na pumapasok sa sinehan na may kasamang bagets na nakayuko dahil siguro sa kahihiyan..

    3. rustans
    naaalala ko ang rustans dahil meron doon goldilocks na kapag dumadaan kami ay bumibili ang nanay ko ng gelatin dome cake.. ung iba iba kulay na gelatin (may red, yellow, orange, green).. ito din ay dinadaan mo pagbaba ng jeep para pumunta ng fiesta carnival..

    4. fiesta carnival
    ito ang kauna unahang amusement park sa pinas.. mas nauna pa ito sa enchanted kingdom, star city, payanig sa pasig at boom na boom.. meron silang riles ng tren sa loob ng fiesta carnival.. ang hindi ko makakalimutan ay ang ride nilang parang longganisa na nakasabit.. ngayon shopwise na ang naka-tayo sa fiesta carnival..

    5. COD
    ito ang dating gusali na inuukupahan ng puregold cubao ngayon.. dito meron palabas kada pasko at lagi namen un pinapanood.. parang libreng sine.. at pagkatapos manood ng palabas sa COD, kakain naman kami sa 3M pizza o kaya ay sa “ma mon luk” na kilala sa kanilang malalaking siopao.. ang “ma mon luk” cubao ay wala na..

    6. isetan
    ito ay matatagpuan sa kahabaan ng aurora.. ito ay isa sa nagsisilbing pinto ng cubao para sa mga commuters na bumababa sa aurora blvd.. kpag gabi, madaming mga bakla dito at hindi na ako ulit mag-aantay ng fx dito dahil inalok na ako ng bakla minsan dyan.. muntik ko na sya masuntok..

    7. farmers
    isa din itong pinto para sa mga commuters mula sa edsa.. babaan ng mga bus galing makati(south) or caloocan(north).. kilala din ang foodcourt ng farmers dahil khit tanggahaling tapat ay meron nag-iinuman ng beer doon at minsan meron pang live band.. ito ang nagdudugtong sa cubao sa MRT..

    8. plaza fair
    giniba na ang nasabing istablishamento at tinatayuan ng parte ng gateway ang bahaging ito ng cubao.. tapat nito ang new frontier cinema na meron dunkin donuts at mcdo..

    9. new frontier cinema
    kapag pauwi na kami at pabalik ng marikina o kaya’y kamias, dinadaanan namen ito.. meron mcdo, dunkin donuts at shakeys sa hilera nya.. sarado na ang naturang gusali..

    10. araneta coliseum
    ang the big dome na pinagtatanghalan ng concerts, sports events at derby.. madalas ang PBA at UAAP dito.. dito din naglaban si ali at frazier.. dito din lumaban si pacquiao sa kanyang tune up bout labang kay oscar larios..

    11. edsa-aurora blvd overpass
    dito nagkalat ang mga prostitute sa gabi.. aalukin nila ang mga itsurang construction workers dahil naiisip nila na walang pumapatol na mga babae dito at kaong na kaong na.. “sir, gimiK” yan ang madalas nilang bati sa mga kalalakihan..

    12. mga beerhouse
    sa kahabaan ng aurora galing ng marikina, may mga side streets na harvard, yale, at bago mag-annapolis.. dyan mo makikita ang hilera ng mga beerhouse.. kung maliit lang ang budget mo, pumik-up ka na lang sa tapat ng chowking aurora.. makaka-discount ka pa.. itanong nyo pa kay chad..

    13. mga terminal ng bus
    sakayan patungo sa iba’t ibang probinsya..

    14. mga motel
    wala pa noon ang mga sogo at eurotel.. ang dating pinupuntahan namen ay ang wise hotel ng ngayon ay kabayan hotel..

  30. alasais

    Totoy-Go-Large,

    Isa kang alamat! Punung-puno ng impormasyon ang comment mong ‘to! Mukhang hindi lang Marikina ang kabisado mo ah! Mukhang tambay ka din sa Bang-Bang -Ali at Ali-Bang-Bang! Idagdag mo na din ang Coronet at Act I at Act II. Taga-san ka ba? Kuhang kuha mo ang deskripsyon ng mga lugar, noon at ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay isa kang Lagarista sa umaga at Bugaw sa gabi. Tama? Daig mo pa si Soxy Topacio!

    Welcom to Alasais Pare. Tambay ka lang dito. Ok ang mga hirit mo. Magdala ka lang ng pan de coco pag tumambay ka dito, medyo gutom na ako eh. Tanggalin natin yung coco sa gitna nung pandesal tapos ikanin natin.

    Tem-i of Alasais

  31. alasais

    Ipe,

    Favor naman pare, drawing ka naman ng mapa ng dating Cubao, mukhang alam na alam mo ang itsura e. Kahit nakapiring yata ang mga mata mo eh alam mo kung pa’no ang pumunta sa… overpass.

    – Tenco

  32. ipe

    mga lugar na dapat tandaan sa cubao noon at ngayon..

    1. SM cubao
    dito kami binibili ng nanay ko ng pamasok na bag, sapatos at iba pang gamit sa iskwela(hindi nga lang damit kse may tinda kaming school uniporn).. naaalala ko pa ang rides sa foodcourt ng SM cubao na hinuhugan ng token.. meron pa akong mga pictures dun.. sa jollibee foodcourt pa kami nag-celebrate ng bday dati ng kapatid ko.. dito din ako binibili ng nanay ko ng laruang wrestling katulad nila hulk hogan, ulitimate warrior, demolition, legend of doom, million dollar man, atbp.

    2. alimall
    ito ay katabi lamang ng SM cubao.. madaming mga nagkalat na mga bakla dito.. naalala ko pa na madalas kaming manood ng ex-gf ko na taga-kamias sa alimall dhil bagong renovate ang sinehan nila.. ayun, madaming mga matatandang bading na pumapasok sa sinehan na may kasamang bagets na nakayuko dahil siguro sa kahihiyan..

    3. rustans
    naaalala ko ang rustans dahil meron doon goldilocks na kapag dumadaan kami ay bumibili ang nanay ko ng gelatin dome cake.. ung iba iba kulay na gelatin (may red, yellow, orange, green).. ito din ay dinadaan mo pagbaba ng jeep para pumunta ng fiesta carnival..

    4. fiesta carnival
    ito ang kauna unahang amusement park sa pinas.. mas nauna pa ito sa enchanted kingdom, star city, payanig sa pasig at boom na boom.. meron silang riles ng tren sa loob ng fiesta carnival.. ang hindi ko makakalimutan ay ang ride nilang parang longganisa na nakasabit.. ngayon shopwise na ang naka-tayo sa fiesta carnival..

    5. COD
    ito ang dating gusali na inuukupahan ng puregold cubao ngayon.. dito meron palabas kada pasko at lagi namen un pinapanood.. parang libreng sine.. at pagkatapos manood ng palabas sa COD, kakain naman kami sa 3M pizza o kaya ay sa “ma mon luk” na kilala sa kanilang malalaking siopao.. ang “ma mon luk” cubao ay wala na..

    6. isetan
    ito ay matatagpuan sa kahabaan ng aurora.. ito ay isa sa nagsisilbing pinto ng cubao para sa mga commuters na bumababa sa aurora blvd.. kpag gabi, madaming mga bakla dito at hindi na ako ulit mag-aantay ng fx dito dahil inalok na ako ng bakla minsan dyan.. muntik ko na sya masuntok..

    7. farmers
    isa din itong pinto para sa mga commuters mula sa edsa.. babaan ng mga bus galing makati(south) or caloocan(north).. kilala din ang foodcourt ng farmers dahil khit tanggahaling tapat ay meron nag-iinuman ng beer doon at minsan meron pang live band.. ito ang nagdudugtong sa cubao sa MRT..

    8. plaza fair
    giniba na ang nasabing istablishamento at tinatayuan ng parte ng gateway ang bahaging ito ng cubao.. tapat nito ang new frontier cinema na meron dunkin donuts at mcdo..

    9. new frontier cinema
    kapag pauwi na kami at pabalik ng marikina o kaya’y kamias, dinadaanan namen ito.. meron mcdo, dunkin donuts at shakeys sa hilera nya.. sarado na ang naturang gusali..

    10. araneta coliseum
    ang the big dome na pinagtatanghalan ng concerts, sports events at derby.. madalas ang PBA at UAAP dito.. dito din naglaban si ali at frazier.. dito din lumaban si pacquiao sa kanyang tune up bout labang kay oscar larios..

    11. edsa-aurora blvd overpass
    dito nagkalat ang mga prostitute sa gabi.. aalukin nila ang mga itsurang construction workers dahil naiisip nila na walang pumapatol na mga babae dito at kaong na kaong na.. “sir, gimiK” yan ang madalas nilang bati sa mga kalalakihan..

    12. mga beerhouse
    sa kahabaan ng aurora galing ng marikina, may mga side streets na harvard, yale, at bago mag-annapolis.. dyan mo makikita ang hilera ng mga beerhouse.. kung maliit lang ang budget mo, pumik-up ka na lang sa tapat ng chowking aurora.. makaka-discount ka pa.. itanong nyo pa kay chad..

    13. mga terminal ng bus
    sakayan patungo sa iba’t ibang probinsya..

    14. mga motel
    wala pa noon ang mga sogo at eurotel.. ang dating pinupuntahan namen ay ang wise hotel ng ngayon ay kabayan hotel..

    15. mga terminal ng fx at jeep
    dito ako sumasakay gabi gabi galing sa trabaho.. hindi nawawalan ng byahe dito.. gising ang mga driver na halata mong adik dahil sa itim at lalim ng eyebags nila.. minsan nga’y gusto ko silang tanungin kung naliligo pa ba sila dahil sa mangitim ngitim nilang good morning towel at puting tshirt.. dito mo din makikita ang sandamakmak na barker na nag-aagawan ng pasahero..

    16. gateway
    ito ang bagong atraksyon sa cubao.. ang gateway mall.. nakaugnay ito sa LRT, araneta coliseum at farmers.. ito na ang bagong alimall ngayon.. kaya hindi mo nanaising makipagkita sa iyong date sa sinehan portion ng gateway.. naglipana ang mga bakla dito.. ang food court nya ang sosyal dahil mapipilitan kang bumili ng softdrinks o tubig dahil wala silang drinking fountain..

    17. national bookstore
    katabi lamang ito ng gateway at katapat ng araneta coliseum.. ito ang isa sa pinakamalaking national bookstore sa kasaysayan ng mga libro.. meron itong escalator at mistulang mall din..

    18. ukay ukay
    nagkalat ang ukay ukay ngayon sa cubao.. lalu na dun sa side ng edsa sa baba ng STI.. madami kang mabibiling mga bagong lumang damit..

  33. ipe

    salamat tem-i.. kayo din ay nabibilang sa mga alamat at isama natin ang alamat ng siyensya na si hayden..

    buti at meron ganitong mga artikulo sa internet na nakakaalis ng pagod mula sa pagkayod sa ating propesyon at sa kama..

    susubaybayan ko ang inyong mga kasulatan at ako’y magdadagdag ng aking nalalaman sa mga bagay..

    batang cubao din ako dahil ang aking mga ninuno ay mula sa kamias lamang na isang tricycle lang o kaya’y jeep na cubao kalayaan patungong cubao..

    mabuhay si SOXY TOPACIO!!! magpa-BP ka ngayon!!!

  34. alasais

    Totoy Go Large,

    Totoo yan pareng Go Large. Alamat talaga kami. Alamat ng Pinya (“P” niya). Ipagpatuloy mo ang pagkayod at pagkudkod ng libag. We would love to have you follow us as we share each other’s memories and saliva. Huh?

    Keep those comments coming. Nakakatuwa na mabasa ang mga karanasan niyo dahil talagang hindi tayo nagkakalayo. Lahat tayo ay nagkakalibag na korteng tsinelas pagkatapos maglaro. Mabuhay si Soxy Topacio! Mabuhay Hotel! Mabuhay ang Happy Sauna!

    Tem-i of Alasais

  35. proper

    andito din pala si pareng totoy go large…minsan ko nang nakasama yan at nakasama din namin ang ilang litrong serbesa mula kay San Miguel

    musta mga pare ko…

    may mga ala-ala din ako sa Cubao

    Araneta Center:
    bukod sa Ali-Frazier, naging saksi din ang Cubao sa isang Saturday Edition ng That’s Entertainment kada taon kapag panahon ng Pasko, ang ending lagi ay sisindihan ni Kuya Germs ang giant Christmas Tree sa may Araneta Center.

    sa Cubao din ang lugar kung saan nag-shooting ng pelikulang “Payaso” (walang laban si Joker jan!) na binibidahan ni Kuya Germs ulit…Iba ang kalungkutan na dala ng pagkamatay ng isang payaso (pasensya sa mga hindi pa nakakapanood nito)

    COD:
    kapag pasko…akala mo may Simbang Gabi sa dami ng tao sa labas ng COD, ang taunang palabas nila sa pasko ay kamangha-mangha! Bawat bata ay naka-suot na ng pajama at nakatingala…pinapanood ang kakaibang palabas, ang mga magulang naman ay asar na kasi pagod na sa kakabuhat sa kanilang mga anak upang lalo nilang masilyan ang palabas.

    Araneta Coliseum:
    Tuwing pasko, may mga palabas sila na puro Disney ang mga karakter at sila ay nasa YELO. Opo, yun nga po, Disney On Ice! laging may ganyang palabas kapag pasko…ngayon meron pa din niyan at idagdag mo pa ang Wrestling (hindi yung Pinoy Wrestling, sa SM North yun nung araw at laging pinapalabas ulit yun sa RJTV 29 noon) ang WWE, Raw o Smackdown o ECW, hindi ako natutuwa gaano sa wrestling ngayon dahil wala na ang aking idolo si BRET “THE HITMAN” HART! (oo mga tol, dinaya sha ni Shawn Michaels sa 1999 Survivor Series, hanapin mo yan sa Wikipedia at maniwala)

    Farmers:
    Nasaan na ang mga magsasaka?!?!?!?!
    Teka…sa Farmers ang lugar kung saan unang nagpakita sa publikong Pilipino si Batista ang sikat na wrestler sa WWE!!!

    Tawiran sa paligid ng araneta center:
    Naku po! ang tawiran na strikto! mas strikto pa kay MMDA Chairman! kapag bawal pang tumawid, may mga pang-barkong lubid ang mga security guard na hahawakan nila at hihilahin upang gawin pang harang sa mga taong nagbabalak tumawid…hindi ko alam kung epektibo ito

    SM Cubao:
    Sang-ayon ako kay pareng go large, dito binibili ng aking nanay ang mga gamit ko pang-eskwela…aba pati ang una kong Batman aksyon figure, na halata mong kinorte sa mukha ni Micheal Keaton, ay dito din nabili…ang foodcourt? klasik!!!! minsan na akong naligaw jan…dahil bata pa…kapag pababa na ay naalala kong may tindahan ng family computer sa tabi ng hagdanan…pina-uuna ko ang aking nanay pababa…kamangha-mangha ang mga larong Super Mario at Double Dragon noon at ang lupet pa ng iba may 100 in 1 games pa! pagkababa ko ay gulat na gulat sa nakikita, akala mo ay piyesta sa dami ng taong kumakain ang kumukuha ng pagkain! buti na lang at Jollibee ang aking paborito, andun lang pala ang aking nanay, malapit sa Jollibee, at kung sa McDo naman kami kakain…

    New Frontier
    aba! wala nang tatalo sa McDo na halos katabi ng New Frontier Cinema! hangang pag graduate ko nung Kolehiyo ay yung makalumang karatula pa din ng mcdo ang nakalagay

    Terminal ng Bus
    noong bata pa ako, kapag pupunta kami ng makati, dito ang aming bagsak…tapos mag-aantay ng biyahe Makati ng Love Bus! ayun! ang klasik na klasik na bus…ang Love Bus na panay puso ang disenyo na may naka sulat pa sa loob ng puso na “love bus” at “save gas” kung ang inyong tatay at nanay ay sumasakay ng love bus at bumababa ng Cubao siguradong minsan ka nang nakatanggap ng pasalubong na Munchkin galing sa Dukin’ Donuts na hangang ngayon ay nasa may terminal pa din

    Rustans
    aba! kapag Sale at may diskwento sa mga produktong binebenta? hala! ayan na! agawan, sikuhan! para sa mga produkto! iba talaga noon kapag nagsasale ang Rustans, nag-uumapaw ang binibili ng mga mamimili ang order ko lang kay inay at itay nun ay swiss knife…kasi idolo ko si Angus, ANGUS McGyver…at naniniwala ako na McGyver + Swiss Knife = Kapayapaan Pandaigdig…

    Cubao, Cubao! isang munting paraiso ka sa gitna ng EDSA…kung may pera lang ako, bibili ako ng unit sa Manhattan Gardens

  36. alasais

    Proper!

    Katropa mo si Totoy Go Large???? Bwahahahahaha!!! Tangina mukhang sasakupin niyo na ang comments page ng Alasais ah! Hahaha!!!

    Anyway, san ba ako magsisimula…

    Akala ko ay sinabi na ng katropa mo ang lahat lahat ng masasabi tungkol as Cubao. Hindi ko akalain na may isang blog pa tungkol dito! ANo ba kinakain ng tropa niyo? Baket napakagaling niyo sa ka-oldskulan? Hindi kaya magkapitbahay lang tayo? Hahaha!

    Klasik nga talaga ang Love Bus na yan! Yan ang haring bus na asul na mukhang malamya sa labas ngunit napakatindi din ng mga drayber at kunduktor sa loob! Hmmm, makagawa nga ng blog tungkol sa bus…

    McGyver! Ang lagi kong nasa isip noon – “Kung ikukulong ko si McGyver, eh sisiguraduhin kong nakahubo’t hubad siya at wala akong ilalagay na kahit ano sa loob ng kulungan niya. Putangina kahit ata kulangot niya eh kaya niang gawing bomba para pasabugin ang kulungan at makatakas eh!”

    Unahan tayong makahanap ng boots ni Hitman!

    nako, korek ka diyan Pare. Talaga naman walang mintis ang tulo ng luha ko kapag pinatugtog na ang “Send in the Clowns” sa pelikulang “Payaso”. Napakalaungkot na pelikula at talaga namang klasik ang acting ng bading na Master Showman na yan. Pero salamat sa kanya at nakabuo siya ng isang show na kung saan nagsulputan ang mga sikat nating artista ngayon – That’s Entertainment Thursday Group! Puro laos kasi yung sa ibang araw eh lalo na yung Monday Group. Hahaha!

    OK ang comments mo Pareng Proper. Bat “Proper”? Kelangan din palang gumaling sa Double Dragon dahil gusto kong talunin si Abobo sa stage 1. Bwahaha!

    Good post tol! Tambay ka lang dito lagi upang masariwa natin ang ala ala ng mga klasik na pangyayari sa ating buhay batang kalye!

    Teka…teka…Eh kilala din ni Totoy si Rojan eh! Eh di kilala mo din siya? Taga-Marist ka din? Aba! Lumalaki ang Alasais Marikina Branch ha!

    Nagmamahal,

    Tem-i of Alasais

  37. proper

    maraming salamat Tem-i, lubos ang galak ko at nagustuhan nyo ang inidagdag ko…

    bukod kay pareng go large ay kilala ko din si pareng rojan

    sasakupin? ‘di ko alam pero alam ko ay nagising ng inyong blog ang nag-aalab na damdamin ko para sa mga bagay-bagay na klasiko at tunay na pang dekada ’90s…

    bakit proper? bakit nga ba? siguro kasi kakaiba…

    nung isang araw lang, napabili talaga ako ng laruan na bret hart! idolo talaga yan (panis si hulk hogan jan mga tol)

    double dragon? kapag nakatakas ka na kay abobo may ituturo ako sayo na teknik, ang teknik na ito sa matindi, kapag ginawa mo yun kaya mo nang makuha lahat ng puso at makukumpleto mo na lahat ng mala-Lito Lapid na galaw ng bida

    muli, salamat sa iyo at sa inyong blog

  38. Rojan

    Walang Megamall kung walang cubao… may tanong ako???? Totoo bang ang Project 1 ay ang Cubao??? kasi may project 2, 3, 4…8 nasan ang project 1??? hindi kaya yun ang tinatawag natin na cubao?

    May nakalimutan ata tayo.

    BANGBANG ALI
    ————

    Cubao pa rin to, along edsa siya katapat ng Farmers, malapit sa arayat st. ito ang kinatatayuan ng samson college. Isang alamat sa larangan ng beerhouse. Sa cubao din matatagpuan ang iba’t ibang disco… BARTOLINA 1 and 2… HARVARD… FLIRT…. lahat ng ito ay disco DAW! hahahaha…. Hindi ka “IN” kung hindi ka nakapunta sa cubao.

  39. alasais

    Rojan!

    Hahaha! Bartolina 1 and 2! Parang Act 1 and 2 lang ah! Flirt na ang pumalit sa Bang Bang Ali diba?
    Eto ang mga Projects, tol.

    Project 1 (presently Roxas), Project 2 (Quirino-A), Project 3 (Quirino-B), Project 4, Project 5 (presently Kamias), Project 6, Project 7, and Project 8.

    Ang alam ko din ay may alamat na Project something ang Cubao mismo eh. Narinig ko din yan pero hindi ko lang sure kung barbero o totoo. Makapunta nga munang disco…

    Tem-i of Alasais

  40. alasais

    Rojan,

    Oo nga noh, sa’n na nga ba ang Project 1? Projects 4,7, at 8 lang ang alam ko eh.

    Hindi halatang mahilig ka sa mga beerhouse at disco ah. Magkano ba ngayon dun?

    – Tenco

  41. Abu Sayad

    nyahaha Cubao… d2 ako noon sumasakay ng fx na pa- san mateo pag galing ako ng welcome rotonda or u-belt, nakakafrustrate maghintay lalo na’t pag nauunahan ka.. tangna 1-2 hrs na antay lalo na pag rush hour. kung pwede lang eh sipain mo sa ulo ung police at mmda na nagcocontrol ng trapik sa mga fx at colorum amp. d2 ko rin naexperience ang 2lad nga ng sinabi sa blog ang matanungan ng “sir, babae gs2 nyo? 50 pesos lang!” nak ng pating mas mura pa sa sinabi ni tikboy! ew aids lol. at syempre di mawawala ang mga snatcher lol.. lalo na jan sa may isang computer-shop sa farmers tikan na ako manakawan jan.. at syempre ang Araneta woohoo PBA! at iba’t ibang concert.. trapik lagi cubao pagmay event ang Araneta Coliseum.. o yea C.O.D. ung mga mannequin show every dec. esp christmas d ko makakalimutan un. nag enjoy ako nun pag dnadala ako ni erpats dun.. that was gr 3. lol.

  42. Abu Sayad

    nga pala binasa ko mga comment natuwa nman ako at may tga marikina din pla d2.. at tga marist pa.. dun dapat ako e. kaso late na ako kya bagsak ko olopsc. lol. nkakapawi ng lungkot ang mga blog nyo parang nasa pinas lang ako lol..

  43. alasais

    Aby Sayad,

    Ang dami niyong taga-Marikina a. Ituloy lang ang pagbabasa pare. Magkwento lang kayo nang magkwento.

    (sa saliw ng Family Affair Remix)

    – Tenco

  44. alasais

    Abu Sayad!

    Hahaha! Olopsc ka pala ha! Gusto ko dumaan palagi dun dahil mukhang Disneyland ang eskwelahan niyo. May mga naging kaibigan din ako na sa Olopsc ata nag-aral eh. Normal naman sila. Hirit Marikina. Hehehe!

    Keep your comments coming!

    Tem-i of Alasais

  45. Abu Sayad

    LOL di ko na naabutan ang “mukhang Disneyland” ng preschool.. college na ako nun sa ibang school nang itayo nila yang mala Disneyland na nakapreso si snow white sa labas lol.. lol anong ibig mong sabihin na “normal nman sila”? hahahaha.

  46. alasais

    AbuSayad,

    Normal naman ang mga kaibigan kong taga Marikina, meaning hindi sila abnormal. Gets? Hehehe! Anyway, we always look forward to reading your comments!

    Tem-i of Alasais

  47. eboy

    haha..cubao…

    alas otso ng gabi habang naglalakad sa tabi ng shopwise harap ng araneta center.patungo sa isetan at aurora underpass hbang nakatayo sa may gilid ng highway habang nag hihintay ng jeep papuntang sta. mesa.aba sa biglang gulat ko may lumapit na bakla skin magkano daw ako at ina alok ako.sheeeeettt..pagkamalan ba akong CALLBOY..sarap sapakin ng baklang yun at itulak sa may highway para masagasahan ng rumaragasang mga jeep at fx..

  48. alasais

    Eboy!

    Musta?

    Katropa ko ata yung nag-alok sayo eh. Mabait yun! Pagbigyan mo na yun, minsan lang makakita ng pogi eh…wushoooo!!! Sarap talaga tumambay sa Cubao, lalo na pag wala kang pera at titingin tingin ka lang sa kahit anong tindahan nila dun.

    Tem-i of Alasais

  49. eboy

    haha..tol.ang saya ng blog nyo. tlgang na re-reminisce ko nung bata pa ako..haha..parang ang buhay mo at buhay q nun halos pareho..hais.mga chichiria nga naman nun pagkasarap sarap lalo na ang pompom at pritos ring..babol gam na bazooka.bigla q 2loy naiicp na sa bazooka aq natutong mag palubo ng babol gum hehe..lolz..

  50. yayeng

    eh ako ang reyan ng cubao sa barkada namin dati. yun ang sentro ng lahat. pag galing ka ng probinsya, sabihin mo lang ang cubao at pwede niyo nang maging pick-up point.

    yan ang pioneer bago pa nagkaron ng mga bagong libangan sa pilipinas – fiesta carnival, COD, skating rink, bowling alley, etc…

    miss ko na ang lumang cubao kahit ngayon pinaganda talaga siya ng grupo ng sikat na mga arkitekto ni Palafox.

  51. ed

    nabiktima na ko sa cubao sa katangahan ko, pero lam ko naman mga nangyayari sa footbridge tuwing gabi, nun umuwi ko mag isa mga 11pm, puro nakaabang ang babata pa na bebot paakyat sa footbridge, ewan ko gusto ko i try, naloko ako dun sa banda act, mga hustler ang mga bugaw at babae dun, susungitan ka, at hihingian ka ng pera, ginawa ko di bale nlng nasayang pera ko pero at least mas delikado kung nakipag talo pa ko, umalis nlng ko, mas mahal ang buhay, lessons learn, iwas ako sa lugar na yun tuwing gabi.

  52. alasais

    ed,

    Okay na rin ang hindi ka nakipagtalo lalo na kung mag-isa ka lang. Maghanap ka nalang sa ibang oras, este sa ibang oras ka nalang dumaan dun.

    – Tenco

  53. Janet Raganit

    hahahaha…nakakatawa nman alalahanin..nakakatuwa nman kau..at nakarelate aq.. taga cubao rin kc aq dun aq pinanganak at ngkaisip… ang 1 s ntatandaan q jan eh ung s aurora blvd… kapag GO na ang red light eh sya n ring go… ang mga isnatcher s paghila ng kwentas mo… at ung pagsakay mo ng bus mapaordinary man o aircon.. ay xa nman magsisisakay ang mga klalakihang grupo ng mga mandurukot gang… n ngbibigay attention ingay at sasabayan mkipasiksikan s mga pasaherong pababa na ng di mo namalayan eh ndukutan n pala…

  54. zick

    ang kulit naman ng blog nyo. Ang original na sinearch ko sa google about sa may school (TIP) but i end up reading your blogs. Good job mga dre,keep it up.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s