1. Tapatot

Una sa lahat, maligayang pasko sa sa inyo mga kalye boys and girls!  Yun lang.

Ok, heto ang next blogisode namin.  Kung meron tayong paboritong tsinelas (Check out and read “B. Paboritong Tsinelas”), siyempre ay meron din tayong paboritong sapatos.  Madami akong paboritong sapatos noon.  Napapakanta pa nga ako ng…

“Lumayo ka man sa aaahkiin..

At ako’y iyong limuuutiin..

Masakit man sa damdaaahmin..

Pilit pa ring titiisiiin..Mahal koooh..”  (Koneksyon?)

Ang una kong naging sapatos dati ay ang putting rubber shoes na Mighty Kid.  Naaalala nyo pa ba si Mighty Kid?  Siya yung kanong blonde na batang lalaki na kulot na may mala-Zorro na pamorma sa mata.  Lagi kong gamit yun kapag lumalabas kaming pamilya at siyempre ‘pag bata ka, kahit anong suot mong damit ay babagay ang puting rubber shoes.  Mapa-maong, shorts, cycling shorts (kung san laging nakabakat ang aking maliit na alagang butiki) o kahit naka-brip lang ako ay bagay na bagay pa din ang aking Mighty Kids.

Pagkatapos nun ay nagkaroon naman ako ng Teenage Mutant Ninja Turtles na rubber ulit.  Nasira na kasi si Mighty Kid kaya kinailangan ng bagong sisirain.  Kawawa naman ang sapatos na’to dahil ito ang panahong natuto akong maglaro ng “sipa”.  Lalabas ako ng bahay na suot lang ang kanang sapatos ko habang naka-tsinelas naman ang kaliwang paa.  Pagkatapos ng dalawang buwan ng paglalaro ng sipa ay natuklap na sina Donatello at Michaelangelo sa kanang sapatos habang nakangiti pa din at bagong bago sina Leonardo at Raphael sa kaliwang sapatos.

Siyempre nung natuto na akong magbasketbol ay nagpasukan na ang mga Kaypee at Add-in na sapatos.  Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung Add-in nga talaga ang tawag dun o Addoin!  Kasi may bolang design sa gitna ng “Add” at “in” e!  Pampalito mga gumawa niyan!  Mga bobo!  Mga Stupido!   – by Mon Tulfo

Hindi ako masyadong sanay gumamit ng leather shoes noon.  Ewan ko ba, parang laging nagpapaltos ang paa ko.  Marahil ay mura lang talaga ang tatak ng mga binibili sa akin noon.  Ultimo Gibi ay hindi ako nagkaroon.  Inang ‘yan.

– Tem-i


Meri krismas ebriwan!  Kung mapapansin niyo ay wala kaming blog ngayon tungkol sa pasko paksiw dahil last year namin ‘to isinulat (check out and read “F: Pasko Paksiw”).

“Pagkat saan ka man naroroon

Pintig ng puso ko’y para sa’yo!

Naghihirap man ang aking damdamin

Nagmamahal pa rin sa’yo giliw!”

Unang pumasok sa utak ko ang leather shoes kong gawa ng Gibi.  Matibay ‘to, tatlong taon ko ‘tong ginamit eh, at nagiging ‘sing lambot ng tsinelas ‘to nung tumagal.  Pwede mong ipam-P.E. ‘yan, magmumukha ka nga lang tanga.

Hindi ako nagkaroon ng Add-in / Addoin na ‘yan.  Ano nga bang tawag dun sa ilalim na parteng parang transparent?  Air max ba o air sole?  Totoo bang nakapagpapataas ng talon ‘yan?  Maraming naka-Add-in samin nun e.  ‘Yung sakin e rubber shoes na binili ni papa sa probinsya.  Maganda naman siya pero nagkakapaltos ako every 2 weeks.

Nung 1994, nauso ang boots.  Halos lahat ng grades 4 to 6 meron niyan e, at kabilang nako run.  Nauso rin kase ang boots kapag nagsasayaw eh.  Kapag ayaw pagalitan ng titser e semi-boots nalang ang ginagamit.  E ganun din ‘yun e!

Hahaha natawa ako sa kwento ni Tem-i tungkol sa sipa :)) Ginawa ko rin talaga ‘yun e, hindi kasi ako marunong mag-tuhod-tuhod sa sipa, kaya magdadala ako ng isang piraso ng rubber shoes.  Tapos hindi pala kame maglalaro ng sipa.  Puta naman!

Isa sa mga paborito kong rubber noon e ‘yung Reebok Pump.  Second hand lang ‘yung akin at hindi ko maalala kung saan ‘yun nakuha ni mama.  Basta ang naalala ko e marumi siya nung inabot sakin.  “Bakit parang galing sa putikan?  O sige ito nalang ang susuutin ko ngayon.”  Ang pump daw ay para maging mas malambot ang sapatos dahil nalalagyan daw ito ng hangin sa loob.  “Kalokohan! (sabay pump ng sampung beses)”

– Tenco


Haha may relasyon pa talagang sinabi kayong dalawang ungas sa umpisa sa ibang sulatin na naisulat e. Ako wala basta derecho sa topic na. Meri Krismas na lang sa inyong lahat!

Ambobo niyo talagang dalawa! Add-in ‘yun hindi Addoin! Mayroon bang salitang Addoin? Ano ‘yun pangalan? Si Mang Addoin? Bobo!

Ang tanda ko na unang sapatos eh Mighty Kid. Kulay bughaw na walang sintas tapos may malaking piktyur ni Might Kid sa unahan. Syempre ‘pag bata ka pa walang sintas talaga ibibili sa’yo. Si Mighty Kid parang si Alaska boy (yung bata sa lata ng Alaska) na ginawang superhero eh. Parang lahat ng nakikita kong bata noon ganoon ang suot na sapatos eh.

Mga ilang taon na lumipas eh nagkaroon din ako ng Add-in. Add-in hindi Addoin. Tanda ko eh sa Landmark pa ko binilhan ng nanay ko. Mayroon siyang airsole sa likod na ginaya lang sa Nike. Ang airsole niya ang plastik lang na matigas na hindi naman nakakatulong talaga sa pampalambot talaga sa sapatos. Ginaya lang talaga sa Nike.

Sumunod naman ang Grosby. Isa rin sa mga lider na mga manggagayang sapatos sa Pinas. Syempre may airsole rin ‘yun at syempre…matigas rin! Ginawa ko rin ang pagsuot ng isang paa ng sapatos para sa sipa pero minsanan lang kasi hindi ako ganoon kagaling sa sipa eh. Si siko boy lang ako eh kasi mahirap ‘yung sa paa mo titirahin ‘yung sipa.

Pagdating sa balat para pamasok sa iskul eh Rusty Lopez ang una kong naging sapatos. Kaya nakilala ko agad si Rusty Lopez sa industriya ng sapatos. Hindi siya mahal pero matibay. Tatlong taon ko siyang nagamit at hindi halos naupod ang ilalim. Hindi na lang kasya sa paa ko kaya binilhan na ako ng bago ni Tiknay.

Ingat na ingat rin pala ko sa sukat ng sapatos ko. Gusto ko eh sakto lang talaga sa’kin at hindi malaki tignan sa paa ko. Ayokong matawag na McDonald’s!

Tikboy

45 comments

  1. pilya'tpasaway

    hahahaha!😀

    familiar sken yung “Nauso rin kase ang boots kapag nagsasayaw eh. Kapag ayaw pagalitan ng titser e semi-boots nalang ang ginagamit. E ganun din ‘yun e!”

    Field Demo namin nun, kelangan ng boots para sa sayaw… semi boots lang din gamit ko.😀

    ang saya!!😀

  2. grasi

    Meri krismas, gwapings.

    kung ano ano shushangga ko nung elementary. pinakapatok at memorable ung chinese shoes. tela cya at di pwede gamitin pag naulan kase bukod sa masaklap ang feeling pag nabasa mejo di kaaya-aya ang amoy habang natutuyo. bawal nun ang charol sa iskul namin, kelangan leather.totoo, faux, syntethic leather! (bakit kaya pwede yung chinese shoes?)

    nauso yung mga DMs na boots. di ako nagkaroon ng ganun. (ermat: ang mahal!!!) tapos nauso sa PE yung Tretorn. Highschool na yata yun. halos pare-pareho ng sapatos sa PE. Unisex kasi. yung mga di kaya ng tretorn, robertsons! 150 bucks at may kagandahan cya. yun din gamit sa CAT kasi required ang white sneakers.

    sabi ni ermat, nung bata pa daw ako semi-imeldific daw ang collection ko ng shoes. ngayon, di bibili hanggang di nararamdaman ang kalsadang nilalakaran. pag nakaapak ka ng barya, alam mo na piso yun sa kanipisan ng swelas.

    kaya peborit ko ngayon ung happy feet ko. bakya. ayoko na nga eh di pa nakikitaan ng pudpod! sulit. rerecommend ko sana senyo kaya lang di bagay sa kalye boys ang bakya e.

    grasi

  3. batopik

    MELLY KLITMATT!!!

    hakhak! hndi ko na maalala yang mga tatak ng mga tapatot ko noon. bata ndi ato malunong magtintat ng labew tut. hakhak. rubber shus! ugok! joke lng yung ugok. ungas talaga yan.. hahaha (lol)

    melly eksmas uyet!!! ^-^

  4. alasais

    Grasi,

    Ang Tretorn ang panlaban ng mga babae sa Nike, alanganing check kasi ang disenyo. “O, ayan na pala ‘yung asawa ng Nike e!”

    Ok lang ang bakya. Basta pwedeng ipantakbo sa kalsada, swak na! Kaso baka mabuko ako sa taguan pong dahil sa ingay, pero ok lang, sisipain ko na lang ‘yung taya sa mukha. Uhm! (joke lang kids)

    – Tenco

  5. alasais

    Batopik,

    Ugali mo rin bang magpatali ng tapatot ta mga kaklate mo? Inututan (inutusan) mo ba tila? At kung ayaw nila ay itutumbong (isusumbong) mo tila?

    Ang tawag ba ta walang atawa ay… ting…

    – Tenco

  6. N

    hindi ko na inabot yung mighty kid na sapatos, pero may nakita naman akong ganun sa sapatusan ng pinsan ko, hindi ko alam kung bakit hindi nya pa rin itinatapon.

    ang inabot ko na noong elementarya ako ai yung may air sole(kung ito nga yung tawag dito). naalala ko na nagpapayabangan pa kami ng mga kaklase ko noon, pataasan kami ng maabot. at dahil may height advantage ako, ako lagi ang panalo.

    nagkaroon din ako ng grosby na sapatos, matibay at maasahan ang brand na ito. Hindi ko na maalala kung ilang taon pero matagal itong naging officials shoes ng pamilya namin.

    madalas din ang sipa sa eskwelahan namin noon. kaya madalas din ang pagpapalit ng sapatos naming magkakalase..

    nung highschool naman ako, nauso yung chucks tuwing wash day, halos lahat ng lalaki sa section namin, pag hindi chuck’s na imitation, yung girbaud na low cut.

    at noon namang tumuntong ako ng kolehiyo, hindi ako nagpapalit ng sapatos hangga’t hindi nasisira.sira, meaning, hangga’t hindi ko pa nararamdamang pumapasok ang hangin sa loob ng sapatos ko.

    hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay

    P.S.ayos ang kanta ninyo ah.. ano pamagat nyan?

    happy krismas

  7. pilya'tpasaway

    Nagka DM’s din akong boots dati. Kulay Brown. Inuwi ng itay ko.😀 Pero hindi ko mxadong sinuot, natrauma ako dahil tinerno xa ng nanay ko sa suot kong pink na jumper shorts, at nagmukha talaga akong tanga.🙂

    Ngayon, halos lahat sa campus, naka Havs. Nakiuso din ako, pero ayoko na ng tan lines. Balik shoes ako ngayon, habang naka crocs naman ung iba.🙂

  8. malditang_pinay

    Nakaka-aliw sariwain ang nakaraan… Gaya nga ng sinabi ko sa multiply, naalala ko din ang una kong rubber shoes… Kay-Pee na kulay fink and white na naging peborit kong isuot kahet na naka-bestida ako… yun nga lang, di ko natutunan maglaro ng sipa kasi nga, mas kinarir ko ang Cops and Robbers nung grade skul habang naghihintay ng skulbus pauwi… Ang sarap din kasi maalala ang mga kabaduyan mo noon, na akala natin ay astig na nung mga panahong iyon… Galing nyo mag-isip ng mailalathala… Pagbutihin nyo pa, mga kafatid!🙂

  9. alasais

    Malditang Finay,

    Totoong masaraf sariwain ang nakalifas. Bagay talaga ang Kayfee noon kahit ano fang ifartner mo dito. Da vest ang Cofs and Robbers dahil dati natuto ang mga kaibigan kong snatcher na ngayon na tumakas sa mga humahabol na Fulis!

    Keef the comments coming!

    Tem-i of Alasais

  10. malditang_pinay

    PAHABOL:

    Sana ay maisipan nyo naman mag sulat tunkgol sa mga kantang sumikat noon, na ayaw na ayaw na nating marinig ngayon dahil sa ilang kadahilanan… ako… may naisip na kong kanta kasi… nyahaha…🙂

  11. emilayskie

    Ang kukulit ng mga comments. Haha..

    Di ako masyado maka-relate sa Mighty kids dahil mas uso yata sa boys dati yun.

    Ang uso sa girls na shoes dati ay boots. Lahat yata ay naka-boots. Hindi ka in kapag di ka nakasuot nito. Nagkaroon ako ng boots na pangpasok tapos meron din panglakad. Ang pinabili kong boots kay Mommy noon tatak ay Barbie. Pink na barbie boots. Paborito ko syang suotin. Feeling ko ang cute ko pag suot ko yun. Nung nakita ko mga pictures nung lumaki na ako tawa ako ng tawa. Mukha pala akong tanga the whole time.

  12. alasais

    Emilayskie,

    Actually nauso din ang boots sa baranggay namin. Ang nagpauso nito ay si Mang Jerry da baranggay tanod. Lagi kasi siyang naka-boots tuwing nagbabaha sa may amin. Lufet ng porma nya…haay…

    Tem-i of Alasais

  13. alasais

    Meri Krismas rin, Grasi.

    Eh kung sulit pala ang bakya na yan eh papatusin namin yan basta tipid.

    At ok gamitin sa tumbang preso yan lilipad talaga yung lata ‘pag binato mo. Kung hindi mo matamaan yung taya na lang batuhin mo siguradong hindi ka niya matataya.

    – Tikboy

  14. alasais

    Emilayskie,

    Pink na Barbie boots? ‘Wag mo nang banggitin dito yan at baka maiyak sa inggit si Tenco dahil hindi siya binilhan ng nanay niya dati niyan.

    Sori Tenco…kaya mo yan.

    – Tikboy

  15. batangpayatot

    hahaha.. panalo! bigla qng ngkaron ng instant flashback at libreng trip down the memory lane.

    nde q kila2 c mighty kid peo mgkron dn aq nung teenage mutant ninja turtle n rubber shoesses. nging peyborit q dn ‘to. lhat ata ng outfit gustong-gusto qng suot to. ang nde q alm, ngkklat n pla aq ng kbuyan s mundo. hehe.. bsta aq, enjoi n enjoi s pgsuot nito.

  16. alasais

    Grace,

    Baka may pikchur ka pang naitago dyan na suut-suot ang luma mong rubber shoes. Ipadala mo sa #79 Xavierville Avenue, Xavierville Subdivision, Loyola Heights, Quezon City. Joke lang.

    – Tenco

  17. emilayskie

    Tikboy,

    Sige. Alam ko na kung anong gift ko kay Tenco next year. Salamat sa idea ha. ^_^

    Tenco,

    May common factor pala tayo. Hindi rin ako binilhan ni Mommy ng totoong barbie dati. Boots lang. Hahah.. Laki ko na raw kasi nung nauso yung barbie.

    Tem-i,

    Gusto mo ba yun ding boots na katulad ng kay Mang Jerry ang gift mo sa akin next year? Hahaha..

  18. payat_na_bata

    hehe.. ewan ko lang.. ayon sa pagkakatanda ko, mukhang meron. matignan nga sa mahiwagang baul.. hahaha..

    gagawin ko na lang primary pic sa multiply. hakhakz… *jowk*

  19. andreidae

    hapee new year mga kuya at ate..weehh..peace out guys..mga kuya at ateyh ko nga yata kau dahil hndi ko maarok s aking alaala kung ano man yang mighty kid na yan..pero nakapagboots naman akuh noon..at yun ang naging peyborit kong shooz..at nauso din sa nanay ko yung makinis at shiny na shooz na available in different colors..may pink, white, black, blue at kung anu pang kulay na maisipan ng SM noon..un yung tipong pwede kang manalamin sa shooz muh…gel nga pla akuh by the way..mewon p nga minsang ribbon ung gnung mga shooz at kylangan may stockings s pagsuot nun para bongga..pwo nung pgdating kuh ng elementary akuh nauso nman ung mga skaters ba un??ung mataas na shooz na ginaya lang sa skechers na mataas..talo tuloy pag naglalaro akuh ng chinese garter..bwisit..hmmp..pwo nung tumagal hustler na akuh kea winner padin…and nung h.s na..solid chucks na akuh hanggang magcollege chucks padin..un n nga lng yta shooz kuh weh..ahlabmy black chucks!converse forever!!

    at mukhang napahaba yata comment kuh now..

    hapee ’09 guys!

  20. alasais

    Dae,

    Happy new year! Wow, sipag magcomment! I’m liking it.😉

    Baka masilipan mo ang sarili mo ‘pag suot mo ‘yung shiny shoes mo ha..

    – Tenco

  21. reeyah

    happy new year😀

    di ako masyadong mahilig sa sapatos nung bata ako pero pag nagkukuwento nanay ko, palagi nyang sinasabi na gusto ko daw yung “maingay,” yung tumutunog pag naglalaka. feeling grown up haha. siguro mga 5years old daw ako nun.

    at kilala ko si mighty kid! haha. pero wala akong ganun. yung kapatid ko ata meron.

  22. alasais

    Reeyah,

    Happy new year din sayo. Malamang ay naka-lipstick ka din nung 5 years old ka at suot-suot ang hair rollers ng nanay mo.

    Enjoy our new blogs every Friday. Thanks!

    Tem-i of Alasais

  23. andreidae

    kuya tem-i,
    bagwis talaga!!cnu po c chuck perez??auz..

    and kuya tenco,
    d nman po mxado..nka cycling po akuh s loob eh..conservative…weeehh..

    TC!!

    it’s becoming a habit n tlga and i’ve been sharing this with my friends at enjoy din cla..lalo n ung ibng mejo old stuff..weehh..

    peace!

  24. alasais

    Dae,

    Aba conservative! Mautak na diskarte talaga ang pag-c-cycling shorts. So malamang e may mga kulay pa ‘yan from Sunday to Saturday🙂

    Salamat sa barkada niyo. Marami pang topic, abangan!!!

    – Tenco

  25. alasais

    Andreidae,

    Itanong mo sa mga ate at kuya mo, pati na din sa mga tita mo kung sino si Chuck Perez. Or google him. Sexiest eye bags…Hehehe….

    Tem-i of Alasais

  26. andreidae

    Tenco,

    yeah, conservative po tlga akuh..at ayos din pla ang mga neon colors sa mga cycling..dahil pag may sumubok mamboso..ayun..sasakit ang mata nla at malamang di sila makatulog..i love neon green!!🙂 me and my friends will be looking forward to your future blogisodes..🙂

    Tem-i,

    I tried searching from the web..no luck..i did’nt spot any chuck perez..is he a pinoy movie actor by any chance??🙂

  27. TunYing

    For sure nagkaroon kayo ng sapatos na umiilaw? Tama? hehehe… Ako nagkaroon nun kaso nasira, hmmm… sinira ko pala kasi hinahanap ko yung bumbilya sa loob! hehehe… tapos ng makilala ko na si michael jordan, nagsimula na ko maging mahilig sa mga rubber shoes ng nike…

    Nung elementary naman ako, lagi ako sinasabihan ng mga kaklase ko na “pati langaw madudulas sa sapatos mo” kasi lagi ko nililinisan at pinapakintab yung school shoes ko! Pero ngayon, kinatatamaran ko na ito! hehehe…

  28. Diona

    sino sa inyo ang nasentensyahan magsuot ng Gregg shoes? lecheng yan. antibay, in a bad way syempre. gusto mong magpabili ng bagong spataos pero hindi valid ang reason kasi nga naman maayos pa ang Gregg mo.

    nagkaron din ako ng addoin, shet!

  29. alasais

    Diona,

    Hahahaha!!! Nako mahirap nga na kalagayan yan. Hangga’t hindi nasisira ang sapatos eh walang palitan talaga. Ang solusyon diyan eh itapon mo sa creek or sa sapa yung isang pares at sabihin mo sa nanay mo eh nahubad yung isa tapos tinangay ng lawin.

    “Kuko ng Lawin” starring FPJ

    Tem-i of Alasais

  30. Snowden

    Ang klasik na sapatos yung umiilaw.tangna para kang xmas ligh.p0gi ang dating.hehe

    Nagkaroon din ako ninja turtles na sapat0 ayos din siya.co0l ang dating.

    Try niyo gamitin sa sipa ang steeltoe sigurdo lilipad ang sapat0s ny0 hindi ang pamat0.

    Anyway binigyan ako ng ninang ko ng spike sh0es.gamitin ko daw pam pe.an0 ako tanga?may nakita ka na bang nagbasketb0l na naka spike sh0es!linsyak hindi naman pur0 s0ccer laro sa skul..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s