L. Piltrip

Educational Field Trip. Kung educational yun e bakit pati yung mga bobo kong kaklase eh excited pumunta? ‘Nang ‘yan.

Isa sa mga highlights ng schoolyear natin ay ang masarap na “PILTRIP”.  Pagkabigay pa lang ng titser ko ng reply slip para sa magulang ko ay halos hindi na ako magkanda-ugaga sa pag-iisip tungkol sa araw na ito.  Saan kaya ako uupo?  Harap ng bus?  Likod?  Anong kayang babaunin ko?  Ano kayang babaunin ni bespren Toti?  Ilang Zesto ba ang kelangan ko?

Nung maliit pa ako, hindi ko maintindihan kung bakit umaasim ang mukha ng nanay ko tuwing matatanggap nya ang sulat ng skwelahan tungkol sa field trip.  Buti naman at binabayaran nya pa din ito kahit alam niyang pakulo lang ito ng school para lalo pa siyang perahan.  Aylabyu Mameh!

Araw ng field trip.  Excited ang lahat.  Hindi nakakainis gumising sa araw na ito.  Malayang isinusuot sakin ni Manang Ising ang aking medyas nang hindi ko siya sinisipa sa ilong.  Masarap ang pasok ng almusal pati na din ang agos ng Milo sa aking lalamunan.  Off to school we go!

Pag tungtong sa bus ay derecho ako sa likod na upuan dahil doon daw umuupo ang mga “cool”.  Sa sobrang “cool” ko ay naitaas ni Manang Ising ang sinturon ko hanggang sa ilalim ng aking dede.  Anyway, umandar na ang bus at nagsimula na kami magdasal ng isang buong rosaryo.  Pati ba naman sa field trip e nagrorosaryo pa?  Kaya kinuha ko na muna ang una kong sandwich or mas kilala nuong panahon ko na “samwitch”.  Kinain ko ito habang nagdadasal.  Ok lang yon kasi nasa harap naman yung teacher ko e.

Haay tangina…para akong inaantok sa sarili kong blog a.  Tenco at Tikboy!  Kayo na muna magsulat!  Magdadagdag na lang ako pag may naisip na akong ok…punta muna ako sa banyo at magtatanggal ng bara sa tubo…

–tem-i

 

 

Iba ang dating ng field trip sakin e. Hindi ako masyadong excited kapag alam kong may field trip, kahit anong pambibida pa ang gawin ng titser namin. ‘Yung mga kaklase ko nagpapalakpakan tapos ako medyo kunot ang noo e. Sabi ko pa dati, “Sana sa malapit lang ang pupuntahan namin, para hindi ako…”

 

“Sumuka.” Oo, mahiluhin ako sa biyahe. Nagkataong kaklase ko ang anak ni Manang Letty. E may tindahan ‘yun. Kaya inaabangan ko nang alukin niya ko ng libreng Bonamine galing sa tindahan nila e. “O dalawa na ang kunin mo, baka sumpungin ka nanaman ng hilo pauwi eh.” Kaya hindi ako cool. Hindi ko kailanman ginustong umupo sa likod na parte ng bus (nakakahilo raw sabi ng kakilala kong mahiluhin din). E puta hindi naman ako makaupo sa unahan. Sa second row from the back ako parati. Malas.

 

Ang baon ko – sumbrero, bimpo, extrang damit, chichirya (na ipapamigay ko sa mga kaklase ko), at tatlong supot.

 

Ang teknik ng mga tulad kong mahiluhin, hindi kakain ng almusal, para walang maisuka kapag nahihilo na. Tapos inom na ng Bonamine. Habang masayang-masayang inuubos ng mga kaklase ko ang baon nilang Rinbee at kwento sa unang oras pa lang ng biyahe, wala naman akong kakausaping kahit sino. Matutulog. Hihinga sa bibig para hindi maamoy ang nakakabuwisit na pabango ng buwisit na bus na ‘yan. E tatlong oras lang naman akong ganyan parati. Tatlong oras na stress. Buwiset!

 

Pansamantalang mawawala ang pag-aalala ko sa reputasyon ko kapag pumarada na ang bus. “Yeheeeyyy!” Malabon Zoo — apat kaming skul na sabay-sabay na nag-fieldtrip dun. Payabangan kami sa pagpapakain ng mga hayop. Ayun, umiyak ‘yung kaklase ko, nakagat ng unggoy.

 

Eto talaga ang pinakaayaw kong puntahan sa lahat—museum. Hello? Bata pa ko nun at ano naman ang “aral” na makukuha ko sa pagpunta dun? Wala ngang puwedeng kainin dun e.

 

Eto ang matindi: field trip sa fastfood chain. Langya, ‘yun talaga wala kang matututunan. E parang namasyal lang kayo nang simple e. Sa’n ang “field trip” dun?

 

Hindi puwedeng hindi puntahan ng mga batang estudyante ang Nayong Pilipino. Para mo na rin inikot ang buong Pilipinas. Nakakabilib ang Chocolate Hills, sarap laruan ng mata-mataya. Puwede ka pang mag-exhibitiong gumugulong habang nakikipaghabulan ka. Hindi mo mapapansin ang pagka-Metro Manila kapag nandito ka eh, diba? Parang ang dami mong puwedeng puntahan nang hindi ka maliligaw. Galing!

 

Okay uwian na. Akala ko at peace na ang tiyan ko e. Konti nalang nasa skul na, tapos biglang… Nyeta! Bakit ako nahihilo?!

 

“Maaaaaam… may sumuka pooooo…”

“Nakuuuu!!! Bakit hindi ka nagsabiiii??”

“O eto, White Flower. Singhutin mo nang singhutin hanggang sa makauwi tayo.”

 

Kaya pagdating sa skul, lahat sila masayang mag-uuwian, pwera ako dahil dadalhin ako ni ma’am sa klasrum para punasan ng basang bimpo.

 

–tenco

 

     Isa sa mga inaabangang activity sa skul e ang “field trip”. Mamamasyal lang kayo at walang klase. Kaabang-abang talaga diba. Ang dami mo pang baong pagkain at may pera pa. Kapag nagkataon pang weekdays ang field trip niyo, kinabukasan wala kayong pasok para makapagpahinga kaya parang 2 araw kayong walang klase. Panalo diba.
 
 
     I-aannounce ng titser sa klase yan kapag may field trip. Bibigyan ang bawat estyudante ng kulay gray na papel at nakasulat dun ang detalye tungkol sa filed trip. Sa ilalim nun e may kapiranggot na papel na puputulin mo na ang tawag e reply slip. Yun ang ipagdadasal mo na pirmahan ng nanay mo para makasama ka dahil yun ang pruweba na pinayagan ka.
 
 
    Kapag pinayagan ka na, eto na maghahanda ka na ng mga dadalhin mo. Ang masayang parte e ang pagbili nyo ng nanay mo ng mga baon mo. Dun ka makakalusot ng magpabili ng mga tsitsirya at kung anu-ano pa. Hindi pa mumurahing tsitsirya ang pwede mong ipabili. Pwede mong ituro ang piattos, pik-nik(yung nasa can), V-cut, potato chips, kornets etc. Shempre may baon ka pa ring kanin nun at mga inumin rin. Dun ka pwedeng pagbaonan ng mga juice at chocolait. Pag sa skul kasi e palaging tubig lang ang baon mo.
 
 
Eto ang mga kadalasang pupuntahan nyo sa Field Trip:
 
1) Nayong Pilipino – Wala nang kaklasik pa jan. Hindi pwedeng mawala sa listahan yan. Anjan ang mayon, chocolate hills at iba’t ibang model ng mga anyong-lupa sa Pinas. Tanda ko nga inakyat namin ang mayon at muntik na kong mahulog. Malapit na ko sa tuktok at biglang bumitaw yung isa kong kamay. Buti na lang nakakapit pa yung isa. Kinabahan rin ako nun. Tapos makikita ko lang pala sa butas nya e puro basura.
 
2) Manila Zoo o Malabon Zoo – Kapag medyo maliit budget ng skul nyo e sa Malabon Zoo lang kayo. Jan kasi kami pumunta nung nag-field trip kami e at wala siyang kwenta. Napakaliit lang, parang isang paikot lang at parang puro ibon lang ang nandoon.
 
3) Factory ng Coca-cola – Jan ok jan. Uminom lang kayo ng coke hangga’t kaya nyo. At yung may mga dalang coleman e tiba-tiba. Itatapon nila ang laman na tubig nun at pupunuin lang ng coke yung coleman nila. Hanggang sa bahay e may lamang coke pa rin yung coleman nila.
 
4) Rizal Park o Luneta – Papatignan lang naman sa inyo si Rizal jan at paglalaruin kayo ng konti. May malaking mapa rin ng Pinas jan at may mga dinosaur na bato. Pwede nyo syang sakyan kung trip nyo at kung kaya nyo, 
 
5) Exhibit sa Mall – Minsan kasi may mga malls na nag-eexhibit ng educational para sa mga bata. Pero parang wala naman akong natutunan dun. Panu e mall yun, malamang nasa isip namin e pamamasyal. Minsan tumatakas kami sa pila at naglilibot kami sa mall tapos babalik na lang kami bago matapos ang tour. Hindi kasi kami nahahalata sa dami ng bata at kadalasan pa e may kasabay rin kaming ibang skul kaya ang gulo talaga.
 
 
    May iba rin namang mga pinupuntahan pa. Depende rin sa skul yun e kung saan nila maisipang mag-field trip. Ang skul ko kasi jan pumunta e. Masaya rin palang parte ng field trip yung pamimili nyo ng upuan sa bus. Shempre magkakatabi dapat kayo ng mga kaibigan mo at magkukulitan lang kayo sa loob ng bus. Tapos sa unahan nakaupo ang mga titser at staff ng skul. Yan ang field trip.
 
 
– tikboy

48 comments

  1. batopik

    hakhak. namimiss ko na magfield trip. wala kasi kaming piltrip nung hayskul. tas ngaung college asa pa ako diba. hakhak!😛
    di pa ako nakakapunta sa nayong pilipino. ampness! anu bang itsura nun. haaay! nagmalabon zoo kami. hahaha! exciting dun ung leon tska tiger. hakhak. pati ung sawa. may pichur pa nga ako na hawak ko ung sawa eh. coool.. hakhak. :]
    un nga ang teknik para di masuka. wag kumain ng agahan. hakhak. mahihiluhin din ako eh. kaya tinutulugan ko na lang lahat ng biyahe.. hanggang ngayon. hakhak! kaya pag natutulog na ako sa byahe, big sabihin nahihilo na ako. hahaha!😛
    nakanangdaldal na naman ni batopik! hai. sarap niu kakwentuhan.

  2. kristine sendy

    ahahahhaa!!!!

    rinbee (and maybe even that stinky chips in a yellow packaging? the name escapes me…yun pag binuksan mo sa loob ng aircondition na bus e aalingasaw, at maririnig mo ang mga kaklase mong nagrereklamo! pero in fairness, masarap yun!), manila zoo, nayong pilipino, mall, national museum..bus no. 1, bonamine, water cooler, lunchbox,nametag/id…atbp….mukang mga ka-age ko nga kayong tatlo ha! hehehe!

    ako naman nung mga panahong yan, ang tagalista ng noisy sa blackboard at sa notebook ko, tagasaway ng maiingay at magugulo sa klase….pero kaibigan ng marami🙂

    taga-represent ng klase sa kung anu-anong contests at laging itinutulak pag me kelangang magsalita sa unahan….hmmm….nainspire tuloy akong magblog din ng mga naranasan ko nung istudyante pa lang din ako….mahalo, tikboy, temi, tenco! (nga pala, pati tong mga palayaw na to e meron sa mga kaklase ko noon! tingnan mo nga naman no! hehe)

    brings back really fun memories of school life! hayz….

  3. alasais

    Humpy Dumpy ang tawag sa chichiryang yan…Favorite ko yan pero hindi nga siya masarap amuyin sa aircon na bus pag piltrip.

    Tagalista ka pala ha? Nilalagyan mo din ba ng “x’ mark ang mga nilista mo pag umuulit sila ng kadaldalan? Hehe!

    Salamat sa pagbasa…sige magblog ka din ng memories mo! Ok yan! Every Friday check mo new blogisodes namin.

    Tem-i of Alasais

  4. Tsutsay

    miss ko na yang piltrip na yan…naalala ko sabi ko “ma! payagan mo ‘ko dyan kung hindi may minus daw sa grade!” wehehehe..palusot pa! tapos sabihin ko ma baon ko sandwich lang yung maling with cheese tas yung tinapay idideep sa pinaghalong itlog at gatas tas iinitin sa kawali yung medyo toasted…sarap! di kasi ko maxado nagbabaon medyo sukahin din ako nung bata.ehehe tapos na aalala ko pa pagsakay ng bus may upuan na kagad ako “patty dito ka na lang sa tabi ko”. tapos sasabihin “oi nakasave na yan kay patty!!” (galit pa yung nagsabi).yung iba naman magsasabi pa lang yung titser na may piltrip sasabihan na kagad ako na “pat tabi tayo ha? promise mo yan!” hahaha..tas sasabihin ko sige pagbaon mo ko ha? oo naman si vlady. yung iba naman sa uwian nagsasabi,sasabay pa pauwi para sabihin na “sino katabi mo sa bus? tabi na lang tayo hanggang uwian!”. madalas ganito nagyayari saken pagpiltrip eh..kaya nung dati ginawa ko kada isang pupuntahang lugar iba katabi ko ehehe…yun nga lang puro lalaki..ayaw ko rin kasi katabi babae medyo maarte(di naman lahat). di tulad ng mga lalaki makukulit tas magugulo..yung iba sa byahe kunwari nagaantok antukan.magiinarte sa katabing lalaki tas syempre sasandal yung babae sa klasmeyt kong lalaki, e inis ako dun!(ewan ko ba dun galit na galit saken yung babae na yun!) ginawa ko yung bag sa taas ng bus habang umaandar kunwari kukunin ko tas hinulog ko dun sa babae. “ay sori ang bilis kasi ng bus eh..di ko nahawakan maxado”..nawala antok nya eh! hehe..

  5. alasais

    Tsutsay,

    Reyna ka pala ng piltrip ha! Kawawa naman yung babaeng hinulugan mo ng bag…pero kung andun ako sa bus na yun, bubulungan kita ng, “Isa pa, gawin mo ulit!”

    Thank you for reading our blogs. Every Friday, new blogisodes!

    Tem-i of Alasais

  6. alasais

    Tsutsay,

    Hahaha! Natawa ako sa paghulog mo ng bag sa kaklase mo🙂 Talagang naartehan e. At oo nga, uso ang pangongontrata kung sino ang makakatabi sa upuan! Kadalasan eh barkada mong lalaki o crush mong babae, pero nung mga bata kame e wala pang naglakas ng loob na sumandal sa balikat ng katabi niya!🙂

    -Tenco

  7. Tsutsay

    Tem-i,

    hahaha..natawa naman ako sayo, di po ako reyna ng piltrip..marami lang siguro kong kaibigan na lalaki..ehehe

    sana nga mabigat na mabigat yung bag eh!..

    Tsutsay

  8. Tsutsay

    Hi Tenco,

    oo maharte sya. gumati lang ako nun.(huevah!) nangangaway yeh!

    siguro malandi lang yun klasmeyt kong yun. sya lang naman sumasandal eh..(hahaha siniraan pa!) galit?

    -Tsutsay

  9. pilya'tpasaway

    fieldtrip namin dati sabay sabay ang dalawa hanggang tatlong grade levels.. haha.😀

    hinding hindi ko makakalimutan ung time na dalawa ang serbis ko, iba sa umaga at iba sa hapon, eh xmpre, sasabay ka pauwi sa serbis mo pag hapon (pero ang orig talaga ay ung pang umaga… pinagalitan ako ni inay kasi umuwi ako ng gabing gabi na dahil may hinintay pang bus na antagal dumating.. haha! duper galit…

    tapos, nung later part na ng gradeschool days ko (grade 5 at 6), hindi mawawala pag field trip ang mga cellphone ng yamings kong mga classmate. pabonggahan dude.😀 pag walang antenna, sikat ka.😀 ako hanggang tingin lang.😄

  10. alasais

    Aiweenee,

    Ayos ka a. Dalawa serbis mo? Malamang ay hindi alam ng mga pang-umaga mong kaserbis na punung-puno ng Chocolait ang uniform mo pagdating ng hapon no!

    Sana nagdala ka na lang ng landline nung field trip nyo. Wala namang antenna yun diba? Panis sila!

    Tem-i of Alasais

  11. alasais

    Aine,

    Meron yata akong lumang cellphone dito, ‘yung may bag at may antenna. ‘Pag ginamit mo ‘to, ikaw lang ang kaisa-isang meron nito. Ano ano?

    – Tenco

  12. jeboy

    mkikishare lang din ako ng fieldtrip experiences ko.. na kung hindi sa laguna ay sa maynila.. nung elementary pako, bago mag fieldtrip naglilista pa yung adviser namin ng “bring the ff tom” sa blackboard.
    1. diary
    2. extra tshirt
    3. face towel
    4. lunch
    5. parent slip
    SAVE!!!
    tapos parang lahat ng pabrika sa laguna ata pinuntahan namin nung elementary.. pagawaan ng stuffed toy, pabrika ng yakult, pabrika ng coke, pabrika ng stick-o atpb..
    sa bus naman pinanganak ang mga buraot kong kaklase, na hindi magbubukas ng baon hanggang may mahihingan pa.. yung mga lalaki naman sa likod, umiinom ng cali.. astig daw sila pag nakainom ng cali.. aarte pang nalalasing pagkatapos.. apple drink lang pala p***..
    sa mga educational fieldtrip kong nasamahan, ngayon ko lang narealize wala akong natutunan sa mga tour guide kundi ang magpa games, magpapapila, at magtawag ng bus number..

    salamat alasais..

  13. alasais

    Jeboy,

    Bwisit na diary ‘yan! E pagkatapos naman ng piltrip e ang kokonti ng entries at parang kinahig ng manok ang sulat! Hahaha naalala ko ‘yung “SAVE!!!” na parating sinusulat sa blakbord para hindi burahin! E puta si Raymond naman nakakabura niyan kase ang basa niya e, “SAFE!!!”

    – Tenco

  14. hisnameisdencios

    mga dude speaking of field trip, i remember yung klasmeyt ko inatake ng hika at naninigas buti na kamo ay malapit na kameng nakauwi. mahirap talaga ang fieldtrip lalo kung bata dapat may kasamang matanda. at dapat handa sa sukahan at hiluhan haha. nice post sa inyong 3!

  15. alasais

    Dencios,

    ‘Yang mga chaperon na ‘yan ang mga killjoy tuwing piltrip. Talagang pagbabawalan kang tumakbo-takbo, magpagulung-gulong, at kumain nang kumain. In short, ayaw ka nilang mag-enjoy.

    Salamat pareng Dencios. Abangan ang mga susunod pang posts!

    – Tenco

  16. mishes

    hahaha.. naalala ko tuloy yun mga fieldtrip days ko! yun mga kaklase ko lagi gusto kasama ko, kasi yun nanay ko kung makapagpabaon parang lahat ng klasmeyts ko kasali. 1 buong manok at 1 tupperware na malaki ng kanin (with matching paper plates at plastic cups) sabi kasi ni mama, malamang may walang baon at magshare ako! yun mga iba kung klasmeyts d na tlga nagbabaon at makikihingi na lang sakin.. hehe.. pero ok lang din nman kasi may tagabitbit ng gamit!🙂

    meron pa kaming 1 laging pinupuntahan – casa manila.. grabe mula ata elem gang college nagpupunta kami dito for fieldtrip. buti na lang nun grade 6 ako nauso ang enchanted. dun kami nagfieldtrip.. hehe..

    ang saya talaga pag bata!

  17. alasais

    Mhey,

    Wow naman! Ang bait ng nanay mo! Sana e kaklase kita nun para pera nalang ang hiningi ko sa nanay at tatay ko (joke lang)🙂 Pero bilib talaga ako sa nanay mo. Siguro ‘pag nag-b-bertdey ka sa skul e parang fiesta.🙂

    – Tenco

  18. alasais

    Mishes,

    Haha para kang nag-catering sa loob ng bus ah! Sana nagdala ka na din ng hotdog on a stick at marshmallow na nakatusok sa watermelon!

    Keep enjoying!

    Tem-i of Alasais

  19. mishes

    @ tenco: siguro nga yun iba ko kaklase ganyan na ginagawa eh.. kasi parang taon taon dumadami sila.. hehe

    @ tem-i.. meron po yun minsan kasama hotdog at ham.. ndi nga lang nakalagay sa stik.. ang hirap dalhin.. hehe

  20. TunYing

    Field trip, favorite na favorite ko ang field trip! lalo na nung elementary! Nalulungkot talaga ako pag di ako nakakasama lalo pag gusto ko yung pupuntahan (nanghinayang ako nung di ako nakasama sa nayong Pilipino)! Nung Highschool naman, fourth year ako, di ako sumama kasi di kasama yung nililigawan ko. Anak ng pating tapos biglang nagbayad isang araw bago sa fieldtrip, BADTRIP!!! Akala ko pa naman makakadiskarte na ko, yung mga karibal ko tuloy ang nakaporma! hehehe…

  21. TunYing

    Pwede… kaso nagastos na yung pera… kainis… dahil tuloy dun eh sila nung karibal ko ang naging mg-MU… nahurt talaga ako dun… hehehe…

  22. Snowden

    Ampness na fieldtrip yan.hehe.ay0s din yan dahil walang pas0k..haha.pur0 malls pinupuntahan namin n0ong high scho0l.wahaha.pur0 arcade games ginagawa.taena dun naub0s p0cket m0ney k0.tap0s samahan m0 pa ng sh0pping!ako namang si tanga bilib na bilib sa mga sale kun0.pakshet!

    Maganda din pumunta sa mga z0o daming animals yung isang kaklase ko dinuraan ng ungg0y.wahaha..at yung iba dahil sa kamangmangan nila nawala pa sa z0o.pakingshit mga tanga.hindi marun0ng bumasa!haha

    Nay0ng pilipin0?hindi ko pa napuntahan yan.sa katangahan ng mga gur0 namin pur0 malls kasi nasa utak…leche!

    The best pag papunta dahil hyper at upbeat pa ang lahat per0 pag-uwi na wala parang mga lantang gulay.wahaha.tul0g ang lahat..

  23. alasais

    Snowden,

    Korek ka diyan. Hehe, nwala pa sa zoo eh no? Buti at hindi sila binato ng tae nung malaking gurilya sa Manila Zoo. Sino na nga ba yun? Peter ata ang pangalan nun e, hindi ko lang sigurado.

    Tem-i of Alasais

  24. Snowden

    Tenco ata pangalan ng g0rilya?j0ke..maganda sa z0o daming animals.kaya lang nagtataka ako bakit yung mga tunay na animals eh nasa malacanang?zo0 na rin ba yun.?

  25. alasais

    Snowden,

    Mali ka pare. Hindi pwedeng Tenco ang pangalan ng gorilya. Magkaiba ang urangutan sa gorilya. Namimiss ko na yung bahay ko sa Malacanang.

    Tem-i of Alasais

  26. AC

    would you believe, haven’t stepped on the grounds of luneta yet. hahaha.😀 walang kwentang batang pinay ako.😉

  27. alasais

    AC,

    Sige, ‘wag kang mag-alala. Ipapasyal kita doon at magliliwaliw tayo sa paligid habang kumakain nag-sh-share sa ice cream.

    – Tenco

  28. Snowden

    Bossing wag mong kalimutang isakay siya dun sa may kalabaw.sabay papicture dun sa mga rum0r0ndang p0t0graper.hehe

  29. alasais

    Snowden,

    Kahit hindi mo na sabihan yung potograper. Kusa ka na lang kukunan nun sabay singil. Daig niya pa ang isang kisapmataah-haaaaah…

    Tem-i of Alasais

  30. azianitsirc

    *d p rin aq nkkpunta nayong pilipino.
    *nkkbd3p field3p nmin kc kelngan nkaPE uniform kmi pra daw d mhrap hnpin..d man lng kmi mkporma.haha.nkkswa dn ang mga museum n pnunthan nmin.
    *wat we lyk most s trip e EK.Dun lng nkkpgsya.gus2 q tlga s roller coaster at anchor’s away.un nga lng,asar kc d q ksma crush q.andun nga xa,ksma ang bestfrend daw nya.

  31. adonis

    ako din eksayted me prti pag my pildtrip una pasyal to da max ng di ksma c mama or c inday kaso my mga dyahe minsan nangyyri skin s pildtrip. andyan un after ng pildtrip nagksore eyes ako, tpos un sunod n cnmhan q pildtrip nklimutan ni inday n pbaunan ako ng brief at xtra shirt, mrmi p me di mlilimutan s piltrip kso late n uwian ko na hahaha..

  32. alasais

    Adonis,

    Masaya talaga ang piltrip lalo na pag madami kang nakalimutan dahil madami ka ding mahihingian! Peram brip! Penge sanwits! Penge Chokolait! Peram extra t-shirt! Peram pang tuition! Penge pang bakuna!

    Tem-i of Alasais

  33. Abu Sayad

    ha! “SAVE!!” grade 5 or grade 6 ko ata nakita yang style na yan na save sa blackboard.. lol jeboy siguro ung teacher nyo at teacher ko magkakaklase yan nung college.. parehas ng idea..

    nung grade 3 ako yang malabon zoo na yan noon- noon ha! parang walang kalatuy-lato. pwera lang dun sa nakita kong malaking ariwana ba tawag dun? basta un! anyway counted ba yung payabangan ng porma sa fieldtrip kahit jacket lang hahahahaha.. tang inang fieldtrip yan lalong lalo na sa biak na bato nagkanda untog untog ako dun.. umulan pa sa labas wala akong baong damit.. putang ina.. para kaming mga basang sisiw sa bus nun.. tas hs nman ako isang beses ko lang naranasan ang field trip nung 3rd yr hs lang sa subic ata un.. putcha bitin nakakainis sana ang fieldtrip matagal tipong tatlo o apat na araw.. para mas enjoy mas magulo bwahahahaha

  34. alasais

    Aby Sayad,

    Hahaha ilang araw na field trip. Pwede ‘yun a! O ‘di kaya dapat e Tuesday to Thursday nalang para rest day ang Friday. Halos isang linggong walang klase, sarap!

    – Tenco

  35. Cutepinks

    hi guys!! woo ang sarap basahin ng blog nyu, kakatuwa naalala ko tuloy nung student pa ako, everytime na may fieldtrip din kami, ang dame kong pinapabili n baon sa mama ko,.pero dko nmn nauubos kasi excited ako sa next location na pupuntahan namin kya tamad ako kumain,..tpos a nyt before yung araw ng fieldtrip namin nkahanda na yung susuotin ko d mwawala yung jacket hehe,minsan nga dpa ako mkatulog sa sobrang excited hehe… (ang nkakainis lng nung panahon ko super mahal pa ng mga digicam nun kya wala kmi cam, tapos wala pa ako cp n may cam,kaya wala ako picture2x nun hayz,..sayang!!)…

    kip up the gudwork guys…love ur blog n talga hehe :*

  36. alma

    waw piltrip! lagi akong sumasama sa piltrip nuon.as in every year hehe.hindi ako mahihiluhin at madaming baon lagi haha!tas wala akong permanent seat.lahat ata nkakatabi ko.haha.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s