2. Intrams

“Rah!  Rah! Rah!  Tsis-boomba!”  Tangina may nagchi-cheer ba talaga nang ganito?

Anyway, ang INTRAMS ay ang isa sa mga dahilan kung bakit pumapasok sa eskwela ang mga estudyante.  Kumbaga, heto ang olympics ng iskul at special olympics naman para sa kaklase kong si Popoy.  Iba’t ibang laro ang nagaganap at naglalaban-laban ang bawat section para sa kampeonatong walang ibang papremyo kundi ang karapatang mag-angas.

Simulan natin sa uniporme.  Kapag bata kayo ay pupwede na ang mga t-shirt at susulatan lang ito ng apelido at numero sa likod.  Kanya-kanya pa kayo ng ido-drowing sa harap ng shirt.  For example, nung grade 4 ako ay “Dragons” ang team ng aming section.  Yung kaklase kong si Martin, nagdrowing ng Chinese dragon an ubod ng ganda at ang tapang talaga ng dating!  Eh ako naman si Tem-ing walang kamuwang-muwang sa art.  Yung dragon ko ay nagmistulang butiki sa kisame…butiking bumubuga ng apoy na kulay violet.  Wow.  Nakakasindak.

Siyempre, ang basketbol ang pinakasikat na laro.  Dito nagpapasikat ang mga lalaki sa mga babae.  Hindi ako magaling magbasketbol non pero malakas naman ako mang-alaska o mang-asar.  Isa ako sa tinatawag na mga “miron” o “hecklers”.

“Umuwi ka na!  Anlakas ng putok mo!” , o kaya naman,  “Tangina mo rep!  Ipababaril kita sa uncle kong pulis!” , o kaya naman, “Hoy number 12!  I-shoot mo yan kundi kakagatin ko betlog mo!”  Uh…erase, erase…

Pagkatapos ng laro ay babatiin mo ang mga kaklase mo, manalo man o matalo.   At kung nanalo man sila, talo ka pa din dahil yayakap at aapir sila sayo habang sinisinghot mo ang putok nila at ipinanghihilamos mo naman ang pawis nilang pwede nang sawsawan ng chicharon sa asim.

Ang volleyball naman ay ang sunod na sikat na larong intrams.  Usually, pambabae ang larong ito ngunit noong panahon namin ay hinalo na ang mga bakla sa line-up.  Ang section namin ang pinakamaraming bading kaya siyempre, kami ang nagchampion sa volleyball at kulelat naman sa basketball.

“Bakit kung sino pa!

Ang siyang marunong magmahal!

Ay siyang madalas maiwahaan, nang di alam ang…dahilan…”

Madami pang ala-ala sa intrams.  Mga ungas, ituloy nyo nga.

– Tem-i of Alasais


Ang yabang mo talaga Tem-i! Miron na miron ka talaga! Buti nga kulelat kayo.

Intrams o Sportsfest ang tawag sa iskul namin nito. Dito lahat ng mga siraulo at palaging absent ay palaging present. Mas maaga pa sila pumasok sa iskul kaysa sa normal na araw ng klase.

Syempre sumali ako sa basketbol. Mayroon rin namang panlalaki na volleyball sa iskul namin pero ayoko sumali dun. Masisira ang pagpapakyut ko sa mga babae kapag volleyball ang sinalihan ko (no opens sa mga lalaking sumali sa volleyball). Grade 4 kami nun at inaangasan lang ng grade 5 at grade 6. Sila kasi ang mga makakalaban namin. Ang iniisip lang nila ay talunin ang isa’t-isa at hindi nila iniintindi ang kupunan naming mga grade 4 panthers.

“Go go grade 4! Go go Panthers!” ang cheer ng mga babae namin.

Ang uniporme namin nun eh white t-shirt lang na ipapaprint sa kakilala ng isa kong kaklase. Nag-ambagan lang kami para ma-imprentahan ang mga t-shirt namin. Ilang linggo rin akong hindi bumili ng fishball at tira-tira para matipid ang baon ko para may pambayad. Si Victor ang nag-disenyo ng logo naming panther. Nainis ako at medyo sumikat siya sa mga babae dahil siya ang nag-disenyo. Pero gago siya kinopya lang naman niya yung panther na yun sa isang magasin. Kahit ako kaya ko mangopya ng drawing eh!

Ang intrams eh hindi lang tungkol sa sports kundi sa pagpapakyut at ligawan moments. Samin kasi pwedeng hindi ka na mag-school uniform kaya kanya-kanyang porma ang mga estyudante. Dito mo makikita ang mga babaeng may nakabuntot na lalaki sa kanila habang kasama ng babae ang bespren niya para hindi masyadong halata na nagliligawan sila. Palaging cover-up yang mga bespren ng babae para hindi makitang magkasama lang eh lalaki at babae. Tatlo palagi sila para mukhang barkada lang ang dating.

Isang beses nga eh pumorma rin ako tapos may laro pala kami. Naglaro ako ng naka-maong at black shoes ampucha. Pag-uwi ko sa bahay at paghubad ko ng sapatos eh puro paltos daliri ko. Buhay ka pa!

Sige Tenco isalaysay mo na ang intrams mo at siguradong hindi ka sinali sa kahit anong sports sa inyo. Isa ka lang sa mga nag-intindi sa pagpapagawa ng uniporme niyo.

– Tikboy


Ha, ano ka.  E nasa cabinet ko pa ‘yung sinuot kong uniporme dati e.  P.E. shirt lang naman ‘yun na may number 10 sa likod.  Wala ba kayong Ms. Mini Olympics nun?

Syempre bago magsimula ang pagpapa-cool ng mga ‘row 4’ na estudyante e may pampagana muna-ang Ms. Mini Olympics!  Usually e mga muse ng bawat section ang automatic na kasali.  Grades 1 to 3 ang first batch at Grades 4 to 6 naman ang second batch, at ‘yun ang may malisya.  Since grade 4 ako nun ay busog na busog ang mga mata ko kakatingin ng mga magagandang dilag na 99% of the time e nakapang-tennis outfit.  Bakit, wala na ba silang alam na ibang isports kundi ang tennis?

Sabagay, maganda nga naman ang outfit na ‘to dahil above the knees ang palda.  “Wow legs,” sambit ng mukhang manyakis kong kaklase (bata pa lang kami nun ha mukhang manyak na siya), sabay kambyo ko.

Anyway, bago pa mapunta kung saan ang usapan e pipila na ang mga team sa field.  Syempre kasama ako run at kita ko sa grandstand ang aking mga kaklaseng hindi sporty na nanonood sa amin.  Ang pinakasikat na player (galing sa Grade 6) ang mag-r-recite ng Oath of Sportsmanship.  Pagkatapos nun, let the games begin!

Favorite outfit ko ang naka-Reebok Pump at high socks na may 2 horizontal stripes (red and blue).  At ang sport na sinalihan ko-volleyball (kaya kanina pa ko bwisit na bwisit sa’yo Tikboy habang binabasa ko ang entry mo).  Sabagay, kahit anong isports naman ang salihan ko e siguradong hindi mawawala ang mga nagkaka-kras sa akin.  Pinagalitan pa ko ng adviser namin dahil ang gusto ko noon ay kasali rin ako sa basketbol.  E ‘yung kras ko mahilig sa volleyball, kaya dun nalang ako sumali.

Haha Tem-i, mukhang wala naman talagang “Rah!  Rah!  Rah!  Tsis-boomba!”  Sa mga pelikula ko lang yata narinig ‘yan e!  Hirap pang gumawa ng pompoms.  Pinagdala kame ng sandamakmak na crepe paper ng titser namin e!  Pina-project samin ‘to e!  Bwiset!

Hay ang sarap ng buong linggo kapag Mini-Olympics, e lalo na siguro para sa mga ‘row 4’.  Mga instant bida sila rito e.  Malamang, puro laro lang naman ang alam nila dahil puro hangin ang utak.  At napansin niyo ba, bigla silang nagiging mga model student-responsable (palaging maaga sa laro), seryoso (competitive), maalalahanin (sa kapakanan ng iba pang players).  Talagang nag-iiba ng anyo ang mga kumag e.  “Sige sige kaya natin ‘to ma’am.” (seryosong mukha at talaga nga namang mapapabilib si ma’am, tangina panalo!)

Malamang sa closing ceremonies e overall champion nanaman ang mga Grade 6.  Bwisit na ‘yan.  Luging lugi e.  Underdogs ampucha.  Okay lang, isang linggo namang walang assignment e.

Pengeng palamig!

– Tenco

67 comments

  1. kirsten

    buti pa kayo isang linggo intrams,,,eh kami isang araw! amp .. intram lang sa halip na intrams.. naka-jersey kaming lahat (required eh) bawat year may team logo at name…

  2. N

    kirsten,
    aus yun ah, INTRAM

    hahaha!

    anyways, nung elementary kami, pareho lang ng divisions, grades 1-3 at grades 4-6, at syempre laging panalo ang mga grade3 at 6. bakit ba naman kasi yun pa ang naisipan ng mga guro noon, pwede namang grade 1 at grade 6 ang magkalaban.

    meron din kami noong track and field na event. at naalala ko pang nagtatali ako noon ng sapatos at biglaan akong nabangga ng kaklase ko. tumalsik ako ng nuknukan ng layo.

    ngayon ko lang narealize na nagliligawan pala ang mga elementary kapag bumubuntot ang lalaki sa babae tuwing intrams. ang galing nyo. salamat sa impormasyon. kapag nagkaanak ako. babantayan ko sya tuwing intrams.

    -N

  3. alasais

    N,

    Hehe! Oo, bantayan mo ang anak mo tuwing intrams. Panoorin mo kung paano nya pagpagin sa may kwelyo ang suot niyang jersey na kunwari’y init na init habang hinahagod nya ang kanyang buhok. At pag-uwi ng bahay ay panoorin mo siya habang nagmamadaling umakyat papunta sa kwarto sabay lock ng pinto…sabay bababa na ulit after 5 minutes na parang relaxed na relaxed…

    Tem-i of Alasais

  4. alasais

    N,

    Oo nga naman, e dapat talaga subukan nila ang grade 1 bersis grade 6, mukhang may talo ang grade 6 e. Basta ‘yung grade 1 e repeater.

    Iba talaga ang passion ng mga elementary kid kapag nagpapa-cute. Madalas sa CR ang mga lalaki… para magbasa ng buhok.

    – Tenco

  5. pilya'tpasaway

    Waw..😛

    Dati, pag intrams, by color, tapos bawat color, may sections na galing sa iba’t ibang grade level, kaya aun. Swerte nyo na lang kung magaling talaga ung mga Grade 6 maglaro, kasi sila lang ang sumasalo ng laro, kayo, taga cheer lang, o makakapaglaro ka pag kabarkada mo ung mga taga Grade 6 nun.😛

    Hindi ako sporty type.🙂 Nerdy ako kaya pag intrams, nood lang ako.🙂 Hahaha!😛 Enjoy naman, kasi pahinga galore.🙂 At dumudoble ang mga nagtitinda ng pagkain, kaya kain galore din.🙂 Hindi naman ako nananaba!😛

    Ang masaya samin nun, yung mga booth.🙂 Kumikita ng limpak limpak yung mga highschool nun, dahil halos lahat, naiintriga, sumasali.🙂 May kinakaladkad sa Marriage Booth, pero halata namang kinikiig. Hahahaha!😛 May mga manghuhula “kuno” na papipiliin kayo ng artwork tapos sasabihin kung anong tipo ng tao kayo, eh nang nag Psychology ako, Barnum effect lang pala yun.🙂 Hahaha! :)Pero pwede, pwede.🙂

    malaking break yun sa mga walang ginawa kundi maglaro. Hindi talaga mapapasayo lahat, at un ang hindi ko talaga linya.😛 Kung may swimming lang, dun lang ako makakasali.🙂 Hahaha!🙂

  6. batopik

    Haha! di ko matandaan na may intrams kami nung gradeskul, nung hayskul meron. hakhak. sempre wala akong isports. Toinks! masarap manood at sumigaw. haha. cheerer lng hehehe..

    hakhak. nak ng tokwa. palaging ganun naman.. grade 6 o 4th year nananalo. underdawgs! HAKHAK!!!

    Tem-i!
    Tikboy!
    Tenco!

    Hehe..

    HAPPY NEW YEAR!

  7. annshirley

    tenco, parang masyado yatang minamaliit nung 2 ang powers mo pagdating sa pisikalan ah.

    tikboy, am sure nagpacute ka talaga sa mga kaklase mo. wish ko lang di ka napagpagan ng mga mas malaki sayo.

    tem-i, kadiri nga ang maghilamos ng pawis. bakit na-try mo na ba talaga to? hehe

    pero sigurado ko magagaling talaga kayo sa basketball.. kahit anong klaseng ‘basketball’ pa yang nalalaman nyo hahahaha

    apir! apir! nice game!

  8. emilayskie

    Wala akong maalala sa intrams noong elementary. Ang nasa isip ko lang lagi ay yung fashion show at laban ng mga muse ng bawat class na nakasuot ng sports wear. At tulad nga ng sabi ni Tenco, puro tennis ang outfit. Basta short skirt, sweat or head bands, tapos raketa, pasok na sa theme. Ang iba di mo maintindihan kung sasali sa fashion show o pupunta lang ng palengke. Pero to be fair to them lahat naman sila beauties.

    Ang significant na intrams sa akin ay noong highschool na. Saktong-sakto ang sabi ni Tem-i. Walang pinakasasabikang premyo kundi ang karapatang mag-angas. Di ako kasama sa mismong sports activities pero lagi ako sa cheer dancing. Matindi ang labanan sa amin nito. Dugo’t pawis, minsan buhay ang puhunan. Bakit buhay? Kasi ako lagi ang hinahagis-hagis sa exhibition. Haha.. Ang liit at ang gaan ko kasi noon. Isang maling galaw pwedeng madugo ang resulta. ^_^

    Ang pinakamalaki kong participation ay ang cheering team para sa mga favorite crushes namin sa basketball at volleyball. Hahay! Ang daming naglalabasang fafables pag intrams! Isa siguro dun si Tenco.😄 Sa kakasigaw namin kaka-cheer, minsan hindi pa tapos ang intrams week, ang mga boses namin ay mala-Inday Garutay na sa paos.

    Pero ang pinakakakaiba talaga ay yung sinabi ni Tikboy. Napakaraming nagkakaron ng jowa pagtapos or during intrams. Isang linggo lang walang academics sapat na para sa buong proseso ng ligawan. Minsan di pa tapos intrams break na kagad. Hahahah..

  9. grasi

    happy new year!

    intrams nung elementary namin 3 days ata. pero di ako player pano kasi hikain ako nung bata. pero anlakas ko magmiron. para kasing nakalunok ng megaphone ang boses ko.

    and kakornihan ng school namin nun eh naka PE uniform sa first day. cyempre ang required for the next two days ay katulad din ng PE uniform. bawal ata ang shorts sa girls. isipin nyo gaano kahirap maglaro ng volleyball na naka jogging pants? mga madre talaga,oo!

    ang masaya na natatandaan ko nun eh nung lumaban kami sa cheering competition sa intrams nung freshman ako. cheering lang. mga lame ass moves na di katulad ngayon na parang mga acrobats na ang mga cheerers. ung unang laban eh inter-section, nanalo kami nun. kami representative ng year level namin. exciting kasi kami ung underdogs pero tanda ko nag2nd place kami. ang saya!!

    ngayon di na ko naglalaro ng sports. nanonood na lang. wala na kasing pinagpapakyutan eh.

    grasi

  10. alasais

    Grasi,

    Naka-jogging pants kayong nagbalibol?! Hirap nga nun! Dapat nag-maong nalang kayo para kwadrado ang mga galaw niyo.

    Pwede nating subukang mag-acrobat sa cheering. Ihagis natin si Tikboy (sisigaw ang mga miron, “Iderecho na sa basura ‘yan!”).

    – Tenco

  11. jeboy

    intrams namin nung elementary walang kuwenta.. nung naging grade 4 na ko saka nila tinanggal sa school.. focus daw sa acads! wala naman akong natutunan masyado bukod sa living at non-living things sa science, place value sa math at 7,107 islands sa hekasi.. nung primary bawal kami sumali sa sports.. field demonstration lang.. kaya nung grade 3 sumisigaw lang ako sa bench ng kaibigan kong grade6.. sumisigaw kami sa mga kalabang matatanda ng “tatay uwi ka na daw sabi ni nanay!” tapos kapag may mag free throw na kalaban sasabayan namin yung pag shoot niya ng “UNGGOY!” kaya yun.. puro pang-aasar lang nagawa ko..

    jeboy

  12. alasais

    Jeboy,

    Sana in-expel niyo nalang ‘yung mga titser niyo, at ang ginawa niyong field demo ay isports ang tema (para 2 in 1).

    – Tenco

  13. alasais

    Jeboy,

    Tinanggal ang intrams?! Saang eskwelahan yan? Sabihin mo samen at babatuhin namin ng tae sa paperbag na umaapoy!

    Tem-i of Alasais

  14. alasais

    Kirsten,

    Mukhang nerd ang eskwelahan niyo at takot na takot mawalan ng klase ng mahigit isang araw.

    Championship agad ampucha haha! Opening sa umaga tapos awarding sa hapon.

    – Tikboy

  15. alasais

    Batopik,

    Mahalaga rin naman ang mga cheerers sa intrams lalo na saming mga manlalaro. Wala kaming pagpapakyutan kung wala kayo.

    Happy New Year rin sa’yo!

    – Tikboy

  16. alasais

    Annshirley,

    Nagpakyut talaga ko sa mga kaklase ko. Kahit nga hindi ko kaklase eh. At hindi ako napagpapagan ng mga mas malalaki sa’kin dahil tropa ko rin sila. Kailangang kaibiganin ang kompetensiya.

    – Tikboy

  17. alasais

    Tenco,

    ‘Wag ka nang magpalusot na dahil nasa balibol ang crush mo eh dun ka na rin sumali. Bobo ka lang talaga sa basketbol dahil bading ka.

    Lam ko ring sikreto mong pinangarap na makasali sa cheering squad at nag-enjoy ka sa project niyong pompoms.

    – Tikboy

  18. alasais

    Tikboy,

    I-shoot ko kaya ang makeup kit sa mukha mo.. Sabay abot sa’yo ng pompoms para i-cheer si Tem-i bilang ‘most active’. Miron ampucha.

    – Tenco

  19. annshirley

    sanyong 3 sino ang pinakapogi? ang pinakabida noong intrams? sige simulan na ang pagbuhat ng bangko hehehe

  20. alasais

    Ann,

    Si Tenco ang pinakapogi samin dahil mahilig siya kumain ng saging. Magaling din siya umakyat ng puno…haay Tenco…

    Tem-i of Alasais

  21. alasais

    Tophee,

    Ok lang yan. Basta ang mahalaga ay nakakapagbaon ka ng Zest-o at humahalo yung pula ng hotdog sa kanin, diba?

    You rock, Tophee!

    Tem-i of ALasais

  22. reeyah

    ang saya! nung grade school kami five days yung intrams, tapos nung hs ginawang three days na lang ang corny. tapos sa opening ceremony may cheering competition pero nung gumraduate nako tinanggal daw. naging cheering exhibition na lang. competition nga ang point ng intrams diba? tapos tinanggal. bleh.

    gusto kong nagchi-cheer lang. di ako sumasali sa laro. pinasali ako sa games of the general nung grade four ako kasi ako lang marunong maglaro. natalo ako. duh. haha. keri lang. masaya naman eh. pwedeng-pwede pa magdala ng baraha, pocketbook, board games. saya😀

    panalo itong entry na ‘to. tagal na rin akong di nakakabasa ng blog na ito…

  23. alasais

    Reeyah,

    Tama ka diyan. Pwede nga magdala ng braha no’n. Kapag wala pang laro ay nagpupusoy lang kami at tong-its sa classroom o kaya naman sa bleachers ng gymnasium. Pag nagsimula ng ang mga laro ay pustahan naman ang laro naman para masarap ang kantiyawan.

    Salamat sa pagdalaw sa Alasais. Tumambay ka lang dito mare, ‘saya dito…

    Tem-i of Alasais

  24. christina

    nakakatuwa naman ito. ^^

    isa pang hindi ko malimutan pag intrams ay yung mga marriage booth, jail booth, kissing booth at kung anu-ano pang booth! nakakalungkot nga lang at ni minsan ay di pa ko nakasal sa marriage booth, amp.

    naalala ko rin, nung CAT volunteer pa ko, kami ang nanghuhuli ng mga “ikakasal.” may isa pa non, sabi sakin magpanggap daw akong mahirap nahirapan akong hulihin siya dahil pakipot kasi sa totoo lang ay crush niya yung “mapapangasawa” niya at ayaw niyang magmukhang malandi. pambihira.

    sa games naman, minsan lang akong sumali kasi hindi talaga ako sports-bodied o sports-minded. madalas din na may ginagawang extra-curricular na academic echos pag intrams namin. hay, ang korni ng high school ko.

    panalo talaga kayo! idol! ipagpatuloy niyo ‘to ha! happy new year sa inyo =)

  25. alasais

    Christina,

    Hehe, kissing booth ba? Klasik yun a. Sa fair naman yun ginaganap sa aming skul. Madaming booth sa fair namin nun – lahat ng sinabi mo, dagdagan mo pa ng shower booth, toothbrush booth, bigas donation booth, tabas ng damo booth at madami pang iba…

    Enjoy our new blogs every Friday, Christina!

    Tem-i of Alasais

  26. alasais

    Christina,

    Naalala ko tuloy ‘yung kaklase ko dati. Nerd ‘yun pero gusto niyang sumali sa intrams para may plus points siya. Ayun, puro sugat kinabukasan.

    – Tenco

  27. annshirley

    mukhang mahinhin si tikboy ah. baka naman pinagtutulungan nyo lang siya tem-i at tenco kasi siya ang pinaka-yummy sanyong 3 hahahaha

  28. kirsten

    tikboy,,

    hahahaah! tama ka.. kase yung mga laro magaganap sa hapon ng linggong yun.. at eventually may klase sa umaga T_T.. tapos yung INTRAM namen,,kadalasan friday yun at championship sa umaga awarding sa hapon.. ang mahal ng jersey tapos every year syempre iba-iba tapos isang araw lang,… ang tae soobra!

  29. alasais

    Annshirley,

    Tama ka at ako ang pinaka-yummy sa aming tatlo. Ganyan talaga kapag mga panget diba, inggetero at sisiraan ka.

    Huwag kang maniwala sa mga ungas na yan!

    – Tikboy

  30. alasais

    Kirsten,

    Ang kapal rin ng mukha ng iskul niyo at pinapagawan pa kayo ng jersey at mahal pa.

    Dapat ‘yung jersey niyo nung grade 1 yun na rin jersey niyo hanggang 4th year hayskul. Ambobo rin ng principal niyo eh.

    – Tikboy

  31. darlene

    ahmm..sya nga nman pag intrams..lalo n ung intrams nmen last nov. ang gling gling nmen esteh ung players nmen grandslam kme..hahaha kya ang section nmen eh ckat n ckat..syempeh ang gling din nmeng chirer ang saya nung mang buska at mang inis ng player ng klban..

    wel after nung pag ka grandslam nmen, hanep daeng pera s claspan nmen, qmaen kme nun s lbas chibugan srap.habang chumichibog halos nabibilaukan n ung iba qng clasm8 n player s pag yayabang..

    smantla aq nanahimik at qmakaen nlng ng thimik, at hindi nagsasalita, kc nman paos n paos aq kakacgaw..

    hay garabeh ang saya pag intrams…

    ….pahabol ang ganda gnda ng uni4m nmen nun turtle neck w/ ribal s lkod..ckat n ckat uni4m nmen nun garabeh…..

  32. anakngpating

    kami din ang intrams namen 1 day lang …

    nung high school hindi din pwedeng hindi ako kasali sa cheering squad hehe kasi sayaw lang ang alam ko eh …

    pero nung 3rd year high school ako sumali ako sa softball anak ng pating sumali nga ko hindi naman ako nakalaro bangko lang …every time na may praktis nagprapraktis nmn ako kaya nwalan na ko sumali nung sumunod na intrams sa school hehe…

    meron tlga pag dating ng intrams may nagliligawan sa loob ng clasrum yun tpos kunwari nag uusap lang maya-maya mag ka holding hands na at mag kaakbay sabay lalabas ng room hehe3kkkk
    😄

    mis ko ang high school life…

  33. alasais

    Lizel,

    Ayan naalala ko tuloy ‘to…

    Sabay-sabay…

    “High school life, on my high school life
    Ev’ry memory, kay ganda
    High school days, oh my high school days
    Are exciting, kay saya

    There are times, may problema ka
    Kung ang homework, left undone
    Pray ka lang, ‘wag tawagin ka
    Upang di pagtawanan

    High school love my one high school love
    Not infatuation or crush
    Tunay ‘to s’ya ang buhay ko
    ‘Di n’yo lang alam ako’y nagba-blush

    Bakit nga ba ang first love ko
    Ay ‘di serious, so it seems
    Kung alam lang ng first love ko
    He is always in my dreams

    Ang saya ng high school
    Same in yours and my school
    ‘Di na mapapantayan
    T’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
    Alaala kailan man

    High school life, on my high school life
    Ev’ry memory, kay ganda
    High school days, oh my high school days
    Are exciting, kay saya

    High school life, ba’t ang high school life
    Ay walang kasing saya?
    Bakit kung graduation na’y
    Luluha kang talaga?

    High school life, ba’t ang high school life
    Ay walang kasing saya?
    Bakit kung graduation na’y
    Luluha kang talaga?

    Ang saya ng high school
    Same in yours and my school
    ‘Di na mapapantayan
    T’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
    Alaala kailan man

    High school life, on my high school life
    Ev’ry memory, kay ganda
    High school days, oh my high school days
    Are exciting, kay saya

    High school life, ba’t ang high school life
    Ay walang kasing saya?
    Bakit kung graduation na’y
    Luluha kang talaga?”

    – Tenco

  34. ayeneyetch

    ah punyemas! naiinggit ako sa inyo! pano, walang intrams sa school! putek. wala kong pakelam sa prinsipyo nilang dapat academic lng priority dun sa eskwelehan e putragis gusto ba nila kme mabaliw?! bihira na nga lang yung mag-enjoy e, pagkakait paba samen? badtrip. jologs ang Science high school na pinasukan ko. lang intrams! kaya mga bata, wag kayo papasok dun. :))

  35. mishes

    nagkaron kami nito nun hs eh.. meron kaming kakamping lower section.. 3rd year ata kami, tas 2nd year un kateam.. tas 1 lang un niready naming muse kasi kala namin 1 lang.. so kelangan manghila pa.. meron 1 taga 2nd year na kinuha namin tas sabi di daw xa ready, pero napilit pa rin.. naloka lang kami kasi may baon xang “tennis outfit” – di xa maxadong ready ng lagay na yun! hhehe..🙂

  36. Diona

    natawa ako sa row 4. samin kasi row 5. kaya nagka row 5 na staple dahil sakin (un ang paniniwala ko ha), kung saan mainstay ako. parang pag taga row 5 ka, wala ka nang redeeming factor. sentensya ba, kumbaga. pero masaya naman kasi kami ang source lagi ng katatawanan. un nga lang, ingat ingat kasi baka manganib sa graduation.

  37. alasais

    Diona,

    Aba, mga matitindi pala kayong mga taga-row 5 eh. Siguro may sariling mundo kayo dyan? ‘Yung tipong All About Us (English book) ang hawak namin tapos Sibika at Kultura na may mga drawing ni Ultraman ang tinitingnan niyo?

    – Tenco

  38. TunYing

    Di ko nga alam kung ano yung intrams dati eh, yun pala eh pina-iksing intramurals o sportsfest! Pinahirap pa, laro lang pala! (hehehe)
    Anyways, marami din ako karanasan sa intrams (sportsfest), nung elementary ako nagtryout ako sa basketball team namin, sinuwerte ako’t napili ako (although pinilit ko lang yung assistant coach na isama ako)para mapasama sa lineup. Kaso nung araw mismo na lalaban na kami, nilagnat naman ako. Malas. Ayun, sinamahan tuloy ako ng aming PRINCIPAL pauwi sa bahay namin. Kakahiya.
    Highschool, iba labanan dito, by year hindi katulad nung elementary ako na ibang school ang kalaban. Dito na papasok yung sinasabi ninyong pagpapa-cute, pagpapa-pogi sa mga girls lalo na yung mga magagaling sa basketball. Makikilala mo kung sino yung sikat na sikat sa mga babae. Pakinggan mo lang yung tili nila tuwing titira yung guy. Eh halos ng mga kaklase kong magaling magbasketball eh gwapo. Sabi ng ang isa kong kaklaseng babae “buti na lang magaling sila sa athletics kahit mahina sa academics” kumambyo ako ng “ako din magaling sa athletics” aba’t bigla ba naman niyang sinabi na “sa academics ka lang magaling…” Buti na lang at napag-aralan ko na yung pagkontrol sa galit kundi nabigwasan ko sya… hehehehe…
    At totoo yung pag intrams dito pumapasok yung mga tamad pumasok. Ako kahit di naglalaro, pumapasok pa rin ako kasi iba ginagawa namin ng barkada ko nun. Naglalaro kami ng ibang laro- marco polo, baraha, gameboy, atbp. Minsan nga nahuli kami ng isang titser, kino-comfiscate yung baraha ng kaklase ko, sa asar niya binato niya yung baraha sa mukha ng titser namin… buti na lang at di sya sinumbong at kung hindi suspended siya… di ako damay kasi miron lang ako nung oras na yun… hehehe…
    Hindi sa hindi kami naglalaro pag intrams kaso yung magagaling lang talaga ang nag-uusap kung sino maglalaro, kaming mga kaklase nilang di gaanong magagaling eh itsapwera agad! Kaya kapag may laro sila alam nyo ginagawa namin? imbes na magcheer o sumuporta… Nandun kami sa hallway, natutulog! >_<
    Isa lang ang gusto ko pag intrams maliban sa isang linggong walang pasok, nakikita ko yung mga magagandang babae na nakasuot ng maiigsing shorts. WOW!!! SEXY!!!

  39. alasais

    Allan,

    Hahahaha! Pasok ang kwentong intrams mo! Talagang principal ang naghatid sa’yo pauwi! At may nambato ng baraha sa mukha! Hahahaha! Ayos ‘to pare, galing ng comment mo!

    – Tenco

  40. TunYing

    Hiyang hiya ako nun pagpasok ko… sabi ng mga kaklase “ihahatid ka daw ulit ni mam” sabay tawanan… asar… kaya ayun… para makaganti, nililista ko silang lahat sa noisy list pag ako nakatoka!

    Yung kaklase kong nambato matindi talaga yun! hahahaha…

  41. Snowden

    Nung elem kami walang intrams.nyeta wala akong extended day para pumetix.buti nalang nung highscho0l sibilisado ang mga guro kaya alam nila ang salitang sp0rts fest!
    Yan ang time na naambunan kami ng libreng cupcake at zest-o galing faculty na matagl na atang naka st0ck..infairness masarap yung cupcake para ka lang ngumangata ng ipis!KEWL!

    Wala kaming uniform..kaya yun ang time para ipasikat ko ang mga signatured jersey nila j0rdan at pippen.haha

    Mawalang galang na naglalaro din ako ng volleybal.hindi bale ng mapilayan,matamaan lang mukha nila hanggang pumut0k ngus0 at kilay nila..

    Nung naglaro kami ng basketbal.natawa ako kay din0s0ur baliktad ang suot ng jersey.haha.nasa harap yung lik0d.tul0y talo ub0s lakas namin kakatawa kay dino..pakyu men.haha..

    Ang ayaw ko lang pag sp0rts fest mer0n kaming field dem0.nagmumukhang kahiya hiya ang mga binatang pilit nagpapacute habang may hawak na p0mp0ms.sheeet!

  42. alasais

    Snowden,

    Hahaha calisthenics ba ‘yan? Wala kang choice kundi isuot ang costume niyong dinisenyo ng korni niyong kaklase. Light blue at light pink na damit at sumbrerong gawa sa cartolina! Klasik talaga na kapag row 4 ka e sa harap ka ilalagay ng titser mo. Tapos ‘yung barkada mo magpapatatawa tapos matatawa ka na rin. Tapos lalong magagalit ‘yung titser mong matandang dalaga. Sapul na sapul e.

    – Tenco

  43. TunYing

    Snowden,

    buti ka pa nakapag-suot ng jersey nila jordan at pippen… ako hanggang damit ng pang-liga… hahahaha… nung college naman may jordan 19 shoes ako di ko rin nagamit kasi di ako komportable… lahat naka-tingin sa akin… inaabangan akong du-munk! hehehehe…

  44. joshua

    mas mganda ung ngyari skin nung intram,ng-champion kc ako badminton .Alam mo ung feeling na iyon ..
    ……,ang hirp e-explain eh….
    …..

  45. Julia

    Ako naman po nag champion sa taekwondo noong nakaraang intrams namin hehehe pero after nung laban shit marley,ouchy sakit nang body ko men..pero okz lang kasi ako ang nanalo hahaha..sakin parin ang huling halakhak..yey for the win..

  46. Julia

    Aumh inggit naman po ako sa mga skul nyo kasi may diffirent kinds na booth tapoz mga 5 days pa ang intramz nyo ek kami 2days lang huh huh tapoz bugbug pa body mo sa super kakapagod na praktis..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s